You are on page 1of 21

PAGPOPROSESO NG

IMPORMASYON PARA
SA KOMUNIKASYON
WEEK 5: ANO ANG
KOMUNIKASYON?
Ano ang Komunikasyon?
Ang komunikasyon ay ang proseso ng
pagpapabatid ng mensahe mula
sa tagapaghatid tungo sa tagatanggap nito.
Nanggaling ito sa salitang Latin na"communis"
na ang kahulugan sa Ingles ay "ordinary" at
"karaniwan" naman kapag isinalin sa Filipino.
Sangkot sa komunikasyon ang mga
sumusunod na makrong kasanayan sa
pag-aaral nito:
1. pagsasalita
2. pakikinig
3. pag-unawa
4. pagbasa
5. pagsulat
Uri ng Komunikasyon
Dalawa ang uri ng komunikasyon. Ang mga
ito ay ang mga sumusunod:
Komunikasyong Berbal

Ang komunikasyong ito ay ginagamitan ng wika na


maaaring pasulat at maaari rin namang pasalita. Sa uring
ito ng komunikasyon nakatuon ang pansin sa pag-aaral ng
maraming asignaturang Filipino.
Komunikasyong Di-berbal
Kinasasangkutan naman ng mga kilos
o galaw ng katawan ang uri ng
komunikasyong ito. Karaniwang
binibigyan ng interpretasyon ang mga
senyas upang maisakatuparan ang
proseso ng komunikasyon.
Anyo ng Komunikasyon
Maaaring matagpuan ang
komunikasyon sa alinman sa mga
sumusunod na
anyo:
1. Intrapersonal na komunikasyon

 Hindi kabaliwan ang pakikipag-ugnayan ng tao sa


kanyang sarili. Ito ay isang uri ng pagmumuni-muni
upang makabuo ng isang nararapat na desisyon.

 Ang intrapersonal na komunikasyon ay self-


meditation na komunikasyon. Kinakausap ng tao ang
kanyang sarili sa pagnanais na higit na maging
produktong indibidwal.

2. Interpersonal na komunikasyon

 Ang interpersonal na komunikasyon ay ang ugnayang


komunikasyon ng isang tao sa iba pang tao. Nagaganap dito
ang paikot na proseso ng komunikasyon kung kayat hayag
na hayag ang tugon o feedback.
 Karaniwang nagaganap ang interpersonal na komunikasyon
sa pang- araw-araw na pakikisalamuha natin sa iba't ibang
uri ng tao.

 Dalawang katao lamang ang kasangkot sa komunikasyong


ito (ang nagpapadala at ang tumatanggap).
3. Komunikasyong Pampubliko

 Ang komunikasyong pampubliko ay ang ugnayang


komunikasyon sa pagitan ng isang tao at dalawa o higit pang
katao. Sa pamamagitan nito, ipinararating ng tagapaghatid ng
mensahe o isang indibidwal ang kanyang
mensahe sa dalawa o higit pang katao subalit umaasa ang una
para sa isang
tugon. Linyar ang komunikasyon sa komunikasyong pampubliko.
Ang ibig
sabihin, natatapos ang komunikasyon kapag naiparating na
nagpapadala ng mensahe ang kanyang mensahe sa kanyang mga
tagapakinig.

 Karaniwang ginagamit ang komunikasyong pampubliko sa


4. Komunikasyong Pangmadla

Maihahalintulad sa komunikasyong pampubliko ang


komunikasyong pangmadla sa kadahilanang parehong
linyar ang komunikasyong namamagitan sa kanilang
dalawa. Nagkaiba lamang ang mga ito sa
kasangkapang gamit sa pagpapadala ng mensahe.
Direktang pakikipag-usap sa tao ang sangkot sa
komunikasyong pampubliko, samantalang gumagamit pa
ng kagamitang pangkomunikasyon sa komunikasyong
pangmadla.
12 URI NG KOMUNIKASYONG DI- BERBAL (senyas/movements of body
parts)

1) PROXEMICS -distance/espasyo ang pinapahalagahan


Hal. Employee at Employer

2) CHRONEMICS - time/ ORAS ang pinapahalagahan.


Hal. Oras na napagkasunduan

3) HAPTICS - touch/haplos
Hal. Paghaplos sa balikat kung may problema.

4) KINESICS- galaw ng katawan/movement of body


Hal. Wave of hands - means BYE BYE
5) OBJECTICS -bagay/ things
Hal. Ang pagdala ng RULER sa tuwing nag tuturo. (RULER
sumisimbolo ng GURO) (PALAKOL sumisimbolo ng Magsasaka)

6)VOCALICS - may tunog


Hal. Igham , sut-sut (sit2x)

7)COLORICS - kulay
Hal. You can identify a police tru the color of their uniform.

8 ) ICONICS - symbols/simbolo
Hal. Traffic light
9) OLFACTORICS - Amoy/smell
Hal. Amoy sa pabango

10) PICTICS - Galaw ng mukha / facial expressions


Hal. Nagagalit

11) OCULESIS - galaw ng mata/ movement of eyes


Hal. Pagseselos

12) PARALANGUAGE - ungol/moan


Hal. Pagroromansa
PAGPOPROSESO NG
IMPORMASYON PARA
SA KOMUNIKASYON
WEEK 6: KOMUNIKASYON AT ANG PROSESO
NITO
Makapaghatid ng impormasyon o
mensahe ang pangunahing layunin ng
komunikasyon at ang maunawaan ito
mula sa isang tao tungo sa ibang tao o
pangkat. Binubuo ng tatlong
pangunahing sangkap ang prosesong
ito ng komunikasyon.
PIGURA 1. MODELO NG KOMUNIKASYON

TAGAPAG HATID MENSAHE TRANSMISYON TUMATANGGAP TAGA TANGGAP TUGON


(IDEYA) (ENKOWD) (SIGNAL) (DEKOWD) (KAHULUGAN) (FEEDBACK
Konteksto (Context)
Bukod sa mga nabanggit na elemento ng
komunikasyon, mahalaga rin na malaman ng mga mag-
aaral ang iba't ibang konteksto o pagtingin sa
komunikasyon. Ang may-akda ay naniniwala na ang
mga sumusunod na
konteksto ng komunikasyon ay maituturing din na mga
ingay na nakaaapekto sa buong proseso ng
komunikasyon: Pisikal, sosyal, kultural, sikolohikal, at
historical.
1. Pisikal
Ang oras at lugar na pinagdarausan ng isang pangyayari ay
mahahalagang
konteksto ng komunikasyon. Maaari itong kasangkutan ng
aktwal na lugar, oras, ilaw, antas ng ingay at mga kaugnay na
salik.

2. Sosyal
Ang sosyal na konteksto ng komunikasyon ay tumutukoy sa
mga personal
na ugnayan ng mga kalahok sa komunikasyon
5. Historikal
Tinutukoy ng historical na konteksto ang
mga inaasahan ng bawat kasali sa
proseso ng komunikasyon batay sa mga
kaganapang nangyari sa mga nakaraan.
3. Kultural
Ang kultural na konteksto ng komunikasyon ang
isa sa pinakamahalagang
salik na nakaaapekto sa buong proseso ng
komunikasyon.

4. Sikolohikal
Tinutukoy ng sikolohikal na konteksyo ang ang
mood at ang emosyon ng mga kasangkot sa
buong proseso ng komunikasyon.
Pagproproseso ng Impormasyon para sa Komunikasyon
(Context)
Tinutukoy ng pagpro-proseso ng impormasyon ang aktibidad ng utak
mula sa mga gawaing kinasangkutan ng pag-iisip habang ginagamit sa
kapaligiran ng isang indibidwal. Mahalaga ang prosesong ito sa
konteksto ng komunikasyong pananaliksik sapagkat ang katangian ng
istimuli na may kaugnayan sa komunikasyon- nasa parehong
pinamagitan (mediated) at interpersonal na komunikasyon ay
kinasasangkutan ng kapaligirang panlipunan na kung saan ang isang
indibidwal ay nakikipagsapalaran sa pagpro-proseso ng impormasyon.
(Bolls 2017)

You might also like