You are on page 1of 27

PAGBASA AT PAGSUSURI SA IBA’T IBANG TEKSTO

TUNGO SA PANANALIKSIK

Level: SENIOR HIGH SCHOOL Semester: SECOND


Subject Group: CORE SUBJECT Quarter: THIRD

Course Description:
Pag-aaral sa proseso ng pagbasa at pagsusuri ng iba’t ibang anyo at uri ng teksto na
nakatutulong sa pagbuo at pagsulat ng sistematikong pananaliksik.

Course Requirements:
Makikita sa ibaba ang mga gawain na kailangan maisagawa sa itinakdang araw. Ito ay may
kalakip na porsyento sa bawat gawain.

WEEK ACTIVITIES Final Grade


1 Enabling Assessment 1 10%
2 Mini Performance Task 1 15%
3 Enabling Assessment 2 10%
4 Mini Performance Task 2 15%
5 Enabling Assessment 3 10%
6 Mini Performance Task 3 15%
7 Enabling Assessment 4 10%
8 Final Performance Task 15%
100%

QUARTER 3 CULMINATING PERFORMANCE TASK

GOAL – Nakasusulat ng isang reaksyong papel tungkol sa binasang teksto ayon sa


katangian at kabuluhan nito sa: a. pamilya, b. komunidad c. bansa d. daigdig
ROLE – Ikaw ay isang manunulat
AUDIENCE - Mga mag-aaral at gurong tagapayo.
SITUATION - Ikaw ay isang manunulat. Uunawain mong mabuti ang tekstong ibinigay
ng guro. Gagawan mo ito ng ng isang reaksyong papel tungkol sa binasang teksto
ayon sa katangian at kabuluhan nito sa: a. pamilya, b. komunidad c. bansa d. daigdig
PRODUCT - Isang reaksyong papel.
STANDARD - Rubrik sa pagmamarka sa Reaksyong papel.

Pamantayan
Layunin 30%
Nilalaman 30%
Organisasyon 20%
Gramatika 10%
Haba ng Reaksyong Papel 10%
Kabuuan 100%
Colegio de Los Baños – PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK 1

Prerequisite Assessment

Bakit mahalagang matuto ang isang bata na magbasa?


Ano ang pagkakaiba ng nagbabasa lang at natututo?

ARALIN 1: Pagkilala sa Iba’t ibang Uri ng Teksto


INTRODUCTION
A. KAGAMITANG PANTURO: Module, pen, paper, aklat, internet (if applicable)
B. PANALANGIN: Ama, maraming salamat po sa panibagong araw na ibinigay nyo
sa amin nawa ay marami kaming matutunan sa araw na ito at ingatan nyo po ang
bawat-isa. Amen.
C. RUA: Pagkatapos ng talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahan:
a. Natutukoy ang paksang tinalakay sa iba’t ibang tekstong binasa
b. Natutukoy ang kahulugan at katangian ng mahahalagang salitang ginamit ng
iba’t ibang uri ng tekstong binasa
D. INSTITUTIONAL VALUES: Social Responsibility
DEVELOPMENT
A. MOTIBASYON
“Huwag kang magbasa, gaya ng mga bata, upang libangin ang sarili, o kaya ng mga
matatayog ang pangarap, upang matuto. Magbasa ka upang mabuhay.’ Winika ito ni Gustave
Flaubert, isang manunulat na pranses na siyang nagpaunlad ng realismong pampanitikan sa
Pransya, at sumikat sa kanyang akda na Madame Bovary (1857)

LESSON PROPER

Chunk 1

Pagbasa
Ayon kina Anderson et al. (1985), sa aklat na Becoming a Nation of Readers, ang
pagbasa ay isang proseso ng pagbuo ng kahulugan mula sa mga nakasulat sa teksto. Ito ay
isang kompleks na kasanayan na nangangailangan ng koordinasyon ng iba’t iba at
magkakaugnay na pinagmulan ng impormasyon.
Dalawang Kategorya ng Mapanuring Pagbasa

● INTENSIBO - Mula sa kahulugan ng mga salita, mahihinuha na ang intensibong pagbasa


ay may kinalaman sa masinsin at malalim na pagbasa ng isang tiyak na teksto.
Ipinaliwanag ni Douglas Brown (1994)sa kanyang aklat na Teaching by
Principles: An interactive Approach to Language Pedagogy na ang intensibong
pagbasa ay pagsusuri sa kaanyuang gramatikal, panandang diskurso at iba pang
Colegio de Los Baños – PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA 2
PANANALIKSIK

detalye sa estruktura upang maunawaan ang literal na kahulugan, implikasyon, at


retorikal na ugnayan ng isang akda.

● EKSTENSIBO - Ito ay may kinalaman sa pagbasa ng masaklaw at maramihang


materyales.

Ayon pa rin kay Brown (1994), ang ekstensibong pagbasa ay isinasagawa


upang makakuha ng pangkalahatang pag-unawa sa maramihang bilang ng teksto.
Dagdag pa nina Long at Richards (1987), nagaganap ang ekstensibong pagbabasa
kapag ang isang mambabasa ay nagbabasa ng maramihang babasahin na ayon sa
kaniyang interes, mga babasahing kadalasang hindi kahingian sa loob ng klase o
itinakda sa anomang asignatura.
Scanning at Skimming na Pagbasa

Ang scanning at skimming ay madalas na tinatawag na uri ng pagbasa ngunit maaari


ding ikategorya ang mga ito bilang kakayahan sa pagbasa. Ayon kay Brown (1994), ang
dalawang ito ang pinakamahalagang estratehiya sa ekstensibong pagbasa.

● SCANNING - Mabilisang pagbasa ng isang teksto na ang pokus ay hanapin ang


ispesipikong impormasyon na itinatakda bago bumasa. Kinapapalooban ito ng bilis at
talas ng mata sa paghahanap hanggang sa makita ng mambabasa ang tiyak na
kinakailangang impormasyon.
Kung ang kahingian ay alalahanin ang pangalan, petsa, simbolo, larawan, o tiyak na
sipi na makatutulong sa iyo. Scanning ang angkop na paraan ng pagbasa na dapat
gamitin. Ibig sabihin, may paunang pag-alam o pagkaunawa na sa hinahanap na
impormasyon at ang layunin ay matiyak ang katumpakan nito na makikita sa mga libro
o iba pang sanggunian.
● SKIMMING - Mabilisang pagbasa na ang layunin ay alamin ang kahulugan ng kabuuang
teksto, kung paano inorganisa ang mga ideya o kabuuang diskurso ng teksto at kung
paano at kung ano ang pananaw at layunin ng manunulat.

Chunk 2
Pagkilala sa Iba’t ibang Uri ng Teksto

Tekstong Impormatibo: Para sa iyong Kaalaman

Ang tekstong impormatibo ay naglalahad ng mga bagong kaalaman, pangyayari,


paniniwala, at mga impormasyon. Ang mga kaalaman ay sistematikong nakaayos at inilalahad
nang buong linaw upang lubos na maunawaan. Kadalasang sinasagot nito ang mga batayang
tanong na ano, kailan, saan, sino, at paano.

Ang ilang tiyak na halimbawa ng tekstong impormatibo ay biyograpiya, mga


impormasyon na matatagpuan sa diksyunaryo, encyclopedia, papel-pananaliksik sa mga
journal, siyentipikong ulat, at mga balita sa dyaryo.

Layunin nito na maging daluyan ng makatotohanang impormasyon para sa mga


mambabasa, sapagkat marami ang nagtitiwala na may katiyakan ang mga impormasyon sa
mga ganitong uri ng teksto.
Tekstong Diskriptib: Makulay na Paglalarawan

Ang tekstong Deskriptib ay isang uri ng paglalahad at naisasagawa sa pamamagitan


ng mahusay na paglalarawan. Ang uri ng sulating ito ay naglalayon na makapagpinta ng imahe
sa hiraya ng mambabasa gamit ang limang pandama: paningin, pandinig, panlasa, pang-
amoy, at pandama. Dito maipapamalas ng manunulat ang kaniyang husay at kakayahan sa
paglikha ng isang masining na paglalarawan. Mainam kung mapukaw nito ang atensiyon at
maikintal sa isipan ng mga mambabasa ang paglalarawan ng isang pangyayari, karanasan,
bagay, lugar, tao atbp. Halimbawa nito ay mga lathalain at mga akdang pampanitikan.
Uri ng Tekstong Deskriptib

1. Deskriptib Impresyunistik ay uri ng tekstong naglalarawan na nagpapakita lamang


ng pansariling pananaw o opinyon at personal na pakiramdam ng sumulat.
2. Deskriptib Teknikal ay uri ng tekstong naglalarawan na nagpapakita ng obhetibong
pananaw sa tulong ng mga tiyak na datos, mga ilustrasyon, at dayagram.

Tekstong Persuweysib: Paano kita Mahihikayat?

Ang tekstong nanghihikayat o tekstong persuweysib ay naglalahad ng mga mga


pahayag upang makapanghikayat o makapangumbinsi sa mga tagapakinig o mambabasa. Ito
ay may layunin na maglahad ng opinyon upang ang manunulat o tagapagsalita ay
makahihikayat ng mga mambabasa o tagapakinig na maniwala sa kanyang posisyon o punto
de vista hinggil sa isang paksa. Kailangang sapat ang katibayan o patunay upang suportahan
ang isang isyu, paksa, o kaisipan nang sa gayon ito ay maging kapanipaniwala. Ang mga
halimbawa nito ay ang mga patalastas, talumpati, editoryal, at sanaysay.

Ito ay nahahati sa tatlong elemento ayon kay Aristotle:

1. Ethos hango sa salitang Griyego na nauugnay sa salitang Etika. Ito ay tumutukoy sa


kredibilidad o personalidad ng manunulat o nagsasalita. Ang mga mambabasa ang
magpapasya kung kapani-paniwala o karapat-dapat na panigan ang
tagapanghikayat.
2. Logos salitang Griyego na Logos ay tumutukoy sa pangangatwiran o lohika na
pagmamatuwid ng manunulat o tagapagsalita.
3. Pathos tumutukoy sa emosyon o nararamdaman o saloobin ng mambabasa o
tagapakinig.

Tekstong Naratib: Mahusay na Pagkukwento

Ang pagsulat nito ay maaaring batay sa obserbasyon o nakita ng may akda, maaari din
namang ito ay nanggaling mula sa sarili niyang karanasan. Ito ay maaaring hinango sa totoong
pangyayari sa daigdig (di-piksyon), o nanggaling lamang sa kathang-isip ng manunulat
(piksyon).

Ang tekstong naratib ay isang uri ng tekstong naglalayong magkuwento o


magsalaysay. Ito ay nagpapakita ng mga impormasyon tungkol sa mga tiyak na pangyayari na
maaaring nakita, hango sa sariling karanasan, totoong kaganapan o di-piksyon, maaari ding
likhang isip lamang ng manunulat o piksyon. Layunin nito ay makapagbigay–aliw o manlibang
sa mga mambabasa. Ang halimbawa ng tekstong naratib ay ang maikling kuwento, alamat, at
nobela.
Mga bahagi ng Tekstong Naratib:

1. Ekposisyon o impormasyon tungkol sa pangunahing tauhan at tagpuan.


2. Mga komplikasyon o kadena ng kaganapan, dito nakikita ang pagkakasunod-sunod
ng pangyayari sa kuwento, ang papataas na aksiyon, rurok, at pababang aksiyon.
3. Resolusyon o “denouement” ay ang katapusan o huling bahagi ng kuwento dito
nabibigyang solusyon ang tunggalian o suliranin.

Elemento ng Tekstong Naratibo

Paksa - Pumili ng paksang mahalaga at makabuluhan. Kahit na nakabatay sa


personal na karanasan ang kwentong nais isalaysay.

Estruktura - Kailangang malinaw at lohikal ang kabuuang estruktura ng kuwento.


Madalas na makikitang ginagamit na paraan ng narasyon ang iba’t ibang estilo ng
pagkakasunod-sunod ng pangyayari. Kung minsan ay nagsisimula sa dulo papuntang
unahan ng kuwento, kung minsan naman ay mula sa gitna. Maaaring
gumamit ng iba’t ibang paraan ng pagkakaayos, tiyakin lamang ang sistematiko at
lohikal ang pagkakasunod-sunod ng pangyayari upang madaling maunawaan ang
narasyon.

Oryentasyon - Nakapaloob dito ang kaligiran ng mga tauhan, lunan o setting, at oras
o panahon kung kailan nangyari ang kuwento. Malinaw dapat na nailatag ang mga ito
sa pagsasalaysay at nasasagot ang mga batayang tanong na sino, saan, at kailan.

Pamamaraan ng narasyon - Kailangan ng detalye at mahusay na oryentasyon ng


kabuuang senaryo sa unang bahagi upang maipakita ang setting at mood. Iwasang
magb igay ng komento sa kalagitnaan ng pagsasalaysay upang hindi lumihis ang daloy.

● Diyalogo – sa halip na direktang pagsasalaysay ay gumamit ng pag-uusap ng mga


tauhan.
● Foreshadowing – nagbibigay ng mga pahiwatig o hints hinggil sa kung ano ang
kahihinatnat o mangyayari sa kwento.
● Plot twist – tahasang pagbabago sa direksyon o inaasahang kalalabasan ng isang
kuwento.
● Ellipsis – omisyon o pag-aalis

Komplikasyon o tunggalian - Karaniwang nakapaloob sa tunggalian ang


pangunahing tauhan.

Resolusyon - Ito ang kahahantungan ng komplikasyon o tunggalian. Maaring ang


resolusyon ay masaya o hindi batay sa magiging kapalaran ng pangunahing tauhan.

Tekstong Prosidyural: Alamin ang mga hakbang

Ang tekstong prosidyural ay nagpapaliwanag kung paano ginagawa o binubuo


ang isang bagay. Naglalahad ito ng wastong pagkakasunod-sunod ng mga hakbangin,
proseso o paraan sa paggawa. Layunin nito na makapagbigay ng malinaw na
instruksiyon o direksiyon upang maisakatuparan nang maayos at mapagtagumpayan
ang isang makabuluhang gawain. Ang halimbawa nito ay mga paraan sa pag-aasemble
ng bagay o kagamitan, resipi sa pagluluto atbp.
Colegio de Los Baños – PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK 3
Halimbawa ng Tekstong Prosidyural:

Pitong simpleng hakbang upang maprotektahan ang sarili at ang iba laban sa COVID-19:

1. Hugasan nang madalas ang iyong mga kamay.


2. Iwasan ang paghawak sa iyong mata, ilong at bibig.
3. Takpan ang iyong ubo at bahing
4. Iwasan ang matatao na lugar at malapit na pakikipagsalamuha sa taong may
lagnat o ubo.
5. Manatili sa bahay kung ikaw ay may sakit.
6. Kung ikaw ay may lagnat, ubo at hirap sa pag-
7. hinga, magpakonsulta agad – ngunit tawagan mo muna ang health facility.
8. Kumuha ng impormasyon sa mapagkakatiwalaang awtoridad.

Tekstong Argumentatib: Ipaglaban ang Katuwiran

Tekstong argumentatib ay naglalayong manghikayat, naglalahad ito ng mga


oposisyong umiiral na kaugnayan ng mga proposisyon na nangangailangang pagtalunan
o pagpapaliwanagan. Ang ganitong uri ng teksto ay tumutugon sa tanong na bakit.

Chunk 3

Gabay sa Pagbasa at Pagsusuri ng mga Teksto

Mahalaga ang pagsusuri sa ano mang babasahin upang makilala ang uri ng
tekstong ating babasahin. Mainam na magamit natin ang ating kaalaman sa pagsusuri ng
teksto ayon sa kabuuan nito. Maaari nating gamitin ang mga pamamaraan sa pagbasa na
ating natutuhan gaya ng iskiming, iskaning, kaswal, komprehensibo, atbp.

Karaniwan na sa isang mambabasa na sinusubukang paraanan o iiskan ang


kabuuan ng isang akda upang tayo ay makakuha ng idea bago natin ito tuluyang basahin.
Kumukunsulta din tayo sa mga talaan ng nilalaman upang mabatid kung ang akdang ating
babasahin ay may kaugnayan sa mga katanungang hinahanapan natin ng kasagutan,
Mainam din na mabatid muna kung ang nilalaman ng isang teksto ay angkop o akma sa
uri o antas ng mambabasa nito. Mahalaga din na mabatid ang layunin, nilalaman, at
maging kung sino ang sumulat ng teksto upang matukoy ang kapakinabangang hatid nito.

Sa pagbabasa o pakikinig mainam na masuri ng mambabasa o tagapakinig kung


ano at paano isinulat o iniulat ang isang teksto. Kung ang isang teksto ay kakikitaan ng
mahalagang impormasyon mainam na ito ay hanapan ng katibayan ng konsepto sa
paglalahad ng akda. Gayundin ang pag-unawa o pagpapakahulugan ng mga salitang
ginamit, ang pagsasaalang-alang sa paraan ng pagkakasulat ng akda, at pag-unawa sa
nilalaman ng teksto, maging ang katuturan ng akda sa disiplinang kinabibilangan nito.
Colegio de Los Baños – PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK 5
Pagtukoy ng kahulugan at katangian ng mahahalagang salitang ginamit ng iba’t ibang
uri ng tekstong binasa.

Una, BIGKASIN ang salita. Madalas ay nagkakaroon tayo ng ideya o nakikilala natin ang
kahulugan ng salita kapag narinig natin itong binigkas. Ikalawa, suriin ang ISTRUKTURA ng
salita. Pag-aralan kung ito ba ay salitang-ugat, maylapi, inuulit, o tambalan. Tukuyin ang mga
bahagi ng salita upang magkaroon ng ideya sa kahulugan nito. Pagkatapos, pag-aralan ang
KONTEKSTO. Hulaan ang kahulugan ng salita batay sa kung paano ito ginamit sa loob ng
pangungusap, sa sinundang pahayag, o sa susunod na pahayag.

Chunk 4

Pagpapakahulugan ng Salita

Ang malawak na pagpapakahulugan sa mga salita ay kinakailangan ng tao upang higit


na maging mahusay at epektibo ang pakikipagkomunikasyon. Narito ang mga paraan kung
paano mabibigyang kahulugan ang mga salita o pangungusap.
1. Pagbibigay-Kahulugan - ito ang pagbibigay ng kahulugan na mula sa taong may sapat
na kabatiran tungkol sa salita/pangungusap na nais bigyang kahulugan o kaya'y
maaaring mula sa mga diksyunaryo, aklat, ensayklopedya, magasin o pahayagan.
2. Pagbibigay ng mga halimbawa - ito ang pagbibigay ng kahulugan ng isang salita sa
pamamagitan ng pagbibigay ng mga halimbawa.
3. Paglalapi at pagsasama ng salita sa pangungusap — ito ang pagkakaroon ng iba't
ibang pagpapakahulugan sa salita kapag nilalapian.
4. Pagbibigay ng iba pang kahulugan o barayti ng salita — ito ang pagbibigay ng
magkatulad na kahulugan.
5. Paggamit ng mga idyomatikong pahayag at pagtatayutay — ito ang pagbibigay ng
kahulugan sa mga salitang matalinhaga sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga salitang
ginamit.

Chunk 5

Kaantasan ng Wika

Ang wika ay nahahati sa iba’t ibang kategorya sa antas na ginagamit ng tao batay
sa kaniyang pagkatao, sa lipunang kanyang ginagalawan, lugar na tinitirhan, panahon,
katayuan, at okasyong dinadaluhan. Kaya mahalagang kilalanin ang mga salita upang
maging pamilyar sa katangiang tinataglay nito.

A.Pormal na Wika - - Ito ay antas ng wika na istandard at kinikilala o ginagamit ng


nakararami.
1. Pambansa - Ito ay ginagamit ng karaniwang manunulat sa aklat at pambalarila
para sa paaralan at pamahalaan.
2. Pampanitikan o Panretorika - Ito ay ginagamit ng mga malikhaing manunulat.
Ang mga salita ay karaniwang malalalim, makulay, at masining.
Colegio de Los Baños – PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK 6

B.Impormal na Wika - Ito ay antas ng wika na karaniwan, palasak, at pangaraw-araw.


Madalas itong gamitin sa pakikipag-usap at pakikipagtalastasan.

1. Lalawigan- Ito ay gamitin ng mga tao sa partikular na pook o lalawigan,


makikilala ito sa kakaibang tono o punto.
2. Kolokyal- Pang-araw-araw na salita, maaring may kagaspangan nang kaunti,
maaari rin itong refinado ayon sa kung sino ang nagsasalita. Ang pagpapaikli ng
isa, dalawa, o higit pang titik sa salita.
3. Balbal- Sa Ingles ito ay Slang. Nagkaroon ng sariling codes, mababa ang antas
na ito, ikalawa sa antas bulgar.

Sanggunian

Crizel Sicat-De Las, Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik. Manila: Rex
Book Store. 2016, 2-100. Del Rosario, Mary Grace G. at Dayag, Alma M. Pinagyamang Pluma: Pagbasa at
Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik. Quezon City: Phoenix Publishing House.

2016.https://commons.deped.gov.ph/categories/086b39c5-d420-40ff-bb16-58d1e34823ff
file:///D:/Downloads/Pagbasa%20at%20Pagsusuri%20sa%20Ibat%20Ibang%20Teksto%20Tungo%
20sa%20Pananaliksik%20(PIVOT).p df
Colegio de Los Baños – PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK 7

ANSWER SHEET (Ipasa lamang ang sagutang papel hindi ang buong module)

Name: ________________________________ Section:_______________________


LAST NAME, FIRST NAME MIDDLE INITIAL

ENGAGEMENT
Enabling Assessment Activity No.1
Panuto: Ipaliwanag ang mga sumusunod na katanungan.

1. Ano-ano ang mga uri ng teksto at ibigay ang mga layunin nito.
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
2. Ano ang pinagkaiba ng scanning at skimming?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
3. Sa iyong palagay, makakatulong ba ang pagtukoy sa uri ng binabasang teksto? Bakit?
Pangatwiranan ang sagot.
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

________________________________________________________________
SIGNATURE OVER PRINTED NAME OF PARENT OR GUARDIAN
DATE: ______________
Colegio de Los Baños – PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK 8

ANSWER SHEET (Ipasa lamang ang sagutang papel hindi ang buong module)

Name: ________________________________ Section: _______________


LAST NAME, FIRST NAME MIDDLE INITIAL

MINI PERFORMANCE TASK No. 1


Panuto: Pumili ng isang uri ng teksto na ayon sa tinalakay at gumawa ng big book na naglalaman ng
sariling likhang kwento. Ito ay ibabahagi sa inyong kamag-aral.

Pamantayan sa Paggawa ng Big Book:


Nilalaman 20%
Ginamit na Pananalita o Wika 20%
Kaugnayan sa Tekstong Napili 10%
Pagkamalikhain (Kalinisan, detalyado at kahusayan) 20%
Paraan ng Paglalahad 30%
KABUUAN 100%

SIGNATURE OVER PRINTED NAME OF PARENT OR GUARDIAN


DATE: ______________
Colegio de Los Baños – PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK 9

Prerequisite Assessment

Bakit mahalagang masuri ang mga tekstong binabasa?


Sa paanong paraan mo masasabing malinaw ang mensahe o diwa ng isang
teksto?

ARALIN 2: KATANGIAN AT KALIKASAN NG


IBA’T IBANG URI NG TEKSTO
INTRODUCTION
A. KAGAMITANG PANTURO: Module, pen, paper, aklat, internet (if applicable)
B. PANALANGIN: Ama, maraming salamat po sa panibagong araw na ibinigay
nyo sa amin nawa ay marami kaming matutunan sa araw na ito at ingatan nyo
po ang bawat-isa. Amen.
C. RUA: Pagkatapos ng talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahan:
a. Naibabahagi ang katangian at kalikasan ng iba’t ibang tekstong binasa
b. Nakasusulat ng ilang halimbawa ng iba’t ibang uri ng teksto
D. INSTITUTIONAL VALUES: Critical Thinking and Social Responsibility

LESSON PROPER
Chunk 1
Sa pagbuo ng tekstong impormatib, mahalagang isaalang-alang ang katumpakan ng
nilalaman. Ang mga sumusulat nito ay kinakailangang may sapat na kaalaman sa paksa, kung
kaya’t dapat sila ay may mga sangguniang pinagbabasehan. Dagdag pa, ang sanggunian o
pinagkukunan nila ng datos ay kailangang mapapagkatiwalaan at may kredibilidad. Makabubuti
rin kung ang paksa ay napapanahon sapagkat ito ay maaaring makatulong upang maunawaan
ng mambabasa ang mga isyu sa lipunan.
Ang ilan sa mga halimbawa ng tekstong impormatib ay diksyunaryo, ensayklopedya,
almanac, pamanahong papel o pananaliksik, siyentipikong ulat, at mga balita sa pahayagan.
Narito naman ang mga katangian ng isang mahusay na pagsulat ng tekstong
impormatib:

1. Kalinawan: Hindi mauunawaan ng nakikinig o bumabasa ang anumang pahayag kung


hindi malinaw ang paliwanag.
2. Katiyakan: Ang katiyakan ay matatamo kung malalaman ng nagpapaliwanag ang
kaniyang layunin sa pagpapaliwanag
3. Diin: May diin ang isang akda o talumpati kung naaakit ang nakikinig o bumabasa na
ipagpatuloy ang pakikinig o pagbasa. Ito’y kinakikitaan ng diwang mahalaga.
4. Kaugnayan: Dapat na magkakaugnay ang diwa ng lahat ng sangkap ng pangungusap
at talata sa loob ng isang akda upang maging mabisa ang pagpapahayag.

Bahagi ng tekstong Impormatib:

1. Simula. Sa bahaging ito dapat ang mga mambabasa ay maaakit at nakakapukaw ng


atensyon.
2. Gitna. Sa bahaging ito magkaroon ng kaugnayan at kaisahan ang mga kaisipang
ipinahahayag upang hindi malito ang bumabasa.
3. Wakas. Ang bahaging ito ay paglalahad na nag-iiwan ng isang kakintalan sa isip ng
bumabasa.
Ang paglalarawan o ang tekstong deskriptib ay ang pagpapahayag ng ating nakikita,
naririnig, at nadarama.

Pangunahing layunin ng paglalarawan ay ang pagbuo ng isang malinaw na larawan sa isip ng


mga mambabasa o tagapakinig.

Ang sumusulat ng isang paglalarawan ay maihahambing sa isang pintor na gumuguhit ng mga


tanawin at mga larawan; kung ang pintor ay pinsel at pintura ang ginagamit, ang isang
manunulat ng tekstong deskriptib naman na nagpapahayag ng pasulat o pasalitang paraan ay
salita ang ginagamit upang ilarawan ang kaniyang paksa na maaaring masining o karaniwan.

Upang maging mabisa ang paglalarawan, ang mga sumusunod ay dapat isaalang alang:
1. Maingat na pagpili ng paksa
2. Pagpili ng sariling pananaw
3. Pagbuo ng isang pangunahing larawan
4. Wastong pagpili ng mga sangkap

Dalawang uri ng paglalarawan:

1. Pangkaraniwan - ang uring ito’y nagbibigay lamang ng kabatiran sa inilalarawan, hindi ito
naglalaman ng damdamin at kurokuro ng naglalarawan.
2. Masining na paglalarawan - dito ang guniguni ng bumabasa ay pinagagalaw upang makita
ang isang buhay na buhay na larawan.
Ang tekstong prosidyural ay isang uri ng paglalahad na kadalasang nagbibigay ng
impormasyon at instruksiyon kung paano isinasagawa ang isang tiyak na bagay.

May layunin itong makapagbigay ng sunod-sunod na direksiyon at impormasyon sa mga tao


upang matagumpay na maisagawa ang mga gawain nang ligtas, episyente at angkop sa
paraan.
Ang pagsulat ng tekstong ito ay binubuo ng apat na bahagi, tulad ng mga sumusunod:
1.Inaasahan o Target na Awtput - tumutukoy sa kung ano ang kalalabasan o kahahantungan
ng proyekto ng prosidyur.
2.Mga Kagamitan - Maaaring ilarawan sa bahaging ito ang mga tiyak na katangian ng isang
bagay o kaya ay ang katangian ng isang uri ng trabaho o ugaling inaasahan sa isang mag-aaral
kung susundin ang gabay.
3.Metodo – ito ay nagsasaad ng serye ng mga hakbang na isinasagawa upang mabuo ang
proyekto.
4.Ebalwasyon - Naglalaman ng mga pamamaraan kung paano masusukat ang tagumpay
ng prosidyur na isinagawa.
Colegio de Los Baños – PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK 10

May mga tiyak na katangian ng wikang madalas gamitin sa tekstong prosidyural.

1. Nasusulat sa kasalukuyang panahunan.


2. Nakapokus sa pangkalahatang mambabasa at hindi sa iisang tao lamang.
3. Gumamit nang tiyak na pandiwa para sa instruksiyon.
4. Gumamit nang malinaw na pang-ugnay at cohesive device upang ipakita ang
pagkasunod-sunod at ugnayan ng mga bahagi ng teksto.

Sanggunian

Munar, Lina. M., Salvador, Joel S., Victoria, Vasil A., and Abejar, Nelia G. Filipino 2 sa Kolehiyo: Pagbasa
at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik. Capas, Tarlac: Hisgophil Publishing Inc. 2014. Salvador, Joel S.,
Munar, Lina. M., and Victoria, Vasil A., Filipino 1 sa Kolehiyo: Komunikasyon sa Akademikong Filipino.
Capas, Tarlac: Hisgophil Publishing Inc. 2013. Sauco, Consolacion P., Santos, Iluminada C., and
Rodriguez, Remedios S. Masining na Pagpapahayag: Pang-antas Tersyaryo Las Piñas City: Booktime
Publication, 2014.https://commons.deped.gov.ph/categories/086b39c5-d420-40ff-bb16-
58d1e34823ff
Colegio de Los Baños – PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK 11

ANSWER SHEET (Ipasa lamang ang sagutang papel, hindi ang buong module)

Name: ________________________________ Section:_______________________


LAST NAME, FIRST NAME MIDDLE INITIAL

ENGAGEMENT

ENABLING ASSESSMENT ACTIVITY NO.2

Panuto: Gumawa ng isang Tekstong Prosidyural sa pamamagitan ng pagsasagawa ng


“Sangkap ng Tagumpay”. Gawin ito sa Oslo paper. Maging Malikhain. Maaring gawing
batayan ang ibinigay na halimbawa sa ibaba. (Tagalog)

___________________________________________________________________
SIGNATURE OVER PRINTED NAME OF PARENT/GUARDIAN
DATE: ______________
Colegio de Los Baños – PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK 12

Prerequisite Assessment

Bakit mahalagang maunawaan ang mga bahagi ng pangungusap?


Magiging makabuluhan ba ang isang teksto kung ito ay gagamitan
ng iba’t ibang pang-ugnay?

ARALIN 3: PAGSULAT: COHESIVE DEVICES


INTRODUKSYON
A. KAGAMITANG PANTURO: Module, pen, paper, aklat, internet (if applicable)
B. PANALANGIN: Ama, maraming salamat po sa panibagong araw na ibinigay nyo
sa amin nawa ay marami kaming matutunan sa araw na ito at ingatan nyo po
ang bawat-isa. Amen.
C. RUA: Pagkatapos ng talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Nagagamit ang cohesive device sa pagsulat ng sariling halimbawang teksto
D. INSTITUTIONAL VALUES: Critical Thinking and Social Responsibility
LESSON PROPER

Chunk 1

Gamit ng Cohesive Devices

Kung ang mga pangungusap, ideya, at detalye ay malinaw na nagkakaugnay sa isang


konteksto, madali na itong maunawaan ng mambabasa. Malaking tulong ang tamang paggamit
ng mga cohesive devices para makabuo ng makabuluhang teksto. Kung ang isinulat ng awtor
ay malinaw na naunawaan at naisabuhay ng mambabasa, nangangahulugang nagtagumpay
ang awtor sa kaniyang isinulat.
1.Reperensiya (Reference) Ito ang paggamit ng mga salitang maaaring tumukoy o
maging reperensiya ng paksang pinag-uusapan sa pangungusap. Tinutukoy nito ang
anapora at katapora.
Anapora - tumutukoy sa mga panghalip na ginagamit sa hulihan bilang pananda sa
pinalitang pangalan na binanggit sa pangungusap o talata.
Halimbawa: Kung makikita mo si Manong. Sabihin mo na ibig ko siyang
makausap.
Katapora- tumutukoy sa mga panghalip na ginagamit sa unahan bilang pananda sa
pinalitang pangalan na binanggit sa hulihan ng pangungusap o talata.
Halimbawa: Ito ay isang dakilang lungsod. Ang Maynila ay may makulay na
kasaysayan.
2.Substitusyon-Paggamit ng ibang salitang ipinapalit sa halip na muling ulitin ang
salita.

Halimbawa: Nawala ko ang aklat mo. Ibibili na lang kita ng bago. (Ang salitang aklat sa unang
pangungusap ay napalitan ng salitang bago sa ikalawang pangungusap. Ang dalawang salita’y
parehong tumutukoy sa iisang bagay, ang aklat.)

3. Elipsis- May ibinabawas na bahagi ng pangungusap subalit inaasahang maiintindihan


o magiging malinaw pa rin sa mambabasa ang pangungusap dahil makatutulong ang
naunang pahayag para matukoy ang nais ipahiwatig ng nawalang salita.
Colegio de Los Baños – PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK 13

Halimbawa: Bumili si Gina ng apat na aklat at si Rina nama’y tatlo. (Nawala ang salitang
bumili gayundin ang salitang aklat para sa bahagi ni Rina subalit naiintindihan pa rin
ng mambabasa na tulad ni Gina, siya’y bumili rin ng tatlong aklat dahil nakalahad na
ito sa unang bahagi.)

4.Pang-ugnay- Nagagamit ang mga pang-ugnay tulad ng “at” sa pag-uugnay ng sugnay


sa sugnay, parirala sa parirala, at pangungusap sa pangungusap. Sa pamamagitan
nito, higit na nauunawaan ng mambabasa o tagapakinig ang relasyon sa pagitan ng
mga pinag-uugnay.

Halimbawa: Ang mabuting magulang ay nagsasakripisyo para sa mga anak at ang


mga anak naman ay dapat magbalik ng pagmamahal sa kanilang mga magulang.

5.Kohesyong Leksikal- Mabibisang salitang ginagamit sa teksto upang magkaroon ito ng


kohesyon. May dalawang uri ito.

a. Reiterasyon kung ang ginagawa o sinasabi ay nauulit ng ilang beses.

∙ Pag-uulit o repetisyon
Halimbawa: Maraming bata ang hindi nakapapasok sa paaralan. Ang mga
batang ito ay nagtatrabaho na sa murang gulang pa lang.
∙ Pag-iisa-isa
Halimbawa: Nagtatanim sila ng mga gulay sa bakuran. Ang mga gulay na ito ay
talong, sitaw, kalabasa, at ampalaya.

Pagbibigay Kahulugan
Halimbawa: Marami sa mga batang manggagawa ay nagmula sa mga
pamilyang dukha. Mahirap sila kay” ang pag-aaral ay naiisantabi kapalit ng
ilang baryang naiaakyat nila para sa hapag-kainan.

b. Kolokasyon—Mga salitang karaniwang nagagamit nang magkapareha o may


kaugnayan sa isa’t isa kaya’t kapag nabanggit ang isa ay naiisip din ang isa.
Maaaring magkapareha o maaari ding magkasalungat.

Halimbawa:
nanay – tatay, guro – mag-aaral, hilaga – timog, doktor – pasyente puti – itim,
maliit – malaki, mayaman – mahirap

Sanggunian

Munar, Lina. M., Salvador, Joel S., Victoria, Vasil A., and Abejar, Nelia G. Filipino 2 sa Kolehiyo: Pagbasa at
Pagsulat Tungo sa Pananaliksik. Capas, Tarlac: Hisgophil Publishing Inc. 2014. Salvador, Joel S., Munar,
Lina. M., and Victoria, Vasil A., Filipino 1 sa Kolehiyo: Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Capas,
Tarlac: Hisgophil Publishing Inc. 2013. Sauco, Consolacion P., Santos, Iluminada C., and Rodriguez,
Remedios S. Masining na Pagpapahayag: Pang-antas Tersyaryo Las Piñas City: Booktime Publication,
2014.https://commons.deped.gov.ph/categories/086b39c5-d420-40ff-bb16-58d1e34823ff
Colegio de Los Baños – PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK 14

ANSWER SHEET (Ipasa lamang ang sagutang papel, hindi ang buong module.)

Name: ________________________________ Section:_______________________


LAST NAME, FIRST NAME MIDDLE INITIAL

ENGAGEMENT

MINI PERFORMANCE TASK NO.2

Panuto: Sumulat ng isang tekstong impormatibo na gagamita ng iba’t ibang Cohesive


Devices. Salungguhitan ang mga cohesive devices na ginamit.

PAMANTAYAN
Nilalaman 20
Wastong Paggamit Cohesive Devices 15
Organisasyon ng mga Salita 15
Kabuuan 50%
Colegio de Los Baños – PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK 16

Pre-requisite Assessment:

Ano ang kahalagahan ng pagkuha ng tamang datos upang mapaunlad ang


sariling tekstong isinulat?

Bakit mahalagang malaman ang kaisipang nakapaloob sa binasang teksto?


ARALIN 4: PAG-UUGNAY NG KAISIPANG
NAKAPALOOB SA BINASANG TEKSTO
INTRODUKSYON
A. KAGAMITANG PANTURO: Module, pen, paper, aklat, internet (if applicable)
B. PANALANGIN: Ama, maraming salamat po sa panibagong araw naibigay nyo sa amin
nawa ay marami kaming matutunan sa araw na ito at ingatan nyo po ang bawat-isa.
Amen.
C. RUA: Pagkatapos ng talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Nakakukuha ng angkop na datos upang mapaunlad ang sariling tekstong isinulat.
b. Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa binasang teksto sa sarili, pamilya,
komunidad, bansa, at daigdig.
D. INSTITUTIONAL VALUES: Critical Thinking and Social Responsibility

LESSON PROPER

Chunk 1

Kahulugan ng Reaksyong Papel

Alam mo ba n ang reaksyong papel ay maituturing na isang uri ng sulatin kung saan
ang may akda ay makakapagbigay ng sariling ideya at opinion patungkol sa binasang teksto .
(https://www.bestessays.com/glossary/reaction_paper.php)
Ano nga ba ang kaibahan ng pagsulat ng reaksyong papel sa ibang sulatin? Ang isang
reaksyong papel ay naglalahad ng sariling opinyon at mga natutunan ng isang manunulat
patungo sa isang teksto o pangyayari. (https://kingessays.com/reactionpaper.php.)
At mula rin sa coursehero.com, sa pagsulat ng reaksyong papel mahalaga ring isaalang-
alang ang sarili at ang mga maaring makabasa ng isinulat. Maaring ang mismong pamilya,
komunidad, bansa at maging ang daigdig ay maabot ng iyong isinulat, lalo pa sa panahon
ngayon na napakabilis ng teknolohiya. Laging tandaan na ang bawat isa ay mayroong
responsibilidad sa sarili at sa kapwa.

Apat na bahagi ng Reaksyong Papel

1.Introduksiyon- ito ang pupukaw sa interest ng mga nagbabasa. Sa parteng ito,


kailangang ilarawan ang papel at may-akda na iyong pinag-aaralan. Kailangang
maglagay ng mga tatlo hanggang apat na mga pangungusap mula sa orihinal na papel
na iyong pinag-aaralan. Kailangan ding maglagay ng iyong maikling thesis statement
ukol sa papel.
2.Katawan - Ang katawan ay kung saan nakasaad ang iyong mga sariling kaisipan ukol sa
mga pangunahing ideya ng papel na iyong pinag-aaralan. Dito sinusuri ang orihinal na
papel.
3.Konklusyon - Ang konklusyon ay maikli lamang ngunit naglalaman ng impormasyon
ukol sa thesis at mga pangunahing ideya na nasaad sa reaksyong papel.
4.Pagsipi at pinagmulan ng mga impormasyon - Ito ay ang bahagi kung saan nakalagay
ang maikling impormasyon ukol sa pagsipi at pinagmulan ng mga impormasyon na
iyong nailahad. (https://kingessays.com/reaction-paper.php)
Halina’t basahin ang teksto at alamin ang kaisipang hatid nito:

Mabangis na Lungsod
ni Efren R. Abueg

Ang gabi ay mabilis na lumatag sa mga gusali, lumagom sa malalaki at maliliit na lansangan,
dumantay sa mukha ng mga taong pagal, sa mga taong sa araw-araw ay may bagong lunas na walang
bisa. Ngunit ang gabi ay waring maninipis na sutla lamang ng dilim na walang lawak mula sa lupa
hanggang sa mga unang palapag ng mga gusali. Ang gabi ay ukol lamang sa dilim sa kalangitan
sapagkat ang gabi sa kalupaan ay hinahamig lamang ng mabangis na liwanag ng mga ilaw-dagitab. Ang
gabi ay hindi napapansin ng labindalawang taong gulang na si Adong. Ang gabi ay tulad lamang ng
pagiging Quiapo ng pook na iyon. Kay Adong, ang gabi’y naroroon, hindi dahil sa may layunin sa pagiging
naroon, kundi dahil sa naroroon, katulad ng Quiapo. Sa walang muwang na isipan ni Adong, walang
kabuluhan sa kanya kung naroon man o wala ang gabi—at ang Quiapo. Ngunit isang bagay ang may
kabuluhan kay Adong sa Quiapo. Alisin na ang nagtatayugang gusali roon, alisin na ang bagong lagusan
sa ilalim ng lupa, alisin na ang mga tindahang hanggang sa mga huling oras ng gabi’y mailaw at maingay.
Huwag lamang matitinag ang simbahan at huwag lamang mababawasan ang mga taong pumapasok at
lumalabas doon, dahil sa isang bagay na hinahanap sa isang marikit. Sapagkat ang simbahan ay bahay
ni Adong.
Kung ilang hanay ang mga pulubing naroroon at mga nagtitinda ng tiket sa suwipistek, ng
kandila, ng kung anu-anong ugat ng punongkahoy at halaman. At sa mga hanay na iyon ay nakatunghay
ang simbahan, naaawa, nahahabag. At nakatingala naman ang mga nasa hanay na iyon, kabilang si
Adong. Hindi sa simbahan kundi sa mga taong may puso pa upang dumukot sa bulsa at maglaglag ng
singko o diyes sa maruruming palad. Mapapaiyak na si Adong. Ang tingin niya tuloy sa mga ilaw- dagitab
ay parang mga piraso ng apoy na ikinakalat sa kalawakan. Kanina pa siyang tanghali sa loob ng
marusing na bakuran ng simbahan. Nagsawa na ang kanyang mga bisig sa kalalahad ng kamay, ngunit
ang mga sentimong kumakalansing sa kanyang bulsa ay wala pang tunog ng katuwaan. Bagkus ang
naroon ay bahaw na tunog ng babala. Babalang ipinararamdam ng pangangalam ng kanyang sikmura
at sinasapian pa ng takot na waring higad sa kanyang katawan.
“Mama. . .Ale, palimos na po.” Ang maraming mukhang nagdaraan ay malalamig na parang bato,
ang imbay ng mga kamay ay hiwatig ng pagwawalang-bahala, ang hakbang ay nagpapahalata ng
pagmamadali ng pag-iwas. “Singko po lamang, Ale… hindi pa po ako nanananghali!”
Kung may pumapansin man sa panawagan ni Adong, ang nakikita naman niya ay irap, pandidiri,
pagkasuklam. “Pinaghahanapbuhay ‘yan ng mga magulang para maisugal,” madalas naririnig ni Adong.
Nasaktan siya sapagkat ang bahagi ng pangungusap na iyon ay untag sa kanya ni Aling Ebeng, ang
matandang pilay na kanyang katabi sa dakong liwasan ng simbahan. At halos araw-araw, lagi siyang
napapaiyak, hindi lamang niya ipinahahalata kay Aling Ebeng, ni kanino man sa naroroong
nagpapalimos. Alam niyang hindi maiiwasan ang paghingi sa kanya nito ng piso, sa lahat. Walang bawas.
“May reklamo?” ang nakasisindak na tinig ni Bruno. Ang mga mata nito’y nanlilisik kapag nagpatumpik-
tumpik siya sa pagbibigay.
At ang mga kamay ni Adong ay manginginig pa habang inilalagay niya sa masakim na palad ni
Bruno ang salapi, mga sentimong matagal ding kumalansing sa kanyang bulsa, ngunit
kailanman ay hindi nakarating sa kanyang bituka. “Maawa na po kayo, Mama… Ale…gutom
Colegio de Los Baños – PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK 17

na gutom na ako!” Ang mga daing ay walang halaga, waring mga patak ng ulan sa malalaking bitak ng
lupa. Ang mga tao’y bantad na sa pagpapalimos ng maraming pulubi. Ang mga tao’y naghihikahos na
rin. Ang panahon ay patuloy na ibinuburol ang karukhaan.
Ang kampana ay tumugtog at sa loob ng simbahan, pagkaraan ng maikling sandali, narinig ni
Adong ang pagkilos ng mga tao, papalabas, waring nagmamadali na tila ba sa wala pang isang oras na
pagkakatigil sa simbahan ay napapaso, nakararamdam ng hapdi, hindi sa katawan, kundi sa kaluluwa.
Natuwa si Adong. Pinagbuti niya ang paglalahad ng kanyang palad at pagtawag sa mga taong papalapit
sa kanyang kinaroroonan. “Malapit nang dumating si Bruno…” ani Aling Ebeng na walang sino mang
pinatutungkulan. Manapa’y para sa lahat na maaaring makarinig.
Biglang-bigla, napawi ang katuwaan ni Adong. Nilagom ng kanyang bituka ang nararamdamang
gutom. Ang pangambang sumisigid na kilabot sa kanyang mga laman at nagpatindig sa kanyang
balahibo ay waring dinaklot at itinapon sa malayo ng isang mahiwagang kamay. Habang nagdaraan sa
kanyang harap ang tao—malamig, walang awa, walang pakiramdam—nakadarama siya ng kung anong
bagay na apoy sa kanyang gutom at pangamba. Kung ang araw na niyang nadarama iyon, at hanggang
sa ngayon ay naroroon pa’t waring umuuntag sa kanya na gumawa ng isang marahas na bagay. Ilang
singkong bagol ang nalaglag sa kanyang palad, hindi inilagay kundi inilaglag, sapagkat ang mga palad
na nagbigay ay nandidiring mapadikit sa marurusing na palad na wari bang mga kamay lamang na
maninipis ang malinis. Dali-daling inilagay ni Adong ang mga bagol sa kanyang bulsa. Lumikha iyon ng
bahaw na tunog nang tumama sa iba pang sentimong nasa kanyang palad at sa kaabalahan niya’y hindi
niya napansing kakaunti na ang taong lumalabas mula sa simbahan. Nakita na naman ni Adong ang
mga mukhang malamig, ang imbay ng mga kamay na nagpapahiwatig ng pagwawalang-bahala, ang
mga hakbang ng pagmamadaling pag-iwas.
“Adong. . .ayun na si Bruno,” narinig niyang wika ni Aling Ebeng. Tinanaw ni Adong ang inginuso
sa kanya ni Aling Ebeng. Si Bruno nga. Ang malapad na katawan. Ang namumutok na mga bisig. Ang
maliit na ulong pinapangit ng suot na gora. Napadukot si Adong sa kanyang bulsa. Dinama niya ang
mga bagol. Malamig. At ang lamig na iyon ay hindi nakasapat upang ang apoy na nararamdaman niya
kanina pa ay mamatay. Mahigpit niyang kinulong sa kanyang palad ang mga bagol. “Diyan na kayo,
Aling Ebeng. . .sabihin ninyo kay Bruno na wala ako!” mabilis niyang sinabi sa matanda. “Ano? Naloloko
ka ba, Adong? Sasaktan ka ni Bruno. Makita ka ni Bruno!” Narinig man ni Adong ang sinabi ng matanda,
nagpatuloy pa rin sa paglakad, sa simula’y marahan, ngunit nang makubli siya sa kabila ng bakod ng
simbahan ay pumulas siya ng takbo. Lumusot siya sa pagitan ng mga dyipni na mabagal sa pagtakbo.
Sumiksik siya sa kakapalan ng mga taong salu-salubong sa paglakad. At akala niya’y nawala na siya
sa boob rig sinuot niyang mumunting iskinita. Sumandal siya sa poste ng ilaw-dagitab. Dinama niya ang
tigas niyon sa pamamagitan ng kanyang likod. At sa murang isipang iyon ni Adong ay tumindig ang
tagumpay ng isang musmos sa paghihimagsik, ng paglayo kay Bruno, ng paglayo sa gutom, sa
malalamig na mukha, sa nakatunghay na simbahan, na kabangisang sa mula’t mula pa’ y nakilala niya
at kinasuklaman. At iyon ay matagal din niyang pinakalansing.

“Adong!” Sinundan iyon ng papalapit na mga yabag. Napahindik si Adong. Ang basag na tinig
ay naghatid sa kanya ng lagim. Ibig niyang tumakbo. Ibig niyang ipagpatuloy ang kanyang paglaya.
Ngunit ang mga kamay ni Bruno ay parang bakal na nakahawak na sa kanyang bisig, niluluray ang
munting lakas na nagkaroon ng kapangyarihang maghimagsik laban sa gutom, sa pangamba, at sa
kabangisan. “Bitawan mo ako, Bruno! Bitawan mo ako!” naisigaw na lamang ni Adong. Ngunit hindi na
niya muling narinig ang basag na tinig. Naramdaman na lamang niya ang malulupit na palad ni Bruno.
Natulig siya. Nahilo. At pagkaraan ng ilang sandali, hindi na niya naramdaman ang kabangisan sa
kapayapaang biglang kumandong sa kanya.
Colegio de Los Baños – PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK 18

ANSWER SHEET (Ipasa lamang ang sagutang papel, hindi ang buong module)

Name: ________________________________ Section: _______________________


LAST NAME, FIRST NAME MIDDLE INITIAL

ENGAGEMENT

ENABLING ASSESSMENT ACTIVITY NO. 3

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong na may kaugnayan sa tekstong


iyong binasa na may pinamagatang “Mabangis na Lungsod ni Efren Abueg”

1. Ano-anong kaisipan ang natalakay sa tekstong binasa?


__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
______________________________________________________________.
2. Paano mo maiuugnay sa komunidad ang iyong tekstong binasa?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
______________________________________________________________.
3. Ano-anong mga kaisipan sa teksto na sa iyong tingin ay maaari mong isabuhay?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
______________________________________________________________.
4. Bakit natin kailangang malaman ang kaisipang nakapaloob sa bawat tekstong ating
binasa?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
______________________________________________________________.

SIGNATURE OVER PRINTED NAME OF PARENT/GUARDIAN


DATE: ______________
Colegio de Los Baños – PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK 19

Pre-requisite Assessment:

Kapag ikaw ay nagbabasa ng isang kwento o akda, sa paanong paraan mo


isinasabuhay ang mga aral na natatago rito?

Bakit mahalagang maunawaan ang mga mahahalagang diwa o kaisipan sa iyong


tekstong binasa?

ARALIN 5: MGA KAISIPANG


NAKAPALOOB SA TEKSTONG BINASA
A. KAGAMITANG PANTURO: Module, pen, paper, aklat, internet (if applicable)
B. PANALANGIN: Ama, maraming salamat po sa panibagong araw na ibinigay
nyo sa amin nawa ay marami kaming matutunan sa araw na ito at ingatan
nyo po ang bawat-isa. Amen.
C. RUA: Pagkatapos ng talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Naipaliliwanag ang mga kaisipang nakapaloob sa tekstong binasa
D. INSTITUTIONAL VALUES: Critical Thinking and Social Responsibility

LESSON PROPER

Chunk 1

Ang kaisipan ng teksto ay binubuo ng pangunahing kaisipan at pantulong na kaisipan.


Ang pangunahing kaisipan ay ang mensahe na nakapaloob sa isang larawan o
teksto. Ito ang nais ipaunawa ng manunulat sa kaniyang mambabasa. Karaniwan itong
matatagpuan sa unahang bahagi o pamaksang pangungusap ng teksto ngunit may ilang istilo
ang manunulat na ang pamaksang pangungusap ay nasa hulihan, kung kaya ang pangunahing
kaisipan ay maaaring matagpuan sa hulihan ng teksto. Tandaan! May pagkakataong hindi
lantad sa teksto ang pangunahing kaisipan. Ang pantulong na kaisipan naman ay
nagbibigay-linaw sa pangunahing kaisipan. Nagtataglay ito ng mga mahahalagang
impormasyon na nakatutulong sa mambabasa upang higit na maunawaan ang teksto. Ito ay
nagtataglay ng mga mahahalagang impormasyon tulad ng pangalan, lugar, paglalarawan,
datos o istadistika at iba pa upang pagtibayin ang pangunahing kaisipan.

Basahin at unawain ang halimbawa ng teksto sa ibaba.

Pagkamit ng Hustisya, Magkano ba ang Halaga?

Bakit ganon ang hustisya sa ating bansa? Mahirap ba siya kaya hindi niya makamit
ang hustisyang kanyang hinihiling? o Mayaman siya kaya pera nalamang niya ang kapalit ng
hustisyang lahat ay minimithi? Nakasilip nga ba ang tagahatol mula sa kanyang pagkapiring?
Kaya ang pagkamit sa hustisya ay sadyang kay hirap kunin.
Sa panahon ngayon tanging mayayaman na lamang ang nakakamit ng hustisya sa
ating bansa. Nakaka-awa ang mga taong walang pangtustos sa pagkamit ng Katarungan sa
mga krimen na sa kanila’y ginawa. Sinasabi ng marami na ang pera ay kayang bilhin lahat
ngunit naisip ba natin na kayang bilhin ng halaga ang buhay na pinahiram lamang sa atin? Na
ang iba ang kukuha nito at hindi ang Diyos na lumikha? Minsan tayo ay napapaisip kung paano
nila kayang baligtarin ang salaysay ng isang kaawa-awang biktima kapalit ng malaking halaga
ng pera na kung iisipin ay malaking pagkakasala nila, ngunit hindi nila ito naisip dahil sa
pagkasilaw nila sa pera. Anuman uri ng krimen ang ginawa ng isang tao dapat itong magbayad
dahil saan man ito tignan sa natural na batas man o utos ng ating Diyos ay may karampatang
parusa. Kung mapapansin natin ay may estatwa na sumisimbolo ng hustisya. Angpiring sa mata
ay nangangahulugan ng pantay na pagtingin para sa lahat, walang mayaman, walang mahirap,
Pantay na pagtingin. Pero minsan dahil sa piring na iyon hindi talaga makamit ang hustisya
dahil natanggal na ang piring ng isa nitong mata dahil sa malaking halaga na inalok dito. Ang
timbangang hawak nito ay nangangahulugan ng pagtimbang sa mga ebidensya ng nagkasala,
Kung magiging mas matimbang ba ang ebidensya sa kasalanan o mas magiging matimbang
ba ang katarungan na hindi talaga siya nagkasala kaya walang ginawa kundi umiyak at mahiya
sa harap ng maraming tao. Lalo na pag siya’y nilalait tungkol sa krimen na wala naman siyang
kaalam-alam. At sa mga batikos na kanyang natatanggap mula sa mga taong hindi alam ang
pinagmulan ng trahedyang na sa kanya ay ibinibintang. Bakit nga ba ganyan ang mga
mamamayang pilipino? Na pag may pera at may mataas na posisyon Ikaw na kaagad ang
kanilang pinupuri. Sabagay, Sa panahon ngayon, pera nalang ang makakasabi kung anong
magiging kapalaran mo pagdating sa mga ganitong pangyayari. Sa mga bagay na walang
kayang gawin ang mga mahihirap kundi magmaka-awa at lumuhod sa sarili nilang paa. Oo,
Sabihin na natin. Mayroon mga mahihirap na nakakakamit ng hustisya. Pero lahat ba ito ay
sapat? Hindi, Madalas naman ay mayroon mga pamilyang mahihirap na tumatanggap ng pera
mula sa mga mayayaman na kung tawagin natin ay SUHOL. Sa kabilang dako, Ang isang
tagahatol ay maituturing na isang propesyonal ngunit paano pa ito maituturing na propesyonal
kung hindi nito nagawa ng tama ang trabaho nito. Dapat na tayong magising sa katotohanan,
na hindi lahat ng bagay ay nabibili ng pera. May mga bagay na dapat gawing tama para
magkaroon ng pantay na hustisya at katarungan sa isang bansa. Dahil ang isang maunlad na
bansa ay mayaman, may matatag na batas at higit sa lahat pantay ang paningin sa mga
mamamayan mahirap man ito o mayaman. Huwag matakot, maging matibay, lumaban ng patas
at boses ay lakasan ng makuha ang sapat na hustisya at katarungan!

Sanggunian:

Munar, Lina. M., Salvador, Joel S., Victoria, Vasil A., and Abejar, Nelia G. Filipino 2 sa Kolehiyo: Pagbasa at
Pagsulat Tungo sa Pananaliksik. Capas, Tarlac: Hisgophil Publishing Inc. 2014. Salvador, Joel S., Munar,
Lina. M., and Victoria, Vasil A., Filipino 1 sa Kolehiyo: Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Capas,
Tarlac: Hisgophil Publishing Inc. 2013. Sauco, Consolacion P., Santos, Iluminada C., and Rodriguez,
Remedios S. Masining na Pagpapahayag: Pang-antas Tersyaryo Las Piñas City: Booktime Publication,
2014.https://commons.deped.gov.ph/categories/086b39c5-d420-40ff-bb16-58d1e34823ff
Colegio de Los Baños – PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK 20

ANSWER SHEET (Ipasa lamang ang sagutang papel hindi ang buong module)

Name: ________________________________ Section:_______________________


LAST NAME, FIRST NAME MIDDLE INITIAL

ENGAGEMENT
MINI PERFORMANCE TASK No.3
PANUTO: Mula sa binasang teksto, gamitin ang Modelong ORAS. Ilahad ang iyong opinyon o
reaksyon sa binasang akda. Tukuyin kung anong mga aral ang napulot mo rito at iugnay mo
ang mga ito sa sarili mong kaisipan o karanasan. “Pagkamit ng hustisya, Magkano ba ang
halaga?”.

Opinyon ay ilahad…

Reaksyon sa paksa ng teksto…

Aral na nakuha…

Sariling kaisipan…

SIGNATURE OVER PRINTED NAME OF PARENT/GUARDIAN


DATE: _____________
Colegio de Los Baños – PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK 21

Pre-requisite Assessment:

Kapag ikaw ay nakikipag-usap ano ang mas gusto mo --paligoy-ligoy o


direkta?
Bilang isang mag-aaral ano ang kahalagahan ng mabisang paraan ng
pagpapahayag?

ARALIN 6: PAGGAMIT NG MABISANG PARAAN


NG PAGPAPAHAYAG SA REAKSYONG PAPEL
INTRODUKSYON
A. KAGAMITANG PANTURO: Module, pen, paper, aklat, internet (if applicable)
B. PANALANGIN: Ama, maraming salamat po sa panibagong araw na ibinIgay nyo
sa amin nawa ay marami kaming matutunan sa araw na ito at ingatan nyo po ang
bawat-isa. Amen.
C. RUAs: Pagkatapos ng talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Nagagamit ang mabisang paraan ng pagpapahayag:
- Kalinawan
- Kaugnayan
- Bisa sa reaksyong papel na isinulat
b. Nakasusulat ng mga reaksyong papel batay sa binasang teksto ayon sa
katangian at kabuluhan nito sa: a. pamilya, b. komunidad c. bansa d. daigdig

D. INSTITUTIONAL VALUES: Critical Thinking and Social Responsibility


LESSON PROPER
Chunk 1
Iba’t ibang Uri ng Pahayag
Paglalahad

Ayon kay Arrogante (1994), ang paglalahad ay isang pagpapaliwanag na obhetibo o


walang pagkampi na may sapat na detalye at pawang pampalawak ng kaalaman sa paksang
binibigyang-linaw nang lubos upang maunawaan nang may interes.

Halimbawa: Ang Sakit na Coronavirus 2019 (COVID-19, Coronavirus Disease 2019)


ay isang sakit sa paghinga sa mga tao na sanhi ng bagong virus. Maaari itong kumalat mula
sa bawat tao. Dahil ito ay bagong virus, mayroon pang hindi natin alam, ngunit natututo pa
tayo tungkol sa COVID19 bawat araw. Ang pampublikong kalusugan sa komunidad ng
Minnesota ay nagsisikap upang mapabagal ang pagkalat ng COVID19 sa ating estado, at
umaasa kami sa tulong ng bawat isa. Iwasan ang mga pagpapalagay tungkol sa kung sino sa
tingin mo ang may sakit. Hindi namimili ang virus.
Pagsasalaysay

Ito ay nagsasaad ng mga pangyayari o karanasang magkaugnay. Katulad ito ng


pagkukuwento ng mga kawil-kawil na pangyayari, pasulat man o pasalita. Itinuturing ito na
pinakamasining, pinakatanyag at tampok na paraan ng pagpapahayag. Ito rin ang sinasabing
pinakamatandang uri ng pagpapahayag sapagkat dito nagsimula ang alamat, epiko at mga
kuwentong bayan.

Halimbawa: Tuwing umagang mananaog siya upang umigib, pinagpapaalalahanan


siya ng ina. Huwag daw siyang makikipagbabag. Huwag daw niyang papansinin si Ogor.
Talaga raw gayon ito, basagulero. Lagi niyang isinasaisip ang mga biling ito ngunit sadya
yatang hindi siya makapagtitimpi kapag naririnig niya ang masasakit na panunukso sa kanya
sa gripo, lalung-lalo na mula kay Ogor.
Colegio de Los Baños – PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK 23

Pangangatwiran

Ang pangangatwiran o pagmamatuwid ay isang anyo o paraan ng pagpapahayag na


ang isang katotohanan ay pinagtitibay o pinatutunayan sa pamamagitan ng katwiran o rason.
Ang pangangatwiran ay kasingkahulugan ng pagbiibigay-palagay, paghuhulo, pag-aakala,
pagsasapantaha o paghihinuha.
Halimbawa: Ano ang mapapala ninyo kung iboto ang aking katunggali gayong hindi siya naging
pinuno ng kanyang klase o ng kanyang barangay kaya? Balita ko’y under de saya pa yata!

Paglalarawan

Ang paglalarawan ay isang anyo o paraan ng pagpapahayag ng mga kaisipan o pala-


palagay tungkol sa isang tao, isang hayop, sa isang bagay, isang lugar o sa isang pangyayari
sa pamamagitan ng makukulay, mahuhugis o maanyo at iba pang pandama.

Halimbawa: Pinagtaasan siya ng kilay ng kanyang kaibigan nang ipagtapat niyang umiibig siya
sa isang kahig isang tukang binata.

Sanggunian

https://www.health.state.mn.us/diseases/coronavirus/materi als/basicstagalog.pdfkay Ogor.


http://magbasanatayo.blogspot.com/2010/06/impengnegro-ni-rogelio-sikat.html

Munar, Lina. M., Salvador, Joel S., Victoria, Vasil A., and Abejar, Nelia G. Filipino 2 sa Kolehiyo: Pagbasa at
Pagsulat Tungo sa Pananaliksik. Capas, Tarlac: Hisgophil Publishing Inc. 2014. Salvador, Joel S., Munar, Lina.
M., and Victoria, Vasil A., Filipino 1 sa Kolehiyo: Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Capas, Tarlac:
Hisgophil Publishing Inc. 2013. Sauco, Consolacion P., Santos, Iluminada C., and Rodriguez, Remedios S.
Masining na Pagpapahayag: Pang-antas Tersyaryo Las Piñas City: Booktime Publication,
2014.https://commons.deped.gov.ph/categories/086b39c5-d420-40ff-bb16-58d1e34823ff
Colegio de Los Baños – PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK 24

ANSWER SHEET (Ipasa lamang ang sagutang papel hindi ang buong module)
Name: ________________________________ Section:_______________________
LAST NAME, FIRST NAME MIDDLE INITIAL

CULMINATING FINAL PERFORMANCE TASK


Panuto: Unawain ang documentary film na ipapanood ng guro. Sumulat ng isang reaksyong
papel tungkol dito at ano ang kabuluhan nito sa: a. pamilya, b. komunidad c. bansa d. daigdig.

Pamagat ng Dokumentaryo: Anak


https://www.youtube.com/watch?v=l0AaSPn5JrQ&fbclid=IwAR1ZmrLrLit2Dc46QCYxLqXYn5wt_zNNztqTzAnlDRjPVXRjc_DdtDIwEQQ

Reaksyong Papel
Tandaan: Ano ang kabuluhan nitong binasa mong teksto sa: a. pamilya, b. komunidad c. bansa
d. daigdig.

_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

___________________________________________________
SIGNATURE OVER PRINTED NAME OF PARENT/GUARDIAN
DATE: ______________

You might also like