You are on page 1of 6

LEARNING ACTIVITY SHEET

FILIPINO SA PILING LARANG AKADEMIK


Unang Kwarter, Ikalimang Linggo

Pangalan: Petsa:

Antas at Pangkat:

FILIPINO SA PILING LARANG AKADEMIK

KALIGIRANG NILALAMAN PARA SA MAG-AARAL

PANUKALANG PROYEKTO

Ano nga ba ang panukalang proyekto?


Ito ay nangangahulugang isang kasulatan ng mungkahing naglalaman ng mga plano ng gawaing
ihaharap sa tao o samahang pag-uukulan nito na siyang tatanggap at magpapatibay nito. Mahalagang
maging maingat sa pagpaplano at pagdidisenyo ng panukalang proyekto. Kaya naman, masasabing ang
paggawa nito ay nangangailangan ng kaalaman, kasanayan, at maging sapat na pagsasanay. Una sa lahat,
ito ay kailangang maging tapat na dokumento na ang pangunahing layunin ay makatulong at makalikha ng
positibong pagbabago. Ayon kay Bartle (2011), kailangan nitong magbigay ng impormasyon at
makahikayat ng positibong pagtugon mula sa pinaguukulan nito. Walang lugar sa sulating ito ang
pagsesermon, pagyayabang, o panlilinlang, sa halip, ito ay kailangang maging tapat at totoo sa lyunin nito.

MGA DAPAT GAWIN SA PAGSULAT NG PANUKALANG PROYEKTO


Ayon kay Jeremy Miner at Lynn Miner (2008) sa kanilang aklat na “A Guide to Proposal Planning
and Writing” sa pagsasagawa ng panukalang proyekto, ito ay kailangang magtaglay ng tatlong
mahahalagang bahagi at ito ay ang sumusunod:
a. Pagsulat ng Panimula ng Panukalang Proyekto
b. Pagsulat ng Katawan ng Panukalang Proyekto
c. Paglalahad ng Benepisyo ng Proyekto at Mga Makikinabang Nito

A. PAGSULAT NG PANIMULA NG PANUKALANG PROYEKTO

Bago mo lubusang isulat ang panukalang proyekto, ang unang mahalagang hakbang na dapat
isagawa ay ang pagtukoy sa pangangailangan ng komunidad, samahan, o kompanyang pag-uukulan ng
iyong project proposal. Tandaan na ang pangunahing dahilan ng pagsulat ng panukalang proyekto ay
upang makatulong at makalikha ng positibong pagbabago. Higit na magiging tiyak, napapanahon, at akma
kung matutumbok mo ang tunay na pangangailangan ng pag-uukulan nito. Sa madaling salita, ang
pangangaulangan ang magiging batayan ng isusulat na panukala.

Maisasagawa ang unang bahaging ito sa pamamagitan ng pagmamasid sa pamayanan o kompanya.


Maaaring magsimula sa pagsagot sa sumusunod na mga tanong:
1. Ano-ano ang pangunahing suliraning dapat lapatan ng agarang
solusyon?

2. Ano-ano ang pangangailangan ng pamayanan o samahan na nais


mong gawan sa panukalang proyekto?

B. PAGSULAT NG KATAWAN NG PANUKALANG PROYEKTO

Matapos na mailahad ang panimulang paglalaha ng panukalang proyekto ay isunod na gawin ang
pinakakatawan ng sulating ito. ito ay binubuo nag layunin, planong dapat gawin, at badyet.

1. Layunin – sa bahaging ito makikita ang mga bagay na gustong makamit o pinaka-adhikain ng panukala.
Kailngang maging tiyak ang layunin ng proyekto. Kailangang isulat ito batay sa mga inaasahang resulta ng
panukalang proyekto at hindi batay sa kung paano makakamit ng mga resultang ito. ayon kina Jeremy
Miner at Lynn Miner (2008), ang layunin ay kailangang maging SIMPLE
Specific- nakasaad ang bagay na nais makamit o mangyari sa
panukalang proyekto.
Immediate – nakasaad ang tiyak na petsa kung kalian ito matatapos
Measurable – may basehan o patunay na naisakatuparan ang
nasabing proyekto
Practical- nagsasaad ng solusyon sa binanggit na suliranin
Logical- nagsasaad ng paraan kung paano makakamit ang proyekto
Evaluable- masusukat kung paano makatutulong ang proyekto

2. Plano ng Dapat Gawin - matapos maitala ang mga layunin ay maaari nang buoin ang taaan ng mga
gawain o plan of action na naglalaman ng mga hakbang na isasagawa upang malutas suliranin. Mahalagang
maiplano itong mabuti ayon sa tamang pagkakassunodsunod ng pagsasagawa nito kasama ang mga taong
kakailanganin sa pagsasakatuparan ng mga gawain. Ito rin ay dapat na maging makatotohanan o realistic.
Kailangan ikonsidera rin ang badyet sa pagsasagawa nito. Mas makabubuti kung isasama sa talakdaan ng
gawain ang petsa kung kalian matatapos ang bawat bahagi ng plano at kung iang araw ito gagawin. Kung
hindi tiyak ang mismong araw na maaaring matapos ang mga ito ay maaaring ilagay na lamang kahit ang
lingo o buwan.
3. Badyet – isa sa pinakamahalagang bahagi ng anumang panukalang proyekto ay wasto at tapat na
paglalatag ng kakalanganing badyet para rito. Ang badyet ay ay ang talaan ng mga gastusin na
kakailanganin sa pagsasakatuparan ng layunin. Mahalaga itong mapag-aralang mabuti upang makatipid sa
mga gugulin.

C. PAGLALAHAD NG BENEPISYO NG PROYEKTO AT MAKIKINABANG NITO

Kadalasan ang panukalang proyekto ay naaprubahan kung malinaw na nakasaad ditto kung sino ang
matutulungan ng proyekto at kung paani ito makakatulong sa kanila. Maaaring nag makinabang nito ay
mismong lahat ng mamamayan sa isang pamayanan, ang mga empleyado ng isang kompanya, o kay naman
ay miyembro ng isang samahan.
BALANGKAS NG PANUKALANG PROYEKTO

Ayon kay Besin Nebiu, may akda ng “Developing Skills of NGO Project Proposal Writng,” ang
panukalang proyekto ay isang detalyadong deskripsyon ng mga inihahaing gawaing naglalayong lumutas
ng isang problema o suliranin. Ito ay ang mga sumusunod:

➢ Pamagat ng Panukalang Proyekto - kadalasan, ito ay hinango mismo sa inilahad na pangangailangan


bilang tugon sa suliranin.
➢ Nagpadala - naglalaman ito ng tirahan ng sumulat ng panukalang proyekto
➢ Petsa- o araw kung kalian ipinasa ang panukalang papel. Isinasama rin sa bahaging ito ang tinatayang
panahon kung gaano katagal gagawin ang proyekto.
➢Pagpapahayag ng Suliranin - dito nakasaad ang suliranin at kung bakit dapat maisagawa o maibigay
ang pangangailangan.
➢ Layunin - naglalaman ito ng mga dahilan o kahalagahan kung bakit dapat isagawa ang panukala.
➢ Plano ng Dapat Gawin - dito makikita ang talaan ng pagkakasusunod-sunod ng mga gawaing
isasagawa para sa pagsasakatuparan ng proyekto gayundin ang petsa at bilang ng araw na gagawin ang
bawat isa.
➢ Badyet - ang kalkulasyon ng mga guguling gagamitin sa
pagpapagawa ng proyekto.
➢ Paano Makikinabangan ng Pamayanan/ Samahan ang Panukalang - kadalasan, ito rin ang
nagsisilbing kongklusyon ng panukala kung saan nakasaad dito ang mga taong makikinabang ng proyekto
at benipisyong makukuha mula rito.

Hangad ko ang iyong pang-unawa sa paksang iyong binasa. Kung nais mo pang mas maunawaan ang
aralin sa modyul na ito maari mong panuorin ang “Mga Dapat Isaalang-alang sa Paggawa ng Panukalang
Proyekto” sa https://www.youtube.com/watch?v=APXyx-H6Kmc

KASANAYANG PAMPAGKATUTO
Natutukoy ang katangian ng isang sulating akademik (CS_FA11/12PB-0mo-102)
a. Nakasusulat ng panukalang proyekto para sa pamayanan o paaralan.
b. Natutukoy ang mahalagang bahagi ng panukalang proyekto.
c. Nakapagsasagawa ng pananaliksik at ng palitang pangkritik sa isang panukalang proyekto.
GAWAIN 1
A. Panuto: Gamit ang iyong kaalaman na nabasa tungkol sa Panukalang Proyekto, tukuyin kung ano ang
hinihinging bahagi sa pagsulat ng panukalang proyektong nakatala sa ibaba.

____________________1. Ang kalkulasyon ng mga guguguling kagamitan sa pagpapagawa ng


proyekto ay nakatala sa bahaging ito.
____________________2. Ang nagsisilbing kongklusyon ng panukala kung saan nakasaad ang
mga taong makikinabang ng proyekto at benepisyong makukuha nila
mula rito.
____________________3. Dito makikita ang tirahan ng sumulat panukalang proyekto.
____________________4. Dito makikita ang talaan ng pagkakasunod-sunod ng mga gawaing
isasagawa para sa pagsasakatuparan ng proyekto.
____________________5. Ito ay hinango mismo sa inilahad na pangangailangan bilang tugon sa
suliranin.
____________________6. Nakatala rito kung bakit dapat maisagawa o maibigay ang
pangangailangan.
____________________7. Panahon kung kalian ipinasa ang panukalang proyekto gayundin ang
tinatayang panahon kung kalian ito matatapos.
____________________8. Sa bahaging ito makikita ang mga dahilan o kahalagahan kung bakit
dapat isagawa ang panukala.
____________________9. Isang kasulatan ng mungkahing naglalaman ng mga plano ng gawaing
ihaharap sa tao o samahang pag-uukulan nito na siyang tatanggap at
magpapatibay nito

B. Ibigay ang kahulugan ng mahahalagang salita o termino sa pagsulat ng panukalang proyekto.


1. Specific: ___________________________________________________________________________
2. Immediate: _________________________________________________________________________
3. Measurable:__________________________________________________________________________
4. Practical:___________________________________________________________________________
5. Logical: ___________________________________________________________________________
6. Evaluable: __________________________________________________________________________

GAWAIN 2
Panuto: Isulat kung TAMA kung ang pahayag ay nagsasaad ng katotohanan at MALI kung
hindi.
_________1. Mahalagang maging maingat sa pagpaplano at pagdidisenyo ang panukalang
proyekto.
__________2. Ang panukalang proyekto ay nangangailangan ng kaalaman, kasanayan, at sapat
na pagsasanay.
__________3. Nararapat lamang na magyabang o magsermon sa isang panukalang proyekto.
__________4. Kailangang maging tapat at totoo ang layunin ng isang panukalangan proyekto.
__________5. Ang panukalang proyekto ay isang kasulatan ng mungkahing naglalaman ng mga
plano.
__________6. Pinakamalaking bahagi ng panukalang proyekto ay ang wasto at tapat na paglalatag
ng
badyet.
__________7. Kadalasan ang panukalang proyekto ay naaprubahan kung malinaw na nakasaad kung
sino ang matutulungan nito.
__________8. Kailangan ay maging impormal sa pagsulat ng panukalang proyekto
__________9. Maging realistiko sa paggawa ng panukalang proyekto.
__________10. Kung nabasa mo ito ay bonus itong number 10.

GAWAIN 3

Panuto: Kaya ko na!!!.Gumawa ng isang panukalang proyekto

Ikaw ay bibigyan ng pagkakataong manguna sa paggawa ng isang panukalang proyekto na sa


tingin mo ay kailangang maisakatuparan. Pumili ka ng nais mong proyekto o programa na nais mong
magawa o matupad sa inyong pamahalaan o paaralan.
Bilang unang hakbang ay kailangan mo munang sumulat ng isang panukalang proyekto upang
mahikayat at suportahan ito ng kinauukulan. Tandaan ang mga natalakay sa araling ito para sa gagawing
sulatin partikular ang pagiging matapat lalo na sa pagbibigay ng badyet para sa proyekto. Isaalang –
alang ang pamantayan sa baba.
Pamantayan Puntos
Nakasulat ng organisado, malikhain, at kapani- paniwalang panukalang proyekto. 5
Makatotohanan at katanggap-tanggap ang panukalang proyekto naisulat. 5
Nakasulat ng panukalang proyektong batay sa maingat, wasto, at angkop na paggamit 5
ng wika.
Nasalamin sa kabuoan ng sulatin ang pagsasaalang-alang ng etika sa binubuong 5
akademikong sulatin.
Kabuoang Puntos 20

REPLEKSIYON
Sa paanong paraan makakatulong sa iyo paggawa ng Panukalang Proyekto?
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________

MGA SANGGUNIAN:

DepEd (2016). Filipino sa Piling Larang- Akademik. Patnubay ng Guro. Unang Limbag. Julian,
Aileen B. et al., Pinagyamang Pluma: Filipino as piling larang (Akademik).Quezon City: Phoenix
Publising House, Inc. ph. 96-105.

Inihanda ni :

CHRIS O. PANTALUNAN

MICHAEL P. TAN

Inaprubahan nina:

Quality Assurance Committee

GEORGE T. BRITOS
MT II / SGH-HUMSS/GAS

RONALDO U. DAYAO
Assistant School Principal II

MARVIN A. BATOY
SHS Principal II

You might also like