You are on page 1of 21

WHOLE BRAIN LEARNING SYSTEM

OUTCOME-BASED EDUCATION

GRADE
FILIPINO 11

4
LEARNING KUWARTER

MODULE LINGGO 5-6

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 11 1


MODYUL SA SHS
PAGBASA AT PAGSUSURI NG
IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO
SA PANANALIKSIK

KUWARTER 4
LINGGO 5-6

Pangangalap ng Datos
at
Pagbuo ng Draft
Development Team

Writer: Rosario Claudia R. Corcuera Elizabeth A. De la Cruz


Editor: Antonio Q. Albis Jr.
Reviewers: Zorayda S. Paguyo Antonio Q. Albis Jr.
Rosario Claudia A. Corcuera
Layout Artist: Antonio Q. Albis Jr.
Management Team: Vilma D. Eda

Arnel S. Bandiola

Lourdes B. Arucan

Juanito V. Labao

Zorayda S. Paguyo

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 11 2


Ano ang Matututuhan Mo?

Napakahalagang papel ang ginagampanan ng mga kagamitang pampagtuturo sa


ikatatamo ng mas mataas na antas na karunungan lalo na sa larang ng edukasyon.
Magsisilbing kasangkapan ito sa pagkatuto sa buhay ng bawat mag-aaral upang lalong
makaagapay sa mabilis na pag-indayog at pagbulusok ng pagbabago sa modernong panahon
sa makabagong milenyo at upang lalong umunlad ang sibilisasyong kinabibilangan ng bawat
indibidwal tungo sa tugatog ng tagumpay.

Ang modyul na ito ay sadyang ginawa para maipagpatuloy ang daloy ng kaalaman
sa kabila ng mga pagsubok na nakaamba sa paligid. Bahagi lamang ito sa serye ng mga
modyul na iyong tatapusin bilang bahagi ng asignaturang Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t
Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik. Bigyan mo lamang ng sapat na panahon para
unawain ang bawat bahagi ng modyul na ito at tiyak na maraming kaalaman ang iyong
mapupulot sa pamamagitan ng iyong sariling pagsisikap.

Sa modyul na ito, sinasanay ka na maging mahusay na mananaliksik sa pamamagitan


ng mga simpleng aralin at gawain na maghahanda sa iyo sa pagbuo ng makabuluhang
pananaliksik.

Ano ang Inaasahan Mo?

Sa pagtatapos ng modyul na ito ay inaasahang matatamo mo ang mga sumusunod:

1. maipaliwanag ang kahulugan at kahalagahan ng pangangalap ng datos at


pagsulat ng unang draft;
2. matukoy ang mahahalagang nilalaman ng pangangalap ng datos at pagbuo ng
unang draft ng sulating-pananaliksik;
3. maisa-isa ang pinaghanguan ng datos at makakuha ng angkop na datos para sa
pagsulat;
4. maiaayos ang nakalap na datos para sa pagsulat ng draft.

Paano Mo Matututuhan?

Upang makamit ang mga inaasahan, isakatuparan ang mga sumusunod:


1. basahin at unawain nang mabuti ang naihandang aralin sa linggong ito;
2. sundin ang bawat panuto na inilakip sa bawat gawain at pagsasanay; at
3. sagutin ang lahat ng mga gawain at pagsasanay.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 11 3


Magandang buhay! Maligayang pagdating sa
ikalima at ikaanim na linggo ng pag-aaral! Bago natin
simulan ang modyul na ito, nais kong kompletuhin mo
muna ang impormasyong hinahanap sa kahon sa ibaba.
Isulat ang mga impormasyon sa MALALAKING LETRA
para madaling mabasa at makita. Isa pang paalala,
kailangan mong matapos ang Modyul na ito sa loob
lamang ng dalawang linggo kaya’t sikapin at gawin ang
makakaya para tapusin ito.

Pangalan: ________________________________ Strand/Seksyon: _______________


Paaralan: _____________________________________________________________
Guro: ___________________________ CP no. ng Magulang: ___________________

Narito ang mga pamantayan at layunin na kailangan mong


isaalang-alang habang pinag-aaralan ang mga paksa at
isinasagawa ang mga pagsasanay. Handa ka na ba?
ALAMIN

Pamantayang Pangnilalaman: Nakasusunod sa pamantayan ng pagsulat ng


masinop na pananaliksik

Pamantayan sa Pagganap: Nakabubuo ng isang maikling pananaliksik na


napapanahon ang paksa

Kasanayang Pampagkatuto: F11PU – IVef – 91


Naiisa-isa ang mga paraan at tamang proseso ng
pagsulat ng isang pananaliksik sa Filipino batay sa
layunin, gamit, metodo, at etika ng pananaliksik

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 11 4


Bago ka tumungo sa mismong talakayan at aralin, nais
kong sukatin muna ang iyong kaalaman sa pamamagitan ng
Paunang Pagtataya. Sa ibaba ay mayroong 10 aytem na
kailangan mong sagutin. Paghusayan mo!
SUBUKIN

PAUNANG PAGTATAYA
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na katanungan. Itala ang titik ng iyong
tugon sa sagutang papel.
1. Ito ang pinakamahalagang bahagi ng pananaliksik, narito ang sustansiya, diwa at nilalaman
ng buong saliksik.
A.datos B. interbyu C.sanggunian D. sarbey

2. Ito ay uri ng datos na tuwiran o di tuwiran na nagmula sa isipan ng isang indibidwal.


A.Panayam B. paper trail C. people trail D. sarbey

3. Ito ay katanungang nabuo habang isinasagawa ang panayam at higit na mahalaga kaysa sa
nakahandang katanungan.
A. follow-up B.observation C. open-ended D. stuructured

4. Ang mga tesis at disertasyon ay halimbawa ng hanguang:


A. primarya B. sekundarya C. elektroniko D.tersiyarya

5. Ang mga nabanggit sa ibaba ay mga dapat isaalang-alang sa araw ng panayam maliban sa;
A. ipakilala ang sarili nang may paggalang
B. ihanda na ang mga katanungan sa papel
C. magtakda lamang ng oras ng panayam
D. hayaang maunang dumating ang kakapanayamin

Panuto: Tama o Mali. Isulat ang simbolong O kung ang diwa ng pangungusap ay tama at
isulat naman ang X kung mali ito.
6. Alamin kung ano ang dapat na idagdag at ibawas sa isinulat na burador.
7. Kailangang tingnan agad ang mga kamaliang nagagawa habang isinusulat ang unang
burador.
8. Hindi na kailangang sundin pa ang ginawang balangkas sa pagsulat ng burador.
9. Ang mga datos na nakalap ang magpapatibay sa gagawing pananaliksik.
10. Hanguang primarya ang mga aklat tulad ng diksyunaryo, ensiklopedya, taunang-ulat o
yearbook, almanak at atlas, mga nalathalang artikulo sa dyornal, magasin, pahayagan at
newsletter.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 11 5


Bilang pagsisimula sa paggalugad mo ng karunungan sa
linggong ito ay malugod kitang inaanyayahan na muling
bakasin ang lilim ng iyong isipan baka kung sakaling iyo
nang naulinigan ang mga konseptong pag-aaralan.
BALIKAN

Kung nakapagpasya na ng paksang sasaliksikin, maaari nang buuin ang sulating


pananaliksik. Sa tulong ng konseptong papel na magsisilbing isang proposal,
maihahanda na ang binabalak na pananaliksik. Ito rin ang kabuuan ng ideyang nabuo
mula sa isang gawaing balangkas o framework ng paksang bubuuin.
Mga Bahagi o Template ng Konseptong Papel (Constantino & Zafra, 2000)
1. Paksa
2. Rasyonal
3. Layunin
4. Metodolohiya
5. Inaasahang output o resulta
Napag-aralan din sa nakaraang module ang mga katangian ng Konseptong Papel,
ang pagiging a) maikli ngunit malinaw b) makatotohanan at makatarungan
c) mapagmulat at mapagpalaya d) makapangyarihan

Magaling! Lubos na makatutulong ang muli mong pagbakas


sa naunang aralin kaya ngayon naman ay makakaya mong
TUKLASIN tuklasin, pagnilayan at unawain ang panibagong aralin!

Ang paggawa ng isang bagay ay madali, ngunit mayroong mga pagkakataon na ito ay
mahirap umpisahan. Kahit ang mga dalubhasa sa isang partikular na larang ay nahihirapang
simulan ang kanilang gawain. Hindi maibubukod sa mga gawaing ito ang pagsulat ng
pananaliksik. Maraming pagkakataon na inuumpisahan natin ang ating pagsusulat sa pagtitig
lamang sa blangkong papel o sa screen ng ating kompyuter ng ilang minuto. Ngunit huwag
ipag-alala dahil sa pagkakataong ito, gagabayan tayo ng modyul na ito kung paano uumpisahan
ang pagsulat lalo na ang pagsulat ng pananaliksik.

Hindi magiging ganap o buo ang gagawing pananaliksik kung walang datos na
tutulong sa pagbuo ng mga ideya. Tatalakayin din dito ang hanguan o pangangalap ng datos na
magiging batayan sa kridibilidad ng gagawing pananaliksik. Nagiging makatotohanan ang
isang teksto o sulatin kung ito ay nakabatay sa mga datos na nakalap nang sa gayon madali
itong matanggap ng mga mambabasa.
Kung nakabuo na ng pangunahing balangaks, ang sumusunod na hakbang ang
gagawin ng isang mananaliksik ang pagbuo ng isang burador o tinatawag na draft. Hindi pa

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 11 6


maituturing na pinal na sulatin ang pagsulat ng burador, sapagkat maaari pang magpasok ng
mga pagbabago o magbawas ng mga impormasyong hindi na kailangan sa binubuong sulatin.
Mahalagang katanungan na dapat mong sagutin:
1. Bakit mahalaga ang pangangalap ng mga datos kung ikaw ay magsusulat ng isang
pananaliksik?
2. Ano-ano ang mga instrumento sa pangangalap ng datos?
3. 3. Paano kaya ito makatutulong sa iyong gagawing sulatin o teksto?

Halina’t dagdagan pa natin ang iyong kaalaman at


palalimin ang iyong pag-unawa tungkol sa pangangalap
ng datos. Tara, basahin at unawain nating mabuti ang
mga impormasyong nakalahad sa ibaba.
SURIIN

PANGANGALAP NG DATOS
Walang saysay ang isang pananaliksik kung wala itong sustansiya, nilalaman, diwa,
bigat at katatagan. Ang isang mahusay na pananaliksik ay nakabatay sa ilalatag na mga datos.
Kapag nakakuha ng datos at naihanay ito sa maayos na paraan, hindi na maaaring pagdudahan
ang nilalaman at pamamaraan ng proseso sa pagbuo ng pananaliksik. Mahalagang bahagi ng
pananaliksik ang datos. Kung walang datos, walang susuriin o sasaliksikin.
Magiging madali ang paghahanap ng mananaliksik ng mga datos kung mayroon siyang
susunding gabay o guide. Makikita ang huwaran o pattern ng kanyang gagawin at mapapadali
pa ito. Makatutulong ang balangkas na ito upang malaman kung ano lang ang hahanapin ng
manunulat.
Ayon kina Bernales, et al. (2009), may tatlong (3) yugto ng pananaliksik sa silid-
aklatan. Ito ay ang sumusunod:
Yugto 1: Pagsusuri na kinasasangkutan ng browsing, skimming at scanning ng
mga aklat.
Yugto 2: Pagsusuri na kinasasangkutan ng browsing, skimming at scanning ng
mga aklat at artikulo at ng pagpili ng sipi o citation mula sa mga
babasahin.
Yugto 3: Pagbabasa at pagtatala mula sa aklat, sanaysay, artikulo, kompyuter,
printouts, at iba pang sanggunian.
Nakakatulong ang mga yugtong ito sa pagpapanatili ng kaayusan sa pangangalap ng
mga impormasyon sa gagawing pagsusulat. Maliban sa mga aklat na nasa loob ng silid-aklatan,
makabubuting sumangguni rin sa mga magasin, dyaryo at iba pang babasahin (Bernales et al.,
2009).
May Mga Hanguan ng Impormasyon o Datos Ayon kina Mosura, et al. (1999) sa
Bernales, et al., (2012)
Ang mga hanguang primarya (primary sources) ay:
• Mga indibidwal o awtoridad

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 11 7


• Mga grupo o organisasyon tulad ng pamilya, asosasyon, unyon, fraternity,
katutubo o mga minorya, negosyo, samahan, simbahan at pamahalaan,
• Mga kinagawiang kaugalian tulad ng relihiyon at pag-aasawa, sistemang
legal at ekonomiks at iba pa
• Mga pampublikong sulatin o dokumento tulad ng konstitusyon, batas
kautusan, treaty o kontrata at ang lahat ng orihinal na tala, katitikan sa
korte, sulat, journal at talaarawan o diary.
Ang mga hanguang sekundaryo (secondary sources) ay:
• Mga aklat tulad ng diksyunaryo, ensiklopedya, taunang-ulat o yearbook,
almanak at atlas
• Mga nalathalang artikulo sa dyornal, magasin, pahayagan at newsletter,
• Mga tesis, disertasyon at pag-aaral ng feasibility, nailathala man ang mga
ito o hindi
• Mga monograp, manwal, polyeto, manuskrito at iba pa.

Maliban sa hanguang primarya at sekundaryo, may isa pang mapagkukunan ng mga


impormasyon o datos —ang hanguang elektroniko o mas kilala sa tawag na internet. Mas
angkop na gamitin sa pangangalap ng datos ang primaryang datos sapagkat ang mananaliksik
ay nakakukuha ng mga impormasyon mula mismo sa mapagkakatiwalaang kinauukulan.
Makatutulong din ito upang magkaroon ng orihinal na impormasyon upang masabi na ang
pananaliksik ay mapagkakatiwalaan (Simbulan, 2008)

Mga gabay at instrumento sa pangangalap ng datos ayon kina Almario, et al (2016)


1. Ugaliing magtala habang nagmamasid. Isama lahat ng pangyayaring
nakatitityak kang tunay na naganap. Isama rin ang saiyongpalagay lamang
ay nangyari.
2. Magkaroon ng magkakahiwalay nakuwaderno para sa mga impormasyong
ayon saaktuwal at maingat na pagsusuri (tinatawag na “obhetibo”) at para
sa mga impormasyong may impluwensiya ng iyong sariling damdamin at
palagay (tinatawag na “subhetibo”). Pagkatapos ay paghambingin ang mga
ito at sinupin.
3. Magkaroon ng sariling rekorder o kamera. Kung mapapahintulutang gamitin,
higit itong makatutulong sa matinding pangangailangan sa aktuwal (nakita
at narinig) na pagdodokumento.

Ayon naman kina Ulit, et al. (2008), may iba’t ibang paraan ng pangongolekta ng mga
datos tulad ng mga sumusunod:
A. Silid-Aklatan. Dito matatagpuan ang maraming materyal na mapagkukunan ng mga
kinakailangang datos. Maaaring gamitin ang card catalog, online catalog,CD-ROM , o
hingin ang tulong ng laybraryan sa paghahanap ng mga kinakailangang datos. May tatlong
uri na matatagpuan sa card catalog na isinasaayos ng paabakada. Gamitin ang subject card
kapag natitiyak ang pamagat ng paksang hinahanap, author card naman ang gagamitin
kung nalalaman ang awtor ng hinahanap na aklat, at kapaghinahanap naman ang pamagat
ng aklat na sinulat ng isang may-akda, kunsultahin naman ang title card.Ang online catalog

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 11 8


ay gumagamit ng computer terminal na nagbibigay ng kumpletong talaan ng mga aytem sa
laybrari. Narito ang mga halimbawa:
Subject card:

Author card:

Title card:

B. Internet. Mahalaga ring mapagkukunan ng mga impormasyon para sa pananaliksik ang


internet. Ang mga manunulat sa internet ay malayang sumulat kahit hindi nakikita ang
kamalian o kakulangan ng kanilang naisulat. Para sa karagdagang kaalaman hinggil sa
paksang ito maaaring tingnan ang kasunod na link.
(https://www.slideshare.net/aliciamargaretjavelosa/pangangalap-ngdatos-filipino)

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 11 9


C. Interbyu. Ito ay isang instrumento sa pangangalap ng mga impormasyon para sa
pananaliksik. Sinasagot ng respondent nang pasalita ang mga tanong at inirerekord ng
mananaliksik ng kanyang mga sagot.
D. Talatanungan. Mahalaga rin itong instrumento sa pangangalap ng mga datos kung saan
may inihandang mga tiyak na tanong na may pagpipiliang mga sagot ang respondent. Kung
minsan, may tanong na open ended namalayang sinasagot ng respondent.

Mga Pamamaraan sa Pangangalap ng Datos


1. Ang sarbey (survey) ay isang pamamaraan o metodolohiya na magagamit sa pagunawa ng
katotohanan bilang katibayan tungkol sa tiyak na sitwasyon. Layunin ng survey na
maglarawan, maglahad, magsalaysay, mangatuwiran ng tiyak na bilang ng kasagutan na
nasasakop na populasyon ng pag-aaral.
Hakbang sa Pagsasakatuparan ng Sarbey (survey)
• Pagtatakda ng layunin sa pagsasagawa ng sarbey
• Paggawa ng disenyo ng pananaliksik
• Paghahanda ng maaasahan at balidong instrumento sa pagsasagawa ng
sarbey
• Pagsasagawa ng aktuwal na sarbey
• Pagtatala at Pag-aanalisa • Pagbabalita o pagpapahayag ng datos mula sa
sarbey
2. Ang panayam (interview) ay isang paraan ng pagtatanong upang makakuha ng datos mula
sa pakikipag-usap. Ito ay agad-agarang pagkuha ng impormasyon sa taong kinakausap.
Layunin ng panayam na makakuha ng makabuluhang impormasyon sa kinakapanayam.
Samakatuwid, malaki ang gampanin ng epektibong pakikipagtalastasan at pakikipag-
ugnayan upang mapagtagumpayan ang pamamaraang pakikipanayam.
3. Imersiyon (immersion) ito ay pakikihalubilo at pakikisangkot sa pagkuha ng datos Madalas
itong gawing paraan ng pangangalap sa disenyong qualitative. Karaniwang ginagamit sa
dokumentasyon upang mas maging buo at komprehensibo ang datos. Nais makuha ng
imersiyon ang layuning maipabatid ang panlabas, panloob, ibabaw at ilalim na kuwento sa
likod ng datos. Naglalaan ng matagal na panahon ang mananaliksik sa pamamagitan ng
pakikipamuhay sa komunidad na pagkukunan ng datos. Isinasabuhay ng mananaliksik ang
karanasang ginagawa ng mga pagkukunan ng datos. Sa ganitong paraan mas nararamdaman
ng mananaliksik ang mismong pakiramdam ng kinunan niya ng datos kaya’t naipapahayag
niya ang mas malalim na interpretasyon sa paksang pinag-aaralan.

PAGSULAT NG UNANG BURADOR


Ang mananaliksik ay handa nang magsulat ng unang burador ng sulating pananaliksik
kung ang mga datos at mga materyales ay kumpleto na, ayon kina Alejo, et al. (2005) Isaalang-
alang ang mga sumusunod na paalala:
1. Ihanda ang mga talaang pinagsulatan ng mga mahahalagang ideya o konsepto na
hango sa mga kaugnay na literatura.
2. Isaayos ang mga datos na nakuha sa tagatugon na ginamit sa paksang pinag-aralan.
3. Suriing mabuti ang mga datos na nakuha at bigyan ito ng interpretasyon.
4. Itala ang mga ideya o konseptong natuklasan sa isinagawang pananaliksik.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 11 10


5. Itala ang mga hakbang na ginamit sa pananaliksik.
6. Sundin ang ginawang balangkas sa pagsulat ng pananaliksik.
7. Sa pagsulat, hayaan lamang nalumabas ang mga ideyang naiisip at huwag munang
pansinin ang kamaliang nagagawa.
8. Balikan at basahing muli ang ginawang sulating pananaliksik. Tingnan kung ano ang
dapat na idagdag at ibawas sa sulating pananaliksik.

Ang burador o draft ay ang tentatibong kabuuan ng papel, isa ito sa unang hakbang para
sa aktuwal at mekanikal na pagsulat ng panimulang bahagi ng pananaliksik at nabubuo ang
mga datos sa pamamagitan ng pagsasama-sama at pag-uugnay nito.
Ang tatlong (3) bahagi ng teksto ay kinabibilangan ng: panimula (kaligiran at ang
suliranin), katawan (nakapaloob dito ang mga impormasyon na magpapatibay o
magpapaliwanag ng iyong paksa at pinakamahaba na bahagi), at wakas (ang buod ng teksto at
konklusyon o resulta).
Kahalagahan ng Pagsulat ng Burador
✓ Makita ang kakulangan pa sa nakalap na mga datos;
✓ Maaaring marebisa nang mas maaga ang iang kamalian, pagkakaayos, estilo ng
nilalaman ng sulatin;
✓ Makapagdagdag ng mas mabisang ideya at makita ang ilang kahinaan at kalakasan ng
isinusulat na pananaliksik.
Ayon kina Jocson, et al. (2005), makakatulong ang mga gabay sa pagsulat ng burador:
a) pag-aralan nang mabuti ang nabuong balangkas (simulan ang pagsulat ng unang draft)
b) gawing tuloy-tuloy ang pagsulat o pagbuo ng sulating sinasaliksik. Huwag munang
isaalang-alang ang pagpapakinis ng sinusulat, samatalahin ang takbo at daloy ng iniisip c) higit
na pagtutuunan ang lohika at linaw ng pagpapahayag ng mga ideya sa halip na kung paano ito
ipapahayag d) isaisip ang bawat bahagi ng sulating pananaliksik, huwag ipagkamali ang
pagkakaiba ng panimula sa rasyunal, kahalagahan at layunin, pamamaraan at paraan at iba pa.
e) maging maagap sa mga hiram na ideya na kakailanganin sa pagdodokomentasyon.

Ayon kina Bernales, at al. (2012), ang hakbang na ito ang nakaaaliw at nakapapagod
na bahagi. Pagkatapos ng mga paghahanda bago sumulat, dito masusukat ang iyong kasanayan
sa pagsusulat. May mga simpleng gabay upang mabuo ang ninanais na teksto:
• Magsimula sa isang paksang pangungusap. Simulan sa paksang pangungusap ang
iyong unang talata. Mainam na sumusuporta sa paksang pangungusap ang bubuo sa
unang bahagi ng unang talata.
• Suportahan ang paksang pangungusap ng mga tiyak na katibayan. Nararapat na
maipresenta ang mga tiyak na detalye— tulad halimbawa ng pangangatuwiran,
ebidensya at mga halimbawa sa iyong teksto upang maging kapani-paniwala at
makahikayat ng mga mambabasa.
• Ayusin at pansinin ang pagkakaugnay-ugnay ng mga idea. Obserbahan ang
pagkakaugnay- ugnay ng mga ideyang ipinasok. Dapat isaisip nang mabuti upang
hindi maguluhan ang mga mambabasa sa tekstong binabasa.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 11 11


• Isulat nang malinaw o error-free ang pangungusap. Hindi dapat ipagwalang-bahala
ang mga tamang estruktura o kaayusan ng gramatika o maging simpleng paggamit
ng mga bantas. Hangga’t maaari ay error- free ang kabuuan ng ating teksto.

Wika rin nina Brandil, et al., (2016), ang mga sumusunod ay dapat na isaalang-alang
sa pagbuo ng burador.
• Magbalangkas sa paraang konseptuwal, pangungusap, patalata, o biswal na paraan
gamit ang grapikong pantulong.
• Ayusin o ihanay ang pangunahing ideya patungo sa mga tiyak na ideya o konsepto,
posibleng gumawa ng sariling pananda o highlighter upang matukoy ang dibisyon
ng mga konsepto.
• Gumamit ng akmang salita batay sa hinihingi ng akademikong sulatin o pananaliksik.

Sa bahaging ito ay sisikapin mong pagtibayin ang iyong


pag-unawa at mga kasanayan sa araling binasa.
Sagutin ang mga naihandang gawain para sa iyo. Alam
PAGYAMANIN kong kayang-kaya mo ito! Paghusayan mo!

Panuto: Isa-isahin ang mga halimbawa ng Hanguang Primarya, Hanguang Sekondaryo at


Elektroniko. Naibigay na ang ilang haimbawa para sa iyo.
Hanguang
Hanguang Primarya Elektroniko
Sekondaryo
• Hal. 1987 Konstitusyon • Hal. ensayklopedya • Hal. youtube

Kagila-gilalas! Narito ang ilang mga konsepto na


kailangang isaisip upang lubos na matalunton ang mga
ISAISIP napag-aralan.

Sa lahat ng anyo ng sulatin, ang pananaliksik ang maituturing na espesyal.


Taglay ng sulating ito ang maingat na pagsasalansan ng hinangong idea mula sa iba’t
ibang pinagkunang impormasyon at mga datos.
Hindi madali ang pangangalap ng datos, dahil dadaan ito ng proseso.
Pagdadaanan nito ang tatlong (3) yugto upang makita ang impormasyong gagamitin sa
pagsulat lalo na sa pananaliksik.
Laging tandaan na ang aklatan o silid-aklatan pa rin ang panakamabisa at
pinakamahalagang imbakan ng mga sanggunian na magagamit sa pananaliksik. Hindi
mapapalitan ng teknolohiya o isang klik sa computer ang kaalamang matatagpuan sa
aklatan. Gawin ding kawili-wili ang pananaliksik at iwaksi ang kaisipang nakababagot
at makaluma ang pangangalap ng datos sa aklatan. Ang pagbisita sa aklatan ay
makabuluhang gawain na dapat maranasan nga bawat mag-aaral at mananaliksik.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 11 12


Malapit na! Alam kong sabik ka ng mapagtagumpayan
ang kabuoan ng modyul na ito, kaya isang banat pa,
ISAGAWA kayang-kaya mo itong isagawa!

Panuto: Ayusin ang mga ito batay sa tamang pagkakaayos batay sa bahaging panimula,
katawan at wakas hanggang mabuo mo ang teksto. Isulat ang iyong sagot sa espasyong inilaan
sa baba. Pagkatapos, sagutin ang ilang nakatalang tanong sa ibaba.

(Larawan mula sa www.museopambata.org)

Sa kasalukuyan, ipinapanukala sa Senado at Kongreso ang pagpapatibay ng isang


batas para sa mga aklatangmobile. Nagbibigay naman ng serbisyo ng aklatang mobile ang
Museong Pambata.
Mas maraming narating na kabataan ang van, nagsasagawa ng maraming sesyon para
sa pagkukuwento at hiraman-ng-aklat sa Maynila, at umabot sa mga probinsiyang gaya ng
Batangas.
Pagkaraan ng anim na taon, noong 2001 sa pamamagitan ng isang grant mula sa Food
Foundation Philippines, pinasinayaan ang isang “pangarap na mobile library van”. Isang six
wheeler Isuzu NPR trak na pinahiyasan (ng Tagapagtatag ng Ilustrador ng Kabataan na si Mel
Silvestre at kanyang mga estudyante) ng mga makukulay na imahen ng mga kabataang tutok
sa pagbabasa, at katuparan ng isang matayog napangarap para sa isang library on wheels na
makapagdadala ng mahigit 300 aklat pambata at iba pang learning aids.
Ang Aklatang Mobile ay nagsimula noong 1995, pagkaraang buksan ang Museo
Pambata. Upang tuparin ang tungkulin ng museo na itaguyod angliterasi, ang mga miyembrong
staff at ilang boluntaryo ay regular na bumibisita sa mga hindi gaanong napaglilingkurang pook
sa Maynila, sakay ng isang Tamaraw FX na may dalang 50 aklat at isang simpleng karatula ng
“Museo Pambata Mobile Library”
Aklatang Mobile sa ibang bansa ay tinatawag itong Bookmobile, biliobus, Bucherbus.
Ito ay isang sasakyan na naglalaman ng mga sanggunian at materyales napang-aklatan o
anumang serbisyong pang-aklatan na hindinananatili sa iisang lugar.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 11 13


PAMAGAT
PANIMULA
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

KATAWAN
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

WAKAS
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

Mga tanong:
1. Ano ang maaaring pamagat ng teksto?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
2. Bakit napadali para sa iyo ang pagsulat ng unang draft?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
3. Ano-ano ang mga mahahalagang datos o impormasyon ang inilahad sa teksto?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 11 14


Mahusay! Ngayon, magkakaroon tayo ng
maikling pagsusulit sa kabuoan ng aralin.
Natitiyak kong masasagot mong lahat ang mga
TAYAHIN tanong. Hala, bira!

PANGWAKAS PAGTATAYA

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na katanungan. Itala ang titik ng iyong
tugon sa sagutang papel.
11. Ito ang pinakamahalagang bahagi ng pananaliksik, narito ang sustansiya, diwa at nilalaman
ng buong saliksik.
A.datos B. interbyu C.sanggunian D. sarbey

12. Ito ay uri ng datos na tuwiran o di tuwiran na nagmula sa isipan ng isang indibidwal.
A.Panayam B. paper trail C. people trail D. sarbey

13. Ito ay katanungang nabuo habang isinasagawa ang panayam at higit na mahalaga kaysa sa
nakahandang katanungan.
B. follow-up B.observation C. open-ended D. stuructured

14. Ang mga tesis at disertasyon ay halimbawa ng hanguang:


B. primarya B. sekundarya C. elektroniko D.tersiyarya

15. Ang mga nabanggit sa ibaba ay mga dapat isaalang-alang sa araw ng panayam maliban sa;
A. ipakilala ang sarili nang may paggalang
B. ihanda na ang mga katanungan sa papel
C. magtakda lamang ng oras ng panayam
D. hayaang maunang dumating ang kakapanayamin

Panuto: Tama o Mali. Isulat ang simbolong O kung ang diwa ng pangungusap ay tama at
isulat naman ang X kung mali ito.
16. Alamin kung ano ang dapat na idagdag at ibawas sa isinulat na burador.
17. Kailangang tingnan agad ang mga kamaliang nagagawa habang isinusulat ang unang
burador.
18. Hindi na kailangang sundin pa ang ginawang balangkas sa pagsulat ng burador.
19. Ang mga datos na nakalap ang magpapatibay sa gagawing pananaliksik.
20. Hanguang primarya ang mga aklat tulad ng diksyunaryo, ensiklopedya, taunang-ulat o
yearbook, almanak at atlas, mga nalathalang artikulo sa dyornal, magasin, pahayagan at
newsletter.

Kumusta? Siguro nasagot mo nang tama ang bawat tanong. Kung ganoon, binabati
kita dahil sa wakas ay malapit mo nang matapos ang modyul na ito at tiyak na naintindihan
mo nang maigi ang iyong aralin. Sana ay magamit mo sa iyong pang-araw-araw na buhay ang
iyong mga napag-aralan sa modyul na ito.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 11 15


Bilang pagtatapos sa linggong ito,
kinakailangan mong mapagtagumpayan ang
huling pagtataya na inilaan para sa iyo.
Naniniwala akong kayang-kaya mo ito.
KABUOANG PAGSUSURI
Paghusayan!

WRITTEN WORK
CREATIVE CONSTRUCTED RESPONSE TEST ITEM
KASANAYANG PAMPAGKATUTO: Naiisa-isa ang mga paraan at tamang proseso ng
pagsulat ng isang pananaliksik sa Filipino batay sa layunin, gamit, metodo, at etika ng
pananaliksik

SITUATION: Ang Institute for Scienec and Technology Research (ISTR) ay


nangangailangan ng research speaker para sa gagawing programang “Baguhang
Mananaliksik para sa Pag-unlad ng Sambayanan.” Dahil dito, ikaw ay inimbitahan sa
nasabing programa upang maging tagapanayam para sa mga kabataang mananaliksik ng
Lungsod Laoag. Ang paksang naiatas sa iyo ay tungkol sa mga paraan at tamang proseso ng
pagsulat ng isang pananaliksik sa Filipino batay sa layunin, gamit, metodo, at etika ng
pananaliksik.

QUESTION AND CREATIVE WRITTEN OUTPUT: Bilang isang tagapanayam, bakit


mahalaga ang pagbabahagi ng wasto at sapat na impormasyon? Ikaw ngayon ay gagawa ng
isang presentasyon o lektyur na naglalaman ng paraan at tamang proseso ng pagsulat ng
pananaliksik para sa mga kabataang mananaliksik ng Lungsod Laoag.

SAMPLE PROMPTS/OUTLINE: Narito ang mga paraan at tamang proseso ng pagsulat


ng pananaliksik batay sa:
Layunin ___________________________________________________________
Gamit _____________________________________________________________
Metodo ____________________________________________________________
Etika ng Pananaliksik _________________________________________________

Sa kabuuan, masasabi kong ________________________________________________

STUDENT’S WRITTEN OUTPUT: presentasyon/lektyur

RUBRIK SA PAGTATAYA NG GAWAIN:


RATING DESCRIPTION
4 Ang sagot ay wasto at sapat ang detalye. Akma ang mga kaisipang inilahad sa
kasanayang pampagkatuto (competency).
3 Ang sagot ay wasto. Akma ang mga kaisipang inilahad sa kasanayang
pampagkatuto.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 11 16


2 Ang sagot sa ilang bahagi ay may kamalian. Bahagyang akma ang mga
kaisipang inilahad sa kasanayang pampagkatuto.
1 Ang sagot ay mas marami ang kamalian. Hindi lubusang akma ang mga
kaisipang inilahad sa kasanayang pampagkatuto.

PERFORMACE TASK (ONE PRODUCT)

KASANAYANG PAMPAGKATUTO: Naiisa-isa ang mga paraan at tamang proseso ng


pagsulat ng isang pananaliksik sa Filipino batay sa layunin, gamit, metodo, at etika ng
pananaliksik

UNPACKED MELC: Naiisa-isa ang mga paraan at tamang proseso ng pangangalap ng


datos at pagbuo ng draft para sa pagsulat ng pananaliksik.

SITUATION: Sa kasalukuyan, pinangungunahan ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF),


sa pakikipag-ugnayan sa Kagawaran ng Edukasyon, ang pangangasiwa ng mga programang
makatutulong sa pagtataguyod at pagpapayaman ng wikang Filipino, at isa na nga rito ay
pagsulat ng mga pananaliksik sa Filipno. Upang makatulong kahit sa simpleng paraan,
nanawagan ang iyong guro sa pananaliksik na gumawa ng flyers na naglalaman ng mga
paraan at tamang proseso ng pangangalap ng datos at pagbuo ng draft para sa isasagawang
pananaliksik. Bago maipamahagi ang flyers sa ibang mag-aaral na wala pang sapat na
kaalaman sa pananaliksik, kikilatisin muna ito ng iyong guro batay sa mga sumusunod na
pamantayan: nilalaman, organisasyon at paggamit ng wika at mekaniks.

GOAL: Makagagawa ng flyers

ROLE: Mag-aaral/Mananaliksik

PRODUCT: Flyers

AUDIENCE: Mag-aaral na wala pang sapat na kaalaman sa pananaliksik

RUBRIK SA PAGTATAYA NG GAWAIN:


NAPAKAHUS MAHUSAY KASIYA-SIYA NANGANGAILA-
AY NGAN NG
KATE- 3 2
PAGPAPAHUSAY
GORYA 4
1

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 11 17


Ang flyers ay Ang flyers ay Ang flyers y ay Ang flyers ay
siksik sa mga may taglay na may taglay na walang kaalamang
kaalamang kaalamang ilang kaalamang taglay at wala ring
nakabatay sa nakabatay sa nakabatay sa mga datos na
mga angkop na mga angkop na ilang mga datos pinagbatayan mula
Nilalaman datos mula sa datos mula sa mula sa sa pananaliksik.
pananaliksik. pananaliksik. pananaliksik.

Napakalinaw, Kakikitaan ng Kakikitaan ng Walang tiyak na


napaka- pagiging estruktura subalit istruktura na
organisado, at malinaw at hindi nabalanse nagresulta ng
napaka-lohikal lohikal ang o hindi maayos kalituhan sa ideya.
ang pagkakasunod- ang pagkakahati- Maraming punto o
Organi- pagkakasunod- sunod ng mga hati ng mga ideya ang inilahad
sasyon sunod ng mga ideya at ideya. Sapat ang ngunit hindi
ideya at impormasyon pagkakasunod- kinakitaan ng
impormasyon kaya madaling sunod ng mga kaisahan at
kaya madaling maunawaan. impormasyon kaugnayan sa bawat
maunawaan. upang isa na maaaring
maunawaaan ang magdulot ng
nilalaman ng kalituhan o
nabuong buod. pagkakaiba.
Lubhang Mahusay at Maraming mali Kailangang baguhin
mahusay ang napamamahalaan sa gramatika at o ayusin dahil halos
Paggamit
paggamit ng (manageable) baybay gayundin lahat ng
ng Wika at
wika, walang ang mali sa sa gamit ng pangungusap ay may
Mekaniks
mali sa gramatika, bantas at mali sa gramatika,
gramatika, baybay at gamit mangilan-ngilan baybay at gamit ng
baybay at gamit ng bantas at may lang ang bantas at
ng bantas, at mayamang bokabularyong napakalimitado ng
may bokabularyo. ginamit. bokabularyo.
napakayamang
bokabularyo.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 11 18


SUSI SA PAGWAWASTO

SUSI SA PAGWAWASTO
SUBUKIN

1. A 2. A 3. A 4. B 5. D 6. O 7. X 8. X 9. O 10. X

Elektroniko
PAGYAMANIN

Hanguang Primarya Hanguang Sekondaryo Elektroniko


Mga indibidwal o Aklat, diksyunaryo, Free press.com
awtoridad ensiklopedya, taunang-ulat
TAYAHIN o yearbook, almanak at atlas
Mga grupo o organisasyon Mga nalathalang artikulo sa youtube
Pamilya, asosasyon,dyornal, magasin,
unyon,etc pahayagan at newsletter
Mga kinagawiang kaugalian Mga tesis, disertasyon at Canva.com
religion at pag-aasawa pag-aaral ng feasibility,
nailathala man ang mga ito
o hindi
* Mga pampublikong sulatin Mga monograp, manwal, Pinteres ,etc
Konstitusyon, polyeto, manuskrito at iba
batas,kautusan,sulat, pa.
talaarawan, etc

TAYAHIN

1. A 2. A 3. A 4. B 5. D 6. O 7. X 8. X 9. O 10. X

*Ang sagot ng mga mag-aaral sa mga gawain sa iba pang bahagi ay maaaring magkakaiba-iba.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 11 19


SANGGUNIAN

K-to-12-Most-Essential-Competencies-with-Corresponding-CG-Codes.pdf

AKLAT
Alejo, C.T. et al. (2005). Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik. C&E Publishing, Inc.,

Alamario, V.S. et al. (2016). Introduksiyon sa Saliksik. Aklat ng Bayan, Metro Manila

Bandril, L.T. et al. (2016). Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik.
Quezon City: Vibal Group
Bernales, R. A. et al. (2012). Pagbasa, Pagsulat at Introduksyon sa Pananaliksik: Batayan at
Sanayang-aklat sa Filipino 2. Malabon City: Mutya Publishing House, Inc.
Bernales, R. A. et al. (2009). Pagsulat, Pananaliksik: Batayan at Sanayang- Aklat sa Filipino
2, Antas- Tersyarya. Malabon City: Mutya Publishing House, Inc.

Bernardino, E. C. et al. (2016). Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto sa Pananaliksik.


Malabon City: Mutya Publishing House, Inc.

Garcia, T. P. et al. (2008). Mabisang Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik. Malabon


City: Mutya Publishing House, Inc.

Jocson, M.O. et al. (2005). FILIPINO 2: Pagbasa at pagsulat Tungo sa Pananaliksik. Lorimar
Publishing Company Inc., 2005

Ulit, P. G. et al. (2008). Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik (Filipino2).Metro


Manila:Grandwater Publications

SANGGUNIANG ELEKTRONIKO
Bitmoji.com
https://www.123rf.com/clipart-
vector/middle_school.html?sti=lvj9eom9vi3pwvvyu2|&mediapopup=41741867
https://www.123rf.com/photo_81304793_stock-vector-student-stress-icon.html
https://webstockreview.net/image/why-clipart/21648.html
http://www.priscillaloebenberg.com/random-house-expands/
https://www.sachinrekhi.com/how-to-find-your-ideal-customer
https://www.123rf.com/photo_35969895_black-head-with-group-of-colorful-question-mark-
https://spirit-riding-free-fan.fandom.com/wiki/Oliver
https://tenor.com/view/walk-man-books-study-gif-15377165
www.museopambata.org
https://www.slideshare.net/aliciamargaretjavelosa/pangangalap-ngdatos-filipino
(46) (PPT) PANGANGALAP NG DATOS new | ella perez - Academia.edu
arvicbabol.com
https://www.slideshare.net/aliciamargaretjavelosa/pangangalap-ng-datos-filipino

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 11 20


For inquiries or feedback, please write or call:
Department of Education-Schools Division of Laoag City
Curriculum Implementation Division (CID)

Brgy. 23 San Matias, Laoag City 2900


Contact Number: (077)771-3678

Email Address: laoagcity@deped.gov.ph

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 11 21

You might also like