You are on page 1of 9

ARALING PANLIPUNAN

Learning Area
School Grade Level FOUR
Learning Delivery Modality Modular Distance Modality(Learning-
Teacher Led Modality)Learning Area ARALING
PANLIPUNAN
LESSON
Teaching Date Quarter THIRD
EXEMPLAR
Teaching Time No. of Days 1 DAY

I. LAYUNIN Ang mga bata ay inaasahang:


• Matatalakay ang kahulugan ng pamahalaan.
• Maipapaliwanang ang mga tungkulin ng bawat sangay ng
pamahalaan.
• Matutukoy ang mga sangay ng pamahalaan.
• Natatalakay ang paraan ng pagpili at ang kaakibat na
kapangyarihan ng tatlong sangay ng pamahalaan.
A. Pamantayang Ang mag-aaral ay…
Pangnilalaman naipamamalas ang pangunawa sa bahaging
ginagampanan ng pamahalaan sa lipunan, mga
pinuno at iba pang naglilingkod sa pagkakaisa,
kaayusan at kaunlaran ng bansa
B. Pamantayan sa Ang mag-aaral ay…
Pagganap nakapagpapakita ng aktibong pakikilahok at
pakikiisa sa mga proyekto at gawain ng
pamahalaan at mga pinuno nito tungo sa kabutihan ng lahat(common
good)
C. Natatalakay ang kahulugan at kahalagahan ng pamahalaan
Pinakamahalagang AP4PAB- IIIa-1
Kasanayan sa
Pagkatuto
(MELC) (Kung
mayroon, isulat
ang
pinakamahalaga
ng kasanayan sa
pagkatuto o
MELC)
D. Pagpapaganang
Kasanayan
(Kung mayroon,
isulat ang
pagpapaganang
kasanayan.)
II. NILALAMAN
Kahulugan at Kahalagahan ng Pamahalaan
III. KAGAMITAN Modyul
PANTURO
A. Mga Sanggunian
a.Mga Pahina sa
Gabay ng Guro
MOST ESSENTIAL LEARNING COMPETENCIES(MELC)
MATRIX
Page 38
b.Mga Pahina sa
Kagamitang
Pangmag-aaral
c. Mga Pahina sa
Teksbuk
d. Karagdagang
Kagamitan mula
sa Portal ng https://lrmds.deped.gov.ph/
Learning
Resource
B. Listahan ng mga
Kagamitang
Panturo para sa
mga Gawain sa Learner’s Packet
Pagpapaunlad at
Pakikipagpalihan
IV. PAMAMARAAN

A. Introduction SUBUKIN
(Panimula) ESP INTEGRATION
Piliin at isulat ang titik ng wastong sagot.
1. Anong mayroon ang pamahalaan na ipinatupad sa mga
mamamayan upang maging mapayapa, masaya at maunlad ang
bansa?
a. Mga tagubilin
b. Mga batas
c. Mga utos
d. Mga aral
2. Nagpapatupad ng batas?
a. Kongreso
b. Senado
c. Mayor
d. Governor
3. Gumagawa ng batas para sa kapakanan ng lahat?
a. Kongreso
b. Senado
c. Mayor
d. Governor
4. Aling opisyal ang nakakatulong sa bansa?
a. Makasarili
b. Walang pakialam
c. Walang malasakit
d. Matapat sa tungkulin
5. Alin ang katangian ng mga opisyal na dapat nating ihalal?
a. Mayabang, masungit at maramot b. Mayaman, maganda at
matalino
c. Maka-Diyos, makatao, makakalikasan at makabansa d. Matapang,
makasarili at mahina
BALIKAN
Basahin ang pangungusap. Isulat sa patlang ang tsek ( / ) kung
tamang paraan ang pagbebenta at pamamahala ng produkto at ekis
( x ) naman kung hindi. ________ 1. Ang tungkulin ng pamahalaan
ay pangalagaan at pagpapanatili ng katatagan at katahimikan ng
bansa.
________ 2. Ang mga mamayan ay may karapatan maki alam o
pumuna sa paraan ng pagpaptakbo ng pinuno sa pamahalaan.
________ 3. Ang sangay ng tagapagpaganap ay binubuo ng pangulo,,
ikalawang pangulo, gabinete, at pamahalaang local.
________ 4. Si Pangulong Duterte ang “commander in Chief” o
katas taasang pinuno ng Pilipinas.
________ 5. Ang Legistalura ay maaaring pumigil, magpahaba o
magpawalang halaga ng hatol o ibinigay na kaparusahan.

B. Development
(Pagpapaunlad)

ARALIN
ESP INTEGRATION
Ayun sa Wiktionary. Ang pamahalaan ay isa itong pangkat ng tao o
lahi ng mga tao na pinangangasiwaan ng isang pinuno at may
pinasinayahang mga batas at panuntunan. Ang bawat bansa sampu
nang mga nasasaklawan nito ay may pangkahalatang pamahalaan at
bahagi nito. Ang kahalagahan ng pamahalaan ay para magkaroon ng
pagkaiisa at kapayapaan. Tumulong sa mga taong may matinding
pangangailangan at lalo na sa nasalanta ng bagyong nagdaan sa mga
kalapit bayan tulad sa Cagayan Valley. Hindi para sa mga tao lamang
ang pamahalaan kundi kasama din ang bansa na napapaunlad tulad
ng mga pagawaing tulay, daan at establisimento ng pangulo ng isang
bansa. Mahalaga ang pamahalaan dahil makakatulong din ito sa mga
mamayanan, mahirap man o mayaman. Natutulungan din ipagamot
ang mga may karamdaman nating kababayan.

Kahulugan ng Pamahalaan Pamahalaan ay isang samahan o


organisasyong political na itinaguyod ng mga grupo ng tao na
naglalayong magtatag ng kaayusan at magpanatili ng isang
sibilisadong lipunan. Ang pamahalaan ng Pilipinas, na siya ring
Pambansang pamahalaan, ay isang uri o sistemang presidensiyal o
demokratiko. Pinamumunuan at pinamamahalaan ito ng isang
Pangulo na siyang puno ng bansa, katuwang ang pangalawang
pangulo. Ang pamahalaan ay may tatlong magkakaugnay na mga
sangay. Ito rin ay may kapangyarihan na magbigay ng mga
pangangailangan ng mga mamamayan ng nasasakupang teritoryo:
ang tagabagbatas, tagapagpaganap, at tagpaghukom. Tinatawag din
ang mga sangay na ito ay lehislatibo, ehekutibo, at hudikatura.
Sangay ng Pamahalaan.

Ano ang Pamahalaan? Ang pamahalaan ng Pilipinas “Ang Pilipinas


ay isang demokratiko at republikanong Estado. Nasa mga mamayan
ang kapangyarihan nito at nagmumula sa kanila ang buong
pamumunuan ng pamahalaan.”
Artikulo II, Seksyon 1 ng 1987 Konstitution
Ang Pilipinas ay isang republikang may pampanguluhang anyo ng
pamahalaan kung saan pantay na nahahati ang kapangyarihan sa
tatlong sangay nito: ehekutibo, legislatibo, at hudikatura. Isang
mahalagang bunga ng pampanguluhang Sistema ng pamahalaan ay
ang prinsipyo ng paghahati ng kapangyarihan, kung saan
nasasailalim sa Kongreso ang paggawa ng mga batas, nasasailalaim
sa Ehekutibo ang pagpapatupad ang mga ito, at nasasailalim sa
Hudikatura ang pagpapasyasa mga kontrobersiyang legal. Suriin
Ehekutibo Lehislatibo Hudikatura

LEHISLATURANG SANGAY
Ang Lehistaruang sangay ay pinahihintulutang gumawa ng mga
batas, magamyenda, at magsawalang bias ng mga ito gamit ang
kapangyarihang ibinigay ng Kongreso ng Pilipinas. Nahahati ang
institusyong ito sa Senado at Kapulunganng mga Kinatawan.

EHEKUTIBONG SANGAY
Ang Ehekutibong sangay ay binubuo ng Pangulo at Pangalawang
Pangulo na kapwa inihalal ng boto ng nakakarami at nagsisilbi sa
loob ng anim na taon. Binibigyan ng Konstitusyon ang Pangulo ng
kapangyarihang piliin ang kanyang Gabinete. Bubuuin ng mga
kagwarang ito ang isang malaing bahagi ng burukrasya ng bansa.
HUDIKATURANG SANGAY
Ang Hudikaturang sangay ay may kapangyarihan lutasin ang mga
sigalot sa pagpapatupad ng mga karaptang nakasaad sa batas.
Hinahatulan ng sangay na ito kung nagkaroon o hindi ng matinding
pang-aabuso sa pagpapasya, na katumbas ng kulungan o kalabisan ng
kapangyarihan, sa panig ng pamahalaan. Binubuo ito ng korte
suprema at mga mababang hukuman.

C. Engagement
(Pagpapalihan)
PAGYAMANIN
Piliin ang tamang sagot ng mga tanong sa ibaba sa kahon at isulat sa
patlang ang titik ng wastong sagot.

_______1. Gumagawa ng batas Pambansang Pamahalaan


________2. Nilulutas ang mga sigalot sa Lipunan
________3. Namamahala sa pamahalaan
________4. Binubuo ng Pangulo at Pangalawang Pangulo
________5. Tagahukom
________6. Mga Senado at Kongreso
________7. Nagpapasiya sa mga nang-aabuso ________8. Binubuo
ng Korte Suprema at mababang Hukuman
________9. Pinamumunuan ng Pangulo ang sangay na ito.
________10. Binubuo ng mga Kalihim at Gabinete

ISAISIP

1. Ang Pilipinas ay may pambansang pamahalaan na pinamumunuan


ng Pangulo ng bansa.
2. Ang pamahalaan ay isang samahan o organisasyong political na
itinaguyod ng mga grupo ng tao na naglalayong magtatag ng
kaayusan at magpanatili ng isang sibilisadong lipunan. Ang
pamahalaan ng Pilipinas, na siya ring pambansang pamahalaan, ay
isang uri o sistemang presidensiyal at demokratiko. Pinamumunuan
at pinamamahalaan ito ng isang Pangulo na siyang puno ng bansa,
katuwang ang pangalawang pangulo. 3. Mahalaga ang pamahalaan
dahil ito ang namumuno sa pagpapatupad ng mga programa para sa
nasasakupan.
4. Ang pambansangng pamahalaan ay binubuo ng sangay na
tagapagpaganap, sangay na tagapagbatas, at sangay na tagahukom.
5. Ang tatlong sangay ng pamahalaan ay ang tagapagbatas,
tagapagpaganap, at tagahukom.
6. Ang sangay na tagapagpaganap ang nagpapatupad ng batas.
7. Ang sangay ng tagabagtas ay ang kongreso ng ating bansa na
siyang gumagawa ng mga batas. Ito ay may dalawang kapulungan:
ang Senado na mataas na kapulungan at ang Kapulungan ng mga
Kinatawan ng mababang kapulungan.
8. Ang sangay na tagapaghukom ang nagbibigay-kahulugan sa mga
batas ng bansa
D. Assimilation
(Paglalapat)
TAYAHIN
A. Iguhit ang thumbs up icon kung ang mga sumusunod na
gawain ay tamang ginagawa at thumbs down icon kung hindi.
________1. Ang sangay ng Ehekutibo ay kinabibilangan ng
tagapaghukom.
________2. Ang mga sangay ng Pamahalaan ay
magkakaugnay.
________3. Pinamumunuan ni Pangulong Duterte ang sangay
ng Judikatura.
________4. Ang pamahalaan ng Pilipinas ay siya ring
tinatawag na Pambansang Pilipinas.
________5. Ang tatlong sangay ng Pilipinas ay ang
tagapagbatas, tagapagpaganap at tagapaghukom.
________6. Ang Pilipinas ay may pamahalaang demokratiko.
________7. Nakasalalay sa Kongreso ng Pilipinas ang
kapangyarihang tagapagbatas.
________8. Kapulungan ng Kinatawan (mababang kapulungan
) ________9. Senado (mataas na kapulungan) ________10.
Ang pinakamataas na kapangyarihan sa Pilipinas ay ang
pangulo sa Senado.

V. PAGNINILAY
Nauunawaan ko na__________________________________.
Nabatid ko na ______________________________________.

Inihanda ni:
Ipinasa kay:

You might also like