You are on page 1of 6

6

Araling Panlipunan
Ikatlong Marka- Ika-1 Linggo

Pilyego ng mga Gawain sa


Pampagkatuto

Mga Pangunahing Hamon at


Suliranin na Kinaharap ng mga
Pilipino Mula 1964-1972
Republic of the Philippines
Department of Education
Caraga Administrative Region
DIVISION OF AGUSAN DEL NORTE

PILYEGO NG MGA GAWAING PAMPAGKATUTO


Pangalan ng Mag-aaral: __________________________ Seksyon: __________

Paaralan: ________________________________________________

Asignatura: Araling Panlipunan


Baitang: Baitang 6
Kwarter: Ikatlo
Kasanayan sa Nasusuri ang mga pangunahing suliranin at hamong
Pampagkatuto kinaharap ng mga Pilipino mula 1946 hanggang 1972
(MELC):
Koda:
Buwan:
Linggo: Ikatlong Linggo
Pamagat ng Gawain 1 – Buoin Mo!
Gawain: Gawain 2 – Kumpletuhin Mo!
Mga Kagamitan: Activity Sheet
Layunin:  Natatalakay ang mga pangunahing suliraning
kinaharap ng mga Pilipino mula 1946 hanggang
1972
 Natatalakay ang mga hamong kinaharap ng mga
Pilipino mula 1946 hanggang 1972
 Naipaliliwag ang epekto sa mga pangunahing
suliranin at hamong kinahaharap ng mga Pilipino
mula 1946 hanggang 1972

Aralin :
1
Mga Suliranin Sa Kasarinlan Pagkatapos Ng Ikalawang
Digmaang Daigdig

Labis ang pinsalang natamo ng Pilipinas dulot ng nagdaang digmaang


pandaigdig. Kaya naman, nang maging isang ganap na Republika ang
Pilipinas noong 1946, naharap ito sa malalaking suliranin tulad ng mga
sumusunod:

1. Pagsasagawa ng malawakang pagbabagong-tatag upang muling


maibangon at maitayo ang mga nawasak na tirahan at gusali
2. Pagresolba sa pagkakaroon ng malaking kakulangan sa mga hayop na
gagamitin sa pagsasaka na nangamatay sanhi ng digmaan
3. Pagsasaayos ng mga taniman at sakahan upang muling
mapakinabangan at mataniman
4. Paglutas sa suliranin sa salapi dulot ng pagkabangkarote ng
pamahalaan sanhi ng pananakop ng mga Hapones
5. Pagsasaayos ng mga industriyang nasira sa pamamagitan ng pag-
aangkat ng bagong makinarya
6. Pag-aangkat sa pagpapahalagang moral at espiritwal ng mga PIlipinong
lubos na naapektuhan sanhi ng pananakop ng mga Hapones at
nagdaang digmaan

Mga Hamon Sa Kasarinlan Pagkatapos Ng Ikalawang Digmaang


Daigdig

1. Pag-aangat sa lugmok na ekonomiya ng bansa na sadyang


naapektuhan ng digmaan
 Dahil sa giyera ay nasira ang mga impraestruktura, industriya,
bukirin at taniman, at bumagsak ang bilang ng mga hayupan.
2. Pagpapanatili ng pambansang seguridad
 Naging mapanganib ang seguridad ng bansa dahil sa pagkilos
ng mga Huk, isang kapisanan ng mga magsasaka na naging
kilabot na pangkat ng mga gerilya noong panahon ng mga
Hapones.
3. Pagbubuklod sa mga Pilipinong at pagbabalik ng tiwala nito sa
pamahalaan
 Ang pagkakahati ng mga Pilipino ay dulot narin ng isyu ng
kolaborasyon na siyang sumira sa samahan ng mga Pilipino
kung saan ang mga kolaboreytor ay nakipagtulungan sa mga
Hapones
4. Pag-aangkop ng Sistema ng edukasyon sa bagong kalagayan ng bansa
5. Pagsugpo sa Paglaganap ng Komunismo

2
Pamamaraan/Gawain:
Gawain 1 – Buoin Mo!

Panuto: Buoin ang talata na nagtatalakay ng mga pangunahing suliraning


kinaharap ng mga Pilipino mula 1946 hanggang 1972. Pumili ng
sagot sa kahon.

salapi kolaborasyon gusali ekonomiya


seguridad hayop edukasyon makinarya

Nang maging isang ganap na malayang bansa ang Pilipinas noong


1946, maraming suliranin at hamon ang kinaharap nito. Ang pagsasagawa
ng malawakang pagbabagong-tatag upang muling maibangon ang mga
nawasak na 1.___________ ay isa sa mga pangunahing kinaharap nito.
Nagkaroon din ng malaking kakulangan sa mga 2.___________ na gagamitin sa
pagsasaka nang nangamatay ito dahil sa digmaan. Pati rin ang mga taniman
at sakahan ay kailangan isayos upang mapakinabangan muli. Nagkaroon din
ng problema sa 3.___________dulot ng pagkabangkarote ng pamahalaan.
Marami din ang industriyang nasira kaya kinailangan na mag-angkat ng mga
bagong 4.___________. Inisip din ng pamahalaan ang pag-aangat ng
pagpapahalagang moral at espiritwal ng mga Pilipino na labis na
naapektuhan dulot ng digmaan.

Lubhang nalugmok ang 5.___________ ng bansa dulot ng digmaan kaya’t


isa sa mga hamon ng mga namamahala ay paangatin muli ito. Kailangan din
patatagin ang pambansang 6.___________ dulot na rin ng pagkilos ng mga
Huk. Nawala rin ang tiwala ng mga Pilipino sa pamahalaan dulot narin ng
isyu ng 7.___________ na siyang sumira sa samahan ng mga Pilipino kung
saan ang mga kolaboreytor ay nakipagtulungan sa mga Hapones. Sa bagong
kalagayan na tinatamasa, naging hamon din ang pag-aangkop ng Sistema ng
8.
___________ at pagsugpo sa paglaganap ng komunismo.

3
Gawain 2 – Kumpletuhin Mo!

Panuto: Kumpletuhin ang semantic webs ng mga posibleng epekto ng mga


tinutukoy na hamon at suliranin. Pumili ng sagot sa kahon.

 Nawalan ng tirahan ang mga Pilipino


 Nagkaroon ng kakulangan sa pagkain
 Nawalan ng trabaho ang mga Pilipino
 Dumami ang taong naninirahan sa tabi ng daan at ilalim ng
tulay
 Nalugi ang mga negosyante
 Maraming Pilipino ang nagutom

Konseptong Natutunan:

Sa iyong palagay, ano ang naging pinakamalaking hamon at suliranin


na kinaharap ng mga Pilipino pagkatapos ng Ikalawang Digmaang
Pandaigdig? Ipaliwanag ito.

4
Sanggunian:
Baisa-Julian, Ailene, Lontoc, Nestor S. Bagong Lakbay ng Lahing Pilipino. Quezon City:
Phoenix Publishing House, Inc.,2017.

Susi sa Pagwawasto:

Gawain 2
Pagkawasak ng mga tirahan
 Nawalan ng tirahan ang mga Pilipino
 Dumami ang mga taong nanirahan sa
Gawain 1 tabi ng daan at ilalim ng tulay
1. Gusali Pagkawasak ng mga industriya
2. Hayop
 Nawalan ng trabaho ang mga Pilipino
3. Salapi
 Nalugi ang mga negosyante
4. Makinarya
Pagkawasak ng mga sakahan at taniman
5. Ekonomiya
 Nagkaroon ng kakulangan sa pagkain
6. Seguridad
7. Kolaborasyon  Maraming Pilipino ang nagutom
8. Edukasyon

Manunulat: SHAINE DZYLL S. KUIZON


Paaralan: Simbalan Central Elementary School
Purok: Buenavista-IV
email address: shainedzyll.kuizon@deped.gov.ph

You might also like