You are on page 1of 11

Pagsulat ng Panukalang

Proyekto
Gawain
• Panuto: Suriin ang isang halimbawa
ng panukalang proyekto. Isa-isahin
ang nilalaman ng bawat bahagi nito.
Panukalang Proyekto
Kahulugan
Ito ay isang papel panukala/pagpaplano ukol sa isang gawaing
pinagkasunduan ng isang pangkat ng tao, samahan o organisasyon na
naatasan upang mamahala sa isang pagdiriwang.
Binanggit sa artikulo ni Michael Alley na pinamagatang The Craft of
Scientific Writing (1996) ang tatlong pangunahing layunin nito gaya ng
sumusunod.
Paglalahad ng gawain/proyekto
Pagpapaliwanag kung paano ito isasagawa
Paghikayat sa namamahala na aprubahan ang naturang gawain o proyekto
dahil makatutulong ito lalo pa at ang mga pangangailangan sa pagpapatupad
nito ay nakahanda na.
Kahalagahan at Gamit ng Panukalang Proyekto
Nagbibigay ng direksiyon at kaayusan sa isang pagdiriwang o
gawain.
Naihahanay ang mga gawain na isasagawa at nailalahad ang
magiging halaga nito para sa kabuoang pagdiriwang o gawain.
Naiisa-isa rin ang ilang mga detalyeng kakailanganin tulad ng
pook-ganapan at kapasidad ng bilang ng tao na maaaring
umokupa rito, pangangailangang teknikal tulad ng bilang ng
mikropono at musikang kailangang ihanda, dekorasyon ng
entablado at iba pang kagamitan.
Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagsulat ng Panukalang Papel
Mahalaga ang pagsasagawa ng bukas at matapat na talakayan
upang makatiyak na lahat ng detalye ay maikunsidera o
mabigyang-pansin . Narito ang talaan ng mga dapat bigyang-
pansin tungo sa matagumpay na pagsasakatuparan o
implementasyon.
1. Suriin ang tema ng pagdiriwang/gawain.
2. Tiyaking angkop ang planong proyekto sa tema.
3. Maghanda ng mga layuning makatutulong sa paglinang ng
tema.
4. Maging mabusisi sa paglalatag ng mga gawaing kailangan sa
pagsasakatuparan ng proyekto.
Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagsulat ng Panukalang Papel
5. Tiyaking may sapat na bilang ng mga taong mamamahala sa
gawain. At bigyang pansin ang mga sumusunod:
• Petsa, oras at pook-ganapan
• Mapagkakatiwalaang tagapagsanay/hurado
• Sapat na bilang ng mga partisipante
• Pagkain, token, kagamitan
Pangkatang Gawain (Performance Task #3)
Panuto: Mag-isip ng isang proyektong pampaaralan. Pagkatapos ay
bumuo ng panukalang proyekto. Sundin ang pormat na
matatagpuan sa ibaba.
• Pamagat ng Proyekto
• Tagapagtaguyod ng Proyekto
• Rasyonale
• Layunin ng Proyekto
• ng Proyekto
• Saklaw na Petsa
• Mga Inaasahang Dadalo (Delegado)
• Mga Kagamitan/Gastusin
Mga Pamprosesong Tanong
1. Paano nabuo ang panukalang proyekto ng inyong pangkat?

2. Sa tingin ninyo ba, makatutulong ang proyektong ito sa inyong


paaralan, sa sarili, at komunidad?

3. Anong halagahan ang natutuhan ng bawat miyembro sa


pagsasagawa ng pulong, pagsulat ng agenda, katitikan ng
pulong, at panukalang proyekto?
Panapos na Gawain/Pagninilay
Panapos na Gawain/Pagninilay
• Pagninilay: Maraming suliranin at problema sa ating mundong
ginagalawan kaya’t ang iba sa atin ay gumagawa ng mga
panukala. Sa buhay mo rin ba ay may mga panukala ka ring
ginagawa upang mabigyang lunas ito? O hinahayaan mo na lang
na hindi ito masolusyunan?

You might also like