You are on page 1of 3

Pagbuo ng Pansamantalang Balangkas at Konseptong Papel

“Ang balangkas ay isang mahalagang gabay sa proseso ng pagsulat, ito ay


aalalay.”
Ang arkitekto ay bumubuo muna ng plano o blueprint bago simulan ang konstruksiyon ng
isang bahay o gusali. Nakatutulong ito nang malaki upang sa una pa lang ay may gabay na
siya sa disenyo, itsura, sukat, at maging kulay ng gusaling itatayo.

Kung ang arkitekto ay may plano o blueprint, ang manunulat naman ay may balangkas.
Nakatutulong sa manunulat ang balangkas upang maging maayos o organisado ang kanyang
isusulat mula simula hanggang wakas.

Mababasa ang ilan sa mga kahalagahan ng pagbuo muna ng balangkas bago


simulan ang pagsulat
 Higit na nabibigyang-diin ang paksa- Ang paksa ang pinakasentro ng sulatin kaya naman
makatutulong ang pagbuo ng balangkas upang matiyak na ang lahat ng impormasyong
isasama sa sulatin ay sesentro o tutugon sa paksa.

-Magagabayan din nito ang manunulat sa paghahanap ng tamang kagamitan, sanggunian, o


datos na magpapatibay at magpapatunay sa paksa.

 Nakapagpapadali sa proseso ng pagsulat- dahil nakaplano na ang bawat bahagi ng


sulatin ay magiging madali para sa manunulat ang mag-pokus sa bawat bahagi ng
kanyang balangkas. Makatutulong ito upang mapadali ang proseso ng pagsulat dahil
magiging maayos ang daloy nito kaya’t nakababawas ito sa oras na inilalaan para sa
pagrebisa ng sulatin.

 Nakatutukoy ng mahihinang argumento- sa pagbabalangkas ay nahahati-hati ang


malalaking ideya. Ang bawat malaking ideya ay nilalagyan pa ng sumusuportang detalye
upang maging matibay na argumento. Sa pagbuo ng balangkas, agad natutukoy ng
manunulat kung alin-aling argumento ang mahihina dahil halos wala siyang mailagay na
detalyeng susuporta rito. Sa bahaging ito pa lang ay magagawa nan iyang ayusin at
rebisahin ang mga argumentong mahihina.

 Nakatutulong maiwasan ang writer’s block- mahirap magsimulang magsulat kung isang
malinis na papel o cursor na kumikindat-kindat sa malinis na monitor lang ang kaharap
para sa isang malaking proyektong tulad ng sulating pananaliksik. Makatutulong nang
malaki ang balangkas upang magkaroon ng direksiyon ang manunulat at mapag-isipan
ang kanyang mga isusulat.
Pagbuo ng Pansamantalang Balangkas
Sa araling ito ay lalong magkakaroon ng direksiyon ang iyong gawain sapagkat bubuo ka ngayon
ng pansamantalang balangkas. Ginamit ang salitang pansamantala sa balangkas na gagawin mo
sapagkat hindi pa ito pinal. Habang dumarami kasi ang nababasa mong sanggunian ay
nadaragdagan o lumalawak ang kaalaman mo tungkol sa iyong tesis kaya’t maaaring may
mabago pa sa iyong balangkas.

Bagama’t hindi pa pinal ay mahalaga ang pansamantalang balangkas sa pagbibigay ng


direksiyon sa mananaliksik. Mula rito’y makikita niya kung ang mga ideya ay konektado sa isa’t
isa, kung maayos ang daloy ng bawat bahagi. At kung walang puwang o gap na dapat punan sa
pagkakasunod-sunod ng mga ito.

Ang pansamantalang balangkas ay magsisilbi ring gabay upang masagot ng mananaliksik ang
dalawang mahahalagang tanong:

- Ano-ano na ang mga bagay na alam ko na o nasaliksik ko na at maaari ko nang i-organisa


patungkol sa aking paksa?

- Ano-ano pang mga datos o impormasyon ang wala pa o kulang pa at kailangan ko pang
saliksikin?

Sa pagsasagawa ng pansamantalang balangkas ay mahalagang i-konsidera ang pagiging maayos


ng daloy ng bawat bahagi. Sa simula pa lang ay mahalaga na ang binuo mong matibay na
pahayag ng tesis. Dito kasi ihahanay o i a-align ang iba pang bahagi o nilalaman ng iyong
balangkas. (ipapakita ng Guro ang halimbawa ng Pansamantalang Balangkas)

Ang Konseptong Papel


Mula sa iyong nabuong paksa, pahayag ng tesis, at balangkas ay maaari ka na ngayong bumuo
ng iyong konseptong papel.

Sa pamamagitan nito’y mailalahad mo ang magagawa mo upang mapatunayan ang iyong paksa
at pahayag ng tesis. Samakatwid, ito ang magsisilbing proposal para sa gagawin mong
pananaliksik.

Makatutulong ang konseptong papel upang lalong magabayan o mabigyang-direksiyon ang


mananaliksik lalo na kung siya’y baguhan pa lang sa gawaing ito.

Bago pa man kasi niya gawin ang malalimang pagsisiyasat o pagpapatunay sa pamamagitan ng
mga nakalap na ebidensiya ay magkakaroon na siya ng pagkakataong maipakita o mailahad
kung ano ang mangyayari.
Sa pamamagitan nito’y malalaman agad ng guro ang tunguhin o direksiyong ninanais niya para
sa sulatin. Makapagbibigay agad ng feedback, mungkahi, o suhestiyon ang guro kung sakaling
may mga bahagi sa konseptong papel na kailangang maisaayos pa.

Ayon kina Constantino at Zafra (2000), may apat na bahagi ang konseptong papel na binubuo
ng rationale, layunin, metodolohiya, at inaasahang output o resulta.

1. Rationale- ito ang bahaging nagsasaad sa kasaysayan o dahilan kung bakit napiling
talakayin ang isang paksa. Mababasa rito ang kahalagahan at kabuluhan ng paksa.

2. Layunin- dito naman mababasa ang hangarin o tunguhin ng pananaliksik base sa paksa.

3. Metodolohiya- ilalahad dito ang pamamaraang gagamitin sa pagsusuri naman niya sa mga
nakalap na impormasyon.

May iba’t ibang paraan ng pangangalap ng datos o impormasyon

• Ang pinakakaraniwang paraan ay ang tinatawag na literature search kung saan ang
mananaliksik ay naghahanap ng impormasyon o datos sa mga kagamitang nasa aklatan
at sa Internet.

• Kaya naman, may mga mananaliksik na nangangailangang magsagawa ng obserbasyon


at pagdodokumento ng mga naobserbahan, sarbey sa pamamagitan ng pag-interview o
sa pamamagitan ng paggamit ng survey form, questionnaire, one-on-one interview sa
mga taong may awtoridad at primaryang makapagbibigay ng impormasyong
kinakailangang makuha, o focused group discussion, at iba pa o kombinasyon ng dalawa
o higit pang paraan upang higit na mapagtibay ang kanilang argumento o pagpapatunay
sa kanilang tesis.

4. Inaasahang output o resulta- dito ilalahad ang inaasahang kalalabasan o magiging resulta ng
pananaliksik o pag-aaral. Dahil patuloy pa rin ang pangangalap ng impormayon ay maaaring
magkaroon pa rin ng pagbabago ang inaasahang resulta sa pinal na papel depende sa
kalalabasan ng pagkalap ng datos. (ipapakita ng guro ang halimbawa ng Konseptong Papel)

You might also like