You are on page 1of 2

MARVIN B.

GALANO BSED 3

V. PAGTATAYA

1. Sumulat ng mga halimbawa ng sitwasyong nagpapakita ng berbal, di berbal at biswal na


komunikasyon.
Berbal
= Sina Dennis at Randy ay nag-iisip kung ano ang gagawin nila sa kanilang proyekto na ibinigay
ng kanilang guro, na bawat mag-aaral ay dapat maghanap ng kapareha para maging katuwang sa
paggawa ng isang bagay sa pagpapanatili ng kalinisan sa kanilang kapaligiran, at dapat kunan ng
litrato habang ginagawa hanggang matapos ito. Nag-usap sila kung ano ang dapat nilang unang
gawin, ang sabi ni Randy ay gagawa nalang sila ng basurahan, agad namang sinang-ayunan ni
Dennis. Dadag pa ni Dennis siya nalang ang kukuha ng pintura at lata, at ang iba pang natitirang
kakailanganin ay sasagutin na ni Randy. Kinaumagahan nagkita ang dalawa sa parke para doon
nila gawin ang kanialng proyekto.
Di berbal
= Habang nagmemeryenda si Amboy sa tindahan ay may nakita siyang naglalakad na matanda sa
gilid ng kalsada na tila naliligaw, nilapitan niya ito at tatanungin kung saan siya pupunta o anong
maitutulong niya. nang tinanong ni Amboy ang matanda ay gumamit ito ng sign language o
wikang pakumpas. Agad napagtanto ni Amboy na ang matanda ay isang pipe. Hindi
maintindihan ni Amboy kung ano ang kinukumpas ng matanda, kaya tinawag niya ang kanyang
pinsan na isang guro na nagtuturo ng sign language sa mga taong walang kakayahang magsalita
at walang pandinig. Agad nagkaintindihan ang dalawa at itinuro ng kanyang pinsan ang
direksyon na pupuntahan ng matanda.
Biswal
= Habang naglalakad si Karding malapit sa kanilang palengke para maghanap ng trabaho ay may
Nakita siyang naka paskil na litrato sa pader na naglalaman ng trabaho. Nakalagay doon na
naghahanap sila ng sekyu, agad kinunan ng litarato ni Karding para tignan at hanapin kung saan
ang eksaktong lugar nito para makapag-apply.

2. Sa mga halimbawang inyong isinulat, ibigay ang mga maaaring maging sagabal sa sitwasyong
iyon.
Berbal
= Maaaring mahihirapan silang gawin ang kanilang proyekto, dahil hindi nila pinag-usapan ng
mabuti ang kanilang gagamiting kagamitan at kung anong klaseng basurahan ang kanilang
gagawin.
Di berbal
= Maaaring maligaw parin ang matanda kung wala siyang makakasalubong na maaaring
makaintindi ng kanyang lenggwahe gamit ang kanyang kamay.
MARVIN B. GALANO BSED 3

Biswal
= Maaaring may nakauna na sa kanya, tungkol sa kanyang inaapplayan na trabaho dahil hindi
niya alam kung gaano na katagal naka paskil ang larawang iyon.

You might also like