You are on page 1of 8

MGA URI NG

PAMAHALAAN SA PILIPINAS
Ano Ang Pamahalaan ?
• Ang pamahalaan ay mula sa salitang Pamae na
may kahulugang pananagutan o responsibilidad
at kasing kahulugang pamamatnubay .
•  Mula sa salitang latin na
GUBERNACULUMS na ang ibig sabihin ay
TIMON (ANCHOR). Gumagabay sa estado at
mga namumuno; isang sistema ng pamamahala.
PAMAHALAAN
• Ang pamahalaan ang makapangyarihang braso
na gumagawa ng pasya sa estado. Palagi itong
bahagi ng isang estado.
Kahalagahan ng Pamahalaan :
•  Mahalaga sa mamamayan ang
pamahalaan. Pinaiiral nito ang kapayapaan
at kaayusan ng bansa at kaligtasan ng
mamamayan.
1. Pagbibigay ng edukasyon para sa lahat.
2.   Pagpapatayo ng mga ospital, health
centers, pagkakaroon ng mga programang
pangkalusugan
•  Ang pamahalaan ang gumagawa ng paraan para
maibigay ang mga pangangailangan ng mga tao para
mabuhay nang payapa, maayos, at makamit ang
maunlad na pamumuhay sa pamamagitan ng:
1. Pagpapagawa ng mga imprastraktura upang
malutas ang suliranin sa trapiko at pagsisikip.
2.   Paggawa ng mga parke, palaruan at iba pang
recreational facilities.
3. Pagpapatayo ng mga pamilihan para matugunan
ang patuloy na suplay ng pagkain, damit at iba
pang pangangailangan ng pamilya.
4. Nagbibigay ng hanapbuhay
5. Pagtatakda ng mga batas upang maiwasan ang
pag-abuso ng mga tinatamang karapatan.
6. Pagkakaroon ng ugnayang diplomatiko sa
ibang bansa upang makipagtulungan at
mapabuti ang kabuhayan ng bansa.
7. Maingat na pagtanggap sa mga dayuhang nais
manirahan sa bansa.
Mga Uri ng Pamahalaan :
1. MONARCHY - pinamumunuan ng isang hari o
reyna, emperador, o czar.
2. ARISTOKRASYA – ang kapangyarihang
mamuno ay nasa kamay ng iilang tao o pamilya
lamang.
3. DIKTATORYAL – ito ang tawag sa pamamahala
ng isang tao lamang.
4. TOTALITARYAN – nasa isang pangkat ng tao
ang kapangyarihan ng pamahalaan.
5. DEMOKRASYA – nasa mamamayan ang kapangyarihan
6. TUWIRANG DEMOKRASYA – pinamamahalaan ng
mga tao ang sarili nila sa pamamagitan ng mga
pagpupulong kung saan pinag- uusapan nila ang mga
suliranin at mga solusyong dapat isagawa.
7. DI-TUWIRANG DEMOKRASYA – ang mga
namumuno ay inihahalal ng mga kwalipikadong
manghahalal. Karamihan sa mga bansang demokratiko
ay di- tuwiran dahil sa lawak ng teritoryo at dami ng
populasyon. Halimbawa : U.S, Pilipinas.

You might also like