You are on page 1of 18

VARAYTI AT VARYASYON

NG WIKA

CHINETH DAGUIO
LOVELY VALENCIA
VARAYTI
Ang pagkakaroon nito ay
bunga ng paniniwala ng mga
linggwista na ang wika ay
heterogeneous o nagkakaiba-iba.
Dala ito ng nagkakaibang pangkat
ng tao na may iba’t ibang lugar na
tinitirahan, interes,gawain, pinag-
aaralan at iba pa .
VARYASON
Sa pagdaan ng panahon,
nagiging ispesyalisado ang
gawain at tungkulin ng tao at ito
ay nagreresulta ng pagkakaiba-
iba ng kultura at wika na siyang
nagiging panukat sa progreso ng
tao.
DALAWANG
URI NG
VARAYTI
DALAWANG URI NG VARAYTI
Permanente – likas na gamit at
linang sa sinumang tapagsalita o
tagabasa
 Dayalekt, Idyolek, Etnolek, Ekolek
Pansamantala – nagbabago batay
sa pagbabago ng sitwasyon.
 Sosyolek, Register , Pidgin,
Creole
PERMANENTENG VARAYTI

DAYALEK – Wikang subordineyt ng


isang katulad ding wika. Ginagamit ito sa
tiyak na lugar o rehiyon

Halimbawa:
Cebuano – Gihigugma ko ikaw
Waray – Maupay nga adlaw
Hiligaynon – Nagakadlaw na siya
PERMANENTENG VARAYTI

IDYOLEK – ang wikang tipikal/


pangkaraniwang ginagamit ng isang
tao; ang personal na “wika” ng isang
tao.
Halimbawa:
• Marc Logan
• Arnold Clavio
• Noli de Castro
PERMANENTENG VARAYTI
ETNOLEK - Isang uri ng barayti ng wika
na nadebelop mula sa salita ng mga
etnolonggwistang grupo. Dahil sa
pagkakaroon ng maraming pangkat etniko
sumibol ang ibat ibang uri ng Etnolek.
Taglay nito ang mga wikang naging
bahagi nang pagkakakilanlan ng bawat
pangkat etniko.
Halimbawa: Pakbet, Malong, Law oy
PERMANENTENG VARAYTI
EKOLEK – Barayti ng wika na kadalasang
ginagamit sa loob ng ating tahanan. Ito ang mga
salitang madalas na namumutawi sa bibig ng
mga bata at mga nakatatanda, malimit itong
ginagamit sa pang araw-araw na
pakikipagtalastasan.
Halimbawa:
• Palikuran – banyo o kubeta
• Silid tulogan o pahingahan – kuwarto
• Pamingganan – lalagyan ng plato
• Pappy – ama/tatay
• Mumsy – nanay/ina
PANSAMANTALANG VARAYTI
SOSYOLEK – Nakabatay ang
pagkakaiba nito sa katayuan istatus ng
isang gumagamit ng wika sa lipunang
kanyang ginagalawan
Halimbawa:
• Wa facelak girlash mo
• Sige ka, jujumbagin kita!
• Repapips, ala na ako datung eh
PANSAMANTALANG VARAYTI
REGISTER - Anyo ng wika batay sa uri at paksa
ng talakayan o larangang pinag-uusapan, sa
mga tagapakinig o kinakausap o kaya ay sa
okasyon at sa iba pang mga salik o factor .
a.) Field o larangan – ang layunin at paksa nito
ay naayon sa larangan ng mga taong
gumagamit nito.
b.) Mode o Modo – paraan kung paano
isinasagawa ang uri ng komunikasyon.
c.) Tenor – ito ay naayon sa relasyon ng mga
nag-uusap.
Halimbawa:
• Talakayan sa klase ng International Affairs
• Talakayan sa klase sa Filipino
• Klase sa Law School
PANSAMANTALANG VARAYTI
PIDGIN – Ito ay barayti ng wika na
walang pormal na estraktura. Ito ay
binansagang “nobody’s native language”
ng mga dayuhan. Ito ay ginagamit ng
dalawang indibidwal na nag uusap na
may dalawa ring magkaibang wika. Sila
ay walang komong wikang ginagamit.
Umaasa lamang sila sa mga “make-shift”
na salita o mga pansamantalang wika
lamang.
Halimbawa:
• Ako kita ganda babae
• Kayo bili alak akin.
• Ako tinda damit maganda
• Suki ikaw bili akin ako bigay diskawnt
• Ikaw aral mabuti para ikaw kuha taas
grado
PANSAMANTALANG VARAYTI
CREOLE – Mga barayti ng wika na
nadebelop dahil sa mga pinaghalohalong
salita ng indibidwal, mula sa magkaibang
lugar hanggang sa ito ay naging
pangunahing wika ng partikular na lugar.
Ito ay pinaghalong iba’t ibang wika.
Halimbawa:
• Mi nombre – Ang pangalan ko
• Di donde lugar to? – Taga saan ka?
• Buenas dias – Magandang umaga
PANSAMANTALANG VARAYTI
MODA - Paraan ng pagpapahayag
(pasalita ba o pasulat?)
May mga pagkakaiba ang paraang
pasalita at pasulat
Mas mahigpit ang pagpapatupad ng mga
tuntuning gramatikal sa paraang pasulat at
mas maluwag naman ang paraang
pasalita (bagamat sa internet, lalo na sa
mga social networking site, maluwag.
HALIMBAWA
MODANG PASALITA MODANG TEXT
E1: Kain na tayo. E1: Kain tau.
E2: Tara. San? E2: Wer?
E1: Sa resto. E1: Resto
E2: San nga e? E2: Wat resto?
E1: E di sa Gerry’s. E1: Khit san
E2: Okey. E2: S Gerry’s n ln
E1: K
PANSAMANTALANG VARAYTI
ESTILO - Kung pormal ang
pagtitipon/meeting, pormal din ang wika
Kung simpleng talakayan o tsismisan
lang, impormal o casual ang wika (lalo
kung ang kausap ay malapit na kaibigan)
Batay sa kausap at/o sa okasyon,
nagbabago ang antas ng pormalidad ng
wika

You might also like