You are on page 1of 9

Republic of the Philippines

Department of Education
Region V-Bicol
Schools Division Office
Camarines Norte
Eco Athletic Field, F. Pimentel Ave., (054) 440-1772/(054)440-4464
Dae, Camarines Norte DepEd Camarines Norte

Grades School STA. ELENA INTEGRATED Grade level 11 SEMESTER 1


1 to SCHOOL
12 DAILY Teacher KAYE C. ASARAL Learning Area FILIPINO SA PILING LARANGAN-
LESSON PLAN AKADEMIK
Teaching Date and Time NOVEMBER 23-24, 2022/ 1:00 PM-2:00 PM

I.LAYUNIN

Natitiyak ang angkop na


A.Pamantayang
Pangnilalaman

proseso ng pagsulat ng
piling sulating
akademiko
Natitiyak ang angkop na
proseso ng pagsulat ng
piling sulating
akademiko
Natitiyak ang angkop na proseso ng pagsulat ng piling sulating akademiko

Nakasusulat ng 3-5 na sulatin


B.Pamantayan sa
Pagganap

mula
sa nakalistang anyo na nakabatay
sa pananaliksik
Nakasusulat ng 3-5 na sulatin mula sa nakalistang anyo na nakabatay sa
pananaliksik
C. Mga Kasanayan 1. Nabibigyang-kahulugan ang mga terminong akademiko na may kaugnayan
sa Pagkatuto sa
piniling sulatin. CS_FA11/12 PT-Om-o-90
II. NILALAMAN POSISYONG PAPEL
III. KAGAMITANG
PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga Pahina sa Walang gabay ng guro
Gabay ng
Guro
2. Mga Pahina sa Pahina 1-22
Kagamitang
Pang-Mag-aaral
3. Mga
Pahina sa
Teksbuk
4.
Karagdagang
Kagamitan mula
sa Portal Learning
Resource
B. Iba Pang
Kagamitang
Panturo
IV.PAMAMARAAN
A. Balik-aral sa Sabihin ang nakaraang aralin at ibahagi sa klase.
nakaraang aralin
at/o pagsisimula
ng bagong aralin.
B. Paghahabi Panuto: Isulat ang salitang TAMA kung ang pahayag ay nagpapakita ng
sa layunin ng katotohanan at isulat naman ang MALI kung ito ay nagpapahayag ng
aralin kabalintunaan.
Isulat sa kuwaderno ang iyong sagot.
_________1. Ang posisyong papel ay maaaring nasa simpleng anyo ng liham
sa
editor o kaya naman ay sanaysay.
_________2. Magsalaysay ng kuwento sa mga mambabasa ang isa sa mga
layunin
ng posisyong papel.
_________3. Isa sa mga katangian posisyong papel ay gumagamit ng mga
akademikong lenguwahe.
_________4. Ang posisyong-papel ay nakabatay sa kuro-kuro o opinyon ng
isang
manunulat.
_________5. Sa pagsulat ng posisyong papel, kailangang pag-aralang mabuti
ang
pagbuo ng mga argumento at ang organisasyon ng papel.
_________6. Kailangan munang tukuyin ang isyu o paksang magiging tuon
bago
magsusulat ng posisyong papel.
_________7. Ang nasabing sulatin ay gumagamit ng personal na atake upang
siraan ang kabilang panig.

_________8. Maaaring gumamit ng isang balangkas kapag nagsusulat ng


posisyong papel.
_________9. Hindi nangangailangan ng masusing pagsusuri ng manunulat
ang mga
kalakasan at kahinaan ng sariling posisyon maging sa kabilang panig
ang isang posisyong papel.
_________10. Ang introduksyon o panimula sa ganitong uri ng sulatin ay
nararapat
na nakapupukaw ng atensiyon ng mambabasa.
_________11. Ang pagsaalang-alang ng etika ay kinakailangan sa pagbubuo
ng
isang posisyong papel.
_________12. Nararapat na simulan ang pagsulat ng panimula sa isang
posisyong
papel sa paraan ng pagbubuod ng mga argumento.
_________13. Sa bahaging kongklusyon ng nasabing sulating papel, muling
ilahad
ang mga pangunahing argumento at patatagin ang introduksyon at
katawan ng papel.
_________14. Sa pagsulat ng isang posisyong papel, kailangang kilalanin ang
tagapakinig upang mapag-isipan ang argumentong ilalahad.
_________15. Ang posisyong papel ay isang balita na naglalahad ng opinion
tungkol sa isang paksa o usapin.

C. Pag-uugnay Panuto: Basahin at unawain ang halimbawang akademikong sulatin na


ng mga makikita sa
halimbawa sa ibaba. Sagutin ang mga tanong at isulat ito sa iyong kuwaderno.
bagong aralin Panatilihin ang asignaturang Filipino sa kolehiyo: Huwag patayin ang
pambansang karapatan ng wikang Filipino, mga guro ng Filipino, Kabanatang
Filipino at mamamayang Pilipino.
Paninindigan ng Kagawaran ng Filipinohiya ng Politeknikong Unibersidad ng
Pilipinas, Samahan ng mga Batang Edukador ng Wikang Filipino at mga
Sining sa
Pilipinas, PUP Sentro sa Malikhaing Pagsulat at PUP Ugnayan ng Talino at
Kagalingan.
Peligrosong hakbang ang ginawa ng Komisyon sa Lalong Mataas na
Edukasyon (CHED) nang alisin ang asignaturang Filipino sa inilabas nilang
Memorandum Order Blg. 20 na may petsang Hunyo 28 serye 2013.Bagaman
sinasabi ng komisyong nabanggit na maaaring maituro sa Ingles o Filipino ang
mga
asignaturang binalangkas nila, bilang halimbawa ay ang Purposive
Communication
na nakapaloob sa nilikha nilang bagong kurikulum, nababatid naming na
pagaagawan-agawan pa ito ng napakaraming guro sa Filipino at Ingles sa
mga kolehiyo
at Unibersidad, at magdudulot pa ito ng hindi pagkakaunawaan , pagtatalo at
ang
masaklap pa pa’y aangkinin lamang ito ng mga departamento ng Ingles sa
mga
unibersidad at kolekiyong mabuway ang Filipino dahil halata namang
nakahiling ang
Purposive Communication sa Ingles.Sa hakbang na ito, tila unti-unting
nilulusaw ang
mga natatg na Kagawaran/Departamentong Filipino sa mga Kolehiyong at
Unibersidad sa Pilipinas.
Higit pa rito, maraming mga guro sa Filipino, partikular na sa PUP, ang
mawawalan ng trabaho at mababawasan ng kita. Hindi pumapayag ang
Kagawarang Filipinohiya ng PUP na mangyan ang mga bagay na ito sapagkat
malinaw na isinasaad sa 1987 Konstitusyon ng Pilipinas Artikulo XIV itinakda
ang
Filipino bilang wikang pambansa ng Pilipinas.
Katanungan:
1. Ano-anong argumento ang sumusuporta sa tesis na ito?
2. Bilang isang mag-aaral, ano ang iyong opinyon tungkol sa isyu ng
pagtatanggal ng asignaturang Filipino sa Kolehiyo?
-Halaw mula sa Posisyong Papel ng
Kagawarang Filipinolohiya ng Politeknikong
Unibersidad ng Pilipinas, Pagtatangal ng Filipino sa
mga Kolehiyo at Unibersidad
Posisyong Papel
D. Pagtatalakay Ang posisyong papel ay sanaysay na naglalahad ng mga opinyon tungkol
ng bagong sa partikular na paksa o usapin. Kailangang pumosisyon sa isang panig.
konsepto at Halimbawa,
paglalahad ng naniniwala kang nakagagamot ang marijuana kaya isinusulong mo ang
bagong pagamit nito
kasanayan sa medicina o kaya bapor ka sa divorce. Anuman ang posisyon, kailangang
#1 magbigay ng malinaw at matatag na mga argumento at mga makatwirang
ebidensiyang susuporta sa mga ito sa kabuuan ng papel.
Ang layunin ng posisyong papel ay kumbinsihin ang mga mambabasa na may
saysay at bisa ang mga argumentong inihain sa kanila. Ang argumento ay
pahayag
na ginagamit upang mahikayat at mang impluwensiya ng iba upang ipaliwanag
ang
mga dahilan sa pagkiling sa isang posisyon.
Kailangang pag-aralan mabuti ang pag buo ng mga argumento at ang
orginisasyon ng papel. Kailangang alam din ang mga argumento ng kabilang
panig.
Ito ay upang mapabulaanan ang mga ito o mapahina ang kanilang bisa.
Mahalagang
ipaalam sa mga mambabasa ang kasapatan ng kaalaman tungkol sa paksa.
Ang posisyong papel ay maaaring nasa simpleng anyo ng liham sa editor o
kaya naman ay sanaysay. Maaari din naming mas masalimuot (complex) ang
anyo
nito, tulad ng akademikong posisyong papel o opisyal na pahayag na
binabasa sa
mga pandaigdigang kumperensiya. Karaniwang ginagamit ng malalaking
organisasyon ang posisyong papel upang isapubliko ang kanilang opisyal na
paniniwala, posisyon o rekomendasyon.
E. Pagtatalakay Katangian ng Posisyong Papel
ng bagong Ang posisyong papel ay may mga sumusunod na katangian:
konsepto at  Naglalarawan ng posisyon sa isang partikular na isyu at ipinapaliwanag ang
paglalahad ng basehan sa likod nito.
bagong  Nakabatay sa fact (estadistika, petsa, mga pangyayari) na nagbibigay ng
kasanayan #2 matibay na pundasyon sa mga inilalatag na argumento.
 Hindi gumagamit ng mga personal na atake upang siraan ang kabilang
panig.
 Gumagamit ng mga sangguniang mapagkatitiwalaan at may awtoridad.
 Sinusuri ng manunulat ang mga kalakasan at kahinaan ng sariling posisyon
maging ang sa kabilang panig.
 Pinaglilimian ng manunulat ang lahat ng maaaring solusyon at
nagmumungkahi ng mga maaaring gawin upang matamo ang layunin.
 Gumagamit ng akademikong lengguwahe.
Pagsulat ng Posisyong Papel
Bago magsulat ng posisyong papel, kailangan munang tukuyin ang isyu o
paksang magiging tuon ng papel.kapag malinaw na ang paksa, magpasiya
kung ano
ang magiging posisyon. Sa introduksyon, talakayin ang kaligiran at
kahalagahan ng
paksa at ilahad ang iyong posisyon o ang tesis ng sanaysay. Isulat ito sa
paraang
nakapupukaw ng atensiyon.
Simulan ang katawan ng posisyong papel sa pamamagitan ng pagbubuod ng
mga argumento ng kabilang panig, at pagbibigay ng mga impormasyong
sumusuporta sa mga pahayag na ito. Pagkatapos, pahinain ang mga
argementong
ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga ebidensiyang sumasalungat sa
mga ito.
Ang susunod na bahagi ang laman ng posisyong papel. Dito iisa-isahin ang
mga argumento, opinyon at suportang detalye. Maaaring maging gabay ang
sumusunod na balangkas:
A. Ilatag ang matalino at pinag-isipang opinyon
1. Ilahad ang matalino at pinag-isipang opinyon
2. Ilatag ang tatlo o higit pang suporta o ebidensya
B. Ilatag ang pangalawang argumento
1. Ilahad ang matalino at pinag-isipang opinyon
2. Ilatag ang tatlo o higit pang suporta o ebidensya
C. Ilatag ang pangatlong argumento
1. Ilahad ang matalino at pinag-isipang opinyon
2. Ilatag ang tatlo o higit pang suporta o ebidensya
Isaalang-alang ang mga magbabasa ng posisyong papel. Sila ba ay mga
guro, kapuwa estudyante o iba pa? Ang pagbuo ng matibay na argumento ay
nakasalalay sa pagkilala kung sino ang mambabasa. Maaaring tanungin ang
sarili:
Ano ang paniniwala at pinahahalagahan ng mga mambabasa? Ano kayang
argumento ang kanilang pinapaboran? Ano ang kahalagahan ng paksa sa
kanila?
Paano maaapektuhan ng usapin ang kanilang mga interes? Anong ebidensiya
ang
mas pinaniniwalaan nila?
Sa kongklusyon, muling ilahad ang mga pangunahing argumento at patatagin
ang introduksiyon at katawan ng papel. Hindi na kailangang magbigay pa ng
mga
bagong impormasyon sa bahaging ito. Sa bahagi ding ito, magmungkahi ka ng
mga
solusyon sa nakikitang problema.
Kailangan ding isaalang-alang ang etika sa bubuuing posisyong papel.
Iwasan ang pag-atake sa katauhan ng sinumang may salungat na opinyon.
Ang
ganitong pag-atake ay tanda ng kawalan ng respeto at pagkakaron ng
mahinang
argementong sinusuportahan ng mga ebidensya at iwasang baluktutin ang
mga
impormasyon.
(Ang kabuuang nilalaman nito ay maaari mong basahin sa aklat na “Pagsulat
sa
Filipino sa Piling Larangan: Akademik sa pahina 41-43, (Karapatang-ari 2016
ng DIWA

F. Paglinang sa Panuto: Tukuyin at sagutin ang mga sumusunod na katanungan.


Kabihasaan 1. Sa iyong sariling pananaw, ano ang posisyong papel?
(Tungo sa
Formative 2. Maaari bang manatiling neutral ang manunulat sa pagsulat ng
Assessment)) posisyong
papel? Pangatwiranan ang iyong sagot?
3. Paano mo mapatitibay ang iyong mga argumento sa posisyong
papel?
4. Isa-isahin at bigyang kahulugan ang terminong akademikong
ginamit sa
tekstong iyong binasa gamit ang talahanayan na makikita sa ibaba.

G. Paglalapat
ng aralin sa pang-
araw-araw na
buhay
H. Paglalahat REPLEKSIYON
ng Aralin

I. Pagtataya ng Panuto: Isulat ang salitang TAMA kung ang pahayag ay nagpapakita ng
Aralin katotohanan at isulat naman ang MALI kung ito ay nagpapahayag ng
kabalintunaan.
Isulat sa kuwaderno ang iyong sagot
____1. Hindi gumagamit ng personal na atake upang siraan ang
kabilang panig ang
isang posisyong papel.
____2. Nakabatay sa fact o katotohanan ang isang posisyong papel na
nagbibigay
ng matibay na pundasyon sa mga inilatag na argumento.
____3. Isa sa mga katangian nito ay gumagamit ng mga akademikong
lenguwahe.
____4. Ang posisyong papel ay maaaring nasa komplikadong anyo ng
liham sa
editor o kaya naman ay sanaysay.
____5. Sa pagsulat ng posisyong papel, kailangang pag-aralang mabuti
ang
pagbuo ng mga argumento at ang organisasyon ng papel.
____6. Kailangan munang tukuyin ang isyu o paksang magiging tuon
bago
magsusulat ng posisyong papel.
____7. Ito ay nakabatay sa kuro-kuro o opinion ng isang manunulat.
____8. Ang isang sanggunian ay hindi na kailangan pa sa pagsulat ng
posisyong papel.
____9. Sa bahaging kongklusyon ng nasabing sulating papel, muling
ilahad ang mga
pangunahing argumento at patatagin ang introduksyon at katawan ng
papel.
____10. Sa bahaging wakas ng isang posisyong papel, nararapat na
talakayin ang
kahalagahan at kaligiran ng paksa at ilahad ang iyong posisyon o ang
tesis
na sanaysay.

J. Takdang- MANALIKSIK TUNGKOL SA PARAAN NG PAGSULAT NG LAKBAY


aralin/ SANAYSAY.
Karagdagang
Gawain
V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng
mag-aaral na
nakakuha ng
80% sa
pagtataya.
B. Bilang ng
mag-aaral na
nangangailangan
ng iba pang
gawain para sa

remediation.
C. Nakatulong
ba ang
remedial?
Bilang ng mag-
aaral na
nakaunawa sa
aralin.
D. Bilang ng
mag-aaral na
magpapatuloy
ng remediation.
E. Alin sa mga
istratehiyang
pagtuturo ang
nakatulong ng
lubos? Paano ito
nakatulong?
F. Anong
suliranin ang
aking naranasan
na solusyonan
sa tulong ng
aking
punungguro at
superbisor?
G. Anong
kagamitang
panturo ang
akin naidibuho
na nais kong
ibahagi sa mga
kapwa ko guro?

Inihanda ni: Itinala at iwinasto ni: Kinilala ni:

KAYE C. ASARAL MILDRED V. DATINGALING LUNINGNING B. ACAL

Teacher II MT-II/English Dept. Head Principal I

You might also like