You are on page 1of 3

Rizal Region National High School

Midterm Examination
Filipino sa Piling Larangan

Panuto: Piliin ang titik ng wastong sagot sa mga pahayag/katanungan. Isulat ang sagot sa
patlang.

____ 1. Tumutukoy ito o may kaugnay sa edukasyon, iskolarsyip, institusyon, o larangan ng pag-aaral na
nagbibigay tuon sa pagbasa, pagsulat at pag-aaral.
a. Akademiko b. Di-akademiko c. Suhetibo d. Obhetibo
____2. Mga gawaing labas at ginagabayan ng karanasan, kasanayan, at common sense.
a. Akademiko b. Di-akademiko c. Suhetibo d. Obhetibo
____3. Kabilang sa gawaing ito ang pagbasa ng ginagamit na teksto sa klase.
a. Akademiko b. Di-akademiko c. Suhetibo d. Obhetibo
____4. Pagsulat sa isang kaibigan.
a. Akademiko b. Di-akademiko c. Suhetibo d. Obhetibo
____5. Pagsulat ng sulatin o pananaliksik.
a. Akademiko b. Di-akademiko c. Suhetibo d. Obhetibo
____6. Pakikinig ng lektyur.
a. Akademiko b. Di-akademiko c. Suhetibo d. Obhetibo
____7. Pakikinig sa radio at pagbasa ng komiks, magasin o dyaryo.
a. Akademiko b. Di-akademiko c. Suhetibo d. Obhetibo
____8. Pagsasalita o pakikipagdikurso sa loob ng klase o isang simposyum.
a. Akademiko b. Di-akademiko c. Suhetibo d. Obhetibo
____9. Panonod ng video o dokumentasyon.
a. Akademiko b. Di-akademiko c. Suhetibo d. Obhetibo
____10. Batayan ng datos na kailanagan ng pruweba o obidensiyang mapagkakatiwalaan o talagang
nangyari.
a. Obhetibo b. Katotohanan c. Opinyon d. Perspektiba
____11. Batay ito sa pananaliksik at iniiwasan ditto ang anomang pagkiling.
a. Obhetibo b. Katotohanan c. Opinyon d. Perspektiba
____12. Ito ay batay sa sariling damdamin, karanasan at paniniwala.
a. Obhetibo b. Katotohanan c. Opinyon d. Perspektiba
____13. Ito ay artikulasyon ng mga ideya, konsepto, paniniwala, at nararamdaman sa paraang nakalimbag.
a. Pakikinig b. Pagbabasa c. Pagsasalita d. Pagsusulat
____14. Anyo ng Pagsulat na nagbibigay-linaw sa mga pangyayari, sanhi at bunga, at pagbibigay ng mga
halimbawa.
a. Paglalahad b. Paglalarawan c. Pagsasalaysay d. Pangangatwiran
____15. Anyo ng Pagsulat na nakapokus sa pagkakasunod-sunod ng daloy ng mga pangyayaring aktwal na
naganap.
a. Paglalahad b. Paglalarawan c. Pagsasalaysay d. Pangangatwiran
____16. Anyo ng Pagsulat na nagpapahayag ng katwiran o opinyon o argumentong pumapanig o
sumasalungat sa isang isyung nakahain sa manunulat.
a. Paglalahad b. Paglalarawan c. Pagsasalaysay d. Pangangatwiran

____17. Anyo ng pagsulat na na nagsasaad ng obserbasyon, uri, kondisyon, palagay, damdamin ng isang
manunulat hinggil sa isang bagay, tao, lugar, o pangyayari.
a. Paglalahad b. Paglalarawan c. Pagsasalaysay d. Pangangatwiran
____18. “Bilog na bilog ang kanyang katawan. Wala na siyang leeg. Makipot ang nagma-mantika niyang
labi na ibinaon naman ng pumuputok niyang pisngi.” Anong anyo ng pagsulat ang mga nabanggit?
a. Paglalahad b. Paglalarawan c. Pagsasalaysay d. Pangangatwiran
____19. “ Ako ay sang ayon sa RH Bill, ito na lamang ang nakikita kong solusyon sa problema ngating
bansa. Hindi sa pinipilit ko ang lahat na gumamit ng contraceptives ngunit sa kadahilanang ako ay
pumapanig sa pro RH Bill para sa ikabubuti nating lahat.”
a. Paglalahad b. Paglalarawan c. Pagsasalaysay d. Pangangatwiran
____20. “Ayon sa diksyunaryong Ingles ang salitang "house" o "bahay" sa Filipino ay isang gusali na kung
saan nagsisilbing tirahan ng isang tao o pamilya. Ang bahay din ay isang kailanganin ng tao upang siya ay
mamuhay ng maayos.”
a. Paglalahad b. Paglalarawan c. Pagsasalaysay d. Pangangatwiran
____21. Hindi lamang hamak na estudyante itong si Eya, tinutulungan rin nya ang kanyang ina na itaguyod
ang kanilang pamilya. Siya ay nagtratrabaho bilang isang part time Model, kapag siya ay may oras. Nag
momodelo siya ng mga damit sa runway at kung minsan para sa mga tanyag na taga kuha ng litrato.
a. Paglalahad b. Paglalarawan c. Pagsasalaysay d. Pangangatwiran
____22. Siya ang isa sa pinaka magaganda at kabigha-bighaning babae sa kanilang eskuwelahan.
Balingkinitan ang kanyang katawan, morena at siya ay may halong espanyol at instik kung kaya’t siyang
mistisahin.
a. Paglalahad b. Paglalarawan c. Pagsasalaysay d. Pangangatwiran
____23. Proseso ng pagsusulat sa pamamagitan ng paghahanap at pagsusuri ng mga pananaliksik at
pagsasagawa ng interbyu.
a. Pangangalap ng Impormasyon o Pagtatanong at Pag-uusisa c. Pala-Palagay
b. Pagpapakinis ng papel d. Pinal na Papel
____24. Isa sa mga proseso ng pagsusulat na muling pagsusuri sa mga ideya at tinitignan ang mga ispeling
at mga bantas.
a. Pangangalap ng Impormasyon o Pagtatanong at Pag-uusisa c. Pala-Palagay
b. Pagpapakinis ng papel d. Pinal na Papel
____25. Habang wala pang tiyak nabalangkas at daloy ng pagtalakay sa paksang susulatin, ditto naghahain
muna ng haka-haka ang manunulat
a. Pangangalap ng Impormasyon o Pagtatanong at Pag-uusisa c. Pala-Palagay
b. Pagpapakinis ng papel d. Pinal na Papel
____26. Pagtapos ng masusing pagsusuri ang teknikal na bahagi ng nilalaman, maaari na itong ipasa sa
guro o sa iba pang susuri nito.
a. Inisyal na pagtatangka b. Pagsulat ng Burador c.Pinal na Papel d. Pala-Palagay
____27. Bigyan ng sapat na panahon ang iyong sarili na magawa ang iyong sulatin.Humanap ng
komportableng lugar ng pagsusulatan. Iwasan ang distraksyon o abala.
a. Inisyal na pagtatangka b. Pagsulat ng Burador c.Pinal na Papel d. Pala-Palagay
____28. Tatangkain ng manunulat na ayusin ang panimulang datos, pala-palagay at iba pang
impormasyon para makabuo ng balangkas.
a. Inisyal na pagtatangka b. Pagsulat ng Burador c.Pinal na Papel d. Pala-Palagay
____29. Ano ang katumbas ng salitang attitude sa salitang Filipino?
a. Kasanayan b. Saloobin c. Kakayahan d. Tuntunin
____30. Ano ang katumbas ng salitang north sa salitang Filipino?
a. Timog b. Hilaga c. Kanluran d. Silangan
____31. Ano panumbas sa katutubong wika ang itlog ng isda?
a. Bugi b. Vugi c. Manaba d. Manak
____32. Ano ang katumbas ng salitang ability sa salitang Filipino?
a. Kasanayan b. Saloobin c. Kakayahan d. Tuntunin
____33. Ano ang katumbas ng salitang skills sa salitang Filipino?
a. Kasanayan b. Saloobin c. Kakayahan d. Tuntunin
____34. . Ano panumbas sa katutubong wika ang unang patak ng ulan?
a. Bugi b. Vugi c. Manaba d. Manak
____35. Ito ay salitang pagdiriwang sa mga Ifugao?
a. Cañao b. Señora c. Vakul d. Hadji
____36. Ito ay salitang ale sa mga Kastila?
a. Cañao b. Señora c. Vakul d. Hadji
____37. Alin sa mga sumusunod ang salitang may internasyonal na anyong kinikilala at ginagamit?
a. Taxi b. Fixer c. Vertical d. Zipper
____38. Alin sa mga sumusunod ang baybayin alinsunod sa ABAKADA na hiram na salita na iba na ang
bigkas at kahulugan sa orihinal.
a. Up here – Appear b. Up here – Apir c. Stand By – Istandbay d. Hole In - Huliin
____39. Maikling buod ng mga sulating akademiya na naisumite sa komperensiya at iba pang gawain na
may kaugnay sa disiplina upang mapabilis na matukoy ang layunin ng teksto.
a. Buod b. Abstrak c. Presi d. Lagom
____40. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa kung saan makikita isang abstrak?
a. Pananaliksik b. Piksyon c. Tula d. Nobela
____41. . Alin sa mga sumusunod ang halimbawa kung saan makikita isang abstrak?
a. Epiko b. Disertasyon c. Balita d. Diary
____42. Siksik at pinaikling bersyon ng teksto maaaring nakasulat, pinanood, o pinakinggan.
a. Buod b. Hawig c. Presi d. Sintesis
____43. Salitang latin na ang ibig sabihin ay “dagdag o ibang paraan ng pagpapahayag.”
a. Paraphrasis b. Precis c. Syntithenai d. Jacket Blurb
____44. Buod ng buod
a. Presi b. Sintesis c. Lagom d. Hawig
____45. Anyo ng pag-uulat ng mga impormasyon sa maikling pamamaraan upang ang sari-saring ideya o
datos mula sa ibat-ibang pinanggalingan ay mapagsama-sama at mapag-isa tungo sa isang malinaw na
kabuuan o identidad.
a. Presi b. Sintesis c. Lagom d. Hawig
____46. Ginagamit sa panloob o panlabas ng pabalat ng isang nobela sa lagom o sinopsis.
a. Pabalat b. Prologue c. Sintethinai d. Jacket Blurb
____47. Pagpapaikli ng mga pangunahing punto, kadalasan ng piksyon, di lampas sa 2 pahina
a. Presi b. Sintesis c. Lagom d. Hawig
____48. Inilalahad sa sariling pangungusap ang isang partikular o ispesipikong ideya o impormasyon sa
isang artikulo o teksto.
a. Presi b. Sintesis c. Lagom d. Hawig
____49. Salitang griyego na ang ibig sabihin ay “sama-samang ilagay”?
a. Precis b. Paraphrasis c. Syntithenai d. Abstrak
____50. Pagbubuod ng mga piksyon na maaaring gawin upang malinawan ang daloy ng pangyayari kung
saan ilalahad ang pangunahing karakter, tunggalian, at ang resolusyon ng tunggalian.
a. Story Map b. Venn Diagram c. Spider Map d. Time Line
Prepared by: Checked:

RHEA BELLE C. BARTOLOME RUBYLIN M. ORINA


Subject Teacher SHS Coordinator

Noted by:

WILSON R. MANONGDO
Principal III

You might also like