You are on page 1of 17

ARALIN 3- Pagbuo ng

Pansamantalang Balangkas at
Konseptong Papel
Balangkas
• Ito ang nagsisilbing plano o blueprint bago
simulan ang konstruksiyon,
• Nakatutulong sa manunulat upang maging
maayos o organisado ang kanyang sinusulat mula
simula hanggang wakas
Balangkas
• Gamit ito ay nakikita ng manunulat kung ang
mga ideya ay konektado sa isa’t-isa
• O kung maayos ang daloy ng bawat bahagi at
kung walang gap na dapat punan sa pagkasunod-
sunod
Kahalagahan ng Pagbuo ng Balangkas
• Higit na nabibigyang diin ang paksa
• Nakapagpapadali sa proseso ng pagsulat
• Nakatutukoy ng mahinang argumento
• Nakatutulong maiwasan ang writer’s block
Halimbawa ng Balangkas
Paano Ginagamit ang E-Textbooks sa Loob ng
Silid-aralan
I. Introduksyon
A. Paunang Kaalaman o Background sa Paggamit ng E-textbook sa
silid-aralan
B. Layunin ng Pag-aaral
C. Pahayag na Tesis
D. Mga Tanong na Nais Sagutin ng Papel
E. Kahalagahan ng Pananaliksik
F. Lawak at Delimitasyon ng Papel
II. Mga Kaugnayan na Literatura
A. Depinisyon ng E-Textbook
B. Maikling Kasaysayan ng E-textbook
C. Mga Pormat ng E-textbook
D. Pagkokompara ng E-textbook sa mga Inimprentang Libro
E. Mga Naunang Pag-aaral Tungkol sa Paggamit ng E-Textbook
III. Metodolohiya
A. Obserbasyon
B. Dokumentasyon
C. Pag-iinterbyu sa mga Mag-aaral at Guro
D. Sintesis ng mga Nakalap na Datos
IV. Resulta
V. Kongklusyon at Rekomendasyon
VI. Bibliograpiya
Ang Konseptong Papel
Konseptong Papel
• Ito ang nagsisilbing proposal para sa gagawin
mong pananaliksik
Kahalagahan ng Konseptong Papel
• Sa pamamagitan nito’y mailalahad mo ang
magagawa mo upang mapatunayan ang iyong
paksa at pahayag na tesis.
• Makatutulong upang magabayan o mabigyang
direksiyon ang mananaliksik
• Makapagbibigay agad ng feedback, mungkahi o
suhestiyon ang guro kung sakaling may mga
bahagi sa konseptong papel na kailangang
maisaayos pa.
Apat na Bahagi ng
Konseptong Papel
Rationale

• Bahaging nagsasaad sa kasaysayan o dahilan


kung bakit napiling talakayin ang isang paksa.
• Mababasa ang kahalagahan at kabuluhan ng
paksa
Layunin

• Mababasa dito ang hangarin o tunguhin ng


pananaliksik base sa paksa
Metodolohiya

• Ilalahad dito ang pamamaraang gagamitin ng


mananaliksik sa pangangalap ng datos gayundin
ang paraang gagamitin sa pagsusuri naman niya
sa mga nakalap na impormasyon
--Iba’t-ibang paraan sa
pangangalap ng datos:

1. Literature search- pinakakaraniwang paraan ng


pangangalap ng datos, kung saan ang
mananaliksik ay naghahanap ng impormasyon o
datos sa mga kagamitang nasa aklatan at sa
internet.
--Iba’t-ibang paraan sa
pangangalap ng datos:

2. Obserbasyon at pagdodokumento
3. pag-iinterview o paggamit ng survey form o
questionnaire
4. one-on-one interview
5. Focused group discussion
Inaasahang Output o
Resulta

• Nakalahad ang inaasahang kalalabasan o


magiging resulta ng pananaliksik o pag-aaral

You might also like