You are on page 1of 32

Katangian ng

tekstong
Naratibo
INIHANDA NI:
MARIANNE N. FURING
Katangian ng tekstong Naratibo
1. May iba’t ibang pananaw o
(point of view)

2. May Paraan ng pagpapahayag ng


Dayalogo, Saloobin o Damdamin.

3. May mga elemento


1. Iba't-ibang pananaw
(Point of view)
.
Unang panauhan
Expected decorum as we

Isa sa mga tauhan ang nagsasalaysay


navigate our virtual classroom

ng mga bagay na kanyang


nararanasan, naalala, o naririnig kaya
gumagamit ng “Ako”.
Expected decorum as we
navigate our virtual classroom

"AKO"
Ikalawang panauhan
Expected decorum as we
navigate our virtual classroom
Mistulang kinakausap ng manunulat ang
tauhang pinagagalaw niya sa kwento kaya’t
gumagamit siya ng panghalip na “ka at
ikaw”.
House rules everyone needs
to remember and observe
Expected decorum as we

"KA" navigate our virtual classroom

at "IKAW"

House rules everyone needs


to remember and observe
Ikatlong panauhan
Expected decorum as we
navigate our virtual classroom

Isinasalaysay ng isang taong


walang relasyon sa tauhan kaya ang
panghalip na ginagamit niya ay
“Siya”.
House rules everyone needs
to remember and observe
Expected decorum as we
navigate our virtual classroom

"SIYA"
Kombinasyong pananaw

Hindi nag iisa ang tagapagsalaysay


kaya ay iba-ibang pananaw o paningin
ang nagagamit sa pagsasalaysay.
Karaniwan itong nangyayari sa isang
nobela.

House rules everyone needs


to remember and observe
Tukuyin ang panghalip na ginamit at
kung anong uri ng pananaw ito.

1. Siya ang nahirang na


lider ng pangkat.
Tukuyin ang panghalip na ginamit at
kung anong uri ng pananaw ito.

2. Ikaw ang iniibig ng


lahat.
Tukuyin ang panghalip na ginamit at
kung anong uri ng pananaw ito.

3. Ako ay pupunta sa
Maynila.
2. Paraan ng pagpapahayag ng
Dayalogo, Saloobin o
Damdamin
.
Direkta o tuwirang
pagpapahayag
Ang tauhan ay direkta o tuwirang nagsasaad o nagsasabi
ng kanyang dayalogo, saloobin o damdamin.
Ginagamitan ng panipi. " "
Nagiging natural at lumulutang ang katangian ng tauhan.
Mas naaakit ang mga mambabasa sapagkat mas malinaw
sa kanya ang eksaktong sinabi ng tauhan at higit na
nagpapakita ng damdamin ng tauhan.
“Direct speech”
Di-tuwirang
pagpapahayag
Ang tagapagsalaysay ang naglalahad sa sinasabi, iniisip
o nararamdaman ng tauhan sa ganitong uri ng
pagpapahayag.
Hindi ginagamitan ng panipi.
Madalas rin ay ginagamitan ito nga mga pang-ukol
tulad ng alinsunod sa/kay, batay sa/kay, ayon sa/kay
atbp.
“Indirect speech”
Halimbawa ng Direktang Halimbawa ng Di-direktang
pagpapahayag pagpapahayag
“Donato, kakain na, Anak,” tawag Tinawag ni Aling Guada ang anak
ni Aling Guada sa anak na noo’y dahil kakain na habang ito’y
abalang-abala sa ginagawa at abalang-abala sa ginagawa at hindi
hindi halos napansing nakalapit halos napansing nakalapit na pala
na pala ang ina sa kanyang ang ina sa kanyang kinalalagyan.
kinalalagyan. “Aba’y kayganda Ayon kay aling Guada, maganda
naman nireng ginagawa mo, raw ang ginagawa ng anak at
Anak! Ay ano ba talaga ang tinanong din niya kung ano ba
baIak mo, ha?” Natatawang talaga ang balak niya. Natatawang
inakbayan ni Donato ang ina at inakbayan ni Donato ang ina at
inakay papasok sa munti nilang inakay papasok sa munti nilang
kusina.. kusina.
3. Mga Elemento ng Tekstong
Naratibo
.
1. Tauhan

a. Pangunahing Tauhan- Sa pangunahing tauhan o


bida umiikot ang mga pangyayari sa kuwento mula
simula hanggang sa katapusan.
b. Katunggaling Tauhan- Kalaban ng pangunahing
tauhan.
c. Kasamang Tauhan- Ang kasamang tauhan ay
karaniwang kasangga ng pangunahing tauhan.
d. Ang May-akda- Laging nakasubaybay ang
kamalayan ng awtor.
2. Tagpuan at Panahon

Ang tagpuan ay tumutukoy hindi lang sa lugar kung


saan naganap ang mga pangyayari sa akda kundi
gayundin sa panahon (oras, petsa, taon) at maging sa
damdaming umiiral sa kapaligiran nang maganap ang
mga pangyayari tulad ng:
-Kasayahan ng pagdiriwang sa isang kaarawan.
-Romantikong paligid sanhi ng maliwanag na
buwang nakatunghay sa magkasintahang
naghahapunan sa isang hardin.
-Matinding pagod ng magsasakang nag-aararo sa
ilalim ng tirik na tirik na araw at iba pa.
3. Banghay

Dito nakapaloob ang balangkas ng tekstong naratibo.


Makikita sa ibaba ang karaniwang banghay o
balangkas ng isang naratibo:

Kasukdulan

Pataas na Pababang
aksiyon aksiyon

Panimula Wakas
Panimula
Naipapakilala ang mga tauhan, tagpuan, at tema

Pataas na
aksiyon
Tumitindi o tumataas ang galaw o kilos ng mga tauhan
na humahantong sa sukdulan.

Kasukdulan
Ipinapakita ang mataas na bahagi ng kapanabikan
na sanhi ng damdamin o maaksyong pangyayari.
Pababang
aksiyon
Natapos na ang tinatawag na “climax” at wala nang
masyadong aksyon ang nagaganap. Ang mga
katanungan sa unang bahagi ng kwento ay nasasagot na.

Wakas
Makikita ang kahihinatnan ng mga tauhan at mga
pangyayari sa akda batay sa mga pangyayaring
naganap.
4. Paksa o Tema

Ito ang sentral na ideya kung saan umiikot ang mga


pangyayari sa tekstong naratibo.
Mahalagang malinang ito nang husto sa kabuoan ng
akda upang mapalutang ng may-akda ang
pinakamahalagang mensaheng nais niyang
maiparating sa kanyang mambabasa.
Dito rin mahuhugot ang mga pagpapahalaga,
mahahalagang aral, at iba pang pagpapahalagang
pangkatauhang nagagamit sa mabuting pamumuhay
at pakikisalamuha sa kapwa.
Isalin sa Di-tuwirang
pagpapahayag
Direkta/Tuwiran:

"Ang hindi marunong magmahal sa


sariling wika ay higit pa ang amoy sa
malansang isda."
- Jose Rizal
Di-Tuwiran:

Ayon kay Jose Rizal ang hindi


nagmahal sa sariling wika ay higit pa
ang amoy sa malansang isda.
Isalin sa Di-tuwirang
pagpapahayag
Direkta/Tuwiran:

"Gusto kitang tulungan ngunit


pagagandahin ko pa ang aking bahay."
Ang naging tugon ni gagamba
Isalin sa Di-tuwirang
pagpapahayag
Direkta/Tuwiran:

"O Bathala! Tulungan nyo po ako." ang


panalangin ni paruparo.
Isalin sa Tuwirang
pagpapahayag
Di-tuwiran:

Pakiusap ni paruparo kung maaari ba


siyang tulungan.
Isalin sa Tuwirang
pagpapahayag
Di-tuwiran:

Ayon kay langgam, nagmamadali daw


sya at habang maaraw ay maghahanap
sya ng pagkain.
Isalin sa Tuwirang
pagpapahayag
Di-tuwiran:

Sabi ng kalabaw, ang mabuting kaibigan


ay nagtutulungan sa lahat ng araw.
Maraming salamat!

You might also like