You are on page 1of 3

REVIEWER

RD
3 QUARTERLY EXAMINATION
FILIPINO SA PILING LARANG – AKADEMIK

PANUTO: BASAHIN AT UNAWAING MABUTI ANG BAWAT AYTEM. ISULAT SA PATLANG ANG TITIK NG NAPILING SAGOT.
1. Kinikilala bilang tahanan o komunidad ng mga taong may natatanging interes sa pananaliksik.
a. Akademya b. Akademiko c. Paaralan d. Microblog
2. Alin sa sumusunod ang pangunahing gampanin ng akademya?
a. Humubog sa isipan ng isang tao upang maging mas mapanuri ito at makapag-isip ng kritikal, maging
mapanlikha at malikhain, at malayang magbago at makapagpabago.
b. Mapagsama-sama ang lahat ng tao na may pare-parehong interes.
c. Makapagpabago sa lipunan.
d. Lahat ay tama.
3. Ang sumusunod ay mga katangian ng akademikong pagsulat mula kay Misser maliban sa _____.
a. Organisado c. May mahigpit na pokus.
b. Gumagamit ng sapat na katibayan. d. May kaakit-akit na pamagat
4. Si Clarence ay naatasang magsulat ng isang halimbawa ng akademikong sulatin. Alin sa mga sumusunod ang
maaari niyang gawin?
a. Flyers at Leaflets b. Editoryal c. Tula d. Action Research
5. Tumutukoy sa panimulang pagsulat o pagmamapa ng mga ideya.
a. Pag-aayos b. Drafting c. Pagrerebisa d. Editing
6. Alin sa sumusunod ang HINDI maaaring taglayin ng katawan ng isang akademikong papel?
a. Pagmumungkahi c. Paglalahad ng Estadistika
b. Pagtukoy sa Suliranin at Solusyon d. Paglalantad ng mga Patunay o Testimonya
7. Nakapaloob dito ang pagtatakda ng paksa, paraan ng pangangalap ng datos, pagsusuri, at panahon kung kailan
sisimulan at matatapos ang akademikong sulatin.
a. Pag-aayos b. Pagpaplano c. Drafting d. Pagrerebisa
8. Sa yugtong ito iwinawasto ang mga kamalian sa baybay, bantas gramatika at anyo ng akademikong sulatin.
a. Drafting b. Editing c. Pagrerebisa d. Pinal na Draft
9. Ano ang plagyarismo?
a. Pagnanakaw ng ideya ng iba
b. Panggagaya sa gawa ng iba ng walang kaukulang pahintulot
c. Teknikal na salitang ginagamit sa wikang Ingles kaugnay ng pangongopya ng gawa ng iba nang walang
pagkilala.
d. Lahat ay tama.
10. Bahagi ng sintesis na kung saan sinusuri ang koneksiyon ng mga impormasyong hawak.
a. Introduksiyon b. Katawan c. Kongklusyon d. Wala sa nabanggit
11. Alin sa sumusunod na mga bahagi ng sintesis ang nagtataglay ng mga susog na paliwanag ng mga patunay
(ebidensiya) at pansuportang impormasyon mula sa mga sangguniang teksto?
a. Panimula b. Katawan o Pagtalakay c. Wakas d. Pamagat
12. Sa pagsusulat ng buod, mahalagang isaalang-alang ang sumusunod maliban sa ____.
a. Paggamit ng ikatlong panauhan sa pagsulat nito.
b. Pagbibigay ng sariling pananaw o paliwanag tungkol sa akda.
c. Isulat ito batay sa tono ng pagkakasulat ng orihinal na sipi nito.
d. Paggamit ng mga angkop na pang-ugnay sa paghabi ng mga pangyayari sa kwentong binubuod lalo na
kung ang ginagawa ay binubuo ng dalawa o higit pang talata.
13. Ano ang pangunahing layunin ng sinopsis?
a. Ipagbigay-alam ang mga pangunahing pangyayari ng kwento.
b. Magbigay ng detalyadong paglalarawan sa mga tauhan.
c. Magbigay ng komprehensibong pagsusuri sa tema.
d. Lahat ng nabanggit ay tama.
14. Ang sumusunod ay mga paraan para matiyak na ang iyong sinopsis ay maikli ngunit kumpleto maliban sa __.
a. Isang talata lamang ang isulat.
b. Gumamit ng mga pangunahing salita at mga pangungusap na maigsi ngunit epektibo sa paglalarawan ng
karakter, tagpuan, at pangyayari.
c. Sumulat ng maikling balangkas ng buong kuwento, pagkatapos ay i-edit at alisin ang mga di-
kinakailangang bahagi hanggang makuha ang tamang haba ng sinopsis.
d. Siguraduhin ang pag-focus sa pangunahing tunggalian at pangyayari.
15. Ikaw ay naatasang gumawa ng sinopsis. Alin ang dapat mong isaalang-alang sa pagbuo nito?
a. Isang magulong kasaysayan
b. Maayos at organisadong pagkakasunud-sunod ng pangyayari
c. Walang kaukulang koneksyon sa kwento
d. Lahat ng nabanggit
16. Ano ang tamang haba ng sinopsis?
a. Sampung talata lamang c. Ito ay dapat hindi hihigit sa isang pahina
b. Tatlumpung talata d. Kailangan ng sampung pahina
17. Ano ang dapat isaalang-alang sa pagpili ng mga detalyeng isasama sa sinopsis?
a. Lahat ng detalye sa kwento c. Mga pangyayari sa likod ng kwento
b. Pangunahing pangyayari at tauhan d. Detalyeng hindi naaabot ng kwento
18. Alin sa mga sumusunod ang nagbibigay-kahulugan sa Bionote?
a. Akademikong sulatin na maihahambing sa isang character sketch.
b. Lagom ng mga naitalang buhay ng iba’t ibang awtor.
c. Pinaikling kasaysayan ng buhay ng tao.
d. Lahat ng nabanggit ay tama.
19. Sa anong sitwasyon tayo gumagawa ng isang maikling Bionote?
a. Kapag nais ipakilala ang awtor ng isang akda o artikulo.
b. Kapag ito ay gagamitin sa pagpapakilala sa isang tagapagsalita sa kumperensiya.
c. Gagamitin sa pagpapakilala ng isang natatanging indibidwal para sa isang pang-general reference na
aklat.
d. Lahat ng nabanggit ay tama.
20. Sa pagsulat ng bionote, kinakailangang ito ay naglalaman ng mga eksemplaryong pangyayari sa buhay ng
ipinapakilala. Ang pahayag ay ____.
a. Tama b. Mali c. Depende sa sitwasyon d. Lahat ng pagpipilian ay tama
21. Ang sumusunod ay maaaring ilagay sa isang bionote, maliban sa ______.
a. Lugar ng kapanganakan c. Mga kaanak na nasa larangan ng sining
b. Mga natapos na training-workshop d. Mga matatalik na kaibigan at sikat na kakilala
22. Paano dapat ilarawan ang tagumpay sa bionote?
a. Ipinapakita ito bilang pangunahing layunin
b. Binibigyang-diin ito bilang mahalagang elemento ng buhay
c. Hindi mahalaga ang tagumpay sa bionote
d. Dapat itago sa mambabasa
23. Ano ang layunin ng bionote?
a. Ipagbigay-alam ang personal na buhay ng isang tao
b. Magbigay ng maikling pagsusuri sa isang akda
c. Tumulong sa pagpili ng libro o pelikula
d. Lahat ng nabanggit
24. Anong uri ng wika ang dapat gamitin sa pagsulat ng bionote?
a. Opisyal at pormal c. Neutral at propesyonal
b. Lalambingin at personal d. Lahat ng nabanggit
25. Bahagi ng talumpati kung saan inilalahad ang layunin, kaagapay na ang estratehiya upang kunin ang atensiyon
ng madla.
a. Introduksiyon b. Katawan c. Katapusan d. Alinman ay tama
26. Uri ng talumpati na tinatawag ding impromptu speech.
a. Pinaghandaan b. Di-pinaghandaan c. Parehong tama d. Walang tamang sagot
27. Sa aling bahagi ng talumpati inilalahad ang pinakakongkretong katibayan sa argumento upang makahikayat
ng pagtugon sa mga tao ayon sa layunin ng talumpati?
a. Introduksiyon b. Katawan c. Katapusan d. Alinman ay tama
28. Ano ang layunin ng introduksyon sa talumpati?
a. Ilahad ang pangunahing mga argumento c. Magdala ng pansin at magbigay ng panimula sa paksa
b. Magbigay ng maikling kasaysayan ng paksa d. Walang kahalagahan ang introduksiyon
29. Ano ang dapat isaalang-alang sa paggamit ng wika sa talumpati?
a. Gamitin ang pinakamalalim at komplikadong mga salita
b. Iwasan ang paggamit ng mga tuntunin at patakaran sa wika
c. Makipag-usap nang malinaw at madaling maintindihan
d. Hindi mahalaga ang paraan ng pagsasalita sa talumpati
30. Alin sa sumusunod ang nagbibigay-kahulugan sa abstrak bilang isang akademikong papel?
a. Isang akademikong papel na nagpapakilala sa awtor ng isang libro.
b. Bahagi ng papel-pananaliksik na nagbubuod sa kabuoan ng papel.
c. Isang uri ng lagom na kalimitang ginagamit sa mga akdang nasa tekstong naratibo.
d. Lahat nang nabanggit.
31. Alin ang nagbibigay-kahulugan sa buod bilang isang akademikong papel?
a. Isang akademikong papel na nagpapakilala sa awtor ng isang libro.
b. Bahagi ng papel-pananaliksik na nagbubuod sa kabuuan ng papel.
c. Isang uri ng lagom na kalimitang ginagamit sa mga akdang nasa tekstong naratibo.
d. Lahat nang nabanggit.
32. Alin sa sumusunod ang HINDI dapat isama sa pagsulat ng abstrak?
a. Pagiging maikli at komprehensibo
b. paglalagay ng mga statistical figures o table
c. mga kaisipan o detalyeng makikita sa kabuuan ng papel.
d. Paglalahad ng mga pangunahing kaisipan nang hindi dapat ipinapaliwanag ang mga ito.
33. Ano ang kahalagahan ng abstrak sa isang papel?
a. Magbigay-diin sa mga personal na opinyon
b. Magdulot ng komplikasyon sa pag-unawa sa papel
c. Magbigay ng maikling buod ng mahahalagang punto
d. Magdagdag ng mga detalyadong impormasyon
34. Saklaw nito ang mga lenteng ginamit ng manunulat bilang batayan ng kaniyang pag-aaral.
a. Deskripsyon ng hulwaran o teoryang ginamit sa pananaliksik c. Paksang pangungusap
b. Layunin ng pag-aaral d. Metodolohiya
35. Ang sumusunod ay mga elementong makikita sa abstrak maliban sa ____.
a. Introduksiyon b. Metodolohiya c. Resulta ng Pag-aaral d. Talahanayan ng mga pagsusuri

You might also like