You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION XII SOCCSKSARGEN
SCHOOLS DIVISION OF KORONADAL CITY

“GURO TURO SA HIMPAPAWID” Grade level & Subject: Grade 11/12


(Script)
Radio Teachers: Doren John M.
Radio Station: Radyo Uno Bernasol
Date: December 6, 2021 Radio Host/Anchor: Jayron Bermejo
=========================================================================
=

III. RBI Proper (Teacher-Broadcaster outline)—Direct Teaching PAGBASA AT


PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK (25 mins)

(Greetings, Quarter and Module/Week no.)


Magandang hapon mga giniiliw naming mga mag-aaral na nakatutok. Isang
panibagong leksyon na naman ang ating tatalakayin sa asignaturang Pagbasa at
Pagsusuri ng iba’t ibang teksto tungo sa pananaliksik. Muli namn tayong nagbabalik!
Nasa pangalawang kwarter na tayo, ikaapat na lingo ng modyul 11.
Ang paksa natin ngayon ay ang IBA’T IBANG KONSEPTONG MAY
KAUGNAYAN SA PANANALIKSIK. Muling paalala, gamitin ang modyul 11 ninyo
sa paksang ito. Excited na ako. Tara! Simulan na natin!

(Objectives)
Sa araw na ito, kayo ay inaasahang:
1. Naipaliliwanag ang mga konseptong may kaugnayan sa Maka-Filipinong
pananaliksik.
(Discuss the content/lesson here. You may also provide examples to elaborate the
discussion)

Balik-Aral: Noong nakaraang pag-ere, tinalakay natin ang tungkol sa


maka_pilipinong pananaliksik. Pangunahing Ideya

Ang maka-Filipinong pananaliksik ay gumagamit ng wikang Filipino at/o mga


katutubong wika sa Pilipinas at tumatalakay sa mga paksang mas malapit sa puso at isip
ng mga mamamayan. Pangunahing isinasaalang-alang sa maka-Pilipinong pananaliksik
ang pagpili ng paksang naayon sa interes at kapaki-pakinabang sa sambayanang Pilipino.
Komunidad ang Laboratoryo ng maka-Pilipinong pananaliksik.

Maiksing pagganyak:

Speaking of pananaliksik, alam niyo ba Noong Ika-dalawampu't dalawa hanggang


dalawampu't anim ng Nobyembre ay nasungkit ng mga guro ng Lungsod ng Koronadal
ang pinakamataas na kadalag-an sa kagaganap lang na 2021, Blended Regional Research
Congress. Ang nasabing pulong ay dinaluhan ng mga deligado mula sa walong dibisyon
ng Rehiyon Dose. Nakaka-proud hindi ba?

Tayo rin syempre dapat maging aktibo sa pagsasagawa ng research na sinabi ko nga
noong nakaraan, ay mga pananaliksik na lulutas o magpapaliwanag sa mga suliranin ng
lipunan.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION XII SOCCSKSARGEN
SCHOOLS DIVISION OF KORONADAL CITY

Narito ngayon ang iba’t ibang konseptong may kaugnay sa pananaliksik.

Rasyonal

Ang pinanggalingan ng palagay o kaisipan at ang kadahilanan kung bakit


napili ang paksa ay natatalakay sa bahaging ito. Bahagi rin ng diskusyon ang
patalakay ng kabuluhan at halaga ng nasabing paksa.
Layunin ng Pag-aaral
Ang pakay o ibig matamo sa pananaliksik ng napiling paksa ay tinutukoy
sa bahaging ito. Binubuo ito ng dalawang uri: pangkabuuang layunin na kung
saan inilalahad nang malawakan ang pananaliksik; at ang tiyak na layunin na
kung saan itinuturing na bahagi ng pangkabuuang layunin.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Naglalaman ang bahaging ito ng pananaliksik ng mga ideya kung sino-sino


ang maaaring makinabang sa ginawang papel pananaliksik at kung papaano sila
makikinabang.

Batayang Konseptwal

Ang batayang konseptwal ay tumatalakay sa mga ideya o konsepto ng


mananaliksik ayo sa kanyang isinasagawang pag-aaral. Binubuo ito ng
makabuluhang pagpapaliwanag ng paradima na naglalaman ng input – prosesoawtput ng
isang pananaliksik.

Batayang Teoretikal

Ang bahaging ito ng pananaliksik ay naglalahad ng mga kadahilanan kung


bakit kinakailangang humanap pa ng mga panibagong datos ang mananaliksik na
kanya naming susuriin, ipaliliwanag at lalagumin.

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Sa bahaging ito ng pananaliksik ipinaliliwanag ang problema, ang lugar na


pinaggganapan, ang mga nakilahok at ang instrumenting ginamit sa pananaliksik.

Pagbibigay ng Kahulugan sa mga Salita

Isinusulat ito sa huling bahagi ng unang kabanata at naglalahad ng mga


mahahalagang salitang ginamit sa pananaliksik.
Karaniwang inilalahda dito ang dalawang uri ng pagpapakahulugan.
1. Kahulugang teoretikal o ang literal na kahulugan ng salita
2. Kahulugang operasyonal, ito naman ay pagpapakahulugang batay sa
pagkakagamit ng salita iyong pananaliksik

Datos Emperikal
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION XII SOCCSKSARGEN
SCHOOLS DIVISION OF KORONADAL CITY

Ang datos empirikal ay mga impormasyong nakalap mula sa kombinasyon


ng dalawa o higit pang metodo ng pananaliksik (obserbasyon, pakikipanayam,
at/o eksperimentasyon, atbp.). Ito ay dumaan sa pagsusuri at maaaring
mapatunayang totoo o hindi, makabuluhan o hindi.

Gawaing Pag-unawa

Tingnan natin kung nasundan ako. Sa ikalimang pahina ng inyong modyul, sagutin ang
Gawaing Pag-unawa.

Gawain A.

Magtala ng mga nagawang sulating pananaliksik at mga nailimbag na


jurnal. Mula sa mga naitala ay pumili lamang ng mga pamagat na naaayon sa
iyong interes at isulat ito sa ibaba.

Gawain B.

Mula sa mga naitala sa itaas ay pumili ng isang pamagat na


naaayon sa iyong interes at ibig ipagpatuloy na isagawa bilang isang buong
sulatin. Tukuyin kung ang napiling pamagat ay nagtataglay ng mga angkop
na katangian ng isang pamagat. Baguhin ito hanggang sa ito ay magiging katanggap-
tanggap. Paghahambingin natin ngayon ang dati at bagong pamagat.

Gamit ang gawaing ito, bilang nagsisimulang researcher ay nagagabayan kayo sa proseso
ng pananaliksik na gusto ninyong tahakin batay na rin sa paksang gusto ninyo.

Tandaan…
Pangunahing Ideya

Rasyonal. Ang pinanggalingan ng palagay o kaisipan at ang


kadahilanan kung bakit napili ang paksa ay natatalakay sa bahaging ito.

Layunin ng Pag-aaral. Ang pakay o ibig matamo sa pananaliksik ng


napiling paksa ay tinutukoy sa bahaging ito.

Kahalagahan ng Pag-aaral. Naglalaman ang bahaging ito ng pananaliksik


ng mga ideya kung sino-sino ang maaaring makinabang sa ginawang
papel pananaliksik at kung papaano sila makikinabang.

Batayang Konseptwal. Ang batayang konseptwal ay tumatalakay sa mga


ideya o konsepto ng mananaliksik ayon sa kanyang isinasagawang pagaaral.

Batayang Teoretikal .Ang bahaging ito ng pananaliksik ay naglalahad ng


mga kadahilanan kung bakit kinakailangang humanap pa ng mga
panibagong datos ang mananaliksik na kanya namang susuriin,
ipaliliwanag at lalagumin.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION XII SOCCSKSARGEN
SCHOOLS DIVISION OF KORONADAL CITY

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral. Sa bahaging ito ng pananaliksik


ipinaliliwanag ang problema, ang lugar na pinaggganapan, ang mga
nakilahok at ang instrumenting ginamit sa pananaliksik.

Pagbibigay ng Kahulugan sa mga Salita. Isinusulat ito sa huling bahagi


ng unang kabanata at naglalahad ng mga mahahalagang salitang ginamit
sa pananaliksik.

Datos Empirikal. Ito ay ang mga impormasyong nakalap mula sa


kombinasyon ng dalawa o higit pang metodo ng pananaliksik
(obserbasyon, pakikipanayam, at/o eksperimentasyon, atbp.)

(Explain the procedure/s on how TO DO the activities included in the modules. You
may give a sample answer IF NEEDED for students to be guided)

Ngayon makikita sa inyong pahina 6-9 ng module ang GAWAING PANTAHANAN.


MANALIKSIK KA!
Mula sa tinalakay na aralin, bigyang kahulugan ang mga konseptong
kaugnay ng pananaliksik sa sariling pagkaunawa at ipaliwanag ito. Maiging Sundin ang
bawat panuto at mga hakbang. Ayos lang kahit dahan-dahan basta’t umuusad. Alam ko
ang research ay isang mahabang proseso na kailangang paglagakan ng oras kaya take
your time sa pagsagot mga bata!

At boom! Matapos mong sagutin iyan, may ideya ka na ng kung ano ang gagawing mong
pananaliksik na talagang batay sa interes mo bilang researcher.

Sa susunod na linggo ay abangan ninyo ang kapanapanabik pang talakayan


tungkol MGA PARAAN AT PROSESO SA PAGSULAT NG SALIKSIK dito pa rin syempre sa
sa Guro-Turo sa Radyo.

Naku! Patapos na po ang oras ko. Ako ang inyong guro sa kahanginan, Teacher
Doren na nagsasabing makinig, matuto at lumikha. TANDAAN NA ANG KARUNUNGAN AY
KAPANGYARIHAN! KAY SIKAPING MATUTO, KAHIT SA RADYO. Hanggang sa muli, paalam!

Checked by:

You might also like