You are on page 1of 7

4 7

ARALING
PANLIPUNAN 4
Ikatlong Markahan – Modyul 3:
Ang Pambansang Pamahalaan at Kapangyarihan ng Sangay
Nito
Most Essential Learning Competency: Nasusuri ang balangkas o
istruktura ng pamahalaan ng Pilipinas.
(AP4PAB-IIIa-1)

RADIO-BASED INSTRUCTION SCRIPT


Pahina 1 ng 16
RADIO-BASED INSTRUCTION SCRIPT
ARALING PANLIPUNAN 4
Title: Ang Pambansang Pamahalaan at Kapangyarihan ng Sangay Nito
Format: School-on-the-Air
Length: 30 minutes
Broadcaster: Mr. Jaymar Kevin A. Padayao, Teacher III
Scriptwriter: Mr. Jaymar Kevin A. Padayao, Teacher III
Objective: Pagkatapos makapakinig ng episode na ito, ang mga mag-aaral ng Ikaapat
na Baitang ay inaasahang masusuri ang balangkas o istruktura ng
pamahalaan ng Pilipinas.

SESSION 1

1 BIZ: INSERT SOA PROGRAM ID

2 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS AND FADE UNDER

3 HOST: Magandang araw sa mga ginigiliw naming mag-aaral ng ikaapat baitang!

4 Narito muli ang inyong paaralang panghimpapawid sa Araling Panlipunan!

5 Laging tatandaan ang tatlong ‘M’ sa Araling Panlipunan, Maglakbay, Mawili at


Matuto.

6 Nagagagalak ako na makasama kayo sa ating pag-aaral sa pamamagitan ng

7 radyo. Ako ang inyong lingkod, Ginoong Jaymar Kevin Padayao

8 mula sa Schools Division of Ilocos Norte.

9 Sa Araling Panlipunan, Maglakbay, Mawili at Matuto.

10 BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND FADE UNDER

11 HOST: Halos isang taon na tayong lumalaban kontra sa pandemyang Covid-19. Ang

12 pamahalaan ay di tumitigil sa pagbibigay ng nararapat na serbisyo para sa ating lahat.

13 Ano-ano nga ba ang mga kinakailangan nating gawin para maiwasan o di na kumalat
pa

14 ang sakit na ito at nang matulongan rin natin ang mga kababayan nating mga
Frontliners?

15 Kalinisan sa katawan:

16 Takpan ang iyong bibig at ilong gamit ang tisyu o panyo kung ikaw ay uubo o
17 babahing, o kaya naman ay gamitin ang manggas ng iyong damit.

18 Iwasang humawak sa mga mata, ilong, at bibig upang pigilan ang pagkalat ng virus.

19 Palagiang paggamit ng facemask lalo na kapag lumalabas ng bahay.

20 Maghugas ng mga kamay nang madalas at mabuti gamit ang sabon at tubig. Gumamit

21 ng alcohol-based sanitizers kung walang sabon at tubig

22 Hangga’t maaari, dumistansya sa mga tao ng may layong tatlong talampakan

23 hanggang isang metro upang iwasan ang pagkahawa.

24 Panatilihing malinis ang kapaligiran, lalo na ang mga lugar o pasilidad na madalas
gamitin gaya ng elevators, hagdan, switch ng ilaw, atbp.

25 Iwasan ang pagkain ng hilaw o hindi-masyadong luto na karne.

26 Kung bibisita sa mga palengkeng may mga buhay na hayop o iba pang produktong-
hayop:

27 Panatilihing malinis ang pangangatawan at laging maghugas ng kamay matapos

28 humawak sa mga hayop at mga prodktong galing dito.

29 Kailangang ligtas lahat at patibayin an gating resistensya. Kakayanin natin ang laban
na ito!

30 BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

31 HOST: Sa puntong ito, ihanda ang inyong sarili sa mga katanungang

32 ating masasagot habang tayo ay naglalakbay, nawiwili at natututo.

33 HOST: Bakit mahalaga ang pamahalaan?

34 Bakit mahalagang malaman natin ang layunin ng bawat sangay ng pamahalaan?

35 HOST: Iyan masusugid naming mag-aaral, may gabay na tayo sa

36 ating paglalakbay!
37 BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

38 HOSt: Kumusta mga kalakbay! Noong nakaraan, napag-usapan natin na ang ating

39 bansang Pilipinas ay isang demokratikong bansa na may tatlong kapangyarihan. Ano-

40 ano ulit ang mga ito?

41 Tama! Ang pamahalaan ay may tatlong magkakaugnay na mga sangay: ang

42 tagapagbatas, tagapagpaganap at tagapaghukom. Ang Pilipinas ay isang republikang

43 may pampanguluhang anyo ng

44 pamahalaan kung saan pantay na nahahati ang kapangyarihan sa tatlong sangay nito:

45 ehekutibo, lehislatibo, at hudikatura.

46 Isang mahalagang bunga ng pampanguluhang sistema ng pamahalaan ay ang

47 prinsipyo ng paghahati ng kapangyarihan, kung saan nasasailalim sa Kongreso ang

48 paggawa ng mga batas, nasasailalim sa Ehekutibo ang pagpapatupad ng mga ito, at

49 nasasailalim sa Hudikatura ang pagpapasya sa mga kontrobersiyang legal.

50 HOST: Pero, teka may bisita pala tayo, tila si Kapitan Digo iyon ah? Kumusta po
kapitan, may kailangan ba akong ipagpaliwanag sa ating barangay hall?\

51 Kapitan: Naku, ikaw talaga ginoo. Nagpapatawa ka na naman. Wala ginoong


padayao, galing lang ako sa ating checkpoint kanina at ipinaiwanag ko ang mga bagong
protocols ngayon lalo na’t gumagaan na ang mga kailangang sundin. Pero sinabi ko sa
ating mg aka-barangay na huwag tayong makampante at panatilihin ang kalinisan sa ating
katawan at komunidad.

52 HOST: Talaga naman ikaw ay huwaran, kapitan Digo. Dapat maliwanagan an gating
mga opisyales ng barangay sa mga pagbabago sa protocols para di magkaroon ng hindi
pagkakaintindihan. Tiyak may pa-lugaw ka na naman kanina kaitan?

53 Kapitan: Aba, oo naman. Pamatid gutom rin iyon. Nabanaag ng aking tainga kanina
ang topiko mo ay tungkol sa layunin n gating pamahalaan at mga sangay nito ginoo. Kaya
minabuti kong pumasyal dito sa istayson at making ng personal sa iyo. Tiyak may
matutunan ako mula sa iyo ginoo. Kung pahihintulutan mo ako ginoo.

54 HOST: Hala huwag kang mag-alala kapitan, bukas kami sa inyong pagdalo.

55 Kapitan: Aba, salamat kung ganoon ginoo. Sige po, ituloy na ninyo ang inyon
diskurso. Makikinig lang po ako at makikigamit na rin ng aircon.
56 HOST: Ituloy na natin mga kalakbay. Ang Lehislaturang sangay ay pinahihintulutang

57 gumawa ng mga batas, magamyenda, at magsawalang-bisa ng mga ito gamit ang

58 kapangyarihang ibinigay sa Kongreso ng Pilipinas. Nahahati ang institusyong ito sa

59 Senado at Kapulungan ng mga Kinatawan.

60 Ang Ehekutibong sangay ay binubuo ng Pangulo at Pangalawang Pangulo na kapwa

61 inihalal ng boto ng nakararami at magsisilbi sa loob ng anim na taon. Binibigyan ng

62 Konstitusyon ang Pangulo ng kapangyarihang piliin ang kanyang Gabinete. Bubuuin

63 ng mga kagawarang ito ang isang malaking bahagi ng burukrasya ng bansa.

64 Ang Hudikturang sangay ay may kapangyarihang lutasin ang mga sigalot sa

65 pagpapatupad ng mga karapatang nakasaad sa batas. Hinahatulan ng sangay na ito


66 kung nagkaroon o hindi ng matinding pang-aabuso sa pagpapasya, na katumbas ng

67 kakulangan o kalabisan ng kapangyarihan, sa panig ng pamahalaan. Binubuo ito ng

68 Korte Suprema at mga nakabababang hukuman.

69 HOST: Ang kapangyarihan ng bawat sangay ay ibinibigay ng Saligang Batas ng

70 Pilipinas ayon sa sumusunod: Kapangyarihan na magsagawa ng batas ay ibinibigay sa

71 dalawang kapulungan, ang Kongreso ng Pilipinas-ang Senado ang bumubuo sa

72 mataas na kapulungan at ang Kapulungan ng mga kinatawan ang bumubuo sa

73 mababang kapulungan.[1] Ang kapangyarihan ng tagapagpaganap ay ibinibigay sa

74 pamumuno ng Pangulo. Ang kapangyarihan sa pagkuhom ay ibinibigay sa mga korte

75 kung saan ang Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas ang pinakamataas na katawang


panghukom ng bansa.\

76 Ayan mga kalakbay tila marami na naman tayong napag-usapan at tiyak na may
magagamit ka na namang impormasyon na maari mong magamit sa pagsagot sa inyong
mpdyul.

77 BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER


78 HOST: Dumako naman tayo sa inyong modyul at gawin natin ang mga gawaing
ipinagawa sa inyo ng inyong guro.Basahin ng mabuti ang panuto bago
sagutan.
79 Isang pagninilay bago tayo magtapos: Anu-ano ang maari mong magawa para
matulungan ang pamahalaan sa mga adhikain nito?

80 HOST: Kaya naman, sa susunod na linggo ihanda muli ang inyong mga sarili sa
mahaba-habang paglalakbay muli sa mundo ng Araling Panlipunan.
81 HOST: Muli ito ang inyong kasama sa paglalakbay sa mundo ng Araling Panlipunan,
82 Ginoong Jaymar Kevin A. Padayao. Hanggang sa muli! Sa Araling Panlipunan,
Maglakbay, Mawili at Matuto!

-#-

You might also like