You are on page 1of 19

Lesson 1: Wastong Gamit ng mga Salita

 Ang bawat salita ay may tiyak na kahulugan.


 Maaaring magbago ang kahulugan ng isang pahayag
 kung mali ang gamit na salita. Maraming salita sa
 Filipino ang nagkakapalitan ng gamit. Ito ay bunga ng
 kakulangan ng pag-unawa sa kahulugan ng salita at
 gamit nito sa pangungusap. At dahil dito,
 nagkakaroon tuloy ng kamalian at hindi malinaw na
 pagpapakahulugan sa mensahe o pahayag.

1. May at Mayroon
a) May - kung ito’y sinusundan ng mga sumusunod na bahagi ng
pananalita:
 Pangngalan
 Pandiwa
 Pang-uri
 Panghalip na Paari
 Pantukoy na “Mga”
 Pang-ukol na “Sa”

May prutas siyang dala


May kumakatok sa labas

b) Mayroon - ginagamit ito sa tuwing sinusundan ng isang katag o


ingklitik, panghalip palagyo, at nangangahulugang “mayaman”

Mayroon ba siyang pasalubong?


Mayroon kaming palaisdaan sa Bulacan.
Ang pamilya ni Carol ay mayroon sa kanilang lalawigan.

2. Kita at Kata
a) Kita - panghalip panao sa kaukulang palayon at may kailanang
isahan.
- Ginagamit ito bilang tuwirang layon o di-tuwirang layon
ng pandiwa.
- tumutukoy sa kinakausap.
Nakita kita sa Baguio noong nakaraang linggo.

b) Kata - panghalip panao sa kaukulang palagyo at may kailanang


dalawahan.
- magkasamang nag-uusap at kinakausap.

Kata nang kumain sa kantina.

3. Kila at Kina
 Walang salitang kila. Ang kina ay maramihan ng kay.

Pakidala ang laruang ito kina Benny at Maris.


Makikipag-usap ako kina Vic at Nona.

4. Nang at Ng
a) Nang - ginagamit ito bilang:
i. Katumbas ng of ng ingles
“Si Mang Manding ang puno ng aming samahan.
ii. Pang-ukol ng layon ng pandiwa
“Umiinom siya ng gatas bago matulog.”
iii. Pang-ukol na tagaganap ng pandiwa sa tinig balintiyak
“Hinuli ng pulis ang mga nanloob sa kanilang bahay.”

b) Nang- Ginagamit ito bilang:


i. Katumbas ng when sa Ingles
“Kumakain kami ng hapunan nang dumating si Tiyo
Berting.”
ii. Katumbas ng so that o in order to sa Ingles
“Magsumikap ka nang ang buhay mo’y guminhawa.”
iii. Pinagsamang pang-abay na na at pang-angkop na ng
“Kumain (na+ng) nang lugaw ang batang maysakit.”
iv. Kapag napagigitnaan ng dalawang magkatulad na pandiwa
“Siya ay tawa nang tawa.”

5. Daw/Din at Raw/Rin
a) Daw/Din - ginagamit ito kapag ang salitang sinusundan ay
nagtatapos sa katinig
May sayawan daw sa plasa.

b) Raw/Rin - ginagamit ito kapag nagtatapos sa patinig.

Sasama raw siya sa atin.

6. Kung at Kong
a) Kung - bilang pangatnig na panubali at katumbas nito ang if sa
Ingles

Matutulog na ako kung papatayin mo na ang ilaw

b) Kong - panghalip panao sa kaukulang paari.

Nabasâ ang binili kong aklat.

7. Kung Di at Kundi
a) Kung di - except o maliban sa

Aaalis na sana kami kung di ka dumating.

b) Kundi - galing sa salitang “kung hindi” o if not sa Ingles;

Walang sinuman ang pwedeng manood kundi iyong mga may tiket
lamang.

8. Pinto at Pintuan
a) Pinto(door) - bahagi ng daanan na isinasasara at ibinubukas.

May kumakatok. Buksan mo nga ang pinto.

b) Pintuan(doorway) - bahaging kinalalagyan ng pinto.

Natanggal ang pinto sa pintuan.

9. Hagdan at Hagdanan
a) Hagdan(stairs) - ang baytang na inaakyatan at binababaan.
Nagmamadaling inakyat ni Marvin ang mga hagdan.

b) Hagdanan(stairway) - bahaging kinalalagyan ng hagdan.

Ilagay mo ang hagdanan sa tapat ng bintana.

10. PAHIRIN at PAHIRAN; PUNASIN at PUNASAN


a) Pahirin at Punasin(wipe off) - nangangahulugang alisin o
tanggalin.

Pahirin mo ang mga luha sa iyong mga mata.


Punasin mo ang pawis sa iyong likod.

b) Pahiran at Punasan(to apply) - nangangahulugang lagyan.

Pahiran mo ng palaman ang tinapay.


Punasan mo ng alkohol ang iyong mga binti.

11. Operahin at Operahan


a) Operahin - kung ang tinutukoy ay ang tiyak na bahagi ng
katawan na titistisin.

Ooperahin ang tiyan ni Rey sa Sabado.

b) Operahan - tumutukoy sa taong sasailalim sa pagtitistis.

Ooperahan si Rey sa tiyan sa Sabado.

12. Walisin at Walisan


a) Walisin(sweep the dirt) - tumutukoy sa bagay na aalisin o
lilinisin.

Walisin ninyo ang mga kalat sa sahig.

b) Walisan(to sweep the place) - tumutukoy naman sa lugar

Walisan ninyo ang sahig.


13. Ikit at Ikot
a) Ikit - para maipakita ang kilos na paggilid mula sa labas
patungo sa loob.

Nakatatlong ikit muna sila bago natunton ang daan patungo sa loob
ng kuweba.

b) Ikot - mula sa loob patungo sa labas.

Nahirapan pala silang makalabas sa tunnel. Umikut-ikot muna


sila sa loob nito bago nila nakita ang daan palabas.

14. Sundin at Sundan


a) Sundin(to obey) - pagsunod sa payo o pangaral

Sundin mong lagi ang sinasabi ng iyong mga magulang dahil para
rin iyon sa iyong kabutihan.

b) Sundan(to follow) - gayahin o pumunta sa pinuntahan ng iba.

Sundan mo ang mga kabayanihang ipinakita ng iyong ama sa bayan.

15. Subukin at Subukan


a) Subukin(to test; to try) - masubok ang husay o galing ng isang
bagay o gawain.

Susubukin ko muna kung maayos itong kompyuter bago ko bilhin.

b) Subukan(to see secretly) - palihim na pagmamatyag o pag-


eespiya sa kilos ng isang tao.

Subukan mo nga kung ano ang ginagawa ng mga bata sa likod-


bahay.

16. Hatiin at Hatian


a) Hatiin(to divide) - partihin
Hatiin mo sa anim ang pakwan.

b) Hatian(to share) - ibahag

Hinahatian niya ng kanyang hamburger ang namamalimos na bata.

17. Iwan at Iwanan


a) Iwan(to leave something or somebody) - huwag isama

Iniwan ni Arnie ang kotse sa garahe.

b) Iwanan(to leave something to somebody) - bigyan

Iniwanan ni Rene ng pera si Joy bago siya umalis.

18. Nabasag at Binasag


a) Nabasag - kilos na di sinasadya o di ginusto.

Nagmamadali kasi siyang maghugas kaya nabasag niya ang mga


plato.

b) Binasag - nagpapakita ng sariling pagkukusa.

Galit na galit na binasag ng lalaki ang mga salamin ng kotse.

19. Bumili at Nagbili


a) Bumili - to buy

Pumunta ang nanay sa Baguio para bumili ng mga sariwang gulay.

b) Nagbili - to sell(magbenta)

Ang trabaho ng tatay niya ay magbili ng mga lumang kasangkapan.

20. Kumuha at Manguha


a) Kumuha - to get
Kumuha ng isang basong tubig si Neth para kay Jean.

b) Manguha - to gather; to collect

Nanguha ng mga kabibe ang mga bata sa dalampasigan.

21. Dahil Sa at Dahilan


a) Dahil Sa - ginagamit bilang pangatnig na pananhi

Hindi siya nakapaglaro ng basketbol dahil sa taas ng kanyang


lagnat.

b) Dahilan - ginagamit bilang pangngalan

Ang dahilan ng pag-iyak niya ay dahil sa masasakit mong


pananalita.

22. Taga at Tiga


 Walang unlaping tiga-. Taga- ang dapat gamitin. Ginagamit
ang gitling sa unlaping taga- kung sinusundan ng pangngalang
pantangi.

Si Juan ay taga-Bikol.
Taganayon ang magandang babaeng iyon.

23. Subukan at Subukin


a) Subukan - pagtingin nang palihim

Ibig kong subukan kung ano ang ginagawa nila tuwing umaalis ako
sa bahay.

b) Subukin - pagtikim at pagkilatis

Subukin mo ang bagong labas na mantikilyang ito.

24. Abutan at Abutin


a) Abutin ang ang isang bagay
Abutin mo ang bayabas sa puno.

b) abutan ng isang bagay

Abutan mo ng pera ang Nanay

Lesson 2: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wikang Filipino

Wika
Isang sistema ng komunikasyon sa pagitan ng mga tao sa
pamamagitan ng mga pasulat o pasalitang simbulo. — Webster(1974,
536)
Pangunahin at pinakaelaboreyt na anyo ng simbolikong gawaing
pantao. Ang mga simbolong ito ay binubuo ng mga tunog na nalilikha
ng aparato sa pagsasalita at isinasaayos sa mga klase at patern na
lumilikha sa isang komplikado at simetrikal na istraktura. Ang mga
simbolong ito ay mayroon ding kahulugang arbitraryo at kontrolado ng
lipunan. — Archibald A. Hill sa papel na What is language!

Masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at


isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong
kabilang sa iisang kultura. — Henry Gleason

ANG WIKA AY MASISTEMANG BALANGKAS


 Lahat ng wika sa daigdig ay sistematikong nakasaayos sa isang
tiyak na balangkas. Walang wika ang hindi nakaayon sa
balangkas na ito. Lahat ng wika ay nakabatay sa tunog.
Ponema ang tawag sa makahulugang tunog ng isang wika
samantalang Ponolohiya naman ang tawag sa makaagham na
pag-aaral ng mga ito. Kapag ang mga ponemang ito ay
pinagsama, maaaring makabuo ng maliit na yunit ng salita na
tinatawag na morpema.
 Lahat ng wika sa daigdig ay sistematikong nakasaayos sa isang
tiyak na balangkas. Walang wika ang hindi nakaayon sa
balangkas na ito. Lahat ng wika ay nakabatay sa tunog.
Ponema ang tawag sa makahulugang tunog ng isang wika
samantalang Ponolohiya naman ang tawag sa makaagham na
pag-aaral ng mga ito. Kapag ang mga ponemang ito ay
pinagsama, maaaring makabuo ng maliit na yunit ng salita na
tinatawag na morpema.
 Lahat ng wika sa daigdig ay sistematikong nakasaayos sa isang
tiyak na balangkas. Walang wika ang hindi nakaayon sa
balangkas na ito. Lahat ng wika ay nakabatay sa tunog.
Ponema ang tawag sa makahulugang tunog ng isang wika
samantalang Ponolohiya naman ang tawag sa makaagham na
pag-aaral ng mga ito. Kapag ang mga ponemang ito ay
pinagsama, maaaring makabuo ng maliit na yunit ng salita na
tinatawag na morpema.

ANG WIKA AY SINASALITANG TUNOG


 Hindi lahat ng tunog ay wika sapagkat hindi lahat ng tunog ay
may kahulugan. Sa tao, ang pinakamakahulugang tunog na
nililikha natin at kung gayo’y kasangkapan ng komunikasyon
sa halos lahat kung hindi man lahat ng pagkakataon ay ang
tunog na sinasalita.

ANG WIKA AY PINIPILI AT ISINASAAYOS


 Sa lahat ng pagkakataon, pinipili natin ang wikang ating
gagamitin. Madalas, ang pagpili ay nagaganap sa ating
subconscious at magkaminsan ay sa ating conscious na pag-
iisip.
 Hindi maaaring ipagpilitan nating gamitin ang isang wikang
hindi nauunawaan ng ating kausap. Gayundin ang ating kausap,
hindi niya maaaring ipagpilitan ang wikang hindi natin batid.
Tayo, ang ating kausap o ang pareho ay kailangang pumili ng
komong wika kung saan tayo magkakaunawaan.

ANG WIKA AY ARBITRARYO


 The sounds of speech and their connection with entities of
experience are passed on to all members of any community by
older members of that community. — Archibald A. Hill
 Kung gayon, ang isang taong walang ugnayan sa isang
komunidad ay hindi matututong magsalita kung paanong ang
mga naninirahan sa komunidad na iyon ay nagsasalita sapagkat
ang esensya ng wika ay panlipunan.
 bawat komunidad ay nakabubuo ng mga sariling
pagkakakilanlan sa paggamit ng wika na ikinaiiba nila sa iba
pang komunidad, bawat indibidwal ay nakadedebelop din ng
sariling pagkakakilanlan sa pagsasalita na ikinaiiba niya sa iba
pa, sapagkat bawat indibidwal ay may sariling katangian,
kakayahan at kaalamang hindi maaaring katulad ng sa iba.

ANG WIKA AY GINAGAMIT


 Ang wika ay kasangkapan sa komunikasyon at katulad ng iba
pang kasangkapan, kailangang patuloy itong ginagamit.

ANG WIKA AY NAKABATAY SA KULTURA


 dahil sa pagkakaiba-iba ng mga kultura ng mga bansa at Inga
pangkat. Ito ang paliwanag kung bakit may Inga kaisipan sa
isang wika ang walang katumbas sa ibang wika sapagkat wala
sa kultura ng ibang wika ang kaisipang iyon ng isang wika.

ANG WIKA AY NAGBABAGO


 Dinamiko ang wika. Hindi ito maaaring tumangging magbago.
Ang isang wikang stagnant ay maaari ring mamatay tulad ng
hindi paggamit niyon.
 Ang isang wika ay maaaring nadaragdagan ng mga bagong
bokabularyo na bunga ng pagiging malikhain ng mga tao,
maaaring sila ay nakalilikha ng mga bagong salita.
 Ang ating wika ay nadaragdagan ng mga bagong salita na hindi
umiiral noon. May mga salita ring maaaring nawawala na
sapagkat hindi na ginagamit.

KAPANGYARIHAN NG WIKA
 In the beginning was the word and the Word was with God and
the Word was God. — John 1:1

MGA TUNGKULIN NG WIKA

Nakapagpapahayag Pagsasalaysay, Akdang


ngimahinasyon sa paglalarawan pampanitikan
malikhaing paraan

ANTAS NG WIKA
 Pormal — Ito ang mga salitang istandard dahil kinikilala,
tinatanggap at ginagamit ng higit na nakararami lalo na ng mga
nakapag-aral ng wika.
 PORMAL
1. Pambansa
− mga salitang karaniwang ginagamit sa mga aklat
pangwika/pambalarila sa lahat ng mga paaralan.
− kadalasang ginagamit ng pamahalaan at itinuturo
sa mga paaralan.
2. Pampanitikan o Panretorika
− mga salitang gamitin ng mga manunulat sa
kanilang mga akdang pampanitikan.
− mga salitang karaniwang matatayog, malalalim,
makulay at masining.
 Impormal — Ito ang mga salitang karaniwan, palasak, pang-
araw-araw na madalas nating gamitin sa pakikipag-usap at
pakikipagtalastasan sa mga kakilala at kaibigan.
 IMPORMAL
1. Lalawiganin
− bokabularyong dayalektal.
− Ginagamit sa mga partikular na pook o lalawigan
lamang, maliban kung ang mga taal na
gumagamit nito ay magkikita-kita sa ibang lugar
dahil natural na nila itong naibubulalas.
− Makikilala rin ito sa pagkakaroon ng kakaibang
tone, o ang tinatawag ng marami na punto.
2. Kolokyal
− pang-araw-araw na salita na ginagamit sa mga
pagkakataong impormal.
− Maaaring may kasangkapan nang kaunti ang mga
salitang ito ngunit maaari rin itong maging
repinado ayon sa kung sino ang nagsasalita nito.
− pagpapaikli ng isa, dalawa o higit pang salita lalo
na sa mga pasalitang komunikasyon ay mauuri rin
sa antas nito.
− Halimbawa: nasa’n (nasaan), pa’no (paano), sa
‘kin (sa akin), sa'yo (sa iyo), kelan (kailan), meron
(mayroon).
 Sa lahat ng antas ng wika, ang balbal ang pinakadinamiko.
Maaari kasing ang usong salitang balbal ngayon ay laos na
bukas.

I. Yumao Sumakabilang-b Natayen Namatay Nadedbol


uhay

BARAYTI NG WIKA
 Dayalekto ang barayti ng wikang nalilikhang dimensyong
heograpiko at Tinatawag din itong wikain sa iba pang aklat.
 ginagamit sa isang partikular na rehiyon, lalawigan o pook,
malaki man o maliit.
 mayroong higit sa apat na raan (400) ang dayalek na ginagamit
sa kapuluan ng ating bansa. — Ernesto Constantino
 Ang mga dayalek ay makikilala hindi lamang sa pagkakaroon
nito ng set ng mga distinct na bokabularyo kundi maging sa
punto o term at sa istraktura ng pangungusap.

Maynila Aha. ang ganda!


Batangas Aha, ang ganda eh!
Bataan Ka ganda ah!
Rizal Ka ganda, hane!
MORPOLOHIYA
 maaaring isang ponema. Halimbawa nito ay ang /o/ at /a/ na sa
ating wika ay maaring mangahulugan ng kasarian.

maestro vs. maestro


abugado vs. abugada
Paulo vs. Paula
tindero vs. tindera
Angelito vs. Angelita

 Ang ikalawang uri ng morpema ay ang salitang-ugat. Mga


payak itong salita dahil walang panlapi.

mata
pagod
Kain

 Ang huling uri nito ay mga palapi na maaaring unlapi, gitlapi, o


hunlapi. May mga salitang gumagamit ng kumbinasyon ng
iba’t ibang paraan ng paglalapi.

minata
nagpayong
pagurin
tumaas
batuhin
matahin
nagpayungan
Ikinapagod

 maaari ring 1) may kahulugang leksikal o 2) pangkayarian.


Leksikal ang kahulugan ng isang morpema kung ang salita ay
pangnilalaman.
 Kabilang dito ang mga salitang panawag sa mga kongkreto at
abstraktong bagay o pangngalan, salitang panghalili sa mga
pangngalan o panghalip, salitang-kilos o pandiwa, salitang
panlarawan o pang-uri, at mga pang-abay na nagsasabi ng
panahon, paraan ng pagsasagawa ng kilos, o naguturo ng lugar
at iba pa.
1. Pangngalan - asa, tao, sabon, paaralan, kompyuter,
disket, telebisyon, vugi (itlog ng isda, Ibanag);
masjid (mosque, Tausug)
2. Panghalip - ako, ikaw, siya, kayo, tayo, kami, sila
3. Pandiwa -mag-aaral, kumakanta, naglinis, umawit,
linisin, aakyatin, nagsisipag-alisan
4. Pang-uri - banal, maligaya, palaaway, balat-sibuyas,
marami-rami
5. Pang-abay - kahapon, kanina, totoong maganda,
doon, diyan, patalikod, pasigaw

 Ang mga morpemang pangkayarian ay walang kahulugan sa


ganang sarili at kailangang makita sa isang kayarian o
konteksto upang maging makahulugan.
1. Pang-angkop: na, -ng, -g
2. Pangatnig: at, o, saka, at iba pa
3. Pang-ukol: tungkol sa/kay, ayon sa/kay, at iba pa
4. Pananda: ang, ng, sa, si/sina, ni/nina, kay/kina, ay
Lesson 3: Wikang Pambansa sa Saligang Batas

 Artikulo XIV, Seksyon 3 (1935) – Ang konggreso ay gagawa ng


mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang
wikang Pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong
wika.

 Artikulo XV, Seksyon 3 (1973) – Ang Saligang Batas na ito ay


dapat ipahayag sa Ingles at Pilipino, ang dapat na mga Wikang
Opisyal, at isalin sa bawat dayalektong sinasalita ng mahigit sa
limampung libong taong-bayan, at sa Kastila at Arabik. Sakaling
may hidwaan, ang tekstong Ingles ang mananaig.

Ang Pambansang Asemblea ay dapat gumawa ng mga hakbang


tungo sa pagpapaunlad at pormal na adapsyon ng panlahat na
wikang Pambansa na makikilalang Filipino.

Artikulo XIV, Seksyon 6-9 (1987)


 Seksyon 6
 Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino.
Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at
pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa
iba pang mga wika.
 Alinsunod sa mga tadhana ng batas at sang-ayon sa
nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso, dapat
magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan upang
ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino
bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang
wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon.

 Seksyon 7
 Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang
mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at, hangga't
walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles.
 Ang mga wikang panrehyon ay pantulong na mga wikang
opisyal sa mga rehyon at magsisilbi na pantulong na mga
wikang panturo roon.
 Dapat itaguyod ng kusa at opsyonal ang Kastila at Arabic.

 Seksyon 8
 Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at
Ingles at dapat isalin sa mga pangunahing wikang
panrehyon, Arabic, at Kastila.

 Seksyon 9
 Dapat magtatag ng Kongreso ng isang komisyon ng
wikang pambansa na binubuo ng mga kinatawan ng iba't
ibang mga rehyon at mga disiplina na magsasagawa, mag-
uugnay at magtataguyod ng mga pananaliksik sa Filipino
at iba pang mga wika para sa kanilang pagpapaunlad,
pagpapalaganap, at pagpapanatili.

Pagtalakay sa mga batas sa pagtuturo ng Wikang Filipino

“1940”
 Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263 – nakapaloob sa
kautusang ito ang pagpapahintulot sa pagpapalimbag ng isang
Diksyunaryo at isang Gramatika ng Wikang Pambansa at
itinakda mula sa Hunyo 19, 1940, pasisimulan nang ituro ang
Wikang Pambansa ng Pilipinas sa lahat ng paaralang-bayan at
pribado sa buong bansa.
 Kautusang Pangkagawaran at Sirkular Blg. 26 – Ang Wikang
Pambansa ay sisimulan muna sa mataas at paaralang normal.

“1974”
 Kautusang Pangkagawaran Blg. 25 – nagtatadhana ng
panuntunan sa pagpapatupad ng patakarang edukasyong
bilinggwal sa mga paarala na magsisimula sa taong 1974-1975.
(Saligang Batas noong 1972)

“1978”
 Kautusang Pangministri Blg. 22 – nag-uutos na isama ang
Pilipino sa lahat ng kurikulum ng pandalubhasaang antas.
“1987”
 Kautusang Pangkagawaran Blg. 52 – nag-uutos sa paggamit ng
Filipino bilang wikang panturo sa lahat ng antas sa mga
paaralan kaalinsabay ng Ingles.

“1996”
 Memorandum ng CHED Blg. 59 – nagtatadhana ng siyam (9)
nay unit na pangangailangan sa Filipino at nagbabago sa
deskripsyon. (Filipino 1- Sining ng Komunikasyon; Filipino 2-
Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t Ibang Disiplina; Filipino 3-
Retorika)

“2009”
 Kautusang Pangkagawaran Blg. 74 - Mother tongue hased
multilingual education ang ituturo sa preschool-ikatlong
baitang. Sa kautusang ito nakapaloob na ang unang wika ang
gagamiting wikang panturo.
 Memorandum ng CHED Blg. 20, serye 2013 - Sa paglabas ng
CHED Memorandum Order No. 20, series of 2013,
binabalangkas ang bagong General Education Curriculum na
nagsantabi sa pagturo ng Filipino bilang required subject sa
kolehiyo. Sanhi nito, nagkaisa ang mga guro ng wika at
manunulat ng saliksik at panitikang Filipino na manindigan
laban sa polisiya.
 Memorandum ng CHED Blg. 57, serye 2017 – pagpapanatili ng
asignaturang Filipino sa kolehiyo bilang bahagi ng new general
education curriculum na ipatutupad sa taong 2018.

Pagtalakay sa pagdiriwang ng Wikang Pambansa

 Proklama Blg 12 (1954) – panahon ng pagdiriwang ng


Linggo ng Wikang Pambansa mula Abril 2 para kay
Francisco Balagtas
 Proklama Blg. 186 (1955) – paglilipat ng panahon sa
pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa taun-taon
simula sa Agosto 13-19.
 Memorandum Sirkular Blg. 488 (1971) – humihiling sa lahat
ng tanggapan ng pamahalaan na magdaos ng palatuntunan
sa pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa, Agosto
13-19.
 Proklama Blg. 19 (1986) – kumikilala sa Wikang Pambansa
na gumawa ng napakahalagang papel sa himagsikang
pinasiklab ng kapangyarihang bayan na nagbusod sa
bagong pamahalaan. Dahil ditto, ipinahayag na taun-taon ,
ang panahong Agosto 13 hanggang 19, araw ng pagsilang
ng naging Pangulong Manuel L. Quezon, itinuturing na
Ama ng Wikang Pambansa ay Linggo ng Wikang
Pambansang Pilipino na dapat ipagdiwang ng lahat ng mga
mamamayan sa buong bansa, sa pangunguna ng
pamahalaan at mga paaralan at gayundin ng mga lider ng
iba’t ibang larangan ng buhay.
 Proklama Blg. 1041 (1997) – nagtatakda na ang buwan ng
Agosto, taun-taon ay magiging Buwan ng Wikang Filipino.

You might also like