You are on page 1of 3

SELF LEARNING ACTIVITY NO.

6
IBA’T IBANG GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN

PANGALAN: ________________________________________________GRADO at SEKSYON: __________________________


MELC:
1. Nagagamit ang mga cohesive device sa pagpapaliwanag at pagbibigay halimbawa sa mga gamit ng wika sa lipunan (F11WG-le-85)
2. Nakapagsasaliksik ng mga halimbawang sitwasyong nagpapakita ng gamit ng wika sa lipunan ( F11EP-le-31 )
Sanggunian: Komunikasyon Modyul 5
Panimula
KOHESYONG GRAMATIKAL
(Cohesive Device Reference)
Kohesyong Gramatikal o Cohesive Device Reference
 Nagpapatungkol sa mga salitang nagsisilbing pananda upang hindi maging paulit-ulit ang mga salita.
 Nahahati ito sa dalawa na nagpapatungkol sa iba’t ibang bagay:
Anapora
Karaniwang makikita sa hulihan ng isang teksto o pahayag na nagsisilbing pananda sa pangalan na nasa unahan ng teksto. Halimbawa:
a. Patuloy na dinarayo ng mga turista ang Tinago Falls sa Iligan dahil sila’y totoong nagagandahan dito.
b. Si Nissi ay isa sa mga dayuhang turista na pumunta sa Tinago Falls dahil ayon sa kanya, paborito niya itong pasyalan.
Katapora
Karaniwang makikita sa unahan ng teksto o pahayag na nagsisilbing pananda sa pangalan na nasa hulihan ng teksto.
Halimbawa:
a. Patuloy nilang dinarayo ang Tinago Falls sa Iligan dahil ang mga turista’y totoong nagagandahan dito.
b. Siya ay isa sa mga dayuhang turista na patuloy na pumupunta sa Tinago Falls sa Iligan dahil ayon kay Nissi paborito niya itong pasyalan.
Gagamitin ang mga cohesive device sa pagpapaliwanag at pagbibigay –halimbawa sa mga gamit ng wika sa lipunan upang maging malinaw ang
pag-uugnayan. Tiyaking ang cohesive device na gagamitin ay angkop upang maayos na mabuo ang pangungusap.
Pagsasanay
Gawain 1
Bumuo ng isang maikling talata na nagpapaliwanag sa kahalagahan ng gamit wika sa lipunan. Kailangang kakitaan ng isang anapora at katapora
sa pagpapaliwanag. Salungguhitan ang buong pangungusap na may ANAPORA at bilugan naman ang may KATAPORA
MGA GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN
Pasalita man o pasulat, may kani-kaniyang gamit ang wika sa lipunan. Mahalaga ang mga tungkuling ito sa pakikipag-ugnayan. Nakatala sa
ibaba ng mga graphic clip ang gamit ng wika sa lipunan.
PANG-INTERAKSYUNAL 3
PANG-INSTRUMENTAL NA GAMIT 1
Katangian: Nakapagpapanatili, nakapagtatatag ng relasyong sosyal
Katangian:
Pasalita Pasulat
Tumutugon sa mga pangangailangan. Nagpapahayag ng
Pormulasyong Panlipunan Liham Pangkaibigan
pakikiusap, pagtatanong, at pag-uutos
 Pangungumusta,  Imbitasyon sa isang
Paraang Pasalita Paraang Pasulat
 pag-anyayang kumain, okasyon(kaarawan,
Pakikitungo, pangangalakal, Liham pangangalakal
 pagtanggap ng bisita sa anibersaryo,
pag-uutos
bahay,  programa sa paaralan)
 pagpapalitan ng biro at 5
PAMPERSONAL 2 marami pang iba
Katangian: Nakapagpapahayag ng sariling damdamin o opinyon
Pasalita Pasulat
Editoryal o Pangulong
PANGREPRESENTATIBO
Katangian: Nagpapahayag ng komunikasyonTudling ,
sa pamamagitan ng
mga simbolo o sagisag Liham sa Patnugot,
Pasalita Pagsulat ng Suring-basa, PANG-IMAHINASYON
Pagpapahayag ng Hinuha o Suring Pelikula o anumang Katangian: Ang pagiging malikhain ng tao ay tungkuling
Pahiwatig sa mga Simbolismo ng Dulang-Pantanghalan nagagampanan niya sa wika. Nalilikha ng tao ang mga bagay-bagay
Isang Bagay o Paligid upang maipahayag niya ang kanyang damdamin.
Pormal o di pormal na Pasalita Pasulat
talakayan, debate o pagtatalo Pagbigkas ng Tula, Paggganap sa Pagsulat ng akdang
Teatro pampanitikan
PANGHEURISTIKO 4
Katangian: Naghahanap ng mga impormasyon o datos.
7
Pasalita Pasulat
PANREGULATORI NA GAMIT
Pagtatanong, Pananaliksik, at Sarbey, Pamanahong Papel,
pakikipanayam Tesis, at Disertisyon Katangian: Kumukontrol/ gumagabay sa kilos at asal ng iba
Pasalita Pasulat
Pagbibigay ng Resipe, direksiyon sa isang lugar,
6 panuto/direksiyon,Paalaa panuto sa pasusulit at paggawa ng
la isang bagay, tuntunin sa batas na
ipinapatupad
-Sipi mula kay: Dayag, A.M., Pinagyamang Pluma: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. Phoenix Publishing House (2016)
SLA 6 PAGE 2
Gawain 2
Basahin ang mga sitwasyon. Ilapat ang naunawaang kahulugan ng gamit ng wika sa lipunan sa nasabing sitwasyon. Isulat kung Panregulatori,
Pang-interaksyunal, Pampersonal, Pangheuristiko, Pangrepresentatibo, at Pang-imahinasyon ang gamit ng wika sa bawat sitwasyon.
1. Pagpapahayag ng pananaw o damdamin ukol sa mga pangyayari sa isang pelikula.
____________________________________________________________________________________________________
2. Paggawa ng sarbey ukol sa pinakaninanais na trabaho o hanapbuhay.
____________________________________________________________________________________________________
3. Pinaalalahanan ng ina ang anak na huwag magpagabi sa pag-uwi.
____________________________________________________________________________________________________
4. Pag-uulat sa klase ukol sa BOL (Bangsamoro Organic Law).
____________________________________________________________________________________________________
5. Paggawa ng liham pagtatanong tungo sa pamunuan ng unibersidad/kolehiyo ukol sa paraan ng pagkuha ng libreng paaral na programa
ng eskwelahan.
____________________________________________________________________________________________________
Gawain 3
Panuto: Panoorin ang video sa Youtube na America’s Got Talent
WOW Marcelito Pomoy “The Prayer “.
Isulat ang iyong naramdaman o reaksiyon habang pinapanood ang video. Sa ilalim nito ay isulat kung bakit ito ang iyong napili.
(F11EP-le-31)

Buod ng video:

Tungkulin ng Wika:
Batay sa naibahagi mong damdamin o reaksiyon, anong tungkulin ng wika ang ipinakita o ginampanan ng performans ni Marcelito Pomoy?

Pagtataya
Panuto: Basahin ang bawat aytem. Piliin ang tamang sagot mula sa pagpipilian. Isulat lamang ang titik na nakalaang espasyo
______1. Panghalip na ginagamit sa hulihan bilang pananda sa pinalitang pangalan sa unahan
a. anapora b. katapora c. kohesyong gramatikal d.pananggi
______2. Panghalip na ginagamit sa unahan bilang pananada sa pinalitang pangalan sa hulihan
a. kohesyong gramatikal b. anapora c. pamanahon d.katapora
_______3. Instrumento na ginagamit sa pakikipagtalastasan upang magkaunawaan ang bawat isa.
a. wika b. text message c. social media d. sign language
_______4. Sa aling sitwasyon makikita ang higit na kahalagahan ng Wikang Pambansa?
a. kausap ang ina sa telepono b. binatang nanliligaw sa kanyang napupusuan
c. naliligaw ng daan d. nanonood ng balita
_______5. Magpapadala ka ng liham sa iyong magulang sa probinsya. Anong wika ang iyong gagamitin?
a. Lingua Franca b. Wikang Filipino c. Wikang Ingles d.Unang Wika
_______6. May lalaking lumapit sa iyo at itinanong kung saan matatagpuan ang istasyon ng pulis.
a. Interaksiyon b. Personal c. Heuristiko d. Regulatori
_______7. Itinuro mo sa kanya kung ano’ng ruta ng dyip ang kanyang sasakyan, kung saan siya bababa at kung ano ang pinakamadaling daan
patungo sa istasyon ng pulis.
a. Interaksiyon b. Personal c. Heuristiko d. Regulatori
_______8. Lumiham si Bernie sa kanyang kaibigang nasa Japan.
a. Interaksiyon b. Personal c. Heuristiko d. Regulatori
_______9. Inutusan ni Olive ang kanilang katulong na ipaghanda siya at ang mga bisita niya ng maiinom.
a.Instrumental b. Personal c. Heuristiko d. Regulatori
_______10. Naanyayahan si Atty. Acopra na magsalita sa harap ng lahat ng magsisipagtapos sa Araullo College. Tinalakay niya ang mga
pangangailangan at hakbang tungo sa tagumpay.
a. Interaksiyon b.Personal c. Heuristiko d. Regulatori
Repleksyon
1. Batay sa nabuong paliwanag hinggil sa mga gamit ng wika sa lipunan, ano ang nakita mong kahalagahan sa paggamit ng mga cohesive
devices sa pagbubuo ng pahayag?
_______________________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________________________
__
2. Bakit mahalagang gamitin ang mga cohesive device sa pagpapaliwanag at pagbibigay- halimbawa sa mga gamit ng wika sa lipunan?
_______________________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________________________
___

You might also like