You are on page 1of 31

Ikatlong Kwarter - Modyul 1:

Tekstong Impormatibo
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik - Senior High School
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Kwarter – Modyul 1: Tekstong Impormatibo
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-
sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman. Kailangan muna ang pahintulot ng
ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o
trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na nagamit sa aklat na ito ay nagtataglay ng karapatang-
ari ng mga iyon. Pinagsusumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng
materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Alain Del B. Pascua

Mga Bumubuo ng Modyul para mga Mag-aaral

Manunulat: Dexie P. Dilag, Maricar C. Ranara,


Bonifacio N.Gegato Jr, Marben A. Oco
Content Editor: Johanna Vanessa C. Obedencio
Language Editor: Mary Ann A. Maglangit, Russel Kerr E. Galarroza
Proofreader: Louella Jane B. Mariano
Tagaguhit: Perlito L. Lomongo
Naglayout: Jupiter B. Acosta
Mga Tagapamahala:
Chairperson: Dr. Arturo B. Bayocot, CESO III
Regional Director

Co-Chairpersons: Dr. Victor G. De Gracia Jr. CESO V


Assistant Regional Director

Jonathan S. dela Peña, PhD, CESO V


Schools Division Superintendent

Rowena H. Para-on, PhD


Assistant Schools Division Superintendent

Mala Epra B. Magnaong, Chief ES, CLMD

Members: Neil A. Improgo, PhD, EPS-LRMS; Bienvenido U. Tagolimot, Jr., PhD, EPS-ADM;
Erlinda G. Dael, PhD, CID Chief; Sally S. Aguilar, PhD, EPS Filipino;
Celieto B. Magsayo, LRMS Manager; Loucile L. Paclar, Librarian II;
Kim Eric G. Lubguban, PDO II

Inilimbag sa Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon - Sangay ng Misamis Oriental
Office Address: Don Apolinar Velez Street, Cagayan de Oro City, 9000
Telephone Nos: (088) 881-3094 | Text: 0917-8992245
E-mail Address: misamis.oriental@deped.gov,ph
5
TEKSTONG ARGUMENTATIBO

Ikatlong Kwarter - Modyul 1


Tekstong Impormatibo

Ang modyul na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga


edukador mula sa mga pampublikong paaralan. Hinihikayat namin ang
mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng
kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa
action@deped.gov.ph
Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.
Kumusta ka na mahal kong mag-aaral? Ito ang una mong aralin. Aking ikinagagalak na iyong
pag-uukulan ng pag-aaral ang tungkol sa mga iba’t ibang teksto sa pagpapatuloy ng bawat modyul
na ito.

Ang modyul na ito ay sadyang ginawa para maipagpatuloy ang daloy ng kaalaman sa kabila
ng mga pagsubok na nakaamba sa paligid. Bahagi lamang ito sa serye ng mga modyul na iyong
tatapusin bilang bahagi ng asignaturang Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa
Pananaliksik. Bigyan mo lamang ng sapat na panahon para unawain ang bawat bahagi ng modyul
na ito at tiyak na maraming kaalaman ang iyong mapupulot sa pamamagitan ng iyong sariling
pagsisikap.

Sa modyul na ito, sinasanay ka na maging lohikal at kritikal sa pagsusuri ng iba’t ibang anyo
ng teksto sa pamamagitan ng mga simpleng aralin at gawain na maghahanda sa iyo sa pagbuo ng
makabuluhang pananaliksik. Ang modyul na ito ay hinati sa iilang mga bahagi na may
magkatimbang na halaga sa pagkatuto.

Ito ay hinati sa mga sumusunod na bahagi:

Alamin – Sa bahaging ito inilalahad ang mga Kasanayang Pampagkatuto na sisikapin nating
matamo sa buong semestre.

Subukin – Dito susubukin ang lawak ng iyong kasalukuyang kaalaman tungkol sa paksa.

Yugto ng Pagkatuto – Sa bahaging ito matututunan mo ang araling itinakda na hinati sa


iilang mga bahagi gaya ng balikan, tuklasin, suriin, pagyamanin, isaisip at isagawa.

Tayahin – Malalaman mo sa bahaging ito kung sadya bang naunawaan mo ang bagong
araling napag-aralan sa pamamagitan ng pagtataya ng natamong kaalaman.

Karagdagang Gawain – Upang mas mapalawak at mapalawig pa ang iyong kaalaman sa


araling ito, isa pang gawain ang iyong kailangang tapusin sa bahaging ito.
Lahat ng iyong mga kasagutan sa mga gawain ay isusulat mo sa kalakip na Activity Sheets.
Maaari kang gumamit ng dagdag na papel bilang burador bago mo pinal na isulat sa Activity Sheets.

Ayon kay Aristotle, “Ang ugat ng karunungan ay mapait, subalit ang bunga ay matamis”,
kaya hinihikayat kita na pag-igihan ang makabagong paraan ng pagbahagi ng karunungan.
Maaaring may mga pagkakataon na malulumbay o mawawalan ka ng dahilan upang matuto ngunit
pakatandaan na ang iyong pagsisikap ay tiyak na magbubunga ng kasaganahan.

Halina’t matuto!

Mga May-akda

1
ALAMIN

Kumusta ka na kaibigan? Isang malaking karangalan para sa akin ang makasama ka sa pag-
aaral mo ng bagong aralin. Tiyak na kawiwilihan mo ang bagong araling inihanda ko para sa iyo.
Panibagong kaalaman na naman ang magpapayaman sa iyong isipan at karanasan na magagamit
mo sa pang-araw-araw na gawain.

Sa modyul na ito makikita ang yugto ng pagkatuto na binubuo ng balikan, tuklasin, suriin,
pagyamanin, isaisip, isagawa at tayahin. Sa simula at wakas ng modyul na ito ay may mga
pagtataya na naglalayong subukin ang iyong kaalaman bago matapos ang aralin at mapaunlad ang
iyong kasanayan sa pangkabatiran (cognitive), pandamdamin (affective), at sayko-motor
(psychomotor).

Narito ang mga kasanayang pampagkatuto na dapat mong malinang bilang isang mag-aaral:

1. Natutukoy ang paksang tinalakay sa iba’t ibang uri ng teksto (F11PB-IIIa-98);


2. Natutukoy ang kahulugan at katangian ng mahalagang salitang ginamit sa tekstong
impormatibong binasa (F11PT-IIIa-88);
3. Naibabahagi ang katangian at kalikasan ng tekstong Impormatibo
(F11-PS-IIIb-91);
4. Nakasusulat ng ilang halimbawa ng tekstong Impormatibo (F11PU-IIIb-89);
5. Nakakukuha ng angkop na datos upang mapaunlad ang sariling tekstong isinulat
(F11EP-IIId-36);
6. Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa binasang teksto sa sarili, pamilya, komunidad,
bansa, at daigdig (F11PB-IIId-99);
7. Naipaliliwanag ang mga kaisipang nakapaloob sa tekstong impormatibong binasa (F11PS-7-92);

2
SUBUKIN

PANIMULANG PAGTATAYA

Bago mo ipagpatuloy ang pag-aaral sa modyul na ito, subukin mong sagutin ang pagsusulit
na ito upang malaman natin kung ano na ang iyong nalalaman.

Basahin nang mabuti ang bawat pangungusap sa ibaba. Isulat sa inilaang patlang ang
salitang TUMPAK kung tama ang pahayag at salitang WASAK kung mali.

_____ 1. Ang tekstong impormatibo ay naglalayong magbigay ng impormasyon.


_____ 2. Ang mga impormasyon o kabatirang inilalahad ay nakabatay sa sariling opinyon ng
may-akda.
_____ 3. Laging may nadaragdag na bagong kaalaman ang tekstong impormatibo.
_____ 4. Maituturing na tekstong impormatibo ang isang balita o sulating pangkasaysayan.
_____ 5. Hindi kailangang ilahad ang talasangguniang ginamit sa tesktong impormatibo.
_____ 6. Isinasaalang-alang sa tekstong impormatibo ang paggamit ng estilo sa pagbibigay- diin sa
mahalagang salita tulad ng pagsulat nang nakadiin, nakahilis at nakasalungguhit.
_____ 7. Ibinabahagi ng tekstong impormatibo ang mga mahahalagang impormasyon patungkol sa
tao, hayop at iba pang mga nabubuhay at mga pangyayari sa paligid.
_____ 8. Ang tekstong impormatibo ay naglalahad ng impormasyon tungkol sa paborito mong
isports.
_____ 9. Isang uri ng tekstong impormatibo ang nagpapaliwanag kung paano at bakit nagaganap
ang isang bagay o pangyayari.
_____ 10. Mabibigyang-diin ang teksto kung gagamitan ito ng mga palarawang representasyon.
_____ 11. Ang tekstong impormatibo ay isang uri ng babasahing di-piksyon.
_____ 12. Halimbawa ng tekstong impormatibo ay tula, facebook post at sanaysay.
_____ 13. Naglalayon ang tekstong impormatibo na magbigay o magpaliwanag nang malinaw at
walang pagkiling tungkol sa iba’t-ibang paksa tulad ng hayop, isports, agham o siyensiya,
kasaysayan, gawain, paglalakbay, heograpiya, kalawakan, panahon at iba pa.
_____14. Karaniwang makikita ang mga tekstong impormatibo sa mga pahayagan o balita, sa mga
magasin, aklatan, sa mga pangkalahatang sanggunian tulad ng ensiklopedya at sa ibat’
ibang website sa internet.
_____ 15. Walang matatawag na iba’t ibang uri ang tekstong impormatibo.

3
YUGTO NG PAGKATUTO

BALIKAN

Sa nakaraang semestre, natutunan mo ang tungkol sa “Komunikasyon at Pananaliksik sa


Wika at Kulturang Pilipino”. Isulat sa loob ng diyamante ang kahalagahan nito.

______________________________________
______________________________________
______________________________________
______________________________________
______________________________________
______________________________________
______________________________________

4
TUKLASIN

Basahin ang halimbawa ng balita at sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

MIS.OR., Namayagpag sa RFOT 2019!


Misamis Oriental Division sa nagdaang Regional
Festival of Talents 2020 sa Lungsod- Sangay ng
Malaybalay noong ika- 20-21 ng Nobyembre, 2019
Nasungkit ni Jernie C. Lastima , mag-aaral ng
Baliwagan Senior High School (BSHS), ang pagiging
kampeonato sa nasabing paligsahan sa tulong ng
tagapagsanay na si Gng. Maricar C. Ranara, guro mula
sa BSHS.
“Kung may aalis, may babalik. Kung may nawala,
may papalit”, ani Ranara. Hindi siya makapaniwala nang
masungkit ang pagkapanalo dahil sa limitado lamang ang
panahong iginugol para sa pagsasanay. “May plano
talaga si God”, dagdag pa nito.
Matatandaan na bago pa ang kompetisyon ay naunang sumubok si Lastima sa larong
basketball. Bigo man s’yang makuha sa nasabing laro, ngunit may magandang naghihintay sa
kanya. Mas mahaba ang kanyang panahong iginugol sa nasabing kompetisyon kumpara sa RFOT.
“Mahirap para sa sitwasyon ko lalo na’t nanggaling ako sa simpleng palaro-laro lamang pero
ngayon biglang nag-iba. Mula sa isports patungo sa larangan ng kasanayan sa pagsasalita. Ganyan
ka makapangyarihan ang ating Panginoon”, pahayag ni Lastima matapos ang kompetisyon.
Halos mangiyak-ngiyak ang dalawa nang idineklara ang pagkapanalo sa patimpalak sa
Tagisan ng Talento sa Filipino. Nagpakitang-gilas si Lastima sa Dagliang Talumpati na nilahukan
ng mga mag-aaral ng Senior High mula sa Rehiyon Diyes.
Matatandaan na ito ang pangalawang pagsalang ng BNHS sa nasabing paligsahan. Sa
ngayon, puspusan na ang kanilang ginagawang paghahanda para sa darating na National Festival
of Talents – Tagisan ng Talento sa Filipino (NFOT)2020 na idaraos sa Ilagan, Isabela.

Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.


1. Ano ang paksa ng balita?
2. Sino ang mga sangkot?
3. Saan nangyari ang paligsahan?
4. Kailan ito nangyari?

5
SURIIN
TEKSTONG IMPORMATIBO
Ang tekstong impormatibo ay isang uri ng babasahing di-piksyon. Ito ay naglalayong
magbigay ng impormasyon o magpaliwanag nang malinaw at walang pagkiling tungkol sa iba’t ibang
paksa.
Ang mga impormasyon o kabatirang inilalahad ng may-akda ay hindi nakabatay sa kanyang
opinyon kundi sa katotohanan at mga datos kaya’t hindi nito masasalamin ang kanyang pagpabor
o pagkontra sa paksa. Karaniwang may malawak na kaalaman tungkol sa paksa ang manunulat o
kaya’y nagsasagawa ng pananaliksik o pag-aaral ukol dito.
Ang mga tekstong impormatibo ay karaniwang makikita sa mga pahayagan o balita, sa mga
magasin, aklatan, sa mga pangkalahatang sanggunian tulad ng ensiklopedya, gayundin sa iba’t
ibang websites sa Internet. Naglalahad ng mga bagong impormasyon, bagong pangyayari, bagong
paniniwala, at mga bagong impormasyon ang tekstong impormatibo. Layunin nitong magbigay ng
mahalagang impormasyon upang alisin o linawin ang mga agam-agam na bumabalot sa isipan ng
mambabasa kaugnay sa isang paksa o isyung tinatalakay. Ang mga kaalaman ay nakaayos nang
sunud-sunod at inilalahad nang buong linaw at may kaisahan.

MGA ELEMENTO NG TEKSTONG IMPORMATIBO

 Layunin ng may-akda
Maaring magkakaiba ang layunin ng may akda sa pagsulat ng tekstong impormatibo:
mapalawak ang kaalaman ukol sa isang paksa, maunawaan ang mga pangyayaring mahirap
ipaliwanag, matuto ng maraming bagay ukol sa ating mundo, o mailahad ang mga yugto sa
buhay ng iba’t ibang uri ng insekto o hayop at iba pang nabubuhay.

 Pangunahing Ideya
Hindi katulad ng tekstong naratibo, dagliang inilalahad ng tekstong impormatibo ang
pangunahing ideya sa mga mambabasa sa pamamagitan ng paglalagay ng pamagat sa bawat
bahagi o tinatawag na organizational markers na nakatutulong upang agad na makita at
malaman ng mga mambabasa ang pangunahing ideya ng babasahin.

 Pantulong na Kaisipan
Mahalaga ang paglalagay ng mga angkop na pantulong na kaisipan o mga detalye.
Nakatutulong ito na mabuo sa isipan ng mga mambabasa ang pangunahing ideyang nais niyang
matanim o maiwan sa kanila.

 Mga istilo sa pagsulat, kagamitan/ sangguniang magtatampok sa mga bagay na


binibigyang-diin:
 Paggamit ng mga nakalarawang interpretasyon
Halimbawa:
Paggamit ng larawan, guhit, dayagram, tsart, timeline at iba pa upang higit na
mapalalim ang pang-unawa ng mga mambabasa sa mga tekstong
impormatibo.
 Pagbibigay-diin sa mahalagang salita sa teksto
Ito ay ang paggamit ng mga
6 estilong tulad ng pagsulat nang nakadiin, nakahilis,
nakasalungguhit o paglagay ng “panipi” upang higit na madaling makita ang mga salitang
binibigyang- diin sa babasahin.

 Pagsulat ng mga Talasanggunian


Inilalagay ng mga manunulat ang mga aklat, kagamitan, at iba pang sangguniang
ginamit upang higit na mabigyang-diin ang katotohanang naging batayan ng mga
impormasyong taglay nito.
6
URI NG TEKSTONG IMPORMATIBO

 Paglalahad ng totoong pangyayari / kasaysayan


Ito ay uri ng tekstong impormatibo na naglalahad ang mga totoong pangyayaring naganap
sa isang panahon o pagkakataon. Maaring ang pangyayaring isasalaysay ay personal na
nasaksihan ng manunulat tulad ng balitang isinulat ng mga reporter ng mga pahayagan o mga
pangyayaring may historical account.

 Pag-uulat pang-impormasyon
Ang uri ng tekstong impormatibong ito ay naglalahad ang mahahalagang kaalaman o
impormasyon patungkol sa tao, hayop iba pang bagay na nabubuhay gayundin sa mga
pangyayari sa paligid.
Halimbawa:
Teknolohiya, Global Warming, Cyberbullying

 Pagpapaliwanag
Ito ang uri ng tekstong impormatibong nagbibigay paliwanag kung paano o bakit naganap
ang isang bagay o pangyayari.
Halimbawa:
Siklo ng buhay ng mga hayop at insekto tulad ng paruparo.

Gawain 1

Ipaliwanag ang sagot sa sumusunod na mga tanong:

1. Ano ang tesktong impormatibo?


2. Ano-ano ang mga katangian ng ganitong uri ng teksto?
3. Ano-ano ang mga elemento ng tekstong impormatibo?
4. Ano ang iba’t ibang uri ng tekstong impormatibo?
5. Bakit kailangang ilahad ng talasangguniang ginamit sa
tekstong impormatibo?
6. Sa paanong paraan magiging mas epektibong
maipararating ng manunulat ang mahahalagang
impormasyon sa kanyang mga mambabasa?

PAGYAMANIN
Basahin ang halimbawa ng tesktong impormatibo.

CYBERBULLYING
Sa makabagong panahon kung saan laganap ang paggamit ng teknolohiya, isang uri ng
pambubuska ang nabibigyang-daan nito; ang cyberbullying o ang pambubuska sa kapwa gamit ang
makabagong teknolohiya. Ang ilang halimbawa nito ay ang pagpapadala ng mensahe ng
pananakot, pagbabanta, o pagtataglay ng masasamang salita maging sa text o e-mail;
pagpapalaganap ng mga nakasisirang usap-usapan, larawan, bidyu, at iba pa sa e-mail at sa social
media; pag-bash o pagpapaskil ng mga nakasisira at walang batayang komento; paggawa ng mga
pekeng account na may layuning mapasama ang isang tao; pag-hack sa account ng iba upang
magamit ang sariling account ng tao; sa paninira sa may-ari nito; at iba pang uri ng harassment sa
pamamagitan ng teknolohiya.
7
Ang mga ito’y karaniwang nagbubunga ng pagkapahiya, pagkatakot, o kawalan ng kapayapaan sa
nagiging biktima nito. Naririto ang ilan sa mga epekto ng cyberbullying: mga senyales ng depresyon,
pag-inom ng alak o paggamit ng ipinagbabawal na gamot, pagliban o pag-iwas sa pagpasok sa
paaralan, pagkakaroon ng mababang marka sa paaralan, pagkawala ng tiwala sa sarili o
pagkakaroon ng problema sa kalusugan at pagiging biktima rin ng harapang bullying.

Ayon sa ulat sa Googe Trends, ikaapat sa mga bansa sa buong mundo kung saan may
pinakamaraming naghanap ng impormasyon ukol sa cyberbullying noong 2013 ay ang Pilipinas. Isa
itong indikasyon na ang isyu ng cyberbullying ay isang makatotohanang pangyayari sa ating bansa.
Bagama’t sa kasalukuyan ay wala pang opisyal na istadistika ang Pilipinas patungkol sa
cyberbullying. Sa bansang Amerika ay naitala na nasa 9% ng mga mag-aaral sa Grade 6 hanggang
12 ang nakaranas ng cyberbullying noong 2010 at 2011. Samantalang noong 2013, tumaas sa 15%
ang mga mag-aaral sa Grade 9 hanggang 12 na nakaranas ng cyberbullying.

Gawain 2

Ipaliwanag ang sagot sa sumusunod na mga tanong:


(F11PS-IIif-92 Naipapaliliwanag ang mga kaisipang nakapaloob sa tesktong binasa)

1. Ano ang cyberbullying? Paano ito naiiba sa pambubuska nang harapan?


2. Paano nakaaapekto ang cyberbullying sa nagiging biktima nito?
3. Ano ang mga layunin ng tekstong impormatibo? Ano- anong katangian ng tekstong binasa ang
magpapatunay na ito ay isang tekstong impormatibo?
4. Mabisa ba ng pagkakalahad ng mga impormasyon?
5. Bilang mag-aaral, paano mo maipakakalat ang mga impormasyong inilahad sa tekstong
binasa? Anong mga hakbang ang maaari mong gawin ukol dito?

Gawain 3

Tukuyin ang kahulugan at katangian ng mga salitang ginamit sa teksto na nakasulat nang
madiin sa bawat bilang.
(F11PT-IIIa-88 Natutukoy ang kahulugan at katangian ng mahahalagang salitang ginamit ng
tesktong binasa.)

1. Ang sumusunod ay mga babasahing di-piksyon: talambuhay, balita,at artikulo sa magasin.


Batay sa mga halimbawang ito, anong pagpapakahulugan o katangian ang maibibigay mo
para sa di-piksyon?
____________________________________________________________

2. Ang sumusunod ay mga babasahing piksyon: maikling kwento, tula, at nobela. Batay sa
mga halimbawang ito, anong pagpapakahulugan o katangian ang maibibigay mo para sa
mga babasahing piksyon?
____________________________________________________________

8
3. Ang salitang impormatibo ay nagmula sa salitang Ingles na inform. Batay sa pinagmulan
ng salita, anong kahulugan ang maibibigay mo para sa tekstong impormatibo?
_____________________________________________________________

4. Ang ilan sa mga elemento ng tekstong impormatibo ay: layunin ng may-akda, pangunahing
ideya, pantulong na kaisipan, estilo sa pagsulat at kagamitan o sanggunian. Ano ang ibig
tukuyin ng pahayag na pangunahing ideya?
____________________________________________________________

5. Kailangan ng mga pantulong na kaisipan upang mabuo ang pangunahing ideya. Ano ang
ibig ipahiwatig ng pantulong na kaisipan?
_____________________________________________________________

Gawain 4

Gusto mong bumili ng aklat kaya nagpasama ka sa iyong kaibigan sa pagpunta sa


pinakamalapit na bookstore. Sapat lang ang pera mo para sa isang aklat o babasahin. Alin sa
sumusunod ang bibilhin mo? Lagyan ng tsek ang kahong katapat nito.

aklat na di-piksyon tungkol sa pang-araw-araw na paksa sa buhay

aklat tungkol sa mga hayop, halaman at iba pang nabubuhay sa mundo

aklat tungkol sa mga natatangi at kagila-gilalas na mga tunay na pangyayari

aklat tungkol sa paborito mong isports

aklat tungkol sa pagbuo ng paborito mong craft o libangan

bagong nobela

isang magasin

talambuhay o memoir ng isa sa mga hinahangaan mong tao

Source: www.google.com,www.guinnessworldrecords.com, www.yesmen.magazines.com , www.philstar.com www.Do-It-Yourself Magazine( Better


Homes Garden), Joel Osteen the Power of Who I am Magazine, Sport Illustrated Kids Big Book of Who BaskeballbySports

9
1. Bakit ang aklat o babasahing ito ang napili mo?
_________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
2. Ano ang naibibigay o naidudulot sa iyo ng pagbabasa ng ganitong uri ng aklat o
babasahin?
_________________________________________________________________________
______________________________________________________._______________
3. Anong mga aklat ang magbibigay ng makabuluhang impormasyon? Sa anong uri ng
tekstong
impormatibo nabibilang ang aklat na ito? Bakit?

ISAISIP

Ang tekstong impormatibo ay isang uri ng pagpapahayag na ang layunin ay


makapagbigay ng impormasyon. Naglalahad ito ng malinaw na paliwanag sa
paksang tinatalakay. Sinasagot nito ang mga tanong na ano, kailan, saan, sino at
paano. Dahil layunin nitong maghatid ng tiyak na impormasyon, dapat ito ay madaling
unawain.
Sa pagsulat ng tekstong impormatibo, ang mga manunulat ay gumagamit ng
iba’t-ibang pantulong upang magabayan ang mga mambabasa para mas mabilis
nilang maunawaan ang impormasyon. Ang ilan sa halimbawa ng mga pantulong ay
talaan ng nilalaman, index at glosaryo. Maari ring gumamit ang mga manunulat ng
mga larawan, ilustrasyon, titulo o caption, grap at talahanayan at tinatawag din itong
“ekspositori”.

ISAGAWA

Gawain 5

Tukuyin kung sa anong uri ng tekstong impormatibo nabibilang ang binabasa ng tauhan sa
bawat sitwasyon sa ibaba. Piliin ang titik ng tamang sagot mula sa kahon at isulat ito sa inilaang
patlang.
(F11PB-IIIa-98 Natutukoy ang paksang tinalakay sa tekstong binasa)

a. Paglalahad ng Totoong Pangyayari/Pangkasaysayan


b. Pag-uulat Pang-impormasyon
c. Pagpapaliwanag

10
____1. Mahilig sa mga insekto si Tony. Nais niya ngayong malaman kung paano at bakit
nagbabagong anyo ang mga ito. Hawak niya ang isang tekstong may pamagat na “Ang
Pagbabagong Anyo ng Salagubang.”
____2. Patuloy na nararanasan ng mga bansa sa daigidig ang matinding tag-init at
napakalakas na bagyong nagreresulta sa malawakang pagkasira. Nais ni Rodel na
magkaroon ng mas maraming impormasyon ukol dito kaya’t hawak niya ngayon ang tekstong may
pamagat na “Mga Epekto ng Global Warming sa Kapaligiran.”
____3. Maraming pag-aaklas ang naganap sa ating bansa laban sa mananakop. Iba’t iba rin ang
dahilan sa mga pag-aaklas na ito. Gustong malaman ni Donna ang istorya sa likod ng
pinakahabang pag-aaklas sa kasaysayan ng
Pilipinas - Ang Pag-aaklas ni Dagohoy sa Bohol.
____4. Nagbabasa ng balita si Jean. Makikita sa hawak niyang pahayagan ang balitang ito: “51st
International Eucharistic Congress, Ginanap sa Cebu noong Enero 24-31, 2016.”
____5. Masayang-masaya si Gng. Cruz nang mabasa ang balitang nasa pahayagang hawak niya.
Sinasabi ritong “Si Pia Wurtzbach ay nagwagi bilang Ms. Universe 2015.”

Gawain 6

Batay sa binasang tekstong pinamagatang “Cyberbullying”, pagnilayan ang sumusunod na


sitwasyon at iugnay ito sa mga pangyayaring nagaganap sa paligid maging sa sarili, pamilya,
komunidad, bansa at daigdig. Isulat sa dyornal ang iyong mga kaisipan.
(FIIPB-IIId-99 Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa binasang teksto sa sarili,
pamilya, komunidad, bansa, at daigdig)

1. May kasabihang walang mambu-bully kung


walang magpapa-bully. Ano-ano ang
gagawin mo upang maiwasang maging
biktima ng cyberbullying?

2. Kung sakaling ikaw o isa sa mga kapamilya


o malapit na kaibigan mo ang magiging
biktima ng cyberbullying, ano-ano ang
gagawin mo o ninyo upang mapigilan ang
ganitong uri ng pang-aabuso at
mapanagot ang taong gumagawa nito?

3. Kung ikaw ang nambu-bully ngayon at


nalaman mo ang masasamang epekto
nito sa biktima mo na maaring bumalik sa
iyo sa mga darating na panahon, ano ang
gagawin mo upang makabawi sa
nagawang pagkakamali?

4. Bakit mahalaga ang pagiging responsable


sa paggamit ng internet at laging
pagsasaalang-alang sa pahayag na
“Think before you click”?

11
Gawain 7
Ngayon ay ikaw naman ang sumulat ng sarili mong halimbawa ng tekstong impormatibo.
Maari kang mag-isip ng sariling paksang susulatin na ihihingi mo ng pahintulot sa iyong guro o
maaari kang pumili sa mga paksang nakalahad sa ibaba:

 Mga paraan sa pagpapanatili ng malusog na pangangatawan


 Epekto ng COVID-19 sa ekonomiya ng bansa
 Epekto sa katawan ng mga pagkaing na-proseso tulad ng de-lata, instant noodles at iba
pa
 Sanhi at Bunga ng COVID-19
 Isang balitang lokal na personal mong nasaksihan
 Kasaysayan ng iyong barangay o lugar

TAYAHIN

PANGHULING PAGTATAYA

Batay sa sariling paghihinuha, isulat sa inilaang patlang ang salitang Tama kung tama ang
pahayag at isulat naman ang salitang MALI kung mali ito.

_____ 1. Ang tekstong impormatibo ay naglalayong magbigay ng impormasyon.


_____ 2. Ang mga impormasyon o kabatirang inilalahad sa tekstong impormatibo ay
nakabatay sa sariling opinyon ng may-akda.
_____ 3. Laging may nadaragdag na bagong kaalaman ang tekstong impormatibo.
_____ 4. Maituturing na tekstong impormatibo ang isang balita o sulating pangkasaysayan.
_____ 5. Hindi kailangang ilahad ang talasangguniang ginagamit sa tesktong impormatibo.
_____ 6. Isinasaalang-alang sa tekstong impormatibo ang paggamit ng estilo sa pagbibigay-diin sa
mahalagang salita tulad ng pagsulat nang nakadiin, nakahilis at nakasalungguhit.
_____ 7. Ibinabahagi ng tekstong impormatibo ang mga mahahalagang impormasyong patungkol
sa tao, hayop at iba pang mga nabubuhay at mga pangyayari sa paligid.
_____ 8. Ang tekstong impormatibo ay naglalahad ng impormasyon tungkol sa paborito mong
isports.
_____ 9. Isang uri ng tekstong impormatibo ang nagpapaliwanag kung paano at bakit nagaganap
ang isang bagay o pangyayari.
_____10. Mabibigyang-diin ang teksto kung gagamitan ito ng mga palarawang
representasyon.
_____11. Ang tekstong impormatibo ay isang uri ng babasahing di-piksyon.
_____12. Halimbawa ng tekstong impormatibo ay tula, mga facebook post at sanaysay.
_____13. Layunin ng tekstong impormatibo ang magbigay o magpaliwanag nang malinaw at
walang pagkiling tungkol sa iba’t ibang paksa tulad ng mga hayop, isports, agham o
siyensiya, kasaysayan, gawain, paglalakbay, heograpiya, kalawakan, panahon at iba pa.
13
_____14. Karaniwang makikita ang mga tekstong impormatibo sa mga pahayagan o balita, sa mga
magasin, aklatan, sa mga pangkalahatang sanggunian tulad ng encyclopedia at sa ibat’
ibang websites sa internet.
_____15. Walang matatawag na iba’t ibang uri ang tekstong impormatibo.

12
KARAGDAGANG GAWAIN

Gawain 8

Basahin ang balita sa ibaba at gumawa ng isang reaksyong papel. Isaalang-alang sa


pagsulat ang mabisang paraan ng pagpapahayag at ang kabuluhan ng teksto sa sarili, pamilya,
komunidad, bansa at daigdig.

(FIIPU-III-fg-90 Nagagamit ang mabisang paraan ng pagpapahayag sa reaksyong papel na


isinulat at FIIEP-IIIj-37 Nakasusulat ng reaksyong papel batay sa binasang teksto ayon sa katangian
at kabuluhan nito sa sarili, pamilya, komunidad, bansa at daigdig)

Lumabas sa imbestigasyon ng Commision of Human Rights (CHR) ng Negros Occidental na


ang isang mag-aaral, na nasa Baitang-8 na si Eric Hain Demafeliz ng Bago City, ay nagpatiwakal
dahil sa Cyberbullying.

Sa pagbisita ng imbestigador ng CHR-Negros Occidental na si G.Vincent Parra, napag-


alaman nitong inakusahan si Demafeliz ng pagnanakaw ng Computer Tablet ng kanyang kaklase.
Ipinakita ng gurong-tagapayo ang larawang kinuha mula sa isang social media site kung saan may
mga mensahe ng pag-akusa kay Demafeliz.

- Halaw mula sa https://www.sunstar.com.ph/article/404657

Binabati kita! Natapos mo nang gawin ang Modyul 1. Sa kabuuan, napagtanto mo


na ang tekstong impormatibo ay isang uri ng babasahing di- piksyon. Ito’y naglalayong
magbigay ng impormasyon o magpaliwanag nang malinaw na walang pagkiling tungkol
sa iba’t ibang paksa. Hindi ito nakabatay sa sariling opinyon lamang ng sumulat kundi
mula ito sa mga datos na kadalasang makikita sa mga pahayagan, balita, magasin,
textbook, encyclopedia, gayundin sa iba’t ibang website sa internet.

Maaari mong ipagpapatuloy ang mga gawain na matatagpuan sa susunod na


modyul. Nawa’y patnubayan ka ng Maykapal.

13
Kuwarter 3 - Modyul 2:
Tekstong Deskriptibo

Ang modyul na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga


edukador mula sa mga publikong paaralan. Hinihikayat namin ang mga
guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna
at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa action@deped.gov.ph

Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.


Ang modyul na ito ay sadyang ginawa para maipagpatuloy ang daloy ng kaalaman sa kabila ng mga
pagsubok na nakaamba sa paligid. Bahagi lamang ito sa serye ng mga modyul na iyong tatapusin
bilang bahagi ng asignaturang Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik.
Bigyan mo lamang ng sapat na panahon para unawain ang bawat bahagi ng modyul na ito at tiyak
na maraming kaalaman ang iyong mapupulot sa pamamagitan ng iyong sariling pagsisikap.

Sa modyul na ito, sinasanay ka na maging lohikal at kritikal sa pagsusuri ng iba’t ibang anyo ng
teksto sa pamamagitan ng mga simpleng aralin at gawain na maghahanda sa iyo sa pagbuo ng
makabuluhang pananaliksik. Ang modyul na ito ay hinati sa iilang mga bahagi na may
magkatimbang na halaga sa pagkatuto.

Ito ay hinati sa mga sumusunod na bahagi:

Alamin – Sa bahaging ito inilalahad ang mga Kasanayang Pampagkatuto na sisikapin nating
matamo sa buong semestre.

Subukin – Dito susubukin ang lawak ng iyong kasalukuyang kaalaman tungkol sa paksa.

Yugto ng Pagkatuto – Sa bahaging ito, matututunan mo ang araling itinakda na hinati sa iilang mga
bahagi gaya ng balikan, tuklasin, suriin, pagyamanin, isaisip at isagawa.

Tayahin – Malalaman mo sa bahaging ito kung sadya bang naunawaan mo ang bagong araling
napag-aralan sa pamamagitan ng pagtataya ng natamong kaalaman.

Karagdagang Gawain – Upang mas mapalawak at mapalawig pa ang iyong kaalaman sa araling
ito, isa pang gawain ang kailangan mong tapusin sa bahaging ito.

Lahat ng iyong mga kasagutan sa mga gawain ay isusulat mo sa kalakip na Activity Sheets. Maaari
kang gumamit ng dagdag na papel bilang burador bago mo pinal na isulat sa Activity Sheets.

Ayon kay Aristotle, “Ang ugat ng karunungan ay mapait, subalit ang bunga ay matamis”, kaya
hinihikayat kita na pag-igihan ang makabagong paraan ng pagbahagi ng karunungan. Maaaring
may mga pagkakataon na malulumbay o mawawalan ka ng dahilan upang matuto ngunit
pakatandaan na ang iyong pagsisikap ay tiyak na magbubunga ng kasaganahan.

Halina’t matuto!

Mga May-akda

15
ALAMIN

Bigyan mo lamang ng sapat na panahon para unawain ang bawat bahagi ng


modyul na ito at tiyak na maraming kaalaman ang iyong mapupulot sa pamamagitan
ng iyong sariling pagsisikap.

Sa bahagi ng modyul na ito makikita ang yugto ng pagkatuto na balikan,


tuklasin, suriin, pagyamanin, isaisip, isagawa at tayahin. Sa simula at wakas ng
modyul ay may mga pagtataya na naglalayong subukin ang iyong kaalaman bago at
matapos ang aralin. Sa bawat yugto ng pagkatuto ay may inihandang gawain na
maging batayan mo upang mapaunlad ang iyong kasanayan sa pangkabatiran
(cognitive), pandamdamin (affective), at sayko-motor (psychomotor).

Narito ang mga kasanayang pampagkatuto na dapat malinang mo bilang isang


mag-aaral:

1. Natutukoy ang kahulugan at katangian ng mahalagang salitang ginamit ng


tekstong deskriptibo (FIIPT-IIIa-88);
2. Naibabahagi ang katangian at kalikasan ng tekstong deskriptibo (FIIPS-IIIb-
91);
3. Nakasusulat ng ilang halimbawa ng tekstong tekstong deskriptibo (F11PU –
IIIb – 89);

4. Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa binasang tekstong deskriptibo o


sa sarili, pamilya, komunidad, bansa at daigdig ( F11PB – IIId – 99);

16
SUBUKIN
PANIMULANG PAGTATAYA
PANUTO: Tama o Mali. Batay sa sariling paghihinuha, tukuyin kung ang pahayag ay tama o mali.
Isulat sa inilaang patlang ang salitang MATA kung ito ay tama, at LIMA naman kung ang pahayag
ay mali.

_____ 1. Ang tekstong deskriptibo ay maihahalintulad sa isang larawang ipininta o iginuhit kung
saan kapag nakita ito ng iba ay parang nakita na rin nila ang orihinal na pinagmulan ng larawan.
_____ 2. Gumagamit ang manunulat ng mga salita upang mabuo sa isipan ng mambabasa ang
paglalarawan sa tekstong deskriptibo.
_____ 3. Ang pangunahing layunin ng tekstong deskriptibo ay ipakita at iparamdam sa mambabasa
ang bagay o anumang paksa na inilalarawan.
_____ 4. Mga pang-uri at pang-abay ang karaniwang ginagamit ng manunulat upang mailarawan
ang bawat tauhan, tagpuan, mga kilos o galaw na nais na bigyang- buhay.
_____ 5. Ang pagsulat ng paglalarawan ay maaaring karaniwan o malikhain.
_____ 6. Sinasabing ang tekstong deskriptibo ay karaniwang bahagi lang ng iba pang uri ng
teksto lalong-lalo na ng tekstong naratibo.
_____ 7. Ang maikling kwento ay isang direktang halimbawa ng tekstong deskriptibo.
_____ 8. Ang paningin, na isa sa mga limang pandama ay isa lamang sa mahalagang umupukaw
sa paglalarawan.
_____ 9. Ang malikhaing paglalarawan ay ginagamitan ng mga matalinghagang salita.
_____ 10. Sa karaniwang paglalarawan, subhektibo ang paglalahad ng kongkretong katangiang
inilalarawan.
_____ 11. Simpleng salita lamang ang kailangan sa malikhaing paglalarawan.
_____ 12. Nagbibigay ng impormasyong may kinalaman sa limang pandama ang tekstong
deskriptibo.
_____ 13. Kay tangkad mo na animo’y isang kapre. Ito ay isang halimbawa ng karaniwang
paglalarawan sa tekstong deskriptibo.
_____ 14. Ang paggamit ng mga tayutay ay isang paraan ng karaniwang
paglalarawan.
_____ 15. Ang karaniwang paraan ng paglalarawan ay naglalayong mapagalaw ang guniguni ng
mga mambabasa upang maipakita ang larawan ayon sa limang pandama.

17
YUGTO NG PAGKATUTO
BALIKAN
Kung iyong maaalala sa Modyul 1 ( Tekstong Impormatibo ), may mga elementong
taglay ang tekstong impormatibo gaya ng layunin ng may-akda, pangunahing ideya, pantulong
na kaisipan at istilo. Tukuyin ang mga ito mula sa tekstong mababasa sa kahon.
Inilunsad ni Mark E. Zuckerberg ang Facebook mula sa kanyang dormitoryo
sa Harvard noong ika-4 ng Pebrero 2004. Ang sapantaha ng Facebook ay galing sa
kanyang mga araw sa Phillips Exeter Academy kung saan gaya ng karamihan sa
mga dalubhasa at mga paaaralan ay mayroong nakagawiang taunang sanggunian
ng mga mag-aaral na mayroong mga larawan ng mga guro at lahat ng mga kawani
na tinatawag na "Facebook". Noong siya ay nasa dalubhasaan pa, ang Facebook ni
Zuckerberg ay nagsimula lang bilang isang bagay na pang-Harvard lamang.
Hanggang ninais ni Zuckerberg na palawigin ang Facebook sa iba pang mga
paaralan at inarkila sa tulong ng kasama niya sa kuwarto na si Dustin Moskovitz.
Una nila itong pinalawig sa Stanford, Dalubhasaan ng
Dartmouth, Pamantasan ng Columbia, Cornel at Yale, at sa lahat ng mga
paaralang may koneksiyong panlipunan sa Harvard.

https://tl.wikipedia.org/wiki/Mark_Zuckerberg

Layunin ng May-akda: __________________________________________________________________

____________________________________________________________________________________

Pangunahing Ideya: ____________________________________________________________________


_____________________________________________________________________________________

Pantulong na Kaisipan: ___________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________________

Istilo: ________________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________________

18
TUKLASIN

PANUTO: Basahin ang mga pahayag na nasa loob ng kahon at sagutin ang mga
katanungan
.

A. Dahil umuulan, B. Dahil umuulan, nakisukob si


nakisilong si Dodoy sa ilalim Dodoy sa ilalim ng payong ni
ng makapal na berdeng Ningning na animo’y madahon
payong ni Ningning na ng punongkahoy na
pinalamutian ng mga pulang
pinalamutian ng mga pulang bunga. Abot-langit ang ngiti sa
beads. Ito na marahil ang kanyang mga labi sa
pinakamasayang sandali niya pagkakataong ito kasama ang
sa piling ng kanyang kasintahan. nagpapatibok ng kanyang puso.

1. Alin sa dalawang pahayag ang madaling unawain?


______________________________________________________________
______________________________________________________________
2. Alin sa dalawang pahayag ang pumukaw sa iyong pang-unawa at damdamin?
______________________________________________________________
______________________________________________________________

3. Alin sa dalawang paraan ng paglalarawan ang mas nanaisin mong gamitin?


_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

19
SURIIN
TEKSTONG DESKRIPTIBO

KAHULUGAN
Ang tekstong deskriptibo ay isang pagpapahayag ng mga impresyon at kakintalang likha
ng pandama. Sa pamamagitan ng pang-amoy, panlasa, pandinig, paningin, at panlasa, itinatala ng
sumusulat ang paglalarawan ng mga detalye na kanyang nararanasan.
LAYUNIN
Ito ay naglalayong makapaglahad ng kabuuang larawan ng isang bagay, pangyayari o kaya
naman ay makapagbigay ng isang konseptong biswal ng mga bagay, pook, tao, o pangyayari.
MGA ELEMENTO (DALAWANG PARAAN NG PAGLALARAWAN)
1. Karaniwang Paglalarawan – tahasang inilalarawan ang paksa sa pamamagitan ng
pagbanggit sa mga katangian nito gamit ang mga pang-uri at pang-abay. Inilalahad sa
tekstong ito ang mga pisikal na katangian ng inilalarawan sa pamamagitan ng obserbasyon.

2. Masining na Paglalarawan – ito ang malikhaing paggamit ng wika upang makabuo ng


kongkretong imahe tungkol sa inilalarawan. Tinatangka nitong ipakita, iparinig, ipaamoy,
ipalasa at ipadama ang isang bagay, karanasan o pangyayari.

PAGGAMIT NG TAYUTAY UPANG MAGING MALIKHAIN SA PAGGAMIT NG WIKA SA


MASINING NA PAGLALARAWAN.
a. Simile o Pagtutulad – paghahambing ng dalawang magkaibang bagay, tao at
pangyayari sa pamamagitan ng mga salitang tulad ng, parang, kagaya, kasing,
kawangis, kapara, animo’y at katulad.
Halimbawa:

b. Metapora o Pagwawangis – tuwirang paghahambing kaya’t hindi na kailangang


gamitan ng mga salitang nagpapahayag ng pagtutulad.
Halimbawa

: 20
c. Personipikasyon o Pagsasatao – tumutukoy sa paglalapat ng mga katangiang
pantao sa mga bagay na abstrakto o walang buhay.

Halimbawa:

d. Hayperboli o Pagmamalabis – eksaherado o sobra sa mahinahong katotohanan at


hindi dapat kunin ang literal na pagpapakahulugan.
Halimbawa:

e. Onomatopeya o Paghihimig – paggamit ng salitang may pagkakatulad sa tunog ng


bagay na inilalarawan.
Halimbawa

21
URI NG PAGLALARAWAN

1. Subhektibo – ang manunulat ay nakabatay lamang sa kanyang mayamang imahinasyon


at hindi nakabatay sa katotohanan.
Halimbawa:
Sa gulang na dalawampu ay maaaninag sa binata ang kasipagan dahil sa
matipunong pangangatawan at magaspang na palad na pinanday ng kahirapan.
2. Obhektibo – may pinagbabatayang katotohanan.
Halimbawa:
Ang perpektong kono ng Bulkang Mayon ay isang tanawing binabalik-balikan ng
mga turistang nagmumula pa sa iba’t ibang panig ng bansa at mundo. Itinuturing itong
pinakaaktibong bulkan sa bansa.

Gamit ang Venn Diagram, tukuyin ang pagkakaiba at pagkakapareho ng mga uri at paraan
ng paglalarawan batay sa iyong naunawaan sa bagong aralin tungkol sa tekstong deskriptibo.

22
PAGYAMANIN

Basahin ang isang halimbawa ng tekstong deskriptibo.


Ang Karanasang ‘Di Ko Malilimutan
Jheru Alselmo Mendoza
Lahat tayo ay may karanasang di makakalimutan - karanasan sa pag-ibig, sa kaibigan, at sa pamilya.
Kailan nga ba tayo unang umibig? Kailan ba tayo unang nasaktan? Ano bang alaala ang lubos na nagdulot
ng sakit sa atin? Kailan ba tayo naging masaya? Naalala mo pa ba? Sa dami ng mga bagay na aking
naranasan, kulang pa yata ang isang libro para maikuwento ko nang buo ang simpleng buhay ko.

Ang aking pamilya ay malaki pero simple lang ang aming pamumuhay. Lagi kaming magkakasama
noon. Nagtatawanan at nagkukulitan kahit may problemang nararanasan. Kinakaya namin anumang unos
ang dumating dahil lagi kaming magkakasama. Sabi pa ng aking mahal na ina noon, ayos lang daw maghirap
kami at magdildil ng asin basta kompleto at magkakasama kaming lahat. Nasabi niya ito dahil maaga siyang
nahiwalay sa kanyang pamilya noon. Bata pa lamang siya ay naranasan na niyang mabuhay nang mag-isa.
Mahirap daw ang nag-iisa sa buhay. Malungkot daw. Kaya para sa akin, siya ang pinakamagaling na ina sa
buong mundo kasi maayos niya kaming napalaki kahit nag-iisa na lamang siya ngayon. Ang aking ama
naman ay siyang mabait at mabuting ama. Mahal na mahal ko siya kahit minsan napapalo niya ako dahil
nakakainom siya ng alak.

Lumipas ang ilang taon na palaging masaya ang aking pamilya. Ngunit lingid sa aming kaalaman,
isang malaking problema ang parating sa aming buhay na ganap na sumubok sa aming katatagan. Sampung
taong gulang pa lamang ako noon at nasa ikaanim na baitang, nang malaman ng manggagamot na may
kanser sa atay ang aking ama. Nagulat kami sa nalaman naming balita. Gayunpaman, pinilit naming maging
masaya para sa aming ama dahil ayaw naming makita niyang nalulungkot kami para sa kaniya. Kahit paano
ay mabawasan ang nararanasan niyang paghihirap at kalungkutan.

Ilang buwan na ang lumipas pero hindi namin siya maipagamot dahil sa kakulangan sa pera. Lumala
nang lumala ang sakit niya at bumagsak ang dating masigla niyang katawan dahil nangayayat siya nang
husto. Ika-tatlumpu ng Hunyo 2004, ipinagdiriwang namin ang kaniyang kaarawan. Nagluto ang aking ina.
Kaunti lang ang handa, kami lang ang nagdiwang at nagsalu-salo. Ang ama ko ay masaya noong araw na
iyon ngunit nararamdaman ko na parang malungkot siya. Hindi niya pinapakita sa amin iyon dahil gusto
niyang maging masaya kami sa araw na iyon.

Ang saya talaga ng araw na iyon para sa akin ngunit iyon na pala ang huling kaarawan ng aking ama.
Tatlong araw ang lumipas, iniwan na niya kami. Wala na siya. Namatay na ang aking ama. Napaluha na lang ako
habang tinitingnan ko ang bangkay niya. Pero naalala ko ang sabi niya sa akin noon; “Anak, huwag kang iiyak
kapag nawala na ako, ha.” Kaya noong libing niya ay hindi na ako umiyak at tinanggap ko na lang na wala na siya
at hindi na siya mahihirapan dahil kung saan man siya naroon ay masaya na siya sa piling ng Dakilang Ama.
https://www.wattpad.com/9047403-essay-ang-karanasang-di-ko-malilimutan

23
PANUTO:Batay sa tekstong binasa sa Gawain 1, tukuyin kung anong uri ng paglalarawan ang
ginamit sa mga siniping pahayag sa ibaba. Isulat sa patlang ang letrang S kung ito ay subhektibo
at O naman kung ito ay obhektibo.
_____ 1. Ang aking pamilya ay malaki pero simple lang ang aming pamumuhay.
_____ 2. Nagtatawanan at nagkukulitan kahit may problemang nararanasan, at kinakaya namin
ang anumang unos na dumating dahil lagi kaming magkakasama.
_____ 3. Kaya para sa akin, siya ang pinakamagaling na ina sa buong mundo kasi maayos niya
kaming napalaki kahit nag-iisa na lamang siya ngayon.
_____ 4. Sampung taong gulang pa lamang ako noon at nasa ikaanim na baitang, nang malaman
ng manggagamot na may kanser sa atay ang aking ama.
_____ 5. Ika-tatlumpu ng Hunyo 2004, ipinagdiriwang namin ang kaniyang kaarawan.
nagluto ang aking ina. Kaunti lang ang handa at kami lang ang nagsalu-salo.

Muling balikan ang tekstong binasa, sumipi ng bahagi ng sanaysay na sa tingin mo ay


Karaniwan o Malikhain ang paraan ng paglalarawan. Magbigay lamang ng isang halimbawa na may 1-3
pangungusap lamang.

KARANIWAN MALIKHAIN

______________________________ ______________________________
______________________________ ______________________________

______________________________ ______________________________

______________________________ ______________________________

______________________________ ______________________________
______________________________ ______________________________

______________________________ ______________________________
______________________________ ______________________________

______________________________ ______________________________
______________________________ ______________________________

______________________________ ______________________________

______________________________ ______________________________

24
ISAISIP

Mahusay! Binabati kita sa panibagong biyaya ng kaalaman na iyong


natutunan mula sa modyul na ito.

May dalawang uri ng paglalarawan. Una ay ang ___________ na nakabatay sa


mayamang imahinasyon at ang ikalawa ay ang ____________ na nakabatay sa
katotohanan. Kung nais mong mas simpleng paglalarawan, gumamit ng
_____________ paraan at kung nais mo namang paggalawin ang imahinasyon ay
gumamit ng ___________ paraan.

ISAGAWA

Sumulat ng isang tekstong deskriptibo batay sa sumunod na sitwasyon.

Ikaw ay isang mahusay na manunulat ng isang Advertising Company. Naatasan ka ng iyong


boss na gumawa ng brochure na may kaugnayan sa mga larong pambata sa Pilipinas. Ang
mga brochures ay ipamumudmod sa mga magulang sa subdibisyon kung saan bibihira na
lang ang mga batang naglalaro sa kalye. Maari mo ring dikitan ng mga larawan o guhitan ng mga
imahe upang mas magiging kawili-wili ang iyong brochure.

PAMANTAYAN SA PAGBIBIGAY NG PUNTOS


Batayan Kaukulang Puntos Nakuhang
Puntos
Angkop ang pagpili ng larawan sa nais
iparating na mensahe ng brochure 10
Malinaw at masining ang paglalarawan sa
mga kalakip na larawan 10
Napapanahon at kapaki-pakinabang ang
napiling paksa 10
Malikhain at nakatatawag ng atensyon ang 10
kabuuan ng brochure

Malinaw, may kaugnayan ang mga detalye at 10


at mabisa ang paglalarawan
Kabuuan: 50 puntos

25
26
TAYAHIN
PANUTO:Tukuyin kung ano ang hinihingi ng bawat aytem. Pumili ng sagot mula sa kahon
sa ibaba at isulat ang katumbas na titik sa patlang bago ang bilang ng bawat aytem. Maaaring
ulitin ang sagot kung kinakailangan.
A. Deskriptibo B. Karaniwan C. Pang-uri D. Tama

E. Pang-abay F. Naratibo G. Malikhain H. Layunin

I. Obhektibo J. Subhektibo K. Impormatibo L. Mali

_____ 1. Ang tekstong ______ ay maihahalintulad sa isang larawang ipininta


o iginuhit kung saan kapag nakita ito ng iba ay parang nakita na rin nila ang
orihinal na pinagmulan ng larawan.
_____ 2. Ang _____ at pang-abay ay mga uri ng pananalita na ginagamit sa paglalarawan.
_____ 3. Ang ipakita at iparamdam sa mga mambabasa ang bagay o anumang
paksa na inilalarawan ang siyang pangunahing _____ ng tekstong deskriptibo.
_____ 4. Mga pang-uri at ______ ang karaniwang ginagamit ng manunulatupang
mailarawan ang bawat tauhan, tagpuan, mga kilos o galaw na nais
bigyang-buhay.
_____ 5. Ang pagsulat ng paglalarawan ay maaaring ____ o malikhain.
_____ 6. Sinasabing ang tekstong deskriptibo ay karaniwang bahagi lang ng
iba pang uri ng teksto lalong-lalo na ng ____.
_____ 7. Ang talaarawan ay isang direktang halimbawa ng tekstong
deskriptibo. Tama o Mali?
_____ 8. Mahalagang mapukaw ang limang pandama sa paglalarawan.Tama o Mali?
_____ 9. Sa ____ paglalarawan, ginagamit ang mga matalinghagang mga salita.
_____10. Sa karaniwang paglalarawan, ____ uri ang paglalahad ng
kongkretong katangian ng nilalarawan.
_____11. Simpleng salita lang ang kailangan sa _____ paglalarawan.
_____12. Nagbibigay ng impormasyong may kinalaman sa limang pandama
ang tekstong _____.
_____13. Kay tangkad mo na animo’y isang kapre. Ito ay isang halimbawa ng____
paglalarawan sa tekstong deskriptibo.
_____14. Ang paggamit ng mga tayutay ay isang paraan ng ____paglalarawan.
_____15. Ang ____ paraan ng paglalarawan ay naglalayong mapagalaw anguniguni ng mga
mambabasa upang maipakita ang larawan ayon sa limang pandama.
27
KARAGDAGANG GAWAIN

Unawain nang mabuti ang sitwasyon at ibigay ang hinihingi nitong


paglalarawan.
1. Mahaba ang itinagal ng Community Quarantine sa bansa dahil sa COVID-19. Marahil samut-
saring emosyon ang iyong naramdaman sa panahon ng krisis na ito. Ilahad ang mga ito sa
pamamagitan ng isang masining na paglalarawan. Pagkatapos ng huling pangungusap ng
paglalarawan, isulat ang #quarantinestories.
_________________________________________________________________________
2.
_________________________________________________________________________
3.
_________________________________________________________________________
4.
_________________________________________________________________________

2. Sumulat ng paglalarawan tungkol sa mga katangian na sa palagay mo ay dapat taglayin ng


hihiranging Binibining Pilipinas at susunod sa yapak ni Catriona Gray. Isaalang-alang ang
kulay ng balat, kulay ng buhok, taas, timbang, kabuuang personalidad bukod pa sa mga
panloob na katangiang dapat niyang taglayin bilang kinatawan ng Pilipinas sa paligsahang
pandaigdig.
_________________________________________________________________________
5.
_________________________________________________________________________
6.
_________________________________________________________________________
7.
_________________________________________________________________________

Kaukulang Puntos
Batayan ng Grado Nakuhang
Punto
s
Malinaw at masining na paglalarawan 5
Kahusayan sa paggamit ng wika 5
Kalinawan, kaugnayan ng mga detalye at 5
bisa sa paglalarawan
Kabuuan: 15 puntos

28

You might also like