You are on page 1of 4

MALIKHAING PAGSULAT

Reporter: Jerick B. Dimaandal

ANG PAGTUTURO NG PAGSULAT

PAGSULAT

 Ang pagsulat ay isang komunkatibong kasanayan at interaktibong kagalingang nililininang sa


isang tao,mula noon hanggang sa kasalukuyan.

 Isa itong pambihirang gawaing pisikal at mental dahil dito mo isinasagawa ang nais ipahayag sa
tulong ng paglilipat ng kaalaman sa isang papel o anumang kagamitan na maaaring pagsulatan.

MGA SALIK SA PAGSASANAY SA PAGSULAT

 Ang kasanayan sa pagsulat ay mahalaga sapagkat salamin ito ng ating pagkatao. Ito ang
nagpapakilala ng ating sarili at identidad.

Paksa/ Tapik (Topic)

 Ang paksa ang pokus ng pagsulat. Kailangan sa paksa ay may sapat na kaalaman o
impormasyon upang maging epektibo ang gagawing sulatin.

 aklat, newspaper, dyornal, o mga impormasyong nakalap buhat sa mga pagmamasid o personal
na mga karanasan.

Layunin (Objective)

 Nakabatay sa layunin kung ano ang maaaring nilalaman at patutunguhang kaisipan o diwa ng
pagsulat. Masasalamin dito ang ang nais ipahayag ng manunulat sa kanyang pagsulat.

Wika (Language)

 Ang wika ang instrumento sa pagpapahayag. Kailangan may sapat na kaalaman at


kasanayan sa wikang gagamitin upang maging epektibo ang pagsulat.

Kaisahan (Unity)

 Dapat may isang paksang tatalakayin sa kabuuan ng pagsulat at may isang diwa na
sinasaad upang maging malinaw at mabisa ang isang sulatin.

Kakipilan (Coherence)

 Ang pagkakaugnay-ugnay ng mga pangungusap at mahusay na pagkakahanay ng mga


ideya o pangyayari sa isang sulatin. Mahalaga ang kakipilan sa isang pagsulat ng sulatin upang
maging malinaw ang diwa ng isang sulatin.
Diin (Emphasis)

 Ang diin ay ang pagbibigay ng higit na pokus sa pinakamahalagang kaisipan sa loob ng isang
sulatin.

MGA PANANAW SA PAGTUTURO NG PAGSULAT

Bakit dapat ituro ang pagsulat?

 Maraming bilang ng mga mag-aaral na palihim na nagrerebelde ang kalooban dahil kailangan
nilang mag-submit ng komposisyon. Ito ay karaniwang senaryo sa maraming klasrum at halos ay
hindi binibigyang-pansin ng maraming guro ng wika.

 Ang mga gawain sa pagsulat ay mahalagang daan upang mapagsama-sama at mapatibay ang
mga kasanayang natamo sa iba pang makrong kasanayan gaya ng sa pakikinig, pagsasalita at
pagbasa.

 Ang mga gawain sa pagsulat ay maaaring tagatala ng kung ano ang mga natutuhan sa
pagsasalita at nakatutulong din sa pagpapanatili ng mga patutuhang talasalitaan at mga
istruktura ng pangungusap.

 Ang pag-uugnay ng pagsulat sa iba pang mga kasanayang pangwika ay magbubunsod sa isang
reyalisasyon hinggil sa kahalagahan ng pagsulat sa tunay na buhay. e.g. pagsagot sa telepono at
pagtatala ng mensahe na nais ipahatid ng kausap sa telepono.

 Ang pagsulat ay isang mabisang paraan ng pagtataya para sa malaking bilang ng mag-aaral.

MGA HAKBANG SA MALIKHAING PAGSULAT

Paghahanda sa pagsulat

Wala na yatang pinakamabisang paraan ng paghahanda sa pagsulat kundi ang pagpaplano.

 Sa hakbang na ito,ang layunin sa pagsulat ang pag-uusapan ng mga taong kasangkot sa


pagsulat.Pagkatapos,mahalaga ang diskusyon o pagpapalitan ng kaisipan ukol sa paksang
susulatin.

 Mahalagang magkaroon ng direksyon sa pagsulat upang ang paksa ay magiging focus ng


susulating sulatin o teksto ay maging organisado.

AKTWAL NA PAGSULAT

Ang paghahanda ng burador ay isa sa mga panimulang gawain ng aktwal na pagsulat ngunit
paano makasusulat kung wala pang datos na nakakalap?

 Istruktura at organisayon o kaisahan – Ang introduksyon o panimula ng susulating teksto ay


dapat na maging malinaw,organisado at lohikal.
 Ang nilalaman ay kailangang tumutugon sa layunin ng pagsulat, sa paksa/tema at sa
presentasyon ng datos.

PAG-EEDIT AT PAGREREBISA

Sa aktwal na pageedit at pagrerebisa,mahalagang ifokus ng manunulat ang kanyang sulatin o teksto sa


mga sumusunod: (1) interes,(2) kaisahan, (3) pag-uugnay-ugnay.

 Ayon kay Croghan(1976), ang teksto ay nagtataglay ng interes sa mga mambabasa o


nagpapasigla sa kanyang damdamin o saloobin. May kaisahan ang isang akda kung may isa
lamang paksang tinatalakay.

 Samantala, ang kaisahan ay nagpapakita ng pagkakaisa hindi lamang sa salita o pahayag ng


ginagamit ng manunulat kundi sa kabuuan ng akda o teksto.

PAG-EEDIT AT PAGREREBISA

 Sa pamamagitan ng pag-uugnay-ugnay ng mga pangungusap ay nabubuo ang isang akda o


tekstong lubos na makakakilala sa manunulat.
MGA GABAY NA TANONG

1. Ano ang kahalagahan ng pagsulat?


______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

2. Bakit kailangang ituro ang pagsulat? Ano ang maitutulong nito sa atin?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

3. Bakit kailangang mayroon tayong layunin bago sumulat?


______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

4. Ano ang maitutulong ng wika sa pagsusulat?


______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

5. Bakit kailangang matutunan ang mga hakbang sa pagsulat?


______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

6. Ano-ano ang mga kabutihang naidudulot ng pagsulat?


______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

7. Ano ang maitutulong ng pagsulat sa ating mga guro at sa mga mag-aaral?


______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

You might also like