You are on page 1of 6

SELF LEARNING ACTIVITY NO.

3
Pagbasa at Pagsusuri
PANGALAN: ________________________________________________ GRADO at SEKSYON: __________________
MELC: a. Natutukoy ang paksang tinalakay sa iba’t ibang tekstong binasa F11PB – IIIa – 98
b. Natutukoy ang kahulugan at katangian ng mahahalagang salitang ginamit ng iba’t ibang uri ng
tekstong binasa F11PT – IIIa – 88
c. Naibabahagi ang katangian at kalikasan ng iba’t ibang tekstong binasa F11PS – IIb – 91
Sanggunian: Pagbasa at Pagsusuri Modyul 3

Panimula
TEKSTONG PERSUWEYSIB

“Ang mahusay maghabi ng mga salita ay hindi mahihirapang

manghikayat ng madla”

Handa ka na bang lakbayin ang tekstong Persuweysib? Huwag mag-alala dahil sasamahan kita sa
iyong pakikipagsapalaran. Maraming Salamat sa iyong matapat na pagtugon sa bawat gawain.

Gawain 1: Simulan Natin

Mayroon ka bang natatandaang mga linya sa patalastas na tumatak sa iyong isipan at humikayat sa iyong
bumili ng produkto? Kung mayroon, isulat mo ito sa ibaba.

1. _______________ 3. ________________ 5. _________________

2. ________________ 4. ________________ 6. _________________

Masasabi mo bang naging epektibo ang paraan ng panghihikayat kaya tumatak ito sa iyong isipan at
Humikayat sa iyong bumili?Ipaliwanag ang iyong sagot.
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________
Taglines Produkto
1. Love ko to __________
2. Tikman ang tagumpay __________ McDo Chowking
3. Nakakasiguro Gamot ay laging bago __________
Alaska ABS CBN “Kapamilya”
4. Wala pa ring tatalo sa __________
5. Langhap Sarap, Bida ang saya __________ LBC GMA Channel 7 Network
6. Masarap kahit walang sauce __________
Mercury Drugs Chooks To Go
7. We find ways __________
8. We like to move it __________ Jollibee
9. Kapuso ng bawat Filipino __________
10.In the service of every Filipino _________ BDO”

Gawain 1: Talakayin Natin:

Ang Tekstong Persuweysib
Layunin ng tekstong persuweysib ang manghikayat o mangumbinsi sa babasa ng teksto. Layunin ng
tekstong persuweysib o nanghihikayat na umapela o mapukaw ang damdamin ng mambabasa upang
makuha ang simpatiya nito at mahikayat na umayon sa ideyang inilalahad. Layunin ng tekstong
nanghihikayat ay naglalayong manghimok o mangumbinsi sa pamamagitan ng pagkuha ng damdamin o
simpatiya ng mambabasa. Ang tekstong persuweysib o nanghihikayat ay may subhetibong tono sapagkat
malayang ipinahahayag ng manunulat ang kaniyang paniniwalaan at pagkiling tungkol sa isang isyung may
ilang panig. Taglay nito ang personal na opinyon at paniniwala ng may-akda. Ang ganitong uri ng teksto ay
ginagamit sa mga iskrip para sa patalastas, propaganda para sa eleksiyon, at pagrerekrut para sa isang
samahan o networking. Inilarawan ng Griyegong pilosopo na si Aristotle ang tatlong paraan ng panghihikayat
o pangungumbinsi. Ito ay ang sumusunod:
1. Ethos: Ang Karakter, Imahe, o Reputasyon ng Manunulat/ Tagapagsalita.
Ang salitang ethos ay salitang Griyego na nauugnay sa salitang etika ngunit higit itong
angkop ngayon sa salitang “Imahe”. Ginamit ni Aristotle ang ethos upang tukuyin ang karakter o
kredibilidad ng tagapagsalita batay sa paningin ng nakikinig. Ang elementong ethos ang
magpapasiya kung kapanipaniwala o dapat pagkakatiwalaan ng tagapakinig ang tagapagsalita, o
mambabasa ang manunulat. Madaling mahikayat ang mga tagapakinig kapag ang tagapagsalita
ay kilalang may pag-uugali, maayos kausap, may mabuting kalooban, at maganda ang hangarin.
Sa kasalukuyan, nararapat na ring idagdag ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman at kakayahan
sa paksang kaniyang ipinaliliwanag.

Halimbawa:

Ang isang artistang nanghihikayat ng mga turista upang bisitahin ang isang isla sa Pilipinas.

2. Logos: Ang Opinyon o Lohikal na pagmamatuwid ng manunulat/ Tagapagsalita.

Ang salitang Griyego na logos ay tumutukoy sa pangangatwiran.
Nangangahulugan din itong panghihikayat gamit ang lohikal na kaalaman. Tumutukoy rin ito sa
pagiging lohikal ng nilalaman o kung may katuturan ba ang sinasabi upang mahikayat o mapaniwala
ang tagapakinig na ito ay totoo. Sa ating lipunan, Malaki ang pagpapahalaga sa lohika at pagiging
makatwiran ng mga estratehiya gamit ang mga retorikal na pangangatwirang pabuod (Deductive) at
pasaklaw (Inductive). Ngunit para sa karaniwang tagapakinig, kung minsan ay hindi gaanong
nakahihikayat ang masyadong siyentipiko o teknikal na pagpapaliwanag, kaya nauuwi ito sa
pangangatwirang retorikal sa halip na lohikal.

Halimbawa:
Ang isang taong naghihikayat na bumili ng kanilang sabon dahil ang sabon na iyon ay
makakaputi.
3.Pathos: Emosyon ng mambabasa/ Tagapakinig Pathos ang elemento ng panghihikayat
na tumatalakay sa emosyon o damdamin ng mambabasa o tagapakinig. May kakayahan ang tao
na gumawa ng sariling desisyon dahil mayroon siyang pag-iisip at lahat ng ginagawa ng tao ay
bunga ng kaniyang pag-iisip. Subalit hindi niya nakikita na malaki rin ang impluwensiyang
mga emosyon kagaya ng galit, awa, at takot sa pagdedesisyon at paghuhusga. Emosyon ang
pinakamabisang motibasyon upang kumilos ang isang tao. Kaya naman marami sa mga
pahayag pampulitika at mga patalastas ay gumagamit ng ganitong paraan upang makuha ang
ating boto, mapaniwala tayo sa isang panig ng usapin, o mapabili ng kanilang produkto.

Halimbawa:
Ang pagsasalaysay ng isang kuwentong makaantig ng galit o awa ay isang mabisang paraan
upang mahikayat silang pumanig sa manunulat.
Naniniwala si Aristotle na ang wastong pagkakaroon ng tatlong elemento ng panghihikayat
na ethos, logos, at pathos ay mabisang paraan upang mahimok ang mga mambabasa o
tagapakinig namaunawaan at paniwalaan ang palagay o panig ng mambabasa o tagapagsalita.
Sa kabila nito, mahalaga pa ring isaalang-alang ang etika ng panghihikayat. Hindi wasto na
mas pahalagahan ang pathos o ethos at tuluyang kaligtaan ang logos. Kahit pa ang
pangunahing elemento ng panghihikayat ay ang pag-apela sa emosyon, responsibilidad pa rin
ng manunulat o mananalita na ibigay ang wasto at totoong impormasyon at magkaroon
ng kredibilidad.

PROPAGANDA DEVICES
Ang panghihikayat sa taong bumili ng isang produkto o iboboto ang isang kandidato ay isang
bagay na dapat ay masusing pinag-iisipan. Kung mapapansin, ang mga patalastas sa telebisyon, sa
mga diyaryo, at magasin ay kinakailanagang makapukaw ng atensiyon upang mapansin. Ang mga
eksperto sa likod ng mga propagandang ito ay may mga ginamit na propaganda device. Ating alamin
kung ano-ano ito:

1. Name-Calling- Ito ay ang pagbibigay ng hindi magandang puna o taguri sa isang produkto o
katunggaling politiko upang tangkilikin. Karaniwang ginagamit ito sa mundo ng politika. Halimbawa: Ang
pekeng sabon, bagitong kandidato
2. Glittering Generalities- Ito ay ang magaganda at nakakasilaw na pahayag ukol sa isang produktong
tumutugon sa mga paniniwala at pagpapahalaga ng mambabasa. Halimbawa: Mas nakakatipid sa bagong
sabon, ang produktong ito ang iyong damit ay mas magiging maputi. Bossing sa katipiran, bossing sa
kaputian.
3. Transfer- Ang paggamit ng isang sikat na personalidad upang mailipat sa isang produkto o tao
ang kasikatan. Halimbawa: Pagpromote ng isang artista sa isang hindi sikat na brand
4. Testimonial- Kapag ang isang sikat na personalidad ay tuwirang nag-endorso ng isang tao o
produkto. Halimbawa: Ang isang taong nagpapatunay na siya ay pumuti dahil sa ginamit niyang sabon sa
pamamagitan ng pagpapakita ng ebedensiya. Kapag eleksyon, sinasabi at nagbibigay ng testimonya ang
kandidato na huwag ding kakalimutan ng sambayanan ang kanyang kapartido.
5. Plain Folks- Karaniwan itong ginagamit sa kampanya o komersiyal kung saan ang mga kilala o tanyag na
tao ay pinalalabas na ordinaryong taong nanghihikayat sa boto, produkto, o serbisyo.
Halimbawa:
1. Ang kandidato tuwing eleksyon ay hindi nagsusuot ng magagarbong damit at pinapakita nila na
nagmula at galing rin sila sa hirap.
2. Paggamit ng mga komersyal sa mga ordinaryong tao para sa pag eendorso ng kanilang produkto.
6. Card Stacking- Ipinakikita nito ang lahat ng magagandang katangian ng produkto ngunit
hindi binabanggit ang hindi magandang katangian. Halimbawa: Instant noodles, ang produktong ito ay
pinapakita angmagandang dulot nito sa pamilya, ngunit sa labis na pagkain nito, nagdudulot ito ng
sakit sa bato at UTI.
7. Bandwagon- Panghihikayat kung saan hinihimok ang lahat na gamitin ang isang produkto o sumali sa
isang pangkat dahil ang lahat ay sumali na.
Halimbawa: Buong bayan ay sumali na sa isang organisasyon o networking site

Gawain 2: Pag-usapan Natin

Sagutin ang bawat sumusunod na tanong. Isulat ang sagot sa nakalaang espasyo sa bawat katanungan.

1. Ano ang layunin ng tekstong persuweysib?

______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
2. Bakit sinasabing subhetibo ang tono ng tekstong persuweysib?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________ .

3. Saan karaniwang ginagamit ang tekstong persuweysib?

______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
4. Ano-ano ang tatlong paraan ng pangungumbinsi ayon kay Aristotle? Alin sa palagay mo ang
pinakamabisang gamitin sa pangungumbinsi sa mga kabataang tulad mo?

_____________________________________________________________

Gawain 3: Pagsulat ng Journal

Bilang isang mambabasa at manunulat, Bakit mahalagang pag-aralan ang tekstong persuweysib?
Isulat ang iyong sagot sa nakalaang espasyo:
__________________________________________________________________

PAGNILAYAN AT UNAWAIN
GAWAIN 1:
Paglinang ng Kaalaman Pagbabahagi ng mga natutunan gamit ang graphic organizer.Balikan ang mga
binasang halimbawa ng tekstong persuweysib. Suriin ang mga ito. Alamin kung anong bahagi ng mga ito ang
nagpapakita ng katangian at kalikasan ng tekstong persuweysib. Isulat ito sa graphic organizer sa ibaba.

Bahaging nagpapakita

Tekstong Persuweysib ng Katangian at

Kalikasan ng Tekstong
GAWAIN 2: Pagbibigay Reaksiyon
Sa panahon ngayon, maraming mga produkto, balita, propaganda, at maging politiko ang
ipinakikilala sa atin ng mga taong matamis ang dila at mahusay maghabi ng salita. Sa madaling salita,
sa husay nilang manghikayat at mangumbinsi, hindi na tuloy natin alam kung an ang totoo at dapat
paniwalaan. Mayroon ka bang natatandaang ganitong tekstong persuweysib (maaaring komersiyal o
patalastas, talumpati, propaganda, at iba pa) na sa iyong palagay ay hindi nagsasabi nang totoo?
Isulat ito o ang bahagi nito sa kahon sa ibaba. Pagkatapos ay sagutin ang sumusunod na mga tanong

1. Sa unang pagkakataong nabasa/ napakinggan/nakita mo ito, nagduda ka ba agad? Ipaliwanag.

______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
2. 2. Ano-anong dahilan ang iyong naisip at hindi ka nakumbinsi ng tekstong ito?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
3. Sa ngayon laganap pa rin ang tekstong persuweysib na nagtataglay ng mga huwad na pangako na
nagliligaw sa madla. Sa iyong palagay, ano ang nararapat mong gawin bilang isang mapanuring mambabasa o
matalinong botante at mamimili?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
4. Anong aral ang iyong natutunan at nais ibahagi sa iba pagdating sa mga ganitong uri ng teksto?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
5. Sa paanong paraan mo magagamit ang tekstong persuweysib sa pang-araw-araw na buhay?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
_____________________________________________________________

Gawain 3: Pagsulat ng Journal

Batay sa mga natutunan mo sa tekstong persuweysib sa paano mo mahihikayat ang sambayanang
Pilipino na ipakita ang kanilang pagmamahal sa bayan? Isulat ang iyong sagot sa nakalaang espasyo.

You might also like