You are on page 1of 23

Pagbasa at Pagsusuri

ng
Iba’t Ibang Teksto
Tungo sa Pananaliksik

Modyul 4 – Ikaapat na Linggo

Unang Markahan

KAGAWARAN NG EDUKASYON
REPUBLIKA NG PILIPINAS
Paunang Salita
Para sa Tagapagdaloy:

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga

edukador mula sa pampublikong paaralan upang gabayan ang gurong
tagapagdaloy na matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa

mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayan sa ika-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang

mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

Para sa Mag-aaral:

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.

Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang mga sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat.

2. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
3. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
4. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas may kaalaman sa aralin. Laging
itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

KAGAWARAN NG EDUKASYON
REPUBLIKA NG PILIPINAS
PANIMULA
Ang modyul na ito ay nakapokus sa pagpapaunlad ng kakayahan sa kritikal
na pagbasa at pagsusuri ng teksto upang maging daan sa pagsasagawa ng pagbuo
ng makabuluhang pananaliksik
Nakapokus ang pagtalakay sa mga tekstong lunsaran / babasahin ng may
malalim na pag-unawa at kritikal na pagsusuri na magiging gabay sa lohikal na
pagsulat. May mga inihandang mga pagsasanay at pagsusulit para subukin ang
kaalaman, kasanayan, kakayahan, komprehensyon at aplikasyon.
Ito ay isang integratibong pagtalakay bilang pagtugon sa mga hamon ng
bagong kurikulum na K-12. Ito ay tumutugon sa pangangailangan sa asignaturang
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik. Isang
interdisiplinaryong sanggunian na nakatuon sa mga makrong kasanayan ng
pagbasa at pagsulat na siyang lilinang sa komunikatibong kakayahan ng mga mag-
aaral sa Filipino sa pagbasa at pagsulat na kakanyahan. Layunin ng modyul na ito
na maibigay ang mga pangkaalamang matatamo sa pagkakatuto at pagtuturo ng
pagbasa tungo sa pananaliksik. Napapanahon na upang ang mag-aaral ay kumilos
at gumawa sa ganang sarili upang matugunan ang hamon ng edukasyon sa
panahon ng pandemya. Bilang pagtugon sa pangangailangan ng edukasyon ang
lapit o dulog sa paglalahad ng mga paksa ay inangkop sa mga kasanayang
pampagkatuto tungo sa pagpapataas ng antas ng kasanayan upang ang mga mag-
aaral ay maging palabasa at mapagsaliksik.

Ang Modyul na ito ay ginawa para sa mga mag-aaral na kumukuha ng

Asignaturang Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik.
Nakapokus ito sa pagpapaunlad ng kakayahan sa kritikal na pagbasa at pagsusuri
ng iba’t ibang teksto na gagamitin ng mga mag-aaral upang makabuo ng
makabuluhang pananaliksik sa mga piling paksa sa iba’t ibang larangan.
Layunin ng modyul na ito na matalakay ang mga sumusunod na lawak:
Modyul 4 : Tekstong Deskriptibo: Isang Masining na Paglalarawan
Aralin 17 : Kahulugan ng Tekstong Deskriptibo
Aralin 18 : Katangian ng Tekstong Deskriptibo
Aralin 19 : Uri ng Paglalarawan sa Isang Tekstong Deskriptibo
Aralin 20 : Apat na Kasangkapan na Ginagamit sa Malinaw na
Paglalarawan
Aralin 21 : Paraan ng Paglalarawan
Pagkatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Nakakukuha ng angkop na datos upang mapaunlad ang sariling tekstong
isinulat (F11EP-llld-36)
2. Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa binasang teksto sa sarili,
pamilya, komunidad, bansa at daigdig. (F11PB-llld-99)

KAGAWARAN NG EDUKASYON
REPUBLIKA NG PILIPINAS
Pa
unang Pagtataya:
Panuto: Tukuyin kung ano ang ipinapahayag sa loob ng pangungusap.
Titik lamang ang isulat sa bawat bilang.
___1.Dito inihahalintulad ang tekstong deskriptibo kung saan kapag nakita ng iba
ay parang nakita na rin nila ang orihinal na pinagmulan ng larawan
A. Larawang ipininta C. Larawang inimprenta
B. Paglalarawan ng tao D. Paglalarawan ng bagay
___2. Kung ang manunulat ay maglalarawan ng nakabatay lamang sa kanyang
imahinasyon at hindi nakabatay sa katotohanan.
A. Suhetibo C. Paglalarawan ng tao
B. Obhetibo D. Paglalarawan ng bagay
___3. Kung ang manunulat ay maglalarawan ng may pinagbabatayang
katotohanan.
A. Suhetibo C. Paglalarawan ng tao
B. Obhetibo D. Paglalarawan ng bagay
___4. Masisipag at matitiyaga sa gawain ang mga Asyano sa ibang bansa.
A. Larawang ipininta C. Larawang inimprenta
B. Paglalarawan ng tao D. Paglalarawan ng bagay
___5. Matatamis ang bunga ng manggang ipinasalubong sa amin ng aming lola.
A. Larawang ipininta C. Larawang inimprenta
B. Paglalarawan ng tao D. Paglalarawan ng bagay
___6. Ito ay paglalarawan sa pamamagitan ng mga detalyadong pamamaraan.
A. Teknikal C. Larawang inimprenta
B. Impresyonistiko D. Teknikal at impresyonistiko
___7. Ito ay naglalarawan sa pamamagitan ng pansariling pananaw.
A. Impresyonistiko C. Larawang inimprenta
B. Teknikal Subhetibo D. Teknikal at impresyonistiko
___8. Ang tekstong ito ay may layuning maglarawan sa isang bagay, hayop, tao
lugar , karanasan sitwasyon at Iba pa.
A. Teknikal C. Tekstong Deskriptibo
B. Impreson D. Teknikal at impresyonistiko
___9. Ang tekstong deskriptibo ay may isang malinaw at pangunahing _____
(reaksyon sa isang bagay)
A. Impresyon C. Larawang inimprenta
B. Teknikal Subhetibo D. Teknikal at impresyon
__10. Dalawang uri ng Tekstong Deskriptibo ay ________
A. Impresyonistiko C. Larawang inimprenta
B. Teknikal Subhetibo at Obhetibo D. Teknikal at impresyonistiko
__11. Dapat magkaroon ng masistemang pananaw sa paglalahad ng mga bagay na
makatutulong upang mailarawang ganap ang isang tao.
A. Cohesive Devices C. Pananaw ng Paglalarawan
B. Maayos na Detalye D. Isang Kabuoan o impresyon.
__12. Dahil ang layunin ng paglalarawan ay makabuo ng malinaw na larawan sa
imahinasyon ng mga mambabasa
A. Cohesive Devices C. Pananaw ng Paglalarawan
B. Maayos na Detalye D. Isang Kabuoan o Impresyon

KAGAWARAN NG EDUKASYON
REPUBLIKA NG PILIPINAS
13. Ito ang ginagamit ng manunulat o naglalarawan upang magkaroon ng mas
maayos at mas malinaw na daloy ng kaisipan sa isang teksto.
A. Cohesive Devices C. Pananaw ng Paglalarawan
B. Maayos na Detalye D. Isang Kabuoan o impresyon
14. Maaaring magkaiba ang paglalarawan ng isang tao, bagay pook, o pangyayari
salig na rin sa karanasan at saloobin ng taong naglalarawan.
A. Wika B. Subhetibo C. Obhetibo D. Maayos na detalye
15. Mahalaga ang paglalarawan sa tekstong ito dahil higit na nakatulong ito upang
mas malawak na maintindihan ng mambabasa ang mga imahe na nais
ipaisip
o iparating ng manunulat.
A. Cohesive Devices C. Pananaw ng Paglalarawan
B. Maayos na Detalye D. Isang Kabuoan o impresyon

Modyul Tekstong Deskriptibo:

4 Isang Masining na Paglalarawan

Ang Modyul na ito ay ginawa para sa mga mag-aaral na kumukuha ng

Asignaturang Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik.
Nakapokus ito sa pagtalakay sa Tekstong Deskriptibo at mga kaugnay na paksa na
may kaugnayan dito.

Handa ka na bang alamin? Handa ka na bang sumagot sa mga tanong na

may kaugnayan sa paksang tatalakayin sa araling ito? Kung gayon, simulan mo
muna sa bahaging ito. Hayaan mo munang balikan ang mga natutunan sa
naunang aralin bilang paghahanda sa susunod na aralin.

Tinalakay sa nakaraang aralin ang Tekstong Impormatibo na kung saan ito

ay nagbibigay ng impormasyon upang mapaunlad nito ang iba pang kasanayang
pangwika gaya ng pagbabasa at pagtatala ng mga mahahalagang impormasyon
mula sa mga tekstong binasa at sinuri. Maaring magkaiba ang mga tekstong
impormatibo batay sa mga ekstruktura nito.
Samakatuwid, bukod sa istraktura, nararapat din na suriin ang kalidad ng
teksto upang hindi masayang ang oras ng mambabasa sa isang tekstong hindi
tugma sa ideyang nais matutunan ng mambabasa.
Mula sa mga dayagram at larawan na nasa ibaba, maipaliliwanag mo ba ang
mga kahulugan, elemento, kakayahan at uri ng tekstong impormatibo batay sa
iyong pang-unawa sa nakaraang aralin?

KAGAWARAN NG EDUKASYON
REPUBLIKA NG PILIPINAS
Tekstong Impormatibo Sanhi
at
Bunga

Paghaham
bing Paglilista
ng
Klasipikasy
Uri ng on
Tekstong
Kakayahan Impormatibo Pagbibigay
upang Depenisyon
unawain ang
Elemento Tekstong
ng Impormatibo.
Tekstong
Impomatib
o
Kahulugan
ng Tekstog
impormati
bo

Aralin 17: Kahulugan ng Tekstong Deskriptibo

Mahalaga ang paglalarawan sa teksto dahil sa mas nakatulong ito
upang malawak na maintindihan ng mambabasa ang mga imahe na
nais ipaisip o iparating ng manunulat. Nakakatulong ito upang mas
malawak na mapagana ang imahinasyon ng mambabasa.
Ang tekstong deskriptibo ay nagtataglay ng mga kaukulang detalye sa
katangian ng isang tao, lugar, bagay, o pangyayari. Ang tekstong ito ay laging
sumasagot sa tanong na Ano. Ito ay nakabatay sa pandama tulad ng mga
bagay na nakikita, naaamoy, nalalasahan, nahahawakan at naririnig.
Nakabatay rin ito sa nararamdaman tulad ng bugso ng damdamin o personal
na saloobin ng naglalarawan. Ang pinakahuling batayan sa paglalarawan ay
batay sa obserbasyon ng mga pangyayari.
 “Sa Tekstong Deskriptibo, kahit hindi ka pintor ay makakabuo ka ng isang
larawan gamit ang mga salitang magmamarka sa damdamin at isipan ng
mambabasa. Upang mailarawan at mabigyang-buhay sa imahinasyon ng
mambabasa ang isang tauhan, tagpuan, bagay, galaw o kilos, karaniwang
gumagamit ang may-akda ng pang-uri at pang-abay.
 Ito ay isang uri ng paglalahad at naisasagawa sa pamamagitan ng mahusay
na eksposisyon. Ang uri ng sulating ito ay nagpapaunlad ng kakayahan sa mag-
aral na bumuo at maglarawan ng isang partikular na karanasan. Nagbibigay din
ang sulating ito ng pagkakataon na mailabas ng mga mag-aaral ang
masining na pagpapahayag. Ito ay naglalayong magsaad ng kabuuang larawan ng

KAGAWARAN NG EDUKASYON
REPUBLIKA NG PILIPINAS
isang bagay, pangyayari o kaya naman ay magbigay ng isang konseptong biswal
ng mga bagay, pook, tao o pangyayari. Layunin din ng paglalarawan ay
makapagmalas sa isip ng tagapakinig o mambabasa ng isang malinaw at buong
larawan o imahe matapos siyang makapagbasa.

Aralin 18: Katangian ng Tekstong Deskriptibo

1. Ang tekstong deskriptibo ay may isang malinaw at pangunahing
impresyon na nililikha sa mga mababasa
2. Ito ay maaring maging obhetibo o subhetibo at maari ding
magbigay ng pagkakataon sa manunulat na gumamit ng iba’t
ibang
tono at paraan sa paglalarawan.
3. Ito ay mahalagang maging espisipiko at malaman ng mga
konkretong detalye.
Aralin 19: Uri ng Paglalarawan
1. Karaniwang Paglalarawan (Obhetibo)
 Karaniwan ang paglalarawan kung nagbibigay ng impormasyon
ayon sa pangkalahatang pagtingin o pangmalas.
 Ang damdamin at opinion tagapaglarawan ay hindi dapat isinama.
 Gumagamit lamang ito ng mga tiyak at karaniwang salitang
panlarawan at itinala ang mga bagay o ang mga particular na
detalye sa payak na paraan.
Halimbawa 1: Maganda si Matet. Maamo ang mukha lalo pang pinatitingkad ng
mamula –mula . Mahaba ang kanyang buhok na umaabot hanggang sa baywang.
Balingkinitan ang kanyang katawan na binagayan naman ng kanyang taas.
Halimbawa 2: Si Kapitan Tiyago ay pandak, maputi-puti, bilog ang katawan at
pagmumukha dahil sa katabaan. Siya ay mukhang bata kaysa sadya niyang
gulang. Ang kanyang pagmumukha ay palaging anyong banal.
2. Masining na Paglalarawan (Suhetibo o Subhetibo)
 Ito ay nagpapahayag ng isang buhay na larawan batay sa
damdamin at pangalas ng may–akda. Karaniwang pili ang mga
ginamit na salita sa paglalarawan, kabilang na ang paggamit ng
mga pang-uri, pang-abay, tayutay at idyoma.
 Ang mga detalyeng inihahayag dito ay nakukulayan ng
imahinasyon, pananaw at opinyong pansarili ng tagapagsalaysay.
 May layunin na makaantig ng kalooban ng tagapakinig o
mambabasa para mahikayat silang makiiisa sa naranasan nitong
damdamin sa inilalarawan.

Halimbawa 1: Muling nabuhay si Venus sa katauhan ni Matet. Ang maamo niyang

mukhang tila anghel ay sadyang kinahuhumalingan ng mga anak ni Adan, Alon-
alon ang kanyang buhok na bumagay sa kalinggit niyang katawan at taas.

Halimbawa 2: Si Mang Kanor ay likas na mabuting tao. Siya ay may pusong

mamon sa lahat ng taong nanghihingi ng tulong. Wala ni isa man ang kanyang
tinatanggihan.

KAGAWARAN NG EDUKASYON
REPUBLIKA NG PILIPINAS
Aralin 20: Apat na Kasangkapan na Ginagamit sa Malinaw na
Paglalarawan

1. Wika
 Maaaring magkaiba ang paglalarawan ng isang tao, bagay pook, o
pangyayari salig na rin sa karanasan at saloobin ng taong
naglalarawan. Ang isang pook, halimbawa ay maaaring maganda
sa isang naglalarawan habang ang isa naman ay hindi kung ito ay
nagdulot sa kanya ng isang di magandang karanasan.

2. Maayos na Detalye
 Dapat magkaroon ng masistemang pananaw sa paglalahad ng
mga bagay na makatutulong upang mailarawang ganap ang isang
tao, bagay, pook o pangyayari. Kapag maayos ang pagkakalahad
ng mga detalye, ang mga bumabasa o nakikinig ay nagkakaroon
ng pagkakataon na pakilusin ang kanilang imahinasyon upang
mailarawan sa isip ang mga bagay-bagay na inilalarawan.

3. Pananaw ng Paglalarawan
 Maaring magkaiba-iba ang paglalarawan ng isang tao, bagay pook
o pangyayari salig na rin sa karanasan at saloobin ng taong
naglalarawan. Ang isang pook, halimbawa habang ang isa naman
ay hindi kung ito ay nagdulot sa kanya ng isang di magandang
karanasan.

4. Isang Kabuoan o impresyon

 Dahil ang layunin ng paglalarawan ay makabuo ng malinaw na
larawan sa imahinasyon ng mga mambabasa, mahalaga sa isang
naglalarawan na mahikayat ang kanyang mga mambabasa o
tagapakinig nang sa gayon makabuo sila ng impresyon hinggil sa
inilalarawan. Dito sama-sama na ang bisa ng wika, maayos na
paglalahad ng mga detalye, at ang pananaw ng naglalarawan.

Aralin 21: Paraan ng Paglalarawan

Deskriptibo ang isang teksto kung ito ay nagtataglay ng mga
impormasyong may kinalaman sa pisikal na katangian ng isang
bagay, lugar at maging ng mga katangiang taglay ng isang tao o
pangkat ng mga tao, kalimitang tumutugon ito sa tanong na Ano.
 Batay sa PANDAMA - nakita, naamoy, nalasahan, nahawakan
at narinig
 Batay sa NARARAMDAMAN - bugso ng damdamin o personal na saloobin
ng naglalarawan.
 Batay sa OBSERBASYON - batay sa obserbasyon ng mga nangyayari.

KAGAWARAN NG EDUKASYON
REPUBLIKA NG PILIPINAS
Gawain 1
1. Mahalagang kilalanin muna ang sariling kahinaan at kakayahan bago
gumawa ng anumang desisyon o isakatuparan ang anumang tungkulin. Ilarawan
ang iyong sarili sa isang talata. Ibigay ang iyong mga katangiang pisikal at iba pang
katangian tulad ng pag-uugali, disposisyon, at pananaw.
2. Gamiting padron ang nakakahon sa ibaba nito.

__________________________
____________________ __________________________
____________________ __________________________
____________________ __________________________
____________________ __________________________
____________________ __________________________
________________________________________________________________________

Gawain 2 : Gumawa ng isang Salaysay larawan o photo essay mula sa mga serye
ng larawan na nasa ibaba gumamit ng mga cohesive devices sa paglalahad ng

KAGAWARAN NG EDUKASYON
REPUBLIKA NG PILIPINAS
mga pangyayari at pagbibigay ng mahahalagang ideya sa mga bagay na nais
iparataing .

___________________________________________________________________________

Gawain 3
1. Mula sa paglalarawan sa sarili, mahalaga rin na kilalanin ang uri ng
lipunan at kapaligirang ginagalawan.
2. Sa pamamagitan ng paglalarawan, maaaring magbigay ng matalas na
komentaryo ang isang manunulat.
3. Pakinggan ang awit na “Bahay” ni Gary Granada.
4. Humanap ng kopya ng kanta o video sa internet. Tingnan din ang liriko
ng kanta.
KAGAWARAN NG EDUKASYON
REPUBLIKA NG PILIPINAS
Batay sa narinig na awit, tasahin ang paglalarawan ng manunulat sa
“bahay.” 1. Epektibo ba ang paglalarawan ?
_________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
2. Ano ang kabuuang mensahe ng awit? ___________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
3. Naipahayag ba ang mensahe sa pamamagitan ng paglalarawan ?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
Gawain 4
Panuto: Basahin ang tekstong lunsaran., pagkatapos ay isagawa ang Gawain 4 at
Gawain 5.
May Ginto sa Kapaligiran
Posted by John Enrico Comia
Tumingin sa paligid. Tumingala sa kalawakan. Damhin ang hanging
dumadampi sa balat. Tingnan ang lupang tinatapakan…. Pansinin ang lawak at
masasabing “Kay ganda ng kapaligirang ipinagkaloob ng Maykapal sa kanyang
nilikha!’ Malalawak ang kabukiran, kagubatan at karagatang nagtataglay ng
makukulay na kaanyuan. Paraisong kaysarap tirahan!
Hindi mapipigilan ang mabilis na pag-inog ng mundo. Mabilis din ang
pagdami ng kanyang nilalang na may taglay na talinong paunlarin ang buhay.
Hindi tumigil sa paghanap ng mga paraan upang mailagay ang buhay sa
magandang kalagayan.
Lingid sa kaalaman, nabulabog ang kalikasan. Sa mga interaksyong
nagaganap, napipinsala ang pisikal na kapaligiran. Oo ang tahimik na biktima.
Hindi ito kataka-taka… Nilikha ang kapaligiran upang magsilbi at
mapakinabangan ng tao.
Masdan ang kapaligiran. Ang mga bukiring malalawak ay lumiliit na dahil
sa mga gusaling itinayo. Maging ang halaman at hayop ay naaapektuhan ng mga
pagbabagong ginagawa ng tao sa kanyang paligid.
Maliwanag sa atin ang katotohanang ang kapaligiran ay para sa tao at ang
tao ay para sa kapaligiran. May tungkulin ang taong pangalagaan ang mga ito para
rin sa patuloy niyang kapakinabangan.
Dahil sa mga pang-aabuso at kapabayaan sa kapaligiran, nagiging sanhi ito
ng pagkamatay ng iba’t ibang bahagi ng kalikasan. Ito ang dahilan kung bakit may
polusyon ng hangin, tubig at lupa sa maraming lugar sa daigdig.
Ang polusyon ay nagdudulot ng iba’t ibang uri ng sakit. Palasak na senaryo
ngayon ang maraming taong naoospital. Hindi tuloy nagiging epektibong
mamamayan. Nakapipinsala rin ito sa kabuhayan ng mga magsasaka at
mangingisda kaya’t nakaaapekto sa ekonomiya ng bansa.
Maraming senaryo na tayong nasaksihan kung paano nilapastangan ang
paraisong kaloob ng maykapal. Napaluha na rin tayo sa mga nasabing senaryo.
Magkatuwang ang tao at kapaligiran sa pagkamit ng kaunlaran.
May kakayahan ang taong harapin ang suliranin at kakayahang lumutas sa mga

KAGAWARAN NG EDUKASYON
REPUBLIKA NG PILIPINAS
suliranin sa kapaligiran. Pagyamanin at di patayin ang likas na yamang kaloob ng
Diyos sa atin. Laging isaisip may ginto sa paligid na dapat pahalagaan.

Gawain 5 : Tukuyin sa loob ng teksto ang mga salitang paglalarawang obhetibo at

subhetibo na mula sa paksang tinalakay.

Uri ng Paglalarawan

Obhetibo Subhetibo

___________ ___________ ___________ ___________

___________ ___________ ___________ ___________
___________ ___________ ___________ ___________

___________ ___________ ___________ ___________

___________ ___________ ___________ ___________
___________ ___________ ___________ ___________

KAGAWARAN NG EDUKASYON
REPUBLIKA NG PILIPINAS
Gawain 6: Tukuyin ang kahulugan at katangian ng salitang inilarawan sa
tekstong binasa Sa loob ng bilog itala ang kahulugan sa loob ng mga
kahon sa bilog ng bilog itala ang mga katangian

___________
___________

___________ ___________
___________ ___________
______________
_____________
_____________
___________ ___________
___________ ___________

___________ ___________
___________ ___________

Gawain 7: Iugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa binasang teksto sa sarili,

pamilya, komunidad, bansa at daigdig.
Pag-Ibig ng Isang Ina
Hunyo 30, 2009 ni Pinay Ako

Ina at Anak
Maraming ibig sabihin ang pag-ibig. Marami rin ang uri nito. At isa sa
pinakadakilang pag-ibig ay ang pag-ibig ng isang ina sa anak.

KAGAWARAN NG EDUKASYON
REPUBLIKA NG PILIPINAS
Ang ina sa pagdarasal, ang mga dalangin niya ay napakamakapangyarian. Bakit?
Dahil ang panalangin niya ay may kahalong pagmamakaawa na dingin ito ng
Panginoon lalo na kung nasa matinding pagsubok ang kanyang anak. Hindi niya
inuuna ipanalangin ang kanyang kaligtasan bagkus pinagninilayan muna ang
dapat sabihin upang maisaayos at maging ligtas ang anak sa lahat ng oras.
Ang ina kapag may pera, hindi iniisip kung magkakaroon ba siya ng bagong gamit
o alahas. Una sa listahan ang pangangailangan ng pamilya. At kung may sobra,
magandang sapatos at napupusuang laruan ng anak ang kanyang ikasisiya.
Ang ina, sa hapag-kainan, hindi nauuna sa ulam, tinitignan muna kung sapat ang
hinain sa kanyang mag-anak. Maliit na parte ang ihahain sa kanyang pinggan
upang makita na busog at masigla ang anak sa tuwina.
Ang ina, sa pagamutan, huling nagpapasuri. Inuuna ang mga mahal upang mabili
muna ang kanilang mga pangangailangan. Hindi na baleng walang gamot o
bitamina sa kanya, mapunan lamang ang pangangailang ng mga anak. Ngunit,
talagang kakaiba ang nagagawa ng pag-ibig ng isang ina, sa buong pamilya,
kadalasa’y siya ang huling tamaan ng sakit at kahit mahina at may karamdaman
pa, makikita mong laging may reserbang enerhiya. Magandang resistensiya ang
hatid ng tunay na pag-ibig ng isang ina.
Ang ina madalang nating marinig na may iniinda. Para sa kanya, ayaw niyang
mag-alala pa ang mga anak.
Iba’t iba ang ugali ng ina. Iba’t iba ang paraan ng pagpapalaki nito sa kanyang mga
supling pero ang pag-ibig ng ina ay iisa… walang hanggang at walang katulad!

Iugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa binasang teksto sa sarili, pamilya,

komunidad, bansa at daigdig.
Sarili:
___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Pamilya:
___________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
Komunidad
__________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

KAGAWARAN NG EDUKASYON
REPUBLIKA NG PILIPINAS
Bansa:
____________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Daigdig:
___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
Gawain 8 : Basahin at Suriin ang teksto. Gawin ang pasgusuri sa pamagitan ng
pagsagot sa mga katanungan sa ibaba

Isang Magandang Karanasan Kapiling ang Iyong Ama

Ang ama ay haligi ng tahanan; siya ang pundasyon ng pamilya sa pagpapanatili ng

kaayusan at pagtatagumpay.

Matagal ng panahon ang aking kamusmusan ngunit ang ngiti ng aking ama'y tila
naglalaro pa din sa aking isipan; ang haplos ng kamay na tila proteksyon na siyang
nagpapatibay sa aking pagkatao. Ang mahihgpit na kapit sa aking bisig na
nagsasabing ika'y manatili at huwag lalayo.

Isa siya sa dahilan kung bakit ako patuloy na lumalaban at inaabot ang aking mga
pangarap sa buhay. Ang mga kaalaman at pang-unawa na sa aki'y kanyang
ikinintal ay walang sino man ang papantay; sa ginhawa at dalamhati siya'y aking
nakadaumpalad.

Mga karanasan na kasama siya'y nagpatibay ng aking damdamin at mga pananaw

sa buhay. Ang gintong aral nyang pamana kailanman ay hindi mawawagli;
sapagkat, ito ang naging daan upang patuloy akong lumaban. Ang wika nga niya
"huwag maging ningas kugon" bagkus maging matiyaga at matatag sa buhay
upang tiyak na matamo ang mga naisin. Ang katagang ito ay kailan man ay hindi
ko malilimutan sapagkat ito ay naging bahagi na ng aking pag-unlad.

May mga panahon na tila siya'y isang unos na bumabagnas sa aking pagkatao,
nililibak, at dinudurog yaring musmos na isipan ngunit ang tanging dahilan lang
ay patibayin yaring pagkatao. Sa haba ng panahon siya'y nagsilbing tala sa
kalangitan na patuloy na nagmamasid at ipinararanas ang mayamang paggabay at
pagmamahal; hindi man niya ito tahasan bigkasin ngunit sa kanyang mata'y
malinaw na ipinapahayag.

Ako'y nagpapasalamat sapagkat ang aking ama'y isang biyaya ng langit upang
subukin at patatagin ang aking pagkatao.

KAGAWARAN NG EDUKASYON
REPUBLIKA NG PILIPINAS
1. Anong wikang ginamit sa mga paglalarawan batay sa kasangkapan
ginagamit sa paglalarawan
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
2. Ibigay ang mga detalye sa paglalarawan batay sa kasangkapan
ginagamit sa paglalarawan
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
_____________________________________

3. Ano ang pananaw sa paglalarawan batay sa kasangkapan ginagamit

sa paglalarawan?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

4. Ano ang naging kabuoan o impresyon?

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

5. Paano isinalarawan ang ama? Itala ang mga salitang ginamit

sa paglalarawan sa ama?

_______________
_______________
_______________
_______________
_______________
_______________
_______________
_______________
_____________
_____________

_______________
_______________ _______________
_______________ _______________
_______________ _______________
_______________
_____________
KAGAWARAN NG EDUKASYON
REPUBLIKA NG PILIPINAS
Gawain 9: Matapos mong gawin at malaman ang datos, balikan natin ang ating
pinag-aralan sa pamamagitan ng paglalagom . Itala ang sagot sa
bawat kahon.

Naging kawili-wili
sa akin ang
___________ _________________ ___________
__________________
___________ __________________
___________
___________ _______________ ___________
Ibig ko pang
Natutunan ko na malaman ang
tungkol sa

Gawain 10 : Paglikha ng Photo Essay

Isang pamamaraan ang photo essay o paggamit ng larawan o litrato sa
pagsasalaysay o paglalahad ng anomang bagay o pangyayari. Sa pamamagitan ng
mga serye ng larawan at maikling caption, naibibigay ang mahahalagang ideya na
nais iparating ng gumagawa nito.

KAGAWARAN NG EDUKASYON
REPUBLIKA NG PILIPINAS
Bumuo ng photo essay at maghanap ng mga halimbawang photo essay sa
Internet. Pagkatapos, pagdesisyunan kung anong uri o paksa ng photo essay ang
gagawin. Siguraduhing orihinal ang mga litratong gagamitin dito. Kapag natapos
na, i-post ang photo essay sa Facebook o anumang blog site sa Internet at ibahagi
sa klase.

Photo Essay

Tatayahin ang photo essay sa pamamagitan ng sumusunod na pamantayan:

Batayan ng Grado Kaukulang Grado

Puntos
Angkop ang pagpili ng larawan sa nais iparating
na mensahe ng photo essay 10 -----
Malinaw at angkop ang paglalagay ng mga
caption sa larawan 10 -----
Napapanahon at kapaki-pakinabang ang napiling
paksa 10 -----
Malikhain at nakapupukaw ng imahinasyon ang
kabuuan ng photo essay 10 -----
kabuuan ( 40 )

KAGAWARAN NG EDUKASYON
REPUBLIKA NG PILIPINAS
A. Panuto: Isulat ang salitang letra o titik K kung ang pahayag ay ng
nagbibigay ng impormasyon ayon sa pangkalahatang pagtingin o
pangmalas. At M naman kung nagpapahayag ng isang buhay na larawan
batay sa damdamin at pangalas ng may –akda
1. Maitim at malago ang buhok ni Luisa.
2. Ang hubog ng katawan ng mga modelo ay hugis gitara.
3. Ang hugis ng mga daliri ng isang babae ay mala-kandila.
4. Ang mga puno ay kulay berde .
5. Ang mga mahuhusay na mang-aawit ay may mala-anghel na tinig.

B. Panuto : Punan ang patlang upang mabuo ang diwa ng mga

pangungusap.Piliin sa loob ng kahon ang wastong sagot

paksang
masistemang karanasan at
pinag- pangungusap Substitusyon
pananaw saloobin
uusapan
mas maayos at Kohisyong Parirala o
sino o ano panghalip
mas malinaw Leksikal sugnay

1. Ang Cohesive Devices sa Tekstong Deskriptibo ang ginagamit ng manunulat o

naglalarawan upang magkaroon ng ______________________________ na daloy ng
kaisipan sa isang teksto.
2. Ang Reperensiya ay ang paggamit ng mga salitang maaring tumukoy
sa _______________________________.
3. Anapora kung kailangang bumalik sa teksto upang malaman kung
______________________________ ang tinutukoy.
4. Ang Katapora nauna ang ______________________________ at malalaman lamang
kapag ipinagpatuloy ang pagbabasa
5. Ang ______________________________ ay ang paggamit ng ibang salita na ipapalit
aa halip na maulit ang salita.
6. Ang Ellipsis ay ang pagbabawas ng ibang parte ______________________________
pero hindi mababawasan ang diwa.
7. Ang Pang-ugnay ang paggamit ng pag-ugnay na “at” para pag-ugnayin ang mga
pangungusap ______________________________.
8. Ang ______________________________ ay ang mabibisang salita na ginagamit sa
teksto para magkaroon ito ng kohesion.
9. Ang wika ay maaaring magkaiba ang paglalarawan ng isang tao, bagay pook, o
pangyayari salig na rin sa ______________________________ ng taong naglalarawan
10. Dapat magkaroon ng ______________________________ sa paglalahad ng mga
bagay na makatutulong upang mailalarawang ganap ang isang taong, bagay,
pook o pangyayari.

KAGAWARAN NG EDUKASYON
REPUBLIKA NG PILIPINAS
Gawain 11
Pumili ng isa sa mga larawan at pagkatapos ay gumawa ng isang talata na
maglalarawan sa larawang iyong napili. Ang paglalarawan na gagawin ay
nakabatay sa katangian at kalikasan ng tekstong deskriptibo. Sa gagawing talata
kailangang gumamit ng mabisang pamamaraan sa pagpapahayag. Dapat taglayin
nito ang kalinawan, kaugnayan at bisa

1 2 3
Lubos na Di-Gaanong Hindi
Naisagawa
Pamantayan naisagawa naisagawa naisagawa
(20%)
(25%) (15%) (5%)
Di-gaanong
Napakahusay na Mahusay na Hindi kakikitaan
naiparating ang
naiparating ang bisa naiparating ang bisa ng bisa ng
Bisa bisa ng
ng damdamin, ng damdamin, damdamin,
(25%) damdamin,
kaisipan at kaisipan at kaisipan at
kaisipan at
konsepto sa konsepto sa konsepto sa
konsepto sa
paglalahad paglalahad paglalahad
paglalahad
Mahusay na nabuo
Napakahusay na Di-gaanong
ang gawain ngunit
nabuo ang gawain nabuo ang
Kaugnayan hindi masyadong
at napag-ugnay – gawain,di Di nabuo ang
(25%) napag-ugnay –
ugnay ang mga magkaka-ugnay gawain
ugnay ang mga
kaisipan at ideyang ang mga
kaisipan at ideyang
nais iparating kaisipan at ideya
nais iparating
Napakahusay ang Mahusay ang Di-gaanong Di
Kalinawan pagpapapaliwanag pagpapapaliwanag naipaliwanag naipaliwanag
(25%) sa mga layunin sa mga layunin ang mga layunin ang mga
nais nais nais layunin nais
maisakatuparan maisakatuparan maisakatuparan isakatuparan

Pagsunod sa Di-gaanong
Napakahusay sa Mahusay na Di-nasunod
Panuto nasunod ang
pagsunod sa nasunod ang mga ang panuto na
(25%) mga panuto na
panuto na ibinigay panuto na ibinigay ibinigay
ibinigay

KAGAWARAN NG EDUKASYON
REPUBLIKA NG PILIPINAS
Gawain 12: Isa-isahin ang natutunan sa paksa:

PULSO NG MAG-AARAL

Madali Katamtaman Mahirap

Narito ang mga natutuhan kong kaalaman sa aralin na ito.

ü _____________________________________________________________

Development Team of the Module
Writer: MARITESS YSAGUN MELENDRES
JEVALYN M. DELA CRUZ
Editors:
Language Evaluator: MELVIRA CRUZ-DAVID

Content Evaluator: NUR SUYUM

Reviewer: DR. JENNIFER G. RAMA

Illustrator:
Layout Artist:
Management Team: DR. MARGARITO B. MATERUM, SDS
DR. GEORGE P. TIZON, SGOD Chief
DR. ELLERY G. QUINTIA, CID Chief
DR. JENNIFER G. RAMA, EPS – FILIPINO

Mga Sanggunian:
Aklat:
De Laza, C. S. Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Uri ng Teksto Tungo sa
Pananaliksik. Manila: Rex Bookstore, Inc.
Lartec, J. K. et. Al. (2011). Introduksiyong Modyular sa Pananaliksik.Mandaluyong
City: Anvil Publishing, Inc.
Guerrero, Perla P. et. Al.,Kayumanggi : Batay sa Kurikulum na K-12(Grade VII-
Ikalawang Markahan. Cavite: LEO-ROSS Publishing
Guerrero, Perla P. et. Al.,Kayumanggi : Batay sa Kurikulum na K-12(Grade VII-
Unang Markahan. Cavite: LEO-ROSS Publishing
Pacay III, W. L.,(2016). Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Uri ng Teksto Tungo sa
Pananaliksik. Pasay City: JFS Publishing Services, Inc.
Tanawan, D. S. et. Al.(2011) Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik. Quezon
City: Trinitas Publishing , Inc.

Internet
Jackson, M.J. ( 2009).Pag-ibig ng Isang Ina. Nakuha noong Hulyo 14,, 2020, galing
sa https://filipinaako.wordpress.com/2009/06/30/pag-ibig-ng-isang-ina/
Comia , JE , (2014) May Ginto sa Kapaligiran. Nakuha noong Hulyo 14, 2020,
galing sa http://filipinocorner.blogspot.com/2010/11/may-ginto-sa-
kapaligiran.html
Gala, NL.(2017). Tekstong Deskriptibo . nakuha noong Hulyo 14, 2020, galing sa
https://www.slideshare.net/NicoleGala/tekstong-deskriptibo-filipino

KAGAWARAN NG EDUKASYON
REPUBLIKA NG PILIPINAS
Servito, L. (2020).Ang Tekstong Deskriptibo o deskriptiv. Nakuha noong Hulyo 14,
2020, galing sa
https://www.academia.edu/35948913/Ang_Tekstong_Deskriptibo_o_Deskriptiv
STEM2. (2016). Iba’t Ibang Uri ng Teksto : Para sa iyong kaalaman.Nakuha noong
Hulyo 14, 2020,galing sa http://uringteksto.blogspot.com/2016/12/tekstong-
deskriptibo.html
Athenajustine09. (2016). Sanaysay tungkol sa isang magandang karanasan
kapiling ang iyong ama.Nakuha noong Hulyo 14, 2020, galing sa
https://brainly.ph/question/452683
Lovpick.(2018). Anak na nakasakay sa tatay. Nakuha noong Hulyo 14, 2020,galing
sa https://ph.lovepik.com/image-400236476/a-son-riding-on-his-father.html
yanniashley (2017). Kawalan ng Trabaho. Nakuha noong Hulyo 14, 2020, galing sa
https://yanniashley.wordpress.com/2017/08/19/kawalan-ng-trabaho/
ShanLoveres (2014).Ekonomiks: Kalagayan ng Ekonomiya ng Pilipinas sa Iba't-
ibang Panahon. Nakuha noong Hulyo 14, 2020, galing sa
https://www.slideshare.net/shanialoveres/ekonomiks-kalagayan-ng-ekonomiya-
ng-pilipinas-sa-ibatibang-panahon.
Simpson, J (2020). All your Corona virus Questions, Answeed. rNakuha noong
Hulyo 14, 2020 galing sa https://time.com/5820118/coronavirus-questions-
answered/
Remate. (2020). Walang bagong nasawi pero COVID-19 cases sa PH health care
workers, pumalo na sa 1,859. . nakuha noong Hulyo 14, 2020, galing sa
https://remate.ph/walang-bagong-nasawi-pero-covid-19-cases-sa-ph-health-care-
workers-pumalo-na-sa-1859/
Bahay Lyrics- Gary Granada. Nakuha noong Hulyo 13,2020 galing sa eLyrics.net
Gala, N.L. Tekstong Deskriptibo. Nakuha noong Hulyo 12, 2020 galing sa
https://www.Slideshare.netmobile
Obias, J. ( 2016). Ang Mapaglarong Ngiti ng Isang Ina noong Hunyo 29, 2020 galing
saStemafilipino.blogspot.com/2016/11
Tekstong Deskriptibo. Nakuha noong Hulyo 13, 2020 galing sa SUR11N-
WordPress.com

KAGAWARAN NG EDUKASYON
REPUBLIKA NG PILIPINAS

You might also like