You are on page 1of 14

WORKSHEETS

ARALING PANLIPUNAN 4
IKATLONG MARKAHAN
PANGALAN: ______________________________________________ PANGKAT: _______________________________________________
Week 1 MELCS: Natatalakay ang kahulugan at kahalagahan ng pamahalaan Aralin: Kahulugan at Kahalagahan ng Pamahalaan.

KAHULUGAN NG PAMAHALAAN
Ang PAMAHALAAN ay isa sa apat an element ng estado o bansa. Ito at isang
samahan o organisasyong namumuno, napapalakadm gumagabay sa isang bansa. Ito
ang nagbubuklod sa mga mamamayan. Ang pamahalaan ang pangunahing
tagpagpatupad ng kaayusan at kapayapaan. Ito ang nagtatakda ng mga alituntunin at
batas upang mabuhay nang mapayapa ang mga mamamayan. Ang pamahalaan ay
itinatag at patuloy na itinataguyod ng mga tao o mamamayan ng bansa. Ang mga
mamamayan ang pumipili at nagtatakda ng mga taong namumuno sa pamahalaan. Sila
ang itininuturing na mga pinuno ng bansa. Dahil sila ang pinili at itinakda upang
pamunuan ang pamahalaan, binigyan sila ng mga kapangyarihan upang tuparin ang
kanilang mga tungkulin sa bansa at sa mga mamamayan nito.
Ang pamahalaan ng Pilipinas, ay naaayon sa DEMOKRASYA sapagkat nasa mga
mamamayan ang kapangyarihang mamili ng mga pinuno. Batay sa kapangyarihan ng
pambansang pamahalaan ng Pilipinas, ito ay isang unitary na kung saan sakop ng
kapanyarihan ng pambansang pamahalaan ang mga lokal na pamahalaan sa bansa.
Pinamumunuan at pinamamahalaan ito ng isang Pangulo o Presidente na siyang
pinuno ng bansa, katuwang ang Pangalawang Pangulo.
Ang selyo ng Pilipinas (bilog na larawan) ay sumisimbolo sa pamahalaan ng
Pilipinas. Nagtataglay ito ng mga simbolo at kulay na may kinalaman sa kasaysayan
ng bansa tulad ng imahe ng leon na nagpapakita ng impluwensya ng Espanyol, agila
naman para sa impluwensya ng mga Amerikano. Mga emahe ng araw, tatlong bituin
at mga kulay na bughaw, pula at puti na katulad ng sa watawat ng Pilipinas.
Ang Palasyo ng Malakanyang ay ang opisyal na tirahan at tanggapan ng pangulo ng
Pilipinas. Sinisimbolo nito ang kapangyarihang pampanguluhan at ehekutibo ng ating
bansa. Ito ay matatagpuan sa kalye J.P. Laurel, San Miguel, Maynila, katabi nito ang
Ilog Pasig.
KAHALAGAHAN NG PAMAHALAAN
Mahalaga sa isang bansa ang pagkakaroon ng pamahalaan. Kailangan ng isang bansa
ang pamahalaan upang maging maayos, mapayapa, at maunlad ito.
· 1. Pagpapanatili ng kapayapaan, kaligtasan at kaayusan
· 2. Pangangasiwa ng likas na yaman
· 3. Pagbibigay ng hanapbuhay
· 4. Pagbibigay ng serbisyong pampubliko
· 5. Pagpapanatili ng kultura at kasaysayan
GAWAIN 1: Isulat ang TAMA kung wasto ang isinasaad ng pangungusap at MALI kung ito ay di-wasto.

· _________1. Ang Pilipinas ay isang demokratikong bansa.


· _________2. Pinagsisilbihan at pino-protektahan ng pamahalaan ang mamamayan
· _________3. Prime Minister ang tawag sa pinakamataas na pinuno ng pamahalaan ng Pilipinas.
· _________4. Hindi kayang panatilihin ang kaayusan ng bansa at hindi kayang tugunan ang
pangangailangan ng mga mamamayan nito.
· _________5. Ang mga opisyal o pinuno ng bansa ay pinipili sa pamamagitan ng pagboto ng mga
tao.
GAWAIN 2: Pillin ang mga parirala o kaisipan na nagsasabi ng kahalagahan ng pagkakaroon ng pamahalaan.
Lagyan ng tsek ang iyong sagot.

· _______ 1. pinanatili ang kaayusan at katahimikan


· _______ 2. nagpapatupad ng mga batas para sa pansariling interes ng opisyales
_______ 3. pinipigilan ang kagustuhan ng mga tao

· _______ 4. pinapaunladang kabuhayan ng mga mamayan


_______ 5. Itinataguyod ang mga karapatang pantao
PERFORMANCE TASK 1: Kung ikaw ay pipili ng iyong nais na maging pangulo sa susunod na halalan. Sino ang
iyong pipiliin. Gumupit ng kanyang larawan. Idikit ito sa isang bond paper. Isulat ang dahilan kung bakit siya ang
iyong nais na maging pangulo ng ating bansa.
WEEK 2
MELCS: Nasusuri ang balangkas o istruktura ng pamahalaan ng Pilipinas ARALIN: BALANGKAS NG
PAMAHALAAN NG PILIPINAS: Pambansang Pamahalaan

Binubuo ang pmabansang pamahalaan ng Pilipinasng tatlong sangay: Ang mga ito ay
anga Sangay Ehekutibo o Tagapagpaganap, Sangay Lehislatura o Tagapagbatas, at
Sangay Hudikatura o Tagapaghukom. Ang pagkakaroon ng tatlong sangay ng
pamahalaan ay nakabatay sa paniniwala ng paghihiwalay ng kapangyarihan o
separation of powers. Alinsunod nito, ang bawat sangay ng pamahalaan ay may
sariling gawain at kapangyarihan. May sadyang pagkakapantay-pantay ang tatlong
sangay. Bawat sangay ay may kapangyarihang bantayan at pigilan ang maaaring
pang-aabuso sa kapangyarihan ng bawat isa. Ang prosesong ito ay tinatawag na check
and balance.
GAWAIN 1: Tukuyin ang isinasaad ng mga sumusunod na pangungusap.

_________________1. Pamahalaan ng Pilipinas na pinamumunuan ng Pangulo ng bansa. _________________2.


Bilang ng sangay ng pambansang pamahalaan ng Pilipinas

_________________3. Sangay ng pamahalaan na gumagawa ng batas.

_________________4. Sangay ng pamahalaan na nagpapatupad ng batas.

_________________5. Sangay ng pamahalaan na nagbibigay ng interpretasyon ng batas.

_________________6. Ito ay ang kapangyarihan ng pangulo na tanggihan ang isang batas.

_________________7. Pinakapinuno ng mga senador

_________________8. Ito ay binubuo ng mga kalihim na pinili ng pangulo

_________________9. Dito dumudulog ang sinumang tao na hindi sumasang-ayon sa anumang desisyon ng mababang hukuman _________________10.
Ito ay binubuo ng punong mahistrado at mga katulong na mahistrado.

WEEK 3
MELCS: Nasusuri ang balangkas o istruktura ng pamahalaan ng Pilipinas ARALIN: BALANGKAS NG
PAMAHALAAN NG PILIPINAS: Lokal na Pamahalaan

Ayon sa Saligang Batas ng 1987, ang lokal na pamahalaan ay bahago ng pambansang


pamahalaan na nakatuon sa mga pangyayarri sa mga yunit ng local na pamahalaan
tulad ng lalawigan, lungsod, bayan, at barangay.
PAMAHALAANG PANLALAWIGAN
Ang pamahalaang panlalawigan ang pinakamalaking yunit ng local na pamahalaan.
Ayon sa batas, lahat ng pamahalaang panlalawigan ay nasa ilalim ng kapangyarihan
ng pambansang pamahalaan subalit Malaya sa pamamahala ng iba pang lalawigan.
Nasaskupan ng pamahalaang panlalawigan ang mga lungsod, mga munisipyo o bayan
at mg barangay.
Ang pamahalaang panlalawigan ay pinamumunuan ng mga opsiyal na inihalal ng mga
mamamayan sa nasaskupan nito. Ito ay pinamumunuan ng gobernador at bise-
gobernador. Ang mga kasapi ng Sanguniang Panlalawigan ay tumatayong sangay na
tagapagbatas o lehislatura. Samantala ang sangay na tagahukom sa mga lalawigan ay
nananatili sa Kataas-taasang Hukuman.
Pamahalaang Panlungsod at Pamahalaang Pambayan
Tulad ng pamahalaang panlalawigan, mayroon din itong kapangyarihang
tagapagpaganap, tagabatas at tagapaghukom. Pinamumunuan ng alcalde o mayor at
bise alkalde o bise-mayor ang sangay ng tagapagpaganap. Ang kapangyarihan ng
sangay na tagapagbatas naman ay nasa Sangguniang Panlungsod na binubuo ng mga
konsehal na inihalal din ng mga mamamayan.
Pamahalaang Pambarangay
Pinakamaliit nay unit ng pamahalaan sa Pilipinas ang pamahalaang pambarangay.
Ang kapitan ng barangay ang namumuno dito. Katuwang niya sa pamamahala ang
ptiong kagawad ng barangay na bumubuo naman sa Sangguniang Barangay.
Itinatalaga ng kapitan ang kalihim o secretary at ingat-yaman o treasurer nito.
Tumutulong naman sa pagpapanatili ng kapayapaan sa barangay ang mga barangay
tanod.
Gawain 1: Tukuyin kung PAMBANSA o LOKAL na antas ng pamahalaan ang may saklaw ng sumusunod na mga
sitwasyon.
_____________1. ugnayang panlabas
_____________2. koleksiyon ng basura
_____________3. mga asong pagala-gala
_____________4. pagtatayo ng mga paaralan
_____________5. pagpapataw ng parusa sa taong nagkasala
PERFORMANCE TASK 2: Kilalanin at isulat ang BUONG PANGALAN ng mga namumuno sa ating bansa at sa
inyong lugar.

ANTAS NG PAMAHALAAN

Pambansang Pamahalaan Pangalan

Pangulo ng Pilipinas

Ikalawang Pangulo ng Pilipinas

Senador (magbigay ng 1)

Kinatawan ng inyong distrito sa kapulungan (Congressman)

Punong Hukom

Lokal na Pamahalaan Pangalan

Governador

Bise-Gobernador

Mayor

Kapitan

WEEK 4
MELCS: Nasusuri ang mga gampanin ng pamahalaan upang matugunan ang pangangailangan ng bawat
mamamayan
Aralin: Mga Gampanin ng Pamahalaan para sa kanyang mamamayan

Mga Gampanin ng Pamahalaan Para sa Kanyang


Mamamayan
Ang pamahalaan ay itinatag para sa kapakanan ng lahat
ng mga taong sakop nito. Kung wala nito, walang
Sa gawaing pang-ekonomiya, itinataguyod ng
kapanatagan sa bawat lipunan dahil walang susupil sa
pamahalaan ang kaunlaran ng bansa sa pamamgitan ng
masasamang gawain at kaguluhan at walang tutugon sa
pagtulong sa maliliit na industriya at pagbibigay
pangangailangan ng mga mamamayan. Ito ang sandigan
ng pag-unlad ng sambayanan. Napakahalaga nito dahil ng iba’t ibang tulong at pondo upang ang mga ito ay
sa pagbibigay halaga nito sa edukasyon, kalusugan,
umunlad. Binibigyang prayoridadad din ng pamahalaan
kaligtasan, at iba pang pangangailangan ng taong bayan.
ang edukasyon sa pamamagitan ng pagpapatayo ng mga
Kailangan ng isang bansa ang pamahalaan dahil paaralan at pagbibigay ng libreng pag-aaral sa mga
pampubikong paaralan simula elemntarya hanggang sa
sa iba’t ibang gampanin nito para sa kanyang
kolehiyo. Ang pamahalaan din ang nagbibigay ng babala
mamamayan. Tungkulin ng pamahalaan na gumawa ng sa mga mamayan kung may kalamidad tulad ng bagyo,
batas, magpatupad ng batas at bigyan ng lindol, baha, pagputok ng bulkan at epidemya.
pagpapakahulugan ito. Maliban dito, pinagtutuunan din Tinutulungan ng pamahalaan ang pangangailangan ng
nito ang iba pang gawain na ang ilan ay iniatas pa ng mamamayang katulad ng nasalanta ng mga kalamidad,
Saligang Batas katulad ng bagyo, pagbaha, lindol at pagputok ng bulkan at iba pang
sakunang dulot ng kalikasan at gawa ng tao.
gawaing panseguridad, kaayusang panlipunan at pang-
ekonomiya at katarungang panlipunan. Sa kagalingang panlipunan, may pabahay na inaalok ang pamahalaan sa
abot kayang halaga para sa mga iskwater sa kalunsuran. Ang proyektong
Sa gawaing pangseguridad, pinapangalagaan ng pangkabuhayan ang nauuna sa mga listahan upang makapagtrabaho nang
maayos sa pamilya at sa bansa. Pinangangasiwaan din ng pamahalaan ang
pamahalaan ang bansa sa pamamgitan ng pagkakaroon pisikal, pangkabuhayan, panlipunan, at pangkulturang kaunlaran ng bawat
ng sariling hukbong sandatahan na magtatanggol sa mamamayan, isa na dito ay ang pagpapagawa ng mga kalsada, mga tulay at
bansa at magpapanatili ng katatagan nito. Sa mga gusaling pampubliko para sa kaunalaran ng buong bansa.

pamamagitan din nito nagkakaroon ng ugnayang Mga Sanggunian: MISOSA HEKASI, “Gawain ng
diplomatiko ang bansa na kung saan ito ay Pamahalaan: Tugon sa Pangangailangan ng
nakikipagtulungan upang mapabuti ang kabuhayan ng
bawat mamamayan. Ito din ay nagtatakda ng mga batas Mamamayan”
upang maiwasan ang pang-aabuso ng mga tao sa mga Yaman ng Pilipinas, Batayang Aklat sa Heograpiya,
tinatamasang karapatan. Kasysayan at Sibika 6, pp.96-98
Sa katarungang panlipunan may programa din ang pamahalaan upang
mabigyan ng proteksyon ang karapatan ng biktima at akusado tulad
halimbawa ng Witness Protection Program ng Kagawaran ng Katarungan na
nagbibigay seguridad sa mamamayang testigo laban sa akusado sa
pagkakasalang kriminal.

GAWAIN 1: Basahin at isulat ang titik ng tamang sagot. Isulat ang inyong sagot sa patlang.
· ______1. Ano ano ang nagtutulungan upang lubos na matugunan ang ating mga
pangangailangan?
· a. mga ospital
· c. mga pamilihan at paaralan
· b. mga tindahan
· d. mga ahensiya ng pamahalaan
· ______2. Marami nang naitayong mga pampublikong pagamutan at paaralan sa bansa.
· a. seguridad
· c. kagalingang panlipunan
· b. katarungang panlipunan
· d. kaayusang pangkapayapaan
· ______3. Agad na sinusuri ng kaukulang ahensya ang mga dayuhang mandaragat na natatanaw na
nangingisda sa loob ng hangganan ng teritoryo ng Pilipinas.
· a. seguridad
· c. kabutihang pampamilya
· b. kagalingang panlipunan
· d. kaunlarang pang-ekonomiya
· ______4. Pinapatnubayan at sinusuri ng pamahalaan ang kalagayan ng pagtaas ng dolyar upang hindi ito
gaanong maka-epekto sa ating kabuhayan.
· a. kagalingang panlipunan
· c. kabutihang pangkalusugan
· b. katarungan panlipunan d. kaunlarang pang-ekonomiya
· ______5. Ano ang layunin ng ating pamahalaan para sa mamamayang Pilipino?
· a. para sa ating kabutihan at kaunlaran
· b. para maging bahagi tayo ng kanilang gawain
· c. upang matiwasay at payapa ang ating bansa
· d. upang magkaroon tayo ng sapat na kabuhayan
GAWAIN 2: Ang pamahalaan ay may apat na gampanin na itinalaga ng Saligang Batas, ito ay ang panseguridad,
kagalingang panlipunan, kagalingang pang-ekonomiya at katarungang panlipunan. Suriin ang mga programa ng
pamahalan na ipinatutupad ngayon at tukuyin kung anong gampanin ito. Isulat sa patlang ang P kung panseguridad,
KT kung katarungang panlipunan, KE kung kagalingang pang-ekonomiya, at KG kung kagalingang panlipunan.

· _____1. Libreng pabahay para sa mga mamayang nakatira sa mga estero at lansangan.
· _____2. Pautang na may maliit na interes sa mga maliliit na negosyo.
· _____3. Witness Protection Program ng Kagawaran ng Katarungan
· _____4. Libreng edukasyon sa mga pamantasan.
· _____5. Pagtatalga ng mga relocation sites upang manatiling ligtas sa banta ng panganib na dulot
ng kalamidad.
WEEK 5
MELCS: Nasusuri ang mga programa ng pamahalaan tungkol sa: (a) pangkalusugan (b) pang -edukasyon (c)
pangkapayapaan (d) pang -ekonomiya (e) pang -impraestruktura
Aralin: Mga Ahensiya ng pamahalaan na nagbibigay ng iba’t-ibang programa
Gawain 1: Pag-ugnayin ang mga ahensiya ng pamahalaan na nasa Hanay A at ang mga serbisyo o paglilingkod na
tinutugunan nito na nasa Hanay B. Isulat ang titik ng tamang sagot.

Sag
A B
ot

1. Department of Education a. Kalusugan

2. Department of Health b. Komunikasyon

3. Department of Trade and Industry c. Pagaayos ng mga kalsada

d. Pagsasaka at
4. Department of Labor and Employment
paghahaayupan

5. Department of Transportation e. Hanapbuhay

6. Philippine National Police f. Kaligtasan at kaayusan

7. Department of Public Works and Highways g. Kondisyon ng panahon

8. National Telecommunications Commission h. Transportasyon

9. Department of Agriculture i. Negosyo at kalakalan

10. Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services


j. edukasyon
Administration

PERFORMANCE TASK 3: Pumili ng isang ahensiya ng pamahalaan. Gumupit ng larawan o artikulo (balita) tungkol
sa programang ipinatupad ng ahensiya. Ipaliwanag ito. Gawin ito sa isang bond paper.

Department of Public Works and Highways (DPWH)

N
agpatayo ng mga sky way upang mas mapabilis ang transportasyon ng mga tao.
WEEK 6 MELCS: Nasusuri ang mga programa ng pamahalaan tungkol sa: (a) pangkalusugan (b) pang -edukasyon (c) pangkapayapaan (d) pang -
ekonomiya (e) pang -impraestruktura Aralin: Mga Programang Pang-Kalusugan at Pang-Edukasyon

MGA PROGRAMANG PANGKALUSUGAN


Bilang bahagi ng lakas-tao ng bansa, ang pamahalaan ay may tungkulin ding pangalagaan ang kalusugan ng
kaniyang mamamayan. Sinasabing ang kalusugan ng bayan ay nababatay sa kalusugan ng mamamayan nito. Kaya
naman, ang pamahalaan ay nagbibigay ng mga serbisyo.
Iba-iba ang mga programang pangkalusugan ng pamahalaan. May mga programa para sa mga bata, kabataan,
kababaihan, at para sa lahat. Ang Kagawaran ng Kalusugan ang pambansang ahensiyang naatasan ng pamahalaan
na mamahala sa mga serbisyong pangkalusugan. Ilan sa malalaking programa ng kagawaran ang National Health
Insurance Program (NHIP), Complete Treatment Pack, pagbabakuna, programa sa mga ina at kababaihan, at
programa laban sa mga sakit.

Ang PhilHealth
Ang NHIP ay itinatag upang magkaroon ng seguro ang lahat ng mamamayan at mapagkalooban ng may kalidad na
mga pasilidad at serbisyong pangkalusugan, at pagkakamit ng pangkalahatang kalusugan. Sa tulong ng Philhealth,
maraming mamamayan ang nakapagpapagamot at nabibigyan pa ng libreng gamot. Kasama rito ang libreng
pagpapagamot sa mga sakit na dengue, asthma, at katarata, maging sa malalalang sakit gaya ng kanser.

Complete Treatment Pack


Layunin nitong marating ang pinakamahihirap na mamamayan at mabigyan ng kumpletong gamot lalo na sa mga
pangunahing sakit sa bansa. Nagtatalaga rin ng mga doktor, nars, at komadrona sa malalayong munisipyo upang
mabilis na matugunan ang pangangailangan ng mga tao rito.

Pagbabakuna
Itinataguyod at higit pang pinalawak ng pamahalaan ang pagbabakuna o imunisasyon ng mga bata laban sa mga
sakit gaya ng diarrhea, polio, tigdas, at trangkaso. Kasama pa rito ang pamamahagi ng mga bitamina gaya ng
Vitamin A, iron, at iodine laban sa sakit sa dugo at mata. Malaking tulong ang serbisyong ito dahil nababawasan ang
malubhang pagkakasakit ng mga bata na kung magkaminsan ay sanhi rin ng pagliban nila sa paaralan.

Programa sa mga Ina at Kababaihan


Kasama rito ang regular na pagpapatingin sa sentrong pangkalusugan ng mga nagdadalang-tao, libreng bitamina
para sa kanila, at libreng bakuna laban sa sakit gaya ng neo tetanus. Hinihikayat din ang mga ina na regular na
magpatingin sa doktor sa mga health center na makikita sa maraming bahagi ng komunidad.

Programa Laban sa Iba pang mga Sakit


Ang ilang mga sakit gaya ng tuberkulosis ay madali nang malunasan sa tulong ng programa ng pamahalaan laban
sa sakit na ito. Maliban sa walang bayad ang pagpapatingin, may mga gamot pang ibinibigay ang mga health center
para sa tuluyang paggaling ng mga mamamayang may karamdamang ito. May programa rin sa pagpapalaganap ng
impormasyon sa pag-iwas, tamang pagsugpo, at paggamot sa human immunodeficiency virus infection at acquired
immune deficiency syndrome (AIDS).

MGA PROGRAMANG PANG-EDUKASYON


Sa pamamagitan ng iba-ibang programang pang-edukasyon ng pamahalaan, natutugunan ang pangangailangan sa
pagkatuto ng mga mamamayan. Ang Pilipinas ay kaisa sa mga bansang nagtataguyod ng Edukasyon para sa Lahat
(Education for All) na naglalayong mapabuti ang kalidad ng edukasyon ng bawat Pilipino, bata man o matanda.
Bilang tugon sa pandaigdigang programang ito at sa pambansang pangangailangan na mapaunlad ang sistema ng
edukasyon sa bansa, may mga programa sa edukasyon na ipinatupad ang pamahalaan. Nangunguna sa mga ito
ang
Basic Education Program o kilalang Kinder to Grade 12 Program. Nilalayon nitong magkaroon ang mga mag-aaral
ng lubos at tuloy-tuloy na pagkatuto ng mga batayang kasanayan, at magkaroon ng kahandaan sa kolehiyo o pag-
eempleyo.
May mga Day Care Center din sa maraming barangay na nangangalaga sa mga batang nag-uumpisa pa lamang
matuto. May programa rin para sa mga out-of-school youth (OSY) o yaong mga nahinto sa pag-aaral na
pinangangalagaan naman ng Kagawaran ng Edukasyon sa pamamagitan ng programa nitong Abot-Alam. Layunin
ng programang ito na mabawasan ang mga OSY at maihanda sila sa pagnenegosyo o pageempleyo. Binibigyan sila
ng pagkakataong makapag-aral muli sa pamamagitan ng Alternative Learning System sa mga oras at araw na libre
sila o di naghahanap.
Pinaiigting din ang mga programa sa edukasyon para sa mga Indigenous People (IP) o mga katutubo nating
mamamayan. Maliban sa literasi, layunin ding mapangalagaan at mapagyaman ang kultura ng mga IP.
Pinalalaganap din ng pamahalaan ang mga programa nito sa iskolarsyip para sa mahuhusay na mag-aaral ngunit
walang sapat na panustos sa pag-aaral.
Gawain 1: Isulat ang salitang KALUSUGAN kung ito ay bahagi ng programng pangkalusugan ng pamahalaan at
EDUKASYOn kung ito naman ay bahagi ng programang pang-edukasyon.
____________________ 1. Education for All

______________
2. Libreng Bakuna
______
______________
3. Day Care Center
______

______________
4. PhilHealth
______

______________
5. Alternative Learning System
______

______________
6. Pagbibigay ng libreng gamot sa mga buntis
______

______________
7. Programang Abot-Alam
______

______________
8. Edukasyon para sa mga Indigenous People
______

______________
9. Programa laban sa tuberkulosis
______

____________________ 10. Deworming or Pagpupurga sa mga mag-aaral

· Gawain 2: Isulat ang TAMA o MALI.


· __________ 1. May mga programa para sa mga bata, kabataan, kababaihan, at para sa lahat.
· __________ 2. Ang Kagawaran ng Edukasyon ang pambansang ahensiyang naatasan ng
pamahalaan na mamahala sa mga serbisyong pangkalusugan.
· __________ 3. Ang Basic Education Program o kilalang Kinder to Grade 12 Program ay
naglalayong magkaroon ang mga mag-aaral ng lubos at tuloy-tuloy na pagkatuto ng mga batayang
kasanayan, at magkaroon ng kahandaan sa kolehiyo o pag-eempleyo.
· __________ 4. Ang pagbabakuna ay malaking tulong ang serbisyong ito dahil nababawasan ang
malubhang pagkakasakit ng mga bata na kung magkaminsan ay sanhi rin ng pagliban nila sa paaralan.
· __________ 5. Pinababayaan na lang ng pamhalaan ang mga kabataang hindi makapag-aral
upang malulong sila sa masamang bisyo.
WEEK 7
MELCS: Nasusuri ang mga programa ng pamahalaan tungkol sa: (a) pangkalusugan (b) pang -edukasyon (c)
pangkapayapaan (d) pang -ekonomiya (e) pang -impraestruktura
Aralin: Mga Programang Pang-Kapayapaan at Pang-Ekonomiya at Pang-Impraestruktura

Mga Programang Pangkapayapaan Mga Ahensiya


sa Kapayapaan
Sandatahang Lakas ng Pilipinas (Armed Forces of the Philippines, AFP). Ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas ang
pangunahing lakas na tagapagtanggol ng bansa. Tungkulin nitong ipagtanggol ang bansa laban sa mga kaaway o
mananakop, lokal man o banyaga, at pagpapanatili ng kaayusan at katahimikan sa bansa. Ang Sandatahan ay
binubuo ng Hukbong Katihan (Army), Hukbong Dagat (Navy), at Hukbong Himpapawid (Air Force).
Department of National Defense (DND). Tungkulin nitong pangalagaan ang katahimikan sa loob at labas ng buong
bansa at tiyakin ang seguridad nito laban sa mga panganib.
Mga Lokal na Pamahalaan (Local Government Units, LGU). Ang katahimikan at kaayusan sa mga lungsod at bayan
ay kapayapaan na rin ng buong bansa. Tumutulong ang mga lokal na pamahalaan sa pagpapanatili ng kaayusan ng
kanikanilang nasasakupan sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mga ordinansa na naglalayon ng kapayapaan sa
lugar na nasasakupan.
Pambansang Pulisya ng Pilipinas (Philippine National Police, PNP). Ang PNP ay ang lakas ng hanay ng kapulisan ng
bansa. Sila ang kaakibat ng mga lokal na pamahalaan sa pagsugpo sa mga krimen at paghuli sa mga taong
lumalabag sa batas. Katulong pa rin sila sa pagpapatupad ng mga batas trapiko.

Mga Programang Pang-ekonomiya Pangangalaga


sa mga Manggagawa
Ang pangangalaga sa mga Pilipinong manggagawa at mangangalakal ay binibigyang-pansin laban sa mga di kanais-
nais na gawaing pangkalakalan. Ilan dito ay ang panggagaya at paggamit ng pangalan ng umiiral o mabiling
produkto. Hinihikayat ang pagbubuo ng produkto na may kahusayan at kalidad upang mapantayan ang mga
poduktong mula sa ibang bansa. Hinihikayat din ang taong bayan na tangkilikin ang sariling mga produkto bilang
inspirasyon at suporta sa mangangalakal na Pilipino.
Pangangalaga sa mga Lokal na Industriya at
Kalakal
May mga patakaran ang pamahalaan para sa pangangalaga sa mga lokal na industriya at kalakal. Isa na rito ang
pagkontrol sa paglalabas at pag-aangkat ng mga produkto. May mga patakaran din laban sa pagpupuslit o
smuggling. Ang pagpupuslit ay iligal o di sang-ayon sa batas na pagpapasok at pagluluwas ng mga kalakal buhat sa
ibang bansa at palabas ng ating bansa.

Pagpapaunlad ng Agrikultura
Ang agrikultura ay isang mahalagang pinagkukunan ng kita ng bansa kahit noon pa man. Kaya naman, bilang
pagpapaunlad sa sektor na ito, binibigyan ng pamahalaan ng suporta ang mga magsasaka gaya ng pagtuturo at
pagsasanay sa kanila hinggil sa makabagong mga paraan sa pagsasaka. Maraming magsasaka rin ang tinuturuan
ng mga ahensiya ng pamahalaan sa agrikultura ng paggamit sa mga pananim ng organic fertilizer at mga pesticide
na walang halong kemikal. Ito’y upang mapanatiling mataba ang lupa para sa susunod na pagtatanim. Layunin ng
pamahalaang mapalaki ang ani ng mga sakahan nang sa gayon ay lumaki rin ang kita ng mga magsasaka, gayon
din ng bansa.

Pagpapaunlad ng Kagubatan
Dalawang mahalagang tugon ang binuo ng pamahalaan para sa pangangalaga ng kagubatan. Ang una ay ang
reforestation o ang muling pagtatanim sa mga lugar na pinutulan ng mga puno. Itinayo ng pamahalaan ang
Pambansang Punlaan ng mga Puno at unti-unti, sa pamamagitan ng ibaibang ahensiya at institusyon, ay tinatamnan
ang mga bahagi ng kagubatan na nakalbo na. Ang ikalawa ay ang pagbabawal sa mga pagtotrosong panluwas. Ang
pagpapatupad ng Selective Logging o Total Log Ban ay naging isyu sa bansa na sa kalaunan ay pinagkasunduan
din bilang tugon sa lumalaganap na suliranin sa kagubatan.

Pagpapaunlad ng Yamang Tubig


Nais ng pamahalaan na matugunan sa pamamagitan ng yamang tubig ang ilan sa mga pangunahing
pangangailangan ng tao lalo na ng mga mangingisdang nakikinabang dito. Bilang tugon, nagkakaloob ang
pamahalaan ng mga programa gaya ng pagsasanay para sa wastong pangangalaga at pagpapalaki ng mga
fingerling at pagpapautang ng puhunan para sa kaugnay na mga negosyo. Gayon din, sa pamamagitan ng mga
kooperatiba at mga lokal na pamahalaan, nagkakaloob din ang pamahalaan ng puhunan para sa pagbubuo ng maliit
na pangisdaan o anumang hanapbuhay na may kinalaman sa yamang tubig.

Pagpapaunlad ng Yamang Mineral


Ang kabundukan ng Pilipinas ay sagana sa iba-ibang uri ng mineral. Ngunit ang paglinang dito ay hindi ganap na
naisasagawa ng pamahalaan dahil sa kakulangan sa kagamitan, puhunan, at kaalaman sa makabagong teknolohiya.
Bagama’t nabibigyan ng pagkakataon ang ilang Pilipino na magmina sa makalumang paraan, binigyan ng
pamahalaan ng permiso ang ilang korporasyong pag-aari ng dayuhan na mamuhunan sa paglinang ng mga mineral
sa bansa. Kapalit ng permisong ito ay ang tulong teknikal mula sa mga dayuhan upang magkaroon ng malawakang
eksplorasyon sa mga yamang mineral at pagpapaunlad at paggamit ng ilang kapakinabangan sa bansa tulad ng
langis.

Paghikayat ng mga Pribadong Negosyo


Upang maging ganap ang partisipasyon ng mamamayan sa pagtugon sa pambansang ekonomiya, hinikayat ng
pamahalaan ang pagtatayo ng mga korporasyon, kooperatiba, samahan, at mga negosyong pag-aari ng pribadong
mamamayan. Ang pamumuhunan ng maliliit na negosyante ay binibigyang-puwang ng pamahalaan upang
makatulong sa pag-angat ng ekonomiya ng bansa.

Pangangasiwa sa Monopolyo
Ang pagkakaroon ng monopolyo ay iniiwasan ng pamahalaan dahil naghahatid ito ng hindi makatarungang
kompetisyon. Naging patakaran na ng pamahalaan na pangasiwaan ang mga ganitong kompanya o di kaya ay
tuluyan nang pagbawalan ang pananatili ng mga ito.
Gawain 1: Lagyan ng tsek (/) kung nakatutulong sa pagpapanatili ng kapayapaan at ekis (X) kung hindi.

· _____ 1. Kaguluhan sa Timog Mindanao


· _____ 2. Pakikipagsabwatan sa mga magnanakaw
_____ 3. Banggaan ng motorsiklo at kotse sa kalsada _____ 4. Paglalagay ng mga ilaw-trapiko sa malalaking
kalye _____ 5. Pagpapatupad ng mga polisiya hinggil sa kapayapaan _____ 6. Negosasyong
pangkapayapaan sa pagitan ng pamahalaan, mga makakaliwa, at
Bangsamoro Islamic Freedom Fighters _____ 7. Pagpapaunlad ng kabuhayan ng mga kababaihan sa pamamagitan ng pananahi at
pagtitinda _____ 8. Kaguluhan sa pagitan ng mga hukbong pandagat at banyagang mangingisda sa loob ng dagat Pilipinas
Mga Programang Pang-impraestruktura ng
Pamahalaan
Upang mapabilis ang kaunlaran ng ekonomiya at makalikha ng maraming trabaho, lalo na sa mga lalawigan,
nagbibigay ang pamahalaan ng kaukulang pondo para sa mga proyektong pang-impraestruktura, na kinabibilangan
ng national roads at mga tulay; mga paliparan, daungan, at mga parola; mga silid-aralan at iba pang pasilidad na
pang-edukasyon; sistema ng malinis na tustos ng tubig, irigasyon, at post-harvest facilities; at mga estruktura para sa
pagpigil sa baha (flood control) at proteksiyon ng mga burol.
Ang P141.8 bilyong badyet noong 2011 ay ginawang P182.2 bilyong total budget para sa impraestruktura ng
gobyerno sa 2012 National Budget. Ito ay 25.6 bahagdang mas mataas kaysa sa alokasyon nang 2011 at
kumakatawan sa 1.6 bahagdan ng Gross Domestic Product kung ihahambing sa 1.4 bahagdan noong 2011.

Ang Department of Public Works and Highways


(DPWH) ang nakakuha ng bulto ng badyet para sa impraestruktura, na sinundan ng Department of Agriculture (DA)
at ng Department of Agrarian Reform (DAR) para sa pagtatayo ng farm-to-market roads, post-harvest facilities, at
mga pasilidad sa patubig. Ang Department of Education (DepEd) ay nagtatayo at nagkumpuni ng mga silid-aralan,
pati na ang mga pasilidad para sa tubig at sanitasyon sa mga pampublikong paaralan.
Pinahusay naman ng Department of Transportation and Communication (DoTC) ang mga paliparan, daungan, at iba
pang sistema ng transportasyon. Sinimulan din ng Pasig River Rehabilitation Commission ang rehabilitasyon at
pagpapaunlad ng Ilog Pasig at kaakibat nitong mga estero.

Ang Autonomous Region in Muslim Mindanao ay


nagpatupad naman ng mga proyektong pang-impraestruktura sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga lansangan,
mga tulay, at water supply sa buong rehiyon.
Noong taong 2012, sinimulan ang Public-Private Partnership (PPP) program ng administrasyong Aquino at 16 na
proyekto ang nasimulan dahil dito. Nakipagnegosasyon din ang pamahalaan para sa Chinese-funded North Rail
contract upang matugunan ang pangangailangan ng bansa sa transportasyon.
Ang Japan, sa pamamagitan ng Japan International Cooperation Agency, ay nagpondo na halos Php46.88 bilyon
para sa flood control at mga proyekto sa irigasyon at mga daan sa buong bansa. Pinondohan nito ang pitong
proyekto—apat para sa DPWH, dalawa sa National Irrigation Administration, at isa na ipinatupad naman ng DAR.
Pinangangasiwaan naman ng National Telecommunications Commission (NTC) ang paggamit ng mga makabagong
teknolohiya na nakapagpapabilis sa komunikasyon ng mga tao. Nakatutulong sa mabilis na pag-uugnayan ng mga
tao ang telepono, cellular at mobile phone, computer, internet, at fax machine.
Sa mga proyektong pang-impraestruktura ng pamahalaan na ipinatupad at ipatutupad pa, inaasahan na pasisiglahin
nito ang mga gawain sa maraming lungsod at lalawigan. Ang mga trabahong lilikhain ay makatutulong sa
pagpapaangat ng kalidad ng pamumuhay ng mga Pilipino. Ang maraming trabaho ay nangangahulugan din ng mas
maraming pagkain sa mesa, karagdagang kita para sa edukasyon ng mga kabataan, at mas maraming gawain
upang sumigla ang mga komunidad.
Gawain 2: Isulat ang TAMA o MALI.

· __________ 1. Ang pamahalaan ay angbibigay ng kaukulang pondo para sa mga programang


pang-impraestruktura ng bansa.
· __________ 2. Kabilang sa mga programang pang-impraestruktura na ito ay ang pagpapagawa ng
mga kalsada at tulay, mga gusali at mga silid-aralan.
· __________ 3. Ang Department of Public Works and Highway ang nangangasiwa sa paggamit ng
mga makabagong teknolohiya upang mapabilis ang komunikasyon ng mga tao sa pamamagitan ng
telepono, cellular phone at mobile phone.
· _________ 4. Ang mga programang pang-impraestruktura ay binibigyang halaga ng pamahalaan
dahil ito ay nakatutulong sap ag-angat ng pamumuhay ng mga tao.
· _________ 5. Hindi na dapat pang bigyan ng malaking pondo ang pagsasaayos ng mga kalsada
dahil hindi naman ito ginagamit ng mga tao.
MELCS: Napahahalagahan (nabibigyang -halaga) ang bahaging ginagampanan ng pamahalaan Aralin: Kahalagahan
ng Pagpapatupad ng Ibat-Ibang Programa ng Pamahalaan
Isa sa mga pangunahing gampanin ng ating pamahalaan ay ang pagtataguyod ng kapakanan ng bawat
mamamayan. Upang mabisang maisakatuparan ng pamahalaan ang mga gampanin at proyekto nito, mahalagang
taglayin nito ang sumusunod na katangian ng mabuting namumuno.

· • Mataas na Pagpapahalaga sa Panangutan (Accountability)-ang pagiging responsible sa mga


aksiyon, desisyon at patakarang ipinatutupad ay pangunahing salik ng mabuting pamamahala.
Kaugnay nito ang pag-uulat, pagpapaliwanag, at pananagutan sa mga epekto ng mga ipinatupad na
desisyon o aksiyon.
· • Katapatan o Pagiging Bukas (Transparency)-Tumutukoy ito sa pagiging matapat sa pakikitungo
at pakikipag-ugnayan ng mga namamahala sa publiko.
· • Pakikilahok Participation)-Ang pakikilahok ng iba’t-ibang sector ng lipunan sa mga Gawain ng
pamahalaan ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga mamamayan na makibahagi sa pagbuo ng mga
desisyong may kaugnayan sa kanila.
· • Pagiging mabisa (Effectiveness)-Ang mabuting pamamahala ay tumutugon sa mga suliranin at
pangangailangan ng mga mamamayan.
· • Patas na Pagtrato (Equity o Fairness)-Ang mabuting pamamahala ay dapat maging patas sa lahat
ng sector ng lipunan.
· • Pananaig ng Btas (Rule of Law)-Sa mabuting pamamahala, ipinatutupad ang batas nang walang
kinikilingan.
Malaki din ang gampanin ng mga mamamayan upang maipatupad ng pamahalaan ang mga programa at gawain
nito. May tungkulin at pananagutan ang bawat isa na dapat gampanan upang maging maayos ang pagpapatupad ng
mga programang ito. Narito ang ilan sa mga paraan upang mapahalagahan at masuportahan ang mag programa ng
pamahalaan:
· • Pagsusumikap sa pagpapabuti sa sarili bilang responsible, aktibo at may pakinabang na
mamamayan
· • Pakikiisa sa mga programa at gawain ng pamahalaaan
· • Paggalang sa Karapatan ng kapwa
· • Pagtangkilik sa mga lokal na produkto
· • Paggalang at pagsunod sa mga batas at sa mga pinuno
· • Pakikiisa sa matalinong pagpili ng mga lider ng pamahalaan
· • Pagbabayad ng buwis
· • Pakikibahagi sa pagsusuri sa mga usaping local at Pambansa
Mahalang suportahan natin ang bawat programa ng ating local at pambansang pamahalaan upang higit na
mapatatag ang ating bansa.
Gawain 1: Hanapin ang mga sumusunod na salita o lipon ng mga salitang maaring mabuo. Gawing gabay ang mga
sumusunod na tanong. Isulat sa patlang ang tamang sagot. Gawin mo ito sa iyong sagutang papel.
produkto mula sa malalayong bayan?

Paglilingkod sa mga bata at matatanda Pagtulong sa mga biktima ng kalamidad


Pabahay Pagtulong sa mga may Kapansanan Malinis at maayos na pagkain
Transportasyon at Komunikasyon
· 1. Aling gampanin ng pamahalaan ang pinangangalagaan ng National Housing Authority (NHA)?
· 3. Ang pagbibigay ng 20% diskwento sa mga senior citizen ay sakop ng paglilingkod na ito.
· 4. Ang pagtatalaga ng express lane sa mga may kapansanan ay sagot sa paglilingkod na ito ng
pamahalaan. _______________________
· 5. Aling gampanin ng pamahalaan ang tinutugunan ng abiso mula sa PAGASA?
· 2. Aling gampanin ng pamahalaan sumasakop upang mapabilis ang pagluwas ng mga
PERFORMANCE TASK 4: Gumawa ng poster tungkol sa programa o proyekto ng ating pamahalaan. Gawin ito sa
isang bond paper.

You might also like