You are on page 1of 4

Panukulang Proyekto

➢ Ito ay isang proyekto na iminumungkahing isagawa dahil may nakitang


kinakailangan ng pagkakataon.
➢ Nangangahulugang ito’y kasulatan ng mungkahing naglalaman ng mga
plano ng gawaing ihaharap sa tao o samahang pag-uukulan nitong siyang
tatanggap at magpapatibay nito.
Hakbang sa Pagsulat ng katawan ng Panukalang Proyekto
1. Pangalan ng proyekto
➢ Makikita sa pangalan ng proyekto ang malinaw na isinasagawang
proyekto kung saan isasagawa at kung sino/alin ang mga
tagatanggap.
➢ Dapat ito ay tiyak at maikli hangga’t maaari.
2. Proponent ng Proyekto
➢ Sa bahaging ito ay ipinapakilala kung sinong indibidwal o aling
organisasyon ang nagmumungkahi ng proyekto.
➢ Ibabahagi rin nito ang tirahan, telepono, at tungkulin ng utak ng
proyekto.
3. Klasipikasyon ng Proyekto
➢ Ilarawan kung sa gawain kabilang ang panukalang proyekto.
4. Kabuoang Pondong Kailangan
➢ Isa-isang itatala ang lahat ng mga kagastusan at ang kabuoang
pondong kinakailangan upang matagumpay na maisakatupan ang
paroyekto.
5. Rasyonale ng Proyekto
➢ Ito ang batayan ng pagsasagawa ng proyekto.
➢ Ipinapakita ang kahalagahan ng panukalang proyekto.
➢ Ang bahaging ito ay susuporta kung bakit kailangan ang proyekto,
sa madaling salita ito ay pagkilala sa problema.
6. Deskripyong ng Proyekto
➢ Ang proyekto ay ilalarawan nang malinaw.
7. Layunin ng proyekto
➢ Isasaad din ang layunin sa pagsasagawa ng gawain at ilalahad ang
kalendaryo ng mga gawain.
8. Mga kapakinabangang dulog
➢ Ilalahad kung sino ang mga makikinabang at isasaad din ang mga
kapakinabangang makukuha matapos ang proyekto.
9. Kalendaryo ng gawain
➢ Ang bahaging ito ay magpapakita ng lahat at sunod-sunod na
gawain tungo sa pagsasakatuparan ng mga layunin.
10.Lagda
➢ Lahat ng taong kasangkot sa panukalang proyekto ay lalagda upang
mapagtibay ang panukalang proyekto.
Mga Dapat tandaan sa Pagsulat ng Panukalang Proyekto
1. Alamin ang mga bagay na makapagkukumbinsi sa nilalapitang opisina o
ahensiya sa pag-aapruba ng panukalang proyekto
2. Bigyang-diin ang mga pakinabang na maibibigay ng panukalang proyekto.
Mahihirapang tumanggi ang nilalapitang opisina o ahensiya kung nakita
nilang malaki ang maitutulong nito sa mga indibidwal o grupong target ng
proyekto.
3. Tiyaking malinaw, makatotohanan, at makatuwiran ang badyet sa gagawing
panukalang proyekto
4. Alalahaning nakaaapekto ang paraan ng pagsulat sa pag-apruba o hindi sa
panukalang proyekto. Gumamit ng mga simpleng salita at pangungusap.
Iwasan ang maging maligoy. Hindi makatutulong kung hihigit sa 10 pahina
ang panukalang proyekto.
Kahalagahan ng Panukalang Proyekto
1. Binabalangkas sa panukalang proyekto ang proseso (ng pag-aaral) mula
simula hanggang katapusan.
2. Inihahanda ito upang maging maayos at sistematiko ang pagsisimula ng isang
proyekto.
3. Maaaring magpatuloy ng isang pag-aaral o maaaring lumikha ng bagong
pag-aaral.
4. Ngunit hindi mainam na mag-ulit ng isang pag-aaral o pananaliksik.
5. Kadalasang inihahanda ang panukalang proyekto bilang kahingian ng guro o
propesor.
6. Kailangang laanan ito ng panahon ng mag-aaral bago pa man siya magsagawa
ng masigasig na pag-aaral o pananaliksik.
7. Mahalagang magsaliksik muna tungkol sa isasagawang panukala bago pa
man ipagpatuloy ang isang seryosong pag-aaral.
8. Ang paghahanda ng isang panukalang proyekto ay maiuugnay sa mga
akademikong kahingian tulad ng tesis at desertasyon.

Halimbawa ng Panukalang Proyekto


I. Pangalan ng Proyekto: Technology Transfer of "Electrical Wiring Circuit
Trainer" to Rosario National High School
II. Proponent ng Proyekto:
Dr. Erma B. Quinay – VPRDE
Prof. Romeo M. De Castro - Director, ESO
Atty. Edgard E. Valdez – Executive Director
Asst. Prof. Armando V. Mendoza Jr. - Asst. Director, Industry and
Institutional Development Services
Asst. Prof. Adelaido P. Pinawin - Associate Dean, CIT
Mr. Bryan M. Macasaet – Extension Services Coordinator, CIT
Mr. Felomino A. Barcelos - Faculty Extensionist
Rodemer M. Dela Cruz -Proponent
David C. Dimaano – Proponent
III. Klasipikasyon ng Proyekto: Extension Service
IV. Kabuoang Pondong Kailangan: Budget para sa Trainers at Facilitators

Iba pang gagastusan:


V. Batayan ng Proyekto:
Ang Electrical Wiring Circuit Trainer ay idinisenyo sa pamamagitan ng
paglalapat ng mga simulain at prinsipyo tungkol sa industrial wiring.
Kapakipakinabang ito lalo't higit sa paglinang ng kasanayang praktikal.
Ang Rosario National High School ay isa sa nangungunang paaralang
sekondarya sa bayan ng Rosario sa Batangas. Isa rin sa magpapatupad ng Senior
High School sa hinaharap. Makatutulong nang lubha ang pagbibigay ng teknolohiya
at maipasa sa mga guro ng pampublikong paaralan ang makabagong kagamitang
pampagtuturo.
Sa pamamagitan ng magandang ugnayan sa pagitan ng dalawang institusyon,
matutulungan ang mga mag-aaral na makatamo ng de-kalidad na edukasyon.
VI. Deskripsyon ng Proyekto:
Ang Gawain ay naglalayong maipasa ang teknolohiya ng Electrical Wiring
Circuit Trainer sa Rosario National High School. Tuturuan ang mga guro sa nasabing
paaralan ng paggamit ng makabagong kagamitang pampagtuturo sa loob ng isang
buong araw. Malilinang sa kanila ang kaalamang prosidyural sa pamamagitan ng
masusing paggabay sa tulong na rin ng manwal. Matapos silang masanay sa
pamatnubay ng mga eksperto, tatayain kung handa na silang gamitin ang
teknolohiya.
Ang pagbubuo ng kasunduan ay isasagawa matapos maging handa ng mga
guro. At para masigurado ang kapakinabangan sa teknolohiya, imomonitor ng
Batangas State University ang paggamit ng teknolohiya.
VII. Layunin:
1. Ibahagi ang kaalaman ng mga eksperto sa mga beneficiary
2. Makapagsagawa ng pagsasanay upang magamit ang teknolohiya
3. Magamit ang kagamitan nang may tiwala sa kakayahan
VIII. Mga Kapakinabangang Dulot:
Ang paaralan ay magkakaroon ng makabagong teknolohiya na magagamit sa
pagpapaturo ng mga mag-aaral. Malaking ambag ang training para sa mga guro na
magtuturo sa SHS.
Inihanda ni:
Mr. Bryan M. Macasaet
Extension Coordinator, CIT
Binigyang pansin nina:
Asst. Prof. Armando V. Mendoza Jr.
Asst. Prof. Adelaido Pinawin
Extension Head - Rosario & Asst. Director,
Assoc. Dean, CIT
Industry and Institutional Development Services
Atty. Edgard E. Valdez
Executive Director & Dean of Colleges,
Rosario and San Juan Campuses
Iminungkahi nina:
Prof. Romeo M. De Castro
Dr. Erma B. Quinay
Director, Extension Services
VPRDE
Dr. Jessie A. Montalbo
Atty. Luzviminda A. Rosales
VP for Admin and External Affairs
VP for Admin and Finance
Pinagtibay ni:
Dr. Tirso A. Ronquillo
University President

You might also like