You are on page 1of 2

KABANATA 2

Sa kabanatang ito ay naglalaman ng metodolohiyang ginamit para sa pag-aaral. Ito ay ang

disenyo ng pag-aaral,instrument ng pananaliksik at mga halimbawa ng teknik na ginamit ng mga

mananaliksik.

Disenyo ng Pananaliksik

Ang uri ng disenyo ng pananaliksik na ito ay deskriptibo metodolohiya sa pananaliksik.

Mayroong siyam na research design ngunit piniling gamitin ng mga mananaliksik ang

deskriptibong metodolohiya kung saan gumagamit ng mga talatanungan o sarbey para

makalikom ng mga datos ang mga mananaliksik. Nakasaad dito ang relasyon ng bilingwalismo

sa akademikong performans sa mga mag-aaral.

Respondante

Ang mga napiling respondante sa pag-aaral na ito ay ang mga mag-aaral ng La

Consolacion College Tanauan ang mga Senior High School na mag-aaral na kabilang sa strand

na Stem Technology Engineering and Mathematics. Sa paraan na pagbibigay ng mga sarbey

kwestyuner sa aming mga respondente ay sapat na matutugunan ng mga mananaliksik ang

pangangalap ng mga datos at upang magkaroon na din ng katibayan ang mga mananaliksik sa

ginawang pananaliksik.
Instrumento ng pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay isinasaayos sa pamamagitan ng pagsasarbey. Ang mga

mananaliksik ay gumamit ng talatanungan o survey questionaire bilang pangunahing instrumento

sa pagkalap ng mga datos na magagamit sa pag-aaral. Sa paraan na ito ay mas mapapadali ang

pagkalap ng impormasyon ng mga mananaliksik tungkol sa relasyon ng bilingwalismo sa

akademikong performans.

You might also like