You are on page 1of 5

GAWAING PAGKATUTO 1

ARALING PANLIPUNAN 4

Pangalan ng Estudyante: ______________________________________________________

Antas: _Grade 4 - Diamond

Petsa: _____________________________________________________________________

I. PANIMULANG KONSEPTO:

Ang Learning Activity Sheet o LAS na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa
kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan
ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala,
pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-
aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang
tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may
kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa
tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman
ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain
at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang LAS na ito upang magamit pa ng ibang
mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay
makararanas ng suliranin sa pagunawa sa mga aralin at paggamit ng LAS na ito. Sa pamamagitan ng
modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral
kahit wala sila sa paaralan.

II. Kasanayang Pampagkatuto mula sa MELCs


 Natatalakay ang kahulugan at kahalagahan ng pamahalaan AP4PAB- IIIa-1
III. MGA GAWAIN

Alamin Mo

Ang pamahalaan ay isang samahan o organisasyong political na itinataguyod ng mga grupo ng tao na
naglalayong magtatag ng kaayusan at mapanatili ng isang sibilisadong lipunan. Ang pamahalaan ng
Pilipinas, na siya ring pambansang pamahalaan, ay isang uri o sistemang presidensiyal at demokratiko.
Pinamumunuan at pinamamahalaan ito ng isang Pangulo na siyang puno ng bansa, katuwang ang
pangalawang pangulo.

Ang pamahalan ay may tatlong magkakaugnay na mga sangay: ang tahapagbatas, tagapagganap, at
tagapaghukom. Tinatawag din ang mga sanga na ito na lehislatibo, ehekutibo, at hudikatura.

May kani-kaniyang kapangyarihan ang bawat sangay na nakapaloop sa Saligang Batas ng Pilipinas.
Ang sanga na tagapagbatas ay nasa kapangyarihan ng Kongrso. Binubuo ito ng dalawang kapulungan: ang
mataas na Kapulungan o Senado at ang Mababang Kapulungan o Lupon ng mga Kinatawan.

Ang kapangyarihan ng sangay na tagapagpaganap ay nasa pamumuno ng Pangulo. Samantalang ang


sangay ng tagagpaghukom ay nasa mga hukuman. Nasa ilalim ng pangangasiwa ng Kataastaasang Hukuman
ang mabababang hukuman.

 Ang Pilipinas ay may pambansang pamahalaan na pinamumunuan ng Pangulo ng bansa.


 Ang pamahalaan ay isang samahan o organisasyonng political na itinataguhod ng mga grupo ng
tao na naglalayo magtatag ng kaayusan at magpanatili ng isang sibilisadong lipunan. Ang
pamahalaan ng Pilipinas, na siya ring pambansang pamahalaan, ay isang uri o sistmang
preseidensiyal at demokratiko. Pinamumunuan at pinamamahalaan ito ng isang Pangulo na siyang
puno ng bansa, katuwang ang pangalawang pangulo.
 Mahalaga ang pamahalaan dahil ito ang namumuno sa pagpapatupag ng mga programa para sa
nasasakupan.

Gawain 1

Basahin at unawain ang bawat item. Isulat ang TAMA sa patluang kung sa tingin mo ang pahayag ay tama
at tumutukoy sa pambansang pamahalaan. MALI naman kung satingon mo ay ito ay hindi naayon sa paksa.

1. ____________________ Nasasakupan ng pambansang pamahalaan ang buong bansa.


2. ____________________ Pinamumunuan ng pangulo ng bansa ang sangay ng tagapagpaganap.
3. ____________________ Ang pambansang pamahalaan ay nangunguna sa pagbabalangkas at
pagpapatupad ng mga programa para sa mga mamamayan.
4. ____________________ Ang pamahalaan ng Pilipinas ay siya ring tinatawag na pambansang
pamahalaan.
5. ____________________ Tinitiyak ng pambansang pamahalaan ang kapakanan ng mga mamamayan
nito maging yaong mga nasa ibang bansa man.

Gawain 2

Tignan ang dayagram sa ibaba. Piliin sa lood ng Parihaba ang mga pahayag na nagsasaad ng kahalagaan ng
Pambansang Pamahalaan. Isulat ito sa loob ng ulap. Gumamit ng isa pang papel kung kinakailangan.

 Ang Pangulo ang namumuno sa Pambansang Pamahalaan.


 Ang asawa ng pangulo ang pangalawang namumuno sa pamahalaan.
 Nagpapatupad ng Clean and Green Program sa mga barangay.
 Katuwang ang ibang kasapi ng pamahalaan sam-sama sila sa pagpapatubap ng batas para sa
ikaubuti ng nasasakupan.
 Ang Pambansang Pamahalaan ay nagpapanatili ng kaayusan sa ating bansa.
 Nagpapatupad ng mga batas ang pamahalaan ay pinangangalagaan ang mga Pilipino lalo na ang
mga Pilipino sa ibang bansa.
 Mahalaga ang pamahalaan dahil ito ang namumuno sa pagpapatupag ng mga programa para sa
nasasakupan.

KAHALAGAHAN NG PAMBANSANG PAMAHALAAN

1. ______________________________________________________

2. ______________________________________________________

3. ______________________________________________________

4. ______________________________________________________

5. ______________________________________________________

Gawain 3

Pumili ng salita sa loob ng kahon upang mabuo ang kahulugan ng pamahalaan.

Pangulo kaayusan tao samahan sibilisado


Ang pamahalaan ay isang 1. _____________________ o organisasyong political na itinataguyod ng
mga grupo ng 2. ________________________ na naglalayong magtatag ng 3. _________________ at
magpanatili ng isang 4. __________________ lipunan. Ito ay isang uri o sistemang presidensyal at
demokratiko. Pinamumunuan ito ng isang 5. _________________________ katuwang ang Pangalawang
Pangulo.

Gawain 4

Lagyan ng tsek ( / ) ang patlang kung tumatalakay sa kahalagahan ng pambansang pamahalaan. Ekis ( X )
ang ilagay sa patlang kung hindi.

_________ 1. Malinis ang kapaligiran. _________ 4. Walang galang sa kapwa.

_________ 2. Payapa ang komunidad. _________ 5. May magandang pamumuhay.

_________ 3. Magulo ang mga tao.

IV. Susi sa Pagwawasto

Gawain 1
1. Tama
2. Tama
3. Tama
4. Tama
5. Tama
Gawain 2
• Ang Pangulo ang namumuno sa Pambansang Pamahalaan.
• Katuwang ang ibang kasapi ng pamahalaan sam-sama sila sa pagpapatubap ng
batas para sa ikaubuti ng nasasakupan.
• Ang Pambansang Pamahalaan ay nagpapanatili ng kaayusan sa ating bansa.
• Nagpapatupad ng mga batas ang pamahalaan ay pinangangalagaan ang mga
Pilipino lalo na ang mga Pilipino sa ibang bansa.
• Mahalaga ang pamahalaan dahil ito ang namumuno sa pagpapatupag ng mga
programa para sa nasasakupan.
Gawain 3
1. Samahan
2. Tao
3. Sibilisadong
4. Kaayusan
5. Pangulo
Gawain 4
1. /
2. /
3. X
4. X
5. /
V. SANGGUNIAN
 K to 12 Most Essential Learning Competencies Skills (MELCs)
 Araling Panlipunan, Kagamitan ng Mag-aaral
 DLP in Araling Panlipunan 4, kwarter 3

Inihanda ni:

VANESSA L CERILLO
Guro/ Grade 4-Diamond

You might also like