You are on page 1of 41

KATUTURAN AT KATANGIAN

KAHALAGAHAN NG WIKA

TEORYA NG PINAGMULAN
NG WIKA

TUNGKULIN NG WIKA

ANTAS NG WIKA
KATUTURAN NG WIKA (Garcia, et.al. 2008)

 Ayon kay Henry Gleason: “Ang wika ay masistemang


balangkas ng sinasalitang tunog na isinaayos sa paraang
arbitraryo. Ang mga tunog ay hinugisan/binigyan ng
mga makabuluhang simbolo (letra) na pinagsama-sama
upang makabuo ng mga salita na gamit sa
pagpapahayag. ”
 Ayon kay Webster (1974, pahina 536) “Ang wika ay
isang sistema ng komunikasyon sa pagitan ng mga tao
sa pamamagitan ng mga pasulat o pasaling simbulo.”
 Ayon kay Archibald A. Hill “Ang wika ang pangunahin at
pinakaelaboreyt na anyo ng simbolikong pantao.”
KATUTURAN NG WIKA (Garcia, et.al. 2008)

 Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan.


Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog, at mga kaugnay
na batas upang maipahayag ang nais sabihin ng
kaisipan.
 Dagdag naman nina Mangahis et al (2005): “Ang wika ay
may mahalagang papel na ginagampanan sa
pakikipagtalastasan. Ito ang midyum na ginagamit sa
maayos na paghatid at pagtanggap ng mensahe na susi
sa pagkakaunawaan.”
KATUTURAN NG WIKA (Garcia, et.al. 2008)

 Wika mula sa wikang Malay.


 Sa Kastila ang isa pang katawagan sa wika: ang salitang
lengguwahe.
 Nagmula ang salitang lengguwahe o lengwahe sa
salitang lingua ng Latin, na nangangahulugang "dila".
KATANGIAN NG WIKA (Garcia, et.al. 2008)

1. May sistematik na balangkas.

Pangunahing katangian ng isang tunay na agham ang


pagiging sistematik. Dahil may katangiang makaagham ang
isang wika, nagging batayan ito upang umiral ang larangan
ng Linggwistiks, ang pag-aaral ng wika. Hindi lamang
nakabatay sa ngayon sa Balarila o Gramar ang pagtuturo ng
wika. Malaliman ngayong tinatalakay ang isang wika mula
sa fonoloji, morfoloji, hanggang sa sintaks.
KATANGIAN NG WIKA (Garcia, et.al. 2008)
A. Ponolohiya o fonoloji – pag-aaral ng fonema o ponema; ang fonema ay tawag sa
makabuluhang yunit ng binibigkas na tunog sa isang wika. Halimbawa ay ang mga
fonemang /l/, /u/, /m/, /i/, /p/, /a/ at /t/ na kung pagsama-samahin sa makabuluhang ayos
ay mabubuo ang salitang [lumipat].

B. Morpolohiya o morfoloji – pag-aaral ng morfema; ang morfema ay tawag sa


pinamakamaliit na makabuluhang yunit ng salita sa isang wika. Sa Filipino ang tatlong uri ng
morfema ay ang salitang-ugat, panlapi at fonema.

Salitang-ugat = tao, laba, saya, bulaklak, singsing, doktor, dentista


Panlapi = mag-, -in-, -um-, -an/-han
Fonema = a
*tauhan, maglaba, doktora

C. Sintaksis – pag-aaral ng sintaks; sintaks ay ang tawag sa formasyon ng mga pangungusap sa


isang wika. Sa Filipino, maaaring mauna ang paksa sa panaguri at posible namang
pagbaligtaran ito. Samantalang sa Ingles laging nauuna ang paksa.

Hal. Mataas ang puno.


Ang puno ay mataas.
The tree is tall. (hindi maaaring ‘Tall is the tree.’ o ‘Tall the tree.’)
KATANGIAN NG WIKA (Garcia, et.al. 2008)

2. Binibigkas na tunog
Hindi lahat ng tunog ay binibigkas at hindi rin naman
lahat ng tunog ay makabuluhan. Ang ponemika ng tunog
na makabuluhan. Ang pagiging makabuluhan ng tunog ay
yaong nakapagpapaiba ng kahulugan ng salita. Ang
ganitong phenomenon ng wika ang siyang dahilan kung
bakit sa kabila ng pagkakaroon ng 28 letra ng ating bagong
alfabeto, 21 lamang ang fonim o ponema at 1 sa 21 ito ay
walang katumbas na grafim o letra – ang glottal na pasara
sa lumang balarila ay tinatawag na impit na tunog.
Mapapansin ito sa mga salitang malumi at maragsa.
KATANGIAN NG WIKA (Garcia, et.al. 2008)

3. Pinipili at isinasaayos.

Kasama ang retorika sa mga batayang kurso sa kolehiyo.


Layon nito ang makapagpahayag nang mabisa sa
pamamagitan ng wastong pagpili at pagsasaayos ng wika.
Hindi lamang kasi basta binibigkas at inaalam ang
kahulugan ng mga salita.
KATANGIAN NG WIKA (Garcia, et.al. 2008)

4. Arbitrari
Ang wika ng isang pamayanan ay nabuo ayon sa
napagkasunduang termino ng mga taong gumagamit nito.
Dahil dito, nagkaroon ng indentidad ang bawat wika na
sadyang ikinaiba ng bawat isa.

5. Kapantay ng kultura
Kaugnay ng pagiging arbitrary ang pagiging kapantay ng
kultura ng wika. Walang wikang umunlad pa kaysa sa
kanyang kultura, gayundin walang kulturang yumabong
nang di kasabay ang wika.
KATANGIAN NG WIKA (Garcia, et.al. 2008)

6. Patuloy na ginagamit.
Walang saysay ang anumang bagay kung hindi naman ito
ginagamit. Kapag hindi ginagamit, nangangahulugan
lamang na wala itong silbi. Ito ang dahilan kung bakit
mahalagang katangian ng wika ang pagiging gamitin nito.
7. Daynamik o nagbabago
Itinuturing na “patay” ang isang wika kung wala na itong
tinatanggap na pagbabago. Hindi totoo na patay na ang
wika ay wala nang gumagamit at dahil doon, ay wala nang
silbi.
KAHALAGAHAN NG WIKA
KAHALAGAHAN NG WIKA (Garcia, et.al. 2008)

1. Kahalagahang pansarili

Nakapaloob dito ang indibidwal na kapakinabangan. Sa


oras na matutuhan ng isang indibidwal ang kakayahang
magsalita, kailangan na niyang magamit nang wasto ang
wikang kanyang kinagisnan (vernakular). Halos lahat ng
teoryang wika ay nag-uugat sa pansariling kapakinabangan:
pagpapahayag ng damdamin, iniisip at maging ng mismong
pagkatao.
KAHALAGAHAN NG WIKA (Garcia, et.al. 2008)

2. Kahalagahang panlipunan

Kailangan ng tao ang kanyang mga kapwa upang bumuo ng


isang lipunang sasagisag sa kanilang iisang mithiin, sa
kanilang natatanging kultura. Ito ang dahilan kung bakit
may iba’t ibang lipunan. At sa pagbanggit sa kultura,
naroon ang katotohanan ng pag-iral ng wika. Wika ang
dahilan kung bakit minamahal ng sinumang nilalang ang
kanyang sariling kultura, at mula sa pagmamahal na ito,
uusbong ang kanyang pagkakakilanlan.
KAHALAGAHAN NG WIKA (Garcia, et.al. 2008)

3. Kahalagahang global/internasyonal

Naging mainit ang isyung ito nang magkaroon ng 2001


Revisyon ng Alfabeto. Maraming nagtaas ng kilay sa
paggamit ng mga letrang F, J, V at Z bilang mga letrang
maaarinang gamitin sa pagbabaybay ng mga karaniwang
salitang hiram. Sa katunayan, malinaw na nakasaad sa
Konstitusyon ng 1987 (Art. XIV, Sek.7) na “Ukol sa mga
layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang
opisyal ng Pilipinas ay Filipino hangga’t walang ibang
itinatadhana ang batas, Ingles.”
KAHALAGAHAN NG WIKA (Garcia, et.al. 2008)

Ang nabanggit ang patunay na sa Pilipinas, itinatagubiling


matutuhan ng mga Pilipino ang dalawang wikang opisyal
na ito upang maging kasangkapan sa komunikasyon: ang
Filipino sa loob ng bansa at ang Ingles sa pandaigdig.
Ngunit dahil ang wika ay buhay at patuloy na nagbabago,
napansin ng mga dalubwika ng bansa na sa pamamagitan
ng paglalapat ng linggwistiks, masasabing mailalapat na
ang Filipino sa ispeling sa Ingles. Sa paggamit ng apat na
letrang nabanggit sa dakong unahan, maraming salitaang
papasok sa leksikong Filipino na hindi kailangan pang
baguhin ang ispeling.
TEORYA NA PINAGMULAN NG WIKA

1. TORE NG BABEL
Teoryang nahalaw mula sa Banal na Kasulatan. Nagkaroon
ng panahon kung saan ang wika ay iisa lamang. Napag-
isipang magtayo ng isang tore upang hindi na magkawatak-
watak at nang mahigitan ang Panginoon. Nang malaman
ito ng Panginoon, bumababa Siya at sinira ng tore. Nang
nawasak na ang tore, nagkawatak-watak na ang tao dahil
iba-iba na ang wikang kanilang binibigkas kaya nag kanya-
kanya na sila at kumalat sa mundo.
TEORYA NA PINAGMULAN NG WIKA

2. TEORYANG BOW -WOW

Ginagaya nila ang tunog na nililikha ng mga hayop gaya ng


tahol ng aso, tilaok ng manok at huni ng ibon. Ginagaya
naman daw ng tao ang tunog ng kalikasan at paligid gaya
ng pagtunog ng kampana, patak ng ulan at langitngit ng
kawayan.
3. TEORYANG YOO HE YO

Pwersang pisikal Nakakalikha ng tunog sa tuwing


nagpapakita ng pwersa
TEORYA NA PINAGMULAN NG WIKA

4. TEORYANG POOH -POOH


Nakalilikha ng tunog sanhi ng bugso ng damdamin. Gamit
ang bibig, napabubulalas ang mga tunog ng pagdaing na
dala ng takot, lungkot, galit, saya at paglalaan ng lakas.
5. TEORYANG TA -TA
Salitang Pranses na nangangahulugang paalam. Ginagaya
ng dila ang galaw o kumpas ng kamay ng tao na kanyang
ginagawa sa bawat partikular na okasyon tulad ng
pagkumpas ng kamay ng pababa at pataas tuwing
nagpapaalam.
TEORYA NA PINAGMULAN NG WIKA

6. TEORYANG DING DONG


May sariling tunog na kumakatawan sa lahat ng bagay sa
kapaligiran. Halimbawa: tsug- tsug ng tren, tik- tak ng
orasan
7. TEORYANG TA – RA – RA –BOOM DE -AY
Ang wika ng tao ay nag –ugat sa mga tunog na kanilang
nilikha sa mga ritwal . Halimbawa: pagsayaw, pagsigaw at
incantation o mga bulong na ginagawa tuwing
makikidigma, pagtatanim at iba pa.
MAKABAGONG TEORYA

1. Teoryang Mama
Nagmula ang wika sa mga pinakamadadaling pantig ng
pinakamahahalagang bagay. Pansinin nga naman ang mga
bata. Sa una’ y hindi niya masasabi ang salitang mother
ngunit dahil ang unang pantig ng nasabing salita ang
pinakamahalaga diumano, una niyang nasasabi ang mama
bilang panumbas sa salitang mother.
MAKABAGONG TEORYA

2. Teoryang Sing-song
Iminungkahi ng linggwistang si Jesperson na ang wika ay
nagmula sa paglalaro, pagtawa, pagbulong sa sarili,
panliligaw at iba pang mga bulalas-emosyunal. Iminungkahi
pa niya na taliwas sa iba pang teorya, ang mga unang salita
ay sadyang mahahaba at musikal, at hindi maiikling bulalas
na pinaniniwalaan ng marami.
MAKABAGONG TEORYA

3. Teoryang Hey you!


Iminungkahi ng linggwistang si Revesz na bunga ng
interpersonal na kontak ng tao sa kanyang kapwa tao ang
wika. Ayon kay Revesz, nagmula ang wika sa mga tunog na
nagbabadya ng pagkakakilanlan (Ako!) at pagkakabilang
(Tayo!). Napapabulalas din tayo bilang pagbabadya ng
takot, galit o sakit (Saklolo!). Tinatawag din itong teoryang
kontak.
MAKABAGONG TEORYA

4. Teoryang Coo Coo


Ang wika ay nagmula sa mga tunog na nalilikha ng mga
sanggol. Ang mga tunog daw na ito ang ginaya ng mga
matatanda bilang pagpapangalan sa mga bagay-bagay sa
paligid, taliwas sa paniniwala ng marami na ang mga bata
ang nanggagaya ng tunog ng mga matatanda.
MAKABAGONG TEORYA

5. Teoryang Babble Lucky


Ang wika raw ay nagmula sa mga walang kahulugang
bulalas ng tao. Sa pagbubulalas ng tao, sinuwerte lamang
daw siya nang ang mga hindi sinasadya at walang
kabuluhang tunog na kanyang nalikha ay naiugnay sa mga
bagay bagay sa paligid na kalaunan ay naging pangalan ng
mga iyon.
MAKABAGONG TEORYA

6. Teoryang Hocus Pocus


Ayon kay Boeree (2003), maaaring ang pinanggalingan ng
wika ay tulad ng pinanggalingan ng mga mahikal o
relihiyosong aspeto ng pamumuhay ng ating mga ninuno. 
Maaari raw kasing noo’y tinatawag ng mga unang tao ang
mga hayop sa pamamagitan ng mga mahikal na tunog na
kalaunan ay naging pangalan ng bawat hayop.
MAKABAGONG TEORYA

7. Teoryang Eureka!
Sadyang inimbento ang wika ayon sa teoryang ito. Maaari
raw na ang ating mga ninuno ay may ideya ng pagtatakda
ng mga arbitraryong tunog upang ipakahulugan sa mga
tiyak na bagay. Nang ang mga ideyang iyon ay nalikha,
mabilis na iyong kumalat sa iba pang tao at naging
kalakaran sa pagpapangalan ng mga bagay-bagay (Boeree,
2003)
MAKABAGONG TEORYA

8. Teoryang Yum Yum


Katulad ng teoryang ta-ta, pinag-uugnay ng teoryang ito
ang tunog at kilos ng pangangatawan. Katulad halos ng
teoryang ta-ta ang paliwanag ng mga proponent ng
teoryang ito sa pinagmulan ng wika.
TUNGKULIN NG WIKA

Ayon kay Michael A.K. Halliday


1. Pang – Interaksyunal

 Pakikipagtalakayan
 Pakikipagbiruan
 Pakikipagtalo
 Pagsasalaysay
 Liham – pangkaibigan
TUNGKULIN NG WIKA

2. Pang – Instrumental

 Tumutugon sa mga pangangailangan


 Paggawa ng liham pangangalakal
 Pakikiusap
 Pag -uutos

Halimbawa: Patalastas sa isang produkto


TUNGKULIN NG WIKA

3. Regulatori

 Pagkontrol sa ugali o asal ng isang tao.


 Pagbibigay ng direksyon, paalala o babala

Halimbawa: Pagbibigay ng instruksyon sa mga artistang


gumaganap sa drama.
TUNGKULIN NG WIKA

4. Personal

 Sariling kuro-kuro
 Nakakapagpahayag ng sariling damdamin

Halimbawa:
Pagsulat ng talaarawan at journal
Pormal o Di –Pormal na talakayan
TUNGKULIN NG WIKA
5. Imajinativ

 Malikhaing guni-guni
 Nakakapagpahayag ng imahinasyon sa malikhaing
paraan

Halimbawa:
• Tula
• Maikling kuwento
• Dula
• Nobela
• Sanaysay
TUNGKULIN NG WIKA
6. Heuristik

 Paghahanap ng impormasyon

Halimbawa:
• Pag-iinterbyu
• Pakikinig sa radyo
• Panood sa telebisyon
• Pagbabasa
TUNGKULIN NG WIKA
7. Informativ

 Nagbibigay ng mga impormasyon o datos

Halimbawa:
• Pamanahong papel
• Tesis
• Panayam
• Pagtuturo
ANTAS NG WIKA
A. PORMAL
Ito ang mga salitang istandard dahil kinikilala,
tinatanggap at ginagamit ng higit na nakakarami lalo na
ng mga nakapag – aral ng wika.

1. PAMBANSA. Ang mga salitang karaniwang ginagamit


sa mga aklat pangwika/ pambalarila sa lahat ng mga
paaralan. Ito rin ang wikang kadalasang ginagamit
ng pamahalaan at itinuturo sa mga paaralan.

Halimbawa: Asawa, Anak, Tahanan


ANTAS NG WIKA
2. PAMPANITIKAN O PANRETORIKA. Ito naman ang
mga salitang ginagamit ng mga manunulat sa kanilang
mga akdang pampanitikan. Ito ang mga salitang
karaniwang matatayog, malalim, makukulay at
masining.

Halimbawa: Kahati sa buhay


Bunga ng pag-ibig
Pusod ng pagmamahalan
ANTAS NG WIKA
B. IMPORMAL
Ito ay antas ng wika na karaniwan, palasak, pang araw-
araw, madalas gamitin sa pakikipag-usap at
pakikipagtalastasan

1. Lalawiganin
Ginagamit ito sa mga partikular na pook o lalawigan
lamang. Makikilala rin ito sa pagkakaroon ng kakaibang
tono o ang tinatawag ng marami na punto.

Halimbawa: Papanaw ka na ? (Aalis ka na?)


Nakain ka na? (Kumain ka na?)
Buang! (Baliw!)
ANTAS NG WIKA
2. Kolokyal
Ito’y mga pang – araw –araw na saita na ginagamit sa
mga pagkakataong inpormal. Maaring may kagaspangan
ng kaunti ang salita ngunit maari rin itong refinado ayon
sa kung sino ang nagsasalita. Ang pagpaaikli ng isa,
dalawa o higit pang salita lalo na sa pasalitang
komunikasyon ay mauuri rin sa antas nito.

Halimbawa: Nasan, pa`no, sa’kin, Kelan


Meron ka bang dala?
ANTAS NG WIKA
3. Balbal
Ito ang tinatawag sa Ingles na slang. Nagkakaroon ng
sariling codes, mababa ang antas na ito; ikalawa sa
antas bulgar.

Halimbawa: Chicks (dalagang bata pa)


Orange (beinte pesos)
Pinoy (Pilipino)
ANTAS NG WIKA
Karaniwang paraan ng pagbuo ng salitang balbal:
1. Paghango sa mga salitang katutubo
Halimbawa: Gurang (matanda)
Bayot (bakla)
Barat (kuripot)
2. Panghihiram sa mga wikang banyaga
Halimbawa: Epek (effect)
Futbol (naalis, natalsik)
Tong (wheels)
3. Pagbibigay ng kahulugan ng salitang tagalog
Halimbawa: Buwaya (crocodiles – greedy)
Bata (child – girlfriend)
Durog (powdered – high in addiction)
Papa (father – lover)
ANTAS NG WIKA
4. Pagpapaikli
Halimbawa: Pakialam – paki
Tiyak – tyak
5. Pagbabaliktad Buong Salita
Halimbawa: Etned – bente
Kita – atik
6. Papantig
Halimbawa: Dehin – hindi
Ngetpa – Panget
Tipar – Part

You might also like