You are on page 1of 14

KASALUKUYANG KALAGAYAN NG PAGTUTURO NG

FILIPINO SA BATAYANG EDUKASYON AT ANG


PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA SA
BATAYANG EDUKASYON
FILIPINO BILANG ARALIN
ANG PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA SA BATAYANG
EDUKASYON

A. Mga Lawak o Kasanayan


Ang Filipino bilang isang aralin o asignatura ay lumilinang sa
kasanayan sa PAKIKINIG, PAGSASALITA, PAGBASA, PAGSULAT, at PAG-
IISIP.

B. Saklaw ng mga Lawak o Kasanayan


Para sa mabisang pagtuturo ang mga tiyak na kasanayan ay nililinang
sa pamamagitan ng mga angkop na sitwasyon at kagamitan tungo sa
lubusang pagkatuto. Inaasahang ang mga batayang kasanayan sa
pagbasa ay matututuhan nang lubusan sa unang tatlong baitang.
C. Pagbabago sa mga Kasanayan o Kompetensi sa Pagkatuto
1. Pagsasaayos, pagbabawas at pagpapangkat sa mga kasanayang
magkakatulad upang maiwasan ang pag-uulit-ulit ng mga ito.
2. Pagtuon sa mga tiyak o batayang kasanayan.
3. Pagbibigay-diin sa pagbasa at pakikipagtalastasan para sa pag-unawa
sa mga batayang kaisipan o konsepto sa matematika at agham.
D. Nakalaan/Nakatakdang Oras sa Pagtuturo ng Filipino
1. Itinuturo ang asignaturang Filipino sa loob ng 30 minuto mula
ikalawang markahan hanggang ikaapat na markahan ng unang
baitang. Samantalang, 50 minuto naman itong itinuturo sa ikalawa
hanggang ikaanim na baitang.
ANG PAGTUTURO NG FILIPINO SA SEKONDARYA SA BATAYANG
EDUKASYON

A. Sa Unang Dalawang Taon


Ang binibigyan ng pokus ay ang masusing pag-aanalisa at pag-aaral
ng mga tiyak na istrukturang gramatikal ng Filipino bilang isang kasabay
ng pagtatamo ng wastong kasanayan sa maunawang pagbasa. Upang
matamo ang mga ito, pinagsanib ang mga interdisiplinaring paksa at
ang makabagong nakapaloob sa iba’t ibang uri ng teksto tulad ng mga
tekstong prosidyural, referensyal, journalistic, literasi at politiko-
ekonomik at ang pagkatuto ng iba’t ibang istrukturang gramatikal.
B. SA HULING DALAWANG TAON
Ang pokus ay ang pagtatamo ng mapanuring pag-iisip sa pamamagitan ng kritikal
na pagbasa at pag-unawa sa iba’t ibang genre ng panitikan na nakasalin sa Filipino.

C. SA BAWAT TAON
Binibigyan ng tiyak na atensyon ang paglinang sa pasulat na komunikasyon sa
pamamagitan ng eksposyur sa iba’t ibang uri ng komposisyon at malikhaing
pagsulat. Ito ay pinagtutuunan ng isang linggong leksyon sa bawat markahan.

D. SA APAT NA TAON
Binibigyan ng pansin sa pag-aaral ng Filipino ay ang pagtatamo ng kasanayan sa
akademikong wika.
ANG PAGTUTURO NG FILIPINO

Ayon kay Gonzales (1998), isa sa pinakaepektibong


tagapagpalaganap ng batayang kaalaman sa Filipino ay ang sistema ng
paaralan. Dito, itinuturo ang Filipino bilang isang wika at ginagamit
itong midyum ng pagtuturo sa Filipino, Agham Panlipunan, Edukasyon
sa Pagpapalakas, Edukasyon sa Pagpapahalaga, at iba pa. Ang pagiging
epektibo at kabisaan ng Filipino ay dahil sa itinuturo ito sa isang
kapaligirang pabor sa wika. Bunga nito, nagiging mabilis ang pagkalat
ng wika.
A. SA ELEMENTARYA

Dalawang tuon ang dapat na pagtuturo ng Filipino sa elementarya, paglilinaw ni


Gonzales. Una – sa mga nagsasalita na ng Filipino, dapat silang sanayin sa mabisang
pag-aaral ng pagbasa at pagsulat sa wika. Ikalawa – sa mga di Tagalog na kailangan
pang maging bihasa sa Filipino, makatutulong ang pagtuturo sa kanila ng Filipino
bilang istandard na wika at sanayin sila sa pakikinig at pagsasalita. Ang dapat
mangyari sa paaralang elementarya ay maging mabilis ang pagkatuto ng mga
estudyante sa paggamit ng Filipino para madali nilang maunawaan at maipaliwanag
ang mga kaalaman sa mga araling pangnilalaman (content subjects) sa
pamamagitan ng wikang ito. Ibig sabihin nito na kailangan ang mas mahihirap na
materyal na nasusulat sa Filipino: kasama ang mga mayamang teksto para
mapahusay ang pagkatuto sa pamamagitan ng Filipino.
B. SA SEKONDARYA

Sa high school o antas sekondarya, kailangan ang pagpapaunlad ng mga gawain sa


pagbasa at pagsulat. Kapag narating na ng mga estudyante ang tinatawag ni Jean
Piaget, isang sikolohista, ang pormal na hakbang ng kognitibong paglinang, dapat na
matutuhan na nilang harapin ang mga gawain para sa mas mataas na order-kognitibo
sa Filipino. Hindi lamang kaalaman ng mga katotohanan (facts) ang kailangang
matutuhan sa paaralang sekondarya. Dapat ding maglaan ng mga gawain para sa ganap
na pag-unawa ng iba’t ibang teksto sa larangang akademiko gaya ng paglalapat ng mga
prinsipyong natutuhan sa konkretong sitwasyon, paggawa ng makabuluhang analisis,
pagbubuo ng sintesis, at malikhaing pagbuo ng mga pangyayari at ebalwasyon. Kung
sahol ang pagtuturo sa mga ganitong gawain, magiging mababaw sa wika ang isang
mag-aaral gaya ng tinatawag ng mga linggwist na Scandinavian na semilingual – walang
kakayahang makagamit ng ano mang wika sa gawaing nangangailangan ng mas mataas
na order ng kognisyon.

You might also like