You are on page 1of 2

KASANAYAN SA PAGKATUTO

ARALING PANLIPUNAN 4

Pangalan_________________________________Baitang_________________
Paaralan__________________________________Petsa______________Iskor_________

GAWAING PAGKATUTO

I. KASANAYANG PAGKATUTO
1. Natatalakay ang kahulugan at kahalagahan ng Pamahalaan AP4AB-IIIa-I

II. PANIMULA ( Susing Konsepto)


A. PAMAHALAAN
* Isang samahan o organisasyong politikal na itinataguyod ng mga grupo ng tao na naglalayong
magtatag ng kaayusan at magpanatili ng isang sibilisadong lipunan.
* pamahalaan ng Pilipinas ay siya ring pambansang pamahalaan, ay isang uri o sistemang
presidensiyal at demokratiko.
* pinamumunuan at pinamahalaan ng isang Pangulo
B. MAGKAKAUGNAY NA SANGAY NG PAMAHALAAN
1. TAGAPAGBATAS
* tinawag ding lehislatibo
* may dalawang kapulungan: mababang kapulungan o kongreso at mataas na kapulungan o
senado.
2. TAGAPAGPAGANAP
* tinawag ding ehekutibo
* nasa pamumuno ng pangulo
*ang pangulo ay may veto power o kapangyarihan ng pangulo na tanggihan ang
panukalang batas na ipinasa ng kongreso.
3. TAGAPAGHUKOM
* tinawag itong hudikatura
* nasa pamumuno ng hukuman
* pinangasiwaan ng Kataas-taasang hukuman ang mababang hukuman

Panuto
A. Isulat ang salitang Wasto kung tama ang pahayag at hindi wasto kung mali ang pahayag sa
bawat bilang.
_______1. Nasasakupan ng pambansang pamahalaan ang buong bansa.
_______2. May dalawang sangay ang pambansang pamahalaan ng Pilipinas.
_______3. Ang sangay ng tagapagbatas ay binubuo ng mga piling hurado.
_______4. Pinamumunuan ng Pangulo ng bansa ang sangay na tagapagpaganap.
_______5. Magkakaugnay ang lahat ng mga sangay ng pambansang pamahalaan.

B. Sagutin at ipaliwanag ang sumusunod na katanungan. Isulat ang sagot sa ibaba ng bawat
tanong. Gawing gabay ang rubrics sa pagsagot upang makuha mo ang mataas na puntos.
1. Bakit mahalaga sa isang bansa ang pambansang pamahalaan?
Sagot: ____________________________________________________

2. Sa panahon ngayon ay kinakaharap natin ang pandemic dulot ng Corona Virus. Ano-ano ang mga
maaaring gawin upang maiwasan o hindi mahawaan nito?

Sagot:
RUBRIK SA PAGPAPALIWANAG

Pamantayan Deskripsyon
Napakahusay (3) tumpak at napakalinaw ng sagot sa tanong na ibinigay
Katamtaman (2) May kalinawan ang sagot, ngunit may ilang punto na nalilihis sa tanong na
ibinigay.
Di-gaanong maayos Lumihis ang kasagutan sa tanong na ibinigay
( 1)

Pangwakas

Panuto: Punan ang patlang at isulat ang inyong tamang sagot.

Ang ____________________ ay may pambansang pamahalaan na pinamumunuan ng


Pangulo ng bansa. Ang ________ay isang samahan o organisasyong political na itinataguyod ng
mga grupo ng tao na naglalayong magtatag ng kaayusan at magpanatili ng isang sibilisadong
lipunan. Ang pambansang pamahalaan ay binubuo ng ______________, ___________ at
________.

Ang___________ ang nagpapatupad ng mga batas. Ang ___________ay ang kongreso n


gating bansa na siyang gumagawa ng mga batas. Ang __________ang nagbibigay –kahulugan sa
mga batas ng bansa.

Inihanda ni :

LEVI F. BALAKI
Dumpilas Elementary School

NOTE: PRACTICE PERSONAL HYGIENE PROTOCOLS AT ALL TIMES

You might also like