You are on page 1of 97

Yunit I

Pagpapahalagang Pangwika
Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan. Kalipunan ito ng
mga simbolo, tunog, at mga kaugnay na batas upang maipahayag ang nais
sabihin ng kaisipan. Ginagamit ang pamamaraang ito sa pagpapaabot ng
kaisipan at damdamin sa pamamagitan ng pagsasalita at pagsulat. Isa rin
itong likas na makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan,
damdamin at mga hangarin sa pamamagitan ng isang kaparaanang
lumilikha ng tunog; at kabuuan din ito ng mga sagisag sa paraang
binibigkas. Sa pamamagitan nito, nagkakaugnayan, nagkakaunawaan at
nagkakaisa ang mga kaanib ng isang pulutong ng mga tao.
Kahulugan ng Wika
Ano nga ba wika? Ibat ibang ang pagpapakahulugan dito.
Ayon kay Dr. Roderick Hemphill ang wika ay isang masistemang
kabuuan ng mga sagisag na sinasalita o binibigaks ng pinagkaisahan o
kinaugalian ng isang tao at sa pamamagitan nitoy nagkakaugnay,
nagkakaunawaan at nagkakaisa ang mga kaanib.
Ayon naman kay Henry Gleason, isang dalubwika
ang wika ay
masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na isinaayos sa paraang
arbitrary. Ang tunog ay hinuhugisan o binigyan ng mga makabuluhang
simbolo na pinagsama-sama upang makabuo ng mga salita na gamit sa
pagbuo ng mga kaisipan.
Ayon kay Webster isang leksikografer na Amerikano, ang wika ay
kalipunan ng mga salitang ginagamit at naiintindihan ng isang maituturing
na komunidad.
Ayon kay Edgar Sturtevant, isang kontemporaryong linggwistika, ang
wika ay isang sistema ng mga arbitraryong simbolo ng mga tunog, para sa
komunikasyon ng tao.
Ayon kay Veneranda S. Lachica ang wika ay tumutukoy sa anumang
paraan ng pakikipagtalastasan at pagpapahayag ng kaisipan at damdamin
sa pamamagitan ng sarili upang maunawaan ng kapwa. Ito ay binubuo ng
mga salita, parirala at pangungusap na nagtataglay ng kahulugan.
Mga Katangian ng Wika
Batay sa pagpapakahulugan ng mga dalubhasa sa wika, masasabing ang
wika ay may sumusunod na katangian:
A Ang Wika ay masistemang balangkas
Isinasaayos ang mga tunog sa sistematikong paraan upang bumuo ng
makabuluhang yunit katulad ng salita, parirala, pangungusap at diskors.
Lahat ng wika ay nakaayon sa sistematikong ayos sa isang tiyak na
balangkas
B Ang wika ay sinasalitang tunog
Ang wika ay sinasalita na galing sa magkakasunud-sunod na tunog na
nabubuo sa pamamagitan ng interaksyon ng ibat ibang aparato sa
pagsasalita tulad ng bibig, dila, ngipin, ngalangala, velum at gilagid. Ang mga
bahaging ito ng ating katawan na ginagamit natin sa pagpapahayag ay

tinatawag na speech organs. Kailangan itong mabigkas nang mabuti upang


maging makabuluhan ang nabuong mga tunog at makilala ng tagapakinig
ang pagkakaiba ng mga tunog.
C Ang wika ay arbitraryong simbolo ng mga tunog
Ang salitang arbitraryo ay nangangahulugang walang tiyak na batayan. Ayon
kay Jesus F. Ramos, ang mga simbolong itoy arbitaryong sapagkat walang
rasyunal na magagamit upang ipaliwanag ang koneksyon ng mga ito sa
kahulugan.
D Ang wika ay komunikasyon
Ang wika ay kasangkapan ng komunikasyon dalawa o higit pang taong naguusap. Sa pamamagitan ng wika, naipapahayag ang damdamin, kaisipan,
pangarap, imahinasyon, layunin at pangangailanagn ng tao. Pagsasalita
ang itinuturing na pangunahing representasyon ng wika samantala ang
pagsulat naman ay pangalawang representasyon ng wika. Ang pagsulat ay
paglalarawan lamang ng wikang sinasalita.
E Ang wika ay pantao
Isang ekslusibong pag-aari ng tao ang wika. Tao ang lumilikha, tao rin ang
gumagamit. Dala-dala niya ito bilang instrument sa pakikipagtalastasan.
Kapangyarihang taglay niya kung paano, saan, kailan at kanino niya ito
gagamitin. Ang pagkakaroon ng wika ay isang katangiang ikinaiiba ng tao sa
iba pang kinapal ng Diyos. Mayroon siyang wikang kasangkapan sa kanyang
lipunang pinamamayanihan ng katuwiran.
F Ang wika ay kaugnay ng kultura
Matalik na magkaugnay ang wika at kultura. Taglay ng wika ang kultura ng
lipunang pinag-ugatan ng wikang iyon. Ang isang kulturay naipapahayag
nang matapat at likas sa wikang kakambal na naturang kultura. Ang sining,
panitikan, karunungan, kaugalian, kinagawian at paniniwala ng mga
mamamayan ang bumubuo ng kultura. Ang pangkat ng mga taong may
angking kultura ay lumilinang ng isang wikang naangkop sa kanilang mga
pangangailangan sa buhay. Sa wikang kanilang nalinang masasalamin ang
kanilang adhikain, pangarap, saloobin, damdamin, kaalaman, pilosopiya,
paniniwala, moralidad at karanasan. Kung gayon, ang wika at kultura ng mga
mamamayan ay magkakaugnay at hindi maaring paghiwalayin.
G Ang wika ay ginagamit
Upang magkaroon ng saysay ang isang wika, kailangang itoy gamitin bilang
kasangkapan sa komunikasyon. Kapag ang wikay hindi na ginagamit, itoy
unti-unting mawawala.
H Ang wika ay natatangi
Bawat wika ay may kaibahan sa ibang wika. Walang dalawang wika na
magkatulad. Bawat wika ay may sariling set ng mga yunit panggramatika at
sariling sistema ng ponolohiya (palatunugan), at morpolohiya (palabuuan) at
sintaks (palaugnayan).
I

Ang wika ay malikhain


May kakayahan ang anumang wika na makabuo ng walang katapusang dami
ng pangungusap. Ang isang taong maalam sa isang wika ay nakapagsasalita
at nakabubuo ng ibat ibang pahayag, nakauunawa ng anumang marinig o

nabasang pahayag. Habang patuloy iyong ginagamit ng mga tao, patuloy na


makabubuo sila ng bagong pahayag.
J

Ang wika ay dinamiko


Ang wika ay buhay ay patuloy sa pagbabago dahil patuloy na nagbabago ang
pamumuhay ng tao at iniaangkop ang wika sa mabilis na takbo ng buhay
dulot ng agham, at teknolohoya. Bilang wikang dinamiko, bukas ang pintuan
nito sa pagbabago upang makaangkop sa mga pangangailangang
pangkomunikasyon ng sambayang gumagamit nito. Ang mga salita ay
patuloy na dumarami, naragdagan at umuunlad.

Kategorya ng paggamit ng wika


Ang dalawang kategorya ng paggamit ng wika ay pormal at inpormal o di-pormal
Pormal
Ang Pormal' ay ang mga salitang istandard, karaniwan, o pamantayan dahil
kinikilala, tinatanggap at ginagamit ng higit na nakararami lalo na mga nakapagaral ng wika. Ginagamit ito sa mga usapang pormal. Narito ang mga uri nito:
1. Pambansa o karaniwan - mga karaniwang salitang ginagamit sa
mga aklat pangwika o pambalarila sa mga paaralan, gayundin sa
pamahalaan.
2. Pampanitikan o pangretorika - mga salitang gamitin sa mga
akdang pampanitikan, karaniwang matatayog, malalalim, makulay, at
masining.
Inpormal o di-pormal
Ang inpormal o di-pormal ay mga salitang karaniwang palasak at madalas gamitin
sa pang-araw-araw na pakikipagusap. Ginagamit ito sa mga hindi pormal na
usapan. Narito ang mga uri nito:
1. Lalawiganin - mga bokabularyong diyalektal. Gamitin ito sa mga
partikular na pook o lalawigan lamang.
2. Halimbawa: Papanaw ka na? (aalis ka na?)
3. Nakain ka na? (kumain ka na?)
4. Balbal - mga salitang nahango lamang sa pagbabago o pag-usod ng
panahon, mga salitang nabuklat sa lansangan.
5. Kolokyal - mga salitang ginagamit sa mga pagkakataong inpormal.
Ang pagpapaikli ng isa, dalawa, o higit pang salita ay mauuri rin sa
antas na ito.

Varyasyon ng Wika
3

1. Dayalek/ Dayalekto
- pagkakaiba iba o baryasyon sa loob ng isang particular na wika.
- wikang sinasalita ng isang neyographical.
Hal: Pakiurong ng po ang plato (Bulacan hugasan)
Pakiurong nga po ang plato (Maynila iusog)
2. Idyolek
- nakagawiang pamamaraan sa pagsasalita ng isang individual o ng
isang pangkat ng mga tao. ( uri ng wikang ginagamit at iba pa)
- Individwal na estilo ng paggamit ng isang tao sa kanyang wika.
Hal:
Tagalog Bakit?
Batangas Bakit ga?
Bataan bakit ah?
3. Sosyolek
baryasyon ng wika batay sa katayuan sa lipunan ng nagsasalita o sa
pangkat na kanyang kinabibilangan.
- may kinalaman sa katayuang sosyo-ekonomiko ng nagsasalita
Hal:
Wika ng mag-aaral
Wika ng matanda
4. Register
- isang baryasyon sa wika na may kaugnayan sa taong nagsasalit o
gumagamit ng wika.
- mas madalas nakikita/nagagamit sa isang particular na disiplina.
pagkakaroon ng pagbabago ng wika sa taong nagsasalit o
gumagamit ng wika ayon sa:
a. Tono ng kausap o tagapakinig (tenor of discourse) naaayon ang
wika sa sino ang nag-uusp.
b. Paksa ng pinag-uusapan (field of discourse) batay sa larangan na
tinatalakay at sa panahon.
c. Paraan o paano nag-uusap ( mode of discourse) pasalita o pasulat
pagtalima sa mga panunturan dapat sundin batay sa uri ng piniling
paraan ng pag-uusap.

MGA TEORIYA TUNGKOL SA PINAGMULAN NG WIKA


Maraming pala-palagay tungkol sa pinagmulan ng wika. Ngunit tinatanggap
ng lahat ng mga dalubwika na wala pang liwanag at katiyakan ang kani-kanilang
mga teoriya hinggil dito. Halimbawa:
Teoryang Ding-dong Ito ay hakang ang bawat bagay sa mundo ay may
kasama o kaugnayan na tunog, tulad ng sa kampanang Ding-dong. Ang tunog na
itoy siyang kahulugan ng nasabing bagay.

Malaong iginalang ang teoryang ito, ngunit itoy balighong paniniwala


sapagkat maraming bagay na walang tunog at maraming tunog na walang
katumbas na bagay.
Teoriyang Bow-wow Ayon sa palagay na ito, ginagad ng tao ang mga
tunog na likha ng kalikasan. Halimbaway sa hayop. Ang tahol ng aso ay bowwow. Pinag-aalinlangan din ang teoryang ito dahil sa pagkakaiba-iba ng dinig ng
ibat ibang tao sa isang likas na tunog, Halimbaway ang taktalaok ng manok sa
Tagalog ay cock-adoodle-doo sa Ingles.
Teoriyang Pooh-pooh Nagsasaad ito ng taoy lumilikha ng mga likas na
tunog at pakahulugan sa mga tunog na ito, pagkat siya ang lumikha. Sinasabing
itoy magsisimula sa silakbo ng damdamin o sa pagbulalas ng pagtataka, takot,
galak, sakit at iba pa. Itoy kalimitang katambal ng teoriyang sing-song na
nagpapalagay na ang wikay buhat sa di mawatasang pang-awit ng mga kaunaunahang tao.
Teoriyang Yum-yum Ito ay nagsasaad na ang tao ay tutugon sa
pamamagitan ng pagkumpas sa alinmang bagay na nangangailangan ng aksyon.
Ang bahagi ng pagtugong ito ay ginagawa sa pamamagitan ng bibig ayon sa
pagkakapusisyon ng dila sa guwang ng bibig. Ang mga itoy pagbabawas ng mga
orihinal na pakumpas ng tao na ginagamitan ng ibat ibang bahagi ng katawan.
Teoryang Yo-he-ho- ito ay unang nahinuha ni Noire, isang iskolar noong
ikalabinsiyam na dantaon. Naniniwala siya na ang wika ay nagmula sa mga ingay
na nalilikha ng mga taong magkatuwang sa kanilang pagtratrabaho gaya ng
pagbuwal ng kahoy o pag-angat kaya ng malaking bato.
Teoryang Musikal- Ipinalalagay ni Otto Jeperson, isang linggiwistikang
Danish na ang mga naunang wika o yaong pinakamatandang wika ay lubhang
napakalalawig at napakahahaba.
Wala sa mga palagay na nabanggit ang paniniwalaan nang walang pasubali.
Gayunman lahat ay kawili-wili sapagkat may nabubuong palagay na
mapagbabatayan sa pinagmulan ng wika (David Berlo).
1

Ang wika ay binubuo mga makahulugang simbolo (talasalitaan) at ng


makatuturang paraan ng pasasama nito (palaugnayan);

Ang simbolo ng wika ay napiling gamitin nang hindi sinasadya.


hindi palagian.

Ang tao ay bumuo ng kanyan-kanyang lengguwahe sa ilalim ng


panuntunan ng pagpapakahulugan, pagtugon at kapakinabangang
sumsaklaw sa lahat ng pagkakatuto;

Ang wika ay unti-unting nalikha ng tao upang maipahayag ang


kahulugan sa kanyang sarili at sa iba. Sa pagtanggap at paggamit na
katulad ng kahulugan ng ibang tao, nararagdagan ang kanyang
kakayahang makatugon sa kanyang kapwa at sa kapaligiran.

Itoy

Mula sa mga teoryang nabanggit sa itaas, hindi nasasabing itoy totoo o


walang batayan, subalit nagiging mahalaga ang mga ito sa pagtalakay at pag-alam

sa pinagmulan ng mga wika. Sa ganitong paraan, nakabubuo na tayo ng mga


palagay.
Ang kwentong matatagpuan naman sa Banal na Aklat tungkol sa paglaganap
ng ibat ibang wika sa daigdig ay isa pang mapagkukunan nang kung paano
nagsimula ang wika.

Ayon sa Genesis 11: 1-9


Noon, ang buong daigdig ay iisa ang wika at salita. Ang mga taoy naglakbay
papuntang Silangan at nakita nila ang isang kapatagan sa Sinai. Dito sila nanirahan.
Nag-uusap-usap sila. Gumawa tayo ng tisa at lutuin nating mabuti. Tisa ang
ginamit nila sa halip na bato at alkitran sa halip na bato. Pagkatapos, sinabi nila, Gumawa
tayo rito ng isang lungsod na may toreng abot sa langit. Sa gayon magiging bantog at di
mangangalat sa buong daigdig.
Ngunit bumaba ang Diyos upang tingnan ang lungsod at ang toreng ginawa ng
mga tao. Sinabi ng Panginoon, bilang isang grupo ng tao na iisa ang wika, nakapagsimula
silang gumawa nito. Kung gayon, anumang kanilang balangkasin ay magagawa na muli.
Bumaba tayo at guluhin ang kanilang wika upang hindi sila magkaintindihan.
Kaya mula noon, pinangalat sila ng Panginoon sa buong daigdig at hindi na
naipagpatuloy ang pagtatayo ng lungsod. Ito ang dahilan kaya tinawag na Babel ang lugar
na iyon pagkat doon ginulo ng Panginoon sa ibat ibang panig ng mundo.

ALIBATA

Baybayin - Ang Lumang Sulat ng Filipinas


Ang mga kultural na pamayanang naninirahan sa Pilipinas bago pa man
dumating ang mga mananakop na Kastila ay may sarili nang kultura. Mayroon na rin
silang sistema ng pamahalaan na tinatawag na barangay at may mga batas na
ipinatutupad. Mayaman din ang kanilang kultura sa mga sining, panitikan at wika.
Bawat kultural na pamayanan ay may mga katutubong wika. Maging ang mga
unang mananalaysay na Kastila na nakadaong sa Pilipinas ay nagpatunay sa mga

ito sa mga talang pangkasaysayan. Isa na nagpapatunay sa kalingan ng Pilipinas si


pasre Pedro Chirino sa kanyang Relacion de las Islas Filipinas (1604). Binanggit ni
Padre Chirino na may sistema ng pagsulat na tinatawag na alibata tulad ng
sumusunod:
Tatlong patinig
e-i

o-u

Labing-apat na katinig ( binibigkas na may tunog na a):


b (a)
h(a)
ng(a)
w(a)

k(a)
l(a)
p(a)
y(a)

d(a)
m(a)
s(a)

g(a)
n(a)
t(a)

Nilalagyan ng . sa ibabaw kapag bibigkasing bi.


Nilalagyan ng . sa ilalim kapag binibigkasing bu.
Nilalagyan ng + sa tabi kapag nawawala ang bigkas na a.
Ang / / ang nagpapahayag ng tuldok.

Kasaysayan ng Wikang Pambansa

Bawat bansa ay may kanya-kanyang wikang pambansa. Ang Pilipinas, na


itunuturing na isang malayang bansa, ay may sariling wikang pambansa. Ito ay ang
Wikang Filipino.
Bakit mahalagang magkaroon tayo ng wikang pambansa? Sang-ayon kay Dr.
Isidro Dyan, isang dalub-wika mula sa Malaya - Polinesya, "Malaking kahihiyan para
sa bansa kapag mayroong ginagamit na wikang dayuhan subalit di nag-aangkin ng
sariling wikang pambansa. Kailangang magkaroon ng wikang pambansa upang
malinang ang pambansang paggalang at pagkilala sa sarili.
Mahabang kasaysayan ang pagkakaroon ng wikang pambansa sa Pilipinas ang Pilipino na nagmula sa Tagalog na pagkaraay naging Filipino. Ang kasalukuyang
Filipino ay isang isyung naging sanhi ng pagsasalungatan lalo na ang mga tagaCebu. Sabi ng mga Cebuano ang Filipino daw ay hindi pambansa kundi Tagalog na
sinasalita lamang ng mga taong nasa katagalugan. Ngunit ipinaliwanag ng mga
awtoridad sa Filipino na ang Wikang Filipino ay hindi Tagalog kundi sing wikang
nabuo at kinilalang "lingua franca" ng Kalakhang Maynila na lumaganap na sa
buong kapuluan.
Ang Pilipinas ay binubuo ng mahigit na 7,100 mga pulo. Ito ay
pinananahanan sa kasalukuyan ng 60 milyong mamamayan na gumagamit ng mga
87 na ibat ibang wika. Kabilang sa mga pangunahing wika ay Tagalog, Cebuano,
Ilocano, Pampanga, Bicol, Pangasinan, Hiligaynon, Waray at Maranao.
Pinaniniwalaang ang mga sinaunang Pilipino ng hindi nagkaroon ng isang
katutubong wika na masasalita at mauunawaan ng lahat dahil sa pagkakahiwa-

hiwalay nila ng pook ngunit mayroon din namang naniniwala na ang wikang Tagalog
ay ginagamit hindi lamang ng mga katutubo sa pulo ng Luzon kundi sa iba pang
mga pulo.
Nang dumating ang mga Kastila sa ating bansa, hinangad nilang
mapalaganap ang Kristiyanismo, kayat minabuti ng mga prayle na mag-aral ng
ibat ibang wikain sa Pilipinas sa halip na ituro ang kanilang wika sa mga katutubo.
Sa ganitong paraan, nakapg-ambag sa wika ang mga mananakop ng Kastila dahil sa
pagkakasulat nila ng aklat gramatika ng ibat ibang wikain sa Pilipinas.
Nang panahon ng himagsikan ng sumibol sa mga manghihimagsik na Pilipino
laban sa mag Kastila ang kaisipang "isang bansa, isang diwa." Kaya ngat pinili nila
ang Tagalog na siyang wikang tagalog sa panahon ng propaganda - mga sanaysay,
tula, kuwento, liham at mga talumpati na punung-puno sa damdaming bayan. Kahit
si Rizal at iba pang propagandistay sumulat sa Kastila, batid nilang ang wikay
malaking bahagi upang mapagbuklod ang mga kababayan nila.
Nang dumating ang mga Amerikano, biglang naunsyami ang mithiin ng mga
Pilipino ng itakda ng pamahalaan na ang Ingles ang gawing opisyal na wikang
panturo sa mga paaralan. Ipinagbawal ang paggamit ng bernakular sa paaralan at
sa tanggapan. Ito ang dahilan kung bakit simula noong pananakop ng mga
Amerikano hanggang bago sumiklab ang pangalawang digmaang pandaigdig, hindi
umunlad ang ating wika.
Ang ating mga lider na makabayan tulad nina Lope K. Santos, Cecilio Lopez,
Teodoro Kalaw at iba pa ay nagtatag ng kilusan nakung saan sila ay naging
masigasig sa pagkakaroon ng wikang pambansa. Nagharap ng panukula si Manuel
Gillego na gawing wikang pambansa at wikang opisyal ang Tagalog subalit patuloy
pa ring namayani ang Ingles.
Nang itatag ang Komonwelt, nagkaroon ng malaking hakbang tungo sa
pagkakaroon ng isang wikang pambansa. Ito ay utang natin sa naging Pangulong
Manuel L. Quezon, ang tinaguriang "Ama ng Wikang Pambansa."
Noong 1934, isang Kombensyong Konstitusyonal ang binuo ng Pamahalaang
Komonwelt upang maisakatuparan ang pangarap ni Quezon. At upang ipalilala ang
kahalagahan ng wika, isang probisyon tungkol sa Wika ang isinama sa ating
Saligang Batas. Itoy napapaloob sa Artikulo XIV, Seksyon 3 ng Konstitusyon noong
Pebrero 8, 1935. "Ang Pambansang Kapulungan ay magsasagawa ng mgahakbangin
tungo
sa
paglinang
at
paggamit
ng
pambansang
wikang batay sa isa sa umiiral na katutubong mga wika. Samantalang hindi pa
itinatadhana ng batas, ang Ingles at Kastila ay patuloy na mga wikang opisyal."
Naitatag ang Surian ng Wikang Pambansa, binuo ng mga kinatawang
nagmula sa mahahalagang mga rehiyon sa Pilipinas bilang mga kasapi. Pagkatapos
ng puspusang pag-aaral ng ibat ibang wika sa Pilipinas, ipinasya ng Surian na
Tagalog ang siyang dapat pagbatayan ng Wikang Pambansa pagkat itoy

nagtataglay ng nalinang nang panitikan at wikang sinasalita ng nakahihigit ng dami


ng mga Pilipino. Kaya, noong Disyembre 30, 1937, inihayag ni Pangulong Quezon na
ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Tagalog.
Ang sumusunod ay ibat ibang kautusang ipinairal ng ating pamahalaan tungkol sa
pagkasulong ng ating wika: Nobyembre 1936- Inaprobahan ng Kongreso ang Batas
Komonwelt Bilang 184 na lumikha ng Surian ng Wikang Pambansa na naatasang
gumawa ng pag-aaral ng mga katutubong wika at pumili ng isa na magiging
batayan ng wikang pambansa.
Disyembre 30, 1937 - Sa pamamagitan ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 ng
Pangulong Quezon, ang Wikang Pambansa ay ibabatay sa Tagalog.
Abril 1, 1940 - Ipinalabas ang Kautusang Tagapagpaganap na nagtadhana ng
paglilimbag ng isang balarila at isang diksyunaryo sa Wikang Pambansa. Ipinahayag
pa ring ituturo ang wikang pambansa sa mga paaralan sa buong Pilipinas na
nagsimula noong Hunyo 19, 1940.
Hunyo 7, 1940 - Pinagtibay ng Batas-Komonwelt Blg. 570 na nagtadhana na simula
sa Hulyo 4, 1946. Ang Wikang Pambansa ay isa sa mga opisyal na wika ng bansa.
Marso 26, 1954 - Nagpalabas ng isang kautusan ang Pangulong Ramon Magsaysay
sa taunang pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa mula sa Marso 29 - Abril 4.
Subalit ang petsa ng pagdiriwang ay inilipat sa Agosto 13-19 tuwing taon.
Agosto 12, 1959- Tinawag na Pilipino ang Wikang Pambansa ng lagdaan ni Kalihim
Jose Romero ng Kagawaran ng Edukasyon ang Kautusang Blg 7. Ayon sa kautusang
ito, kaylaman at tutukuyin ang pambansang wika ay Pilipino ang gagamitin.
Oktubre 24,1967- Nilagdaan ni Pangulong Marcos ang isang kautusang
nagtatadhana na ang lahat ng mga gusali at mga tanggapan ng pamahalaan ay
panganlan sa Pilipino.
Marso, 1968 - Ipinalabas ni Kalihim Tagapagpaganap, Rafael Salas, ang isang
kautusan na ang lahat ng pamuhatan ng liham ng mga kagawaran, tanggapan at
mga sangay nito ay maisulat sa Pilipino.
Agosto 7, 1973- Nilikha ng Pambansang Lupon ng Edukasyon ang resolusyong
nagsasaad na gagamiting midyum ng pagtuturo mula sa antas elementarya
hanggang tersyarya sa lahat ng paaralang pambayan o pribado at pasisimula sa
taong panuruan 1974--75.
Hunyo 19, 1974 - Nilagdaan ni Kalihim Juan Manuel ng Kagawaran ng Edukasyon at
Kultura ang Kautusang Pangkagawaran Blg.25 para sa pagpapatupad ng
edukasyong bilingwal sa lahat ng kolehiyo at pamantasan.

Pagkatapos ng Rebolusyon ng Edsa, bumuo muli ang pamahalaang rebolusyonaryo


ng Komisyong Konstitusyonal na pinamunuan ni Cecilia Muoz Palma. Pinagtibay ng
Komisyon ang Konstitusyon at ditoy nagkaroon muli ng pitak ang tungkol sa Wika:
Artikulo XIV - Wika
Sek. 6 - Ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nalilinang, ito
ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na Wika sa Pilipinas at sa
iba pang mga wika. Alinsunod sa mga tadhana ng Batas at sang-ayon sa nararapat
na maaaring ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang
Pamahalaan upang ibunsad at paspasang itaguyod ang paggamit ng Pilipinas bilang
midyum na opisyal na Komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang
pang-edukasyon.
Sek. 7 -Ukol sa mga layunin ng Komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal
ng Pilipinas ay Filipino at , hanggat walang itinatadhana ang batas, Ingles. Ang mga
wikang panrelihiyon ay pantulong ng mga wikang opisyal sa mga rehiyon at
magsisilbi na pantulong sa mga wikang panturo roon. Dapat itaguyod ng kusa at
opsyonal ang Kastila ng Arabic.
Sek. 8 - Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at dapat isalin
sa mga pangunahing wikang panrehiyon, Arabic at Kastila.
Sek. 9 - Dapat magtatag ag Kongreso ng isang Komisyon ng Wikang Pambansa na
binubuo ng mga kinatawan ng ibat ibang mga rehiyon at mga disiplina na
magsasagawa, mag-uugnay at magtataguyod ng mga pananaliksik sa Filipino at iba
pang mga wika para sa kanilang pagpapaunlad, pagpapalaganap at pagpapanitili.
Agosto 25, 1988 - Ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335 ay ipinalabas at
nilagdaan ni Pangulong Corazon Aquino na nagtatadhana ng paglikha ng Komisyong
Pangwika na siyang magpapatuloy ng pag-aaral ng Filipino. Gayon din, pinagtibay
ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng pagtuturo sa mga paaralan sa mga
piling asignatura.
Hulyo 15, 1997, nilagdaan at ipinalabas ni Pang. Fidel V. Ramos ang
Proklamasyon Blg. 1041 na ang papahayag ng taunang pagdiriwang tuwing Agosto
1-31 bilang Buwan ng Wikang Pambansa.
Pagsasanay
1. Batay sa mga nailahad na kahulugan ng wika, bumuo ng sarili mong kahulugan
ng wika sa pamamagitan ng akrostik. Tiyaking nauugnay sa kahulugan ng wika
ang bubuing akrostik.
W-

10

I-

K-

A-

2. Paano nakatutulong sa wikang pambansa ang varayti ng Filipino?


______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
3. Ipaliwanag ang mga sumusunod batay sa tadhanang Pangwika ng Kostitusyon
ng Pilipinas.
a. Ang Filipino bilang wikang pambansa
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

b. Ang Filipino bilang wika sa opisyal na komunikasyon


______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

11

c. Ang Filipino bilang opisyal na wikang panturo


______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
d. Habang itoy (Filipino) nalilinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin
pa slaig sa umiiral na mga wika sa Pilipinas at iba pang mga wika.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
4. Pangkatin ang mga salita ayon sa ibat ibang antas ng wika. Itala sa tsart sa
ibaba.

tuko

Lespu
Masaya
Sosi
mithiin
Tig-ang
Tsugi
Katawan
Datung
Ako ba ine
deadma

Pambansa

kumusta
ambot
dyip

ina
mayaman
dyutay

dugay
ala eh

mabunganga
magdilang-anghel
dine
nahuya
lakad-pagong
jowa

bukambibig
handog
ginintuang-puso
inde
talumpati
basing sisiw

gab-i
anak pawis
kumaon
balangkas
kapitwalastik

Pampanitikan

Lalawiganin

Balbal

12

Yunit 2

Mga Makrong Kasanayan


Sa pakikipagkomunikasyon ng tao, sa anyong berbal man o sa anyong
di-berbal, ang kanyang kakayahan sa larangan ng pagpapahayag ay lagi ng
nasasangkot. Sa kahusayan niya sa pagpapahayag nakasalalay ang linaw ng
mensaheng nais niyang iparating sa kanyang kapwa.
Upang ang tao ay mag-angkin ng isang mabisa at maayos na paraan
ng pagpapahayag tungo sa isang matagumpay na pakikipagkomunikasyon,
nararapat na paunlarin niya ang kasanayang pangwika. Ang kasanayang
pangwikang ito ang magiging tuntungang kaalaman ng isang tao upang
mabisa niyang maipahayag ang mensaheng nais niyang ipaabot.
Sa pagtuturo ng wika nararapat lamang na ilantad sa mga mag-aaral
ang ibat ibang makatotohanang gawain upang iparanas sa kanila ang tunay
na gamit ng wika. Maaaring bigyan sila ng maraming babasahing aklat,
palikhain ng tula at pasulatin ng maikling dula, paguhitin ng magagandang
tanawin lahat ng mga karanasang itoy magsisilbing matibay na pundasyon
sa pagkakaroon ng mag-aaral ng isang maunlad na wika.

Paano nalilinang ang mga kasanayang pangwika?


Nalilinang ang kasanayang pangwika sa palagiang pag-iisip na ang
kasanayang sa paggamit ng wika ay nasa mga arena ng komunikasyon. Ang
pagkatuto ng wika ay nagiging mabisa kung mabibigyan nang maraming
pagkakataon ang mga mag-aaral na makipagtalastasan sa kanilang mga
kaklase. Samakatuwid, ang isang klasrum na nakapagpapayaman sa pagunlad ng wika ay iyong kung saan ang mga mag-aaral ay aktibong
nagbabahagi ng kanilang mga personal na ideya at karanasan at
nagagawang maisaalang-alang ang mga ideya at kaisipan ng ibang tao tulad
13

ng kanilang mga kaklase, mga guro , mga awtor at mga tauhang


nakakatagpo nila sa mga aklat.

Makrong Kasanayan sa Pakikinig


Mga Bahagi ng Tainga

Kahulugan ng PAKIKINIG
Ito ay isang aktibong proseso ng pagtanggap ng mensahe sa
pamamagitan ng sensoring pandinig at pag-iisip. Aktibo ito dahil
nagbibigay-daan ito sa isang tao na pag-isipan, tandaan at ianalisa ang
kahulugan at kabuluhan ng mga salitang kanyang napakinggan.
Ito rin ay pagtugong mental at pisikal sa mensaheng nais ipabatid ng
tagapagdala ng mensahe. Ang sensoring pakikinig ay nananatiling
bukas at gumagana kahit na tayo ay may ginagawa. At naririnig natin
ang mga tunog na nagsisilbing stimuli. Ang wave stimuli na ito ay
dumaraan sa auditory nerve patungo sa utak.
Ang sensoring pakikinig ay nananatiling bukas at gumagana kahit na
tayo ay may ginagawa.
At naririnig natin ang mga tunog na
nagsisilbing stimuli. Ang wave stimuli na ito ay dumaraan sa auditory
nerve patungo sa utak.

Kahalagahan ng Pakikinig
Ang pakikinig ay isang mabilis at mabisang paraan ng
pagkuha ng impormasyon kaysa sa tuwirang pagbabasa.
Ang pakikinig sa kapwa ay daan upang ang bawat isa ay
magkaunawaan at magkaroon ng mabuting palagayan.
Sa pakikinig kinakailangan ang ibayong konsentrasyon sa
pag-unawa, pagtanda o paggunita sa narinig.

14

Sa pag-aaral na isinagawa mas maraming oras ang nagagamit ng


tao sa pakikinig kaysa sa pagsasalita dahil mas madalas ay mas gusto
pa niya ang makinig kaysa sa magsalita.
Lalo na ang mga mag-aaral sa loob ng silid-aralan. Mas gusto pa
ang makinig sa talakayan ng guro at kapwa mag-aaral kaysa aktibong
makilahok sa kanila.
45% ay nagagamit sa pakikinig
30% ay sa pagsasalita
16% ay sa pagbabasa
9% naman sa pagsulat
Pamamaraan sa Mabisang Pakikinig
Alamin ang layunin sa pakikinig
Magtuon ng matamang pansin sa pinakikinggan
Alamin ang pangunahing kaisipan sa pinakikinggan
Maging isang aktibong kalahok
Iwasang magbigay ng maagang paghuhusga sa kakayahan ng
tagapagsalita
Iwasan ang mga tugong emosyunal sa naririnig
Tandaan ang mga bagay na nakita at napakinggan

MGA URI NG PAKIKINIG


Deskriminatibo
Layunin;
matukoy ang pagkakaiba ng pasalita at di-pasalitang paraan ng
komunikasyon.
binibigyan pansin ang paraan ng pagbigkas ng tagapagsalita at
kung paano siya kumikilos habang nagsasalita.
Komprehensibo
Kahalagahan:
Maunawaan ang kabuuan ng mensahe.
Maintindihan ang nilalaman
at kahulugan ng kanyang
pinakikinggan.
Paglilibang
Layunin:
upang malibang o aliwin ang sarili
ginagawa para sa sariling kasiyahan
Paggamot
Kahalagahan:
matulungan ng tagapakinig ang nagsasalita na madamayan o
makisimpatiya sa pamamagitan ng pakikinig sa hinaing o suliranin ng
nagsasalita
Kritikal
15

Layunin:
gumamit ng pagbubuo ng hinuha upang makabuo ng ganap na
pag-aanalisa o pagsusuri sa paksang narinig.
Makabubuo ng analisis ang tagapakinig batay sa narinig
Malinawan ang tagapakinig sa puntong
nais niyang
maintindihan
Mga elementong Nakaiimpluwensiya sa Pakikinig
Edad o gulang

Kung bata ang nakikinig ng pahayag, di kailangang mahaba ang


pahayag dahil masyadong maikli ang kanilang interes, bukod pa sa kanilang
kakulangan sa pang-unawa.
Sa mga may edad na o matatanda na hindi rin ay hindi rin mabuti ang
mahabang pakikinig hindi dahil sa nababagot sila kundi dahil sa mga
nararamdamang nila sa katawan bunga ng kanilang kantandaan, katulad ng
pag-atake ng rayuma at ang kahinaan na ng kanilang pandinig.

Oras
Malaki rin ang impluwensiya ng oras sa pakikinig.
Ang isang tagapakinig na tawagan sa hatinggabi o sa madaling- araw
ay di kasing linaw ng pakikinig niya sa oras na gising na gising na ang
kanyang kamalayan.
May mga oras na de-peligro rin tayong tinatawag, ang isang
nagbibigay ng panayam na malapit na sa oras ng tanghalian ay din na
rin epektibo sa mga tagapakinig.
Ang mga estudyante na may klase sa umaga ay mas aktibong
tagapakinig kaysa mga estudyante panghapon.
Kasarian
Sinasabing magkaiba ang interes ng mga lalaki at babae
Ang mga lalaking
tagapakinig ay ayaw sa babaeng
tagapagsalita dahil maligoy masyado sa pagsasalita at
maraming sinasabi o ipinaliliwanag na nagiging negatibo para sa
kanila kaya hindi pinakikinggan.
At gusto rin nilang
pinakikinggan ay ang paksang may pansarili silang interes.
Ang mga babae naman ay ayaw sa lalaking tagapagsalita dahil
sa may katipiran ng mga ito sa pagbibigay ng paliwanag.
Higit na mahaba ang pasensiya ng babae sa pakikinig kaysa sa mga
lalaki dahil madali silang mainip
16

Tsanel
Paggamit ng instrumento sa paghahatid ng mensahe ay malaking
tulong upang magkaunawaan gaya ng cellphone, telepono,
mikropono, radyo atbp.
Epektibo pa ring tsanel sa pagpaparating ng mensahe ay ang personal
na pakikipag-usap kaysa sa paggamit ng instrumento dahil malinaw
na masasabi ang mensahe gayon din ang kanyang emosyon.
Kultura

Ang pagkakaiba-iba ng kultura ng tao ay nagiging dahilan din ng


mabuti at di-mabuting kawilihan sa pakikinig.

Ang pananalangin ng ating mga kapatid na katutubo ay iba sa


pananalangin nating mga kristiyano. Parehong Pilipino pero magkaiba
ng kultura.

Sa panayam, may mga tao na malayang nakapagtatanong at


sumasalungat habang nagsasalita ang tagapanayam pero mayroon
namang tahimik at taimtim lamang nakikinig habang nagsasalita ang
tagapanayam at magtatanong lamang sila kapag tapos na itong
magsalita.

Konsepto sa sarili
ang tagapakinig ay may katalinuhang taglay na maari niyang
magamit sa pagkontra o pagsang-ayon sa sinasabi ng
tagapagsalita.
Ang sariling pagpapakahulugan ng tagapakinig sa kanyang
naririnig na mensahe ng kausap ay maaaring magwakas sa
mabuti o di-mabuting katapusan.
Lugar
Ang tahimik at malamig na lugar ay lubusang nakahihikayat at
nakapagpapataas ng level ng konsentrasyon ng isang
tagapakinig ng isang panayam.
Ang mainit, maliit at magulong lugar ay nagdudulot ng pagkainis
at kawalang ganang makinig ng mga tagapakinig.
MGA URI NG TAGAPAKINIG
Eager Beaver
Siya ang tagapakinig na ngiti nang ngiti o tangu nang tango habang
may nagsasalita sa kanyang harapan, ngunit kung naiintindihan niya ang
kanyang naririnig ay isang malaking tanong.
Sleeper
Siya ang tipo ng tagapakinig na nauupo sa isang tahimik na sulok ng
silid. Wala siyang tunay na intensyong makinig.
Tiger
17

Siya ang tagapakinig na laging handang magbigay ng reaksyon sa


anumang sasabihin ng tagapagsalita upang sa bawat pagkakamali ay
parang tigre siyang susugod at mananagpang
Bewildered
Siya ang tagapakinig na kahit na anong pilit ay walang maiintindihan
sa naririnig. Kapansin-pansin ang pagkunot ng kanyang noo, pagsimangot
at anyong pagtataka o pagtatanong ang kawalan niya ng malay sa kanyang
mga naririnig.
Frowner
Siya ang tipo ng tagapakinig na wari bang lagi na lang may tanong at
pagdududa. Makikita sa kanyang mukha ang pagiging aktibo, ngunit ang
totoo, hindi lubos ang kanyang pakikinig kundi isang pagkukunwari lamang
sapagkat ang hinihintay lamang niya ay ang oportunidad na makapagtanong
para makapag-paimpres.
Relaxed
Isa siyang problema sa isang nagsasalita. Paanoy kitang-kita sa kanya
ang kawalan ng interes sa pakikinig. Itinutuon ang kanyang atensyon sa
ibang bagay at walang makitang iba pang reaksyon mula sa kanya, positibo
man o negatibo.
Busy Bee
Isa siya sa pinakaaayawang tagapakinig sa anumang pangkat, hindi
lamang siya nakikinig, abala rin siya sa ibang gawain tulad ng pagsusulat,
pakikipagtsismisan sa katabi, pagsusuklay, o anumang gawaing walang
kaugnayan sa pakikinig.
Two-eared Listener
Siya ang pinakaepektibong tagapakinig, nakikinig siya gamit hindi
lamang ang kanyang tainga kundi maging ang kanyang utak. Lubos ang
partisipasyon niya sa gawain ng pakikinig. Makikita sa kanyang mukha ang
kawilihan sa pakikinig.
MGA HADLANG SA PAKIKINIG
Pagbuo ng maling kaisipan
Pagkiling sa sariling opinion
Pagkakaiba-iba ng pakahulugan
Pisikal na dahilan
Pagkakaiba ng kultura
Suliraning pansarili

Makrong Kasanayan sa Pagsasalita

Mga Bahagi ng Bibig

18

Kahulugan ng Pagsasalita
Ito ay kakayahan at kasanayan ng isang tao na maihayag
ang
kanyang
ideya,
paniniwala
at
nadarama
sa
pamamagitan ng paggamit ng wikang nauunawaan ng
kanyang kausap.
Pag-uusap ng dalawa o higit pang bilang ng mga tao:
ang nagsasalita at ang kinakausap

Kahalagahan ng Pagsasalita
Mahalaga ang pagsasalita dahil:
naipaaabot sa kausap ang kaisipan at damdaming niloloob ng
nagsasalita
nagiging kasangkapan sa pagkakaunawaan ng mga tao
nakapag-aanyaya o nakaiimpluwensiya ng saloobin ng nakikinig
naibubulalas sa publiko ang opinyon at katwirang may kabuluhan sa
kapakanang panlipunan upang magamit sa pagbuo ng mga patakaran
at istratehiya sa pagpapatupad ng mga ito.

Mga Pangangailangan sa Mabisang Pagsasalita


Kaalaman
Kasanayan
19

Tiwala sa Sarili
Mga Kasangkapan sa Pagsasalita
tinig
bigkas
tindig
kumpas
kilos
Limang Kasanayan sa Pagsasalita
Pakikipag-usap
pakikipanayam
pagkatang talakayan
pagtatalumpati
pakikipagdebate

Pakikipag-usap
Sa pakikipag-usap kinakailangang isaalang-alang ang:
* Kailangang kakitaan ng paggalang sa isat isa
* may matapat na layunin sa pakikipag-usap
* Sa pakikipag-usap, kinakailangan ng palitan ng ideya, huwag
solohin ng isa sa
alinman sa nag-uusap ang pagsasalita
* Ang pokus ng usapan ay may kinalaman sa interes at karanasan ng
nag-uusap
* Ang pag-uusap ay likas, bukal at kusang-loob

Pakikipanayam (Interbyu)
Mga dapat tandaan sa pakikipag-ayos/pagsasagawa ng
pakikipanayam:
Pakikipagtipan sa kakapanayamin, pagtatakda ng araw,
oras, at lugar na maluwag sa kakapanayamin
Pagbanggit sa kakapanayamin tungkol sa pangkalahatang
paksa
Pagtatala ng mga katanungan na maaaring itanong sa
kakapanayamin
Maging maayos sa pananamit at dumating sa takdang oras
Maging magalang, makinig ng mataman at magpakita ng
kawilihan
Iwasan ang pagtatanong na makaka-ofend sa kinakausap at
mga katanungang sinasagot ng oo o hindi lamang
Magpasalamat sa kinakapanayam pagkatapos ng interbyu
20

Pangkatang Talakayan
Mga dapat tandaan kung kalahok sa pangkatang talakayan;
1. Pakinggan ang bawat sasabihin ng mga kasama sa pagtatalakayan
2. Makibahagi, huwag matakot maglahad ng katotohanan, huwag
manatiling tahimik
3. Huwag lilihis sa paksang pinag-uusapan na maaaring makapagpabagal
sa
talakayan
4. Magkaroon ng bukas na isipan
5. Iwasan ang maling pangangatwiran at pag-iisip, huwag sasalungat sa
katuwiran
ng higit na nakararami
5. Iwasan ang pagiging mapagmataas o makipag-alit sa mga kasama

Pakikipagdebate o pagtatalo
Tungkol sa pagtuligsa:
a. Ipahayag ang kamalian ng kalaban
b. Ilahad ang walang katotohanang sinabi ng kalaban
c. Talakayin ang mga kahinaang katibayan ng kalaban
d. Ipahatid na wala sa paksa ang mga patunay at katuwiran ng kalaban
Tungkol sa pagtatanong
a. Magtanong tungkol sa talumpating kabibigay ng sinundang tagapagsalita
b. Di dapat magtanong ang dalawang tagapagsalita sa iisang tagapagsalita
c. Huwag payagang magtanong sa kanya ang kalaban kung siya ang
nagtatanong

Uri ng Talumpati
Impromptu
Ito ay biglaang talumpati na binibigkas nang walang ganap na paghahanda.
Gabay sa pagbigkas ng biglaang talumpati:
Maglaan ng oras sa paghahanda
Magkaroon ng tiwala sa sarili
Magsalita nang medyo mabagal
Magpokus sa paksa habang nagsasalita

Kahinaan sa pagtatalumpati
21

1. Nauumid, nauutal at hindi makapagsalita ng maayos kapag


nakaharap sa maraming tao.
2. Masyadong magalaw ang katawan at hindi nakapokus ang pansin sa
mga
nakikinig
3. Hindi maramdaman ng mga tagapakinig ang kataimtiman at
katotohanan ng
bawat salitang
binibitiwan.
4. Masyadong mahina ang tinig at hindi sapat upang marinig ng lahat
ang
sinasabi ng mananalumpati

Extemporaneous
Ito ang pagbigkas sa isang kompetisyon na walang tiyak na
kahandaan sa pagbigkas.
Mga itinakdang konsiderasyon para sa extempore:
Limitado sa oras sa pagitan ng pagkuha ng paksa at sa mismong
paligsahan
Pagtatakda ng oras sa pagtatalumpati

Mga mungkahi kung paano makapagsasalita ng maayos sa harap


ng madla:

Magkaroon ng positibong pananaw, isiping kaya mong magsalita sa


harap ng madla. Isipin ding hindi nag-iisa, dahil lahat ng tagapagsalita
ay kinakabahan sa mga unang segundo o munuto ng pagsasalita.
Magtiwala sa iyong sarili, isiping msay mahalagang ideya na ibabahagi
sa madla.
Tanggapin mo ang iyong sarili, ang iyong tagumpay at kabiguan, ang
iyong kalakasan at kahinaan, ang iyong kagandahan at kapintasan,
isiping maging ang mga taong may depekto ay maari ring
magtagumpay.
Magkaroon ng marubdob na pagnanasang maging mahusay na
tagapagsalita.
Harapin mo ang takot, huwag mong takasan. Hindi ka magkakaroon
ng karanasan kung hindi mo susubukan.
Magpraktis ka ng magpraktis. Magsimula sa pagharap sa maliliit na
pangkat hanggang sa malalaking madla.
Isiping ang mga madlang tagapakinig ay palakaibigan at hindi
mapanghusga.
Magdasal, humingi ng lakas at dunong sa Poong Maykapal.

Makrong Kasanayan sa Panonood

22

Makrong Kasanayan sa Pagbasa


Sa kasalukuyan, ang daigdig ay punung-punong ng mga babasahin saan ka
man dumako o anumang oras ay marami kang mababasa sa paligid.
Pinapansin ba natin ang mga ito? Binabasa ba at binibigyan ng wastong
interpretasyon o pagpapakahulugan. Batid natin na ang bawat isa ay abala sa
maraming gawain sa araw-araw, tuloy nakakaligtaan natin ang isa pang mahalagang
kasanayan ang pagbasa. Batid nyo ba na ang pagbasa ay ikatlo sa may
pinakamalaking bahagdang inilalaman ng tao sa kanyang gawain sa isang buong
araw. Sa apat na makrong kasanayan, matapos tayong matutong makinig (may 45%)
at magsalita (may 30%) ang ikatlong dapat nating matutunan ay ang pagbasa (may
16%) at panghuli, ang pagsulat (may 9%).
Ang kakayahan sa pagbasa ay sinasabing daan tungo sa kaalaman at
katalinuhan ng isang tao. Ang talino ay natatanging puhunan ng tao sa
pakikipagsapalaran niya sa buhay sapagkat nahahasa ang kakayahang umunawa at
mag-interpreta ng mga bagay-bagay mula sa nakalimbag na sagisag upang magamit
niya sa kabutihan at kaunlaran. Kayat malaki ang naitutulong ng pagbabasa sa
ikauunlad ng isang tao gayundin ng isang bansa. Subalit, sa isang ulat ni Tina
Panganiban-Perez noong Abril, 2005 sa Reporters Notebook ng GMA 7, ayon sa
National Book Development Board nakababahala ang mababang bilang ng mga
Pilipinong nagbabasa hindi lang dahil sa epekto sa mga manunulat kung di sa
implikasyon nito sa kalidad ng edukasyon ng mga Pilipino. May 43% ng mga Pilipino
ang hindi nagbabasa ng isang libro sa loob ng isang taon, 15% ang nagbabasa ng 2 o 3
libro na di obligado ng kanilang paaralan at 15% lamang sa mga Pilipino ang bumibili
ng kanilang sariling aklat, karamihan pa nga rito ay hinihiram o kayay regalo lamang.
Ang ulat na ito ay nagpapatunay lamang na binabalewala ng mga kabataan ang
kasanayang ito. Kung kelan pa naman dumami ang mga nakalimbag na babasahin
dahil sa mga nakaweb na informasyon sa internet ay saka pa nagkaroon ng problema
ang mga kabataan sa kakayahang pagbasa.
Ayon kay Dr. James Conan (Lalunio, 1985). Ang pagbasa ay maituturing na
pundasyon sa edukasyon. Ito ang pinakamahalagang asignaturang dapat matutunan
ng mga bata upang makasabay sila sa mabilis na takbo ng panahon. Ito rin ang
magiging kasangkapan nila sa mga ninanasa nilang pagbabago sa buhay, sa
komunidad, maging sa pamahalaan. Sa ngayon, naglipana ang ibat ibang imbensyon
at mga mahahalagang teknolohiya bunga ng pagpalawak ng kaalaman ng tao mula sa
ibat ibang karunungan at disiplinang tulad ng siyensya, agham panlipunan,
pilosopiya, matematika, ekonomiya, sosyolohiya, pulitika, kalusugan, sining at iba pa.
Nakalalabas tayo ng bansa sa pamamagitan ng pagbabasa ang sabi ni
Stevenson. Batay sa kanyang pahayag ang pagbasa ay nagsisilbing passporte o tiket sa
paglalakbay patungo sa ibat ibang lugar sa daigdig na nais nating puntahan. Sa
pamamagitan nito nakikilala natin ang mga taong bantog at dakila sa kani-kanilang
panahon at lugar kahit di nakikita. Ang pagbasa ang unang hakbang sa anumang
larangan ng pag-aaral at pagkatuto. Ito ang daan tungo sa panibagong karanasan
sapagkat limitado ang matutunan at mararating ng isang tao kung ang sariling
karanasan lamang ang aasahan samantalang malawak at walang hanggan kung siyay
magbabasa.
23

Kahulugan

Ang pagbasa ay interpretasyon ng mga nakalimbag na simbolo ng kaisipan.


Pagpapakahulugan ito ng mga nakatitik na sagisag ng mga kaisipan.

Ang pagbasa ay pagtanggap ng mga mensahe sa pamamagitan ng pagtugon ng


damdamin at kaisipan sa mga titik at simbolong nakalimbag sa pahina.

Ang mapagbabasa ay susi sa malawak na karunungan natipon ng daigdig sa


mahabang panahon.

Ayon kay Arrogante, ang pagbabasa ay nakapagpapalawak ng pananaw at


paniniwala sa buhay, nakapagpapatatag sa tao na harapin ang mga diinaasahang suliranin sa buhay.

Ang pagbasa ay nakapagpapataas ng uri ng panlasa sa mga babasahin

Ayon kay Thorndike, ang pagbasa ay hindi pagbibigay tanong lamang sa mga
salitang binabasa kundi pangangatwiran at pag-iisip.

Ayon kay Toze, ang pagbasa ay nagbibigay ng impormasyon na nagiging daan


sa kabatiran at karunungan. Itoy isang aliwan, kasiyahan, pakikipagsapalaran,
paglutas sa mga suliranin at nakapagdudulot ng ibat ibang karanasan sa
buhay.

Pagkilala at pagkuha ng mga ideya at kaisipan sa mga sagisag na nakalimbag


upang mabigkas ng pasalita. Ito rin ay pag-unawa sa wika ng awtor sa
pamamagitan ng mga nasusulat na simbolo. Paraan din ito ng pagkilala,
pagpapakahulugan at pagtataya ng mga simbolong nakalimbag.

4 teorya ng Pagbasa

a. Teoryang Bottom-Up- Ito ay isang tradisyonal na pagbasa. Ito ay bunga ng


teoryang behaviorist na higit na nagbibigay pokus sa kapaligiran sa paglinang
ng komprehension sa pagbasa. Ayon sa teoryang ito, ang pagbasa ay pagkilala
ng serye ng nakasulat na mga simbolo upang maibigay ang katumbas nitong
tugon. Nananalig ang teoryang ito na ang pagkatuto sa pagbasa ay nagsisimula
sa pagkilala sa mga titik, salita, parirala, at pangungusap bago malaman ang
kahulugan ng teksto. Sinasabi nitong ang pagbasa ay pagkilala ng mga salita, at
ang teksto ang pinakamahalaga sa pagbasa. Ang mambabasa ay isang pasib na
partisipant lamang sa proseso ng pagbasa dahil ang tangin tungkulin niya ay
ulitin ang lahat ng mga detalyeng nakasaad sa tekstong kanyang binasa. Ang
24

proseso ng pag-unawa ayon sa teoryang ito, ay nagsisimula sa teksto (bottom),


patungo sa mambabasa (up), kaya tinawag itong bottom up.
b. Teoryang Top-Down- Nabuo ito bilang reaksyon sa naunang teorya. Ito ay
dahil napatunayan ng maraming dalubhasa na ang pag-unawa ay hindi
nagsisimula sa teksto kundi sa mambabasa tungo sa teksto. Ito ay impluwensya
ng sikolohiyang Gestaltna naniniwalang ang pagbasa ay isang prosesong
holistik. Ayon dito, ang mambabasa ay napakaaktib na partisipant sa proseso
ng pagbasa, na siya ay may taglay na dating kaalamang nakaimbak sa kanyang
isipan ay may sariling kakayahan sa wika na kanyang ginagamit habang
nakikipagtalastasan sa may-akda sa pamamagitan ng teksto. Tinatawag din ang
teoryang ito na inside out o cenceptually-driven dahil ang kahulugan o
impormasyon ay nagsisimula sa mambabasa patungo sa teksto. Ito ay
nangyayari dahil ang mambabasa ay gumagamit nga kanyang mga dating
kaalaman at ng konseptong nabuo sa kanyang isipan mula sa kanyang mga
karanasan at pananaw sa paligid. Bunga nito, nakakabuo siya nga kanyang mga
palagay at hinuha na kanyang iuugnay sa mga ideyang inilalahad ng awtor ng
isang teksto.
c. Teoryang Interaktib- Bunga naman ito ng pambabatikos ng mga dalubhasa sa
ikalawang teorya. Ayon sa mga proponent nito, ang top-down at maaaring
akma lamang sa mga bihasa nang bumasa at hindi sa mga baguhan pa lamang.
Higit na angkop daw ang kombinasyong top-down at bottom-up na
nagpapahiwatig ng dalawang direksyon ng komprehensyon, itaas-pababa at
ibaba-pataas. Ayon sa teoryang ito, ang teksto ay kumakatawan sa wika at
kaisipan. Dito nagaganap ang interaksyong awtor-mambabasa at mambabasaawtor.. kung gayon, ang interaksyon ay may dalawang direksyon o bidirectional. Masasabing ang teoryang ito ay isang pagbibigay-diin sa pagunawa sa pagbasa bilang isang proseso at hindi bilang produkto.
d. Teoryang Iskima- Mahalaga ang tungkuling ginagampanan sa pagbasa ng
dating kaalaman ng mambabasa. Ito ang batayang paniniwala ng teoryang
iskima. Bawat bagong impormasyong nakukuha sa pagbabasa ay naidaragdag
sa dati nang iskima. Samakatuwid, bago pa man basahin ng isang mambabasa
ang teksto, siya ay may taglay nang ideya sa nilalaman ng teksto mula sa
kanyang iskima sa paksa. Maaaring binabasa na niya lamang ang teksto upang
mapatunayan kung ang hinuha o hula niya tungkol sa teksto ay tama, kulang o
dapat baguhin. Dahil dito, maaaring sabihin na ang teksto ay isang input

25

lamang sa proseso ng komprehensyon. Hindi teksto ang iniikutan ng proseso


ng pagbasa, kundi ang tekstong nabubuo sa isipan ng mambabasa.
Bumabasa ang tao dahil sa ibat ibang kadahilanan:
may nagbabasa upang kumuha ng dagdag kaalaman o karunungan
may nagbabasa dahil gusto niyang malaman ang nangyayari sa paligid,
ayaw niyang mapag-iwanan ng takbo ng panahon
may nagbabasa upang maaliw o malibang , mabawasan ang pagkainip at
pagkabagot na nararamdaman

Layunin sa Maunlad na Pagbasa

Mapabuti ang pag-unawa at bilis sa pagbasa

Maihanda ang mga tiyak na kagamitan sa masaklaw at masidhing pagbasa

Makilala ang mga paksang pinag-aaralan upang matamo ang impormaasyon


hinggil sa ibat ibang larangan tulad ng sining, agham at mga bagay na
pangkatauhan o humanities.

Magamit ang pagbasa sa pagpapabuti ng mga kasanayan sa pakikinig,


pagsasalita at pagsulat

Matamo ang pagsasarili sa pag-aaral at magkaroon ng mabisang pag-uugali sa


pag-aaral sa tahanan, paaralan at aklatan.

Mapadalisay ang mga kasanayan sa kritikal na pag-iisip sa pamamagitan ng


pagtataya at pagpapahalaga sa mga binabasa.

Makamtan ang kasiyahan at katuwaan na dulot ng pagbabasa.

Ayon kay Nikolai Bogdanov-Belsky, (1895). Ang pagbabasa ay ang proseso ng


pagkuha at pag-unawa sa ilang anyo ng inimbak o nakasulat na impormasyon o ideya.
Kadalasang kinakatawan ng ilang uri ng wika ang mga ideya na ito, bilang mga
simbolo na sinisuri ng paningin, o hipo (halimbawa Braille). Maaari na di nakasalig sa
wika ang ibang uri ng pababasa, katulad ng notasyon sa musika o piktogram. Sa
paghahambing, sa agham pangkompyuter, tinatawag na pagbabasa ang pagkuha ng
datos mula sa ilang uri ng imbakan ng kompyuter.
Kahit na ang pagbabasa ngayon ay isang pangunahing dahilan sa karamihan
nga mga tao upang makakuha ng impormasyon, naging ganito lamang ito noong
nakalipas na 150 na taon o mahigit pa, na may unting eksepsyon, tulad ng mga
kolonya ng Amerika, na may maliit na bilang ng populasyon sa ibang bansa na
muwang na bago pa ang rebolusyong industriyal.

26

Bakit nagbabasa ang tao?


Nagbabasa ang tao upang matuto o madaragdagan and kanilang mga kaalaman
tungkol sa mga bagay-bagay o di kaya makakasinop ng mga mahahalagang
impormasyon sa pangkapaligiran o sa ibang bansa sa kasalukuyan at sa hinaharap.
Karamihan sa mga tao ang pagbabasa ay ginagawang pampalipas-oras o libangan
para maiwasan ang pagkabagot sa buhay at lagging sunod sa uso na napapanahon.
Sa pagbabasa rin, kinababatiran din ng mga aral na panghahawakan sa arawaraw na pamumuhay at baguhin ang mga pananaw sa pagtunton ng direksyong
patutunguhan, kakitaan ng lakas na tumutulak sa pagtutuklas ng mariringal na
kaisipan, tungo sa paglilikha ng mga bagay na kapakipakinabang. Datapwat, sa
masisinop at matatalinong mambabasa at kalinawanagan sa isip at kaluluwa.

Halimbawa:
1.) Kung ang isang tao na walang trabaho at kailangan niya maghahanapbuhay
para sa ikakabuhay ng kaniyang pamilya, ang ginawa niya bumili sya ng
diyaryo o magasin na babasahin o di kaya nag-internet at siya ay nagbabasa
at sa pamamagitan niyan nakakita siya na mayroong naghahanap ng
trabaho at agad niya itong pinuntahan at mag-apply at dahil doon may
trabaho na siya kung sakaling tatanggapin sa inaaplayan na pwede siya dun
o depende sa kanyang pinag-aralan.

MGA URI NG PAGBASA

Ang pagbasa ay mauuri ayon sa paraan at layunin

Mga uri ng pagbasa ayon sa pamamaraan

Mabilisang pagbasa (skimming) ang pinakamabilis na pagbasa na


nakakaya ng isang tao. Nagtuturo ito sa mambabasa upang malaman ang
pangkalahatang pananaw na matatagpuan sa mga aklat at iba pang nakalaimbag
na babasahin. Tinatatawag din itong pinaraanang pagbasa at pinakamabilis na
paraan ng pagbasa.
Ginagamit ang paraang ito sa pamamagitan ng mga sumusunod:
Pagtingin at pagbasa nang mabilisan sa kabuuang nilalaman ng isang
aklat
pagtingin at pagbasa
pananaliksik (key word)

ng mahahalagang datos na kailangan sa

pagkuha sa pangkalahatang impresyon sa nilalaman


27

Pahapyaw na Pagbasa - (scanning) tumutukoy sa paghahanap ng isang


tiyak na impormasyon sa isang pahina. Ito ang uri ng pagbasa na hindi
hinahangad na makuha ang kaisipan ng sumulat dahil sa mahalaga ritoy
makita ang hinahanap sa madali at mabilis na paraan. Tulad ng paghahanap ng
telepono sa direktoryo, paghahanap ng trabaho, mga paupahang
establisemento (buy & sell), pagtingin sa resulta ng mga eksamen , numerong
nanalo sa swipstiks, lotto atbp.
Pagsusuring Pagbasa (Analytical reading) nakasalalay sa mga materyales
ang gawaing pagsusuri sa pagbasa. Ginagamit ditto ng matalino at malalim na
pag-iisip. Nahahasa rito ang kahusayan ng mag-aaral sa pamamagitan ng
kanyang mapanuring pag-iisip.
Pamumunang Pagbasa (Critical reading)- Dapat na matiyak ng mambabasa
na naunawaan ang buong nilalaman ng akda. Sa pamumuna hindi lamang ang
nilalaman ng akda ang binibigyan ng pansin. Kasama rito ang pagpuna mula
sa pamagat, simula, katawan (nilalaman) at wakas ng akda. Binibigyan din ng
pansin o puna ang istruktura ng mga pangungusap, ang mga ginamit na salita
o istilo sa pagsulat ng may-akda. Tinitingnan din ang kalakasan at kahinaan ng
paksa at may-akda.
Tahimik na Pagbasa (silent reading) mata lamang ang gumagalaw sa uri ng
pagbasang ito, walang puwang dito ang paggamit ng bibig kaya walang tunog
ng salita ang nalilikha ng bumabasa ng teksto.
Pasalitang pagbasa (oral reading) pagbasa ito sa teksto na inaangkupan ng
wastong pagbigkas sa mga salita at sapat na lakas ng tinig upang sapat na
marinig at maunawaan ng mga tagapakinig.
Masinsinang Pagbasa hindi ito undertime pressure
na pagbasa.
Binibigyan dito ng guro ang mga mag-aaral ng sapat na panahon upang maisaisang basahin at mapagtuunan ng pansin ang mga salitang bumubuo sa teksto.
Pagpapabasa sa mag-aaral sa bahay ng isang teksto at sa pamamagitan
ng kanyang nabasa ay ipalahad ang buod, aral at pananaw sa kanyang binasang
aklat. Madadagdagan ang kanyang kaalaman sa pamamagitan ng ganitong
pamamaraan.

Ayon sa layunin

Pagbasang nakapagtuturo nagbabasa ang isang tao dahil mayroon


siyang nais malaman o marating. Kailangan natin ang layuning ito
upang maragdagan ng bago an gating dating kaalaman. Kasiya-siya ito
dahil napapaunlad nito ang bawat larangan na ating tinatahak.
28

Pagbasang paglilibang - ang pagbabasa ay mainam gawing libangan


dahil nakapagpapataas ng isip at diwa ng tao. Ito ang pagkain ng ating
isipan at may kaligayahang naidudulot sa ating buhay.
Iba pang Uri ng Pagbabasa
Mayroong apat na uri ng pagbabasa. Ginagawa ng tao ang pagbabasa ng mga
babasahin dahil sa mga sumusunod na mga dahilan: ang pagbabasa upang malibang,
ang pagbabasa para sa kabatiran, ang pagbabasa para sa pakikipagsapalaran, at ang
pagbabasa para sa pagkamulat.

Mahalagang Kasanayan sa Pagbasa


Pagkilala sa mga salita (word perception)
Kakayahang umunawa sa ibat ibang kahulugan ng salita, pagpapantig,
pagbabaybay at pagbigkas
Pag-unawa (comprehension)
Kakayahan sa pag-unawa mula sa payak hanggang sa mas mabigat at
masalimuot na bahagi ng akda.
Pagpapahalagang literari (literary appreciation)
May kakayahang umunawa at pagkagiliw sa pagpapahalaga ng mga
tradisyunal, makabago at napapanahong isyu.
Pananaliksik at pandiksyunaryong kasanayan (Research & dictionary skills)
May kakayahan sa paghahanap o pagsisisyasat sa mga bagay at kaalamang dimakita o matagpuan

Sinasabi na ang pagbasa ay isang proseso gayon din ng isang kasanayan. Sa


pahayag na ito maaaring pagbatayan ang kahulugang ibinigay ni Urquhart at Weir
(Arrogante 2003) na ang pagbasa ay isang proseso ng pagtanggap at pag interpreta ng
mga informasyong nakakoda sa anyo ng wika sa pamamagitan ng limbag na midyum

KAHALAGAHAN NG PAGBASA
Napakahalaga ng pagbabasa sa isang tao sapagkat dito niya nakukuha ang kabatiran, karanasan,
maraming informasyon tungkol sa mga bagay-bagay sa ating paligid at nahahasa pa ang kakayahang
umunawa nang mas malalim na kaalaman.

29

1. Pampaglalakbay-diwa- sa pamamagitan ng pagbabasa, nararating at nakikita natin ang


mga lugar na sa panaginip ay di natin nararating at nakita sa tulong ng mga
paglalahad at paglalarawan sa mga ito nakalalabas tayo ng bansa.
2. Pangkaalaman- sa pagbabasa makakuha ng maraming informasyon, mahalaga man o
hindi tungkol sa mga bagay-bagay, pangyayari at mga kaganapan sa kapaligiran,
maging sa kaliit-liitang bagay na may kinalaman sa buhay at pamumuhay ng bawat tao.
3. Pangkasaysayan- sa tulong ng pagbabasa sa mga naitalang kasaysayan, nababaliktanaw natin ang nakaraan, kung walang nakatalang mga pangyayari sa nakaraang
panahon, di natin mauunawaan ang nakaraan, mapapahagahan natin ang kasalukuyan
at mapaghahandaan naman ang hinaharap.
4. Pangkasiyahan- ito ang may pinakamataas na rating sa kahalagahan ng pagbasa.
Madalas, ang mga Pilipino ay nagbabasa na ang layunin ay upang mag-aliw lamang at
takasan ang mga problema sa buhay, sa halip na tumunganga at mag-ubos ng oras sa
walang kakwenta-wentang bagay, sa pagbabasa, marami siyang mapupulot na
magagandang kaisipan na maaaring sa tunay na buhay.
5. Pangmoral- sa pagbabasa, nakakukuha tayo ng mga gintong-aral sa buhay na siyang
kinakasangkapan sa pang-araw-araw na pakikibaka sa mga suliraning kinakaharap ng
tao upang maging matatag, magprinsipyo, may paninindigan, naliliwanagan sa tamang
direksyon at nagkakaroon ng malawak na pananaw sa buhay. Tulad ng pagbabasa ng
bibliya, apektado ang personalidad at pagkatao ng isang nilalang, maaaring mabago
ang pag-uugali nito.
6. Pangkapakinabangan- maraming pakinabang ang pagbabasa tulad ng pagtuklas sa mga
matatayog na kaisipan o ideya na siyang nagiging puhunan ng mga sayantist, mga
eksplorer at mga matatagumpay na pinuno ng bansa sa pagtuklas, pag-imbento at
pamumuno tungo sa pag-unlad.

Makrong Kasanayan sa Pagsulat


Isang malaking biyaya sa tao ang pagiging marunong niyang sumulat dahil may mga
bagay na hindi medaling sabihin ngunit sa pamamagitan ng pagsulat may maipapahayag ang
damdamin tungo sa tumatanggap. Madaling matutukoy kung kalian unang natutong sumulat ang
tao, maaaring itoy sa kanilang mga tahanan o sa paaralan.
Sa kasalukuyan mayroon na tayong mga makabagong paraan ng paghahatid ng mensahe
gaya ng mga cellphone na gumagamit ng pagtetext at mga computer para sa e-mail subalit ang
pagsulat sa mga salita y pinaiikli at minsan nawawala ang gramatikong konsepto dito. Ang mga
di-sanay gumamit sa mga ito ay nahihirapan sa pag-unawa. Kahit sa ganito lamang, ang
mahalaga ay naihahatid pa rin natin ang mensaheng gustong ipabatid sa kabilang linya.
Hindi pa rin mapapalitan ang kagnadahan ng mga sulatin kung itoy sumusunod sa
proseso ng pagsulat. Ang isang mabisang pagsulat ay nangangailangan ng isang tamang proseso
kaya napakahalagang dapat pag-aralan ang tungkol sa pagsulat.
Ayon kay Jacobs, isang pananaliksik ang nagpatunay ng isang epektibong paraan sa
pagpapayaman ng pagsulat ng komposisyon ay ang mga huwarang literature, malayang sulatan,
kombinasyon ng mga pangungusap at rubrics. (2003)
30

Kahulugan ng Pagsulat
Ang pagsulat ay isang paraan upang ang kaisipan ng isang tao ay kanyang maipahayag sa
pamamagitan ng mga simbolo. Ito ay isang paraan ng pagpapahayag kung saan naiaayos ang
ibat ibang ideya na pumapasok sa ating isipan.
Ayon kay Badayos (1999), ang pagsulat ay isang kontinwum ng mga Gawain sa pagitan
ng mekanikal o pormal na aspekto ng pagsulat sa isang banda at nang mas kompleks na gawain
ng paglikha sa kabilang dulo. Itoy binigyang bigat ni Rivers (1975) nang sinabi niya na ang
pagsulat ay isang gawaing nag-uugat mula sa pagtamo ng kasanayan (skill-getting) hanggang
ang mga kasanayang ito ay aktwal na magagamit (skill-using).
Ang mga isusulat natin ay mula sa ating mga naririnig at nababasa. Subalit ang nababasa
rin natin ay mula sa mga naisusulat kaya tama nga ang sinabi ni Badayos rin natin ay mula sa
mga naisusulat kaya tama nga ang sinabi ni Badayos, (1999), ang pagsulat ay mahalagang daan
upang mapagsama-sama at mapatibay ang mga kasanayang natamo sa iba pang kasanayan.
Kahalagahan ng Pagsulat
Mahalaga ang pagsulat dahil:
kung marunong tayong sumulat makaaangat tayo sa iba dala na rin ng mahigpit na
kompetisyon sa ngayon.
Makasasagot tayo sa mga pagsusulit na pasanaysay, pagbibigay ng ulat, pagtatala ng
resulta ng mga eksperimentasyon at paglikha ng mga papel pananaliksik dahil ito ay
bahagi ng pananagumpay.
Sa daigdig ng edukasyon,kailangang sumulat tayo ng liham ng aplikasyon, paggawa ng
balangkas pangkaunlaran, gumawa ng anunsyo, umapila sa paglilikom ng pondo,
sumagot sa pakiusap ng mga kliyente at maramipang iba.

Proseso ng Pagsulat
Ang mabuting pagsulat ay nakukuha sa pamamagitan ng pagsasanay, ng maraming
pagtatangka at pag-uulit ng manuskrito. Maaari ring tularan ang iba at alamin ang kanilang
pamamaraan sa pagsusulat lalo nat kinakailangan natin ito sa pakikipag-ugnayan sa buong
mundo.
Isang prosesa ang pagsusulat at dalawa ang direksyon nito: una , upang tuklasin sa sarili
ang kakayahang makapagpapahayag ng ideya dahil itoy mekanikal lamang at basta lalabas
ang alam na gustong sasabihin, ikalawa, upang makabuo ng sulating naaayon sa
pagkasunud-sunod at pagkakaugnay-ugnayan ng mga kaisipan.
Ang proseso ng pagsulat ay hindi lamang nakafokus sa akto ng pagsulat. Kasangkot ditto
ang mga manunulat sa pag-iisip, pagtatalakay, pagbabasa, pagpaplano, pagsulat, pag-eedit at
pagsulat muli sa nabuong sulatin. Ang pagsulat ay isang prosesong paulit-ulit na pagsulat at
pagkatapos ay pagsulat muli hanggang sa mabuo ang sulatin.
Mga Yugto sa Proseso ng Pagsulat
Isang hamon sa mga estudyante ang mga gawaing pasulat. May mga estudyante ang
nahihirapan sa gawaing ito sapagkat hindi nila nakasanayan, nakakatamaran, o hindi nila
nakakahiligan ang pagsulat. Ang mga katuwirang ito ay maaaring palagay lamang. Ang totoo
nito, magagawa natin ang pagsulat nang maayos kung susundin natin ang pagsulat na isang
proseso at hindi isang gawain na dala lamang ng pangangailangan.
31

Bilang isang proseso, ang pagsulat ay binubuo ng mga sumusunod na yugto:


A. Bago Sumulat (Prewriting)

Walang sinumang aalis para magbakasyon nang walang plano kung saan pupunta.
Walang sinuman ding magsimulang magtayo ng bahay nang walang plano kung ano ang
magiging hitsura nito. Walang sinuman ang magsimulang magluto nang walang ideya
kung ano ang ipapakain. Ang pre-writing ay isang istratehiya tungo sa formal na pagsulat.
Ito ang unang hakbang na isasagawa sa pagpapaunlad ng paksang isusulat. Ang gawaing
ito ay maaaring ginagawa nang isahan o nang pangkatan.
Ang unang yugto ng pagsulat ay naisasagawa ayon sa mga sumusunod na paraan.
1 Pumili ng paksa. Magtala ng marami. Huwag intindihin kahit ang ilan ay katawatawa. Sa mga nakalistang paksa pumili ng isa o dalawa na inaakalang
makatawag-pansin at posibleng sulatin. Isulat ang napili sa itaas ng papel. Isipin
ang kailangang haba ng sulatin at ang panahong gugulin at ang tinatayang sukat
ng sulatin.

Saan makakuha ng mga ideya o paksa?


Mga magazine,pahayagan, periodical, CD-ROM

Intervyu kaugnay sa paksa

Midya-radyo, telebisyon,internet

Mga pelikula at dokumentaryo

Sining biswal-pagmamasid at paglikha

Mga panaginip

Mga alaala

Diskusyon at palitang-kuro

Pagsasatao at pagsasadula

Pananaliksik

Imahinasyon

Imbentaryo ng sariling interes

Imbentaryo ng interes ng klase


Alamin ang tiyak na layunin sa pagsulat at ang tiyak na babasa nito. Ang
matamang pagkakaunawa sa layunin at sa mambabasa ang magpapalinaw sa
paksang tatalakayin. Kailangang maitalaga kung ano ang sasabihin, siya bay
32

maglalarawan ng isang tauhan o mangangatuwiran ba sa isang isyu o maglalahad


lang ng impormasyon.
B. Pagsulat ng Burador (Draft Wrting)
Itoy aktwal na pagsulat nang tuluy-tuluy na hindi isinasaalang-alang ang
maaaring pagkakamali. Ang mga kaisipan at saloobin tungkol sa paksang
sinusulat ay malayang ipinahahayag ng estudyante. Ang guro ay nakaantabay sa
maaring maitulong o tanong na maaaring hingin ng estudyante kung nasa klasrum
ang gawain.
Kapag malinaw na ang mga kaisipang gustong sulatin, itama ang inaakalang mga
kamalian sa nilalaman at kayarian. Hindi madaling mag-umpisa ng susulatin dahil
kaharap mo ang isang blangkong papel. Naghihintay ka sa pagdaloy ng isip o
talagang wala kang maisip.
C. Muling Pagsulat (Rewriting)
1

Ang bahaging io ay binubuo ng:


Pagrevisa
Hindi lahat ng manunulat ang nakabubuo ng magandang sulatin sa isang upuan
lamang. Ang isang magandang sulatin ay dumadaan sa ilang yugto ng pag-unlad
mula sa burador hanggang sa final na papel. Pangunahing konsern ng revisyon
ang pagpapalinaw sa mga ideya. Ginagawa ito upang maiwasto ang mga
inaaklang nagawang mali. Dapat tandaan na sa pagsusulat lubos na
isinasaalang-alang ang magiging epekto ng akda sa mambabasa.

Pag-eedit
Ang pag-eedit at pagwawasto sa gramatika, ispeling, istruktura ng pangungusap,
wastong gamit ng salita at mga mekaniks sa pagsulat. Sa bahaging ito pinapakinis ang
papel upang matiyak na ang bawat salita at pangungusap ay naghahatid ng tamang
kahulugan. Sa pag=eedit, ang mga di-magkaugnay na pangungusap ay muling isinusalat
upang higit na maipakita ang kaugnay na mga ideya.
Paano mapabuti ang daloy ng mga kaisipan? Kahit lohikal ang pagkakaayos di pa rin
tama ang tunog dahil may pagkakataong kapag binasa ang akda may tumataliwas na
tunog. Itoy nangangahulugang lamang na may kamalian sa pagkapili ng salitang
ginagamit o pagkakaayos ng mga kaisipan.

D. Panghuling Pagsulat
Dito isinasagawa ang maingat na magpatnubay-wasto (proofread) kung kontento na sa
nilalaman ng katha. Itama ang maling gramatika at gamit ng mga salita, pagmamalaking
titik sa mga ngalang tangi, mga bantas at baybay.
Mga Patnubay sa Huling Pagsulat
a. Tama ba ang baybay ng mga salita. Konsultahin ang diksyunaryo kung nagdududa.
33

b. Tama ba ang kayarian ng mga pangungusap?


c. Ang paggamit ng malaking titik sa mga pangangalang pantangi.
d. Isaalang-alang ang mga bantas
E. Paglalathala (Publishing)
Ang paglalathala ay pakikibahagi ng nabuong sulatin sa mga target na tagabasa. Kabilang
sa gawaing ito ang mga sumusunod:
- Pagbabasa sa klase ng kanilang sinulat
-

Pakikinig sa pagbasa ng iba

Paggawa ng isang buklet o album ng kalipunan ng mg sinulat

Eksibit o pagdidispley sa buletin bord ng mga naisulat na akda

Paglalathala ng mga piling sulatin sa pahayagang pangkampus

Pamamaraan ng Pagsulat
Pag-asinta (Triggering)
Kailangang may isang bagay na magsisilbing daan upang tayoy sumulat. Kung
tayoy may paniniwala sa ating sarili, matutuklasan natin ang mga paraan upang
magtagumpay sa pagsulat. Makalilikha ng mabuting sulatin ang sinuman kung nailalagay
niya ang kanyang sarili sa paksa.
Pagtipon (Gathering)
Anumang paksang napili, kasilangan pa ring magdaan sa masusing pagsasaliksik at
pagtuklas. Kailangang makapangalap ng sapat na materyales at ebidensyag magpapatunay.
Bukod sa ating sariling karanasan, maaari tayong magsaliksik sa dyornal, magazine,
ensayklopedya, pahayagan, interbyu at maging sa panonood ng sine at telebisyon.
Paghugis (Shaping)
Habang nangangalap tayo ng mga materyales, binbigyan na natin ng hugis an gating paksang
susulatin. Maaari na nating sulatin ang burador na maaari ring maging batayan sa
pangangalap ng mga kagamitan. Kailangan Makita natin ang pokus n gating paksa sa
pamamagitan ng pagtatanong sa sarili kung ano ang tunay na paksa.
Pagrebisa (Revising)
Ang isang sulatin ay hindi nakukuha sa isang upuan lamang. Ang isang mabuting papel ay
nagdadaan ng ilang yugto ng pag-unlad mula sa mga di-formal na tala tungo sa unang
burador, hanggang sa paynal na papel. Karamihan sa mga nalathalang sulatin ay dumaan ng
mga pagbabago at muling pagsulat hanggang sa maabot nito ang pinakawasto at tumpak na
pamaraan ng pagsulat.
34

ANG PROSESO NG PAGSULAT

Isang proseso ang pagsulat at dalawa ang direksyon nito: una upang tuklasin sa sarili
ang kakayahang makapagpapahayag ng ideya dahil itoy mechanical lamang at basta
lalabas ang alam na gustong sasabihin,ikalawa,upang makabuo ng sulating naaayon sa
pagkasunud-sunod at pagkakaugnay ugnayan ng mga kaisipan.
Ang proseso ng pagsulat ay hindi lamang nakafokus sa akto ng pagsulat.Bago
sumulat,unang draft,Pag-e-edit,pagrerebisa ,pinal na draft,at paglalathala,Ang pagsulat ng
draft ay isang hakbang lamang sa proseso ng pagsulat.

Bago
sumulat

Unang
draft

Paglalat
hala

Pag-eedit

Pinal
draft

Pagrere
bisa

Yunit 3
Balarila

Kayarian ng mga Salita


Ang mga salita ay may apat na kayarian. Ang mga salita ay maaaring payak, maylapi,
inuulit o tambalan.
1. Payak- ang mga salita ay binubuo lamang ng salitang-ugat. Ang salitang-ugat ay
batayang salita ng iba pang pinahabang mga salita. Samakatuwid, ito ang salita sa
basal o likas na anyo-walang paglalapi, pag-uulit, o pagtatambal.
Halimbawa:
Awit

pinto

sahig

pera

bayani

35

2.Maylapi- ang salita ay binubuo ng salitang-ugat at mga panlapi. Ang mga panlapi ay
mga katagang idinaragdag sa unahan, sa gitna, o sa hulihan ng mga salitang-ugat. May
ibat ibang uri ng mga panlapi.
a. Unlapi- ang panlapi ay matatagpuan sa unahan ng salitang-ugat.
Hal. Palabiro

tag-ulan

umasa

b. Gitlapi- ang gitlapi ay matatagpuan sa gitna ng salitang-ugat. Ang mga


karaniwang gitlapi sa Filipino ay in at um
Hal.

Lumakad

pumunta

binasa tinalon

c. Hulapi- ang hulapi ay matatagpuan sa hulihan ng salitang-ugat. Ang mga


karaniwang hulapi sa Filipino ay an, han, in, at hin
Hal.
Talaan punahin

basahan

aralin

d. Kabilaan- ang kabilaan ay binubuo ng tatlong uri. Itoy maaaring:


1. unlapi at gitlapi

isinulat

iminungkahi

2. unlapi at hulapi

nagkwentuhan palaisdaan

3. gitlapi at hulapi

sinamahan

hinangaan

e. Laguhan- ang panlapi ay binubuo ng tatlong magkakaiibang uti: unlapi, gitlapi at hulapi.
Hal. Pinagsumikapan

nagsinampalukan

3.Inuulit- ang buong salita o bahagi ng salita ay inuulit. May dalawang anyo ng pag-uulit
ng mga salita.

a. Inuulit na ganap- ang buong salita, payak ma o maylapi ay inuulit


Hal.
Taun-taon

masayang-masaya

mabuting-mabuti

1. Inuulit na di-ganap- bahagi lamang ng slaita ang inuulit.


36

Hal.
Pala-palagay

malinis-linis

Tambalan- ang salita ay binubuo ng dalawang magkaibang


salitang pinagsama upang makabuo ng bagong salita. May
dalawang uri ng tambalang salita:
2. Tambalang salitang nanatili ang kahulugan
Hal. Isip-bata
(isip na gaya ng bata) buhay-mayaman (buhay ng mayaman)

Ang gitling sa pagitan ng dalawang salitang pinagtambal ay kumakatawan sa


nawawalang kataga sa pagitan ng pinagtambal na salita.
3. Tambalang salitang nagbibigay ng bagong kahulugan
Hal.
Hampaslupa (taong napakahitap ng buhay)
Dalagang bukid (isang uri ng isda)

Kawastuang Pambalarila
Kailangang magkaroon ng dalawang kawastuan ang pagpapahayag; kawastuang
pambalarila at kawastuang panretorika. Bukod sa kaalaman sa ibat ibang bahagi ng pananalita
ay dapat ding matutuhan ng isang magpapahayag ang awstong gamit ng mga sumusunod:
KAPAG at KUNG
Ipinakikilala ng kung ang di-katiyakan ng isang kalagayan; ipinakikilala ng kapag ang isang
kalagayang tiyak.
Hal. Umuuwi siya sa probinsiya kapag araw ng Sabado.
Mag-ingat ka kung ikaw ang magmamaneho ng kotse.
KIBO at IMIK
Pagkilos ang tinutukoy ng kibo; pangungusap ang tinutukoy ng imik.
37

NANG at NG
NANG
Ang NANG ay karaniwang ginagamit na pangatnig sa mga hugnayang pangungusap at
ito ang panimula ng katulong na sugnay.
Hal.
Mag-aaral kayong mabuti nang makapasa kayo.
Ang NANG ay nagmula san a at inaangkupan ng ng at inilalagay sa pagitan ng
pandiwa at ng panuring nito.
Hal.
Umalis sila nang maaga.
Nagpaalam nang magalang ang mag-aaral sa kanyang guro.
Nagdarasal nang taimtim ang dalaga.
Ginagamit ang NANG sa gitna ng dalawang salitang-ugat na inuulit, dalawang pawatas
o neutral na inuulit at dalawang pandiwang inuulit.
Hal.
Dasal nang dasal
Sumagot nang sumagot
Basa nang basa
NG
Ang NG ay ginagamit na pananda sa tuwirang layon ng pandiwang palipat.
Hal.
Gumagawa siya ng takdang-aralin.
Ang NG ay gingamit na pananda ng actor o tagaganap ng pandiwa sa tinig balintiyak.
Hal.
Pinangaralan ng ina ang mga anak.
Ang panandang NG ay ginagamit kapag nagsasaad ng pagmamay-ari ng isang bagay o
katangian.
Hal.
Ang katalinuhan ng kanyang kapatid ay hinahangaan ng lahat.
Ang aklat ng bata ay tinakpan ng ina.
Kung at Kong
Kung
Ang kung ay pangatnig na panubali at itoy karaniwang ginagamit sa hugnayang
pangungusap.
Hal.
Malulutas ang mga suliranin ng bayan kung makikiisa ang
mga mamamayan sa pamahalaan.
Kong
38

Ang kong ay nanggaling sa panghalip na panaong ko at inangkupan lamang ng


ng.
Hal.
Nais kong tulungan ka ngunit tulungan mo muna ang iyong sarili.
Ang kaibigan kong matalik ay maasahan sa oras ng pangangailangan.
KATA at KITA
kata
kita

ikaw at ako
ikaw

Hal.
Manood kata ng sine.
Iniibig kita.
May at Mayroon
May
Ginagamit ang may kapag sinusundan ng pangngalan.
Hal.
May kasama siyang kaibigan.
May pag-asa ang tao habang nabubuhay.
Itot ginagamit kapag sinusundan ng pandiwa
Hal.
May gagawin ka ba mamaya?
May hinintay kaming kaibigan.
May ang gingamit kapag sinusundan ng pang-uri
Hal.
May bago ka palang kaibigan.
Si Didith ay may magandang kalooban
Ang may ay ginagamit kapag sinusundan ng panghalip na panao sa kaukulang paari
Bawat tao ay may kanya-kanyang problema.
Ang mga anak ng mag-asawa ay may kani-kanilang nang kabuhayan.
Sila ay may kanila at kami ay may amin.
Mayroon
Ang mayroon ay ginagamit kapag may napapasingit na kataga sa salitang sinusundan
nito.
Hal.
Mayroon bang problema sa pag-aaral mo?
Si Elsie ay mayroon ding magagandang katangiang tulad ng sa iyo.

Ang mayroon ay ginagamit na panagot sa tanong.


Hal.
May aklat ka bang Noli Me Tangere? Mayroon
May hinihintay ka ba? Mayroon
Ang mayroon ay ginagamit kung nangangahulugan
Sila ay mayroon sa kanilang
Subukin at Subukan
39

Subukin
Itoy nangangahulugan ng pagsusuri o pagsisiyasat sa uri, lakas o kakayahan ng
isang tao o bagay.
Hal.
Subukin mo ang sabong ito at napakahusay.
Iyong susubukin ang lakas niya sa pamamagitan ng sumping.
Subukan
Itoy nangangahulugan ng pagtingin upang malaman ang ginagawa ng isang tao o
mga tao.
Hal.
Subukan mo ang ginagawa ng mga mag-aaral sa pulong.
Aalis daw sila nang maaga at susubukan ang ginagawa ng tao.
Daw/ Din at Raw/ Rin
Ginagamit ang daw/ din kapag ang salitang sinusundan ay nagtatapos sa katinig; at
raw/rin kapag nagtatapos sa patinig.
Hal.
May sayawan daw sa plasa.
Sasama raw siya sa atin.
Kung Di at Kundi
Ang kung di ay galing sa salitang kung hindi o if not sa Ingles; ang
kundi naman ay except
Hal.
Aalis na sana kami kung di ka dumating.
Walang sinuman ang pwedeng manood kundi iyong mga may tiket lamang.
Hagdan at Hagdanan
Ang hagdan ( stairs) ay ang baytang na inaakyatan at binababaan.
Samantalam ang hagdanan (stairways) ay ang bahaging kinalalagyan ng hagdan.
Hal.
Nagmamadaling
inakyat
ni
Marving
Ilagay mo ang hagdanan sa tapat ng bintana.

ang

mga

hagdan.

Ikit at Ikot
Ginagamit ang ikit para maipakita ang kilos na paggilid mula sa labas patungo sa loob. Ang ikot
naman
ay
mula
sa
loob
patungo
sa
labas.
Hal.
Nakatatlong ikot muna sila bago nila natunton ang daan patungo sa loob
ng kuweba.
40

Nahirapan pala silang makalabas ng tunnel. Umikut-ikot muna sila sa loob nito bago nila nakita ang daan
palabas.
Hatiin at Hatian
Hatiin ( to divide) o partihin; Hatian ( to share) o ibahagi.
Hal. Hatiin mo sa amin ang pakwan.
Hinatian
niya
ng
kanyang

hamburger

ang

namamalimos

na

bata.

Pahiran at Pahirin
Pahirin
Ito ay tumutukoy sa kilos na nangangahulugan ng pag-alis o pagpawi sa isang bagay,
alisin ang bagay.
Hal.
Pahirin mo ang pawis ng bata.
Pahirin mo ang uling sa iyong mukha.
Pahiran
Dalawa ang maaring ibigay na kahulugan ng pahiran.
b. Ang lunan o bahagi ng lunan o bagay na pinanggagalingan ng bagay na
pinahid. Sa ganitong gamit ang pahiran ay may layon.
Hal.
Ang mukha ng bata ay pinahiran niya ng dumi.
Ang sahig ay papahiran naming ng putik.
Ang nook o ay pinahiran ko ng pawis.
c. Nagagamit din ang pahiran sa kahulugang paglalagay ng kaunting bagay at
karaniwan ay sa bahagi ng katawan,
Hal.
Pahiran mo ng vicks ang aking likod.
Pahiran mo ng kaunting pulbos ang iyong mga pisngi.
Operahin at Operahan

Operahin
Tinutukoy ng operahin ang tiyak na bahaging tinitistis.
Hal.
Ang mga mata ng matanda ay ooperahin bukas.
Inoopera ng doctor ang apendisitis ng kanyang kapatid.
Operahan
Tinukoy nito ang tao at hindi ang bahagi ng katawan.
Hal.
Ooperahan na ng doctor ang naghihirap na maysakit.
Si Vergie ay inoperahan kahapon.
Mabango/Masamyo
Mabango- kasiya siyang amoy, nanatili at nadarama
Mabango ang losyong ginamit niya.
Laging mabango ang batang iyan.
41

Masamyo- kasiya-siyang amoy, na nadarama nang bahagya at panandalan


Ang mga bulaklak ng rosas ay hindi mabango pero masamyo.
Kagyat/Bigla
Kagyat- hindi inaasahan at panandalian lamang
Kagyat nang nagalit ay hindi pa naunawaan ang mga pangyayari.
Bigla- hindi inaasahan, maaring matagal
Bigla na lamang siyang dumating kahapon.

Sundin/Sundan
Sundin ang pagsunod ay may diwang obligasyon
Sundin natin ang batas upang magkaroon ng kaayusan ang
ating bansa.
Sundan- tularan o nagagamit din na katumbas ng follow sa Ingles
Sundan mo ang kanyang ginawa. (tularan)
Sundan mo siya para malaman mo kung saan pupunta (follow)
Kamag-anak/Kaanak
Kamag-anak- kabilang sa angkan, may malakawk na saklaw
Hindi niya nakilala ang kanyang mga kamag-anak sa
probinsya.
Kaanak- kapamilya, miyembro ng pamilya
Sinikap ng amang mapaligaya ang kanyang mga kaanak.
Magbangon/Bumangon
Magbangon- magtayo, magtatag, ginagamit sa pagsusulong ng isang
adhikain.
Magbangon tayo ng isang samahan para sa kapakanan ng
mga batang ulila.
Bumangon- tumayo mula sa higaan
Maaga kang bumangon bukas para hindi ka mahuli sa klase.
Mapakla/Maaskad
Mapakla-lasang nag-iiwan ng pakiramdam na makapal ang dila
Mapakla ang saging kung hilaw.
Maaskad- lasa ng suha kung hindi husto ang pagkahinog
Dama niya ang maaskad na pakiramdam sa kanyang dila.
Mabaho/Masangsang
Mabaho- amoy na di-kasiya-siya
Mabahong amoy ang kumakalat sa buong paligid.
Masangsang- amoy na di-kasiya-siya na nagbigay ng pakiramdam na gustong masuka
42

Masangsang na amoy ay nakawawala ng ganang kumain.


Mithi/Nais
Mithi- masidhing pagkagusto
Lubos na kalayaan ang mithi ng sangkapilipinuhan.
Nais- pagkagusto sa mababang digri
Nais kong makita ka ngayon.
Sampal/Tampal
Sampal- pananakit na ang gamit ay palad at sa pisngi ang tama
Sampal ang tinanggap niya kapalit ng masama niyang sinabi.
Tampal-pananakit na gamit ay palad din subalit maaaring ang tama ay hindi sa pisngi
Isang malakas na tampal ang inabot ko sa aking lola.
Higop/Inom
Higop- pagkuha ng likido nang may katulong na hangin
Napabilis ang higop niya sa sabaw
Inom-pagkuha ng likido sa pamamagitan ng bibig.
Dagdagan mo ang inom ng tubig.
Tingin/ Titig/Tanaw/Sulyap
Tingin- mababaw na pagbibigay-pansin
May kahulugan ang kanyang tingin.
Titig- matagal na tingin, may diwa at pagsusuri
Nanunuot sa aking kalamnan ang kanyang titig
Tanaw- pagbibigay-pansin sa isang bagay na malayo
Tanawin mo ang kotseng nakaparada sa tapat ng bahay.
Sulyap- panakaw na tingin
Makahulugan ang kanyang mga sulyap sa iyo.
Sunong/Kilik/Pasan
Sunong- dala sa ulo
Sunong niya ang isang bilaong may laman na kakanin.
Kilik- dala sa baywang
Kilik niya ang batang mataba.
Pasan- dala sa balikat
Isang bultong bigas ang pasan niya.
Katamtaman/Karaniwan
Katamtaman- sukat dami na hindi malaki, hindi maliit
Katamtaman lamang ang dala niyang gamit.
Karaniwan- madalas na nakikita
Karaniwan na ang live-in ngayon.
Kahingian/Kahilingan
Kahingian- mga bagay na hinihingi sapagkat kailangang-kailangan
Ang siyam na yunit ng Filipino ay kahingian sa lahat ng kurso sa kolehiyo.
Kahilingan- ano mang bagay na hinihiling
43

Hindi ko matatanggihan ang kanyang kahilingan.


Halakhak/Hagikhik/Hagakhak/Ngiti
Halakhak-malakas na tawa
Narinig ko na naman ang kanyang halakhak.
Hagikhik-tawang hindi mapigil, kahit pigilin, inipit ang tunog kaya balikat ang
gumagalaw
Samantalang nagsasalita ang mananalumpati humahagikhik sila sa upuan.
Hagakhak-walang kontrol sa pagtawa
Sa kulturang Pilipino, ang dalagang Pilipina ay hindi humahagakhak.
Ngiti-tawang nakikita lamang sa labi at mata
Ang ngiti ay hiyas sapagkat nagpapaganda ng tao.
Sipa/Tadyak/Tapakan
Sipa- pananakit na ang ginagamit ay paa o kaya paggalaw sa isang
bagay sa pamamagitan ng paa.
Sipain mo nga ang bola patungo rito.
Tumanggap ng sipa ang kaawa-awang pusa nang kainin ang
pagkain sa mesa.
Tadyak-higit na malakas kaysa sipa, paa rin ang ginamit
Tadyak ang inabot ng salarin nang maabutan ng pulis.
Tapakan- daganan ng paa
Huwag mong tapakan ang pananim.
Tapakan mo ang papel nang hindi liparin ng hangin.
Taluntunin/Talaktakin
Taluntunin- lumakad na may patnubay
Taluntunin mo ang makipot na daan patungo sa subdivision.
Talaktakin-lakaran nang walang pakundangan at direksyon
Huwag mo naming talaktakin ang aking mga bagong pananim
Nagpakasal/Napakasal
Nagpakasal-tumutukoy sa mga magulang o kamag-anak na
namahala sa kasal
Nagpakasal sina Mang Andoy kaya nawalan ng pera.
Napakasal-ginagamit sa magkasintahan na humarap sa dambana
Sa wakas napakasal na rin sina Edis at Mary Ann.
Sigaw/Bulyaw
Sigaw- pagsasalita nang malakas
Napakalakas ng kanyang sigaw para hindi mo marinig
Bulyaw-pagsasalita nang malakas, may diin, may diwang galit
Rin/Din
Rin ginagamit kapag ang salitang sinusundan nagtatapos sa
patinig at malapatinig na W at Y.
Din- ginagamit kapag ang salitang sinusundan nagtatapos sa
katinig maliban sa malapatinig na W at Y.
44

Yunit 4
MGA BAHAGI NG PANANALITA
PANGNGALAN
Ang pangngalan ay salita o bahagi ng pangungusap na tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, pook,
hayop, at pangyayari. Maaari rin na ipakilala ng pangngalan ang isang kaisipan o konsepto .
Halimbawa:
Tao

Herbert, mag-aaral, Eunice

Bagay

cellphone, lamisa

Hayop -

pusa, Whity, kalabaw

Pook

plaza, Bato, Ocean Park

Katangian

kagandahan, kabayanihan

Pangyayari

anibersaryo, Araw ng Kagitingan

Mga Uri ng Pangngalan


Pantangi
Ito ay ang tiyak na ngalan ng tao, hayop, bagay o lunan na nagsisimula sa
malaking titik.
Halimbawa:
Noel, Pilipinas, Marso, Alabang
Pambalana
Tumutukoy sa pangkalahatang tawag sa ngalan ng tao, bagay, lugar,
hayop, pangyayari o kaisipan
.
Halimbawa:
tindera, pusa, palaka, lapis, aso, bulaklak, bansa,
guro, pangulo

45

Mga Uri ng Pangngalang Pambalana


a. Taal/Tahas (likas)- ay mga pangngalang nakikita. Itoy tiyakang tumutukoy sa bagay
na pinangangalanan.
Halimbawa: tao, bato, lapis
b. Basal- ay mga pangngalan di nakikita. Lahat ng pangngalang basal ay nasa anyong
payak.
Halimbawa: aral, buhay, diwa
c. Hango (likha)- kung ang kahulugan ay kuha at nababatay sa salitang basal.
Halimbawa: kabuhayan, pag-aaral, kahirapan
d. Patalinghaga- kung ang salita ay hindi tumutukoy sa bagay na kinauukulan ng
salitang pangngalan kundi sa isang bagay.
Halimbawa: bulaklak- (sa halip na dalaga)
Langit (sa halip na ligaya)
e. Palasak/Lansakan- ay mga pangngalang marami sa bilang ngunit iisa sa kabuuan
Halimbawa: kawan, hanay, hukbo, dosena, tribu

Kailanan ng Pangngalan
nagsasaad ng bilang ng pangngalan
a. Paggamit ng mga pantukoy
Isahan -

si, kay,ang

Maramihan

ang mga, sina, kina

b. Sa Tulong ng pang-uri
Isahan -

masarap na kendi

Maramihan-

masasarap na kendi

c. Sa Paggamit ng Pang-uring Pamilang


Isahan -

isang tao

Dalawahan

dalawang tao

Maramihan

labing-anim na tao, maraming tao

d. Sa tulong ng panlapi
Dalawahan

magkapatid

Maramihan

magkakapatid

Isahan- ang pangngalan ay nagiging isahan kung ito ay nagsasaad lamang ng isang pangalan
ng tao, bagay, hayop, at iba pa.

46

Dalawahan- ang pangngalan ay nasa dalawahan kung ito ay nagsaad ng dalawang ngalan ng
tao, bagay, hayop, at iba pa.
Maramihan- ang isang pangngalan ay nasa maramihan kung ito ay nagsasabi ng karamihan

Kasarian ng Pangngalan
Pambabae- Ito ay pangngalan na ukol sa babae.
Halimbawa:
tindera, ginang, dalaga, nanay, tiya, ate, reyna, prinsesa, Marta, yaya, ate, lola, at
iba pa.
Panlalaki- Ito ay pangngalan na ukol sa lalaki.
Halimbawa:
tindero, ginoo, binata, tatay, tiyo, kuya, hari, Mario, lolo, pari, kuya, maestro, at
iba pa.
Di-tiyak- Ito ay maaaring iukol sa lalaki o babae.
Halimbawa:
artista, presidente, pulis, dentista, guro, kapatid, kaibigan, bata, kapatid, guro,
nars, principal at iba pa.
Walang Kasarian- Ito ay hindi panlalaki o pambabae.
Halimbawa: bote, bola, libro, kotse, lupa, bundok, hardin, libro, lapis at iba pa.
Anyo ng Pangngalan
1. Payak- binubuo ng salitang ugat na pangngalan
Halimbawa: Dios, Templo ,babae
2. Maylapi- payak na pangngalang nilagyan ng mga panlapi.
Halimbawa: kagubatan
3. Inuulit- may inuulit na pangngalan
Halimbawa- sabi-sabi
4. Tambalan- binubuo ng dalawang pangngalan
Halimbawa: bahaghari, anak-pawis

Pagsasanay

47

a. Bumuo ng mga pangngalan batay sa mga sumusunod na salitang-ugat


na pandiwa at sabihin kung anong kahulugan nito.
1. takbo

_______________

2. laro

_______________

3. awit

_______________

4. tulog

_______________

5. tinda

_______________

6. lakad

_______________

7. upo

_______________

8. sayaw
9. tahi
10.

_______________
_______________

hintay

_______________

b. Bumuo ng pangalan batay sa mga sumusunod na salitang-ugat na


pang-uri at sabihin kung anong kahulugan.
1. ganda

_______________

2. talino

_______________

3. lungkot

_______________

4. puti

_______________

5. kinis

_______________

6. pula

_______________

7. buti

_______________

8. saya

_______________

9. bilog

_______________

10.

liit

_______________

c. Magbigay ng mga pangngalang pantangi para sa bawat isa.


48

1. Dyaryo

________________

2. Nobela

________________

3. Kalye

________________

4. Manunulat

________________

5. Pintor

________________

6. Sigarilyo

________________

7. Sine

________________

8. Tulay

________________

9. Bansa

________________

10.

________________

Aklat

11.
d. Salungguhitan ang mga pangngalan. Kilalanin kung ang bawat isa ay
pantangi o pambalana.
1. Nag-aaral si Japeth sa Note Dame.________________

________________

2. Marami ng gulay ang mga magsasaka sa bukid. ___________

__________

3. Nabasa ko na ang nobelang El Filbusterismo. ________________ ___________


4. Nawala ang singsing ni Rose.

________________

5. Si Tita Digna ay umuwi sa probinsya.________________

________________
________________

e. Ibigay ang kasarian ng mga salitang sinalungguhitan.


1. Ang salamin ay nabagsak at nadurog.__________________
2. Nangitlog na ang inahin naming.
3. Nag-uusap ang mga matatanda.
4. Nahalal muli ang president.

__________________
__________________
__________________

5. Kasali ang birhen sa prusisyon.


f. Kilalanin kung nasa anong kasarian ang mga pangngalang nakatala.
49

1. Totoy
2. Kumpare

__________________
__________________

3. Tindero

__________________

4. Ginang

__________________

5. Dalaga

__________________

6. Ale

__________________

7. Tatay

__________________

8. Santo

__________________

9. Biyuda

__________________

10.

__________________

Kuya

Panghalip - ang tawag sa bahagi ng pananalita na ginagamit na


panghalili sa isang pangngalan sa pangungusap.

Mga Uri ng Panghalip


Panghalip na Panao (Personal Pronoun) ipinapalit sa ngalan ng taong
nagsasalita, sa taong kausap at sa taong pinag-uusapan. May kailanan
ang panghalip na panao. Ito ay maaaring isahan, dalawahan at
maramihan.
Panauhan ng Panghalip na Panao.
Taong Nagsasalita: Unang panauhan
Isahan:
Ako, akin, ko
Dalawahan:
kita, kata
Maramihan:
Tayo,
kami,
Taong Kausap:
Isahan:
Dalawahan:
Maramihan:

natin,

naming,

atin,

amin

Ikalawang Panauhan
Ikaw, ka
kita, kata
Kayo,inyo,ninyo

Taong Pinag-uusapan: Ikatlong Panauhan


Isahan: Siya, niya, kanya
50

Dalawahan: kita, kata


Maramihan: Sila, kanila, nila
Kailanan ng Panghalip
a. isahan- tumutukoy ang isang tao
b. dalawahan-tumutukoy sa dalawang tao
c. maramihan-tumutukoy sa tatlo o mahigit pa.
2. Panghalip na Pamatlig (Demonstrative Pronoun) inihalili sa
pangngalang nagtuturo ng lugar na kinalalagyan ng pangngalan. Ito rin ay
inihalili sa pangngalan na malapit o malayo sa nagsasalita, kinakausap o
nag-uusap.
Uri

Malapit
Nagsasalita

sa

Malapit
Kinakausap

sa

Malayo sa Nag-uusap

Paturol

Ito, ire, yari

iyan

Iyon

Paari

Nito, niri

niyan

Niyon, noon

Patulad

Ganito, ganiri

ganiyan

Gayon, ganoon

Paukol

Dito

diyan

Doon

Pahimaton

Eto, heto, ayto

haya

Hayun

Malapit sa nagsasalita- ito, ire, niri, nito, ganito, ganire


Malapit sa kinausap-iyan, niya, ayan, hayan, dyan
Malayo sa nag-uusap-ayun, hayun, iyon,yaonn, niyon, doon
3. Panghalip na Panaklaw (indefinite pronoun) - isang uri ng panghalip
na sumasaklaw sa kaisahan at dami o kalahatan ng kinatawang pangngalan.
Halimbawa: Sinuman, anuman, kaninuman
5. Panghalip patanong (enterrogative pronoun) - kumakatawan sa
pangngalan sa paraang patanong
Kaukulan ng Panghalip
1. Panghalip na paari- nagsasaad ng pag-aari
2. Panghalip na palagyo- gumaganap ng
pangungusap
3. Salungguhitan ang mga panghalip sa sanaysay

pagkasimuno

sa

Pandiwa (verb) - ay bahagi ng pananalita na nagsasaad ng kilos o galaw.


Ito ay tinatawag na Verb sa wikang Ingles.

51

Halimbawa: tumakbo, maglalaba, umaalis


Panahunan o Aspekto ngPandiwa
Aspektong Pangnakaraan O Perpektebo
Nagpapahayag ang aspetong pangnakaraan ng kilos o gawain na
nanasimulan na at natapos na.

Halimbawa:
* Inani ng mga magsasaka ang kanilang pananim na gulay at prutas.
* Namasyal ang mag-anak sa parke kahapon.
Aspektong Pangkasalukuyan O Imperpektibo
Nagsasaad ng kilos na nasimulan na ngunit hindi pa natatapos at
kasalukuyan
pang
ipinagpapatuloy
o
ginagawa.
Halimbawa:
* Maraming nangangarap na umunlad sa pamumuhay.
* Tayong mga mahihirap ay nagsisikap na umahon sa kahirapan.
Aspektong Panghinaharap O Kontemplatibo
Naglalarawan ng kilos na hindi pa nasisimulan. Nabubuo ito sa
pamamagitan ng pag-uulit ng unang pantig ng salitang- ugat.
Halimbawa:
* Hindi ako papayag.
Si Rita ay aalis sa kanilang bayan.

Uri ng Pandiwa
1. Palipat- kapag ang pandiwa ay may tuwirang layong tumatanggap sa
kilos ng pandiwa.
Nagtanim ng palay ang magsasaka.
2. Katawanin- kapag ang pandiwa ay walang tuwirang layon o layong
tumatanggap sa kilos ng pandiwa.
Bumababa ang presyo ng gasolina.
52

3. Palikas-kapag ang kalikasan ay siyang gumaganap sa kilos


Bumabaha sa Maynila.
Tinig ng Pandiwa
1. Tukuyan o Tahasan- pandiwang may simunong siyang gumaganap ng
gawain o kilos na ipinahahayag ng pandiwa.
Nagtatanim ng palay ang magsasaka.
2. Balintiyak- pandiwang may simunong di-gumaganap ng kilos na
ipinapahayag ng pandiwa.
Itananim ng mga magsasaka ang palay.

Mga Pokus ng Pandiwa


Pokus ang tawag sa relasyong pansemantika ng pandiwa sa simuno o paksa
ng pangungusap. Naipapakita ito sa pamamagitan ng taglay na panlapi ng
pandiwa.
1. aktor-pokus o pokus sa tagaganap
Ang paksa ang tagaganap ng kilos na isinasaad ng pandiwa sa pangungusap;
sumasagot sa tanong na "sino?".
(mag- , um- , mang- , ma- , maka- , makapag- , maki- , magpa-)
Halimbawa:
Naglunsad ng proyekto ang mga kabataan.
Nagluto ng masarap na ulam si nanay para sa amin.
Bumili si Rosa ng bulaklak.
Si Ian ay humingi ng payo sa kanyang kapatid tungkol sa kanyang suliranin.
2. pokus sa layon
Ang paksa ang layon ng pandiwa sa pangungusap; sumasagot sa tanong na
"ano?".
(-in- , -i- , -ipa- , ma- , -an) Sa Ingles, ito ay ang direct object.
Halimbawa:
Nasira mo ang mga props para sa play.
Ang ulam na masarap ay niluto ni nanay para sa amin.
Binili ni Rosa ang bulaklak.
3. lokatibong

pokus

pokus

sa

ganapan

Ang paksa ang lugar na ginaganapan ng pandiwa sa pangungusap;


sumasagot sa tanong na "saan?". (pag-/-an , -an/-han , ma-/-an , pang-/53

an

mapag-/-an)

Halimbawa:
Pinagtaniman
namin
ang
bukiran
ng
maraming
gulay.
Pinuntahan ni nanay ang kusina ng bahay para magluto ng masarap na
ulam.
Ang tindahan ang pinagbilhan ni Rosa ng bulaklak.
Pinadausan ng paligsahan ang bagong tayong entablado.
4. benepaktibong

pokus

pokus

sa

tagatanggap

Ang paksa ang tumatanggap sa kilos ng pandiwa sa pangungusap;


sumasagot sa tanong na "para kanino?". (i- , -in , ipang- , ipag-)
Sa Ingles, ito ay ang indirect object.
Halimbawa:
Kami ay ipinagluto ni nanay ng masarap na ulam.
Ibinili ni Rosa ng bulaklak ang Mahal na Birhen.
5. instrumentong
pokus
o
pokus

sa

gamit

Ang paksa ang kasangkapan o bagay na ginagamit upang maisagawa


ang kilos ng pandiwa sa pangungusap; sumasagot sa tanong na "sa
pamamagitan
ng
ano?".
(ipang- , maipang-)
Halimbawa:
Ang kaldero ang ipinangluto ni nanay ng masarap na ulam para sa
amin.
Ipinampunas ni Marco ang basahan sa mesa.
Ipinanghambalos niya ang hawak na tungkod sa magnanakaw.
6. kosatibong pokus o pokus sa sanhi
Ang paksa ang nagpapahayag ng sanhi ng kilos ng pandiwa sa
pangungusap; sumasagot sa tanong na "bakit?".(i- , ika- , ikina-)
Halimbawa:
Ikinatuwa namin ang pagluluto ng masarap na ulam ng aming nanay.
Ikinatuwa ni Ynez ang pagbili ng rosas ng kanyang nobyo para sa
kanya.
Ikinalungkot ng bata ang hindi nila pagkikitang mag-anak.
7. pokus sa direksyon
Ang paksa ang nagsasaad ng direksyon ng kilos ng pandiwa sa
pangungusap; sumasagot sa tanong na "tungo saan/kanino?".(-an ,
-han
,
-in
,
-hin)

54

Halimbawa:
Sinulatan niya ang kanyang mga magulang.
Pinuntahan ni Henry ang tindahan para mamili ng kagamitan.

Pagsasanay
A. Alamin kung nasa anong pokus ng pandiwa ang mga pandiwang
ginagamit sa bawat pangungusap.
1. ________________ Ipagluto niya ng lugay ang maysakit.
2. ________________ Wawalisin ni Jackie ang basura.
3. ________________ Mangingisda si Mang Isidro.
4. ________________ Ang kundiman ay inawit ni Khu.
5. ________________ Binilhan ng dovtor ng gamut ang Mercury.
6. ________________ Ikinagagalit ng inhinyero ang pag-alis mo.
7. ________________ Ipinamimingwit ni Gerald ang kawayan.
8. ________________ Ikinatuwa ng lahat ang kanyang tagumpay.
9. ________________ Lasong pula ang ipinantali niya sa kahon.
10.
________________ Dinilig ni Roel ang mga halaman.
B. Gawing pangnakaraan ang kaanyuan ng pandiwa sa loob ng
panaklong.
1. (magpabili) siya ng bagong damit sa kanyang ina.
2. Ang mga estudyante ay (makinig) sa pangaral ng guro.
3. (magluto) ng masarap na pagkain si Tita Beth.
4. (Ipakita) niya ang mga natipon niyang larawan sa kanilang bayan.
5. (Mabuhay) sila nang tahimik sa ibang bansa.
6. (Nakapag-aral) na siya ng leksyon nang dumating ka.
7. (Mapasigaw) siya nang Makita niya ang sakuna.
8. Ang mga bata ay (magsitakbo) nang nakita ang pulis.
9. Hindi niya (padala) ang sagot sa liham ko.
10. (Ipaayos) niya ang mga sirang bahagi ng bahay nila.
C. Banghayin
ang
mga
sumusunod
na
pandiwa
sa
tatlong
panahunan/aspekto.
Pangnakaraan
Pangkasalukuyang
Panghinaharap
1. Umaraw
__________________
2. Matamaan __________________
3. magluksuhan__________________
4. maipagbilin __________________
5. makalaban __________________
6. mangagdasal__________________
7. makasigaw __________________
8. ibili
__________________
9. kagatin
__________________
10.makapagsulat_________________

_________________________
_________________________
_________________________
_________________________
_________________________
_________________________
_________________________
_________________________
_________________________
_________________________

_______________
_______________
_______________
_______________
_______________
_______________
_______________
_______________
_______________
_______________

55

Pang-uri ay salitang nagsasaad ng katangian o uri ng tao, hayop, bagay,


lunan, atb., na tinutukoy ng pangngalan o panghalip na kasama nito sa loob
ng pangungusap.
Mga ibat ibang gamit ang pang-uri sa loob ng pangungusap:panuring ng
pangngalan o panghalip, panuring ginagamit bilang pangngalan at
kaganapang pansimuno.
Kayarian ng Pang-uri
1. Payak- ang pang-uri kung binubuo ng likas na salita o salitang walang
lapi.
Halimbawa: Mainit ang ulo ng taong gutom.
Huwag kang makikipagtalo sa sinumang galit.
2. Maylapi- pang-uring binubuo ng salitang-ugat na may panlapi.
Tinatawag itong panlaping makapang-uri. Pinakagamitin ang mga
panlaping ka-, kay-, ma-, maka-, mala-.
3. Inuulit- ay salitang-ugat o salitang maylapi na may pag-uulit. Maaring
ganap o di-ganap.
Halimbawa:
Pag-uulit na ganap:
puting-puti, maputi-puti
Pag-uulit na Di-ganap: liliit , maliliit
4. Tambalan- ang pang-uri kung binubuo ng dalawang salitang pinag-iisa.
Ang mga ganitong pang-uri ay maaaring may kahulugang karaniwan o
patalinghaga.
Halimbawa:
Karaniwang kahulugan:
Taus-puso
bigyang-yaman
Bayad-utang
Patalinghagang-kahulugan:
2 uri ng pang-uri:
1. panlarawan naglalarawan sa anyo katangian ng pangngalan o
panghalip.
2. pamilang nagpapahayag ng bilang
Panlarawan- nagsasaad ng paglalarawan
A. Lantay karaniwang anyo ng pang-uri na ginagamit sa paglalarawan.
Halimbawa:
1. Matalino si Smith.
2. Maganda ang tanawin.
56

B. Pahambing nagsasaad ng paghahambing


2 uri ng Pahambing
1. magkatulad
Halimbawa:
1. Magkasingganda sina Sherlyn at Cherry.
2. Magkasintangkad sina Simon at Bobby.
2. di-magkatulad
2 uri ng di-magkatulad:
1.
Palamang

ang
inihambing
ay
nakakalamang
sa
pinaghahambingan.
Halimbawa:
1. Mas matamis ang mangga na nabili ko kahapon kaysa ngayon.
2. Mas malapit ang bahay namin sa munisipyo kaysa bahay nina
Titan.
2. Pasahol ang inihahambing ay sahol sa pinaghahambingan.
Halimbawa:
Di gasinong matiyaga si Amy kay ni Ailyn.
Di gaanong matayog ang puno ng mangga kaysa puno ng
niyog.
C. Pasukdol nagsasaad ng kasukdulan
Halimbawa:
1. Pinakakamabango ang rosas sa lahat ng mga bulaklak.
2. Malalim na malalim ang bangin.
Pamilang nagpapahayag ng bilang
Limang Uri ng Pamilang
1. Patakaran o kardinal ito ay likas at basal na mga bilang na
pinagbabatayan ng tawag ng mga iba-ibang uring pagbilang.
Halimbawa: isa, dalawa, tatlo.
Sanlaksa
10,000
57

Sangyuta 100,00
Sang-angaw1,000 000 000
2. Panunuran nagsasaad ng pagkasunud-sunod at pagkakahanay.
Halimbawa: pangatlo, panlima, pampito
3. Pamahagi ginagamit o pagbubukod ng ilang hati ng isang kabuuan.
Halimbawa: sangkapat, katlo, kapulo
4. Pahalaga nagsasaad ng halaga
Halimbawa: pipiso, tiglilima, tigdadalawampu..
5. Palansak iniuulit ang patakarang bilang.
Halimbawa: isa-isa, dalawa-dalawa, tatlo-tatlo,..
Ngising-buwaya kapit-tuko

58

Mga Pagsasanay:
A. Bilugan ang pang-uri sa pangungusap
1. Mapagkumbaba ang pinsan ko.
2. Marumi ang bata.
3. Mahusay ang nagsasalita.
4. Masarap ang sabaw ng sinigang.
5. Matalinong bata si Nikolai.
6. Dakilang tao ang mga manggagawa.
7. May malaking balutan si Flor.
8. Maganda ang daa sa Antipolo.
9. Hilaw pa ang saging.
10.
Libu-libong tao ang nanood ng The Pasion of Christ.
B. Gawing pang-uri ang mga pangngalan sa ibaba.
1. Papel
___________________
2. Lapis
___________________
3. Aklat
___________________
4. Guro
___________________
5. Dingding
___________________
6. Watawat
___________________
7. Pintuan
___________________
8. Bubong
___________________
9. Poste
___________________
10.
larawan___________________
C. Piliin ang pang-uri sa pangungusap. Gamitin ang gabay sa tsart.
1. Masipag na bata ang anak niya.
2. Kabalat ni Tita si Rose.
3. Mapusok na binata.
4. Masikip na masikip ang bulwagan.
5. Napakasaya ng Pasko sa nayon.
6. Kapwa matalino ang magkapatid.
7. Mahalimuyak na bulaklak ang pang-alay sa dalaga.
8. Hindi naman kapangitang-tingnan ang drowing ko.
9. Sanay na sanay siyang umawit.
10. Maunlad ang Iligan katulad ng Cagayan de oro.
Pang-uri
1.
2.
3.
4.
5.
6.

Kaanyuan

Kaantasan

59

7.
8.
9.
10.

Mga Idyoma
Ang isang sawikain o idyoma ay isang pagpapahayag na ang kahulugan ay
hindi komposisyunal sa ibang salita, hindi binubuo ng tumpak na
kahulugan ang mga kanya-kanyang salita na nabuo. Ito ay di-tuwirang
pagbibigay kahulugan at pagpapakita ng kaisipan at kaugalian ng isang
lugar.

Mga Uri Ng Tayutay

1.

2.

Ang patalinghagang pagpapahayag ay sinasadyang paglayo sa


paggamit ng mga pangkaraniwang salita upang maging kakaakit-akit,
maharaya at mabisa ang pagpapahayag. Itoy nakapagdaragdag ng
kagandahan sa isang katha, pasalita man o maging pasulat. Ang katunayan,
maging sa araw-araw nating pag-uusap o pagsasalita, di man natin gaanong
nahahalata, paminsan-minsan, dumudulas sa ating bibig ang matutulaing
pananalita na kapagdakay nagpapahinto sa atin sumandali para manghain
ang biglang pagsigla ng isip.
Ang pagtatayutay ay nagmula sa isang inspiradong imahinasyon na sa
tulong ng malawak na karansan sa buhay, mayamang bokabularyo, at
maunlad na kasanayan sa pagsasalita, kahit di na isipan pa, kusa, itong
pumipilantik sa dila.
Kawili-wiling
pakinggan
ang
patayutay
na
pananalita.
Nakakapanghamong-isip. Kailangang kasing unawain itong mabuti para
mahiwatigan agad ang diwang di-tuwirang tinutukoy.
Ang mga sumusunod ay mga uri ng patalinghagang pagapapahayag o
tayutay:
Pagtutulad (Simile)
Naghahambing sa dalawang magkaibang tao, bagay at pangyayari,
ang pagpapahayag na itoy ginagamitan ng mga pariralang katulad ng,
kapara ng, para ng kagaya ng, gaya ng, animoy, kawangis.
a. Si Lolitay katulad ng isang kandilang unti-unting nauupos.
b. Si Rodel ay kagaya ng isang maamong tupa nang humingi ng tawad
sa ina.
Pagwawangis (Metaphor)
Naghahambing din ito tulad ng pagtutulad ngunit tiyakang
naghahambing at hindi na gumagamit ng mga pariralang katulad ng,
kapara ng, kagaya ng at gaya ng.
60

3.

a. Isang bukas na aklat sa kaibigan ang buhay ni Delia.


b. Ang buhay ng maysakit ay aandap-andap na tinghoy na maaaring
mamatay ano mang oras.
Pagmamalabis (Hyperbole or Exaggeration)
Lubahng pinalalabis o pinakukulang ang tunay na kalagayan ng tao,
bagay at pangyayari.
a. Nagliliyab ang mga mata ng galit na galit na lalaki.
b. Nadurog ang puso ni Celia sa makabagbag-damdaming tagpong
kanyang nasaksihan.
4. Pagbibigay-katauhan ( Personification)
Itoy pagsasalin ng talino at katangian ng tao sa mga karaniwang
bagay.
a. Humahalakhak ang musika kayat sandaling nalimot niya ang
kalungkutan.
b. Sumasayaw ang mga alon sa karagatan.
5.Pagpapalit- saklaw (Synecdoche)
Naisasagawa ang pagpapahayag dito sa pamamagitan ng pagbanggit
sa bahagi bilang pagtukoy sa kabuuan at maaari namang isang tao ang
kumatawan sa isang pangkat.
a. Apat na maliliit na paa ang tumatakbong sumalubong sa ama.
b. Isang kayumanggi ang nabuwal sa Bagumbayan nang dahil sa
pagmamahal sa Inang Bayan.
6.Pagpapalit-tawag (Metonymy)
Nagpapalit ng katawagan o pangalan sa bagay na tinutukoy ng uring
ng pagpapahayag.
a. Tatlong baso ang nainom ni Rico dahil sa matinding uhaw.
b. Binato niya ng tinapay ang nagkasala sa kanya.
7. Paglilipat-wika (Transferred Epithets)
Sa uring itoy inililipat sa mga bagay ang mga pang-uring ginagamit
lamang sa tao.
a. Ang kahabag-habag na pamaypay ay nahulog sa malalim na ilog.
b. Ang ulilang silid ay nalinis nang dumating si Jenny mula sa
Maynila.
8. Pag-uyam (Irony or Sarcasm)
61

Ginagamitan ito ng mga salitang nangungutya sa tao o bagay sa


pamamagitan ng mga salitang tila kapuri-puri ngunit ang tunay na
kahulugan ay mauunawaan ayon sa paraan ng pagsasalita ng isang tao.
a. Talagang mapagkakatiwalaan si Dennis, siya lamang ang pumasok
sa kwarto ni Robert ay nawalan na ang relo nito.
b. Kahanga-hanga ang kahusayan mong sumayaw, panay ang tapak
mo sa paa ng iyong kapareha.
9. Pagtatambis o Tambisan (Antithesis)
Inilalahad dito ang isang bagay laban sa iba namang bagay,
binabanggit ang mga bagay na nagkakasalungat upang higit na maging
mabisa ang pangingibabaw ng isang kaisipang natatangi.

a. Naranasan na ni Lito ang ibat ibang mukha ng buhay. Narating na


niya maraming pook, malapit at malayo, naranasan niyang maging
panginoon at alipin, maging maluho sa buhay at magdildil ng asin,
dumugin ng mga kaibigan dahil sa kanyang salapi at layuan ng mga
hinog na sa karanasan kayat lubos na niyang nababatid ang liwanag
at dilim ng buhay.
10. Pagsalungat (Epigram)
Kahawig ito ng pagtatambis ngunit higit itong maikli kaysa
pagtatambis. Magkasalungat ang kahulugan ng mga salitang pinag-uugnay
sa uring ito.
a. Nasa kapangitan ni Belen ang kanyang kagandahan.
b. Nasa katamaran ng tao ang pag-unlad ng daigdig.
c. Namatay ang bayani upang mabuhay.
12. Pagtawag (Apostrophe)
Kahawig ito ng pagbibigay-katauhan. Ditoy ginagawa ang
pakikipag-usap sa karaniwang bagay na tila ba nakikipag-usap sa
isangbuhay na tao.
a. Hangin,pumarito ka at pawiin ang matinding init.

62

b. Panibugho, layuan mo kaming magsing-irog at nang kamiy


magkaroon ng kapayapaan.
c. Pag-asa, halika at tugunin ang mga tanong kong magbibigaybuhay sa akin.

Pagsasanay
Kilalanin ang uri ng mga tayutay ang mga pangungusap.
1. _______________ Kay galing mo palang sumayaw, parehong kaliwa ang
iyong mga paa.
2. _______________Magmaktol man ang pag-ibig, kung hindi bibigyang
pansing tiyak na magtitipid din.
3. _______________Nakipagngitian ang buwan sa mga bituin.
4. _______________Mistulang bulaklak na naluluoy si Fe nang iniwan siya
ng kanyang nobyo.
5. _______________Hubog ng kandila ang kanyang mga daliri.
6. _______________Isa kang huwarang asawa, hindi ka umuwi ng bahay
tuwing araw ng sweldo.
7. _______________Kabiguan layuan mo ako.
8. _______________Balahibong parang labong ang mga brasot niyat
binti.
9. _______________Sa paglakad ng buwan magbabago ang lahat.
10.
_______________Ang musika ay hagdan ng kaluluwa paakyat sa
langit.
11.
_______________Muntik na akong matupok sa taas ng lagnat ko.
12.
_______________Bilib ako sa tibay ng panlasa mo ang hindi ko
masikmura nalulunok mo.
13.
_______________Kay hinhin ng tubig sa batis.
14.
_______________Ama ko sa iyong kamay inahabilin ko ang aking
kaluluwa.
15.
_______________Namangha siya nang isang bulaklak pala ang
naghihintay.

63

Pang-abay -

mga bahagi ng pananalita na nagbibigay-turing sa


pandiwa, sa pang-uri o sa kapwa pang-abay.
Panuring sa Pandiwa
Halimbawa:
Mapitagang bumati sa guro si Joy.
Padapang bumagsak ang tumatakbong bata.
Mabilis na lumisan ang lalaki sa bayan na iyon.
Panuring sa Pang-uri
Halimbawa:
Talagang baliwa ka nga.
Labis na dakila ang puso ni Lina.
Tunay na butihin ang doktora.
Panuring sa kapwa Pang-abay
64

Halimbawa:
Lubhang maayos manahi ang modista ko.
Talagang malakas magsalita ang Ate.
Tunay na amhusay magluto si Linda.

Uri ng Pang-abay

Pang-abay na Pamanahon nagsasaad kung kailan naganap o


magaganap ang kilos na taglay ng pandiwa.
1.

May pananda
Nang, sa, noon, kung, kapag, tuwing, buhat, mula, umpisa, hanggang
Hal.

1. Kailangan mo bang pumasok nang araw-araw?


2. Tuwing pasko ay nagtitipon silang mag-anak.
3. Umpisa bukas ay dito ka na manunuluyan.

Walang pananda
Kahapon, kangina, ngayon, mamaya, bukas, sandali,atb.
Hal.

1. Manonood kami bukas ng pambansang pagtatanghal ng


dulang Pilipino.
2. Ipagdiriwang ngayon ng ating pangulo ang kanyang ika 40
na kaarawan.

Nagsasaad ng dalas
Araw-araw, tuwing umaga,taun-taon atb.
Hal. 1. Tuwing Mayo ay nagdaraos kami sa aming pook ng
santakrusan.
2. Nag-eehersiyo siya tuwing umaga upang mapanatili ang
kanyang kalusugan.

65

2.

Pang-abay na panlunan tumutukoy sa pook na pinangyarihan, o


pangyayarihan ng kilos sa pandiwa. Karaniwang ginagamit ang pariralang
sa/kay .
Sa ginagamit kapag ang kasunod ay pangngalang pambalana o
panghalip.
Kay /kina ginagamit kapag ang kasunod ay pangngalang
pantanging ngalan ng tao.
Hal.

1. Maraming masasarap na ulam ang itinitinda sa kantina.


2. Nagpaluto ako kina aling Ingga ng masarap ng keyk para sa
iyong kaarawan.

3.

Pang-abay na pamaraan naglalarawan kung paano naganap,


nagaganap, o magaganap ang kilos na ipinahahayag ng pandiwa.
Ginagamit ang panandang nang o na/-ng.
Hal.

1. Kinamayan niya ako nang mahigpit.


2. Bakit siya umalis na umiiyak?
3. Tumawa siyang parang sira ang isip.

4.

Pang-abay na pang-agam nagbabadya ng di-katiyakan sa


pagganap
sa kilos ng pandiwa. Mga halimbawa: marahil, siguro, tila, baka, wari,
atb.
Hal.

1. Marami na marahil ang nakabalita tungkol sa desisyon ng


Sandiganbayan.
2. Higit sigurong marami ang dadalo ngayon sa Ateneo Home
66

Coming kaysa nakaraang taon.


3. Tila patuloy na ang pag-unlad ng turismo sa Pilipinas.

5.

Pang-abay na panang-ayon nagsasaad ng pagsang-ayon. Hal.


Oo,
opo, tunay, sadya, talaga, atb.
Hal.

1. Oo,asahan mo ang aking tulong.


2. Talagang mabilis ang pag-unlad ng bayan.
3. Sadyang malaki ang ipinagbago mo.

6.

Pang-abay na pananggi nag-sasaad ng pagtanggi, tulad ng


hindi/di at ayaw.
Hal.

1. Hindi pa lubusang nagagamot ang kanser.


2. Ngunit marami parin ang ayaw tumigil sa paninigarilyo.

7.

Pang-abay na panggaano o pampanukat nagsasaad ng timbang


o sukat. Sumasagot sa tanong na gaano o magkano.
Hal.

1. Tumaba ako nang limang libra .


2. Tumagal nang isang oras ang operasyon.

8.

Pang-abay na pamitagan nagsasad ng paggalang.


Hal.

1. Kailan po kayo uuwi?


2. Opo, aakyat na po ako.
67

Pagsasanay:
A. Bilugan ang pang-abay at isulat sa patlang kung Pandiwa, Pang-uri, o
Pang-abay ang inilalarawan. At isulat kung nasa anong uri ng pangabay.
1. _________________ _________________ Tunay na busilak ang puso ni
Diane.
2. _________________ _________________ Talagang masungit ang dalagang
nagging kasuyo ko.
3. _________________ _________________Kanina pa siya naglalaba.
4. _________________ _________________Ayaw talagang pumayag si Inay.
5. _________________ _________________Sa itaas inilagay ang maleta.
6. _________________ _________________Lumakad ka nang dahan-dahan.
7. _________________ _________________ Biglang sumigaw ang bat.
8. _________________ _________________ Isinara niya nang bahagya ang
pinto.
9. _________________ _________________ Kanina pa sila dumating.
10. _________________
dahan.

_________________ Lumakad ka nang dahan-

B. Lagyan ng karampatang paglalarawan ang mga nakatalang pandiwa.


Halimbawa:
Umalis

mabilis umalis

maagang umalis

Dali-daling umalis
1. Kumanta_________________________________________
2. Tinawag

__________________________________________

3. Inilagay

__________________________________________

4. Umupo

__________________________________________

5. Lumundag

__________________________________________
68

Ang Pangatnig (Conjunction sa salitang Ingles) ang tawag sa mga kataga o


salitang naguugnay sa dalawang salita, parirala o sugnay na pinagsusunudsunod sa pangungusap:
at pati saka o ni maging subalit ngunit
kung bago upang sana dahil sa sapagkat
Gamit ng Pangatnig
Dalawang salitang pinag-ugnay
Halimbawa:
Ang langis at tubig ay hindi mapagsasama.
Dalawang pariralang pinag-ugnay
Halimbawa:
Ang paglalaba ng damit at paglilinis ng bahay ang kanyang
hanapbuha.
Tinawag niya ang aso athinuli nila ang isda.
Dalawang sugnay na pinag-ugnay
Halimbawa:
Ang bunsong si Hannah ay mahusay magpinta at ang panganay na si
Kristell ay mahusay umawit.
Uri ng Pangatnig
Panimbang
Ito ay nag-uugnay ng dalawang salita, parirala, o sugnay.
at saka pati ngunit maging datapuwat subalit
Halimbawa:
Gusto niyang bumili ng damit, ngunit wala siyang pera.
Naglinis muna si Hannah, saka siya nagluto.
Pantulong
Ito ay nag-uugnay ng di-magkapantay na salita, parirala o sugnay.
kung kapag upang para nang sapagkat dahil sa
Halimbawa:
Nag-trabaho siya ng mabuti, para makabili siya ng damit.
Umasenso ang kanyang buhay, dahil sa kanyang pagsisikap.

69

Mga Uri ng Pangatnig


1. Pamukod ginagamit kung dalawa o ilang bagay at isipan, ang isa ay
ibig itangi sa iba. (o, ni, man, maging at kaya)
2. Paninsay ginagamit sa mga pangungusap na tambalan kung ang
unang bahagi ay sinasalungat ng ikalawa. (kahit, kung sabagay, bago,
maliban, datapwat, bagaman, subalit, habang, gayon man, samantala,
bagkus)
3. Panubali ginagamit sa mga isipang may pasubali at sa pangungusap
na pasakali o di-ganap na nangangailangan ng tulong kapwa
pangungusap upang makapagbigay ng ganap na kahulugan (kung,
kung di, pag, sakali, disin, sana, kapag, saka-sakali)
4. Pananhi ay ginagamit sa pagtugon sa tanong na Bakit, sa
pangangatwiran sa pagpapakilala ng kadahilanan ng isang pangyayari,
o anumang inisip o niloloob. (dahil, gawa, paano, dangan, mangyari,
kasi, sapagkat, kung kaya)
5. Panlinaw ginagamit kung kailangan ang buo o bahagi ng mga nasabi
na ay paliwanagan pa. (kung gayon, samakadwid, sa biglang sabi,
alalaong baga, anupat, kaya)
6. Panapos ginagamit sa pagsasaad ng layon ng pangungusap o
pagbabala ng wakas ng pagsasalita (at sa wakas, nang, upang, para
kay, sa bagay na ito, sa lahat ng ito)
7. Panulad- nagpapahayag ng paghahambing ng mga gawa o pangyayari
(kungsaan, doon din, kung ano, kung gaano)
Ang Pang-angkop (Ligatures sa wikang Ingles) ay ang salitang naguugnay sa panuring at salitang tinuturingan (na, ng, g)
Halimbawa:
Maayos na pamumuhay ang hangad nina Jaime.
Masayang naglalaro si Ben.
Ang pang-angkop ay mga katagang nag-uugnay sa magkakasunod
na salita sa pangungusap upang maging madulas o magaan ang
pagbigkasng mga ito. Sa makabagong pag-aaral ng wika, ang pangangkop ay nahahati lamang sa dalawa.
Tatlo ang pang-angkop na ginagamit. Ito ay ang mga sumusunod:
1. na - inilalagay sa pagitan ng salitang naglalarawan at inilalarawan na ang
nauuna'y nagtatapos sa katinig. Isinusunod sa mga salitang nagtatapos sa
katinig maliban sa n. 1. na - Ito ay nag-uugnay ng dalawang salita na kung
saan ang naunang salita ay nagtatapos sa mga katinig m aliban sa titik n.
70

Isinusulat
ito
nang
kahiwalay
sa
mga
salitang
pinag-uugnay.
Halimbawa:
Ang malinis na hangin ay ating kailangan.
Ang nauunang salita ay malinis na nagtatapos sa titik s na isang katinig.
Halimbawa : masarap na pagkain, malinis na bahay, masinop na tao,
matatag na kinabukasan, marangal na pag-uugali.
2. ng - ikinakabit ito sa salitang nagtatapos sa patinig (a, e, i, o, u).
Ikinakabit sa nauunang salitang nagtatapos sa patinig sa magkasunod na
salitang inilalarawan at naglalarawan.
Halimbawa : bago+ng bayani - bagong bayani, magandang binibini,
mabuting anak, matinding takot, makataong pulitiko.
3. g - ikinakabit sa mga salitang nagtatapos sa letrang n.
Halimbawa : bayan+g magiliw - bayang magiliw, mahinahong pakikipagusap,
makabuluhang
gawain,
maalinsangang
lugar,
pahayagang
makatotohanan
1. na - Ito ay nag-uugnay ng dalawang salita na kung saan ang naunang
salita ay nagtatapos sa mga katinig maliban sa titik n. Isinusulat ito
nang
kahiwalay
sa
mga
salitang
pinag-uugnay.
Halimbawa: Ang malinis na hangin ay ating kailangan.
Ang nauunang salita ay malinis na nagtatapos sa titik s
na isang katinig.
Kaygandang
tingnan
ng
makukulay
na
bulaklak.
Ang Diyos na makapangyarihan sa lahat ang tanging maaaring
magliligtas sa atin mula sa ating kasalanan
2-ng - Ito ay isinusulat karugtong ng mga salitang nagtatapos sa mga
patinig (a, e, i, o u).
Halimbawa: Pinipigil ng malalaking ugat ng mga puno ang baha.
Ang pang-angkop na ng ay idinugtong sa salitang malalaki na
nagtatapos
sa titik i na isang patinig.
sa/sa mga, ng/ng mga, ni/nina, kay/kina, sa/kay, ukol, labag, nang may,
tungkol sa/kay, alinsunod sa/kay, hinggil sa/kay, nang wala, para sa/kay,
laban sa/kay, ayon sa/kay, tungo sa.
Ang Pang-ukol (Preposition sa wikang Ingles) ay kataga o salitang
nag-uugnay sa pangngalan o panghalip sa ibang salita sa pangungusap.
Itoay bahagi ng pananalitang nag-uugnay sa pangngalan, panghalip,
pandiwa at pang-abay na pinag-uukulan ng kilos, gawa, balak, ari o layon.
Ginagamit ito upang matukoy kung sang lunan o kung anong bagay ang
mula o tungo, ang kinaroroonan, ang pinangyarihan o kina-uukulan ng isang
kilos, gawa, balak ari o layon. Ang mga ito ay lagging may layon na
maaaring isang pangngalan o isang panghalip. Ang pang-ukol ay bahagi ng
71

pananalitang nagsasabi kung saang pook o bagay ang pinag-uukulan ng


kilos, gawa, balak, ari o layon. Sa madaling salita, ito'y bahagi ng pananalita
na mayroong pinag-uukulan.
sa para sa ayon kina
para kay tungkol sa na may
HALIMBAWA:
Ang kanyang nilutong tinola ay para sa lahat.
Mga Gamit ng Pang-ukol
Nagpapakita ng kinalalagyan o patutunguhan ng isang bagay.
Halimbawa:
Ang pera ay nasa loob ng kuwarto ni Lana.
Upang ipakita ang dahilan o pagmamay-ari.
Halimbawa:
Ang bagong damit ay para kay Lita.
Ang layon ng pang-ukol ay maaaring pangngalan o panghalip.
Halimbawa:
Ang kanyang talumpati ay para sa kababaihan.
Marami siyang kinuwento tungkol sa pagpapalago ng negosyo.

Ang mga karaniwang pang-ukol ay:


ng
laban sa/kay
sa
hinggil sa/kay
para sa/kay
labag sa
ukol sa/kay
tungo sa
ayon sa/kay
mula sa
alinsunod sa /kay
nang may
tungkol sa/kay
nang wala

72

Dalawang pangkat ng mga Pang-ukol

1. Ginagamit na pangngalang pambalana : ukol sa, laban sa, hinggil sa,


ayon
sa,
tungkol
sa,
para
sa.
Halimbawa: Ukol sa matimatika ang seminar.

2. Ginagamit na pantukoy sa ngalan ng tanging tao : ukol kay, laban kay,


para
kay,
tungkol
kay,
ayon
kay,
hinggil
kay.
Halimbawa: Ayon kay Rizal, ang pananaliksik ay nagdaragdag sa
ating kaalaman.

Ang Pantukoy ay ang katagang ginamit sa pagpapakilala sa pangngalan.


Ito ay tinatawag na Article sa wikang Ingles.
Uri ng Pantukoy
Ang, Ang mga
Ito ay ang pantukoy sa ngalan ng bagay, lunan o pangyayari.
Halimbawa:
Ang kotse ni Raul ay maganda.
Si, Sina
Ito ay mga pantukoy ukol sa ngalan ng tao.
Halimbawa:
Si Jose Rizal ang ating pambansang bayani.
Sina Rizal at Bonifacio ay magigiting na mga bayani.
Ng, mga, Ni, Nina, Kay, Kina, Sa, Sa mga
Ito ay tumutukoy sa mga tao o bagay na nagmamay-ari ng alinmang bagay.
73

Halimbawa:
Kay Maria ko ibibigay ang mga rosas na ito.
Sa mga lilipat, mag-ingat po sa dadaanang tulay.
Wastong Gamit ng Pantukoy
Kapag isahan ang pangngalan, ang pantukoy ay dapat pangisahan din.
Halimbawa:
Si Jose Rizal ang sumulat ng Noli Me Tangere.
Kung maramihan ang simuno, ang pantukoy ay dapat pangmaramihan din.
Halimbawa:
Ang mga niluto ni Nene ay para kina Juan at Pedro.
Ang pangngalang pambalana na isahan ay nangangailangan ng pantukoy na
isahan at pambalana.
Halimbawa:
Ang magandang relo ay suot ni Walter.
Kung ang pangngalang pambalana ay pangmarami, ang pantukoy ay
pangmaramihan din.
Halimbawa:
Ang mga tulip sa Ottawa ay tulad ng mga nasa Holland.
Maaaring gumamit ng dalawang pantukoy kung ang ikalawa'y umuuri sa
unang pangngalan.
Halimbawa:
Ang mga Katipunero ang nagtatag ng katipunan.
Kung maramihan ang simuno, ang pantukoy ay dapat pangmaramihan din.
Halimbawa:
Ang magandang relo ay suot ni Walter.
Kung maramihan ang simuno, ang pantukoy ay dapat
pangmaramihan din.
Halimbawa:
Ang mga niluto ni Nene ay para kina Juan at Pedro.
Ang pangngalang pambalana na isahan ay nangangailangan ng
pantukoy na isahan at pambalana.
Maaaring gumamit ng dalawang pantukoy kung ang ikalawa'y
umuuri sa unang pangngalan.
Halimbawa:
Ang mga Katipunero ang nagtatag ng katipunan

74

Pagsasanay
Gawing pangngalan, pandiwa at pang-uri ang mga sumusunod na salita sa
pamamagitan ng pagkabitin ng mga panlapi.
75

Halimbawa: maganda

= kagandahan
Pagandahin
Maganda
1. Buti
Pangngalan :
_____________________
Pandiwa
:
_____________________
Pang-uri
:
_____________________
2. Talino
Pangngalan:
_____________________
Pandiwa
:
_____________________
Pang-uri
:
_____________________
3. Laki
Pangngalan:
_____________________
Pandiwa
:
_____________________
Pang-uri
:
_____________________
4. Basa
Pangngalan:
_____________________
Pandiwa
:
_____________________
Pang-uri
:
_____________________
5. Yaman
Pangngalan:
_____________________
Pandiwa
:
_____________________
Pang-uri
:
_____________________
6. Tulong
Pangngalan:
_____________________
Pandiwa
:
_____________________
Pang-uri
:
_____________________
7. Buti
Pangngalan:
_____________________
Pandiwa
:
_____________________
Pang-uri
:
_____________________
8. Taba
Pangngalan:
_____________________
Pandiwa
:
_____________________
Pang-uri
:
_____________________
9. Ibig
Pangngalan:
_____________________
Pandiwa
:
_____________________
Pang-uri
:
_____________________
10. Sama
Pangngalan:
_____________________
Pandiwa
:
_____________________
Pang-uri
:
_____________________
II.
Ibukod ang mga sumusunod na salita sa iba pang salita (Domfil,
magbigay ng limang salita)
1. Humanap
___________ ______________
__________
2. Bakuran
___________ ______________
__________
3. Abo
___________ ______________
__________
4. Patinig
___________ ______________
__________
5. Babai
___________ ______________
__________
6. Kamay
___________ ______________
__________
7. Biyaya
___________ ______________
__________
8. siyempre
___________ ______________
__________
9. Hindi
___________ ______________
__________
10. Pipiliin
___________ ______________
__________

76

Yunit 5
SINTAKSIS AT SEMANTIKA (Palaugnayan)
Pangungusap- lipon ng mga salita na nagsasaad ng buong diwa. Ito ay
isang sambitla na nagtataglay ng isang diwa o kaisipan.
Parirala- lipon ng mga salitang walang buong diwa. Bahagi lamang ito
ng isang pangungusap
Sugnay-ito ay lipon ng mga salitang may paksa sa panaguri at may
pangatnig sa unahan. Hindi buo ang diwa nito at bahagi ito ng
isang pangungusap.
Mga ayos ng pangungusap
May dalawang ayos ang pangungusap: karaniwan at di-karaniwan. Kung
panaguri ay nauuna kaysa simuno, ang pangungusap ay nasa karaniwang
ayos; at kung ang simuno naman ang nauuna kaysa sa panaguri, ang
pangungusap ay nasa di-karaniwan ayos. Ang panandang "ay" ay
kadalasang makikita sa mga pangungusap na nasa di karaniwang ayos.

Karaniwan - Nagsisimula sa Panaguri at Nagtatapos sa simuno.


Halimbawa: Bumili ng bagong sasakyan si Elsie.

Di- Karaniwan - Nagsisimula sa Simuno at Nagtatapos sa Panaguri.

Halimbawa: Si Elsie ay bumili ng bagong sasakyanUri ng mga


pangungusap
Ayon sa pangungusap na walang paksa

Mga pangungusap na eksistensyal - nagpapahayag ng pagkamayroon


ng isa o higit pang tao, atbp. Pinangungunahan ito ng may o mayroon.
Halimbawa: Mayroon daw ganito roon.

Mga pangungusap na pahanga nagpapahayag ng damdaming


paghanga. Halimbawa: Kayganda ng babaing iyun!

77

Mga sambitlang tumutukoy sa mga iisahin o dadalawahing pantig na


nagpapahayag ng matinding damdamin. Halimbawa: Aray!

Mga pangungusap na pamanahon nagsasaad ng oras o uri ng


panahon. Halimbawa: Maaga pa.

Mga pormularyong panlipunan mga pagbati, pagbibigay-galang,


atbp. na nakagawian na sa lipunang Pilipino. Halimbawa: Magandang
umaga po.

Ayon sa kayarian
Ang pangungusap ay may apat na kayarian: payak, tambalan, hugnay at
langkapan.
Ang payak na pangungusap ay nagpapahayag ng iisang kaisipan. Maaaring
nagtataglay ng payak o tambalang simuno at panaguri. May apat itong
kayarian: payak na simuno at payak na panaguri; payak na simuno at
tambalang panaguri; tambalang simuno at payak na panaguri; at tambalang
simuno at tambalang panaguri.

Mga halimbawa:

Ang pamahalaan ay
kriminalidad sa bansa.

masigasig

sa

mabilisang

pagsugpo

ng

Ang mga lalaki at babae ay naghahanda ng palatuntunan para sa


darating na pista.

Ang aming pangkat ay naglinis ng mga kalye at nagpinta ng mga


pader sa paaralan.

Ang mga guro at mag-aaral ay aawit at sasayaw para sa pagdiriwang


ng Buwan ng Wika.

Ang tambalang pangungusap ay binubuo ng dalawa o higit pang sugnay na


makapag-iisa:
Halimbawa:

Nagtatag ng isang samahan sina Arnel at agad silang umisip ng


magandang proyekto para sa mga kabataan ng kanilang pook.
78

Maraming balak silang gawin sa Linggo: magpapamigay sila ng


pagkain sa mga batang lansangan, magpapadala sila nga mga damit
sa mga batang ulila saka maghahandog sila ng palatuntunan para sa
mga maysakit sa gabi.

Ang hugnayang pangungusap ay binubuo ng isang sugnay na makapag-iisa


at isa o dalawang sugnay na di-makapag-iisa.
Halimbawa:

Gaganda ang iyong buhay kung susunod ka sa mga pangaral ng


inyong magulang.

Ang batang putol ang mga kamay ay mahusay gumuhit.

Ang langkapang pangungusap ay binubuo ng dalawa o mahigit pang sugnay


na makapag-iisa at dalawa o mahigit pang sugnay na di-makapag-iisa.

Halimbawa:

Ang buhay sa mundo ay pansamantala lamang kaya't dapat na tayo ay


magpakabuti upang makamit ang kaligayahan sa kabilang buhay.

Nahuli na ang mga masasamang-loob kaya't payapa na kaming


nakatutulog sa gabi, kasi sila lamang ang gumugulo sa amin.

Ang mga bayani natin ay namuhunan ng dugo upang makamtan ang


kalayaan nang ang bayan ay matahimik at lumigaya.

Maiuuri rin ang pangungusap bilang pasalaysay o paturol, patanong,


pautos at padamdam:

Pasalaysay o Paturol: Ito ay nagsasalaysay ng katotohanan o


pangyayari. Lagi itong nagtatapos sa tuldok(.)

Patanong: Ito ay nag-uusisa tungkol sa isang katotohanan o


pangyayari, at tandang pananong(?) ang bantas sa hulihan nito.

Pautos: Ito ay uri ng pangungusap kung saan ay nakikiusap o nag


uutos ito.

Padamdam: Ito ay nagsasabi ng matinding damdamin gaya ng tuwa,


lungkot, pagkagulat, paghanga, panghihinayang at iba

79

Pagsasanay
A.
1. Ano ang pangungusap?
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
__________________________________.
2. Pag-ibahin ang sugnay at parirala.
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
____________________________________________.
3. Anu-ano ang uri ng pangungusap ayon sa gamit? Bumuo ng isang
kwentong tunay na nangyari sa buhay mo na lalapatan ng uri ng
pangungusap ayon sa gamit. Basahin ito sa harap ng klase
pagkatapos.
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
______
B. Bumuo ng pangungusap mula sa sumusunod na parirala.
1. noong bata pa
_____________________________________________________________________________
_
_____________________________________________________________________________
__________________________________________________.
2.sa banda roon
_____________________________________________________________________________
_
_____________________________________________________________________________
__________________________________________________.
3.ang mga mamamayan
80

_____________________________________________________________________________
_
_____________________________________________________________________________
__________________________________________________.
4.isang araw ng lingo
_____________________________________________________________________________
_
_____________________________________________________________________________
__________________________________________________.
5.Araw at gabi
_____________________________________________________________________________
_
_____________________________________________________________________________
__________________________________________________.

81

Yunit 6
Mga Paraan sa Pagkuha ng mga
Kahulugan
Mga Pahiwatig na Kontekstwal o Kontekst Klu
Ang bawat salita ay may likas na kahulugan subalit katangian din
ng
salita ang pagkakaroon ng maraming kahulugan lalo na kung itoy
kinakabitan ng ibat ibang panlapi o ginamit sa pangungusap at isinama sa
iba pang salita. Ang kahulugang taglay ng pangungusap sa loob ng isang
teksto o kahulugang matatagpuan sa diwa ng pangungusap sa loob ng
isang teksto o kahulugang matatagpuan sa diwa ng pangungusap sa
tulong ng mga salitang klu o pahwatig at tinatawag na kontekst klu.
Makukuha ang kahulugan nito sa pamamagitan ng pag-unawa sa ugnayan
ng mga salita o pangungusap sa isang sa isang teksto. Mabibilang din sa
kontekst klu ang mga pasawikaing pahayag o mga idyoma. Itoy mga
pinagsamang salita o parirala na may nakatagong kahulugan at hindi
makukuha sa pag-unawa lamang sa kahulugan taglay ng bawat salitang
bumubuo ditto bagkus paano ginamit o paraa ng pagkakamit nito sa
pangungusap.
Halimbawa:

1. Mahina na si lola kaya inalalayan ko siya sa


pagtawwid. (matanda na)
2. Ano? Hindi mo pa nasasabi kay Lina! Mahina ka
talaga sa diskarte. (walang lakas ng loob upang
gawin ang isang bagay).
3. Mahina pa ang kanyang katawan kayat di pa sya
pwedeng pumasok sa paaralan. (matamlay, di pa
bumabalik ang dating lakas)
Kabilang sa mga pahiwatig na kontekstwal ang mga
sumusunod:
Katuturan
Halimbawa:
82

1. Mahina at walang muwang sa mundo ang batang


pinaslang at pinagsamantalahan.
2. Matipuno at malalakas ang mga bata ni Mayor.
Karanasan
Halimbawa:
1. Amoy mapanghi na si babay kaya palitan mo na ng
diaper.
2. Nagdurusa ang ina sa pagkamatay ng anak.
Salungatan
Halimbawa
1. Pagandahin mo ang pangit na larawan.
2. Mataas na ngayon ang dating mababang presyo ng
gasoline.
Pahiwatig
Halimbawa:
1. Si Rowena ang panakip-butas ni Ruel kapag wala si Rachel
2. Kailangan ninuman ang pagsisikap upang maging
matagumpay at umunlad sa buhay.
Pagsusuri sinuri ang salitang-ugat at kung anong panlapi ang
ginamit upang matukoy ang pinagmulan ng salita.
Halimbawa:
1. Pinagtiyagaan--------pinag+tiyaga+an
2. Bahay-kubo---------------bahay+kubo
Kasingkahulugan at Kasalungat
Tayong mga Pilipino ay sadyang mahilig magbasa. Sa
pagbabaa natin marami tayong nasasalubong na mga suliranin
sa pag-unawa ng teksto. Bago natin maunawaang lubos an
gating binabasa, nagsisimula ito sa pag-unawa sa mga salita,
binibigyan ng kahulugan at interpretasyon. Upang madali itong
maisagawa, makakatulong ang pagkuha sa kasingkahulugan at
kasalungat ng isang salita. Ang kasingkahulugan
ay
tumutukoy sa katulad o parehong kahulugan na tulad ng
dalisay, ito ay binibigyan natin ng parehong kahulugan na
83

tulad ng malinis,busilak, tapat. Samantala, ang kasalungat


ay kabaligtaran o taliwas na kahulugan nito halimbawa taksil,
marumi, masama.
Sa gawaing ito, makakasanggun tayo sa diksyunaryo. Itoy
naglalaman ng kasingkahulugan at kasalungat, tamang bigkas,
tamang ortograpiya, at pagpapantig ng salita. Sa paggamit ng
diskyunaryo nadaragdagan an gating bokabularyo tulad sa
pagbabasang nagpapayaman at nagpapalawak ng kaalaman.
Halimbawa:
Kasingkahulugan
Yayat-payat
Salarin-kriminal
Nunal-taling

Kasalungat
urong-sulong
matakaw-pahikan
pag-ibig-

pagkapoot
Madla-sangkatauhan
Paratang-bintang

salat-sagana
baligho-matuwid

Homonyms:Homographs at Homophones
Napakarami na ng mga salitang naimbento, nagpapatunay
lamang na ang wika ay buhay dahil sa patuloy nitong paglago
at dahil ditto nagkakaroon ng magkakatulad na salita, maging
sa tunog at ortograpiya nito subalit nagkakaiba naman sa
kahulugan at bigkas ng bawat isa.
Homonyms- ito ang tawag sa dalawa o higit pang salitang
magkapareho ng bigkas at baybay o ortograpiko ngunit
magkaiba naman ng kahulugan.
Ugat
Buhay pa ang ugat ng punong ito.
Namatay ang asawa ko sa panganganak dahil naputulan ng
ugat sa ulo.
Bato
Bukas ay titistisin ang kanyang bato sa pantog.
Tinamaan ako sa noon g isang malaking bato kagabi.
84

Ang homonyms uri: ang homographs at homophones na


tinatawag ding heteronyms. Ang heteronyms ang kasalungat ng
homonyms.
Homographs- ito ang tawag sa dalawang salita o higit pa kung
parehong-pareho ng baybay o ortograpiya ngunit magkaiba ng
bigkas at kahulugan.
Halimbawa:
Tubo
Tubo ang pinakapangunahing pananim ng Negros.
Tawagin mo ang tubero at may butas ang tubo ng lababo.
Maganda ang tubo ng iyong mga halaman, ano ba ang sikreto
mo?
Paso
Kulayan mo ng putting pintura ang mga paso sa bakuran
Lagyan mo ng kamatis ang paso sa braso mo.
Paso na ang panalomo kaya hindi mo na makukuha ang
premyo mo.
Homophones- ito ang tawag sa dalawang salita na
magkasintunog at halos magkapareho ng bigkas subalit
magkaiba ng ortgrapiya at kahulugan.
Halimbawa
Ewan-iwan
Upo-opo
Oso-uso
Istruktural Klus
Mahalagang malaman ng mga estudyante ang wastong
pagsusuri sa anyo ng salita sa loob ng isang pangungusap. Itoy
makatutulong upang madali nyang maunawaan at makuha ang
kahulugan nito. Napapalawak pa niya ang kanyang kaalaman
sa pinagmulan ng salita.
Halimbawa, suriin natin ang salitang kawanggawa.
Anong dalawang salita ang bumubuo rito? Ano ang kahulugan
85

ng bawat isa? Ang salitang kawanggawa ay binubuo ng


dalawang salita na kawan na ang ibig sabiin: flock, grupo,
trabaho, guhit, akda. pangngalan ang parehong salita at
nanatiling pangngalan nang pagsamahin ang mga ito sa
pamamagitan ng pagdaragdag ng pang-angkop na ng upang
pag-isahin na nagging kawanggawa
ng ibig sabihin ay
charity.
Denotasyon at Konotasyon
Salita ang pinakakaluuluwa ng pagbasa, kung walang
salita hindi tayo makapagbabasa. Ang mga salita ay nabibigyan
natin ng kahulugang denotasyon at konotasyon. Dapat
malaman ng mga estudyante na ang kaalaman dito ay
makatutulong nang malaki sa kanilang pang-araw-araw na
pagbabasa tungo sa lubos na pag-unawang kritikal. Madalas na
ang kahulugang denotasyon at konotasyon ay nagkakapalitan
ng kahulugan lalong-lalo na ng mga estudyante di alintana ang
leksyon ng titser dahil abala sa kung anong bagay. Upang
maging madali, tunghayan ang kahulugan at mga dapat at
tandaan.
Denotasyon- kung binibigyan natin ng literal na kahulugan
ang isang salita. Ang kahulugan ito ay maaaring matagpuan sa
aklat o diksyunaryo. Madaling matandaan ang kahulugang
denotasyon, tandaan lamang na siya ay makikita sa
diksyunaryo na nagsisimula sa letrang D-diskyunaryo at
Denotasyon.
Konotasyon- kung binibigyan ng mas malalim na kahulugan,
gumagamit ng mga pahiwatig o matalinghagang kahulugan ng
isang salitra. Ditoy pinag-iispang mabuti kung ano ang
tinutukoy, ano ang gamit ng salita sa pangungusap o ibig
ipakahulugan ng salitang ginamit. Ang kahulugang konotasyon
ay maalala kung isaisip ang limang unang letra kunot ibig
sabihin ay kulot na ang noo mo sa kaiisip ng kahulugan kung
ano ang ipinahihiwatig ng pangungusap.
Halimbawa. Naglalaro ng apoy si Mia.

86

Ang pangungusap na ito ay nagtataglay ng dalawang


kahulugan:
Denotasyon itoy nagpapahayag na pinaglalaruan ni Mia
ang aopy at sa paglalaro niya nito ay maari siyang
mapaso o maging sanhi ng isang malaking sunog.
Konotasyon- ang paglalaro ng apoy ay isang ekspresyong
idyomatiko na ginamit upang maipahayag sa ibang
paraan ang pagtataksil na ginawa ni Mia sa kanyang
asawa. Ang pagtataksil ay isnag sensitibong gawain na
maihahalintulad sa paglalaro ng aopy na sa kunting
pagkamamali ay maaring makapaso at lumikha ng
malaking apo
Pagsasanay
A. Panuto at unawaing mabuti ang bawat pangungusap. Tukuyin kung itoy
kontekstwal na karanasan, katuturan, salungatan, pahiwatig o
pagsusuri. Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang. Ibigay ang
kahulugan ng sinalungguhitang salita. Isulat ang sagot sa ikalawang
patlang.
__________________1.Lumisan
si Ana nang
manliligaw na istambay. _______________________

makitang

dumarating

ang

__________________ 2. Walang pagod at hindi nanghihina si Marcos kaya


masasabing pwersado pa siya. _______________________
__________________3. Nakadaong na ang barko nang dumating ang bagyo.

______________________
__________________ 4. Ang panitikan ay mula sa salitang titik na kinakabitan ng
panlaping pang na naging pan at hulaping-an. __________________
__________________ 5. Itaga mo sa bato ang mga sasabihin ko dahil ito ang
magiging gabay mo sa yong pagtanda. __________________
__________________ 6. Yumao na ang pinakamamahal na anak at bukas ang
libing. __________________
__________________ 7. Masalimout ang kanyang paliwanag kayat hindi ko
naunawaang mabuti ang mga pangyayari. __________________
__________________ 8. Ginambala
__________________

ni Homer ang pananahimik ng kasintahan.

__________________ 9. Ipinagmalaki ni Jose ang yumaong anak na patungong


Amerika. __________________

87

__________________ 10. Iyak nang iyak ang mag-asawa dahil sa kanilang


kapighatian. __________________

B. Bumuo ng mga salita na hango sa nakasulat sa malaking titik batay sa


kahulugang nasa bahaging kanan.(Huwag irambol ang mga titik)
KAPAYAPAAN
___________1. Lagyanan ng ice cream
___________2. Panlakad
___________3. Hipo; salat
___________4. Matiwasay; tahimik
___________5. Kuyog; yaya

___________
___________
___________
___________
___________

1.
2.
3.
4.
5.

KATAHIMIKAN
Kalmado; panatag
Kibo
Pilay
Sulsi
Pangalang pambabae

___________
___________
___________
___________
___________

1.
2.
3.
4.
5.

MAALALAHANIN
Pagputol ng palay
Grabe; sobra
Diyos ng Muslim
Isang ekspresyon
Nabahala

1.
2.
3.
4.
5.

MAKAPANGYARIHAN
Anak na babae
Yapos; yakap
Maapuhap; mahimas
Balabal ni Superman
Gawa; tapos

___________
___________
___________
___________
___________

C. Suriing mabuti ang kahulugan ng salita sa bawat bilang, pagkatapos ay


bilugan ang salitang di-dapat mapabilang sa pangkat
1.
2.
3.
4.
5.
6.

Lumagapak
Lumisan
Nataranta
Humahanga
Nagdaramdam
Kumukupkop

nahulog
lumayas
nangamba
nagkagusto
naghihirap
nag-aaruga

nalaglag
naglakbay
natakot
sumusunod
naghihinakit
nagpapahalaga

tumulo
umalis
nasindak
umiidolo
nagtatampo
nagsisilbi
88

7. Nagsalita
8. Nakibahagi
9. Nadisgrasya
10.
Ibinaling

naghatol
nakilahok
inilipat
inilipat

naghusga
nakisalamuha
ipinasa
ipinasa

nagpasya
nagmatyag
yumao
isinalin

D. Hanapin sa hanay B ang kasalungat ng mga salitang sinalungguhitan


sa hanay A . Isulat lamang ang titik.
Hanay A
Hanay B
1. ______ Maraming namamahagi ng tulong para sa
a.
pasigaw
Mga biktima ng tsunami
b.
lumisan
2. ______ Tunay na napapanahon ang paksang
c. magaslaw
Tinalakay mo.
d. nagkakait
3. ______ Isawalang-bahala mo na lang ang mga sinabi e. luma
ng kamag-anak mo.
f. tahimik
4. ______ kapag humudyat mo na lang ang mga
g. kaligayahan
sinabi ng kamag-anak mo.
h. laos
5. ______ Kinagigiliwan ko ang mga batang mababait
i.
bigyanghalaga
6. ______ Dumagsa ang mga tao sa plaza dahil sa
j.
kinainisan
Libreng konsyerto.
K. nakikihati
7. ______ Lumayas ka na, ang paanas nitong wika.
8. _____ Ang buhay ng tao ay puno ng kapighatian.
9. ______Napakakimi ng mga kadalagahan noong panahon
Ng kastila.
10.
______ Bantog sa pagtula si Balagtas noong kapanaHunan niya.
E. Isaayos ang mga hinahalong letra upang maging kasalungat na
kahulugan ng mga salita sa kanan. Ilagay ang sagot sa loob ng kahon
1. EAWBALLA
nahahalata,
___________________
2. BYAAPA

napapansin

mapagkandili;mapag-aruga ___________________

3.
4.
5.
6.

IBNUU
buwagin; kalasin
___________________
NDAUMTIG
tumalilis;lumayas;umalis___________________
OLAAPL
dalisay; tapat; malinis ___________________
UBOAN
nabasag; nalamat
___________________
7. SAKTAPAUN
simula; umpisa
___________________
8. AGLAPYA
balisa; kabado; nag-alal___________________
9. PMUAGATY
kabiguan
___________________
89

10.

UUASUKMKP
___________________

tumingkad;

tumindi

F. Isulat
ang
letrang
K
kung
ang
tambalang
salita
ay
magkasingkahulugan at S kung magkasalungat.
1. Magaslaw mahinhin
_____________
2. Ipinagkait ipinagkaloob
_____________
3. Mambigwasmanuntok
_____________
4. Karangalan kaluwalhatian
____________
5. Namamanglaw- maligaya
_____________
6. Pagmamahalpagkasuklam
_____________
7. Hitik
sagana
_____________
8. Punahin
pansinin
_____________
9. Sigwa
kapayapaan
_____________
10.
Dumantay- dumampi
_____________
G. Lagyan ng tsek (/) kung homonyms, ekis (x) kung homographs at
asteris (*) kung homophones ang mga pares na salita sa bawat
bilang.
1. __________ pari
:
hari
2. __________ palay :
malay
3. __________ upo
:
opo
4. __________ buko :
buko
5. __________ balat :
balat
6. __________ balot :
balot
7. __________libro
:
libra
8. __________ pako :
pako
9. __________ buto :
buto
10.
__________ pari
:
pari
11.
__________ aso
:
aso
12.
__________heto
:
hito
13.
__________ baka :
baka
14.
__________ Turo
:
toro
15.
__________ heto :
hito
Bumuo ng pangungusap batay sa hinihingi ng bawat kategorya sa ibaba:
Homonyms
Basahan
:
basahan
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
90

__________________________________________________________________
_________________________________________________.
Homographs
Puso :
Puso
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
_________________________________________________.
Homophones
Tela :
tila
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
Bumuo ng sariling pangungusap batay sa hinihing ng bawat kahon

Malamig

Denotasyon

Konotasyon

Ulap
91

Denotasyon

Konotasyon

Pahina

Denotasyon

Konotasyon

Papel

Konotasyon

Denotasyon

92

MGA SANGGUNIAN
Arrogante, Jose A. 2004. Kakayahang Pilipino sa Komunikasyong
Filipino. Madaluyong City: National Bookstore.
Belvez, Paz M. 2000. Ang Sining ng Agham sa Pagtuturo. Quezon City:
Rex Bookstore.
Buensuceso, Teresita S. et. al. 2005. Retorika (Filipino 3: Para sa Antas
Tersarya). Manila: UST Publishing House.
Catacataca P. At Espiritu C. (2005). Wikang Filipino
Dolores, Garcia D. 2007. Designing Curriculum.
Bookstore

Quezon City: Rex

Leyson, Lededica D. et. al. 2007. Komunikasyon sa Akademikong


Filipino. Sta. Ana, Manila: TCB Book Supply.
Papa, Nenita R. 2000. Wikang Filipino sa Ibat Ibang Disiplina. Manila:
Booklore Publishing Corporation.
Sibayan, B. (1999). The intellectualization of Filipino
http://propgeorgefrancisco.multiply.com/journal/item/7/Ang_Intelektwalisa
syon_ng_Wikang_Filipino
http://tl.wikipedia.org/wiki/Pangungusap
http://www.google.com.ph/search?hl=tl&client=firefox-a&rls=org.mozilla
%3Aen-US
93

%3Aofficial&channel=np&q=entelektwalisasyon&btnG=Hanapin&aq=f&aq
i=&aql=&oq=

Ang Tagatipon
Ang tagatipon ay naniniwala sa kasabihang Sa likod ng
maitim na ulap ay may kasunod na liwanag na kung saan sa
pamamagitan ng ng kasabihang ito ay ginawa niyang inspirasyon
sa lahat ng kanyang mga gawain.
Narito ang pagkatao ng tagatipon (compiler).
Personal:
Pangalan
:
NORLYN LOZADA-BORONG
Lugal ng Kapanganakan:
Sta. Margarita, Hilongos, Leyte
Petsa ng Pagsilang :
Nobyembre 15, 1976
Tirahan
:
Punong, Matalom, Leyte
Kalagayang Sibil
:
May-asawa
Asawa
:
Joselito Que Borong
Mga Anak
:
Eunice Jane L. Borong
Japeth Jose L. Borong
Mga Magulang
:
Agustin Napoles Lozada
Juliana Faller Retulla
Pinag-aralang Natamo:
Elementarya :
Sta. Margarita Elementary School
Sta. Margarita, Hilongos Leyte
1984-1990
94

Sekundarya

Kolehiyo

Paaralang Gradwado:

Sta. Margarita National High School


Sta. Margarita, Hilongos, Leyte
1990-1994
Saint Joseph College (SJC)
Maasin City
1994-October 1997
Cebu Normal University (CNU)
Cebu City
Medyor sa Physical Education
39 yunits
1999-2002
Southern Leyte State University-Tomas Oppus

San Isidro, Tomas Oppus, Southern Leyte


MAED, Filipino 2008
Southern Leyte State University-Tomas Oppus

San Isidro, Tomas Oppus, Southern Leyte


Ed. D, EM 2010-2011
Cebu Normal University
Cebu City
FLT, 2011 hanggang sa kasalukuyan

Mga Karanasan sa Pagtuturo


Bato Instutute of Science & Technology (BIST)

Dolho, Bato, Leyte


1999-June 30, 2009
Southern Leyte State University-Tomas Oppus

San Isidro, Tomas Oppus, Southern Leyte


July 1, 2009-hanggang sa kasalukuyan
95

96

97

You might also like