You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION VIII (EASTERN VISAYAS)
SCHOOLS DIVISION OF BORONGAN CITY
EASTERN SAMAR NATIONAL COMPREHENSIVE HIGH SCHOOL
Alang-Alang, Borongan City, Eastern Samar

PANGGITNANG PAGSUSULIT SA FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK) 12

PANGALAN: _____________________________ BAITANG/ SEKSYON: _____________

I. PANUTO : Basahin at unawain nang mabuti ang mga pahayag sa ibaba. Piliin
ang pinakatamang sagot.

1. Makrong kasanayan na madalas ang isang indibidwal na gumagawa nito ay nagbabahagi ng


kanyang mga kaisipan at nalalaman tungkol sa isang payak na paksa.
A.Pakikinig B.Pagbabasa C.Panonood D.Pagsulat
2. Ang pagsusulat ay nagdudulot ng malaking tulong sa mga sumusunod, maliban sa _____________.
A. nagsusulat B. taong nakakabasa C. nanonood D. lipunan
3. Alin sa mga sumusunod ang nagpapatunay ng kahalagahan ng pagsulat?
I. Maaaring mawala ang alaala ng sumulat ngunit ang kaalamang ang kanyang ibinabahagi ay
mananatili
II. Ito ay pagpapahayag ng kaalaman
III. Ang mga sinulat ay nagiging dokumento ng nakalipas na pangyayari
IV. Ang sinulat ay hindi maaaring magpasalin-salin sa bawat panahon.
A. I at II B. II, III, at IV C. I, II, at III D. I, II, III, at IV
4. Makrong kasanayang pangwika na kumukuha o nagdaragdag ng mga kaalaman sa kanyang isipan.
A. pagbasa, panonood, pagsusulat C. pagbabasa, pakikinig, pagsasalita
B. pagbabasa, pagsusulat, pagsasalita D. pagbabasa, panonood, pakikinig
5. Bahagi ng pagsulat na kung saan ang layunin ng pagsulat ay nakabatay sa pansariling pananaw,
karanasan, naiisip o nadarama ng manunulat.
A. personal B. panlipunan C. sosyal D. Wika
6. Bahagi ng pagsulat na kung saan ang layunin ng pagsulat ay ang makipag-ugnayan sa ibang tao o
sa lipunang ginagalawan.
A. personal B. panlipunan C. paksa D. Wika
7. Alin sa mga sumusunod ang hindi kasama sa kahalagahan o benepisyo na maaaring makuha sa
pagsusulat.
A. Masasanay ang kakayahang mag-organisa ng mga kaisipan
B. Malilinang ang kawalan ng gana sa mapanuring pagbasa
C. Malilinang ang kasanayan sa pagsusuri ng mga datos
D. Malilinang ang kasanayan sa pangangalap ng mga impormasyon.
8. Kapag ikaw ay magsasagawa ng iba’t ibang akademikong sulatin, bakit kailangan mong bigyan ng
pagkilala ang mga taong nakabuo ng sariling ideya ukol sa espesipikong paksa?
A. dahil labag sa batas ang bastang pagkopya ng anomang ideya
B. dahil kailangan ito
C. dahil sa pagkilala sa taong sumulat pwede kang makahingi ng iba pang ideya
D. dahil kinukuha mo ang kanilang ideya.
9. Mahalaga ang tunay at pawang katotohanan na mga impormasyon. Iwasan ang mga pahayag na
batay sa aking pananaw o ayon sa sariling haka-haka o opinyon.
A.Obhetibo B.Pormal C.Maliwanag at Organisado D.May Paninindigan
10. Isa itong intelektwal na pagsulat . Ang gawaing ito ay nakakatulong sa pagpapataas ng kaalaman
ng isang indibidwal sa iba’t ibang larangan. Layunin nitong ipakita ang resulta sa pagsisiyasat o ng
isang ginawang pananaliksik.
A.Malikhain B.Teknikal C.Akademiko D.Reperensyal
11. Sulating may kinalaman sa isang tiyak na larangang natutuhan sa akademya o paaralan. Sulatin
ito hinggil sa napiling propesyon o bokasyon ng isang tao.
A.Malikhain B. Propesyonal C.Dyornalistik D. Teknikal
12. Ang pagkakaroon ng isang tiyak at maganda na tema ng isusulat ay isang magandang simula dahil
dito iikut ang buong sulatin.
A.Paksa B. Wika C.Layunin D.Pamamaraan ng Pagsulat
13. Taglay ng manunulat ang kakayahang mag-analisa upang masuri ang mga datos na mahalaga o
hindi na impormasyon na ilalapat sa pagsulat.
A.Paksa B. Wika C.Layunin D.Kasanayang Pampag-iisip
14. Ito ang nagsisilbing giya/ motibo sa paghabi ng mga datos o nilalaman ng iyong isusulat.
A.Paksa B. Wika C.Layunin D.Kasanayang Pampag-iisip
15. Ang pangunahing layunin nito ay magbigay ng bagong impormasyon o kabatiran sa mga
mambabasa.
A.Naratibo B.Ekspresibo C.Impormatibo D.Argumentatibo
16. Ang pangunahing pakay ng pagsulat ay maglarawan ng katangian, anyo, hugis ng mga bagay o
pangyayari batay sa mga nakikita, naririnig, natunghayan, naranasan at nasaksihan.
A.Argumentatibo B.Naratibo C.Ekspresibo D.Deskriptibo
17. Ang pangunahing layunin ng pagsulat ay magkuwento o magsalaysay ng mga pangyayari batay sa
magkakaugnay at tiyak na pagkakasunod-sunod.
A. Argumentatibo B.Naratibo C.Ekspresibo D.Deskriptibo
18. Gamit o pangangailangan sa pagsulat na tumutukoy sa kakayahang mailatag ang mga kaisipan at
impormasyon sa isang maayos, organisado at masining na pamamaraan.
A. kasanayan sa paghabi ng buong sulatin C. Kasanayang pampag-iisip
B. Layunin D. Kaalaman sa wastong pamamaraan ng pagsulat
19. Ito ay uri ng pagsulat na may kinalaman sa mga sulating may layuningpag-aralan ang isang
proyekto o kaya naman ay bumuo ng isang pag-aaral para lutasin ang isang suliranin.
A.Malikhain B. Propesyonal C.Dyornalistik D. Teknikal
20. Alin sa mga sumusunod ang hindi katangian ng isang obhetibong sulatin
A. Kailangan ang datos ay batay sa kinalabasan ng pananaliksik
B. Siguraduhing subhetibo ang pagbibigay ng impormasyon
C. Iwasan ang paggamit ng sariling pahayag o pananaw sa paggawa ng sulatin
D. Iwasan ang paggamit ng mga pahayagna batay sa sariling haka-haka o opinion.
21. Ano ang dapat gawin upang maging pormal ang akademikong sulatin?
A. Iwasan ang paggamit ng mga salitang kolokyal o balbal.
B. Gumamit ng mga matatalinhaga at malalalim na salita
C. Gumamit ng mga salitang lalawiganin
D. Ilahad ang tono batay sa kung ano ang gusto mo
22. Ito ay katangiang dapat taglayin ng akademikong pagsulat na kung saan ang mga ginamit na
sanggunian ng mga nakalap na datos o impormasyon ay dapat na bigyan ng pagkilala
A. Obhetibo B. Pormal C. May pananagutan D. May paninindigan
23. Ito ay katangiang dapat taglayin ng akademikong pagsulat na kung saan ang sumulat ay
magbibigay ng hindi pabago-bagong paksa.
A. Obhetibo B. Pormal C. May pananagutan D. May paninindigan
24. Pangunahing layunin nitong maghatid ng aliw, makapukaw ng damdamin, at makaantig sa
imahinasyon at isipan ng mga mambabasa.
A. Reperensiyal na Pagsulat C. Malikhaing Pagsulat
B. Teknikal na Pagsulat D. Dyornalistik na Pagsulat
25. Layunin ng sulating ito na bigyan-pagkilala ang mga pinagkunang kaalaman o impormasyon sa
paggawa ng konseptong papel, tesis, at disertasyon.
A. Reperensiyal na Pagsulat C. Malikhaing Pagsulat
B. Teknikal na Pagsulat D. Dyornalistik na Pagsulat
26. Ang manunulat ay naglalarawan ng napakalinaw at halos madama na ng mambabasa subalit ang
paglalarawan ay nakabatay lamang sa kanyang mayamang imahinasyon at hindi nakabatay sa isang
katotohanan sa totoong buhay. Ito ay uri ng paglalarawan na______________.
A.Obhetibo B.Estruktura C.Subhetibo D.Anyo
27. Isang uri ng paglalagom na kalimitang ginagamit sa mga akdang nasa tekstong naratibo tulad
ng kwento, salaysay, nobela,dula, parabula at iba pa.
A.Abstrak B.Sinopsis C.Bionote D.Lagom
28. Uri ng lagom na ginagamit sa pagsulat ng personal profile ng isang tao.
A.Abstrak B.Sinopsis C.Bionote D.Lagom
29. Uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng mga akademikong papel tulad ng
tesis,disertasyon,papel na siyentipiko at teknikal ,lektyur at mga report.
A.Abstrak B.Sinopsis C.Bionote D.Lagom
30. Ang mga sumusunod ay ang mga dapat tandaan sa pagsulat ng abstrak, maliban sa isa.
A. Lahat ng mga detalye o kaisipang ilalagay ay dapat na makita sa kabuuan ng papel
B. Maglagay ng statistical figures o table sa abstrak
C. Maging obhetibo sa pagsulat
D. Gumamit ng simple, malinaw at direktang mga pangungusap
31. Ano kaya ang bunga ng iyong gagawing abstrak kung hindi ka sumunod sa mga paraan sa pagsulat
nito?
A. Hindi magiging maayos ang gagawing abstrak
B. Kulang ang impormasyong mailalagay
C. Kahit na hindi sundin ang paraan ng pagsulat, magiging maayos parin ang gagawing abstrak.
D. A at B ang tamang sagot.
32. Mga dapat tandaan sa pagsulat ng abstrak, maliban sa..
A. lahat ng mga detalye ay dapat na makikita sa kabuoan ng papel
B. iwasan din ang paglalagay ng mga statistical figures o table
C. gumamit ng mga simple, malinaw at direktang mga pangungusap
D. maging subhetibo sa pagsulat
33. Isinulat ni Ivana sa kaniyang pananaliksik ang particular na pamamaraan sa pangangalap ng
datos. Alin sa mga elemento ng abstrak ito nabibilang?
A. Resulta B. Metodolohiya C. Kaugnay na Literatura D. Konklusyon
34. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga kasanayan na mahahasa sa iyong kakayahan
kapag ikaw ay nagbubuod?
A. pagtitimbang ng kaisipan C. Pagsusuri ng nilalaman
B. Paghahabi-habi ng mga pangungusap sa talata D. Pagsasayang ng oras sa pagbubuod
35. Mahalagang isulat ito kung saan hinango ang orihinal na sipi ng akda.
A. sanggunian B. akda C. pamagat D. may-akda
36. Sa pagsusulat ng sulatin, kinakailangan kung ang damdaming naghahari sa akda ay masaya dapat
maramdaman din ito sa buod na gagawin.
A. damdamin B. tono C. larawan D. salita
37. Sa paggawa ng isang pananaliksik, bakit kailangan na ang pinakahuling isusulat ay ang abstrak?
A. dahil mahirap itong gawin at kailangang pag-isipang mabuti ang ilalagay dito.
B. dahil kailangang maisulat muna ang ibang bahagi sapagkat ito ay naglalaman ng pinakabuod
ng bawat bahagi ng sulatin.
C. dahil ito ay naglalaman ng bahagi ng sulatin na kailangan ang maraming pangunahing
kaisipan dito.
D. dahil kailangan munang paaprubahan sa isa pang manunulat
38. Bakit kailangang basahin o panoorin ang buong seleksyon, akda o pelikula bago sumulat ng buod?
I. dahil kailangan mong malaman ang buong pangyayari bago ka gumawa ng isang mahusay na
buod.
II. dahil sa paggawa ng buod kailangan mong malaman kung ano ang katapusan ng kwento
III.dahil kailangan mong magawa ang buod base sa kung ano ang iyong binasang akda o
napanood
A. I at II B. I at III C. I, II, at III D. II at III
39. Isang uri ng talumpati na kung saan ibinibigay nang biglaan o walng paghahanda na kaagad
ibinibigay ang paksa sa oras ng pagsasalita.
A. biglaang talumpati C. manuskrito na talumpati
B. isinaulong talumpati D. maluwag na talumpati
40. Ito ang uri ng talumpati na magbibigay ng kasiyahan sa mga nakikinig.
A. pagbibigay-galang B. papuri C. pampasigla D. kabattiran
41. Ang layunin ng talumpating ito ay magbigay ng pagkilala o pagpupugay sa isang tao o samahan
A. pampasigla B. papuri C. panghihikayat D. panlibang
42. Ito ay isang uri ng talumpati na kung saan ang layunin ay hikayatin ang mga tagapakinig na
tanggapin ang paniniwala ng mananalumpati sa pamamagitan ng pagbibigay-katwiran at mga patunay.
A. panghikayat B. pampasigla C. papuri D. pagbibigay-galang
43. Ito ay isang proseso o paraan ng pagpapahayag ng ideya o kaisipan sa paraang pasalitang
tumatalakay sa isang particular na paksa.
A. sanaysay B. talumpati C. debate D. pagpapahayag
44. Ito ay ginagamit sa mga kumbensyon, seminar o programa sa pagsasaliksik kaya pinagaralan itong
mabuti at dapat na nakasulat.
A. biglaang talumpati C. manuskrito na talumpati
B. isinaulong talumpati D. maluwag na talumpati
45. Bilang mag-aaral, paano mo gagawing kapani-paniwala at kahika-hikayat sa mga tagapakinig ang
iyong talumpati?
A.Magsaliksik ng mga talumpati na nakakahikayat
B.Bago mo bigkasin ang talumpati sa madla ay mabuting nakapaghanda ka ng
komprehensibong sulatin
C.Gumawa ng talumpati na nakakatawa kahit ito ay talumpating papuri
D. Kumopya ng talumpati na nagpapakita ng panghihikayat
46. Isang uri ng talumpati na kung saan ay isinasagawa nang biglaan o walang paghahanda o
nagbibigay ng ilang minute para sa pagbuo ng ipahahayag na kaisipan
A. biglaang talumpati C. manuskrito na talumpati
B. isinaulong talumpati D. maluwag na talumpati
47. Ang layunin ng talumpating ito ay tanggapin ang bagong kasapi ng samahan o organisasyon
A. panghikayat B. pampasigla C. kabatiran D. pagbibigay-galang
48. Bumuo ng hinuha ang grupo ni Lalaine sa kanilang isinagawang pananaliksik ukol sa “Epekto ng
Online Games”. Alin sa mga elemento ng abstrak ito nabibilang?
A. resulta B. Metodolohiya C. kaugnay na Literatura D. Konklusyon
49. Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagsasaad ng kalikasan ng Abstrak?
A. Ito ay isinusulat pagkatapos ng isang pananaliksik
B. Ito ay akademikong sulatin na para lamang sa pananaliksik.
C. Ito ay ginagamit din bilang buod sa bawatkabanata ng isang nobela
D. Ito ay ginagawa lamang ng mga mananaliksik
50. Bilang mag-aaral, paano ka makakalikha ng maayos at wastong talumpati?
A. Magsaliksik sa internet at kopyahin ang talumpati
B. Magbasa ng mga talumpati at pagdugtong-dugtungin lahat na nakalap na talumpati
C. Magpagawa sa mga taong alam mong sanay at bihasa sa paggawa ng talumpati
D. Magsaliksik at magbasa ng mga hakbang sa pagbuo ng talumpati.

Inihanda ni: Iniwasto ni :

CRISTINE D. SORIO JASSICA A. CO


Teacher II Subject Group Head (HUMSS)

You might also like