You are on page 1of 25

PANUKALANG

PROYEKTO
DR. PHIL BARTLE
• The Community Empowerment
Collective

Isang samahang tumutulong sa mga


non government organization(NGO) sa
paglikha ng mga pag-aaral sa
pangangalap ng pondo
panukala
Isang proposal na naglalayong
ilatag ang mga plano o
adhikain para sa isang
komunidad o samahan
Panukalang proyekto
• Isang kasulatan ng
mungkahing naglalaman ng
mga plano ng gawaing
ihaharap sa tao o samahang
pag-uukulan nito na siyang
tatanggap at magpapatibay
• Mahalagang maging maingat
sa pagpaplano at pagdidisenyo
ng panukalang proyekto

• Nangangailangan ito ng
kaalaman, kasanayan at sapat
na pagsasanay
BARTLE (2011)
• Kailangang maging tapat na dokumento
upang makatulong at makalikha ng
positibong pagbabago
• Kailangan nitong magbigay ng impormasyon
at makahikayat ng positibong pagtugon mula
sa pinag-uukulan nito
• Walang lugar dito ang pagsesermon,
pagyayabang o paglilinlang. Maging TAPAT
at TOTOO
BESIM NEBIU
• May-akda ng Developing
Skills of NGO Project
Proposal Writing
Panukalang proyekto
• Detalyadong deskripsyon ng mga
inihahaing gawaing naglalayong
lumutas ng isang problema o
suliranin
MGA DAPAT GAWIN SA PAGSULAT
NG PANUKALANG PROYEKTO
• JEREMY MINER AT LYNN MINER (2008)
- A Guide to Proposal Planning and Writing
3 MAHAHALAGANG BAHAGI NG PP
a. Pagsulat ng Panimula ng Panukalang
Proyekto
b. Pagsulat ng Katawan ng Panukalang
Proyekto
c. Pagsulat ng Benepisyo ng Proyekto at mga
Makikinabang Nito
Pagsulat ng Panimula ng Panukalang
Proyekto

1. Tukuyin ang pangangailangan ng


komunidad, samahan o kompanyang
pag-uukulan ng iyong project
proposal- magsisilbing batayan sa
isusulat na panukala
Pagsulat ng Panimula ng
Panukalang Proyekto
• Pangunahing suliranin na kailangang
bigyan nang agarang solusyon

• Pangangailangan na ng pamayanan o
samahan na nais mong gawan ng
panukalang proyekto
2. Gamit ng mga tanong, makakakalap
ka na ng ideyang magagamit sa pag-
uumpisa ng pagsulat ng panukalang
proyekto
• Maaaring magkaroon ng maraming
solusyon ngunit mas mainam at higit
na makabubuti kung magbibigay tuon
ka lamang sa isang solusyon na sa
palagay mo ay higit na mahalagang
bigyang pansin
• Pagpapahayag ng suliranin-
naglalaman ng mga suliraning
nararanasan ng pamayanan, kompanya
o organisasyong pag-uukulan at kung
paano makatutulong sa kanilang
pangangailangan ang panukalang
proyektong isasagawa
Pagsulat ng Katawan ng Panukalang
Proyekto

• Binubuo ito ng layunin, planong


dapat gawin at badyet
Layunin
• Makikita rito ang mga bagay na nais
makamit o pinaka-adhikain ng panukala
• Kailangang maging tiyak ang layunin ng
proyekto
• Kailangang isulat ito batay sa mga
inaasahang resulta ng panukalang
proyekto at hindi batay sa kung paano
ang mga resultang ito
Sabi ni JEREMY MINER AT LYNN
MINER (2008)
S (pecific)- nakasaad ang bagay na nais makamit o
mangyari sa panukalang proyekto
I (mmediate)- nakasaad ang tiyak na petsa kung kailan ito
matatapos
M (easurable)- may basehan o patunay na naisakatutuparan
ang nasabing proyekto
P (ractical)- nagsasad ng solusyon sa binanggit na suliranin
L (ogical)- nagsasaad ng paraan kung paano makakamit
ang proyekto
E (valuate)- masusukat kung paano makatutulong ang
proyekto
Plano na dapat gawin

• Maari ka nang makabuo ng talaan


ng mga gawain o plan of action na
naglalaman ng mga hakbang na
isasagawa upang malutas ang
suliranin
• Dapat naiplanong mabuti- ayon sa
pagkakasunod-sunod ng pangyayari at
mga taong kakailanganin sa
pagsasakatuparan ng mga gamit
Dapat maging makatotohanan o
realistic
Ikonsidera ang badyet sa
pagsasagawa nito
Badyet
• Talaan ng mga gastusin na
kakailanganin sa pagsasakatuparan ng
layunin

• Kailangang wasto at tapat ang


paglalatag dito
Paglalahad ng benepisyo ng
proyekto at mga makikinabang
dito
• Naaprubahan ang panukalang
proyekto kung malinaw na nakasaad
kung sino ang matutulungan ng
proyekto at kung paano ito
makatutulong sa iba
Balangkas ng panukalang proyekto
1. Pamagat ng Panukalang Proyekto- ito ay
hinango mismo sa inilahad na pangangailangan
bilang tugon sa suliranin
2. Nagpadala- naglalaman ito ng tirahan ng
sumulat ng panukalang proyekto
3. Petsa – o araw kung kailan ipinasa ang
panukalang papel
- isinasama rin sa bahaging ito ang tinatayang
panahon kung gaano latagal gagawin ang
proyekto
Balangkas ng panukalang proyekto
4. Pagpapahayag ng Suliranin- nakasaad ng
suliranin at kung bakit dapat maisagawa o
maibigay ang pangangailangan
5. Layunin- naglalaman ito ng mga dahilan o
kahalagahan kung bakit isasagawa ang panukala
6. Plano ng Dapat Gawin- makikita dito ang
talaan ng pagkakasunod-sunod ng mga gawaing
isasagawa para sa pagsasakatuparan ng
proyekto gayundin ang petsa at bilang ng araw na
gagawin ang bawat isa
Balangkas ng panukalang proyekto
7. Badyet- kalkulasyon ng mga guguling
gagamitin sa pagpapagawa ng proyekto

8.Paano mapakikinabangan Ng Pamayanan/


Samahan Ang Panukalang Proyekto -
nagsisilbing kongklusyon ng panukala kung
saan nakasaad dito ang mga taong
makikinabang ng proyekto at benepisyong
makukuha mula rito

You might also like