You are on page 1of 12

Unit 2: xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

GEC 110 ( MASINING NA PAGPAPAHAYAG)


Inihanda ni: Maria Vanesa Agabin- Campani
Yunit 2: MABISANG PAGPILI NG MGA SALITA

Panimula
Ang bawat salita ay may tiyak na kahulugan. Maaaring magbago
ang kahulugan ng isang pahayag kung mali ang gamit na salita. Maramings
alita sa Filipino ang nagkakapalitan ng gamit. Ito ay bunga ng kakulangan
ng pag-unawa sa kahulugan ng salita at gamit nito sa pangungusap. At dahil
dito, nagkakaroon tuloy ng kamalian at hindi malinaw na
pagpapakahulugan sa mensahe o pahayag..
Kailangang taglayin ng mga pahayag ang kawastuhang pambalarila.
May mga salita kasi tayong ginagamit na ang akala natin ay maaaring
malayang nagkakapalitan, ngunit hindi naman kung ibabatay natin sa
istriktong tuntuning pambalarila

Mga Inaasahang Bunga sa Kurso


Pagkatapos ng yunit, inaasahang:
1. Magagamit ng wasto ang mga salita sa pagpapahayag maging
pasalita man o pasulat
2. Maibibigay ang pagkakaiba sa gamit ng mga tayutay, idyoma at mga
talinghaga.

Aralin 1. WASTONG GAMIT NG MGA SALITA

Mga Tiyak na Layunin


Pagkatapos ng aralin, inaasahang:
1. Mabigyang kahulugan tayutay, idyoma at salawikain
2. Makapagbibigay ng sariling halimbawa ng tayutay, idyoma at
salawikain.
1
Unit 2: xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

3. Maipaliliwanag at magagamit ng wasto ang mga salita sa loob ng


isang pahayag..

Paglalahad ng Paksa

Ang talasalitaan (Ingles: vocabulary), na tinatawag


ding Vocabulary o bukabularyo, ay ang pangkat ng mga salita na nasa loob ng
isang wika na pamilyar sa isang tao. Ang talasalitaan ay karaniwang umuunlad
na kaalinsabay ng edad, at nagsisilbing gamitin at pundamental na kasangkapan
para sa komunikasyon at pagkakamit ng kaalaman. Pagkatuto ng
isang pangalawang wika. Sa pangkaraniwan, ang talasalitaan ay binibigyang
kahulugan bilang ang "lahat ng mga salitang nalalaman at ginagamit ng isang
partikular na tao" .
1. 1. MAY at MAYROON

 Ginagamit ang may kung ito’y sinusundan ng mga sumusunod na


bahagi ng pananalita:
Pangngalan-- May prutas siyang dala.
Pandiwa-- May kumakatok sa labas
Pang-uri-- May prutas siyang dala
Panghalip na Paari-- May matalino siyang anak.
 Ginagamit ang mayroon kung ito’y:
Sinusundan ng isang kataga o ingklitik-- Hal. Mayroon ba siyang pasalubong?
Sinusundan ng panghalip palagyo-- Hal. Mayroon siyang kotse
Nangangahulugang “mayaman”-- Hal. Ang pamilya ni Carol ay mayroon sa
kanilang lalawigan.

2. KITA at KATA
Ang kita ay panghalip panao sa kaukulang palayon at may kailanang
isahan. Ginagamit ito bilang tuwirang layon o di-tuwirang layon ng pandiwa.
Samantala, ang kata naman ay panghalip panao sa kaukulang palagyo at may
kailanang dalawahan. Ang kita ay tumutukoy sa kinakausap, at
ang kata naman sa magkasamang nagungusao at kinakausap.

Hal. Nakita kita sa Baguio noong Linggo.


Kata nang kumain sa kantina.

2
Unit 2: xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

3. KILA at KINA-- Walang salitang kila. Ang kina ay maramihan ng


kay.
Hal. Pakidala ang laruang ito kina Benny at Maris.
Makikipag-usap ako kina Vec at Nona.

4. NANG at NG -- Ginagamit ang ng bilang:


a. katumbas ng of ng Ingles
Hal. Si Mang Manding ang puno ng aming samahan.
b. Pang-ukol ng layon ng pandiwa
Hal. Umiinom siya ng gatas bago matulog.
c. Pang-ukol na tagaganap ng pandiwa sa tinig balintiyak.
Hal. Hinuli ng pulis ang mga nanloob sa kanilang bahay
.
Ginagamit ang nang bilang:
a. Katumbas ng when sa Ingles
Hal. Kumakain kami ng hapunan nang dumating si Tiyo Berting.
b. Katumbas ng so that o in order to sa Ingles
Hal. Mag-aral kayo nang mabuti nang kayo’y makapasa.
c. Pinagsamang pang-abay na na at pang-angkop na ng
Hal. Kumain (na+ng) nang lugaw ang batang maysakit.
d. Kapag napagigitnaan ng dalawang magkatulad na pandiwa
Hal. Siya ay tawa nang tawa.

5. DAW/DIN at RAW/RIN Ginagamit ang daw/din kapag ang


salitang sinusundan ay nagtatapos sa katinig; at raw/rin kapag nagtatapos
sa patinig.

Hal. May sayawan daw sa plasa.


Sasama raw siya sa atin.

6. KUNG at KONG Ginagamit ang kung bilang pangatnig na


panubali. Katumbas nito ang if sa Ingles; ang kong ay panghalip panao sa
kaukulang paari.

Hal. Matutulog na ako kung papatayin mo na ang ilaw.

3
Unit 2: xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

Nabasâ ang binili kong aklat.

7. KUNG DI at KUNDI--Ang kundi ay galing sa salitang “kung hindi”


o if not sa Ingles; ang kundi naman ay except.
Hal. Aaalis na sana kami kung di ka dumating.
Walang sinuman ang pwedeng manood kundi iyong mga may tiket
lamang.

8. PINTO at PINTUAN-- Ang pinto (door) ay ang bahagi ng daanan na


isinasara at ibinubukas. Samantala, ang pintuan (doorway) ay ang
bahaging kinalalagyan ng pinto.
Hal. May kumakatok. Buksan mo nga ang pinto.
Natanggal ang pinto sa pintuan.

9. HAGDAN at HAGDANAN
Ang hagdan (stairs) ay ang baytang na inaakyatan at binababaan.
Samantala, ang hagdanan (stairway) ay ang bahaging kinalalagyan ng
hagdan.
Hal. Nagmamadaling inakyat ni Marvin ang mga hagdan.
Ilagay mo ang hagdanan sa tapat ng bintana.

10. PAHIRIN at PAHIRAN; PUNASIN at PUNASAN


Ang pahirin at punasin (wipe off) ay nangangahulugang alisin o
tanggalin.
Ang pahiran at punasan (to apply) ay nangangahulugang lagyan.
Hal. Pahirin mo ang mga luha sa iyong mga mata.
Pahiran mo ng palaman ang tinapay.
Punasin mo ang pawis sa iyong likod.
Punasan mo ng alkohol ang iyong mga binti.

11. OPERAHIN at OPERAHAN


Ginagamit ang operahin kung ang tinutukoy ay ang tiyak na bahagi
ng katawan na titistisin. Ang operahan naman ay tumutukoy sa taong
sasailalim sa pagtitistis.
Hal. Ooperahin ang tiyan ni Rey sa Sabado.
Ooperahan si Rey sa tiyan sa Sabado.

12. WALISIN at WALISAN

4
Unit 2: xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

Ginagamit ang walisin (sweep the dirt) kung tumutukoy sa bagay na


aalisin o lilinisin samantalang ang walisan ay tumutokoy naman sa lugar
(to sweep the place).
Hal. Walisin ninyo ang mga kalat sa sahig.
Walisan ninyo ang sahig.

13. IKIT at IKOT


Ginagamit ang ikit para maipakita ang kilos na paggilid mula sa
labas patungo sa loob. Ang ikot naman ay mula sa loob patungo sa labas.
Hal. Nakatatlong ikit muna sila bago natunton ang daan patungo sa
loob ng kuweba.
Nahirapan pala silang makalabas sa tunnel. Umikut-ikot muna sila sa loob
nito bago nila nakita ang daan palabas.

14. SUNDIN at SUNDAN


Ang sundin (to obey) ay nangangahulugan ng pagsunod sa payo o
pangaral; ang sundan (to follow) ay gayahin o pumunta sa pinuntahan ng
iba.
Hal. Sundin mong lagi ang sinasabi ng iyong mga magulang dahil para rin
iyon sa iyong kabutihan.
Sundan mo ang mga kabayanihang ipinakita ng iyong ama sa bayan.
Sundan mo siya baka siya maligaw.

15. SUBUKIN at SUBUKAN


Subukin (to test, to try) – masubok ang husay o galing ng isang bagay o
gawain;
Subukan (to see secretly) – palihim na pagmamatyag o pag-eespiya sa
kilos ng isang tao
Hal. Susubukin ko muna kung maayos itong kompyuter bago ko bilhin.
Subukan mo nga kung ano ang ginagawa ng mga bata sa likod-bahay.

16. HATIIN at HATIAN


Hatiin (to divide) – partihin;
Hatian (to share) – ibahagi
Hal. Hatiin mo sa anim ang pakwan.
Hinahatian niya ng kanyang hamburger ang namamalimos na bata.

17. IWAN at IWANAN


Iwan (to leave something or somebody) – huwag isama;
Iwanan (to leave something to somebody) – bigyan
5
Unit 2: xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

Hal. Iniwan ni Arnie ang kotse sa garahe.


Iniwanan ni Rene ng pera si Joy bago siya umalis.

18. NABASAG at BINASAG


Ang salitang nabasag ay nangangahulugan ng kilos na di sinasadya o di
ginusto; ang salitang binasag naman ay nagpapakita ng sariling pagkukusa.
Hal. Galit na galit na binasag ng lalaki ang mga salamin ng kotse.
Nagmamadali kasi siyang maghugas kaya nabasag niya ang
mga plato.

19. BUMILI at MAGBILI


Bumili (to buy);
Magbili (to sell) – magbenta
Hal. Pumunta ang nanay sa Baguio para bumili ng mga sariwang gulay.
Ang trabaho ng tatay niya ay magbili ng mga lumang kasangkapan.

20. KUMUHA at MANGUHA


Kumuha (to get);
Manguha (to gather, to collect)
Hal. Kumuha ng isang basong tubig si Neth para kay Jean.
Nanguha ng mga kabibe ang mga bata sa dalampasigan.

21. DAHIL SA at DAHILAN


Dahil sa – ginagamit bilang pangatnig na pananhi;
Dahilan – ginagamit bilang pangngalan
Hal. Hindi siya nakapaglaro ng basketbol dahil sa taas ng kanyang lagnat.
Ang dahilan ng pag-iyak niya ay dahil sa masasakit mong pananalita.

22. TAGA at TIGA


Walang unlaping tiga-. Taga- ang dapat gamitin. Ginagamit ang gitling sa
unlaping taga- kung sinusundan ng pangngalang pantangi.
Hal. Si Juan ay taga-Bikol.
Taganayon ang magandang babaeng iyon.
23. Napatay at Namatay
 Napatay -may tiyak na tao o hayop na pumaslang ng kusa/sinasadya
 Namatay -kung ang isang tao ay binawian ng buhay sanhi ng sakit,
katandaan o anumang dahilang hindi sinasadya; ginagamit din sa
patalinghagang paraan doon sa mga bagay na walang buhay.
Halimbawa:  Namatay ang kanyang lolo dahil sa sakit sa atay. 
Napatay ang aking alagang aso
6
Unit 2: xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

24. Kapag at Kung


Ipinakikilala ng kung ang di- katiyakan ng isang kalagayan.
Ipinakikilala ng kapag ang isang kalagayang tiyak.
Hal:  Umuuwi siya sa probinsiya kapag araw ng Sabado.
 Hindi niya masabi kung Sabado o Linggo ang pag-uwi niya sa
probinsiya.
 Mag-ingat ka naman kapag nagmamaneho ka.
 Mag-ingat ka kung ikaw ang magmamaneho ng kotse.

25. . Iwan at Iwanan

Ang iwan ( to leave something ) ay nangangahulugang huwag


isama/ dalhin samantalang ang iwanan ( to leave something to
somebody ) ay nangangahulugan bibigyan ng kung ano ang isang tao.
Halimbawa: Iwan mo na ang anak mo sa bahay niyo.
Iwanan mo ako ng perang pambili ng pananghalian.
Iwanan mo ako ng perang pambili ng pananghalian.

MGA TALINGHAGA ( IDYOMA, TAYUTAY, SALAWIKAIN, SAWIKAIN,


KASABIHAN, KAWIKAAN)
IDYOMA—salita o mga salita na may sariling kahuluganwari`y lihis sa
tuntunin ng gramatika. Ang kahulugan ng mga ito ay matatanto sa mga
salita na bumubuo nito dahil may sarili itong kahulugan.
HALIMBAWA:
Matamis ang dila --isang taong mahusay kumimbinsi o humikayat
Naghahalukipkip ng kamay—nagwawalang bahala sa nakita o nakikita
Magdilat ng mata—mag isip-isip ng mabuti sa mga nagaganap
Di mahayapang gating—isang taong ayaw malampasan o padaig
Hubad sa katotohanan—hindi totoo
Itanim sa isip—pakatandaan o tandaang mabuti
Kanang kamay—mahalagang katulong o pinagkakatiwalaan.
Utak—nagplano o namuno sa pagsasagawa
May gatas pa sa labi—taong kulang pa sa karanasan
Bukambibig—laging sinasabi
Nagbubuhat ng sariling bangko—pinipuri ang sarili

7
Unit 2: xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

Ilista sa tubig—kalimutan na ang pautang / di na inaasahang babayaran pa


Itaga sa bato—tandaan mo
Nagmahabang dulang—ikinasal
Namuti ang mata—nainip
Nagdaan sa butas ng karayom—dumaan sa mahigpit na pagsubok
Magdilang anghel—magiging totoo ang sinasabi
Balat sibuyas—maramdamin
Asal hudas—taksil
Ibayong dagat—ibang lupain

MGA TAYUTAY:
Anumang pagpapahayag ay nagiging kaakit akit kung ginagamitan ng
tayutay. Ang ganito ay sadyang ginagawa upang higit na maging kapansin-pansin at
mabisa ang pagpapahayag

MGA URI NG TAYUTAY:


1.Pagtutulad (Simili)—payak na paghahambing ng dalawang bagay, tao , pangyayari
o kaisipan na gumagamit ng mga katagang tulad, gaya, animoy kawangis
atbp.
* Ang buhay ay tulad ng isang gulong, minsa`y nasa ibabaw minsa`y nasa ilalim.
* Ako`t tila isang nakadipang krus.
2. Pagwawangis (Metapora)—tiyakang paghahambing ng dalawang bagay na hindi
gumagamit ng anumang kataga.
* Ang buhay ay gulong na patuloy na umiikot.
* Ang karunungan ay hagdan patungo sa tagumpay.
3. Pagbibigay katauhan / Pagsasatao/ Personipikasyon – gawi ng tao na isinasalin sa
mga karaniwang bagay .
* Kaytuling tumakbo ng panahon.
* Nakikiisa ang panahon sa pagdadalamhati ng mga mamamayan.
4. Pagmamalabis (Hyperbole)—pagpapalabis o pinagkukulang ang tunay kalagayan.
* Ang biktima ay natagpuang lumulutang sa sariling dugo.
* Maliit pa pala iyan sa tungaw kaya mahirap hanapin.
5. Pagpapalit saklaw (Synecdoche)—pagpapahayag na binabanggit ang isang bahagi
ng bagay o tao para sa kabuuan o isang pangkat.
* Hindi biRo ang magpakain ng sampung bibig araw-araw.
* Maraming balikat ang nagpasn para itayo ang gusaling ito.
6. Pagpapalit tawag (Metonymy)—nagpapalit ng katawagan o ngalan ng bagay na
tinutukoy.
* Si Celia ang tala ng kanilang nayon.
* Isang bandehado ang naubos niya.
8
Unit 2: xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

7. Pag-uyam (Irony/ Sarcasm)—pangungutya sa pamamagitan ng pamumuri o kapuri-


puring salita.
* Kahanga-hanga ang mga kabataang pagkatapos tumira ng ilang tao sa ibang bansa,
nakalimutan na ang sariling wika.
* kaygandang lumakad ng kasintahan mo, nag-uumpugan ang mga tuhod.
8. Pagtawag (Apostrophe) pagkausap na ipinalalagay na kaharap ang isang bagay o
tao.
* Tukso, layuan mo ako!
* Kapalaran, bakit ba kaylupit mo?
9. Pasalungat (Epigram)-- gumagamit ng mga salitang magkasalungat ang kahulugan
na pinag- uugnay.
* Ikaw ang puno`t dulo ng aking kasawian.
* Lulubog- lilitaw siya sa loob ng klase.
10. Pagpapalit wika (Transferred Epithets)—Pang- uring ginagamit lamang sa tao ay
inililipat sa ibang bagay.
* Ang mapagkandiling plato ay naghain sa kanya ng masarap na pagkain.
* Ang matapat na payong ay patuloy na naglilingkod sa kanya.
11. Pagtanggi(Litotes)—gumagamit ng salitang “hindi” upang ipahayag ang
makabuluhang pagsang-ayon.
* Hindi ko sinasabing ayaw ko sa kanya pero suklam na suklam ako sa kanya.
* hindi ka nga makulit, paulit –ulit lang naman ang sinasabi mo.
12. Paghihimig (Onomatopoeia)—ang kahulugan ay nailalahad sa tulong ng tunog o
himig ng mga salita.
* Gumuguhit ang nagngangalit na kidlat sa kalawakan.
* Dumadagundong ang tunog ng loudspeaker sa mahinang dibdib ng matanda.
13. Anapora—pag-uulit sa unang bahagi ng pahayag o ng isang taludtod.
* Kabataan ang sinasabing pag-asa ng ating bayaN,
Kabataan ang sanhi ng pagsisikap ng bawat magulang
Ngunit kabataan din ang sisira sa sariling kinabukasan
At kabataan din ba ang wawasak sa pangarap ng kanyang kapwa.
14. Epipora—Pag-uulit ito sa huling bahagi ng pahayag o taludtod.
* Ang konstitusyon o saligang batas ay para sa mamamayaN,
Gawa ng mamamayan
At mula sa mamamayan .
15. Anadiplosis—kakaiba ito sapagkat ang pag-uulit ay sa una at huli.
* Matay ko man yatang pigilin
Pigilin ang sinTAng sa puso`y tumiim
Tumiin na sinta`y kung aking pawiin
Pawiin ko`y tantog kamatayan ko rin.

9
Unit 2: xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

SALAWIKAIN— ito ay mga kaisipang parang parabulang patalinghaga at


nagbibigay ng aral na nagsilbing batas at tuntunin ng kagandahang asal.
HALIMBAWA:
Aanhin ang palasyo kung ang nakatira ay kuwago.
Ang lumalakad ng matulin, kung matinik ay malalim.
Walang palayok na walang kasukat na tungtong.
Hamak mang basahan, may panahong kailangan.
Hanggang maiksi ang kumot, magtiis mamaluktot.

KAWIKAAN—ay paalala na may dalang mahalagang mensahe at aral na kadalasan


ay hango sa bibliya.
HALIMBAWA:
Ang panahon ay samantalahin sapagkat ginto ang kahambing.
Ang kaginhawaan ay nasa kasiyahan, at wala sa kasaganaan.
Ang katotohanan ay magpapalaya sa inyo.
Ang gumagawa ng masama ay ayaw sa ilaw.
Ang nagpapakababa ay itataas, ang nagpapakataas ay ibababa.

SAWIKAIN—ito ay pahayag na wala ng nakatagong kahulugan.


HALIMBAWA:
Ang tao ay matatalos sa kanyang pananalita at kilos.
Ang tunay na kaibigan sa gipit nasusubukan.
Ang sakit kapag naagapan madaling malunasan.
Anoman ang gawa na minadali, ay hindi iigi ang pagkakayari.
Daig ng maagap ang taong masipag.

KASABIHAN—ito ay bukambibig o sabi-sabing hinango sa karanasan ng buhay na


nagsisilbing patnybay sa mga dapat ugaliin na tinanggap ng bayan sa
pagdaraan ng panahon. Kadalasay ginagamit sa panunukso o sa pagpuna sa
kilos ng isang tao.
HALIMBAWA:
Putak ng putak, batang duwag. Matapang ka`t nasa pugad.
Ubos- ubos biyaya, bukas nakatunganga.
Ang maniwala sa sabi- sabi walang bait sa sarili.
Magbiro kana sa lasing huwag lang sa bagong gising.
Pili ng pili nauwi sa bungi.

10
Unit 2: xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

Pagtataya

I. Piliin at salungguhitan ang angkop na salitang dapat gamitin sa mga pahayag.


1.Tumakbo siya (ng ,nang ) matulin.
2.Ginamot (ng ,nang ) bata ang sugatang aso.
3. May engkwentro (daw, raw ) sa Marawi kamakailan.
4.Gusto ko ang bagong kulay ng (pinto, pintuan).
5.Mabilin niyang tinakbo ang mga( hagdan, hagdanan).
6. Huwag kang (bumitiw, bumitaw ) para hindi ka mawala.
7. Pakidala ang mga aklat ( kina, kila ) Vilma at Jenny.
8. Hindi niya tiyak (kapag, kung) sa Sabado o Linggo siya uuwi.
9. (Abutin, Abutan ) mo ang iyong mga pangarap.
10. (Linisin, Linisan ) nyo ang kalat bago pa man may madulas.
II. Pag- aralan ang mga sumusunod na pahayag. Isulat sa patlang ang uri ng tayutay na
ginamit.
1.Kawangis ni Rose ang isang talang nagniningning sa kalangitan.
2.Minsan. lason ang sobrang pagmamahal.
3. Ano k aba kabaitan? Ikaw ba`y isang pangalang walang kabuluhan?
4. Sa ganda ng pagkakaayos ay hindi na makita ang kariktan ng mga bulaklak.
5. Nagbunyag ng lihim ang tahinik na silid aklatan.
6. Maraming buwaya ang nagbabago sa panahon ng pamumulitika.
7. Kung kalian magpapantay an gating mga paa ay nananatiling hiwaga.
8. Sa gandang taglay niya ,lahat ay iibig sa kanya.
9. Halos magdamag akong di makatulog sa lakas ng dagundong ng kulog at mabilis na
pagdaan ng kidlat.
10. Nasa karuwagan ang katapangan.

III.Suriin ang mga sumusunod na pahayag kung ito Salawikain, Sawikain, Kasabihan o
Kawikaan. Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang.
1.May tainga ang lupa, may pakpak ang balita.
2. Sa paghahangad ng kagitna, isang salop ang nawala.
3. Pakainin ang nagugutom, painumin ang nauuhaw.
4. Pulutin ang mabuti, ang masama ay iwaksi.
5. Huwag kang magtiwala sa hindi mo kakilala.
6. Sa pagsisikap nakasalalay ang tagumpay ng buhay.
7. Walang mahirap na gawa pag dinaan sa tiyaga.

11
Unit 2: xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

8. Walang biyaya sa lupa na di dinilig ng luha.


9. Sa taong may hiya ang salita ay panunumpa.
10. Ang hipong tulog, tinatangay ng agos.

Mga Sanggunian
Alcaraz, Cid V., et.al 2005, Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Lounimar Publishing Inc.
Manila
Bendalan, Nilda B.,2018. RETORIKA, Mabisa at Masining na Pagpapahayag at Pagsasalin pasa
sa mga Milenyal. Wiseman`s Book Trading Inc.
Casanova, Arthur P. ,2003. Retorika: Mabisa at Makabuluhang Pagpapahayag. Rex Book Store.
Manila, Phils.
Catacataca, Pamfilo et.al., 2005. Wikang Filipino, Kasaysayan at Pag-unlad. Rex Book Store.
Manila, Phils.

12

You might also like