You are on page 1of 20

11





Kagawaran ng Edukasyon–
ii Sangay ng Palawan
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik – Ika-11
Baitang
Developed Division Initiated - Self-Learning Module
Ikatlong Markahan – Modyul 7: Pag-uugnay ng mga Kaisipang Nakapaloob
sa Binasang Teksto
Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto
o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit
sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula
sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag


sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon, Sangay ng Palawan


Pansangay na Tagapanimahala ng mga Paaralan:
Roger F. Capa, CESO VI
Pangalawang Pansangay na Tagapamanihala ng mga Paaralan:
Rufino B. Foz
Arnaldo G. Ventura

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Venancio V. Valdez


Editor: Cynthia M. Felix
Tagaguhit:
Tagalapat: Nora A. Nangit
Tagasuri: Cynthia M. Felix
Tagapamahala: Aurelia B. Marquez
Mary Therese C. Castro, Ph. D
Nora A. Nangit

Department of Education: MIMAROPA- Sangay na Palawan


Office Address: PEO Road, Barangay Bancao-Bancao, Puerto Princesa City
Telephone Number: (048) 433-6392
Email Address: palawan@deped.gov.ph
Website: www.depedpalawan.com

iii
Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating


mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi
na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman


ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung
sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang
tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng


mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung
kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding
pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang
natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga
sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat
ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot
sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro


kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit
ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,


umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Filipino-SHS Pag-uugnay ng mga Kaisipang
Ikatlong Markahan
Ikapitong Linggo Nakapaloob sa Binasang
Teksto

MELC: Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa binasang teksto sa sarili,


pamilya, komunidad, bansa at daigdig. (F11PB-IIId-99)

Layunin :

 Nakababasa ng isang teksto na maiuugnay sa sarili, pamilya,


komunidad, bansa at daigdig.
 Nakikilala ang kahulugan ng pagbasa, antas at ang mga uri nito.
 Nakasusulat ng mga kaisipang naiiugnay sa sarili, pamilya, komunidad,
bansa at daigdig batay sa tekstong binasa.

Subukin Natin
Panuto: Basahing mabuti ang pahayag. Piliin ang tamang sagot mula sa mga
nakakahong. Isulat ang titik na napili sa sagutang papel.

A. Pagbasa B. Asimilasyon C. Pagsisiyasat D. Mga Isyu


E. Antas analitikal F. Skimming G. Ekstensibong Pagbasa
H. Antas sintopikal I. Intensibong Pagbasa J. Imbak na kaalaman
K. Antas primarya L. Antas inspeksyonal M. Mga Tanong

N. Anotasyon O. Kumbersasyon P. Scanning

1. Pagsusuri sa kaanyuang gramatikal, panadang diskurso, at iba pang detalye


sa estruktura upang maunawaan ang literal na kahulugan, implikasyon at
retorikal na ugnayan ng isang akda.

2. Isang kompleks na kognitbong proseso ng pagtuklas sa kahulugan ng bawat


simbolo upang makakuha at makabuo ng kahulugan.
3. Mabilisang pagbasa ng isang teksto na ang pokus ay hanapin ang
espisipikong impormasyon na itinakda bago bumasa.

4. Mabilisang pagbasa na ang layunin ay alamin ang kahulugan ng kabuuang


teskto.

5. Pagbasa na isinasagawa upang makakuha ng pangkalahatang pang-unawa


sa maramihang bilang ng teksto.

6. Mahalagang aspekto ng pagbabasa para sa mas malalim na pang-unawa sa


konsepto at impormasyon.

7. Naglalaman ng maikling deskripsyon sa anyo at nilalaman ng isang akda.

8. Nakapagbibigay ang mambabasa ng mga hinuhuha o impresyon sa kabuuang


teskto.

9. Pagsusuri na kinapapalooban ng paghahambing sa iba’t ibang teksto at akda


na kadalasang magkakaugnay.

10. Pinakamababang antas ng pagbasa at pantulong upang makamit ang


literasi.

11. Ginagamit ang mapanuri na pag-iisip upang malalim ang pag-unawa sa


kahulugan ng teskto at layunin o pananaw ng manunulat.

12. Hakbang sa sintopikal na pagbasa na lumilitaw kung kapaki-pakinabang at


makabuluhan ang tanong ng mamababasa tungkol sa isang paksa.

13. Tungo sa sintopikal na pagbasa ang pagtukoy ng mambabasa sa lahat ng


mahahalagang akda hinggil sa isang paksa na nais niyang pag-aralan.
14. Ang pagtukoy sa katotohanan batay sa sintopikal na pagbasa ay hindi ang
pangunahing punto at layunin sapagkat laging may katanungan o alinlangan
ang katotohanan.
15. Sa pamamagitan ng paraang ito, tinutukoy ng mambabasa ang uri ng wika
at mahahalagang terminong ginamit ng may-akda upang ipaliwanag ang
kanyang kaisipan.
Ating Alamin at Tuklasin
Sa modyul na ito ay atin namang pag-aralan ang pagbasa at ang mga uri
nito.Gayon din, kung paano mapapaunlad pa ang kakayahan natin sa pagbabasa sa
komprehensibong pamamaraan.

Nakatuon ang modyul na ito sa pag-uugnay ng kaisipang nakapaloob sa


binasang teksto sa sarili, pamilya, komunidad, bansa at daigdig upang mas kumintal
sa damdamin at isipan ng bawat isa.

Ano-ano ang iyong mga paraan sa pagbabasa? Ano ang kahalagahan ng


pagbabasa sa ating bilang isang inbiduwal?

Pagbasa: Kahulugan, Antas, at Kategorya


Kahulugan ng Pagbasa
Ang pagtitiyak ng depinisyon ng pagbasa ay mahalaga upang makabuo ng
paraan ng ebawalsyon sa pagkatuto nito. Kung ikaw ay isang mag-aaral na panimulang
nagbabasa, ang pag-alam sa kahulugan, kahalagahan at mga kasanayang matutuhan
mo rito ay mahalaga upang maging mas epektibo at makabuluhan ang kabuuang
karanasan sa pagbasa. Maraming edukador ang nagsasabi na ang pangunahing
layunin ng pagbasa ay pagbuo ng kahulugan, na kinapalooban ng pag-unawa at
aktibong pagtugon sa binabasa.
Ayon kina Anderson et. al. (1985) sa aklat na Becoming a Nation of Readers, ang
pagbasa ay isang proseso ng pagbuo ng kahulugan mula sa mga nakasulat na teksto.
Ito ay isang kompleks na kasanayan na nangangailangan ng koordinasyon ng iba’t iba
at magkakaugnay na pinagmumulan ng impormasyon. Sa kahulugang ito, mahihinuha
na hindi lamang ang teksto ang pinagmumulan ng kahulugan kapag nagbabasa ang
isang tao kundi maging ang iba pang posibleng makapagpapalalim at makatutulong sa
pag-unawa sa kahulugan. Sa pagbasa ng isang teksto, mahalaga ang imbak na
kaalaman ( stock knowledge) ng nagbabasa upang mas malalim na mauunawaan ang
mga konsepto at impormasyon. Mahalaga rin ang mga nauna ng kaalaman sa wika at
pagkakaayos nito upang maunawaan ang binabasa. Ang mga kaalaman na ito ay
maaring makuha mula sa pinakikinggan, nakikita at kabuuang pagdanas ng isang
mambabasa sa realidad, lagpas pa sa nababasa mula sa teksto.

Kaalamang Pag-aaral ng
Ponolohiya Katatasan Bokabolaryo Komprehensyon
Ponemiko
Tiniyak nina Wixson et. al (1987) sa artikulong “New Directions Statewide
Reading Assessment” na nailathala sa pahayagang The Reading Teacher, ang mga
pinagmumulan ng kaalaman sa pagbasa. Sa kanilang pagpapakahulugan sa pagbasa,
tinutukoy nila ito bilang isang proseso ng pagbuo ng kahulugan sa pamamagitan ng
interaksyon ng (1) imbak o umiiral nang kaalaman ng mambabasa, (2) impormasyong
ibinibigay ng tekstong binabasa, at (3) konteksto ng kalagayan o sitwasyon sa
pagbabasa. Sumusuporta ang pagpapakahulugan nila Wixon sa naunang inilahad na
kahulugan ng pagbasa sapagkat binibigyang-diin nito ang kahalagahan ng konteksto
ng pagbasa at imbak na kaalaman ng mambabasa.

Ang pagbasa ay isang kompleks na kognitibong proseso sa pagtuklas sa


kahulugan ng bawat simbolo upang makakuha at makabuo ng kahulugan. Mahalaga
ang interaksyon sa pagitan ng teksto at mambabasa at ng kultura at panlipunang
kontekstong kinalalagyan niya. Ang proseso ng pagbasa ay nangangailangan ng
patuloy na pagsasanay, pagpapaunlad at pagpipino ng kasanayan. Dagdag pa,
kailangan ang pagiging malikhain at kritikal na pag-iisip sa pagbasa. Hindi sapat ang
pagpapakahulugan sa pagbasa bilang simplistikong pagsasalin ng nakalathalang
simbolo sa pasalitang anyo. Laganap na ang mga pag-aaral na hindi nakokompleto ang
proseso ng pagbasa ng teksto hangga’t hindi nagagamit ang makabuluhan at angkop
na imbak na kaalaman upang komprehensibo itong unawain.

Intensibong at Ekstensibong Pagbasa


Nahahati sa dalawang pangkalahatang kategorya ang mapanuring pagbasa;
intensibo at ekstensibo. Mula sa kahulugan ng mga salita, mahihinuha na ang
intensibong pagbasa ay may kinalaman sa masinsin at malalim na pagbasa sa isang
tiyak na teksto habang ang ekstensibong pagbasa naman ay may kinalaman sa
pagbasa ng masaklaw at maramihang materyales. Ang uri ng intensibong pagbasa ay
itinuturing na pinakahuli o dulong bahagi sa proseso. Ang ekstensibong pagbasa
naman ay maghahatid sa mambabasa tungo sa pinakadulong proseso. Narito ang iba
pang katangian ng dalawang uri ng bagbasa.

Intensibong Pagbasa
Ipanaliwanag ni Douglas Brown (1994) sa kaniyang aklat na Teaching by
Principles: An Interact Approach to Language Pedagogy na ang intensibong pagbasa ay
pasusuri sa kaanyuang gramatikal, panandang diskurso, at iba pang detalye sa
estruktura upang maunawaan ang literal na kahulugan, implikasyon, at retorikal na
ugnayan ng isang akda. Inilarawan niya ang literal na kahulugan, implikasyon,
retorikal na ugnayan ng isang akda. Inilarawan niya ang intensibong pagbasa bilang
isang gawaing gumagamit ng estratehiyang zoom lens o ng malapitang at malalimang
pagbasa sa isang akda.
Ayon naman kina Long at Richards (1987) sa kanilang aklat na Methodology in
TESOL: A Book of Readings, ang intensibong pagbasa ay detalyadong pagsusuri ng
isang teksto sa pamamagitan ng pagbibigay ng gabay ng isang guro kung paano ito
susuriin. Madalas na tinatawag ding narrow reading ang intensibong pagbasa sapagkat
piling babasahin lamang hinggil sa isang paksa ang pinagtutuunan ng pansin ng
mambabasa o kaya ay iba’t iba ngunit magkakaugnay na paksa ng iisang manunulat.

Ang uri ng pagbasang ito ay kinapalooban ng malalimang pagsusuri sa


pagkakaugnay-ugnay, estruktura, at uri ng diskurso sa loob ng teksto; pagtukoy sa
mahahalagang bokabularyong ginamit ng manunulat; at paulit-ulit at maingat na
paghahanap ng kahulugan sa ganitong uri ng pagbasa, nakatutulong ang
pagbabalangkas o paggawa ng larawang konseptuwal upang lubos na maunawaan ng
mag-aaral ang isang teksto
Ekstensibong Pagbasa
Ayon pa rin kay Brown (1994), ang ekstensibong pagbasa ay isinagawa upang
makukuha ng pangkalahatang pag-uunawa sa maramihang bilang ng teksto. Dagdag
pa nina Long at Richards (1987), nagaganap ang ekstensibong pagbabasa kapag ang
isang mambabasa ay nagbabasa ng maramihang babasahin na ayon sa kaniyang
interes o mga babasahing kadalasang hindi kahingian sa loob ng klase o itinataya sa
anumangn asignatura. Kadalasan, ang layunin ng mambabasa ganitong uri ng
pagbasa ay upang makuha lamang ang gist o pinaka-esensiya at kahulugan ng binasa
na hindi pinagtutuunan ng pansin ang mga salitang Malabo o hindi alam ang
kahulugan. Layunin ng ekstensibong pagbasa na maunawaan ang pangkalahatang
ideya ng teksto at hindi ang mga espesipikong detalye na nakapaloob dito. Kung sa
simula ay layunin ng mambabasa sa ganitong uri ng teksto ang malibang, maaaring
palalimin nito ang hilig at interes niya sa pagbasa.
Ayon kay Stephen Krashen (1995) sa pag-aaral niyang “Free Voluntary Reading:
Linguistic and Affective Arguments and Some New Applications” na makikita sa Second
Language Acquisition: Theory and Pedagogy nina Eckman et al., ang Malaya at
boluntaryong pagbasa ay maaaring maging tulay tungo sa mas mataas na kakayahang
komunukatibo at akademiko sa wika. Pinatunayan din ito ng empirical na pananaliksik
ni Warwik Elley (1996) na “Lifting Literacy Levels in Devoloping Countries: Some
Implications from an IEA Study,” kung saan naging saklaw ng pananaliksik ang 210,000
mag-aaral at 32 sistemang pang-edukasyon sa buong mundo. Ayon sa pananalisik,
ang mga programa sa pagtuturo ng pagbasa ng nakatuon sa mga estrikto at ginabayang
gawain ng guro ng may pokus sa mga tiyak na kakayahan ay mas mahina at hindi
gaanong epektibo sa pagpapataas ng antas ng literasi kung ikokompara sa mga
programang may kinalaman sa pagkuha ng interes ng mga mag-aaral at malaya at
indibidwal na pagbasa nila ng mga tekstong nais nilang basahin
Sa pag-aaral na “Top Ten Principles for Teaching Extensive Reading” nina Richard Day
at Julian Bamford (2002), tinutukoy nila ang sampung katangian ng matagumpay na
programas sa esktensibong pagbasa:
1. Angkop ang materyales sa kakayahang panglingguwistika (bokabularyo at
gramatika) ng mga mag-aaral.
2. Mayroong mgagamit na sari-saring materyales sa iba’t ibang paksa.
3. Pinipili ng mag-aaral ang gusto nilang basahin.
4. Nagbabasa ang mga mag-aaral ng napakaraming teksto hangga’t maari.
5. Ang layunin ng pagbasa ay may kaugnayan sa interes at kasiyahang-loob ng
mambabasa, pagkuha ng impormasyon at pangkalahatang pag-unawa.
6. Ang nakamit na pagkatuto ang mismong gantimpla sa pagbabasa at hindi ano
pa mang grado o premyo.
7. Mabilis ang pagbasa.
8. Ang pagbasa ay indibidwal at tahimik.
9. Ipinaliliwanag ng guro sa mga mag-aaral ang kabuuang layunin ng programa.
10. Ang guro ay modelo ng mga mag-aaral sa kasikhayan sa pagbasa.
Scanning at Skimming na Pagbasa
Ang scanning at skimming ay madalas na tinatawag na uri ng pagbasa ngunit
maari ding ikategorya ang mga ito bilang kakayahan sa pagbasa. Ayon kay Brown
(1994), amg dalawang ito ang pinakamahalagang estratehiya sa ekstensibong pagbasa.
Ang scanning ay mabilisang pagbasa ng isang teksto na ang pokus ay hanapin
ang espesipikong impormasyon na itinakda bago bumasa. Kinapapalooban ito ng bilis
at talas ng mata sa paghahanap hanggang makita ng mambabasa ang tiyak na
kinakailangang impormasyon. Kung ang kahingian ay alalahanin ang pangalan, petsa,
simbolo, larawan o tiyak na sipi na makatutulong sa mambabasa, scanning ang angkop
na paraan ng pagbasa na dapat gamitin. Ibig sabihin, may paunang pag-alam o
pagkaunawa na ang mambabasa sa hinahanap niyang impormasyon at ang layunin ay
matiyak ang katumpakan nito na makikita sa mga libro o iba pang sanggunian.

Ang skimming naman ay mabilisang pagbasa na ang layunin ay alamin ang


kahulugan ng kabuuang teksto, kung paano inorganisa ang mga ideya o kabuuang
diskurso ng teksto, at kung ano ang pananaw at layunin ng manunulat. Mas kompleks
ang skimming kaysa scanning dahil nangangailangan ito ng mabilisang paraan ng
organisasyon at pag-aalala sa panig ng mambabasa upang maunawaan ang kabuuang
teksto at hindi lamang upang matagpuan ang isang tiyak na impormasyon.
Antas ng Pagbasa
Tinutukoy ni Mortimer Adler at Charles Doren (1965) sa kanilang aklat na How
to Read a Book: The Classic Guide to Intelligent Reading ang apat na antas ng pagbasa.
Ito ay ang antas primarya(elementary), antas inspesyonal (inspectional), antas
analitikal(analytical), at antas sintopikal(syntopical) na bumubuo ng isang hakbang-
hakbang na proseso. Hindi maaring umusad sa pinakamataas na antas(sintopikal)
hanggang hindi pinagdadanan ang mga nauna o mas mababang antas.

1. Antas primarya. Ito ang pinakamababang antas ng pagbasa at pantulong upang


makamit ang literasi sa pagbasa. Ang kakayahan sa pagbasa sa antas na ito ay
kinapapalooban lamang ng pagtukoy sa tiyak na datos at espisipikong
impormasyon gaya ng petsa, setting, lugar o mga tauhan ng isang teksto.
2. Antas inspeksyonal. Sa antas na ito, nauunawaan na ng mambabasa ang
kabuuang teksto at nakapagbibigay na siya ng mga hinuha o impresyon tungkol
ditto. Sa pamamagitan nito, nakapagbibigay ng mabilisan ngunit makabuluhang
paunang rebyu sa isang teksto ang mambabasa upang matukoy kung
kakailanganin niya ito at kung maari itong basahin nang mas malaliman.
3. Antas analitikal. Sa antas na ito ng pagbasa, ginagamit ang mapanuri o kritikal
na pag-iisip upang malalimang maunawaan ang kahulugan ng teksto at ang
layunin o pananaw ng manunulat. Bahagi ng antas na ito ang pagtatasa sa
katumpakan, kaangkupan at kung katotohanan o opinyon ang nilalaman ng
teksto. Upang makamit ito, kailangang isagawa ng mambabasa ang sumusunod:
 Tukuyin kung saang larangan nakapaloob ang teksto.
 Ibalangkas ang teskto batay sa kabuuang estruktura o kung paano ito
inayos ng may akda.
 Tukuyin ang suliranin na tinatangkang bigyang linaw ng may akda.
 Unawain ang mahahalagang terminong ginagamit ng may-akda tungo sa
pag-unawa ng kabuuang teksto.
 Sapulin ang mahahalagang proposisyon ng may-akda.
 Alamin ang argumento ng may-akda.
 Tukuyin sa bandang huli kung nasolusyonan o nasagot ba ng may-akda
ang suliranin ng teksto.
 Tukuyin kung saang bahagi ng teksto nagkulang, nagkamali, o naging
ilohikal ang pagpapaliwanag ng may-akda.
4. Antas sintopikal. Ang salitang syntopical ay binuo ni Mortimer Adler mula sa
salitang syntopicon na inimbeto at ginamit niya sa aklat na ang A Syntopicon:
An Index to The Great Ideas (1952), na ngangahulugang “koleksyon ng mga
paksa.” Tumutukoy ito sa uri ng pagsusuri na kinapapalooban ng
paghahambing sa iba’t ibang teksto at akda na kadalasang magkakaugnay.

Narito ang limang hakbang tungo sa sintopikal na pagbasa:

1. Pagsisiyasat. Mahalaga ang pagsisiyasat tungo sa sintopikal na pagbasa.


Kailangang tukuyin agad ng mambabasa ang lahat ng mahahalagang akda
hinggil sa isang paksang nais niyang pag-aralan. Mula sa mga ito, kailangang
tukuyin kung ano ang mahahalagang bahagi na may kinalaman sa pokus ng
kaniyang pag-aaral.
2. Asimilasyon. Sa pamamagitan ng paraang ito, tinutukoy ng mambabasa ang
uri ng wika at mahahalagang terminong ginamit ng may-akda upang
ipaliwanag ang kanyang kaisipan. Sa asimilasyon, nagdedesisyon siya kung
susuhay sa mga naunang terminolohiya ng may akda o gagawa ng sariling
kategorisasyon.
3. Mga Tanong. Sa bahaging ito, tinutukoy ng mambabasa ang mga
katanungan nais niyang sagutin na hindi na sasagot o malabong
naipaliwanag ng may akda. Kailangang iba ang mga tanong na ito sa mga
suliraning binuo ng mga naunang eksperto.
4. Mga Isyu. Lumilitaw ang isyu kung kapaki-pakinabang at makabuluhan ang
nabuong tanong ng mambabasa tungkol sa isang paksa at may
magkakaibang pananaw ang mga binasang akda tungkol sa partikular na
suliranin ito. Kung malalim niyang na naunawaan ang pagpapaliwanag ng
mga binasang akda, natatalakay niya nang maayos ang bawat panig at
nakapagbibigay siya ng sariling kongklusyon. Maaring iba ang kongklusyon
niya sa mga nauna nang eksperto. Ito ang nagiging ambag niya sa
pagpapaunlad ng paksa.
5. Kumbersasyon. Ang pagtukoy sa katotohanan batay sa sintopikal na
pagbasa ay hindi pangunahing punto at layunin sapagkat laging may pag-
aalinlangan sa katotohanan. Ang halaga ng pagkatuto ay nagmumula sa
mayamang diskurso at diskusyon sa pagitan ng mga eksperto, kabilang na
ang sarili. Sa kumbersasyon o pag-uusap, nag-aambag ang mambabasa ng
bagong kaalaman na hindi pag-uulit ng sinabi ng mga naunang eksperto.
Pinagmulan: Sicat-De Laza, Crizel. (2019). Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto
Tungo sa Pananaliksik.Rex Book Store: Quezon City.
Tayo’y Magsanay

Gawain 1. Basa Mo, Kahulugan Niya!

Panuto: Gamit ang Concept Map sa ibaba ilagay sa mga kahon ang mga kaugnay
na salita ng salitang “Pagbasa”. Batay dito, bigyang ito ng kahulugan.
PAGBASA

Kahulugan:
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________

Pamantayan
Puntos
Nakasulat ng kahulugan gamit ang tatlong itinalang salita sa concept
5
map at nabigyan ng saktong pagpapakahulugan ang salita.
Nakasulat ng kahulugan gamit ang dalawang itinalang salita sa
4 concept map at nabigyan ng bahagyang pagpapakahulugan ang
salita.
Nakasulat ng kahulugan gamit ang isang itinalang salita sa concept
3
map at nabigyan nang bahagyang pagpapakahulugan ang salita.
Gawain 2:

Panuto: Gamit ang Concept Map sa ibaba, ipakita ang katangian at pagkakaugnay ng
Intensibong Pagbasa at Ekstensibong Pagbasa.Pagkatapos, sagutin ang mga
katanungan. INTENSIBONG PAGBASA
EKSTENSIBONG PAGBASA
KATANGIAN

KATANGIAN

Mga tanong:

1. Ano ang mga katangian ng dalawang kategorya ng mapanuring pagbasa?


_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
2. Ano ang pagkakaiba at pagkakatulad ng Intensibong Pagbasa at Ekstensibong
Pagbasa?
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
3. Bilang isang mag-aaral, anong kahalagahan ng pag-aaral ng mapanuring
pagbasa?
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

Pamantayan sa Paggawa ng Concet Map

Puntos
Nakasulat ng kahulugan gamit ang tatlong itinalang salita sa concept map
5
at nabigyan ng saktong pagpapakahulugan ang salita.
Nakasulat ng kahulugan gamit ang dalawang itinalang salita sa concept
4
map at nabigyan ng bahagyang pagpapakahulugan ang salita.
Nakasulat ng kahulugan gamit ang isang itinalang salita sa concept map at
3
nabigyan nang bahagyang pagpapakahulugan ang salita.
Rubrik sa pagmamarka

Puntos
Kraytirya
5 4 3
Organisasyon ng Napakahusay ng Mahusay ang Hindi gaanong
pangungusap at pagkakabuo ng pagkakabuo ng mahusay ang
paggamit ng mga pangungusap pangungusap at pagkakabuo ng
gramatika. at gramatika. gramatika. pangungusap at
gramatika.
Nilalaman Napakahusay dahil Mahusay dahil Hindi gaanong
(Pagpapaliwanag) wasto lahat ng mga naibigay ang mga mahusay dahil
ideya ang binigay ideya batay sa bahagya lamang
batay sa sanaysay sanaysay na ang naibigay na
na binasa. binasa. ideya batay sa
sanaysay na
binasa.

Ating Pagyamanin
Gawain 1
Panuto: Ipakita ang proseso ng antas ng pagbasa at ibigay ang bawat kahulugan nito
sa pamamagitan ng dayagram sa ibaba.

Antas ng • Kahulugan
Pagbasa
Mga tanong:

1. Ano ang kaibaahan ng sintopikal at analitikal na antas na pagbasa?


_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

2. Paano makatutulong ang pag-aaral ng antas ng pagbasa sa iyo?

_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

 Gamitin ang rubrik sa pagpapaliwanag sa bahaging Tayo’y Magsanay.

Gawain 2
Panuto: Basahing mabuti ang teksto at sagutin ang mga gabay na tanong sa
pamamagitan ng pagpapaliwanag.

Ano ang Nag-aantay sa mga Magsisipagtapos?


ni Glory-Lenn N. Abrea isinalin ni Venancio V. Valdez
Ang Marso ang karaniwang buwan ng pagtatapos, maririnig na naman
ang mga awitin ng pagtatapos. Subalit palawakin natin ang pananaw bilang
isang mamayan ng ating bansang Pilipinas, mula sa pinakamaliit tungo sa
pinakamalaking isyu na kinakaharap ng ating minamahal na bansa ngayon.
Maririnig pa rin pa kaya natin ang himno ng pagtatapos? Ano talaga ang nag-
aantay sa mga magsisipagtapos?

Ang mga pangyayaring nagaganap sa ating bansa ay hindi sagabal upang


magbigay ng milyon na magsisipagtapos mula sa pinakamababang hanggang sa
pinakamataas na antas ng edukasyon. Pero nasaa nasaa sila ngayon? Ang iba
ay hindi nagpatuloy ng kanilang pag-aaral, ang iba ay nagkaroon na nang
maagang resposibilidad, at habang ang iba naman ay nagtatrabaho sa ibang
bansa. Sa taong ito ay panibagong magsisipagtapos ang madadagdag, ano kaya
ang kanilang kinabukasan?

Ang ating bansa at gobyerno ay nakaranas ng pagbabanta ng


destabilisasyon, laban sa isyu ng kurapsyon; ipinapakita ng ating kasaysayan
kung ano ang mga mangyayari. Tayong nagsipagtapos o magsisipagtapos ang
magbibigay ng pamantayan sa ating hinaharap, mula sa nakaraang People
Power, ang nabigong Mutiny, ang Manila Penn siege, at ang araw-araw na krimen
na nagyayari. Kaya ganito tayo ngayon. Sa ating mga kamay ang pagpapasya
kung ano ang mangyayari sa ating hinaharap.
Sa ating magsisipagtapos, isang malaking hamon ang magpasya para sa
ating kinabukasan…Isang mapagpalang paglalakbay sa daan na iyong pinili!
Mga tanong:

1. Ano ang mesahe ng tekstong binasa?


_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

2. Bilang isang mag-aaral, ano ang kahalagahan ng diploma sa iyo?


_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

3. Kailangan bang edukado ang mamamayan ng isang bansa? Bakit?


_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

4. Kung magiging matagumpay ka sa iyong kurso na kinuha, saan ka


magtatrabaho sa ating bansa (Pilipinas) o sa ibang bansa? Bakit?
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

 Gamitin ang rubrik sa pagpapaliwanag sa bahaging Tayo’y Magsanay.


Ang Aking Natutuhan
Panuto: Ilahad ang sariling opinyon o kaisipan ng natutunan sa pamamagitan nang
pagdurugtong ng mga parirala o pangugusap.

Panuto: Dugtungan ang sinimulang pahayag.


A. Ang natutunan ko sa aralin ay
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

 Gamitin ang rubrik sa pagpapaliwanag sa bahaging Tayo’y Magsanay.

Ating Tayahin

Panuto: Basahin at unawain ang bawat tanong. Isulat sa sagutang papel ang titik
nang tamang sagot.

1. Anong uri ng pagbasa ang detalyadong pagsusuri ng isang teksto sa


pamamagitan ng pagbibigay ng gabay ng isang guro kung paano ito susuriin?
A. Intensibo B. Ekstensibong C. Scanning D. Skimming

2. Anong uri ng pagbasa na may layuning alamin ang kahulugan ng kabuuang


teksto at kung paano binuo ang mga ideya o kabuuang diskurso ng teksto?
A. Intensibo B. Ekstensibong C. Scanning D. Skimming
3. Alin sa mga sumusunod ang tamang proseso ng pagbuo ng kahulugan mula sa
mga nakasulat na teksto ayon kina Anderson et. al (1985) sa aklat na
Becoming a Nation of Readers?
A. bokabolaryo, komprehensyon, kaalamang ponemiko, pag-aaral ng
ponolohiya, katatasan.
B. komprehensyon, kaalamang ponemiko, pag-aaral ng ponolohiya, katatasan,
bokabolaryo,
C. kaalamang ponemiko, pag-aaral ng ponolohiya, katatasan, bokabolaryo,
komprehesyon
D. komprehensyon, bokabolaryo, kaalamang ponemiko, pag-aaral ng
ponolohiya, katatasan.

4. Ano ang mahalagang katangian ng mambabasa upang mas malalim na


maunawaan ang mga konsepto at impormasyon sa teksto?
A. Bihasa sa pagsusulat ng ideya.
B. Kailangan ang imbak na kaalaman.
C. Alam kung paano bigkasin ang mga ponema
D. Nakapaglalahad ng naiisip sa isang partikular na paksa.

5. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang hindi tumutukoy sa proseso ng


pagbuo ng kahulugan sa pamamagitan ng interaksyon sa pagbasa?
A. impormasyong ibinibigay ng tekstong binabasa.
B. imbak o umiiral nang kaalaman ng mambabasa.
C. kasanayan sa pagbibigay interpretasyon sa teksto.
D. konteksto ng kalagayan o sitwasyon sa pagbabasa

Para sa bilang 6-15 Panuto: Basahing mabuti ang teksto at sagutin ang mga gabay
na tanong sa pamamagitan ng pagpapaliwanag.

Sanligan: Katanyagan, Kapangyarihan at Salapi


ni Glory-Lenn N. Abrea isinalin ni Venancio V. Valdez

Pormal nang nagbukas ang labanan! Ang tunggalian ay magsisimula na


“Katanyagan, Salapi at Kapangyarihan” ang pinakasanligan ng tanan sa lahat ng
pagbabago.
Ang Pambansang Eleksyon ang pinakabagong tugtugin na kung saan ang lahat
ay sasayaw at aawit. Iba’t ibang mga personalidad ay handa nang ipakilala ang kanilang
mga sarili sa madla: ang mga elitista, ang mga negosyante, mga propesyonal, kritiko at
ang mga artista. Silang lahat ay nagpatala na para sa ninanais nilang posisyon. Para sa
kinabukasan? Para sa benepisyo ng nakararami? Ano ang mangyayari?
Ang pulitika ay hindi masama. Ito ay seryosong usapin, hindi ito isang laro at
hindi rin pelikula. Lahat ay maaaring sumali sa pulitika pero hindi lahat ay totoong
pulitiko. Bilang isang pulitiko kinakailangan ng paninindigan at paggawa, katapatan at
pag-aalay ng sarili. Gayon din, alam ang gawain ng isang pulitiko.
Kinakailangan ng kaalaman at pagpupunyagi upang makalikha ng batas upang
ipatupad para sa kapakinabangan ng nakararami. Pinag-uusapan natin ang mga batas,
ordinansa, resolusyon, kautusan na ipapasa. Hindi kinakailangan ng pusong
mapagkumbaba at hungkag na pag-iisip, kundi isang mapagkalingang puso at matatas
na pag-iisip.
Totoo, ang pagpasok sa napakalaking mundo ng pulitika ay makakatulong
upang iangat ang bansa, partikular ang mga tao. Ngunit ang pulitika ay hindi lamang
ang paraan upang tulungan ang mga nangangailangan.
Maaring may katanyagan, kapangyarihan at salapi ang mga pulitiko na siyang
instrumento upang palaganapin ang kabuhayan sa ating bansa, subalit huwag
magpalinlang sa gahaman.
Mga kaibigan, ipaglaban mo ang iyong karapatan, mag-isip at magdesisyon!

Para sa bilang 6-10


Batay sa tekstong binasa, ano ang mensahe nito para sa bansa at daigdig?

___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
__________________
Para sa bilang 11-15

Bilang isang kabataan sa makabagong panahon, paano mo maiuugnay ang


kaisipan ng teksto sa iyong sarili, pamilya at komunidad?
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________

Batayan sa Pagmamarka ng Paliwanag

Puntos
Kraytirya
5 4 3
Nilalaman( paliwanag) at Napakahusay dahil Mahusay dahil wasto Kinakailangan pa
organisasyon ng wasto lahat ng lahat ng ang pagpapaunlad sa
pangungusap (gramatika) pagkakalahad ng pagkakalahad ng paglalahad ng mga
ideya at paggamit ng ideya batay sa ideya at paggamit ng
gramatika sa mga tekstong binasa. gramatika sa
pangungusap o pangungusap o
talata batay sa talata.
tekstong binasa.
Ating Tayahin Tayo’y Subukin Natin
1. A Magsanay
1. I 9. H
2. D Ating Pagyamanin
2. A 10. K
3. C (Gamitin ang
3. P 11. E
rubrik para sa
4. B pagwawasto) 4. F 12. D
5. C 5. G 13. C
6-15 Pagbatayan ang 6. J 14. O
pagmamarkasa
pagpapaliwanag. 7. N 15. B
8. L
Gabay sa Pagwawasto
Sanggunian
Aklat:

Sicat- De Laza, Crizel. (2019). Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa
Pananaliksi. Rex Book Store: Quezon City
Magazine:
Abrea, G. (November 2006-March 2007). The Reflector (The Official Student
Publication of Palawan State University – Cuyo Campus), 1, 4

Abrea, G. (November -March 2008). The Reflector (The Official Student


Publication of Palawan State University – Cuyo Campus), 2, 4

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – SDO Palawan

Curriculum Implementation Division Office


2nd Floor Deped Palawan Building
Telephone no. (048) 433-3292

Learning Resources Management Section


LRMS Building, PEO Compound
Telephone No. (048) 434-0099

You might also like