You are on page 1of 4

MINA NATIONAL HIGH SCHOOL

BANGAC-TALIBONG GRANDE, MINA ILOILO

PANGGITNANG PAGSUSULIT

FILIPINO SA PILING LARANGAN 12 (AKADEMIK)

I. TAMA O MALI
Panuto: Isulat ang Larang kung ang pahayag ay wasto at Akademik naman kung mali. Isulat sa papel ang
pinakatamang sagot.
1. Ang mapanuring pag-iisip ay ang paggamit ng kaalaman, kakayahan at talino upang epektibong harapin
lamang ang buhay-akademiko.
2. Ang akademikong pagsulat ay inaasahang makapagturo sa mga mag-aaral ng halaga ng kasipagan,
pagtitiyaga, pagsisikap, responsibilidad, pangangatwiran at pagpapanatili ng bukas na isipan.
3. Kinakailangang siksik at malaman sa impormasyon ang isang bionote o tala sa may akda.
4. Kapag may buod o sistesis, higit na madali ang pagrerebyu dahil binibigyang diin dito ang mahahalagang
punto ng mga binasang akda.
5. Sa mahabang uri ng bionote nagsasayang lamang ng espasyo sa pamamagitan ng mga tala na walang
kabuluhan.
6. Karaniwang lalagpas sa isang pahina at nakadoble espasyo ang abstrak.
7. Isang halimbawa ng gamit o tungkulin ng akademikong pagsulat ay linangin ang mapanuring pag-iisip.
8. Ang abstrak ay ang buong nilalaman ng isang saliksik o sulatin.
9. Pinapahalagahan natin ang integridad sa pamamagitan pagiging tapat kaugnay na paraan ng pagkuha at
paggamit ng hindi sa atin.
10. Mahalagang may kaugnayan ang nilalaman ng isang bionote sa paksain ng isang publikasyon.
11. Mahalaga ang katitikan dahil naitatala lahat ng sinasabi ng nagsasalita na pweding basahin ng hindi
nakadalo.
12. Ginagawa ang adyenda upang maging produktibo ang oras sa pagtalakay ng mga dapat gawin.
13. Ang isang mahusay na manunulat ay isang mambabasa dahil posibleng makasulat ng isang mahusay na
akademikong papel ang isang manunulat na hindi nagbabasa.
14. Sa pagsulat ng buod nangangailangan ng maraming batis upang makatas ang pinakalaman ng isang akda o
impormasyon.
15. Ang mapanuring pag-iisip ay ang paggamit ng kaalaman, kakayahan, pagpapahalaga at talino upang
epektibong harapin ang mga sitwasyon at hamon sa buhay-akademiko lamang.

II. MARAMING PAGPIPILIAN


Panuto: Piliin ang titik ng pinakatamang sagot at isulat ito sa inyong sagutang papel.

1. Sa mahahabang uri ng bionote, marami kang itatalang datos ngunit___________.


a. Nagsasayang ka lamang ng espasyon.
b. Nakatala dito ang tiyak na impormasyon na kinakailangan.
c. Nagsasayang sa walang kabuluhang tala.
d. Nakatala dito ang talambuhay ng may –akda.
2. Ito ay ang pinaikling buod ng tagumpay, kakayahan, edukasyong natamo, publikasyon at mga pagsasanay na
taglay ng isang may akda___________.
a. Bionote b. Sintesis c. Buod d. Abstrak
3. Ito ay nangangahulugang buod ng isang sulatin o pananaliksik.
a. Bionote b. Sintesis c. Buod d. Abstrak
4. Pinaikling bersyon ng iba’t ibang batis ng kaalaman at impormasyon.
a. Bionote b. Sintesis c. Buod d. Abstrak
5. Sa pagsulat nito ay hindi nangangailangan ng maraming batis upang makatas ang pinakalaman ng isang akda
o impormasyon.
a. Adyenda b. Sintesis c. Buod d. Abstrak
6. Listahan, plano o balangkas ng mga napag-usapan, dedesisyunan o gagawin sa isang pulong.
a. Adyenda b. Sintesis c. Buod d. Abstrak
7. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng adyenda para sa pagsisimula ng pulong?
a. Nakakatulong ito na mabalikan at mabasang muli ang paksa ng pagpupulong.
b. Nabibigyan nito ng katuturan at kaayusan ang pagpupulong.
c. Nabibigyang importansya ang mahahalagang paksa ng pagpupulong.
d. Para makatipid sa oras at panahon.
8. Bago magpatawag ng pagpupulong, kailangang___________?
a. Naabisuhan na ang mga magsisipagdalo sa paksang tatalakayin.
b. Nabigyan na ng ideya ang magsisipagdalo sa paksang tatalakayin.
c. Kailangang naabisuhan ng nagpapatawag ang mga taong resposable sa bawat aytem.
d. Mabigyan ng importansiya ang mga tao.
9. Saang bahagi ng pananaliksik nakalagay ang abstrak?
a. Hulihan ng pananaliksik c. Unahan ng pananaliksik
b. Sa gitna ng pananaliksik d. lahat ay pwede
10. Ito ay talakayan ng grupo upang magbigay ng input ang bawat miyembro at magkaroon ng pangkalahatang
kaalaman.
a. Brainstorming b. skimming c. pre-viewing d. scanning
11. Kaugnay ito ng pagkakapareho o pagkakaiba ng datos upang pagtibayan ang katuwiran.
a. Deskripsiyon ng paksa b. aplikasyon c. pagkokompara d. problema at solusyon
12. Karaniwang makikita sa unahan ng teksto at kasama rito ang mga depenisyon at pagpapaliwanag.
a. Deskripsiyon ng paksa b. aplikasyon c. pagkokompara d. problema at solusyon
13. Ano ang layunin ng akademikong gawain?
a. Magbigay ng pangkalahatang buod c. Magbigay ng sariling haka-haka
b. Magbigay ng ideya at impormasyon d. Magbigay ng paglalahat
14. Sino ang magiging awdiyens sa di-akademikong gawain?
a. Mga iskolar b. siyentipiko c. pantas d. mga publiko
15. Sa organisasyon ng ideya sa akademiko ang ideya ay dapat?
a. Planado at magkakaugnay ang mga ideya. c. Pwede na kahit hindi magkaugnay ang ideya.
b. Maayos na naipahayag ang ideya. d. Hindi masyadong maaayos ang ideya.
16. Ito ay opisyal na tala o rekord ng mahahalagang puntong napag-usapan sa pulong ng isang grupo o
organisasyon___________.
a. Bionote b. adyenda c. buod d. katitikan
17. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng katitikan ng pulong?
a. Ang napag-usapan sa pulong ay maaalala ng bawat dumalo.
b. Ang napag-usapan sa pulong ay maiintindihan ng bawat dumalo.
c. Ang mapag-uusapan sa pulong ay hindi malilimutan ng lahat.
d. Para madaling maalala ng nagsipagdalo ang paksa ng pagpupulong.
18. Gaano kahaba ang isang katitikan?
a. Depende sa napag-usapan sa isang pagpupulong.
b. Lahat ng napag-usapan o nabanggit ay isusulat o itatala.
c. Isang buong papel at nakadoble espasyo.
d. Lahat ng nabanggit ay pwede.
19. Ito ay maling paggamit , pagnakaw ng mga ideya, pananaliksik, lenggwahe at pahayag ng isang tao sa
layuning mang-angkin sa ginagawa ng iba_________.
a. Copyright b. plagiarism c. paghuhuwad ng mga datos d. pagsasubscribe
20. Ito ay halimbawa ng mga pagpapahalagang intelektwal at moral sa akademiya na pag-amin na hindi sa iyo
ang ideya o datos___________.
a. Lakas ng loob b. pakikiisa c. kababaang loob d. hiya
21. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng batis na mapagkukunan sa paggawa ng sintesis?
a. Memorandum b. katitikan c. diskripsyon ng produkto d. artikulo
22. Napapaloob sa isang katitikan ang sumusunod _____________.
a. Petsa b. lugar na pinadarausan c. oras d. lahat ay tama
23. Ano ang kahalagahan ng pagbubuod at pagsisintesis?
a. Matiyak ng mag-aaral na alam nila ang kanilang binabasa.
b. Mahalaga ito kapag nagrerebyu ang mga mag-aaral sa kanilang pagsusulit.
c. Nagiging organisado ang kaalaman ng mga mag-aaral sa paksang pag-aaralan.
d. Wala sa nabanggit.
24. Bakit mahalagang magkaroon ng adyenda ang pagpupulong?
a. Dito iikot ang talakayan sa loob ng pulong.
b. Magiging organisado ang takbo ng talakayan sa pulong.
c. Hindi magiging kabagot-bagot ang pagtalakay sa pulong.
d. Makakatipid sa oras at panahon.
25. Sa limang makrong pangkasanayang pangwika ano ang pinakahuling natutuhan ng tao?
a. pagsasalita b. pakikinig c. pagsulat d. panonood
b.
26. Ano ang tungkulin at gamit ng akademikong pagsulat sa akademiya?
a. Mapunan ang umiiral na gap sa hayskul at kolehiyo.
b. Para maging maayos ang kinalalabasan ng mga gawaing akademiko.
c. Nalilinang nito ang mga gawaing pang-akademiko.
d. Ito ay isang paghahanda sa propesyon sa hinaharap.
27. Sa anong gawain sa labas ng akademiya ginagamit ang buod?
a. Pag-uulat ng trabaho b. pagawa ng liham pangnegosyo c. dokumentasyon d. lahat ay tama
28. Ang salitang etika ay nagmula sa salitang Greyigo na ethos na ibig sabihin ay__________.
a. Katangian b. pagpapahalaga c. karakter d. kabutihan
29. Bakit isang pangangailangan ang akademikong pagsulat sa lahat ng antas ng pag-aaral?
a. Dahil ito ay lumilinang sa karakter ng tao c. Nililinang nito ang pagpapahalaga sa kapwa ng tao
b. Nililinang nito ang pagpapahalagang pantao d.Nililinang nito ang kakayahan sa pagsulat ng tao
30. Paano ka magiging mapanuri sa mundong ito?
a. Maging mapag-obserba sa paligid c. huwag magtiwala agad-agad
b. Wala sa nabanggit d. a at c

III. PAGTUKOY
Panuto: Ayusin ang bionote sa loob ng kahon. Isulat ang naayon lamang sa inyong sagutang papel. (15
puntos)

Si Genoveva Edroza-Matute ay ipinanganak noong 3 Enero 1915 ay isang bantog na kuwentistang Pilipino. Isa rin siyang guro
at may-akda ng aklat sa Balarilang Tagalog, na nagturo ng mga asignaturang Filipino at mga asignaturang pang-edukasyon.
Siya ay nagpakasal kay G. Matute.
Nagturo siya ng apatnapu’t anim na taon sa elementarya, sekundarya at kolehiyo, at nagretiro bilang Dekana ng Pagtuturo sa
Dalubhasaang Normal ng Pilipinas (ngayon ay Pamantasang Normal ng Pilipinas) noong 1980. Pinarangalan siya ng Sentrong
Pangkultura ng Pilipinas ng Gawad CCP Para sa Sining (Panitikan) noong Pebrero 1992
Maraming ulit siyang nagkamit ng Gawad Palanca, tulad ng kilalang Kuwento ni Mabuti, na nanalo ng kauna-unahang Gawad
Palanca para sa Maikling Kuwento sa Filipino. Kasama rin sa mga kuwentong nanalo ng Gawad Palanca ay ang Paglalayag sa
Puso ng Isang Bata noong 1955, at ang Parusa noong 1961.
Ilan sa mga naging aklat niya ay ang Mga Piling Maiikling Kuwento ng Ateneo University Press; ang Tinig ng Damdamin,
katipunan ng kanyang mga piling sanaysay, ng De La Salle University Press; at ang Sa Anino ng EDSA, maiikling kuwentong
sinulat niya bilang National Fellow for Fiction, 1991–1992, ng U.P. Press. Namatay siya noong 21 Marso 2009 sa edad na 94.

IV. SANAYSAY
Panuto: Ipaliwanag ng mabuti ang hinihingi ng mga tanong sa ibaba. Ang inyong pagpapaliwanag ay dapat
binubuo ng lima o higit pang pangungusap. (10 puntos)

1. Bakit kailangang matutuhan o mapag-aralan ang Etika at Pagpapahalaga sa akademiya?


2. Bilang mag-aaral maging mapanuri sa inyong kapaligiran.

“PAG-AARAL AY PAGSIPAGAN AT PAGSIKAPAN DAHIL ANG TUNAY NA HAMON AY


HINDI SA LOOB NG AKADEMIYA KUNDI SA LABAS NITO. “

INAHANDA NI:

Bb. Bernales

You might also like