You are on page 1of 11

PERSEPSYON NG MGA GURO SA WIKA SA ANTAS NG PAGTALAKAY

SA PAGTUTURO NG MAKRONG KASANAYAN SA PAGSULAT


AT ANTAS NG KASANAYAN SA PAGSULAT NG SANAYSAY
NG MGA MAG-AARAL SA IKA-10 BAITANG
NG ILING NATIONAL HIGH SCHOOL

PANUKALANG PAPEL

Iniharap sa Kaguruan ng Kolehiyo ng Pagtuturo


OCCIDENTAL MINDORO STATE COLLEGE
San Jose Campus

Bilang Pagtugon sa Kinakailangan sa Kursong


BATSILYER NG SEKUNDARYANG EDUKASYON MEDYUR SA FILIPINO

JAYFFERSON P. PRADO
AIRA JANE S. PACALDO
MARIA GLORIA C. BAÑAGA
DARLENE E. MAGBUDHI
RONALYN M. BOLASCO

Disyembre 2020
KABANATA 1

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

Panimula

Isa sa pinakagamiting makrong kasanayang pangwika ay ang pagsulat. Ayon kay

Lazaro (2004), ang makrong kasanayang pagsulat ay ang paraan ng pagsasalin ng mga

letra o salita sa simbolong pasulat. Ang ideya o salitang pinagtagpi-tagpi hanggang sa

makabuo ng isang makabuluhang pangungusap o talata na naipapabatid sa pasulat na

paraan. Ayon kay Hugney, et.al (1983), nakatutulong ang pagsusulat sa paglinang ng

kakayahan ng mga estudyante sa lohikal na aspekto ng pagsusulat at paglutas ng

suliranin. Napauunlad din ng pagsusulat ang iba pang kasanayang pangwika gaya ng

pagbasa, pagtatala, pagtukoy sa mga detalye, pagsusuri at pagbibigay pakahulugan ng

mga datos, dahil dito napatutunayang malaki ang naitutulong ng pagsusulat sa paghubog

ng damdamin at kaisipan ng isang tao.

Ang pagpapahayag ng sariling pananaw, opinyon at ideya tungkol sa isang

paksa sa pasulat na anyo gamit ang sariling wika ay isang kasanayan na dapat na

malinang sa bawat mag-aaral. Ang kasanayang ito ang huhubog ng tiwala sa sarili at

kakayahang komunikatibo na lubhang napakahalaga sa pag-unlad bawat kabataan.

Subalit sa panahong ito, isang napakalaking hamon ang sa bawat guro at mag-aaral ang

pagsulat. Maraming bilang ng mga mag-aaral ang nagpapakita ng pagkayamot, kawalan

ng interes at motibasyon sa pagsulat at may mga pagkakataon pang hirap sa pagbuo ng

mga ideya. Nakakaapekto ng mga kahinaang ito sa kasanayan sa pagsulat ng mga mag-

aaral (Badayos, 1999). Ang pagsulat ay isang komprehensibong kakayahang nauukol sa


wastong gamit ng mga salita, talasalitaan, pagbuo ng kaisipan at retorika. Kaya, nararapat

lamang na ang isang mag-aaral ay maihanda at magabayan sa paglinang ng mga

kasanayang nabanggit upang maging mabisa sa pagsusulat. Sa limang na makrong

kasanayang pangwika (pakikinig, pagsasalita, pagbasa, panunuod at pagsulat), ang

pagsulat ang sinasabing pinakamahirap matutuhan. hindi tulad ng pagsasalita, hindi mga

tunog kung hindi may mga titik ang simbolong ginagamit ng manunulat upang

makapagpahayag (Sauco, et al., 1998). Kaya lubhang napakahalaga na malinang sa bawat

mag-aaral ang kasanayang ito dahil lubos itong makakaapekto sa pag-unlad ng bawat

indibidwal. Maiisip na isa sa pangunahing solusyon sa kahinaang nabanggit ng mga mag-

aaral ay ang kahandaan ng guro sa pagtuturo ng pagsulat. Masasalamin ang kahandaang

ito sa maraming gawaing inihahanda ng guro para sa pagtuturo ng pagsulat. Ang

kabihasaan ng guro sa paraan ng pagsulat sa iba't ibang komposisyon ay isang mahusay

na paraan dahil sa loob ng paaralan ang guro ang tagapagpadaloy ng kaalaman. Ang

pagbibigay ng kaalaman sa mag-aaral ay nakapagdudulot sa kanila ng kalinawan sa

kanilang mga gawain upang malinang ang kasanayan sa bawat bahagi. Dumaraan sa

bawat yugto ang pagsusulat kaya marapat lamang na makalikha ang guro ng pamamaraan

upang mahikayat ang mag-aaral na makapag-isip at makapagsulat nang mahusay.

Kailangan ding maging mapanuri ng guro sa mga pangangailangan nila sa pagsulat.

Dahil dito, ang mananaliksik ay isasagawa ang pag-aaral upang matukoy ang

persepsyon ng mga guro sa wika sa antas ng pagtalakay sa pagtuturo ng makrong

kasanayan sa pagsulat at antas ng kasanayan ng mga mag-aaral sa pagsulat ng sanaysay

sa Ika-10 Baitang ng Iling National High School.


Paglalahad ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong matukoy ang kaugnayan ng persepsyon ng

mga guro sa wika sa antas ng pagtalakay sa pagtuturo ng makrong kasanayan sa pagsulat

at kasanayan sa pagsulat ng sanaysay ng mga mag-aaral sa Ika-10 Baitang ng Iling

National High School.

Sasagutin ng pag-aaral na ito ang sumusunod na mga tanong sa pananaliksik:

1. Ano ang persepsyon ng mga guro sa wika sa antas ng pagtalakay sa pagtuturo ng

makrong kasanayan sa pagsulat sa sumusunod na pamantayan:

a. Kaisahan

b. Pagkakaugnay-ugnay

c. Pagbibigay-diin

d. Pagbabaybay

e. Talasalitaan, wastong gamit at

f. Pagbabantas sa Filipino?

2. Ano ang antas ng kasanayan sa pagsulat ng sanaysay ng mga mag-aaral gamit ang

sumusunod:

a. Kaisahan

b. Pagkakaugnay-ugnay

c. Pagbibigay-diin

d. Pagbabaybay

e. Talasalitaan, wastong gamit at

f. Pagbabantas sa Filipino?
3. May makabuluhan bang ugnayan ang persepsyon ng mga guro sa wika antas

pagtalakay sa pagtuturo ng makrong kasanayan sa pagsulat at antas ng kasanayan

sa pagsulat ng sanaysay ng mga mag-aaral ng Ika-10 Baitang ng Iling National

High School?

Layunin ng Pag-aral

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong matukoy ang kaugnayan sa persepsyon ng

mga guro sa wika antas ng pagtalakay sa pagtuturo ng makrong kasanayan sa pagsulat at

kasanayan sa pagsulat ng sanaysay ng mga mag-aaral sa Ika-10 Baitang ng Iling National

High School.

Bilang partikular, ang pag-aaral na ito ay may layuning:

1. Matukoy ang persepsyon ng mga guro sa wika sa antas ng pagtalakay sa pagtuturo ng

makrong kasanayan sa pagsulat sa sumusunod na pamantayan:

a. Kaisahan

b. Pagkakaugnay-ugnay

c. Pagbibigay-diin

d. Pagbabaybay

e. Talasalitaan, wastong gamit at

f. Pagbabantas sa Filipino.

2. Matukoy ang antas ng kasanayan sa pagsulat ng sanaysay ng mga mag-aaral gamit

ang sumusunod:
a. Kaisahan

b. Pagkakaugnay-ugnay

c. Pagbibigay-diin

d. Pagbabaybay

e. Talasalitaan, wastong gamit at

f. Pagbabantas sa Filipino.

3. Matuklasan kung may makabuluhan bang ugnayan ang antas ng pagtalakay sa

pagtuturo ng makrong kasanayan sa pagsulat at antas ng kasanayan sa pagsulat ng

sanaysay ng mga mag-aaral sa Ika-10 Baitang ng Iling National High School.

Haypotesis

Walang makabuluhang ugnayan ang antas ng pagtalakay sa pagtuturo ng makrong

kasanayan sa pagsulat at antas ng kasanayan sa pagsulat ng sanaysay ng mga mag-aaral

sa Ika-10 Baitang ng Iling National High School.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang resulta sa pananaIiksik na ito ay inaasahang maging daan sa pagbibigay ng

kalinawan kung may kaugnayan ba ang antas ng pagtalakay sa pagtuturo ng makrong

kasanayan sa pagsulat sa kasanayan ng mga mag-aaral sa pagsulat ng sanaysay.

Naniniwala ang mga mananaliksik na sa pamamagitan nito ay maaaring mapalawak ang

kaalaman ng mga mambabasa tungkol sa mga mahahalagang sangkap para sa mabisang

pagtuturo ng wika. Ang pag-aaral na iło ay mahalaga sa mga sumusunod na indibidwal:


Guro. Ang pananaliksik na ito ay maaaring magbigay ng karagdagang kaalaman

sa mga guro sa mga aspetong dapat bigyang tuon upang maging mas mabisa ang

pagtuturo ng wika sa mga mag-aaral, gayundin sa paglinang ng makrong kasanayan.

Mag-aaral. Ang mga kaalamang maipababatid ng pananaliksik na ito ay

makatutulong sa mga mag-aaral upang maitaas ang antas ng pagsulat sa iba’t ibang

pagkakataon at larangan ng kaalaman.

Administrasyon. Ang pananaliksik na ito ay maaaring maging tulay upang

maiangat ang kalidad ng pagtuturo at maging daluyan sa higit pang pagtaas ng antas ng

edukasyon.

Mananaliksik. Ang magiging resulta ng pananaliksik na ito ay magagamit ng mga

susunod na mananaliksik bilang basehan sa pag-aaral na may kinalaman sa antas ng

pagtalakay sa pagtuturo ng makrong kasanayan sa pagsulat at kasanayan ng mga mag-

aaral sa pagsulat ng sanaysay.

Saklaw at Hangganan

Nakasentro ang pananaliksik na ito sa pagtukoy sa kaugnayan ng persepsyon ng

mga guro sa wika sa antas ng pagtalakay sa pagtuturo ng makrong kasanayan sa pagsulat

at kasanayan sa pagsulat ng sanaysay ng mga mag-aaral sa Ika-10 Baitang ng Iling

National High School Taong Panuruan 2020-2021. Nililimitahan ang pananaliksik na ito

sa mga mag-aaral at guro ng Iling National High School Taong 2020-2021, ang

respondente ng pag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay gagamit ng talatanungan sa pagkalap

ng mga kinakailangang mga datos.


Batayang Teyoretikal

Ang pag-aaral na ito ay nakasalig sa teorya ni Skinner na Behaviorism, na ang

pagkatuto ng wika ay bunga ng panggagagad o panggagaya, malimit na pagsasanay,

pagbibigay ng pidbak sa matagumpay na pagsasagawa at maging sa pamamagitan ng

paghubog ng kagawian. Binigyang diin din ni Skinner (1968) na kailangang alagaan ang

pag-unlad na intelektwal sa pamamagitan ng pagganyak at pagbibigay-sigla at

pagpapatibay sa anumang mabuting kilos o gawi. Naniniwala din siya na maaring

maisagawa ng bata ang anumang gawain kung tuturuan at bibigyan siya ng tamang

direksyon. Ang Teoryang Behaviorism sa pagkatuto ay nagbibigay sa mga guro ng iba’t

ibang simulain at mga pamamaraang madaling maisagawa ang pagtuturo.

Salig din ito sa Teoryang Kognitib ni Piaget, sinasabing ang pagkatuto ng wika ay

isang prosesong dinamiko na kung saan ang nag-aaral ng wika ay palaging

nangangailangan mag-isip at gawing may saysay ang bagong impormasyon. Inaalam ng

mga mag-aaral ng wika ang mga pumapailalim sa tuntunin at mailapat upang makabuo

ng orihinal na pangungusap. Habang ginagawa ang prosesong ito, hindi maiiwasan ang

pagkakamali at ayon sa paniniwala ng mga kognitibist ang pagkakamali ay palatandaan

ng pagkatuto at eksperimentasyon at hindi ito kagyat at tuwirang iwinawasto. Ang

Teoryang ito ay palaging nakapokus sa pag-uugnay ng dating kaalaman sa umiiral na

kaisipan. At sa pamamagitan ng dalawang dulog; Pasaklaw at Pabuod, ay nabibigyang

tuon ang pagtuklas ng pagkatuto.


Konseptwal na Balangkas

Ang pag-aaral na ito ay ilalahad sa pamamagitan ng balangkas ng pananaliksik

bilang pamatnubay sa mananaliksik sa kabuoan ng pag-aaral at bilang suportang teorya sa

kung saan nakatuon ang pag-aaral.

MALAYANG BARYABOL DI-MALAYANG BARYABOL

Persepsyon sa Antas ng Pagtalakay ng


mga Guro sa Wika sa Pagtuturo ng Kasanayan sa Pagsulat ng Sanaysay sa
Makrong Kasanayan sa Pagsulat sa sumusunod na pamantayan:
sumusunod na pamantayan:

Kaisahan Kaisahan

Pagkakaugnay-ugnay Pagkakaugnay-ugnay

Pagbibigay-diin Pagbibigay-diin

Pagbabaybay Pagbabaybay

Talasalitaan at wastong gamit Talasalitaan at wastong gamit

Pagbabantas sa Filipino
Pagbabantas sa Filipino

Figyur 1. Paradigma ng Pag-aaral

Ang Konseptwal na balangkas ng pag-aaral ay inilarawan sa anyong paradigma.

Ipinapakita na ang persepsyon ng mga guro sa antas ng pagtalakay sa pagtuturo

ng makrong kasanayan sa pagsulat bilang isang malayang baryabol. Susukatin ang

persepsyon ng mga guro sa antas ng pagtalakay sa pagtuturo ng makrong kasanayan sa

pamamagitan ng sumusunod na pamantayan: Kaisahan, Pagkakaugnay-ugnay,

Pagbibigay-diin, Pagbabaybay, Talasalitaan, Wastong gamit at Pagbabantas.


Ipinapakita naman na ang Kasanayan sa Pagsulat ng Sanaysay bilang isang di-

malayang baryabol. Susukatin din ito sa pamamagitan ng sumusunod na pamantayan:

Kaibahan, Pagkakaugnay-ugnay, Pagbibigay-diin, Pagbabaybay, Talasalitaan, Wastong

gamit at Pagbabantas. Inilalarawan sa paradigmang ito ang ugnayan ng antas pagtalakay

sa pagtuturo ng makrong kasanayan sa pagsulat at sa kasanayan sa pagsulat ng sanaysay

ng mga mag-aaral sa Ika-10 Baitang ng Iling National High School.

Katuturan ng mga Termino

Upang higit na maunawaan ang mga nakapaloob na termino sa pamanahong papel

na ito. Binigyang kahulugan ang mga sumusunod na salita:

Antas ng Pagtalakay. Lebel ng pagtalakay ng guro ng wika ng Iling National

High School sa makrong kasanayan sa pagsulat.

Guro ng Wika. Gurong nagtuturo ng wikang Filipino sa Iling National High

School.

Makrong Kasanayan sa Pagsulat. Paraan ng pagpapahayag ng ideya, opinyon at

pananaw sa pamamagitan ng pasulat na anyo.

Kasanayan sa Pagsulat ng Sanaysay. Kakayahan ng mga mag-aaral ng Iling

National High School sa pagsulat ng sanaysay

Kaisahan. Tumutukoy sa kaisahan ng ideya, layunin, komposisyon at tono

tungkol sa isang paksang isunusulat.

Pagkakaugnay-ugnay. Pagkakahanay-hanay ng mga ideya hinggil sa isang

paksang tinatalakay sa isang sulatin


Pagbibigay-diin. Pagbibigay ng higit na pansin sa isang mahalagang kaisipan sa

pagsusulat.

Pagbabaybay. Kaayusan at kawastuhan ng paggamit mga titik na bumubuo sa

isang salita.

Pagbabantas. Tumutukoy sa wastong paggamit ng mga bantas sa pagsusulat.

Talasalitaan. Bukabolaryo o pangkat ng mga salita na ginagamit ng mga mag-

aaral sa Ika-10 Baitang at guro ng Iling National High School.

Wastong gamit. Kaayusan at kawastuhan ng paggamit ng mga salita ng mga mag-

aaral sa Ika-10 Baitang at guro ng Iling National High School.

Persepsyon. Pagtataya sa sariling kakayahan ng mga guro sa wika ng Iling

National High School sa pagtalakay ng makrong kasanayan sa pagsulat.

You might also like