You are on page 1of 9

St.

Louis College of Bulanao


Purok 6, Bulanao, Tabuk City, Kalinga 3800

Ang modyul na ito ay inihanda ng St. Louis College of Bulanao sa pagnanais na


maisakatuparan ang iba’t-ibang pamamaraan ng pagtuturo hatid na rin ng pagbabago ng
kasalukuyang panahon.

Ang Kagamitang Pagkatuto na ito ay pagmamay-ari lamang ng College of Education ng St.


Louis College of Bulanao, Tabuk City. May layunin itong pagyamanin ang pagganap ng bawat
mag-aaral at mapalalim ang kanilang kawilihan lalo na sa kanilang ISPESIYALISASYON.

Petsa : Enero 2022 (1)


Lokasyon/ Lugar : Bulanao, Tabuk City
Asignatura : Mga Natatanging Diskurso sa Wika at
Panitikan
Paraan/Uri ng Pagkatuto : Modyul

Pangkalahatang Panuto:
Ang modyul na ito ay naglalaman ng introduksiyon kung saan ilalahad ang
pangkalahatang nilalaman ng diskurso sa Wika at Panitikan. Ito ay binubuo ng mga aralin na
punung-puno ng masusing talakayan at may nilaan na mga pagsasanay upang himukin kayong
matuto at magsiyasat o magsaliksik ukol dito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito, kailangang sundin at isaalang-alang ang mga


sumusunod na panuto:

1. Ang modyul na ito ay nakalaan para lamang sa mga mag-aaral ng SLCB.


2. Hindi ipinahihintulot na gamitin at sipiin ang anumang bahagi ng modyul na ito sa kahit
paano mang paraan nang walang pormal at nakasulat na pahintulot mula sa institusyon
ng SLCB o sa may-akda.
3. Maaari lamang na gamitin o pakinabangan ang modyul na ito para sa anumang layuning
katanggap-tanggap at kasiya-siya.

Inihanda ni: G. JESS M. ARCEO, LPT 1


St. Louis College of Bulanao
Purok 6, Bulanao, Tabuk City, Kalinga 3800

ANG KOMUNIKASYON
MODYUL 1

I. PANIMULA

Ang modyul na ito ay nakatuon sa mga piling diskursong pangwika at


pampanitikan sa konteksto ng Lipunang Pilipino. Natutukoy rito ang mga konsepto at
isyung pangwika at pampanitikan at kahalagahan at kaugnayan ng mga ito sa
akademiko at di-akademikong gawain at karanasan ng mga mag-aaral na Pilipino.

II. MGA BUNGA NG PAGKATUTO


a. Nakapagtatala ng halimbawa sa bawat uri ng komunikasyon; at
b. Naipamamalas ang malawak na kaalaman sa modelo ng komunikasyon.

III. NILALAMAN NG KURSO


Ang Komunikasyon
a. Kahulugan at Kahalagahan ng Komunikasyon
b. Uri ng Komunikasyon
c. Mga Modelo ng Komunikasyon
d. Mga Elemento ng Komunikasyon
e. Proseso ng Komunikasyon

IV. KARANASANG PAMPAGKATUTO


KAHALAGAHAN NG KOMUNIKASYON

1. Ang komunikasyon ay nagbibigay-pagkakataon na ibahagi ng tao sa kanyang kapwa ang


kanyang nadarama.
* Ang taong kulang sa pakikisalamuha ay may mas malaking tendensiya nang
pagkakasakit o pagkamatay.
* Ang buntis na babae na walang suportang relasyonal mula sa ibang tao ay may malaking
tendesiya na magkaroon ng iba’t ibang komplikasyon ang pagbubuntis.
* Ang taong hiwalay (divorced/separated) ay may lima hanggang sampung beses na
mataas ang pagkakaroon ng sakit sa pag-iisip kumpara sa kasal pa at nagsasama.
* Ang taong madalas na mag-isa ay may malaking tendensiya na magkaroon ng sakit sa
puso.

2. Nagkakaroon ang tao ng ganap na kabatiran tungkol sa sariling pagkatao batay sa perspektiba
ng kanyang kapwa.

3. Napaglalapit ng komunikasyon ang mga pusong magkakalayo kahit sa espasyo, dingding,


tubig o pulo man ang pagitan.
4. Napag-iisa kundi man ay napaglalapit ang dalawang taong may hidwaan.
5. Nakapagbabahaginan ang mga tao ng mga kaalamang mahalaga at kailangan sa kanilang
buhay.
6. Nauunawaan ng tao ang tamang paggamit ng kanyang WIKA.

KAHULUGAN NG KOMUNIKASYON
Ang salitang komunikasyon ay mula sa salitang Latin na communicare na ang ibig sabihin
ay maibahagi. Ito ay pagtatalaga ng kahulugan sa mensaheng kilos o pangyayari.
Ayon naman kay Berlo (1960), ang komunikasyon ay isang proseso ng pakikipag-
ugnayan. At ang prosesong ito ay bumubuo ng interaksyon at ang bawat elemento/sangkot sa
komunikasyon ay nakakaapekto sa isa’t isa.

Sa libro naman ni Hernandez (1989), itinuturing niya ang komunikasyon bilang isang
cooperative enterprise. Sa isang cooperative enterprise may 2 o higit pang tao na nagbibigayan

Inihanda ni: G. JESS M. ARCEO, LPT 2


at kung gayon, ang bawat isa sa kanila ay nakapagdedebelop ng 2 kakayahan--- ang makinig at
magsalita nang mahusay.
Ayon naman kay Stewart Tubbs (2010), angAyon naman kay Stewart Tubbs (2010), ang
komunikasyonkomunikasyon ay “bahaginan ng karanasan” saay “bahaginan ng karanasan” sa
pagitan ng isa o higit pang mga tao.pagitan ng isa o higit pang mga tao.
Sa aklat naman ni Roberto Ampil (2014), ang komunikasyon ay binigyang kahulugan
bilang pinagsamang pagkaunawa ng mensahe, at malaking bahagi ng pagtatagumpay nito ay ang
pagkakaroon ng komon na “wika” ng mga kasapi sa komunikasyon at ang kanilang kahusayan
sa paggamit nito.

URI NG KOMUNIKASYON
1. Berbal na Komunikasyon- Ito ay uri ng komunikasyon kung saan ang impormasyon ay
naibabahagi o naihahatid sa pamamagitan ng mga salita. Maaaring pasulat o pasalita.
2. Di berbal na Komunikasyon- Ito ay uri ng komunikasyon kung saan ang impormasyon ay
naibabahagi o naihahatid sa pamamagitan ng kilos o galaw.
3. Komunikasyong Biswal. Ito ay uri ng komunikasyon kung saan ang impormasyon ay
naibabahagi o naihahatid sa pamamagitan ng larawan, o simbolo na maaaring kumatawan sa
salita.

MGA ELEMENTO NG KOMUNIKASYON


1. Kalahok/Partisipante. Tumutukoy sa bawat indibidwal na sangkot sa proseso ng
komunikasyon. Ito ay maaaring tagapagpadala ng mensahe (sender/source) o tagatanggap ng
mensahe (receiver).
2. Mensahe. Ito ay elemento ng komunikasyon na siyang bibigyang kahulugan ng tagatanggap
ng mensahe. Maaari itong berbal at di- berbal na mensahe.
3. Tsanel. Ito ang elemento ng komunikasyon na nagsisilbing daluyan ng mensahe mula sa
tagapaghatid ng mensahe. Maaari itong sensory organs at mediated channels. Ilan sa mga
halimbawa ng sensoring daluyan ay ang pandinig, paningin, at pandama. Samantala, ang
pahayagan, pelikula, radio, telebisyon at Internet ay itunuturing bilang mediated na daluyan.
4. Ingay o Interference. Ang isang o interference ay elemento ng komunikasyon na nagsisilbing
sagabal na proseso ng komunikasyon. Tandaan na hindi lamang ito nakapaloob sa tunog. Sa
katunayan, sakop nito ang pisikal/teknikal na sagabal, semantikong sagabal, pisyolohikal na
sagabal, kultural na sagabal at sikolohikal na sagabal.
5. Tugon o Feedback. Ito ay elemento ng komunikasyon na nagsisilbing tugon sa mensaheng
ipinadala ng sender. Gaya ng mensahe, ang tugon ay maaari ring berbal (pasalita/pasulat) at di-
berbal (simbolo).
6. Konteksto (Context). Ang konteksto bilang bahagi ng komunikasyon ay tumutukoy sa
sitwasyon at pinangyayarihan ng proseso ng komunikasyon. Ang konteksto ng komunikasyon ay
mahahati sa apat: pisikal na konteksto, sosyal na konteksto, historikal na konteksto, at
sikolohikal na konteksto.

PROSESO NG KOMUNIKASYON

LEBEL NG KOMUNIKASYON
Ang lebel ng komunikasyon ay kilala rin bilang “LAWAK NG KOMUNIKASYON”. Ito ay
tumutukoy sa dami ng bilang ng mga kalahok sa proseso ng komunikasyon o lawak na sakop ng
komunikasyon.
Ilan sa mga uri nito:

Inihanda ni: G. JESS M. ARCEO, LPT 3


1. Intrapersonal na Komunikasyon. Kilala rin bilang komunikasyong pansarili. Madalas, hindi
maikakailang ang ganitong lebel ng komunikasyon ay nagpapatunay na likas sa isang indibidwal
ang maging rasyonal. (panaginip, meditasyon, kontemplasyon)
a. Internal na Diskurso
b. Isahang Pasulat na Komunikasyon
c. Isahang Pasalitang Komunikasyon

2. Interpersonal na Komunikasyon. Tumutukoy sa dalawang indibidwal na nagpapalitan ng mga


ideya batay sa karanasan, trabaho, at mga kaugnay nito. Kadalasan, ayon kina Knapp at Daly
(2000) ang mga sangkot dito may malinaw na relasyon sa isa’t isa. Sa lebel na ito mahalaga ang
pakikinig at pagtugon upang makabuo ng relasyon ayon kina Verderber.

3. Komunikasyong Panggrupo. Ayon kina Beeve at Masterson (2006), ito ay lebel ng


komunikasyon na kinasasangkutan ng 3 hanggang 20 tao. Kung saan ang proseso ng
komunikasyon ay pwedeng gawin sa mediated o face to face na pamamaraan. Sa lebel na ito
mahalaga ang paglutas sa suliranin.

4. Pampublikong Komunikasyon. Lebel ng komunikasyon na pormal (planado ang pagdiriwang)


na maituturing. Ito ay kinasasangkutan ng mahigit 20 tagapakinig. Sa lebel na ito ay inaasahang
handa ang tagapagsalita.

5. Komunikasyong Pangmadla. Ito ay lebel ng komunikasyon kung saan hindi malinaw sa


tagapaghatid ng mensahe kung anong uri o saang pangkat kabilang ang kanyang mga
tagapakinig/manonood. Ito ay isang uri ng mediated communication. At itinuturing bilang
pinakapormal at pinakamagastos na lebel ng komunikayson.

Mass Communication represents the creation and sending of a homogeneous message to a


large heterogeneous audience through the media.
Stanley Baran defines Mass Communication as the process of creating shared meaning
between the mass media and their audience. Also, John Bittner defines Mass Communication as
messages communicated through a mass medium to a large number of people.

KATANGIAN NG KOMUNIKASYONG PANGMADLA


1. Mass Medium
2. Presensya ng mga Gatekeeper
3. Naaantala ang Tugon
4. Limitado ang Sensoring Daluyan
5. Impersonal kaysa Personal

6. Komunikasyong Interkultural. Ito ay tumutukoy sa komunikasyon sa pagitan ng mga taong


nabibilang sa iba’t ibang kultura, kabilang na din ang iba’t ibang kultura na matatagpuan sa
isang bansa.
Sina Gudykunst at Kim (1992) ay nagbigay ng isang halimbawa ng interkultural na
komunikasyon:
Consider a visit to North America by strangers from a culture with a communication rule
requiring that direct eye contact always be avoided. If the strangers do not look them in the eye
when talking, the North Americans will assume that the strangers either have something to hide or
are not telling the truth (p.35)

Nagbigay naman si John Luckmann ng Auburn University at Montgomery ng ganitong


halimbawa ng Interkultural na Komunikasyon sa usapin ng PANANAHIMIK:
Some cultures value silence whereas other cultural groups feel that silence is a vacuum that
must immediately be filled with words. Among some native Americans, silence is essential element
of showing respect and understanding. In some Arab cultures, silence may indicate concern for
personal privacy. The French, Spanish, and Soviet cultures interpret silence as a sign of agreement.

Sa usapin naman ng komunikasyong di berbal:


In nearly all cultures, people use their mouths and eyebrows to convey surprise, anger,
pleasure, and fear, while they use hand gestures to convey openness or intimidation. Furthermore,
some Asians and Native Americans believe that prolonged eye contact is rude and an invasion of
privacy. Native Americans may divert their eyes to the floor when they are paying attention or
thinking. Muslim women may avoid eye contact because they feel that is expresses hostility and
aggressiveness.

Inihanda ni: G. JESS M. ARCEO, LPT 4


MGA SAGABAL SA INTERKULTURAL NA KOMUNIKASYON
1. Kakulangan ng kaalaman sa kultura. Ang kakulangan sa kaalaman sa usaping pangkultura
ay ang isa sa mga pangunahing dahilan kung bakit madalas magkaroon ng di pagkakaunawaan
ang mga kasapi sa proseso ng komunikasyon. Kaya naman mahalagang maunawaan ng bawat
kasapi ang kahalagahan ng pag-aaral ng kultura bilang bahagi sa paghubog ng pagkatao ng
bawat isa.

2. Takot at Walang Tiwala. Bagama’t normal ang magkaroon ng pag-aalinlangang makihalubilo


sa mga bagong kakilala, masasabing ang labis na takot at kawalan ng tiwala ang isa namang
malaking balakid upang matamo ng 2 taong may magkaibang kultura ang matagumpay na
komunikasyon.

3. Rasismo. Ang diskriminasyon sa ibang kultura ay isang malaking balakid sa pagtatamo ng


matagumpay na komunikasyon. Buhay na halimbawa nito ang maling pagtingin at pagmamaliit
sa mga taong may maitim na balat, makapal na labi, at mga kapintasang kaugnay nito.

4. Etnosentrismo (Ethnocentrism). Problematikong maituturing ang pagkakaroon ng paniniwala


ng isang indibidwal na mas mataas ang kanyang kultura kaysa sa iba.
“People have tendency to be biased toward their own cultural values, and to feel that their
values are right and the values of others are wrong or not as good”.

5. Stereotyping. Ito ay isang uri ng de-kahong paglalarawan sa isang kultura o lahi na ikinakapit
natin sa bawat taong bahagi ng nasabing kultura. At hindi iniisip ang indibidwal na katangian
ng bawat isa. Upang maiwasan ang ganitong pananaw mahalaga ang tinatawag na pag-iindeks.
“Stereotyping is particularly destructive when negative traits or characteristics are imposed
on all members of a cultural group”.

6. Pagkakaiba ng Wika. Malaking sagabal na maituturing ang hindi pagkakaunawaan tungkol sa


gamit ng wika. Problematikong maituturing ito sapagkat nakasalaylay sa wika ang
pagkakaintindihan ng bawat bahagi ng komunikasyon dahil ito ang nagsisilbing instrumento
upang maipahayag ang ating kaalaman at emosyon.

MEDICAL TERM EQUIVALENT BLACK TERM


Pain Miseries
Syphilis Bad blood
Anemia Lw blood, tired blood
Vomiting Throw up

Inihanda ni: G. JESS M. ARCEO, LPT 5


Constipation Locked bowels
Diarrhea Running off
Menstruation Red flag, curse
Urine Pass water, peepee

The key to successful intercultural communication is to recognize the


uniquenesscommunication is to recognize the uniqueness of every culture,of every culture, every
relationships, and every individualevery relationships, and every individual including
yourself.including yourself. Joan Luckmann, Transcultural Communication in Health (2005)

MGA DAPAT TAGLAYIN NG EPEKTIBONG KOMUNIKEYTOR AYON KAY GAMBLE


1. Kakayahang maunawaan ang sarili.
2. Sensitibo sa mga komunikasyong di berbal.
3. Nakakaunawa sa epekto ng damdamin ng kanyang kausap.
4. May kakayahang makinig at unawain ang mga tinatanggap na impormasyon.
5. May kakayahang makinig at magproseso ng impormasyong tinanggap.

MGA TUNTUNING DAPAT ISAALANG-ALANG UPANG MATAMO ANG EPEKTIBONG


KOMUNIKASYON AYON KAY BRAUD (2001)
Tuntunin 1: Maging malinaw sa intensyon at sasabihin. T
untunin 2: Sabihin ang nais sabihin.
Tuntunin 3: Iwasan ang mga paggamit ng akronim, jargon,at mga katulad nito.
Tuntunin 4: Magtagpo.

Communication traverses every facet of human life. Without communication nothing can be
done. In other words, communication holds the foundation of every human society. It is the process
of exchanging, transmitting, transferring, expressing or importing ideas, sentiments, attitudes,
feelings, meanings, information or opinion between individuals, groups or organizations. (Sambe
2005:2).

MGA MODELO NG KOMUNIKASYON


1. MODELONG SMCR
Taong 1960 nang ipakilala ni David K. Berlo ang modelong ito. Sa modelong ito ay
tinatalakay ni Berlo ang iba’t ibang elementong bumubuo sa proseso ng komunikasyon kung
saan bawat elemento ay taglay ang kaukulang attributes. Linear ang paglalarawan ni Berlo sa
proseso ng komunikasyon batay sa modelong ito.

2. MODELO NI HAROLD LASSWELL - Ang modelong ito ay gawa ni Harold Lasswell. Sinasabi ng
modelo ni Lasswell na ang isang proseso ng komunikasyon ay maipapaliwanag nang mabuti sa
pamamagitan ng tanong na:
WHO?
SAY’S WHAT?
IN WHICH CHANNEL?
TO WHOM?
WITH WHAT EFFECT?

Inihanda ni: G. JESS M. ARCEO, LPT 6


3. MODELO NI WILBUR SCHRAMM - Sa modelong ito, ipinahihiwatig na bawat taong sangkot sa
isang sitwasyong pangkomunikasyon ay may kanya-kanyang field of experience na maaaring
makaapekto sa bisa ng proseso ng komunikasyon. Binigyang diin ni Schramm angproseso ng
komunikasyon. Binigyang diin ni Schramm ang kahalagahan ng pagkakaroon ng isang komon
na karanasan sa pamamagitan ng madalas na komunikasyon.
“The more the sender and receiver share a common field of experience, the more tendency
for their communication to be effective.”

4. SHANNON-WEAVER MATHEMATICAL MODEL - Matematikal naman ang ginagawang


paglalarawan sa proseso ng komunikasyon nina Claude Shannon at Warren Weaver. Ito ay
ipinakilala noong1949.Binubuo ito ng 6 na mahahalagang elemento upang ipaliwanag ang
proseso ng komunikasyon. Gaya ng INFORMATION SOUCE, TRANSMITTER, CHANNEL,
RECEIVER, DESTINATION at NOISE. Ipinahihiwatig nila sa modelong ito na ang bisa ng isang
aktong pangkomunikasyon ay nakasalalay sa wastong kalkyulasyon ng mga salik na
nakakaapekto rito tulad ng transmitter, channel, receiver at noise.
In face-to-face conversation, I am the information source, my mouth is the transmitter, the
signal is the sound waves, and your ear is the receiver; noise would include any distraction you
might experience as I speak.

According to Shannon and Weaver's model a message begins at an information source, which
is relayed through a transmitter, and then sent via a signal towards the receiver. But before it
reaches the receiver, the message must go through noise (sources of interference). Finally, the
receiver must convey the message to its destination.

5. TEORYANG GATEKEEPING Ang teoryang ito ng komunikasyon ay unang ipinakilala ni Kurt


Zadel Lewin, isang Alemang Sikolohista at nagtatag ng Social Psychology. Batay sa teoryang ito,
tungkulin ng mga kasapi sa proseso ng komunikasyon na masala ang mga impormasyon (balita)
bago ito isapubliko.
Kurt Lewin coins the word called “Gate keeping”. It’s nothing but to block unwanted or
useless things by using a gate. Here the person who make a decision is called “Gatekeeper”. Now
it’s one of the essential theories in communication studies.

Inihanda ni: G. JESS M. ARCEO, LPT 7


6. TEORYANG KULTIBASYON- Ang teoryang ito ay ipinakilala ni George Gerbner at Larry Gross.
Nakapokus ito sa negatibong epekto ng telebisyon sa mga manonood na babad sa ganitong uri
ng media. Sa katunayan, ipinapalagay na malaki ang nagiging impluwensya ng telebisyon upang
mahubog ang isipan ng bawat indibidwal sa kung ano nga ba ang tunay na mundo, Sa madaling
salita, kaagad tinatanggap ng mga manonood ang mga impormasyong ibinibigay ng media
tungkol sa mga negatibong nangyayari sa kanyang lipunan.
Light Viewers (2 oras pababa)
Medium Viewers (2-4 na oras)
Heavy Viewers (4 na oras pataas)

7. TEORYANG UNCERTAINTY REDUCTION -Ipinapaliwanag ng Uncertatity Reducation Theory


na taglay ng bawat tao ang pagnanais na maibsan ang nararamdamang uncertainty sa isang
sitwasyon. Kaya naman iba’t ibang pamamaraan ang kani- kanilang naiisip upang makakuha ng
impormasyon ukol sa isang tao nang sa ganoon ay unti-unting mabawasan ang uncertainty sa
isa’t isa. Ayon sa mga eksperto, mahalaga ang pagbabawas ng uncertatainty upang mapaunlad
ang isang relasyon.

Tatlong pangunahing paraan upang mabawasan ang uncertatainty:


1.Passive Strategy. We observe the person, either in situations where the other person is likely to
be self- monitoring.
2.Active Strategy. We ask others about the person we're interested in or try to set up a situation
where we can observe that person.
3. Interactive Strategies. We directly communicate with the persons.

8. USES AND GRATIFICATION THEORY -Ang teoryang ito ay nagpapaliwanag na ang tao o
awdyens ang mas makapangyarihan sa media (tv, radyo, pahayagan, internet). Sa katunayan,
binabasag nito ang paniniwalang pasibo ang mga manonood o tagapakinig. Ipinapaliwanag ng
teoryang ito na ginagamit ng tao ang media upang mapunan ang kanilang mga pangangailangan
bilang tao. Gaya ng sumusunod:
A. Cognitive Needs. People use media for acquiring knowledge, and information. For
example, people watch quiz programs on TV, in order to acquire knowledge and information. They
will watch news to satisfy the need towards society. They use search engine in net to gain
knowledge.
B. Affective Needs. It includes all kinds of emotions, pleasure and other moods of the people.
People use media like television to satisfy their emotional needs. The best example is people watch
serials and if there is any emotional or sad scene means people used to cry.
C. Personal Integrative Needs. This is the self-esteem need. People use media to reassure
their status, gain credibility and stabilize. With this, people watch TV and assure themselves that
they have a status in society. For example, people get to improve their status by watching media
advertisements and buy those products, so the people change their life style and media helps them
to do so.
D. Social Integrative Needs. It encompasses the need to socialize with family, friends and
relations in the society. For example, they use social networking sites to have social interaction with
their love ones.
E. Tension Free Needs. People sometimes use the media as a means of entertainment and
to relieve negative emotions or tension. For example, people tend to relax by watching TV, listening,
watching films, and the like!

9.SPEAKING NI DELL HYMES - Ang sosyolohistang si Dell Hymes ay nagdebelop ng isang modelo
sa pagsusuri ng diskurso bilang isang serye ng sitwasyon at akto ng pagsasalita sa loob ng isang
kontekstong kultural. Ito ay ibinatay niya sa salitang SPEAKING. S-etting at Scene P-artisipante
E-nds A-ct Sequence K-eys I-nstrumentalities N-orms G-enre
a. SETTING at SCENE (Saan Nag-uusap?) Ang setting ay tumutukoy sa panahon at lugar
ng akto ng pagsasalita. Samakatuwid, ito ang pisikal na mga pinangyayarihan ng talastasan.
Isang halimbawa nito ang klasrum. Samantala, ang scene ay psychological setting o cultural
definition ng isang senaryo, kabilang na ang mga katangian gaya ng lawak o saklaw ng
pormalidad at pagka-seryoso.
b. (Sino ang Kausap?) Sila ang ispiker at awdyens. Paglilinaw, gumawa ng distinksiyon
ang mga linggwista sa kategoryang ito.
c. ENDS (Ano ang Layunin?) Sakop nito ang layunin, hangarin at kalalabasan ng proseso
ng komunikasyon.

Inihanda ni: G. JESS M. ARCEO, LPT 8


d. ACT SEQUENCE (Takbo ng Usapan). Ito ay anyo ng pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari. May mga usapang nagsisimula sa biruan, napupunta sa asaran, humahantong sa
pikunan at nauuwi sa awayan.
May usapang nagsimula sa kindatan, napunta sa pagpapakilala, humantong sa
kwentuhan, at nauwi sa ______________.
e. KEYS (Pormal o Impormal?) Nakakita ka na ba ng isang taong nakashort sa isang
kumperensiya o seminar sa isang kilalang unibersidad? O di kaya ay isang taong naka-gown o
barong habang naglalaro ng basketball? Kung pormal ang okasyon, paano ka makikipag-usap?
Ano ang mga salitang gagamitin mo?
f. INSTRUMENTALITIES (Ano ang Midyum ng Usapan?) Tumutukoy sa tsanel o daluyang
gagamitin ng mga kalahok sa pakikipagtalastasan. Maaari mo bang ikwento sa iyong kaibigan
ang isang telenobelang iyong nabasa sa pamamagitan ng text? Susulat ka ba sa fire station upang
sabihing may sunog na nagaganap sa inyong lugar?
g. NORM (Ano ang Paksa ng Usapan?) Mahalagang malaman ng isang indibidwal ang
paksa ng usapan bago siya makisali sa naturang talastasan. Tandaan, minsan mas
makabubuting itikom ang bibig kung hindi maka-relate sa usapan kaysa magsimula ka pa ng
kalituhan o kaguluhan.
h. GENRE (Nagsasalaysay ba? Nakikipagtalo ba? Nagmamatuwid? Naglalarawan?)
Mahalagang malaman ng isang tao ang genre na ginagamit ng kanyang kausap nang sa gayo’y
malaman din niya kung ano ang genre na kanyang gagamitin.

V. PAGTATAYA
✓ Sumulat ng mga halimbawa ng sitwasyong nagpapakita ng berbal, di berbal at biswal
na komunikasyon.
✓ Sa mga halimbawang inyong isinulat, ibigay ang mga maaaring maging sagabal sa
sitwasyong iyon.

VI. SANGGUNIAN

https://www.slideshare.net/CNuggets/komunikasyon-56876352
https://www.slideshare.net/CNuggets/mga-modelo-ng-komunikasyon

Inihanda ni: G. JESS M. ARCEO, LPT 9

You might also like