You are on page 1of 7

La Consolacion College

(Formerly: Sacred Heart Academy)


Bais City, Negros Oriental

MODYUL SA FILIPINO:
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK
(Pangalawang Linggo)

Inihanda ni: Bb. Baby Mae G. Veriña


Aralin 2: ANG FILIPINO BILANG WIKANG PAMBANSA

Paksa: KONSEPTO NG WIKANG FILIPINAS

Pamantayang Pangnilalaman: Nauunawaan ang mga konsepto, elementong kultural, kasaysayan, at gamit ng wika sa lipunang Pilipino

Pamantayan sa Pagganap: Nasusuri ang kalikasan, gamit, mga kaganapang pinagdaanan at pinagdadaanan ng Wikang Pambansa ng Pilipinas

Layunin sa Pagkatuto:
Pagkatapos sa araling ito ikaw ay inaasahang;

 Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa mga napakinggang sitwasyong pangkomunikasyon sa radyo, talumpati, at mga panayam
 Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong pangwika
 Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa mga napanood na sitwasyong pang komunikasyon sa telebisyon
UNANG GAWAIN: ISABUHAY MO NA

Sa iyong palagay, paano nakatutulong nang pagkakaroon ng isang wikang nauunawaan ng lahat batay sa sumusnod na mga pook at sitwasyon?

SITWASYON SA LOOB SITWASYON SA LOOB NG SITWASYON SA LOOB NG


NG SILID-ARALAN TANGGAPAN NG PAMAHALAAN PAMILIHAN
ANG WIKANG FILIPINO
Mahalaga at kailangan ang maliwanag at nauunawaang depinisyon ng wikang Filipino. Maraming nag-aakalang TAGALOG din ito. Maging sa ibang bansa, Tagalog
din ang opisyal at pambansang wika na kinikilala at itinuturo ng mga lingguwista at ginagamit sa mga programa sa wika.
Kaya naman sa bisa ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 117 na nilagdaan ni Pang. Corazon Aquino nalikha ang Linangan ng mga Wika sa Pilipinas (LWP) na sa
pumalit sa SWP. Malulusaw pagkaraan ang LWP nang pagtibayin at pairalin ang Saligang Batas ng 1987 dahil iniaatas nito ang pagtatatag ng isang komisyon ng
pambansang wika. Naisakatuparan ito nang maipasa ang Batas Republika 7104 noong 14 Agosto 1991, na nagtatag sa Komisyon sa Wikang Filipino.

KONSEPTO NG MGA WIKA NG FILIPINAS


Ang tinatawag na “mga wika sa Filipinas” ay ang iba’t ibang wikang katutubo na sinasalita sa buong kapuluan. Itinuturing ang bawat is na wika dahil hindi
magkakaintindihan ang dalawang tagapagsalita nito na may magkaibang katutubong wika. Halimbawa, hindi maiintindihan ng tagapagsalita njg Ilokano ang
tagapagsalita ng Bikol at vise-versa. Bawat isa sa mga wika ay may magkaibang diyalekto.

 KONSEPTO NG WIKANG KATUTUBO (UNANG WIKA)


Ang itinuturing na “wikang katutubo” ay alinman sa mga wika na kinamulatan ng isang tao na ang mga magulang ay may angkang katutubo sa Pilipinas. Kabilang
sa wikang katutubo ang pangunahing wika gaya ng Tagalog o Waray o ang maliliit gaya ng Higaonon at Ivatan. Ito rin ang tinatawag na “unang wika” ng isang tao
—ang kinagisnan niyang wika sa pamayanang kinalakihan niya.
Maganda ring isaalang-alang ang depinisyon sa “Philippine Languages” (na maaaring ituring na salin sa Ingles ng “mga wika ng Pilipinas”) sa Republic Act No.
7104 na lumilikha sa Komisyon sa Wikang Filipino. Ang nakasaad sa Seksiyon 3 ng naturang batas, “(d) Philippine languages—refer to the indigenous languages of
the Philippines including the national language and the regional and local languages.” Ibinibilang ng batas sa “mga katutubong wika” (indigenous languages).
Tradisyonal na tinatawag na walong pangunahing wika ng bansa ang Bikol, Ilokano, Hiligaynon, Pampanggo, Pangasinan, Sebwano, Tagalog, at Waray (Samar-
Leyte).
 KONSEPTO NG WIKANG OPISYAL
Ang wikang opisyal ang itinadhana ng batas na maging wika sa opisyal na talastasan ng pamahalaan. Ibig sabihin, ito ang wika na maaaring gamitin sa anumang
uri ng komunikasyon, lalo na sa anyong nakasulat, sa boob at sa labas ng alinmang sangay o ahensiya ng gobyerno.
 Noong 7 Hunyo 1940, sa bisa ng Batas Komonwelt Blg. 570 ay ipinahayag na wikang opisyal ang Wikang Pambansa mulang 4 Hulyo, 1946. Gagamitin sa
pagtuturo sa lahat ng paaralan. Mula noon ay patuloy ang mga hakbang upang pasiglahin ang paggamit sa Wikang Pambansa—na ipinahayag noong 1959 na
“Pilipino” ang opisyal na pangalan—bilang wika ng komunikasyon sa gobyerno at wika ng pagtuturo.

 KONSEPTO NG WIKANG PANTURO


Ang wikang panturo bilang opisyal na ginagamit sa pormal na edukasyon. Ito ang wikang ginagamit sa pagtuturo at pag-aaral sa mga eskuwelahan at ang wika sa
pagsulat ng mga aklat at kagamitan sa pagtuturo sa silid-aralan. Ang itinatag na pambansang sistema ng edukasyon ng mga Amerikano sa umpisa ng ika-20 siglo
ay monolingguwal.

 KONSEPTONG NG WIKANG PANTULONG


Karaniwang salin ang wikang pantulong ng auxiliary language sa Ingles. Ang auxiliary ay may pakahulugang “dagdag na tulong o suporta.” Dahil
multilingguwal ang Pilipinas, napakahalaga ang paggamit ng wikang pantulong para sa higit na epektibong pagtuturo sa mga pook na ikalawang wika ramang
ang wikang panturo. Bagaman walang opisyal na atas, ginagawa ito noon pa ng mga guro sa mga pook na di Tagalog . Sa Cebu, halimbawa, ay ginagamit na
wikang pantulong sa pagtuturo ang Sebwano; sa Vigan, ang Ilokano; sa Benguet, ang lbaloy; at sa Marawi, ang Meranaw.

 KONSEPTO NG WIKANG PAMBANSA


Ang Filipinas ay katulad ng karamihan sa mga bansa ngayon sa mundo na binubuo ng sambayanang may iba-ibang nasyon at iba-ibang wikang katutubo.
Itinuturing ang wika na isang mabisang bigkis sa pagkakaisa at pagkakaunawaan. Ang layunin sa pagkakaroon ng isang wikang pambansa ay ang mabilis na
pagkakaunawaan at ang pagsibol ng damdamin ng pagkakaisa ng mga mamamayan na may iba-ibang wikang katutubo. Katulong ito ng isang pambansang
watawat, pambansang awit, at iba pang pambansang sagisag sa pagtatatag ng isang pambansang pamahalaan.
PANGALAWANG GAWAIN: ISABUHAY MO NA

Panuto: Magsaliksik sa internet, makipagpanayam, makinig sa radyo at telebisyon kung paano ipinahahayag ng mga katutubong wika ang
sumusunod na mga pahayag. Pagkatapos, suriin kung may mga pagkakataong nagkakatulad ang mga sa kanilang mga wika.
Mga Pahayag Bicolano Ilocano Cebuano
Magaganda ang mga Pilipina

Mahal kita

Maraming Salamat

Paalam
Magandang gabi

PAGSUSURI:

PANGATLONG GAWAIN: LIKHAIN MO NA


Sumulat ng isang komposisyong naglalarawan sa iyong wikang kinamulatan o kinagisnan. Isaalang-alang mo ang mga katangian ng wikang ito at kung
paano ito nakatulong sa iyo sa pagpapaunlad ng mga kasanayan mo sa iba't ibang aspekto ng pakikipagkomunikasyon. (Sagutin sa iyong kuwaderno)

SANGGUNIAN:
https://elcomblus.com/mga-konseptong-pangwika/

You might also like