You are on page 1of 13

FILIPINO 6

Quarter 1_MODULE 3

K to 12 MELC- Nagagamit nang wasto ang


mga pangngalan at panghalip sa
pakikipag-usap sa iba’t ibang sitwasyon
K to 12 BEC CG – F6WG-Ia-d-2

Inihanda ni:

CLYDE V. LAGUA
Teacher II

PAUNANG SALITA
Mahal naming Mag-aaral,

Mabuhay at mapagpalang araw sa iyo!


Tunay na malaki ang pagbabagong nararanasan natin ngayon dahil sa di-inaasahang
dulot ng pandemyang COVID-19. Kasama mo ang modyul na ito sa iyong paglalakbay upang
matugunan ang iyong pag-aaral habang wala ka sa silid-aralan. Para lubos na maunawaan at
maintindihan mo ang iyong aralin, buksan mo ang iyong buong isip at gawin ang iba’t ibang
pagsasanay na mababasa dito.
Sa modyul na ito ay mapag-aaralan mo ang paggamit nang wasto ng mga pangngalan
at panghalip sa pakikipag-usap sa iba’t ibang sitwasyon. Ito ay nakatutulong sa iyo upang
maiwasan ang paulit-ulit na pagbanggit sa pangngalang nasa loob ng pangungusap o talata.
Inaaasahan ko na magagawa mo ang bawat pagsasanay ng buong sipag at tiyaga. At
sana ito ay iyong magustuhan .

Para sa Facilitator/Magulang:
Naniniwala ako sa iyong tulong at kapangyarihan ay mas makatotohanan ang pag-
aaral at pagkatuto ng mga bata sa kabila ng ating nararanasan . Umaasa ako sa tulong ng
modyul na ito at sa iyong paggabay ay mahihikayat na mag-isip nang mabuti at may
matutunan ang bata at mas lumawak pa ang kanyang kaalaman. Kailangang ipaunawa muna
ang aralin sa bata at magbigay nang alituntunin bago ibigay ang modyul na ito. 
 

Ang May-akda
K-12 MELC –Nagagamit nang wasto ang mga pangngalan at panghalip sa
pakikipag-usap sa iba’t ibang sitwasyon
( K-12 CG-F6WG-Ia-d-2)

I. ALAMIN
Kmusta ka! Ako si Titser Clyde, ang makakasama mo sa modyul na ito bilang
kaibigan mo.Ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan at matutulungan ka sa
iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Basahin mo ako at makikita mong
marami kang matututuhan sa araling ito.
Sa modyul na ito ay matututuhan mong gamitin nang wasto ang mga pangngalan, at
panghalip sa pakikipag-usap sa iba’t ibang sitwasyon.
Halina’t basahin mo ako at madadagdagan ang iyong kaalaman.
Handa ka na ba sa ating pag-aaral? Una sa lahat, sagutin mo muna ang panimulang
pagsusulit. Sanay ka na dito, hindi ba?

II. SUBUKIN
Subukan nating alamin ang iyong nalalaman tungkol sa araling ito sa
pamamagitan ng pagsagot sa nailatang na gawain.
Panuto: Sabihin kung ang mga salita ba ay tumutukoy sa tao, bagay, hayop, pook,
gawa o pangyayari.

1. lalawigan 11. bukid


2. baboy 12. lolo
3. pagdalaw 13. Jose
4. ilog 14. Roberto
5. pag-awit 15. kaarawan
6. kasalan

III.TALAKAYIN

A. BALIKAN
Naalala niyo pa ba kung ano ang tawag sa mga salitang tumutukoy sa ngalan
ng tao, bagay, hayop, pook, gawa o pangyayari?
Puwede kaya na ang mga pangngalang ito ay palitan ng ibang panawag na
salita? Sa palagay mo mahalaga kaya ito?
B. TUKLASIN
Basahin ang pag-uusap ng magkapatid na Lizette at Althea.
Panuto: Kumuha ng papel at panulat. Ilista ang mga salitang may salungguhit.

Lizette: Althea, Nakita mo ba si Nanay?


Althea: Nakita ko siya, kanina sa kusina.
Lizette: Ganoon ba? Galing kasi ako kanina roon pero hindi ko siya nakita.
Althea: Bakit mo ba kasi hinahanap?Anong kailangan mo sa kaniya?
Lizette: Ibibigay ko sana sa kaniya itong itlog natin , na nakita ko sa likod ng bahay

C. SURIIN
Ngayon ay iyong alamin ang buong detalye sa modyul na ito.
Ang mga salitang may salungguhit ay tinatawag na PANGHALIP. Ito ay ginagamit
bilang pamalit o panghalili sa pangalan ng tao, bagay, hayop, pook, gawa o pangyayari.
Ito ay nakatutulong upang maiwasan ang paulit-ulit na pagbanggit sa pangngalang nasa loob
ng pangungusap o talata.

May 4 na Uri ng Panghalip


1.Panghalip Panao
2. Panghalip Pamatlig
3. Panghalip Panaklaw
4. Panghalip Pananong

Suriin natin ito ng isa-isa.


Basahin ang sumusunod na usapan.
Isang araw, nagkasalubong sina Kambing at Aso sa gitna ng isang makitid na tulay.
Kambing :Makitid lamang ang tulay. Hindi tayo maaaring dumaan nang sabay!
Aso :Bumalik ka sa dulo at ako muna ang tatawid.
Kambing :Aba, hindi maaari. Ako ang nauna rito. Ikaw ang bumalik, hindi ako.
At biglang sinungay ni Kambing si Aso. Sa kanilang paggigitgitan ay nahulog ang
dalawa sa ilog. Nalunod ang parehong ayaw magbigayan.

*Ano-ano ang mga salitang may salungguhit? ___________


Ang tawag sa mga salitang may salungguhit ay panghalip panao.
Ano ang panghalip panao?
1. Ang Panghalip Panao- ay ginagamit bilang panghalili sa ngalan ng tao.
Halimbawa: siya niya ako ikaw kami kayo sila mo ka tayo

Pag-aralan ang dayalogo.

Leejey: Nasaan ang mga gamit natin sa pagbubungkal ng lupa?


Abby: Hayun sa sako na nasa ilalim ng puno.
Leejey: Hindi ako makabungkal. Doon ka naman sa kabila.
Abby: Napansin mo bang malinis ang ating bakuran? Marahil ganito kung may
nangangalaga.

*Ano-anong salita ang tumutukoy sa bagay na malayo sa nagsasalita ?


*Anong uri ng panghalip ito?

2. Panghalip na pamatlig -ginagamit bilang panghalili sa ngalan ng tao, bagay at iba


pang itinuturo. May mga panghalip pamatlig na ginagamit ayon sa kinalalagyan
ng nagsasalita.

Halimbawa :
Malapit sa nagsasalita- ito dito, rito
Malapit sa Kausap- iyan, niyan, diyan/ayan, hayan/ganyan
Malayo sa Nag-uusap- iyon, niyon, ganoon, doon, ayun, hayun, naroon, nandoon

Basahin ang mga sumusunod na pangungusap:

1. Marami ang mga nagging positibo sa COVID-19 sa Maynial.


2. Bawat mamamayan ay may karapatang mamuhay nang payapa.
3. Sino man ang makatutulong sa paglutas ng suliranin ay gagantimpalaan.
4. Kahit gaano man kahirap ang buhay ay nakakaraos din.

*May katiyakan ba ang mga salitang marami at bawat? _________


*May katiyakan ba ang salitang sino man at gaano man? _______
* Ano ang tawag sa panghalip na sumasaklaw sa dami o bilang? ________

3. Panghalip panaklaw- ay ang tawag sa panghalip na sumasaklaw sa kaisahan, dami,


o kalahatan ng tinutukoy. Ito ay maaaring tiyak o di-tiyak
Tiyak Di- tiyak
a. Nagsasaad ng kaisahan Mga panghalip pananong na
isa bawat bawat isa kinakabitan ng pantig na man
balang tungkol na nangangahulugan nang hindi
katiyakan ng piang-uusapan.
b. Nagsasad ng dami /kalahatan
Basahin ang mga sumusunod :

1. Sino ang kasama mong namasyal?


2. Bakit nasisira ang ating kapaligiran?

*Ano ang ipinapahiwatig ng mga salitang nakasalungguhit?

4. Panghalip pananong- ay pamalit sa pangngalan sa paraang patanong. . Maaaring ito’y


isahan o maramihan.

Isahan Maramihan Kinatawan


Sino Sino-sino tao
Ano Ano-ano bagay/pangyayari
Kanino Kani-kanino tao
Alin Alin-alin pinipili
Ilan Ilan-ilan nabibilang
Magkano Magka-magkano halaga
Gaano Gaa-gaano nasususkat/natitimbang

IV.PAGYAMANIN

A. Gawain 1
Panuto: Basahin ang pangungusap. Kumuha ng papel at panulat. Isulat ang panghalip
na makikita at mababasa rito.
1. Si Andres Bonifacio ang nagtatag ng Katipunan. Siya ang “Ama ng Rebolusyon”.
2. Nakapulot ng pera si Althea sa parke habang siya ay naglalaro, agad niya itong ibinalik
sa may-ari.
3. Tuwing bakasyon, dumadalaw ang pamilya Lagua sa siyudad ng Batac, binibisita nila
doon ang kanilang lolo.
4. Ang magkakapatid na Lizette, Althea at Sydney ay sama-samang nagpunta sa simbahan.
Sila ay nanalangin para sa kaligtasan ng lahat laban sa Covid-19.
5. Kanino kaya itong lapis na napulot ko? Sayo ba ito Kiel?

B. GAWAIN 2
Panuto: Iwasto ang mga pangungusap sa pamamagitan ng paggamit ng
angkop na panghalip.
1. Si Luna ay nag-aaral ng kaniyang leksiyon.
2. Naglilinis ang mga bata ng bakuran.
3. Pinagalitan ni lolo Incio ang kaniyang mga apo.
4. Ang mahabang sinturon ay kay Karen.
5. Si Hesukristo ang ating tularan.

C. GAWAIN 3
Panuto: Sumulat ng dayalogo na ginagamitan ng mga panghalip sa sitwasyon o
pangyayari sa inyong tahanan.

V. ISAISIP
*Ano ang tawag sa mga salitang tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, hayop, pook,
gawa o pangyayari?
*Ano ang tawag sa mga salitang ginagamit bilang pamalit o panghalili sa pangngalan?
* Ano-ano ang mga uri ng panghalip?
* Bakit mahalaga ang panghalip?

VI. ISAGAWA
Panuto: Bumuo ng isang komik istrip na ang paksa ay tungkol sa nararanasan nating
pandemya (Covid-19) . Gamitan ito ng mga panghalip. Guhitan ang mga ito.

VII. TAYAHIN
A. Panuto: Kumuha ng papel at panulat. Ibigay ang angkop na panghalip na panao
upang mabuo ang usapan.

Nilo : Naku! Narinig mo na ba ang usap-usapan sa paaralan?


Mario: Alin? Iyon bang sabi nilang aswang daw na gumagala rito sa
( 1.) _____________?
Nilo : ( 2.) _____________ ba ay naniniwala rin sa aswang?
Mario: Para sa ( 3.) _____________, hindi totoo iyon. Baka kathang-isip
lamang ng mga taong nais manggulo.
Nilo : Maniniwala lamang (4.) ___________ kapag nakita ko na talaga ito.
Mario: Halika na. Pumunta na (5.) _________ sa silid-aralan.

B. Panuto: Salungguhitan ang panghalip na pamatlig sa bawat bilang.

6. May puting sasakyan na dumating. Iyon baa ng sasakyan natin?


7. Dito ka umupo sa tabi ko para magkausap tayo.
8. Huwag kang mag-alala. Parating na kami riyan.
9. Ngayon lang ako nakarating sa Baguio. Napakalamig pala talaga rito.
10. Ang puting van ang gagamitin natin. Bagong ayos ang makina nito.

C. Panuto: Lagyan ng (/) kung panghalip panaklaw at (X) kung panghalip pananong.

11. Namatay na lahat ng pananim.


12. Marami ang nabahala sa paglaki ng suliranin.
13. May ilan ding tumulong sa matanda.
14. Saan ka pupunta?
15. Bawat isa ay maaaring magbigay ng donasyon sa simbahan.

VII. KARAGDAGANG GAWAIN


Panuto: Sumipi ng balita sa diyaryo at isulat ito sa inyong notebook. Bilugan ang
mga panghalip na ginamit dito.

SUSI SA PAGWAWASTO
SUBUKIN

1. lugar

2. hayop

3. pangyayari

4. lugar

5. gawa

6. bagay

7. tao

8. lugar

9. hayop

10. pangyayari

11. lugar

12. tao

13. tao

14.tao

15. pangyayari

TUKLASIN

mo

siya

ako

kaniya

natin

PAGYAMANIN

GAWAIN 1

1. siya

2. niya

3. nila, doon

4. sila

5. kanino

GAWAIN 2

1. Siya ang nag-aarla ng kaniyang leksiyon.


2. Sila ay naglilinis ng bakuran.

3. Pinagalitan niya ang kaniyang mga apo.

4. Ang mahabang sinturon ay sa kanya.

5. Siya ang ating tularan.

GAWAIN 3

(answers may vary)

V-ISAGAWA

(answers may vary)

VII-TAYAHIN

A. .
1. Atin
2. Ikaw
3. Akin
4. Ako
5. Tayo

B.

6. Iyan

7. Dito

8.riyan

9. rito

10. nito

C.

11. /

12. /

13. /

14. x

15. /

SANGGUNIAN
K TO 12 MELC Guide

Teacher’s Guide in Filipino 6

WBLS Outcome-Based Education Learning End States Filipino 6

Landas sa Wika 6

Komunikasyon 6

Freepik.com

You might also like