You are on page 1of 6

De La Salle John Bosco College

La, Salle Drive, Mangagoy, Bislig City


Departamento ng Batayang Edukasyon

Eksaminasyon: Unang Markahan Pagsususlit Panuruang Taon: 2023-24 Kwarter: 1 Bilang: 60


Guro: Joannah O. Garces Asignatura: Filipino sa Piling Larang (Akademik)

I. MARAMIHANG PAGPIPILIAN
PANUTO: Basahin nang mabuti ang bawat pahayag. Piliin at isulat ng titik ng tamang sagot sa sagutang
papel.

1. Ito ay klase ng pagsulat na kung saan kakikitaan ang manunulat ng kahusayan sa pangangalap ng datos, pag-organisa
ng mga ideya, paggamit ng piling-piling salita at isinasa-alang-alang ang mga target na mambabasa.
a. Akademikong pagsulat c. Malikhaing pagsulat
b. Akademikong sulatin d. Di-akademikong sulatin
2. Ito ay ginagamitan ng mataas na antas ng kasanayan sa pagsulat. Ito ay nangangailangan ng mahigpit na tuntunin sa
pagbuo ng sulatin.
a. Proseso ng pagsulat c. Malikhaing Pagsulat
b. Bahagi ng sulatin d. Akademikong Sulatin
3. Hinahasa ng akademikong pagsulat ang mga kasanayang lubos na magagamit ng mga mag-aaral sa akademya at
maging sa kanilang pang-araw-araw na buhay. Anong kasanayan ito?
a. Pagsasalita c. Pakikinig
b. Panonood d. Pagbasa at Pagsulat
4. Alin sa mga sumusunod ang mabuting pagpapakahulugan sa akademikong pagsulat?
a. Ito ay nagbibigay ng libangan sa mga mag-aaral
b. Ito ay proseso na kung saan mahahasa ang mga makrong kasanayan ng mga mag-aaral
c. Ito ay gumagamit ng mga malilikhaing mga salita
d. Ito ay gumagamit ng mga subhetibong mga ideya at opinyon upang makahikayat sa mga mambabasa
5. Nangangailangan ito ng masusing pag-aaral na may gabay sa tamang proseso ng pagsulat.
a. Iskolarling paraan ng pagsulat c. Epektibong pagsulat
d. May kalinawan d. May Paninindigan
6. Layunin nito na maipamalas ng mga mag-aaral ang angking kasanayan sa pagtitimbang ng kaisipan, pagbabalanse ng
mga ideya, kritikal na pag-iisip at pagbuo ng mga sulatin.
a. Akademikong sulatin c. gabay sa pagsulat
b. Akademikong gawain d. Akademikong paraan
7. Sa akademikong pagsulat, nahahasa ang pagiging inobatibo at pagkamalikhain ng isang mag-aaral. Alin sa mga
halimbawa ang nagpapakita ng pagiging inobatibo at pagkamalikhain ng mga mag-aaral?
a. Nakakagawa ng mga takdang-aralin
b. Nakapagsusuri at nakabubuo ng wastong konsepto mula sa binasa
c. Nadadagdagan ang mga kaalaman
d. Nahuhulaan ang mga pangyayari sa kwento
8. Ito ay maikling paglalahad ng mahahalagang kaisipan ng artikulo o pag-aaral.
a. Abstrak c. Sintesis
b. Bionote d. Sanaysay
9. Layunin ng sulating ito na maipakilala ang isang tao o indibidwal gamit ang kanilang mga kwalipikasyon, kredibilidad at
maging ang kanilang propesyunal na buhay.
a. Sintesis c. Bionote
b. Abstrak d. pananaliksik
10. Inilalarawan nito sa mga mambabasa ang pangunahing ideya ng teksto. Binibigyang-pansin ang layunin, kaligiran at
paksa ng papel.
a. Impormatibong abstrak c. Argumentatibong abstrak
d. Deskriptibong abstrak d. Eksplinatori na abstrak
11. Ang sulating ito ay ginagamit sa pagpapahayag ng mga hinuha batay sa mga natutunang mula sa mga pinanood,
narinig at binasa.
a. Replektibong sanaysay c. Posisyong papel
b. Talumpati d. Sintesis
12. Anong uri ng pagsusunod-sunod ang ginagamitan ng mga panandang naghuhudyat tulad ng una, pangalawa, pangatlo
at iba pa.
a. Sekwensiyal c. Kronolohikal
b. Prosidyural d. Numerical
13. Uri ng pagkakasunod-sunod na inihahanay ang mga impormasyon ayon sa pangyayari.
a. Sekwensiyal c. Kronolohikal
b. Prosidyural d. Numerical
14. Pinagsusunod-sunod ang mga mahahalagang detalye ayon sa hakbang o detalye ng pagsasagawa.
a. Sekwensiyal c. Kronolohikal
b. Prosidyural d. Numerical

PANUTO: Para sa bilang 15-20, basahin nang mabuti ang artikulo at sagutan ang mga tanong sa ibaba.

Ipatutupad ang big-time price rollback para sa produktong petrolyo sa Martes, October 10. Bababa ng ₱3.05/L
ang presyo ng gasolina, ₱2.45/L sa diesel, at ₱3.00/L naman sa kerosene. Ang pagbaba ng presyo ng petrolyo ay
dahil sa paglakas ng dolyar at pagbaba ng demand kasabay ng pagtaas ng interest rates ng malalaking bansa na
nagmula sa Estados Unidos at Europa. Wala pa namang epekto ang giyera sa pagitan ng Israel at Hamas, ayon sa
Department of Energy (DOE). Pero maaaring mauwi ito sa geopolitical tension sakaling lumala ang sitwasyon na
pwede namang makaapekto sa supply at presyo ng petrolyo. Hindi naman sigurado ang DOE kung magiging tuloy-
tuloy ang price rollback tulad ng nangyaring oil price hike ng mga nakaraang linggo.
– Ulat ni Alvin Elchico, Patrol ng Pilipino

15. Saan patungkol ang artikulong binasa?


a. Patungkol sa tamang paggamit ng petrolyo
b. Ang patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo
c. Ang tuloy-tuloy na pagbaba ng presyo ng petrolyo
d. Ang epekto ng giyera sa presyo ng petrolyo
16. Anong uri ng mambabasa ang kinauukulan ng teksto?
a. Mga may-ari ng mga kainan na gumagamit ng gasul sa pagluluto
b. Pamilya ng mga nasawi sa giyera sa pagitan ng Israel at Hamas
c. Mga consumer ng petrolyo
d. Mga mag-aaral na nag-aaral sa pagtaas at pagbaba ng ekonomiya
17. Ano ang layunin ng artikulong ito?
a. Upang magbigay-alam sa sitwasyon patungkol sa giyera ng Israel at Hamas
b. Magbigay-alam sa mga mamayang Pilipino patungkol sa presyo ng petrolyo
c. Upang may maibalita sa mga sundalong lumalaban sa giyera
d. Ipalaganap ang report DOE patungkol sa presyo ng petrolyo
18. Anong klaseng sulatin ang binasang artikulo?
a. Posisyong Papel c. Pangulong Tudling
b. Sintesis d. Abstrak
19. Ilan sa mga katangian ng akademikong sulatin ay pormal, obhetibo, may paninindigan, may pananagutan, at may
kalinawan. Sa iyong palagay, nakasusunod ba ang binasang artikulo sa mga katangiang dapat taglayin ng isang
akademikong sulatin?
a. Oo, dahil para naman ito sa mga mamamayang Pilipinong gumagamit ng petrolyo
b. Hindi, dahil hindi naman ito pampaaralang sulatin
c. Oo, dahil gumagamit ito ng mga angkop na salita at wastong istilo sa pagsulat
d. Hindi, dahil hindi nito sinusunod ang mga pamantayan sa pagsulat ng akademikong sulatin
20. Pasa saan ginagamit ang mga sulating tulad ng artikulong nasa itaas?
a. para sa mga pampaaralng pahayagan
b. para sa pangmalawakang pagbabalita
c. para sa paglilimbag ng libro
d. para sa pagbuo ng antolohiya o portfolio

PANUTO: Basahing mabuti at isulat ang tamang sagot sa sagutang papel.

21. Uri ng sintesis na naglalayong tulungan ang mga mambabasa at tagapakinig na lalong maunawaan ang mga bagay na
tinalakay.
a. Eksplanatori c. Argumentatib
c. Deskriptib d. Impormatib
22. Ang abstrak na ito ay simple lamang ngunit ito ay siksik sa detalye at naglalaman ng lahat ng mga impormasyong dapat
mabasa.
a. Deskriptib c. Impormatib
b. Eksplanatori d. Replektib
23. Inilalahad dito ang mga pamamaraang ginamit sa pag-aaral.
a. Resulta c. Metodo
b. Konklusyon d. Rationale
24. Bahagi ng abstrak na kung saan inilalahad ang dahilan kung bakit isinagawa ang pag-aaral.
a. Rekomendasyon c. Konklusyon
b. Metodo d. Rationale
25. Bahagi ng abstrak na kung saan isinasaad ang mga hinuha batay sa isinagawang pananaliksik.
a. Konklusyon c. Rationale
b. Resulta d. Metodo
26. Sa sulating ito makikita ang mga kinawiwilihang gawin, talento, at iba pang detalye patungkol sa isang tao tulad ng
bigat, taas, relihiyon at iba pa.
a. Bionote c. Biodata
b. Resume d. Curriculum Vitae
27. Isang impormatibong sulatin, karaniwang isang talata lamang, na naglalahad ng mga kwalipikasyon ng isang indibidwal
at kanyang kredibelidad bilang isang propesyunal.
a. Bionote c. Biodata
b. Resume d. Curriculum Vitae
28. Isa itong detalyadong paglalahad ng impormasyon patungkol sa sarili.
a. Bionote c. Biodata
b. Resume d. Curriculum Vitae

PANUTO: Para sa bilang 29-33, hanapin ang nawawalang salita sa analohiya. Isulat ang titik ng tamang sagot.

29. Abstrak: abstraccus; Sintesis: ?


a. synthetic c. sensis
b. syntithenai d. synopsis
30. Bio: Griyego; Abstraccus: ?
a. Latin c. Griyego
b. Aramaic d. Hindu
31. Bio: Buhay; Graphia: ?
a. graphics c. tala
b. sulat d. papel
32. Bionote: 1-2 pangungusap; Abstrak:?
a. 100-120 na salita c. 200-300 na salita
b. 100-300 na salita d. 300-400 na salita
33. Biography: Harper; Academic Career:?
a. Harper c. Word Mart
b. Duenas at Sanz d. Arrogante
PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang mga teksto at sagutan ang mga katanungan sa ibaba.

Si Rose Tejada Socorro o mas kilala bilang “Maam Rose” ay isang lisensyadong guro. Nagtapos siya ng elementarya
sa Conception Elementary School at sekondarya naman sa Roosevelt College, Lamuan lungsod ng Marikina. Tinapos niya
ang Batsilyer ng Elementarya sa Edukasyon sa National Teacher’s College at Master of Arts in Education Major in Filipino sa
Roosevelt College. Kasalukuyang guro sa Kalumpang Elementary School sa lungsod ng Marikina. Siya rin ay humahawak ng
iba’t ibang posisyon sa paaralan katulad ng pagiging Clinic Coordinator, Red Cross Coordinator, Vice Presisdent ng Samahan
ng mga Guro ng KES, at Board of Director ng KESTEMPC.

34. Mula sa binasang bionote, sa papaanong paraan sinimulan ng may akda pagpapakilala kay Maam Rose?
a. inilahad ang pangalan c. ibinigay ang mga nakamit
b. binigyang papuri d. inilahad ang propesyon
35. Anong antas ng wika ang ginamit sa pagsulat ng bionote?
a. Pabalbal c. Pormal
b. Impormal d. Pampanitikan
36. Anong klaseng panauhan ang ginamit sa binasang bionote?
a. Una c. Pangatlo
b. Pang-apat d. Panglima

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong suriin ang epekto ng regular na ehersisyo sa kalusugan ng mga kabataan.
Isinagawa ang pananaliksik sa isang pribadong paaralan at kasama ang 100 estudyante. Ginamit ang eksperimental na disenyo
at sinukat ang mga resulta gamit ang mga standard na pamamaraan ng kalusugan. Nakita na ang mga kabataang regular na
nag-eehersisyo ay may mas mataas na antas ng pisikal na kondisyon at mas mababang bilang ng mga sakit. Sa kabuuan,
nagpapahiwatig ang pagsusuri na ang regular na ehersisyo ay may malaking benepisyo sa kalusugan ng mga kabataan.

37. Anong uri ng abstrak ang tekstong binasa?


a. Deskriptib c. Impormatib
b. Eksplanatori d. Argumentatib
38. Anong desinyo ang ginamit sa pag-aaral?
a. Estadistika c. Kwalitatib
b Eksperimental d. Kwantitatib
39. Ano-anong mga impormasyon mula sa pag-aaral ang makikita sa abstrak na binasa?
I. Metodo
II. Layunin
III. Resulta
IV. Konklusyon

a. I b. II c. I at II d. I, II, III at IV

Nakatutulong ba ang Social Media sa Pag-aaral?


Ayon kay Avisasphodel (2016) ang social media ay nakatutulong sa pag-aaral sapagkat dito nakalahad ang lahat ng
impormasyon na maaaring gamitin sa pag-aaral. Kung dati ay kailangan pa ang pagpunta sa silid-aklatan upang makahanap ng
kinakailangang impormasyon, mas pinadali na ng internet ang pangangalap ng impormasyon sapagkat nakalahad ito dito.
Mula sa resulta ng isang pag-aaral, lumabas na positibo ang epekto ng social networking site sa mga estudyante
sapagkat ang mga mag-aaral ay maraming nakikilala, nakakakuha ng bagong kaibigan at nakakapagpahayag ng saloobin. Ito
din ay nakatutulong upang ang mga mag-aaral ay magkaroon ng madaling komunikasyon sa kapwa mag-aaraal, makakuha ng
mahahalagang impormasyon at mapadali ang palitan ng dokumento gaya ng email.

40. Anong klaseng sintesis ang iyong binasa?


a. Eksplanatori c. Argumentatib
b. Deskriptib d. Impormatib
41. Sa papaanong paraan binigyang kasagutan ang katanungang “Nakatutulong ba ang Social Media sa Pag-aaral?”
a. Sa pamamagitan ng pagbibigay impormasyong nakakapagbibigay suporta sa pangunahing diwa
b. Sa pamamagitan ng pagsulat sa mga negatibong epekto nito
c. Sa papamagitan ng pagbibgay-linaw sa mga kaisipang hindi naintindihan
d. Sa pamamagitan ng paglalahad ng mga impormasyong babagay sa tema ng sulatin
42. Sa anong linya ng mga pangugusap sa talata makikita ang pangunahing diwa ng binasang teksto?
a. Unang talata, unang pangungusap
b. Unang talata, panghuling pangungusap
c. Pangalawang talata, unang pangungusap
d. Pangalawang talata, panghuling pangungusap
43. Papaano naipapakita ng isang sulatin ang kanyang pagiging epektibo at kahusayan?
a. Gumamit ng mga salitang masisining at nakahihikayat
b. May mga impormasyong nais malaman ng mga mag-aaral
c. Gumamit ng tamang impormasyong mula sa iba’t ibang pag-aaral
d. Maiksi lamang ang sulatin
44. Base sa nabasang teksto, bilang isang mag-aaral, papaano mo gagamitin ang social media bilang pantulong sa
ikabubuti ng iyong pag-aaral?
a. Gagamitin bilang medyum ng komunikasyon sa pagitan ng mga mag-aaral sa klasrum
b. Gagamitin bilang tagapagsagot sa mga ibinigay na mga gawaing pampaaralan
c. Gagamitin bilang pantulong sa paghahawan ng mga balakid sa pag-aaral at maging bilang sanggunian
d. Gagamitin bilang platform sa mga hinanaing patungkol sa pag-aaral
45. Bakit kailangan matutuhan ang paraan ng pagbubuod upang makagawa ng isang mabuting sintesis?
a. Upang maisaayos ang paglalahad ng mga ideya na nagpapakita ng organisasyon at pagkakaugnay-ugnay
b. Upang mas kaakit-akit ang mga ideyang mabubuo sa sulatin
c. Upang mas mapaikli ang isang konsepto at madaling maintindihan
d. Upang maipakita ang mga detalyeng hindi na dapat ilahad sa sintesis
46. Si Aaron ay naatasang magsulat ng abstrak bilang pangangailangan ng kanilang ginawang pananaliksik. Nagkaroon ng
problema ang grupo kaya’t hanggang ikatlong kabanata lamang ang kanilang nagawa. Maari pa bang makagawa ng isang
abstrak si Aaron kahit hindi pa tapos ang sulatin?
a. Oo, dahil madali lang naman gawin ang abstrak dahil kunti lang naman ang word count na sinusunod nito.
b. Oo, dahil maari parin siyang gumawa ng isang deskriptibong abstrak na batay sa mga nagawang kabanata
c. Hindi, dahil kailangan niyang basahin ang buong pag-aaral bago makagawa ng isang abstrak
d. Hindi, dahil magkagalit pa ang kanilang grupo at dapat unahin muna iyon
47. Alin sa mga sumuunod ang tumpak na paglalarawan sa isang abstrak?
a. Mahaba at puno ng mga mahahalagang impormasyon
b. Simple, hindi kahabaan ngunit siksik sa detalye
c. Malikhain at matalinghaga ang pagkakasulat
d. Walang kaisahan at organisasyon ang sulatin
48. Ano ang wastong pagkakasunod-sunod ng mga pahayag?
I. Siya ay kasalukuyang nag-aaral sa baitang 12 ng Senior High School.
II. Nais niyang kumuha ng kursong AB English Literature sa kolehiyo.
III. Si Jane Arnelle Caracho ay isang estudyante sa Xavier University-Ateneo de Cagayan
IV. Sa Antolohiyang Kagayan, isinulat niya ang Ang Kwento Nating Dalawa, Sa Cagayan, Craft Essay: Reyna
Biddy,

a. I, III, II, IV c. III, IV, I, II


b. III, I, II, IV d. III, I, IV, II
49. Ano ang maitutulong ng maayos na pagsusunod-sunod ng mga detalye o pangyayari sa mabisang paglalahad pasulat
man o pasalita?
a. Mas maiintindihan ng mga target awdyens ang mga detalyeng inilalahad sa kanila
b. Mapapadali ang paggawa at pagbuo ng isang sulatin
c. Mas magiging maayos, malinaw, epektibo at kaakit-akit sa mga mababasa ang ginawang sulatin
d. Mabibigyang hustisya ang napiling paksa at layunin sa pagsulat ng akda
50. Alin sa mga pahayag ang HINDI angkop na gawin sa pagsulat ng akademikong sulatin?
a. Basahin nang mabuti ang isang pag-aaral at unawain ang nilalamanan nito
b. Alamin ang layunin bago simulan ang pagsulat
c. Suriin nang pahapyaw ang sulatin at isulat ang sulatin base sa iyong mga pananaw
d. Isaalang-alang ang wastong gramatika at angkop na mga salita sa pagsulat

II. SANAYSAY (10 puntos)

PANUTO: Sumulat ng isang maikling sanaysay patungkol sa epekto ng bullying at social media sa mga mag-aaral.
Isang sanaysay lamang sa dalawang paksang ibinigay. Isulat ang iyong sanaysay sa loob ng lima hanggang sampung
pangungusap.

You might also like