You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION I
SCHOOLS DIVISION OFFICE I PANGASINAN
MANGATAREM I CENTRAL SCHOOL
CALVO ST., MANGATAREM, PANGASINAN

DEMONSTRATION LESSON PLAN


IN ARALING PANLIPUNAN IV

I. LAYUNIN:
A. Pamantayang Pangnilalaman
 Natutukoy ang mga namumuno ng bansa.
B. Pamantayan sa Pagganap
 Natatalakay ang kapangyarihan ng tatlong sangay ng pamahalaan
(ehekutibo, lehislatura at hudikatura).
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto: Isulat ang code ng bawat kasanayan
 Natatalakay ang kahulugan at kahalagahan ng pambansang pamahalaan.
AP4PAB-III-a-1
II. NILALAMAN/ PAKSANG ARALIN
“ANG PAMBANSANG PAMAHALAAN AT KAPANGYARIHAN NG SANGAY
NITO”
III. KAGAMITANG PANTURO
 PowerPoint Presentation, Projector/ Smart TV
A. Sanggunian
 Adriano, Ma. Corazon V., Caampued, Marian A., Capunitan, Charity A.,
Galarosa, Walter F., Miranda, Noel P., Quintos, Emily R., (2015). Araling
Panlipunan Kagamitan ng Mag-aaral. Department of Education-Intructional
Materials Council Secretariat (DepEd- IMCS).
Mga Pahina sa Gabay Guro
 Araling Panlipunan, Patnubay ng Guro, TG pp. 109-111
Mga Pahina sa Kagamitang Pang-mag-aaral
 Araling Panlipunan, Kagamitan ng Mag- aaral, LM pp. 228-236
Mga Pahina sa Teksbuk
 Araling Panlipunan, Patnubay ng Guro, TG pp. 109-111; Araling Panlipunan,
Kagamitan ng Mag- aaral, LM pp. 228-236
Karagdagang kagamitan mula sa portal ng Learning Resource
 Self-Learning Modules/ SLM’s
IV. PAMAMARAAN
A. Balik-Aral sa Nakaraang Aralin at/o Pagsisimula ng Bagong Aralin
 Ipakita sa mga mag-aaral ang larawan ng Palasyo ng Malacañang.Itanong
kung ano ang sinisimbolo nito.
B. Paghahabi sa Layunin ng Aralin
 Itanong ang pakahulugan ng mga mag-aaral sa salitang pamahalaan.
 Itanong: Mahalaga ba ang pamahalaan?
Integrasyon sa Ibang Asignatura (HEALTH AT SCIENCE)
 Ano- ano ang mga paghahanda sa sarili na dapat isaalang- alang ng isang
namumuno upang maging maayos ang kanyang pangangatawan?
 Ano- ano ang mga proyektong ipinatutupad ng ating pamahalaan upang
maging malinis at ligtas ang ating kapaligiran?
 Ano ang masasabi mo sa ating pamahalaan sa panahon ng pandemyang
ating hinaharap? Magbigay ng mga dahilan kung bakit mo nagustuhan ang
kasalukuyang administrasyon.
C. Pag-uugnay ng mga Halimbawa sa Bagong Aralin
 Magtanong tungkol sa aralin.Ano ang pamalaan?Sino ang nagtataguyod
nito?Ano ang layunin nito? Sino ang namumuno sa isang pamahalaan? Sino
ang katuwang ng pangulo sa pamamahala? Ilang sangay ang bumubuo sa
pamahalaan?
 Ipakita ang larawan ng Senado ng Pilipinas, Kongreso ng Pilipinas, Palasyo
ng Malacaňang at Kataas-taasang Hukuman.
 Itanong: Alam nyo ba ang mga gusaling ito?

D. Pagtatalakay ng Bagong Konsepto at Paglalahad ng Bagong Kasanayan #1


Magtanong tungkol dito.
 Anu-ano ang dalawang uri ng kapulungang bumubuo sa sangay na
tagapagbatas? Sinu-sino ang mga bumubuo sa Mataas na Kapulungan?
 Itanong muli: Mahalaga ba ang pamahalaan? Bakit? Ano ang maaring
mangyari sa isang bansa kung walang pamahalaan?
 May kapayapaan ba at kaunlaran ang isang bansa kung walang
pamahalaan? Maglahad pa ng ibang mga katanungan tungkol dito.
E. Pagtatalakay ng Bagong Konsepto at Paglalahad ng Bagong Kasanayan #2
 Umisip ng isang bagay o ideya na maaring ihalintulad sa
pamahalaan,ipaliwanag kung bakit.
 Ipatalakay sa mga bata ang kahulugan ng pamahalaan sa pamamagitan ng
pagguhit.
 Pagkakaroon ng malayang talakayan.
F. Paglinang sa Kabihasaan (Tungo sa Formative Assessment)
 Ano ang kahulugan ng pamahalaan? Sagutin ng pasalita sa anyo ng tula.
G. Paglalapat ng Aralin sa pang-araw-araw na buhay
 Dapat bang igalang ang ating pamahalaan? Bakit? Paano?
 Bakit mahalaga sa ating buhay ang pagkakaroon ng pambansang
pamahalaan?
 Paano mo maipakikita ang iyong pagmamalasakit sa ating pamahalaan?
I. Pangkatang Gawain:
GAWAIN 1:
 Ipakita sa pamamagitan ng dula-dulaan ang kahalagahan ng
pambansang pamahalaan.
GAWAIN 2:
 Ano ang kahulugan ng pamahalaan? Sagutin nang pasalita sa anyo
ng tula o awit.
GAWAIN 3:
 Iguhit ang Malacañang Palace at Ibigay ang kahalagahan nito sa ating
bansa.
H. Paglalahat ng Aralin
 Ang pamahalaan ay isang samahan o organisasyong politikal na itinataguyod
ng mga grupo ng tao na naglalayong magtatag ng kaayusan at magpanatili
ng isang sibilisasyong lipunan.
 Mahalaga ang pamahalaan dahil ito ang namumuno sa pagtupad ng mga
programa para sa nasasakupan.
 Ang pambansang pamahalaan ay binubuo ng sangay na tagapagpaganap,
sangay na tagapagbatas, at sangay na tagapaghukom.Ang sangay na
tagapagpaganap ang nagpapatupad ng mga batas.
 Ang pamahalaan ay may tatlong magkakaugnay na sangay: ang
tagapagbatas, tagapagpaganap, at tagapaghukom. May kanya-kanyang
kapangyarihan ang bawat sangay na nakapaloob sa Saligang Batas ng
Pilipinas.

J. Pagtataya ng Aralin
Test I:
Panuto: Ilagay sa patlang ang tsek ( / ) kung tama ang kaisipan at ekis ( x )
kung mali.
___1. Ang pamahalaan ay binubuo ng isang grupo ng tao lamang.
___2. Ang pamahalaan ay may tatlong magkakaugnay na sangay.
___3. Ang pamahalaan ay pinamumunuan ng isang Pangulo.
___4. Ang pamahalaan ng Pilipinas ay siya ring pambanasang pamahalaan.
___5. Ang pamahalaan ay isang organisasyong politikal.

Test II:
Panuto: Maari mo bang tukuyin kung sa anong sangay ng pamahalaan
napabilang ang mga sumusunod na kapangyarihan na nakatala sa ibaba.
Isulat lamang ang titik ng katumbas na kasagutan na makikita sa kahon.

a. Sangay na Tagaganap
b. Sangay na Tagapagbatas
c. Senado
d. Kongreso
e. Sangay na Tagapaghukom

_______1. Ito ang tinatawag na mataas na kapulungan.


_______ 2. Ano itong tinagurian na mababang kapulungan?
_______3. Ito ang sangay ng pamahalaan na binubuo ng mataas at mababang
kapulungan.
_______4. Ang sangay ng pamahalaan na nagbibigay kahulugan sa mga batas ng
bansa.
_______5. Ang sangay ng pamahalaan na ito ay ang nagpapatupad ng mga batas
ng bansa.

K. Karagdagang Gawain para sa Takdang Aralin at Remediation


 Magdala ng mga larawan ng kasalukuyang pinuno ng bawat sangay ng
pamahalaan.
Panuto: Ipaliwanag ang inyong sariling pananaw at damdamin sa
sumusunod na sitwasyon.
 Sa iyong palagay, ano kaya ang kahalagahan ng pagkakaroon ng
pambansang pamamahalaan?
 Maari mo bang ipaliwanag ang istruktura ng ating pamahalaan at ang mga
kapangyarihan na kaakibat ng bawat sangay nito?
V. Takdang- Aralin:
 Alamin kung sinu-sino ang kasalukuyang pinuno ng bawat sangay ng
pamahalaan.Isulat ito sa kwaderno.

Prepared by:

JEROME F. LATOJA
Teacher I

Checked and observed by:

MAY D. FERRER
Master Teacher I

Noted:

FERDINAND M. OLEGARIO
PRINCIPAL I

You might also like