You are on page 1of 11

LIHAM-

PANGANGALAKAL
Liham-Pangangalakal

-liham na ginagamit sa mga tanggapan at sa mundo ng


kalakalan. Ito’y mahalagang instrumento ng komunikasyon sa
pagitan ng mga mangangalakal at ng kanilang mga kustomer o iba
pang taong nais makipagtalastasan sa kanila.

-karaniwan sa mga mangangalakal ay abalang tao, ang liham-


pangangalakal ay isinusulat sa paraang pormal, maikli at di
maligoy subalit nagtataglay ng lahat ng impormasyong kailangang
malaman ng kabilang panig upang magkasundo sa kanilang mga
layunin.
MGA BAHAGI NG LIHAM-
PANGANGALAKAL
Pamuhatan
- nagsasaad ng tirahan o tanggapan ng sumulat
gayundin ang petsa kung kailan sinulat ang liham.
Karaniwang isinusulat ng buo at hindi padaglat ang
ngalan ng bayan, lalawigan gayundin ang buwan.

 Patunguhang-lihim
- nagsasaad ng buong pangalan, posisyon, at
tanggapan ng sinusulatan. Mahalagang ilahad nang
wasto ang titulo o posisyon ng taong sinusulatan.
Maaaring gamitin ang Ginoo kapag lalaki ang
patunguhan at kung hindi ka sigurado kung paano
tutukuyin ang babaeng patutunguhan, makabuting
gumamit ng Bb.
 Bating Panimulan
- isinusulat sa ilalim ng patunguhang liham. Tutuldok ang
bantas na ginagamit sa bahaging ito.

 Katawan ng Liham
- nagsasaad ng layunin ng liham. Mahalagang maikli subalit
malinaw ang diwang ipinahahayag ng mga pangungusap.

 Bating Pangwakas
- karaniwang ginagamit na bating pangwakas sa isang liham
pangangalakal ang Sumasainyo kasunod ng kawit.

 Lagda
- nagsasaad ng buong pangalan at lagda ng sumulat ng liham.
ILANG URI NG LIHAM-
PANGANGALAKAL
 Liham ng Pag-aaply ng Trabaho

Ang liham na ito ay nagtataglay ng mga sumusunod:


1. Ang titulo ng trabaho o posisyong inaaplayan at
kung paano nalaman ang tungkol sa posisyon.
2. Buod ng mga kuwalipikasyon ng taong nag-aaply:
• Gulang
• Natapos na kurso o antas ng pinag-aralan
• Paaralan kung saan nagtapos
• Mga karanasang kaugnay ng inaaplayan
• Mga nagawang nakalinang sa iyong kakayahan
• Natatanging galing o kaalaman
Liham na Nagtatanong o Nagsisiyasat

Ang liham na ito ay dapat magtaglay ng


sumusunod:
• Malinaw at di maligoy na pagtatanong
o pagsisiyasat
• Paliwanag sa layunin ng pagtatanong o
pagsisiyasat
• Paglakip ng sobreng may pangalan at
tirahan ng lumiliham.
 Liham na Nag-aanyaya sa Paunahing
Pandangal/Tagapagsalita

Ang liham na ito ay dapat nagtataglay ng sumusunod:


• Okasyon at layunin ng pagtitipon
• Paksa o tema ng pagtitipon
• Petsa, lugar, oras, at namamahala ng okasyon
(maaari ring maglakip ng diresiyon ng lugar kung
ang susulatan ay hindi pamilyar sa lugar)
• Dahilan ng pag-aanyaya
• Paghiling na mabatid ang desisyon ng inaanyayahan
sa lalong madalin panahon.
 Liham Kahilingan

Ang liham na ito ay dapat magtaglay ng


sumusunod:
• Suliranin o layunin ng humihiling
• Magiging epekto ng pagtugon sa kahilingan
• Pagpukaw sa damdamin ng hinihilingan
upang mapapayag ito sa kahilingan
• Pasasalamat
 Liham na Humihingi ng Pahintulot

Ang liham na ito ay dapat magtaglay ng sumusunod:


• Detalye ng inihihingi ng pahintulot (uri ng gawain,
petsa, oras, at lugar
• Dahilan o layunin sa paghingi ng pahintulot
• Pagnanais mabatid ang katugunan tungkol sa
inihihingi ng pahintulot
• Pasasalamat at paggamit ng magagalang na salita
kahit wala pang katugunan ang inilalapit.

You might also like