You are on page 1of 5

Learning Area Araling Panlipunan

Learning Delivery Modality Face-to-Face


LESSON School MENDEZ CENTRAL Grade Level Four
EXEMPLAR SCHOOL
Teacher Carla M. Lorenzo Week Week 1
Date May 2, 2023 Quarter Fourth Quarter
Time 7:40-8:20 J. Rizal No. of Days 5 days
8:30-9:10 E. Aguinaldo
9:40-10:20 A. Mabini
10:30-11:10 A. Bonifacio
1:00-1:40 SSES
I. OBJECTIVES
A. Content Standard Ang mag-aaral ay …
naipamamalas ng magaaral ang pang-unawa at pagpapahalaga sa kanyang
mga karapatan at tungkulin bilang mamamayang Pilipino
B. Performance Standard Ang mag-aaral ay . . .
nakikilahok sa mga gawaing pansibiko na nagpapakita ng pagganap sa
kanyang tungkulin bilang mamamayan ng bansa at pagsasabuhay ng
kanyang karapatan.
Sa araling ito, ang mga bata ay inaasahang:
1. Natutukoy ang mga batayang ng pagkamamamayang Pilipino.
2. Naipaliliwanag ang konsepto ng pagkamamamayang Pilipino.
C. Learning Competencies or 3. Napahahalagahan ang pagkamamamayang Pilipino.
Objectives
Integration:
English at Filipino – pagsasalin ng mga tagalog na salita sa wikang Ingles
at pagbabaybay ng mga ito
D. Most Essential Learning Natatalakay ang konsepto at prinsipyo ng pagkamamamayan
Competencies (MELC) AP4KPBIVa-b-1
II. CONTENT Ang Mamamayang Pilipino
III. LEARNING RESOURCES
A. References
a. Teacher’s Guide Pages MELC AP G4 Q4, BOW Q4, AP 4 Q4 ADM
b. Learner’s Guide AP 4 Q4 ADM
c. Textbook Pages N/A
d. Additional Materials from Learning DepEd Cavite LRMS (Learning Resources Portal, DepEd Regional Office
Resources Learner’s Packet Araling Panlipunan 4
B. List of Learning Resources for PowerPoint presentation, AP 4 Q4 module, notebook
Development and Engagement
Activities
IV. PROCEDURES Constructivism Approach
TGA Activity
A. Tell
Sa huling aralin, natutuhan mo ang bahaging ginagampanan ng pamahalaan upang pangalagaan ang katiwasayan at
itaguyod ang ang mga pangangailangan at karapatan ng mga mamamayan.

Iguhit sa sagutang papel ang (PUSO) kung ang pahayag ay tumutukoy sa mga bahaging ginagampanan ng pamahalaan
sa pagtugon ng mga pangangailangan ng mga mamayan at (BITUIN) naman kung hindi ito gampanin ng pamahalaan.
Gawin ito sa loob ng 3 minuto.
Ngayon, ayusin ang ginulong mga titik upang mabuo ang pamagat ng tula. Maaari mo itong gawin sa loob ng 2 minuto
sa iyong sagutang papel.

Magaling!
Sa bago nating aralin tatalakayin natin ang isa sa pinakamahalagang yaman ng ating bansa – IKAW bilang isang
mamamayan Pilipino.
Kaya bilang mag- aaral ikaw ay inaasahang:
a. Natutukoy ang mga batayang ng pagkamamamayang Pilipino.
b. Naipaliliwanag ang konsepto ng pagkamamamayang Pilipino.
c. Napahahalagahan ang pagkamamamayang Pilipino.
B. Guide
Ang pagkamamamayan ay nangangahulugan ng pagiging kasapi o miyembro ng isang bansa ayon sa itinatakda ng batas.
Hindi lahat ng naninirahan sa isang bansa ay mamamayan nito
dahil may mga dayuhang nakatira dito na maaaring hindi kasapi nito. Halimbawa, ang mga dayuhang naninirahan
lamang dito sa ating bansa upang mag-aral, mamasyal, o makipagkalakal, ay hindi maituturing na Pilipino dahil sila ay
mamamayan ng ibang bansa. Ating tuklasin sino nga ba ang maituturing na mamamayang Pilipino?

Ayon sa Artikulo IV, Seksiyon 1 ng Saligang Batas ng 1987, maituturing na mamamayang Pilipino ang mga
sumusunod:

Ayon din sa Seksiyon 4 ng Saligang Batas ng 1987, ang isang mamamayan ng Pilipinas na nakapag-asawa ng isang
dayuhan ay mananatiling isang Pilipino maliban na lamang kung pinili niyang sundin ang pagkamamamayan ng
kaniyang napangasawa.

Batay naman sa Republic Act 9225 na nilagdaan ng Pangulong Gloria Macapagal Arroyo noong Setyembre 17, 2003,
ang mga dating mamamayang Pilipino na naging mamamayan ng ibang bansa sa pamamagitan ng naturalisasyon ay
maaaring muling maging mamamayang Pilipino. Siya ay magkakaroon ng dalawang pagkamamamayan (dual
citizenship). Kailangan lamang na aplayan niya ito at patunayan sa pamamagitan ng kaniyang sertipiko ng
kapanganakan mula sa Philippine Statistics Authority (National Statistics Office) na ang kaniyang mga magulang o isa
man sa kanila ay mamamayang Pilipino saan man siya ipinanganak.

Paraan sa Pagkakamit ng Pagkamamamayan


May dalawang kinikilalang pangkahalahatang paraan sa pagkamit ng pagkamamamayang una sa pamamagitan ng
kapanganakan at ikalawa ay sa pamamagitan ng naturalisasyon.

Pagkamamamayan sa Pamamagitan ng Kapanganakan


Sa pamamagitan ng kapanganakan, ang isang bata ay nagkakaroon ng tiyak na pagkamamamayan sa ilalim ng dalawang
prinsipyo ang Jus sanguinis at Jus soli.
Jus sanguinis ang pagkamamamayan kung naaayon sa dugo o pagkamamamayan ng mga magulang o isa man sa kanila.
Sinusunod ng mga anak ang pagkamamamayan ng kanilang mga magulang saan mang bansa sila ipinanganak. Ito ang
prinsipyong sinusunod ng Pilipinas dahil ito ay nakasaad sa Konstitusyon ng 1987.

Ang pagkamamamayang Jus soli itinatadhana ng prinsipyong ito ang pagkamamamayan ng isang bata ay naaayon sa
bansa kung saan siya ipinanganak kahit pa iba ang pagkamamamayan ng kaniyang mga magulang. Dahil dito, ang isang
bata na ipinanganak sa Amerika ngunit kapwa Pilipino ang mga magulang ay magiging mamamayan ng Amerika dahil
ito ang nakasaad sa Konstitusyon ng Amerika.
C. Act
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1
Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat ito sa iyong sagutang papel. Tinatayang magagawa mo ito sa loob ng 5 minuto.
1. Alin sa mga sumusunod ang nangangahulugang pagiging kasapi o miyembro ng isang bansa ayon sa itinatakda ng
batas?
A. Pagkamakabayan
B. Pagkamaka-Pilipino
C. Pagkamakatao
D. Pagkamamamayan
2. Sino sa mga sumusunod ang maituturing na mamamayang Pilipino?
A. Si Ana na isinilang sa Amerika.
B. Si Maria na ang ama at ina ay kapwa mga Pilipino.
C. Si Carlos na anak ng mag-asawang Hapones na matagal nang naninirahan sa Pilipinas.
D.Si Donna na ang ama ay Chinese at ang ina ay Vietnamese na may malaking negosyo sa Pilipinas.
3. Sino ang HINDI maituturing na isang mamamayang Pilipino?
A. Ang isang batang may ama o ina na mamamayang Pilipino.
B. Ang isang taong isinilang sa Canada.
C. Ang isang taong mamamayan na ng Pilipinas bago pa pinagtibay ang Saligang Batas ng 1987.
D.Ang mga dayuhang naging naturalisadong mamamayan ayon sa batas.
4. Aling prinsipyo ng pagkamamamayan ang naaayon sa dugo o pagkamamamayan ng magulang?
A. Jus sanguinis C. Jus soli.
B. Pandarayuhan D. Naturalisado
5. Si G. Smith na galing sa Amerika ay nakapagpatayo ng isang malaking kompanya sa Pilipinas. Tatlong taon na siyang
naninirahan sa Pilipinas. Ayon sa nabanggit, ano ang pagkamamamayan ni G. Smith?
A. Siya ay isang Pilipino.
B. Siya ay isang Amerikano.
C. Siya ay isang katutubong Pilipino.
D.Siya ay naturalisadong Pilipino.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2


Gamit ang Graphic Organizer sa ibaba talakayin ang dalawang prinsipyo ng pagkamamamayan ayon sa kapanganakan at
ang batayan nito. Gawin ito sa isang iyong notebook.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3


PILIPINO O HINDI
Sino sa kanila ang mamamayang Pilipino? Isulat sa sagutang papel ang salitang PILIPINO kung ang nakasalungguhit na
pangalan ay mamamayang Pilipino at HINDI PILIPINO naman kung hindi.

1. Si Julius ay anak ng isang Ifugao at isang Ilokano. Naninirahan sila sa Maynila.


2. Nagbabakasyon sa Pilipinas tuwing mahal na araw si Nyro na isang Australyano.
3. Si G. Smith na isang Amerikano ay nakapagpatayo ng isang malaking kompanya sa Pilipinas. Tatlong taon na siyang
naninirahan sa Pilipinas.
4. Si Lenie ay ipinanganak sa Cebu. Ang kaniyang ama ay Pilipino at ang kaniyang ina ay Hapones.
5. Si Kapitan Ben ay isang sundalong Pilipino. Nang sumiklab ang World War II, siya ay nakipagtulungan at umanib sa
mga sundalong Hapones.

Assimilation
 Ano ang pagkamamayan?
 Ano ano ang batayan ng pagiging mamamayang Pilipino?

Evaluation
(CID – ILIKHA – NON SOLO Framework)
Panuto: Iguhit ang bandila kung ang pahayag ay nagsasaad ng pagka Pilipino ayon sa isinasaad ng Saligang Batas ng
1987 at araw kung hindi. Isulat ang inyong sagot sa sagutang papel.
______ 1. Ang batayan ng pagiging isang Pilipino ay ang Saligang Batas ng 1987 Art. IV Sek.1
______ 2. Sa Amerika ipinanganak si Jose. Ang kaniyang mga magulang ay pinanganak sa Amerika.
______ 3. Anak ng isang Mangyan at isang Ilokano si Pablo. Naninirahan sila sa Pampanga.
______ 4. May magulang na parehong Pilipino.
______ 5. Si Letecia ay isang Tsino at nakapag-asawa ng Amerikano.

V. REFLECTION
No. of learners who earned 80% in the No. of learners who earned 80% in the evaluation
evaluation
No. of learners who require additional No. of learners who require additional activities for remediation
activities for remediation
Which of my teaching strategies worked Strategies used that work well:
well? Why did these work? ___ Group collaboration
___ Power Point Presentation
___ Answering preliminary activities and exercises
___ Discussion
___ Case Method
___ Think-Pair-Share (TPS)
___ Rereading of Paragraphs/Poems/Stories
___ Differentiated Instruction
___ Discovery Method
___ Lecture Method
___ Complete IMs
___ Availability of Materials
___ Pupils’ eagerness to learn
___Group member’s Cooperation in doing their tasks

Prepared by: Checked by:


CARLA M. LORENZO JONALYN PERIDO
Grade IV Teacher Grade IV Master Teacher

Noted by:
AMY D. PEREY, PhD
Principal III

You might also like