You are on page 1of 4

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon III- Gitnang Luzon
TARLAC CITY SCHOOLS DIVISION
MALIWALO NATIONAL HIGH SCHOOL
Maliwalo, Tarlac City

PANGGITNANG PAGSUSULIT sa
FILIPINO SA PILING LARANG-AKADEMIK

Pangalan:_________________________________________

12-HERODOTUS
50
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang buong pagsusulit. Ikahon ang titik ng napiling kasagutan sa
bawat katanungan. Bawal ang anumang klase ng bura.

1. Ito ay ginagamit para sa personal profile ng isang tao, tulad ng kanyang academic career at iba pang
impormasyon ukol sa kanya.
a. Abstrak b. Bionote c. Sintesis d. Talumpati
2. Ito ay pisikal at mental na aktibiti na ginagawa para sa iba’t ibang layunin.
a. pakikinig b. pagsasalita c. pagsulat d. pagtugon
3. Isang pasulat na presentasyon o pagmumuni-muni tungkol sa isang tiyak na paksa.
a. Panukalang proyekto c. Replektibong sanaysay
b. Piktoryal sanaysay d. Lakbay sanaysay
4. Nagpapabatid ng mga impormasyon ukol sa gaganaping pagpupulong o pagtitipon.
a. adyenda b. katitikan ng pulong c. posisyong papel d. panukalang proyekto
5. Sa pagsulat ng akademikong sulatin,anong panauhan ang dapat gamitin?
a. una b. ikalawa c. ikatlo d. ika-apat
6. Ito ay proseso ng pagsulat na kung saan ang manunulat ay nag-iisip muna ng paksang tatalakayin,
pagplaplano at pag-iisip ng ideya.
a. bago sumulat b. muling pagsulat c. aktwal na pagsulat d. pinal na awtput
7. Parentetikal, Talababa o endotes ay halimbawa ng anong akademikong sulatin?
a. reperensyal b. teknikal c. abstrak d. sipnosis
8. Sa terminong ito ng pananaliksik, ito ay nangangahulugang buod ng isang sulatin particular na sa tesis at
disertasyon.
a. bionote b. abstrak c. lagom d. sipnosis
9. Uri ng pagsulat na eksklusibo sa isang tiyak na propesyon.
a. propesyunal b. malikhain c. teknikal d. journalistic
10. Nagluluwal ng mga pormal na sulatin, ulat,ekspiremento, imbestigasyon at pagsusuri
a. malayang pagsulat b. teknikal na pagsulat c. malikhaing pagsulat d. akademikong pagsulat
11. Ang mga sumusunod ay ay estilo ng akademikong sulatin maliban sa isa.
a. lohikal at sistematiko b. pormal na wika c. paggamit ng daglat d. personal na tono
12. Layunin ng pagsulat na nagtatala sa mga bagay na nakita, narinig, nabasa o naranasan.
a. Pansarili b. impormatibo c. sosyal d. malikhain
13. Ayon sa kanya ‘’ang pagsulat ay isang biyaya, isang pangangailangan at isang kaligayahan ng
nagsasagawa nito.
a. Badayos b. Keller c. Donald Murray d. Xing
14. Proseso ng pagsulat na gumagamit ng burador.
a. Bago b. aktwal c. muling pagsulat d. pinal
15. Ito ay isang sulating nagpapaliwanag ng isang paksang naglalayong manghikayat, tumugon,
mangatuwiran at magbigay ng kabatiran o kaalaman.
a. Bionote b. talumpati c. posisyong papel d. sintesis
16. Ang mga sumusunod ay mga tuntunin sa pagsulat ng Bionote maliban sa isa.
a. Maging matapat sa pagbibigay ng impormasyon
b. Siksik subalit umaapaw
c. Antas ng pormalidad ng sulatin
d. Gumagamit ng ikalawang panauhan
17. Sa pagsulat ng buod o sinopsis ano ang dapat iwasan?
a. Sariling pananaw c. ideyang sang-ayon sa orihinal
b. Paggamit ng sariling salita d. ihanay ang ideya ayon sa orihinal
18. Layunin ng sulating ito na makapaglatag ng proposal sa proyektong nais ipatupad.
a. Posisyong papel b. Katitikan ng pulon c. panukalang proyekto d. sintesis
19. Ang lagom ay ang ___________ na bersiyon ng sulatin.
a. payak b. pinaikli c. pinahaba d. teknikal
20. Ayon sa kanya ‘’ang kakayahan sa pagsulat ng mabisa ay isang bagay na totoong mailap para sa
nakararami sa atin maging ito’y pasulat sa unang wika o pangalawang wika.
a. Keller b. Xing at Jin c. Badayos d. Murray
21. Buong pangalan ng ating asignatura
a. Pagsulat sa Filipino sa Piling Larang- Akademik
b. Piling Larang sa Filipino- Akademik
c. Filipino sa Piling Larang- Akademik
d. Filipino sa Pagsulat ng Piling Larang- Akademik
22. Nagpapahayag lamang ng kathang-isip, imahinasyon, ideya at damdamin.
a. Malikhain b. mapanghikayat c. impormatibo d. pansarili
23. Isang plano o sistema para matapos ang Gawain.
a. konklusyon b. pamagat c. metodolohiya d. resulta
24. Sa pagsulat ng synopsis, dapat na ibatay ito sa tono ng pagkakasulat ng orihinal na sipi.
Nangangahulugan lamang ito na ____________? Kapag nabasa mo ito, tumayo ka at sumigaw ng
darna para ikaw ay ma-exempted sa exam.
a. Dapat maramdaman ng mambabasa ang totoong damdaming naghahari mula sa akda.
b. Pagtatala ng mga kaisipan habang nagbabasa
c. Suriin ang pangunahin at di pangunahing kaisipan
d. Dapat maisulat ang mga pangunahing tauhan at kanilang mga gampanin
25. Ito ay isang uri ng sanaysay na makakapagbalik-tanaw sa paglalakbay na ginawa ng manunulat.
a. Replektibong sanaysay b. Pictorial Essay c. Sanaysay d. Lakbay sanaysay
26. Tiyaking wasto ang ____________, pagbabaybay at mga bantas na ginamit sa pagsulat.
a. Sukat b. tugma c. gramatika d. idyoma
27. Ang sumusunod ay mga dahilan kung bakit nagsusulat ng lakbay-sanaysay maliban sa
a. ilahad ang katotohanan sa mga naging karanasan
b. itaguyod ang isang lugar at kumita sa pagsulat
c. makalikha ng patnubay para sa posibleng manlalakbay
d. maidokumento ay kasaysayan, kultura at heograpiya ng lugar
28. Ito ay tala ng mga napagdesisyunan at mga puntong nailahad sa isang pagpupulong
a. Adyenda c. panukang proyekto
b. Katitikan ng pulong d. memorandum
29. layunin nito ay makapagbigay ng malalim na repleksyon tungkol sa isang destinasyon.
a. Replektibong sanaysay b. Pictorial essay c. Lakbay sanaysay d. Posisyong papel
30. Pagsulat ng balita, editorial, kolum at lathalain. Anong uri ng sulatin ang mga ito?
a. Editorial b. teknikal c. journalistic d. impormatibo
31. Bakit mahalagang basahin ang buong seleksiyon ng akda bago bumuo ng synopsis o buod?
a. Upang makapag balangkas c. upang walang makalimutan
b. upang makuha ang buong kaisipan d. para matiyak ang haba nito
32. Gitnang Pangalan ng guro sa asignaturang ito.
a. P b. G c. D d. N
33. Sa bahaging ito iminumungkahi ang badyet para sa proyekto.
a. Katawan b. konklusyon c. panimula d. proponent
34. Sa bahaging ito, inilalahad ng mananalumpati ang mga ideya, kaisapan at paninindigan sa paksa.
a. Konklusyon b. panimula c. katawan d. katapusan
35. Sa bahaging ito nagsisimula ang pagpukaw sa interes ng mga tagapakinig.
a. Konklusyon b. panimula c. katawan d. katapusan
36. Dito nililinaw ng mananalumpati ang kanyang paninindigan na maaaring mag-iwan ng impresyon sa
mga tagapakinig.
a. konklusuon b. panimula c. katawan d. katapusan
37. Ang bahaging ito ay tumutukoy sa tao o organisasyong nagmumungkahi ng proyekto.
a. proponent ng proyekto c. deskripsyon ng proyekto
b. rasyonal d. pamagat
38. Layunin ng pagsulat na ito na mabigyang- pagkilala ang mga pinagkuhanang kaalaman o impormasyon.
a. reperensyal b. propesyunal c. dyornal d. malikhai
39. Ito ay katumbas ng area o field sa ingles.
a. akademiko b. datos c. larangan d. bahagi
40. Ito ay isang buod na kaisipan ng isang tao na ipinababatid sa pamamagitan ng pagsasalita sa entablado.
a. paglalarawan b. dula c. talumpati d. adyenda
41. Alin sa mga sumusunod ang hindi dapat sundin sa pagsulat ng Posisyong papel?
a. nararapat na maging impormal ang pormat c. organisado ang mga ideya
b. pormal maging ang mga gagamiting termino d. nailalahad ng malinaw ang panig na pinapaboran
42. Ang sumusunod ay mga layunin ng Abstrak Maliban sa isa.
a. maipakitang maganda ang kabuuan c. maibenta
b. maipaliwanag ang iyong opinyon d. makahikayat
43. Layunin ng pagsulat na nakapokus sa mismong paksang tinatalakay
a. pansarili b. personal c. impormatibo d. malikhain
44. Nagsasaad ng impormasyong maaaring makatulong sa pagbibigay-solusyon sa komplikadong suliranin.
a. propesyunal b. malikhain c. teknikal d. journalistic
45. Ito ay may malinaw na sabdyek.
a. Larawan b. teksto c. sulatin d. kuwento
46. alin ang hindi kabilang sa karaniwang estruktura ng isang akdemikong sulatin
a. panimula b. katawan c. pangwakas d. buod
Basahin ang bawat pahayag. Tukuyin kung ano ang wastong paglalarawan sa bawat bilang. Isulat ang titik
ng iyong kasagutan sa patlang. Exempted ka kapag ikaw ang unang nagpasa ng papel na tanging pangalan
mo lamang ang iyong isinulat.

A. Ang mga pahayag ay nagsasabi ng katotohanan.


B. Ang mga pahayag ay hindi nagsasabi ng katotohanan.
C. Ang unang pahayag lamang ang nagsasabi ng katotohanan.
D. Ang unang pahayag ay hindi nagsasabi ng katotohanan.

______47. Sa pagsulat ng buod maaring gumamit ng mga key words.


Dapat din mapapanatili ang orihinal na mensahe.

______48. Sa pagbubuod, maaring magsabi ng mga halimbawa o detalyeng wala sa orihinal na teksto.
Nagbibigay din ng sariling opinion mula sa nabasang teksto.

______49. Imahinasyon ng manunulat ang pokus sa malikhaing pagsulat.


Eksklusibo sa isang tiyak na propesyon ang tawag sa teknikal na pagsulat.

______50. Ang lakbay sanaysay ay mapanuri o kritikal na uri ng sanaysay na tungkol sa mga naiisip ng
manunulat kaugnay sa kanyang nakikita o naoobserbahan.
Ang replektibong sanaysay ay personal na sanaysay na tungkol sa mga nararamdaman,
kaugnay ng mga nakikita o naoobserbahan ng manunulat

You might also like