You are on page 1of 3

Republika ng Pilipinas

ESTADONG UNIBERSIDAD NG SULTAN KUDARAT


Gwadradong Paaralan
ACCESS, EJC Montilla, Tacurong City

Panghuling Pagsusulit, Ikalawang Semestre, SY: 2021-2022


EDUC 601 - Kwantitatibong Pamamaraan ng Pananaliksik

Pangalan: PALEN, GLENDY LOU D.

A. PAMAGAT

Kasanayan ng mga mag-aaral sa Wikang Filipino: Gabay sa


pagpapaunlad ng bokabularyo at Panggramatika

B. Suliranin ng Pag-aaral

Nilalayon ng pag-aaal na ito na masagutan ang mga sumusunod na


katanungan:
1. Matukoy ang antas ng kasanayan sa Wikang Filipino.
1.1 Kaalaman sa bokabularyo
1.2 Kasanayan sa wastong paggagramatika
1.3 Kasanayan sa ortograpiyang Filipino
2. Masuri ang Kaalaman sa Wikang Filipino
2.1 Katatasan sa pagsasalita ng Wikang Filipino.
2.2 Kasanayan sa pagsusulat sa Wikang Filipino partikular na sa
pampanitikang aspeto.

C. Haypotesis
Pinabulaanan sa pag-aaral na ito na ang pagkakaroon ng maunlad na
kaalaman sa bokabularyo at gramatika ay nagdudulot ng kasanayan sa pagsusulat
at pagsasalita sa Wikang Filipino.
Ayon sa napag-aralan, ang isang mag-aaral na maunlad sa bokabularyo at
panggramatika ay may kasanayan o bihasa na ito sa pagsusulat at pagsasalita ng
Wikang Filipino.

1
D. Konseptuwal na Balangkas

INPUT PROCESS

Mga mag-aaral sa Pagbibigay ng talatanungan


panggramatika
Pagkokolekta ng mga
impormasyon ng mga mag-
aaral

AWPUT

Kasanayan sa pagsusulat at
pagsasalita ng Wikang
Filipino

E. Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pagkakaroon ng isang maunlad na bokabularyo at panggramatika ay nagdudulot ng


kasanayan sa pagsasalita at pagsusulat sa Wikang Filipino.
Naniniwala ang mananaliksik na sa pamamagitan ng pag-aaral na ito ay mailalahad ang
kahalagahan ng pag-aaral at maging kapaki-pakinabang sa mga sumusunod:

Sa mananalisik. Mahalaga ang pag-aaral na ito upang mas bihasa pa ito sa pagsusulat at
pagsasalita ng Wikang Filipino. Ang pag-aaral na ito ay magiging gabay sa kanyang pagpapaunlad ng
bokabularyo at gramatika
Sa mga mag-aaral. Mahalaga ang pag-aaral na ito sa mga mag-aaral lalong-lalo na sa mga
mag-aaral ng panggramatika at istrukturang Filipino. Magiging instrumento ang pag-aaral na ito sa
kanila upang mas paghusayan pa ang kanilang pag-aaral patungkol sa ortograpiyang Filipino.
Sa mga guro. Makatutulong ang pag-aaral na ito sa mga guro partikular na sa larangan ng
Humanidades na kung saan nagtuturo ng asignaturang Filipino. Maaaring maging gabay ang pag-
aaral na ito sa kanilang pagtuturo lalong lalo na sa panggramatika at istruktura.
Sa mga magulang. Makatutulong ang pag-aaral na ito sa mga magulang upang magabayan
ang kanilang mga anak sa pagbabasa partikular na sa Wikang Filipino
Sa mga sumusunod na henerasyon. Magiging gabay ang pag-aaral na ito sa mga sumsunod
na henerasyon na kung saan ang pagkakaroon ng maunlad na bokabularyo at panggramatika sa
Wikang Filipino ay magiging gabay upang magkaroon ng kasanayan sa pagsasalita at pagsusulat sa
Wikang Filipino.

2
E. Depinisyon ng mga Terminolohiya

Upang gawaing mas malinaw at komprehensibo ang pag-aaral na ito sa mga mambabasa,
ang mga sumusunod na termino ay binibigyang kahulugan sa konsepto at pagpapatakbo:

Wikang Filipino - Ang Wikang Filipino ay nag pambansang Wika ng Pilipinas na alinsunod sa Artikulo
14, Seksiyon 6 na “Ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang
nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa
Pilipinas at sa iba pang mga wika.
(Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino, 2019)

Sa pag-aaral na ito, ang kasanayan sa Wikang Filipino ang binibigyang-diin.

Bokabularyo - Isang listahan o koleksyon ng ng mga salita at parirala na karaniwang nakaayos ayon
sa alpabeto at ipinaliwang o binibigyang kahulugan. (Webster Dictionary)

Sa pag-aaral na ito, tutukuyin ng mananaliksik ang katatasan sa pang-


bokabularyong aspeto ng mga mag-aaral tungo sa kasanyan sa pagsasalita at
pagsusulat ng Wikang Filipino

Gramatika - Isang pag-aaral ng mga klase ng mga salita, ang kanilang inpeksiyon at ang kanilang
mga tungkulin at relasyon sa pangungusap. (Webster Dictionary.)

Sa pag-aaral na ito, tutukuyin ng mananaliksik ang kasanayan sa


panggramatikang aspeto ng mga mag-aaral tungo sa kasanyan sa pagsasalita at
pagsusulat ng Wikang Filipino.

You might also like