You are on page 1of 8

Grade 11

12
12
KOMUNIKASYON AT PANANALIK SA
WIKA AT KULTURANG PILIPINO
Unang Kwarter 1: Iba’t ibang Gamit ng Wika sa Lipunan

Modyul 5. Iba’t- ibang Gamit ng Wika sa Lipunan

Unang Semester, S.Y. 2020-2021

Prepared by:

JOVELYN S. DIAZ
Subject Teacher

____________________________________________________________________________
MDM-Sagay College, Inc.
Office: Feliza Bldg., Marañon St. Pob 2, Sagay City
Campus: National Highway, Poblacion 2, Sagay City, Negros Occidental
Tel.# 488-0531/ email: mdm_sagay2000@gmail.com.

0
Modyul 5. Iba’t- ibang Gamit ng Wika sa Lipunan
Aralin 5.
Mga Layunin
1. Nakapaloob sa ariling ito ay naglalayong ipadama sa iyo kung gaano kaimportante
ang pagkakaroon ng abilidad na magamit ang wika tungo sa pakikipag-ugnayan.

SUBUKIN

PANIMULANG PAGTATAYA

Panuto: Basahin ang bawat aytem. Piliin ang tamang sagot mula sa pagpipilian.
Isulat lamang ang titik na katumbas ng wastong sagot sa hiwalay na
papel o notbuk.
1. Panghalip na ginagamit sa hulihan bilang pananda sa pinalitang pangalan sa
unahan
a. anapora b. katapora
c. kohesyong gramatikal d.pananggi
2. Panghalip na ginagamit sa unahan bilang pananada sa pinalitang pangalan sa
hulihan
a. kohesyong gramatikal b. anapora
c. pamanahon d.katapora
3. Instrumento na ginagamit sa pakikipagtalastasan upang magkaunawaan ang
bawat isa.
a. wika b. text message
c. social media d. sign language
4. Sa aling sitwasyon makikita ang higit na kahalagahan ng Wikang Pambansa?
a. kausap ang ina sa telepono
b. binatang nanliligaw sa kanyang napupusuan
c. naliligaw ng daan
d. nanonood ng balita
5. Magpapadala ka ng liham sa iyong magulang sa probinsya. Anong wika ang iyong
gagamitin?
a. Lingua Franca b. Wikang Filipino
c. Wikang Ingles d.Unang Wika
6. May lalaking lumapit sa iyo at itinanong kung saan matatagpuan ang istasyon ng
pulis.
a. Interaksiyon b. Personal
c. Heuristiko d. Regulatori
7. Itinuro mo sa kanya kung ano’ng ruta ng dyip ang kanyang sasakyan, kung saan
siya bababa at kung ano ang pinakamadaling daan patungo sa istasyon ng pulis.
a. Interaksiyon b. Personal
c. Heuristiko d. Regulatori
8. Lumiham si Bernie sa kanyang kaibigang nasa Japan.
a. Interaksiyon b. Personal
c. Heuristiko d. Regulatori
9. Inutusan ni Olive ang kanilang katulong na ipaghanda siya at ang mga bisita niya
ng maiinom.
a.Instrumental b. Personal
c. Heuristiko d. Regulatori
10.Naanyayahan si Atty. Acopra na magsalita sa harap ng lahat ng magsisipagtapos
sa Araullo College. Tinalakay niya ang mga pangangailangan at hakbang tungo sa
tagumpay.

1
a. Interaksiyon b.Personal
c. Heuristiko d. Regulatori
11.Binalaan ng PAGASA ang mga mamamayan hingil sa parating na malakas na
bagyo.
a. Representatibo b. Personal
c. Heuristiko d. Regulatori
12.Sumulat si Tess sa Metrobank upang magpresenta bilang isang bank teller.
a. Interaksiyon b. Personal
c. Heuristiko d. Regulatori
13.Iniulat ni Aura sa klase ang kasaysayan ng dulang Tagalog.
a. Interaksiyon b. Personal
c. Heuristiko d. Regulatori
14.Sumulat si Jane sa editor ng Inquirer upang ipahayag ang kanyang pagkabahala
sa pagkasira ng kapaligiran at kalikasan.
a. Representatibo b. Personal
c. Heuristiko d. Regulator
15.Nagkasalubong ang magkaibigang Noreen at Hershey sa hallway at sila’y
nagbatian ng Hi at Hello!
a. Instrumental b. Personal
c. Heuristiko d. Regulatori

TUKLASIN

B. SURIIN
Kohesyong Gramatikal (Cohesive Device Reference)

Kohesyong Gramatikal o Cohesive Device Reference ay nagpapatungkol sa


mga salitang nagsisilbing pananda upang hindi maging paulit-ulit ang mga
salita.
HALIMBAWA:
Para sa lugar/ bagay/hayop:
Kung hindi ako nagkakamali, itong hawak ko ngayon ang unang tsokoleyt na
nakain ko, matapos ang ilang buwan.
Sa Luneta tayo unang nagkita , dito kita unang nakilala.
Para sa tao / hayop: sila, siya, tayo, kanila, kaniya
Si Jessica ang bunso sa magkakapatid. Siya ay ang nagtatanging babae sa

2
magkakapatid.
Ang pamilya nilang Krystal ay nagmamay-ari ng maraming building. Kanila ang
condominium na tinitirahan natin ngayon.
Ang Kohesyong Gramatikal o Cohesive Device Reference ay nahahati sa
dalawa na nagpapatungkol sa iba’t ibang bagay:

1. Anapora 2. Katapora
Anapora - ito ay panghalip na ginagamit sa hulihan bilang pananda sa pinalitang
pangalan sa unahan.
Halimbawa:
Kung makikita mo si manong, sabihin mo lamang na ibig ko siyang
makausap.
Si Rita’y nakapagturo sa paaralanang bayan, diyan siya nakilala ng
iyong anak.
Kinausap ko si Manolo, sinabi ko sa kaniya na ang kanyang ginawa ay
mahusay.
Katapora - ito ang panghalip na ginagamit sa unahan bilang pananda sa
pinalitang pangalan sa hulihan.
Halimbawa:
Siya’y hindi karapat – dapat na magtaglay ng aking apelyido , si Pedring
ay kahiya-hiya!
Ano ang mawawala sa akin pintasan man nila ako?
Gagamitin ang mga cohesive device sa pagpapaliwanag at pagbibigay –
halimbawa sa mga gamit ng wika sa lipunan upang maging malinaw ang paguugnayan.
Tiyaking ang cohesive device na gagamitin ay angkop upang maayos na
mabuo ang pangungusap.
C. PAGYAMANIN
Mga Gamit ng Wika sa Lipunan

Pasalita man o pasulat, may kani-kaniyang gamit ang wika sa lipunan.


Mahalaga ang mga tungkuling ito sa pakikipag-ugnayan. Nakatala sa ibaba ng mga
graphic clip ang gamit ng wika sa lipuna

PANG-INSTRUMENTAL N GAMIT

KATANGIAN NG PANG INSTRUMENTAL


Tumutugon sa mga pangangailangan. Nagpapahayag ng pakikiusap pagtatanong, at pag-
uutos
PARAANG PASALITA PARAANG PASULAT

Pakikitungo, pangangalakal, pag- Liham Pangangalakal


uutos

PANG-INTERAKSYUNAL

Katangian: Nakapagpapanatili, nakapagtatag ng relasyong sosyal

Pasalita Pasulat

3
Pormulasyong Panlipunan Lihim Pangkaibigan
 Pangumusta, pag-anyayang  Imbitasyon sa isang okasyon
kumain,pagtanggap ng bisita sa (kaarawan, anibersaryo,, programa,
bahay,pagpapalitan ng biro at sa paaralan )
marami pang iba

PAMPERSONAL

Katangian: Nakapagpapahayag ng sariling damdamin o opinion.

Pasalita Pasulat

Pormal o di poram na talakayan, Editoryal o Pangulong Tudling, Liham sa


debate o pagtatalo Patnugot, Pagsulat ng Suring- basa, Suring
Pelikula o anumang Dulang- Pantanghalan

PANGHEURISTIKO

Katangian: Naghahanap ng mga impormasyong o datos.

Pasalita Pasulat

Pagtatanong, Pananaliksik, at Sarbey,Pamanahong Papel, Tesis at


Pakikipanayam Disertisyon

PANGREPRESENTATIBO

Katangian: Nagpapahayag ng komunikasyon sa pamamagitan ng mga simbolo o


sagisag.
Pasalita Pasulat

Pagpapahayag ng hinuha o Pahiwatig Mga Anunsyo, Patalastas, at Paalala


sa mga Simbolismo ng Isang Bagay o
Paligid

PANG-IMAHINASYON

Katangian: Ang pagiging malikhain ng tao ay tungkuling nagagampanan niya sa wika.


Nalilikha ng tao ang mga bagay-bagay upang maipahayag niya ang kanyang damdamin.
Pasalita Pasulat

Pagbigkas ng Tula, Pagganap sa Teatro Pagsulat ng akdang Pampanitikan

PANREGULATORI NA GAMIT

4
Katangian:Kumukontrol / gumagabay sa kilos at asal ng iba

Pasalita Pasulat

Pagbibgay panuto/ direksiyon, Paalala Resipe, direksiyon sa isang lugar, panuto


sa pasusulit at paggawa ng isang bagay,
tuntunin sa bata na ipinatupad

Ngayon ay alam mo na ang iba’t ibang gamit ng wika batay sa pag-aaral ni


M.A.K. Halliday at Roman Jakobson, tiyak na iba na ang persepsyon mo sa wika.
Hindi lamang ito instrumento sa araw - araw na pakikipag –ugnayan kundi isang daan
sa pagkakaisa at pagkakaunawaan sa lipunan.

Gawain 1
Panuto: Basahin ang mga sitwasyon. Ilapat ang naunawaang kahulugan ng gamit ng
wika sa lipunan sa nasabing sitwasyon. Isulat kung Panregulatori, Panginteraksyunal,
Pampersonal, Pangheuristiko, Pangrepresentatibo, at
Pang-imahinasyon ang gamit ng wika sa bawat sitwasyon.

1. Pagpapahayag ng pananaw o damdamin ukol sa mga pangyayari sa isang


pelikula.
__________________________________________________
2. Paggawa ng sarbey ukol sa pinakaninanais na trabaho o hanapbuhay.
__________________________________________________
3. Pinaalalahanan ng ina ang anak na huwag magpagabi sa pag-uwi.
__________________________________________________
4. Pag-uulat sa klase ukol sa BOL (Bangsamoro Organic Law).
__________________________________________________
5. Paggawa ng liham pagtatanong tungo sa pamunuan ng unibersidad/kolehiyo
ukol sa paraan ng pagkuha ng libreng paaral na programa ng eskwelahan.
__________________________________________________
6. Paggamit ng “Po” at “Opo” habang kinakausap ang mas nakatatanda.
__________________________________________________
7. Pakikisuyo sa magpabili ng gamot sa parmasya.
__________________________________________________
8. Pagbibigay paalala ukol sa mga dapat gawin at tandaan sa lakbay-aral.
__________________________________________________
9. Pagsulat ng tesis.
__________________________________________________
10.Pakikipanayam sa ilang kabataan kung paano makatutulong sa magulang kahit
nag-aaral pa.
__________________________________________________
11.Pagbuo ng kanta.
__________________________________________________
12.Paggawa ng resipe ng isang pagkaing pinoy.
__________________________________________________
13.Pagpapaalala ng tatay na dapat matutong mamili ng kaibiganin.
__________________________________________________
14.Pag-anyaya sa panauhin na tikman ang inihandang pagkain ng pamilya.
__________________________________________________
15.Paglikha ng tauhang kakaiba ang hitsura sa kuwentong isusulat.
__________________________________________________

5
D. ISAGAWA
Ikaw ba ay kabilang sa maraming kabataang nahuhumaling at minuminutong nagba-browse
sa internet gamit ang kanilang cellphone?
Tanggap na ng marami na ang cellphone ay kailangan na ngayon sa
pamumuhay ng mga tao. Hayag na rin sa marami ang mabuti at masamang
dulot nito. Subukin mong gamitin ang wika sa pamamagitan ng social
media sa pakikipag-ugnayan.

BUOD AT PAGLALAHAT

Ngayon ay napatunayan mo na sa iyong sarili na tunay ngang


mahalaga ang kaalaman ukol sa gamit ng wika sa lipunang ating
ginagalawan. Sa ayaw at sa gusto mo, tungkulin ng wika na ikaw ay
pagalawin
upang makipag-ugnayan sa mga taong nakapaligid sa iyo sa araw-araw na
pamumuhay. Magiging daan ito upang mapaunlad mo ang iyong sarili sa iba’t
ibang larangan na nais mong tahakin sa buhay. May mga pagkakataong
kinakailangan mong kumalinga sa kapwa na dumaranas ng kalungkutan at
ang husay mo sa paggamit ng wika ang siyang maging kaagapay mo upang
mapahinahon ang kanyang damdamin.
Ayon kay Jocson ( 2016-pp90), ang wika ay nakabatay sa ating
kultura , saan man tayo paparoon ay lagi nating bitbit ang kaalaman na ito at
maaari pang maimpluwensyahan mula sa iba pang kultura.

TAYAHIN
HULING PAGTATAYA

Panuto: Piliin at bilugan ang titik ng pinakaangkop na sagot sa bawat pangungusap.

1. Panghalip na ginagamit sa hulihan bilang pananda sa pinalitang pangalan sa unahan


a. anaphora b. katapora
c. kohesyong gramatikal d.pananggi
2. Panghalip na ginagamit sa unahan bilang pananda sa pinalitang pangalan sa hulihan
a. kohesyong gramatikal b. anapora
c. pamanahon d.katapora
3. Instrumento na ginagamit sa pakikipagtalastasan upang magkaunawaan ang bawat isa.
a. wika b. text message
c. social media d. sign language
4. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon, lalong mahalaga ang wikang pambansa?
a. kausap ang ina sa telepono
b. binatang nanliligaw sa kanyang napupusuan
c. naliligaw ng daan
d. nanonood ng balita
5. Magpapadala ka ng liham sa iyong magulang sa probinsya, anong wika ang iyong
gagamitin ?
a. Lingua Franca b. Wikang Filipino
c. Wikang Ingles d.Unang Wika
6. May lalaking lumapit sa iyo at itinanong kung saan matatagpuan ang estasyon ng pulis.
a. Interaksiyon b. Personal
c. Heuristiko d. Regulatori
7. Sumagot ka at sinabi mo kung ano ang jeep na sasakyan n’ya kung saan s’ya bababa at
kung ano ang pinakamadaling daan patungo sa estasyon ng pulis.
a. Interaksiyon b. Personal
c. Heuristiko d. Regulatori

6
8. Lumiham si Bernie sa kanyang kaibigang nasa Japan.
a. Interaksiyon b. Personal
c. Heuristiko d. Regulatori
9. Inutusan ni Olive ang kanilang katulong na ipaghanda siya at ang mga bisita niya ng
maiinom.
a.Instrumental b. Personal
c. Heuristiko d. Regulatori
10. Naanyayahan si Atty. Acopra na magsalita sa harap ng lahat ng magsisipagtapos sa
Araullo College. Tinalakay niya ang mga pangangailangan at hakbang tungo sa tagumpay.
a. Interaksiyon b.Personal
c. Heuristiko d. Regulatori
11. Binalaan ng PAGASA ang mga mamamayan hinggil sa parating na malakas na bagyo.
a. Representatibo b. Personal
c. Heuristiko d. Regulatori
12. Sumulat si Tess sa Metrobank upang magpresinta bilang isang bank teller.
a. Interaksiyon b. Personal
c. Hueristiko d. Regulator
13. Iniulat ni Aura sa klase ang kasaysayan ng dulang Tagalog.
a. Interaksiyon b. Personal
c. Heuristiko d. Regulatori
14. Sumulat si Jane sa editor ng Inquirer upang ipahayag ang kanyang pagkabahala sa
pagkasira ng kapaligiran at kalikasan.
a. Representatibo b. Personal
c. Heuristiko d. Regulatori
15. Nagkasalubong ang magkaibigang Noreen at Hershey sa hallway at sila’y nagbatian ng
Hi at Hello!
a. Instrumental b. Personal
c. Hueristiko d. Regulatori

You might also like