You are on page 1of 3

ARALING PANLIPUNAN IV

Week 1 -3rd Quarter

Hope– 12:30-1:10 Charity – 2:10-2:50 Faith -3:00-3:40

01 Pebrero 2024 Huwebes

I. Layunin
 Natutukoy ang kahulugan ng pambansang pamahalaan
 Natatalakay ang kahalagahan ng pambansang pamahalaan
A. Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ang pang-unawa sa bahaging ginagampanan ng pamahalaan
sa lipunan, mga pinuno at iba pang naglilingkod sa pagkakaisa, kaayusan, at
kaunlaran ng bansa.
B. Pamantayan sa Pagganap
Nakapagpapakita ng aktibong pakikilahok at pakikiisa sa mga proyekto at
gawain ng pamahalaan at mga pinuno nito tungo sa kabutihan ng lahat
(common good)

II. Paksang Aralin


Paksa: Ang Pambansang Pamahalaan at Kapangyarihan ng Sangay
Nito
Kagamitan: larawan ng pambansang pamahalaan at sangay nito,
Powerpoint Presentation, laptop, lcd, projector
Sanggunian: Araling Panlipunan 4
Learner’s Material ph. 228-236
AP4PAB-IIIa-1
Integrasyon: Natatalakay ang konsepto ng pamamahala at pamahalaan
AP2PSK-IIIa-1

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain

1. Pagganyak
Magpakita ng larawan ng Pangulo at Pangalawang Pangulo ng Pilipinas.
Itanong kung ano ang naiisip nila sa mga nasa larawan

licensed under CC BY licensed under CC BY-SA-NC


B. Panlinang na Gawain
1. Gawain
Malaki ang ginagampanang papel ng pamahalaan sa buhay ng mga
tao.
Ang pamahalaan ay isang samahan o organisasyong political na
itinataguyod ng mga grupo ng mga tao na naglalayon magtatag ng
kaayusan at mapanatili ng isang sibilisadong lipunan.
Ilan sa mga layunin na hinahangad na maisakatuparan ng mga
pamahalaan sa buong mudo ay kasaganaan sa ekonomiya para sa
bansa, ligtas ang mga pambansang hangganan at kaligtasan at
kagalingan ng mga mamamayan. Nagbibigay din ng benepisyo para
sa kanilang mamamayan.
Para makamit ang layunin pamhalaan, ito ay gumagawa ng batas,
nagpapatupad ng mga batas at nagbibigay ng intertasyon ng batas.
Ang mga pamhalaan ay karaniwang nagbibigay ng mga serbisyo
tulad ng pangkabuhayan, pangangalaga at edukasyon, pangsibil at
pampolitika.
Ang pamahalaan ng Pilipinas ay demokratiko at may sistemang
pesidensyal, Ang pangulo ang may pinakamataas na posisyon sa
pamahalaan katuwang ang pangalawang pangulo.

2. Pagsusuri

Isulat sa loob ng kahon ang kahalagahan ng pambansang


pamahalaan. Gawin ito sa isang malinis na papel.

3. Paghahalaw
Sagutin ng Tama o Mali. Kung mali, isulat ang mga salitang nagpamali
rito at itama ito.
1. Nasasakupan ng pambansang pamahalaan ang buong bansa.
2. May dalawang sangay ang Pambansang Pamahalaan ng Pilipinas.
3. Ang sangay ng tagapagbatas ay binubuo ng mga piling hurado.
4. Pinamumunuan ng Pangulo ng bansa ang sangay na
tagapagpaganap.
5. Magkakaugnay ang lahat ng sangay ng pambansang pamahalaan.
4.Paglalapat
Sa Kuwaderno, isulat ang mga salitang may kaugnayan sa salitang
PAMAHALAAN. Sagutin ang mga gabay na tanong:
a. Anong mga salita ang iyong naiisip?
b. Bakit ang mga salitang ito ang iyong naiisip?
c. Ano ang kaugnayan ng mga salitang ito sa PAMAHALAAN?
5.Paglalahat
Ang Pilipinas ay may pambansang pamahalaan na pinamumunuan ng
Pangulo ng bansa.
Ang pamahalaan ay may tatlong magkakaugnay na mga sangay: ang
tagapagbatas, tagapagpaganap, at tagapaghukom. Tinatawag din ang
amg sangay na ito na lehislatibo,ehekutibo, at hudikatura.

IV. Pagtataya
Unawaing Mabuti ang ang pangungusap. Iguhit ang masayang mukha kung tama
ang ipinahahayag nito at malungkot na mukha naman kung hindi.
___1. Ang pamahalaan ay namumuno at namamahala sa bansa.
___2. Ang pamahalaan ay binubuo ng mga taong namumuno o namamahala sa
bansa.
___3. Ang pamahalaan ay kinabibilangan ng lahat ng kalupaan,katubigan, at
hangganan ng bansa.
___4. Ang pamahalaan ay may responsibilidada sa mga mamamayan ng bansa.
___5. Ang pamahalaan ay tumutukoy sa lahat ng mga taong nakatira sa bansa.

V. Takdang Aralin
Manuod/makinig ng balita.

HOPE CHARITY FAITH

5 x _____ = _____ 5 x _____ = _____ 5 x _____ = _____

4 x _____ = _____ 4 x _____ = _____ 4 x _____ = _____

3 x _____ = _____ 3 x _____ = _____ 3 x _____ = _____

2 x _____ = _____ 2 x _____ = _____ 2 x _____ = _____

1 x _____ = _____ 1 x _____ = _____ 1 x _____ = _____

0 x _____ = _____ 0 x _____ = _____ 0 x _____ = _____

You might also like