You are on page 1of 26

Etikal na

Pananaliksik at

mga

Responsibilidad

ng

mananaliksik
Layunin ng Talakayan
Maisa-isa ang mga gabay sa etika sa

pananaliksik
Maunawaan ang ibig sabihin ng

"plagiarism"
Matukoy ang mga responsibilidad ng

mananaliksik
Malaman ang mga dahilan na

kaugnay ng Plagiarism
Daloy ng Talakayan:
Mga Gabay sa etikal na

Pananaliksik
Plagiarism at mga

Responsibilidad ng

Mananaliksik
Etikal na Pananaliksik
Naitala ang pinakaunang pag gamit ng salitang "etika" noong ika-14

na siglo ayon sa diksyonaryong Merriam webster (2014).

Ang lahat ng ito ay tumutukoy sa nakaugaliang pamamaraan ng

pamumuhay at pakikipag-kapuwa.

Ayon sa Free Dictionary (2014), ang etika ay tumutukoy sa mga

pamantayan ng pagkilos at pag-uugali batay sa mga katanggap-

tanggap na ideya sa kung ano ang tama at mali.


Etikal na Pananaliksik
Ang pagiging etikal ay tumutukoy sa

pagiging matuwid, makatarungan,

matapat, at mapaghalaga sa kapuwa ng

isang tao. Kung ilalapat ito sa pagsasawa

ng pananaliksik, mahihinuha na ang

pagiging etikal sa larangang ito ay

pagsunod sa mga pamantayang may

pagpapahalaga sa katapatan, kabutihan,

at pagpapanguna sa kapakanan ng kapwa.


Mga Gabay sa
Etikal na
Pananaliksik
Pagkilala sa Pinagmulan ng mga Ideya

sa Pananaliksik

Gaya ng nabanggit sa unang bahagi, ang

pananaliksik ay maihahalintulad sa paglahok sa

isang pampublikong diyalogo. Ibig sabihin, bukod sa

mananaliksik ay maaaring marami nang naunang

nag-isip tungkol sa partikular na paksang nais mong

unawain at pagyamanin. Mahalaga ang pagbanggit

at pagkilala sa iba pang mananaliksik at iskolar na

naging tuntungan at pundayon ng iyong

pananaliksik. Sa pamamagitan ng diyalogong ito,

nakalilikha ng isang komunidad ng mga

mananaliksik na may malasakit at iisang layunin.


Boluntaryong Partisipasyon ng mga

KAlahok

Kinakailangang hindi pinilit ang sino mang kalahok

o respondente sa pagbibigay ng impormasyon o

anumang partisipasyon sa pananaliksik. Bago

simulan ang pagsagot sa sarbey, pakikipanayam, o

eksperimento, kailangang maging malinaw muna sa

mga taga-sagot ang kabuuang layunin ng

pananaliksik at halaga ng kanilang partisipasyon.

Kung eksperimental, mahalgang maunawaan din ng

kalahok ang bigat o buong loob ang kaniyang

paglahok sa kabila nito.


Pagiging Kumpidensyal at Pagkukubli

sa Pagkakakilanlan ng Kalahok

Kailangang ipaunawa sa mga kalahok na ang

anomang impormasyon na magmumula sa kanila

ay gagamitin lamang sa kapakinabangan ng

pananaliksik. Dapat ding pag-isipan ng

mananaliksik kung paano ikukubli ang

pagkakakilanlan ng tagasagot lalong-lalo na sa mga

pananaliksik na may sensitibong paksa. Sa mga

pagkakataong kailangang isapubliko ang resulta ng

pananaliksik o kaya’y ibahagi sa colloquim o

publikasyon, kailangan pa ring ipagpaalam at hingin

ang permiso ng mga tagasagot na pangunahing

pinagmulan ng datos ng pananaliksik.


Pagbabalik at Paggamit sa

Resulta ng Pananaliksik
Mahalagang ipaalam sa mga tagasagot ang sistematikong

pagsusuri ng mananaliksik sa kinalabasan ng pag-aaral.

Madalas na nararamdaman ng mga kalahok, lalo na yaong

mga nasa komunidad, na ginagamit lamang sila ng

mananaliksik upang kumuha ng datos at pagkatapos ay

parang bulang nawawala ang mga ito. Ito ay dahil sa

mangilanngilan lamang na mananaliksik ang bumabalik


upang ibahagi sa mga kalahok ang kinalabasan ng pag-

aaral. Kung may awtput tulad ng modelo, pagbuo ng

polisiya, o iba pang mahahalagang rekomendasyon ang

pananaliksik, makabubuti kung ipaalam ito sa kinauukulan

upang makatulong sa kapakinabangan ng komunidad o

kaugnay na institusyong pinag-aaralan.


Plagiarism At

mga
Responsibilidad

ng

Mananaliksik
Ang plagiarism ay nag tahasang paggamit at pangongopya ng mga
salita at ideya ng walang kaukulang pagbanggit o pagkilala sa
pinagmulan nito.

Iba pang anyo ng plagiarism:


Pag-angkin sa gawa, produkto o ideya ng iba
Hindi paglalagay ng maayos na panipi sa mga

siniping pahayag
Pagbibigay ng maling impormasyon sa

pinagmulan ng siniping pahayag


Pagpapalit ng mga salita sa katulad na wika o

laya ay pagsasalin ng teksto ngunit

pangongopya sa ideya nang walang sapat na

pagkilala
Ang pangongopya ng napakaraming ideya at

pananalita sa isang pinagkunan na halos bumuo

na sa iyong produkto, tukuyin man o hindi ang

pinagmulan nito
Super Plagiarism
Isa pang kaso ng plagiarism ang pagsusumite ng papel o anumang
produkto na gawa ng iba o kaya ay sabay na pagsusumite papel sa iisang
kurso (Council of Writing Administrator 2003).
Itinuturing na rin na paglabag ang redundant publication kung saan
nagpapasa ang isang mananaliksik ng iisang pagaaral sa dalawang
magkaibang referred journal para sa publikasyon.
Kasama rin dito ang self-plagiarism kung saan ang bahagi ng
pananaliksik ay inuulit sa isa pang pananaliksik nang walang sapat na
pagbanggi kahit pa sarili ring ideya ang pinagmulan nito

Maging ang gawain ng ilang mananaliksik na pagpaparami ng listahan


ng sanggunian kahit na hindi naman talaga ito nagamit sa pananaliksik
ay porma rin ng plagiarism.
Mga Halimbawa ng Plagiarism
Pagkopya ni Karen Davila Sa ilang Bahagi ng akda ni Angela
Stuart Santiago Para sa Kaniyang Dokumentaryo Tungkol sa
Pagkamatay ni Cory Aquino
Mga Halimbawa ng Plagiarism
Pagkopya ni Karen Davila Sa ilang Bahagi ng akda ni Angela
Stuart Santiago Para sa Kaniyang Dokumentaryo Tungkol sa
Pagkamatay ni Cory Aquino
Mga Halimbawa ng Plagiarism
Pagkopya ni Karen Davila Sa ilang Bahagi ng akda ni Angela
Stuart Santiago Para sa Kaniyang Dokumentaryo Tungkol sa
Pagkamatay ni Cory Aquino
Mga Halimbawa ng Plagiarism
Pagkopya ni MVP sa isang sikat na manunulat na si

J.K Rowling
Mga Halimbawa ng Plagiarism
Pagkopya ni melania trump sa isang talumpati ni

Michelle Obama
Mga Halimbawa ng Plagiarism
Pagkopya ni MVP sa Commencement address ni

conan o'brien sa hardvard university noong 2000


Mga Halimbawa ng Plagiarism
Direktang Pagsalin ni tito sotto sa filipino ng mga

sinabi ni robert kennedy


Mga

dahilan

Kaugnay

ng

Plagiarism
1. Kawalan ng ideya ng plagiarism
Minsan, alam nila ang tungkol sa

ganito ngunit may mga sadya at di-

sinasadyang gawa tungkol dito.

2. Pagmamadaling matapos ang

pananaliksik
Hindi nabibigyan ng sapat na oras ang

pananaliksik kung kaya't nawawalan ng sinop at

pag-iingat sa paggawa ng pananalisik. Dahil dito,

may mga pagkakataong nakakaligtaan na nila ang

pagkilala ng ideya.
3. Kakulangan sa pag-aaral

sa plagiarism
May mga pagkakataong hindi

nabibigyan ng sapat na

pagtatalakay tungkol sa usaping

plagiarism kung kaya't hindi ito

masyadong napgtutuonan ng pansin

ng mga mag-aaral at mga

mananalisik.
Mga Katangian ng Mahusay na

Pananaliksik

1. Pagiging Orihinal
2. May Sistema
3. Obahektibo
4. Dumaan sa Pagsusuri at Balidasyon
5. Napapanahon at Naglalatag ng

Solusyon
Mga Katangian ng Mahusay na

Mananaliksik
1. Walang Kinikilingan
2. Matiyaga at Disiplinado
3. Lohikal at Bukas sa Posibleng Pagbabago
4. Marunong magsulat at magrebisa
5. May kakayahan sa pakikipagpanayam
6. Tapat sa kanyang materyal at kapwa mananalisik
7. May kakayahang maglahad at magdepensa
Maraming Salamat sainyong pakikinig!!!

You might also like